Chapter Nine
This chapter is dedicated to TenMiracle
MAXEEN'S POV
BUKAS na ang sinusumpa kong araw na mangyari sa buong buhay ko na gusto kong patayin lahat ng taong pupunta duon! Bwisit! Tangna! Malakas ang luob ko sa lahat ng bagay na may kinalaman sa pagpatay at pagpapahirap,pero sa bagay na ito?! Fvck! Not this thing! Parang lalabas lahat ng laman luob ko sa isiping kakanta ako sa maraming tao,at hindi lang isa kundi lima! Tupang kinalbo talaga o!
"Twin sis! I am so excited! Look,maganda ba? Hindi ba masyadong daring?" Masama ang tingin ko siyang nilingon na nakatayo sa full size na salamin dito sa walk-in closet niya at nagpapaikot ikot na na parang tanga.Pinasadahan ko ng tingin ang gown niya na isusuot na halos labas na ang kaluluwa niya.
"Di sana hindi ka nalang nag damit,tapos itatanong mo pa saakin kung hindi ba masyadong daring ang suot mo? Gaga ka talaga,malalagot ka kah Trigo kapag nakitang ganyan ang suot mo" paano ba naman kasi,halos kita na ang kaluluwa niya sa evening gown na isusuot niya para bukas.Long V neck spaghetti strap na hanggang tiyan ang haba tapos backless pa,cocktale style na halos kita ang hubog ng katawan niya.
Isipin ko palang na magsusuot ako ng ganun,naku! Baka mapatay ko ang sarili ko!
Inungusan niya lamang ako bilang sagot "Heh! Nakakainis kayong dalawa,I'm in the right age kaya okay lang na magsuot na ako ng mga ganito,masyado kayong istrikto,tatanda akong dalaga sainyo e!" Tinawanan ko lamang siya at lumabas na ng kwarto niya at nagpunta sa kwarto ko.Nakakarindi rin minsan ang pag-iinarte ni Mau
Inilabas ko ang susuotin kong damit sa malaking kahon na nakalapag sa kama ko.It's just a simple long evening dress,medyo mayruon itong buntot,turtle neck style,at may malaking butas na pa-oblong sa likod niyon,leche kasi 'yang designer na kinuha Mau! Sinabi ko nang 'wag ng lagyan ng ganun e!
Tinawagan ko si Nora para kamustahin ang trabaho nila.
"íso̱s epísi̱s tha ypárchoun deiknýo̱ sas orycheío ómorfi̱ Nóra?" Siguro naman may ibabalita ka saakin maganda Nora.
Deretsahang sabi ko sakanya,sandali siyang hindi nakapagsalita at nadinig ko ang mga pagtipa sa keyboard ng computer
"nai maxeen mr luzarga eínai megalýtera adelfós eínai edó̱ sto filippínes tó̱ra af̱tós akrivó̱s éftase af̱tó no̱rítera" Yes,Maxeen.Mr.Luzarga's older brother is here in the Philippines now,he just arrived this earlier. Huminto siya sa pagsasalita at parang may malalim na iniisip "allá i̱ persevered egó̱ aplá af̱tós den perilamvánei mia bantay at den epéstrepse sti̱ voulí̱ to̱n jimuel luzarga to xenodocheío échei kefáli" pero ang ipinagtataka ko lang,wala siyang kasamang ni isang bantay.At hindi siya umuwi sa bahay ni Jimuel Luzarga,sa hotel siya tumuloy.
Dahil sa sinabi niya,agad akong nagpunta sa tagong lugar namin,may kanya kanya kaming lagusan ni Mau para makarating ruon.Agad kong binuksan ang tv at tiningnan ang mga videos na kuha ng mga tauhan namin,mula sa paglapag ng eroplano ni Junel Luzarga hanggang sa pagpunta nito sa hotel.Tama nga si Nora,mag-isa nga lang siya at hindi kita sa pananamit at itsura niya ang pagiging demonyo ng pamilya nila.
Pinahinto muna kasi ako ni Maureen sa pag iimbestiga para raw makapag focus ako sa pagpa-practice,pero hindi naman ako mapakali at basta nalang maupo rito habang ang mga demonyo ay hayahay na nakakagala.
"tétoia káno̱ páei omádes syzi̱tí̱seo̱n to̱n i̱pa ópou échei érthei ópo̱s narin af̱toí oi ánthro̱poi miloún gia na ton dierev̱ní̱soume sas" Ganun ba? sige,balitaan mo kami. Kung saan sya magpupunta, pati narin ang mga taong kinakausap niya imbestigahan niyo. Pinatay ko na ang tawag at bumalik na sa kwarto ko at nagbihis.
Hindi ko hahayaan na makawala sa mga kamay ko ang ni isa sa mga Luzarga,they're the reason why we suffer before at dahil duon hindi namin nailigtas ang mga magulang namin dahil sa mga demonyong pumatay sakanila.
Buhay ang kinuha,buhay rin ang kapalit.
And I'll make sure na mas doble sa pinaranas nila saamin ang gagawin namin sakanila,walang matitira sa katawan nila na hindi duguan,papahirapan ko sila hanggang sa sila na ang gustong tumapos sa sarili nilang buhay.They're the reason why I'm like this,like this demon now who used to kill people in just a second,na handang pumatay kahit sino man.
Nakalimutan ko na ang salitang magpatawad,hindi na uso saakin na nasa huli ang pagsisisi at hindi simpleng sorry lang ang kailangan ko,kundi buhay.Milyong milyong buhay na dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.
