Chapter Twenty Four

MAXEEN'S POV

TAHIMIK lamang akong nakaupo sa tabi niya habang siya ay may kausap sa telepono at tawa nang tawa. Napaingos nalamang ako at binaling ang tingin sa bintana pero hindi mawala ang pagiisip ko sa katabi ko kung sino ba ang kausap nito at ganuon nalang kung makatawa. Pinapainit niya ang dugo ko!

Kung sino man iyang punyetang kausap niya ay malilintikan saakin, bakit pinapatawa niya ang lalaking ito?! Mahalaga ba siya dito?! Siguro babae iyan kaya iyan ganyan maka tawa.

Nang matapos itong makipag usap sa telepono ay sumiksik saakin at inihilig sa balikat ko ang ulo niya na agad ko namang tinulak.

"Masakit 'yon babe ah,"

"Babe mo mukha mo gago!" Sasampalin ko sana siya nang mabilis itong umiwas at lumayo saakin. Isiniksik niya ang sarili niya sa kabilang dulo nang sasakyan.

"Bakit ka ba ganyan? Palagi mo akong sinasaktan, hindi ka na ba naaawa saakin? Mapapatay mo nga siguro ako kasi hindi mo naman ako mahal e" napalingon ako sakanya at hindi ito nakatingin saakin. Nakatingin ito sa bintana at hindi saakin. Bakas sa boses nito ang lungkot at sakit na nararamdaman.

Bigla akong nakaramdam ng awa para sakanya. Tama naman talaga siya, palagi ko nalang siyang sinasaktan to the point na mapapatay ko nalang talaga siya, at hindi ko naman magagawa iyon sakanya e. Kahit gago siya hindi ko siya mapapatay kasi tinulungan niya ako at totoo siyang tao. Hindi naman sobrang bato nang puso ko to the point na hindi ako marunong mag tanaw nang utang na loob.

Pero kasi ayaw ko lang maipakita ang lahat nang nararamdaman ko, ayokong sirain ako nang damdamin ko kaya mas pipiliin kong kimkimin at itago nalang ito sa loob ko, kasi maaari akong talunin nang aking damdamin at mahirap kalabanin ang sarili.

Ayokong matalo ako nang sarili kong nararamdaman.

Mas pinili ko na manahimik nalang. Hindi ko nalang siya sinagit at pinakalma ang sarili at baka kung ano pa ang masabi ko sakanya. Hanggang sa pagdating namin saaming patutunguhan ay hindi ako umimik, akala ko ay hindi na niya ako papansinin dahil sa nangyari kanina pero inalalayan niya parin ako at iginiya papasok.

"Thank you" i said as he guided me.

Hinawakan niya ako sa kamay kaya naman nagtataka akong tumingin sakanya.

"So no one can steal you from me, okay lang ba?" Napatitig ako sakanya saglit pero hindi nalang ako sumagot at naglakad na.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob. Madaming tao ang bumabati saaming dalawa. Halos lahat nang narito ay kilala ako, siguro nasa iisang mundo lang kaming lahat nang narito kaya kilala nila ako. Our Mafia is famous so hindi maipagkakaila na  kilala kami sa mundong ito.

"Linton! Oh my god! It's nice to see you again" sabi nang isang babae sabay yakap dito nang mahigpit, habang ako heto at magkahawak parin ang kamay namin habang siya nakikipag yakapan sa babaeng ito.

Sinubukan ko alisin ang kamay ko pero hindi niya ako hinayaan, subalit ay inilayo niya ang babae sakanya.

"Ate Fay," inalis niya ang pagkakahawak nang aming mga kamay at sabay akbay saakin. "This is Maxeen Yoo, my wife." Agad kong inalis ang braso niya saaking balikat at kinurot sa tagiliran dahil sa narinig ko.

"Wife your face!" Mabilis akong umalis sa harapan nila at naghanap nang mauupuan.

Okay na sana e. Hindi na sana ako papatol pa sakanya at makikipag bulyawan pero dahil sa sinabi niya? Nag init ang tenga ko. Mapapatay ko talaga ang hayon na iyon kapag nagpatuloy pa siya sa panlalandi niya saakin. Animal na iyon! Asawa daw ako?! Wife niya daw ako?! Ano siya gago? Kapal nang mukha mag feeling na mag asawa kami e hindi man lang nga kami naging mag jowa.

Haish! Nakakapang init talaga ng kalamnan!