Hindi pa ako tapos maglaro,actually kakasimula ko palang at hindi ko magagawang palagpasin ni isang hibla ng buhok ng mga demonyong nagpahirap at pumatay sa pakiramdam ko.
"MAUREEN! Ang bagal mong kumilos,nilalamig na ako sa suot kong 'to!" Actually nangangati narin ako sa suot kong 'to,bata pa ako ng nagsusuot ako ng dress pero simula ng nangyari 'yung insedenteng 'yun,hindi na ako nagsuot pa ng mga masyadong gurly na damit,si Maureen nalang.Walang lalake sa pamilya namin kaya kailangan kong maging matatag at malakas katulad ng isang lalake,i don't attend parties i only go to the bars umiinom lang but nothing else hanggang dun lang talaga.
"Oo na pababa na!" Tumayo na ako at inayos ang suot ko na mahaba at babaeng babae talaga,jusko! Parang nakikita na ang kaluluwa ko dito.
"You don't used to wear that kind of dress,but it's really suits you" sinamaan ko ng tingin si Trigo na pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa na may nakakalokong ngiti "smile baby.Mas makakadag iyon sa ganda mo" mabilis kong kinuha ang baril na nasa purse ko at itinutok ko iyon sa ulo niya.
"Talk.Or Kill? Choose,nangangati na ang daliri kong kalabitin 'to saiyo" hindi nakatakas sa mga mata ko ang pagkawala ng kulay sa mukha niya at bakas ang takot sa mata
"Binibiro lang naman kita,and i just give my compliment. Hindi naman masama iyon e" mas lao kong ipinag duldulan sa nuo niya ang baril ko.
"Pwes ibahin mo ako,iba ang dating ng biro mo saakin and i don't accept any compliment, so you better shot you your fucking mouth" ibinaba ko ang baril ko at ibinalik sa purse ko,sakto naman na bumababa si Maureen
"Oh? Baket namumutla na 'yang si Trigo? Anong ginagawa mo diyan Max?" Dumeretso siya ng lapit kay Trigo at tinapik tapik ito sa pisngi na mukhang lutang parin at nakatulala lang sakanya
"Halikan mo,tiyak na mamumula 'yan" pagkasabi ko nuon ay tumalikod na ako at nauna na sa kotseng maghahatid saamin sa venue.Ilang minuto pa ako bago dumating 'yung dalawa,si Trigo ang mag da-drive saamin
Sa backseat umupo si Mau dahil ako ang nasa passenger seat. "Bakit ang tagal niyo? Naghalikan pa ba kayo?"
"What?!" At sabay pa talaga silang umngal saakin ah,nagkibit balikat nalamang ako at tiningnan ang phone ko
"Wala lang,ang tagal niyo kasi so i guess naghalikan--- aray ko Maureen! Bakit ka ba nambabatok diyan?! Letche ka!" Sinamaan ko siya ng tingin,wala naman akong sinasabing masama diba? Buti nalang siguro kung may malisya sakanila,teka nga may malisya nga ba sakanila ang bagay na iyon? He! Hindi ako chismosa
"Itikom mo na nga lang 'yang bibig mo Maxeen! Wala kang preno e" hindi ko siya pinansin,nilinga ko si Trigo na walang imik at pulang pula ang mukha
"Trigo,umamin ka nga.May pagnanasa ka kay Maureen 'no,o baka naman may nangyayari ng hindi ko alam sainyong dalawa? Tsk tsk,naku mahirap 'yan,taguan ng feelings ang peg niyong dalawa.Oopps! Teka nga lang pala,may Mr.Detention Room nga pala itong si Maureen so,goodluck Trigo." Ipinalsak ko na sa tenga ko ang earphones at nakinig sa mga kanta na kakantahin ko mamaya.
Anak ng pitong puting tupa naman o! Kinakain na ako ng kaba ko,may paganito pa kasing nagaganap e! Wala naman itong kwenta,tanging kasiyaan lamang ng mga tao ang makakapala sa panunuod saakin,e kung patayin ko nalang kaya silang lahat? Mas masisiyahan pa ako ruon kaysa sa pagkanta ko sa unahan 'diba?
MAUREEN'S POV
BWISIT talaga si Max! Wala man lang preno ang bibig,talagang tinanong pa talaga si Trigo kung may gusto ba daw saakin,syempre naman ang awkward ng tanong niya 'diba? Palibhasa walang lablayp e kaya nagkakaganyan 'yan.
Nakakahiya tuloy na pansinin si Trigo,kaya naman kasi kami nagtagal sa luob kanina kasi may binalikan pa ako sa taas,pinapauna ko na nga si Trigo pero ayaw niya so ayon sumabay nalang siya saakin sa paglabas,pero ang bruha ko talaga kapatid binigyan pa ng malisya.Hindi naman kasi kami naghalikan e! Pero bakit ang awkward awkward para saaming dalawa ng tanong na iyon? Siguro it is because what happened last last night,dahil siguro ruon.
Humanda talaga itong si Maxeen saakin mamaya,ako magiging cupid mo ngayon ng magkaruon ka na ng lablayp.Sino nga ba ang pwedeng itarget sakanya? Si Hervé! Let's see Max,let's see.
Maureen's long gown
Maxeen's long gown
A/N: Hindi ko rin talaga maintindihan ang takbo ng utak ng kambal na'to.
#PasukanNaba?
#WagGreen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top