Naramdaman kong may tumabi saakin, nilingon ko kung sino pero mas lalong uminit ang dugo ko nang makita ko ang lalaking dahilan kung bakit nag iinit ang dugo ko ngayon. Sinamaan ko siya ng tingin, 'yung tingin na papatayin na talaga siya.

Nagulat ako nang bigla nalamang itong ngumiti nang napaka lapad, iyong tipo na nakapikit na ang mga mga niya dahil sa sobrang ngiti?

"Nagseselos ka ba kay Fay?" Hinampas ko siya sa dibdib pero nasalo niya lang iyon at mas lalong ngumisi saakin. "Uyy, nagseselos ang asawa ko, ayieeeee kinikilig ako" tinapakan ko ang paa niya gamit ang takong nang aking heels. "Arayyy!" Itinulak ko siya at lumayo sakanya.

Bwisit na 'to. Mas lalo akong pinipikon.

Patuloy parin siya sa pag daing dahil sa pagtapak ko sa paa niya. Nasisigurado kong masakit iyon dahil mismomg takong ko talaga ang pwersa kong itinapak sa paa niya. Sana naman natauhan na siya na dapat hindi niya ako landiin.

Tumayo ako at aakmang aalis nang mapansin kong ang lahat nang atensyon ng tao ay nasa kung saan, kaya naman sinundan ko kung saan sila nakatingin and i almost stop to breath nang makita ko si Maureen na kasama ni Dree Francisco, and take note na magkahawak pa sila nang mga kamay nila.

What is the meaning of this?

Ang buong pagkakaalam ko ay nasa bahay siya at ginagawa ang misyon na naiwan ko. And now? Makikita ko siya na nakikipag holding hands sa Dree Francisco na iyan? My god Maureen! Ano nanaman bang pinasok mo ngayon?

Nang tumingin siya saakin ay tinanong ko siya nang madaming katanungan gamit ang akong mga mata na nakatingin sakanya. Nakikita ko sa reaksyon ni Maureen na naguguluhan rin siya sa nangyayari, so gindi niya alam ang bagay na ito? Sa pakulo ni Francisco?

Naramdaman ko ang pagpulupot nang braso ni Hervè sa balikat ko kaya naman agad ko iyong iwinaligwig at kinurot siya sa tagiliran.

Patuloy akong nakatingin sakanilang dalawa hanggang sa maka akyat sila ng stage. My twin seems like a clueless cat, mataman lang siyang nakatingin kay Dree na naguumpisa nang magsalita sa mic.

Napukaw ang atensyon ko nang magsalita si Dree "I don't know how to start but, can you guys ask me anything so i can start--" hindi na nito natapos ang pagsasalita nang bigla nalamang sumigaw ang bwisit na nasa tabi ko.

"Bro! Can you introduce her to us? God Bro! Naglilihim ka na saakin!" Sigaw niya, may mga sasabihin pa ito pero hinampas ko ito sa braso para patigilin ang kahihiyang ginagawa niya. Napapatingin tuloy ang mga tao saamin.

Ibinalik ko ang atensyon kay Dree at Maureen, napakunot ang nuo ko sa ginawang paghapit ni Dree palapit sa katawan niya si Maureen na nagulat rin sakanyang ginawa. What the fuck? Sa harap ko pa talaga sila maglalandian? Sa harap pa talaga ng maraming tao? Such eww.

"This woman in front of all of us is Maureen Yoo, you guys already know her right? They're famous, sila nang kambal niya kaya hindi na bago saakin na hindi niyo sila kilala. Matagal na silang kilala sa industriya nang mundo nating lahat rito, at pareho lang nating lahat gusto lamang rin nila, nang Mafia Yoo Organization na makamit ang katarungan at nararapat para sa iba," i cross my arms. Well, he's right naman sa lahat nang sinabi niya. Kilala nga kami.

Tumingin siya sa mga tao saglit ang that includes us bago muling nagsalita. "And this woman already owned my heart," napasinghap ako dahil sa narinig ko.  "I love you Maureen Yoo, can i be your boyfriend?" Namilog ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. He confess to my sister?

Iba't iba ang naging reaksyon nang mga tao but i remain silent at isinasaisip ko nalang ang reaksyon ko dahil sa sinabi ni Dree. Nuong nakaraang linggo lang ay umaakyat sila nang ligaw sa bahay namin tapos ngayon magtatanong na siya kung pwede na siyang maging boyfriend nang kapatid ko? Ano ba talaga kasing nangyari at wala akong kaalam alam!

"Ikaw kaya, kailan mo kaya ako papapasukin sa puso mo?" Marahas akong napabaling sa katabi ko nang tingin. Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil lutang ang isip ko and besides may music na naka play kaya hindi ko talaga narinig.

"Minura mo ba ako?" Masama ang tingin ko sakanya. Nagulat siya sa itinanong ko at nagigiti na napailing nalang saakin. "Tsk" inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon sa harapan.

Hinihintay ko kung ano ang isasagot ni Maureen. Hindi ko alam pero gusto ko nalang bigla marinig ang isasagot niya, wala akong nararamdaman na galit, inis or any negative feelings basta ang nararamdaman ko lang ay excitement na malaman kung anong isasagot niya sa tanong ni Francisco sakanya.

Nakita kong ibinuka ni Maureen ang bibig niya at hinintay ko kung anong sasabihin niya nang makita kong gumalaw ang kamay niya at kinuha at baril sakanyang clutch bag at itinutok iyon kung saan na agad ko namang sinundan nang tingin.

May lalaking balot ng maskara ang mukha at may hawak na sniper at sa tingin ko ay nakatutok iyon kay Francisco. Inilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at napansin kong may isa pang lalaki na nakasampa sa may bandang kanan, inililis ko ng kaunti ang dress na suot ko at kinuha duon ang tinagong baril kanina at agad iyong ipinaputok sa lalaki at agad itong bumagsak.

Agad akong umakyat sa stage at tinulungan si Maureen na itayo si Francisco nut he didn't let us kasi mabilis na siyang tumayo at nag hugot ng baril sakanyang likuran sabay paputok niyon sa kung saan.

"Umalis na kayo rito kami na ang--"

"So selfish. Hey Mr. Francisco, pumapatay po kami ng demonyo at hindi mo gawain iyon" medyo naiinis ko na aniya at medyo nagitla nang may mga putok ng baril akong narinig. "Fuck! This event if awesome!"

Agad akong umikot at kinuha ang isa ko pang baril sa kabilang hita ko at pinaputok iyon sa mga lalaking umaakyat sa mataas na pader ng gusali na ito. May mga lahi palang unggoy ang mga demonyo na ito.

Hindi na ako nagulat nang hindi nagtatakbuhan ang mga tao rito sa event, because hey! Lahat sila pumapatay.

Kanya kanyang galaw ang lahat sa pagpapaputok ng baril at pakikipag buno sa mga demonyo na hindi naman inimbitahan pero nakikidalo saamin. Napalingon ako kay Hervè at nakita kong may lalaking naka maskara at nakatutok na ang baril sakanya pero nakatayo lang siya duon na parang gulat sa lahat ng nangyayari, hindi man lang siya kumikilos for freakin' sake!

Mabilis akong tumakbo papalapit sa lalaking nakatutok ang baril sakanya. Sinipa ko ang baril sakanyang kamay at sinipa siya sa dibdib samay putok ng baril sakanyang nuo. Binaril ko rin at pinalutukan sa nuo lahat ng mga lalaking palapit saakin.

Mabilis akong bumalik sa kinatatayuan ni Hervè at tama nga ako na nakatayo parin siya ruon na parang poste at malalaki ang matang nakatingin saakin. Mabilis ko siyang hinatak papasok sa loob, marahas kong pinindot ang button para mag ukas ang elevator at nang magbukas iyon ay mabilis kong hinigit si Hervè para sumakay, sasara na sana ang pinto ng elevator nang may humarang kamay, it's Francisco at kasama niya ang kapatid ko kaya hinigit ko siya para mabilis na silang makasakay.

Marahas kong iniharap saakin si Hervè na nakatulala parin at parang pigil ang hininga. "What the fuck Hervè! Mapapatay kanang lahat nakatayo ka lang?! Hindi--"

"He doesn't want to kill Maxeen, iba si Hervè keysa saakin." Bumaling ako ng tingin sakanya.

"What?!" Hindi ko mapigilan ang tumaas ang boses ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"You know Maxeen, hindi natin siya katulad. He may be look as a fucker but he's too innocent at this things, kaya siya ganyan dahil ngayon lang siya nakakita nang mga patayan."

Bumaba ang emosyon ko, unti unting humupa ang inis at galit ko. Napahawak ako saaking pisngi nang maramdamang nabasa iyon, fuck! I'm fucking crying. Dahan dahan kong nilingon si Hervè na ngayon ay nakayuko na at nanginginig ang mga kamay.

Mabilis ko siyang niyakap kasabay ang hindi ko na napigilang paghikbi at pagluha nang walang tigil.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top