CHAPTER TWENTY-TWO

"Ano ang tunay na relasyon n'yo ng lalaking iyon?" malumanay na tanong ng Kuya Marius niya sa kanya nang pumanhik na ito sa kanyang unit. Hindi gaya kanina kalmado na ang tinig nito. Ganunpaman, kinakabahan pa rin si Shelby. Hindi nga niya matingnan ito nang deretso. Ang iba naman niyang mga kuya ay tahimik lang sa isang tabi. Parang nakikiramdam.

"Ang laki ng naitulong niya sa akin---sa career ko. Dapat bang pagsusupladahan ko siya?"

"You're not answering the quesiton, Shelby Madeline," sagot ni Marius. Naningkit na ang mga mata nito at tinitigan pa nang mabuti ang nakababatang kapatid.

"Wala, Kuya. He's just a friend," sagot ni Shelby nang halos pabulong.

"Huwag mo akong sinasagot ng pang-showbiz. We are not celebrities."

Napahugot ng malalim na hininga ang dalaga. She looked exasperated. Masakit pa ang ulo niya dahil sa pagod. Ang haba ng araw niya today. Mula sa trabaho ay dumeretso silang magkakapatid sa MetLife Stadium pagkatapos sumama siya kay Gunter na mamasyal sa paborito nilang puntahan sa NYC---ang harbor. Inisip niyang sa pagdating sa condo ay magpapahinga na lang. Pero heto't malapit nang mag-alas tres ng umaga pero hindi pa tapos ang interrogation ng mga kapatid sa kanya.

"Gunter and I are just plain friends, Kuya. Nanliligaw siya pero hindi ko pa sinasagot."

"Hindi pa. Ibig mong sabihin ay may plano kang sagutin ang anak-araw na iyon?"

"Are you being racist, Kuya?"

"No. I'm just stating a fact. Kulay mais ang buhok niya. Sa atin, kapag ganoon ang kulay ng buhok ng tao tinatawag nating anak araw. Anyway, I just want you to know we do not trust him."

Hindi na sumagot doon si Shelby. Sa loob-loob niya'y nag-uumpisa na siyang mainis. Heto siya't halos magtu-twenty-four na pero pinapakialaman pa rin ang lovelife. Marahil tama in a way si Alfonso noon. May pagka-selfish ang mga kuya niya. Hindi nila isinaalang-alang ang kanyang kaligayahan. Ang importante sa kanila ay ang damdamin nila. Na hindi pa rin nakakahulagpos sa kahapon dahil ang tingin pa rin nila sa kanya ay isang batang musmos. Isang batang musmos na nangangailangan ng proteksiyon sa mga nakatatandang kapatid. Tatanda siguro siyang dalaga nito. Gusto na niyang maiyak.

"May pagkatuso pa siya sa negosyo. Hindi ba sinabi sa iyo ni Papa ang ginawa niya sa LA Hotel? Sinulot niya sana iyon, pero nang lakihan ng may-ari ang presyo ng property umatras din. He only delayed our transaction with them. Na-inconvenience pa sina Papa. Ang isang tusong negosyante ay walang puwang sa pamilya natin."

Hindi napigilan ni Shelby ang mapaluha. Parang napadaing si Matias sa nakita. Ito ang unang lumapit sa bunso nila at yumakap.

"Pwede ba, Kuya. Tama na?" reklamo pa nito.

Hindi sumagot si Marius pero parang natigilan. Makikitang tila kumislot ito sa nasaksihang pagluha ng kapatid. Napatalikod sila ni Markus pareho kay Shelby. Sina Moses at Morris nama'y lumapit at nakiyakap sa bunso.

"Stop crying, okay? Para rin naman sa iyo ang sinasabi ni Kuya," masuyong pahayag ni Moses habang nakikihagod sa likod ng dalaga.

"We are only doing this because we love you," bulong naman ni Morris sa kapatid. Humalik-halik pa ito sa hilam sa luhang pisngi ni Shelby.

"I know he's a good man. Tahan na," ang sabi naman ni Matias sa mahinang tinig. Nang marinig ito ng dalawang nakababatang kapatid na lalaki napamulagat sila sa kanya. Dinedma lang sila ni Matty.

**********

Maaga pa'y nagmartsa na sa upisina ng anak si Madame Margaux Quandt Albrecht. Makikita ang galit sa mukha nito. Pagkapasok na pagkapasok nga sa upisina ni Gunter ay agad na binagsak ang dalang dyaryo sa mesa ng binata. Saglit lang na natigil sa pagtitipa sa laptop niya ang huli para sumulyap sa pahayagan at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Explain this fvcking headline!"

Napahilot-hilot ng sentido niya si Gunter. This is the last thing he wanted to discuss this morning. Ang tungkol sa kanila ni Shelby. Masakit pa ang ulo niya sa stress na pinagdaanan kaninang madaling araw. Kung hindi lang dahil sa mga importanteng contracts na dapat niyang repasuhin at sa mga marketing proposals na dapat niya ring pirmahan hindi sana siya papasok.

"You have told me this Philipino girl and you are NOT dating! So you lied to me?"

Napahugot ng malalim na hininga si Gunter. Tinapos niya muna ang email na naka-address kay Mr. Stevenson bago sinagot ang ina.

"I didn't lie to you, Mom. When I said then we were not dating, we were NOT dating. But that was months ago."

"Are you telling me that you are choosing this ---- this Philipino girl over gorgeous Adeline?"

"She has a name, Mom. And her name is Shelby San Diego. But you can call her Shelby. She is not merely a Filipino girl. Stop calling her that."

"I can call her anything I want! I do not like her for you!"

"Fine. I respect your opinion."

Napakuyom ng mga palad si Madame Margaux Quandt Albrecht. Tila isa itong bulkang sumasabog. Eksaherado nga itong nagpakita ng panggigigil.

"That Shelby San Diego is not even near as beautiful as Adeline! My God! What did you see in her? I thought you have a fine taste in women."

Napangisi na rito si Gunter. "Yes, I do, Mom. That's why I've chosen her and not Adeline."

"I was even trying to convince myself that maybe---maybe Marinette is a better wife material for you. I was willing to forget Adeline if only you will choose Marinette! But now? Because of this, I will make sure you end up with Adeline Grayson!"

Pagkatapos no'n ay padabog na lumayas sa upisina niya ang ina. Pinagkibit-balikat na lamang ni Gunter ang pananakot nito. Alam niyang wala naman itong magagawa kung si Shelby nga ang pakakasalan niya balang-araw.

Speaking of marriage, shit. Napahilot siya ng sentido. Paano niya makukumbinsi ang mga kapatid ni Shelby na malinis ang intensyon niya sa dalaga? Hindi niya sukat-akalain na ang mga kakatwang impormasyong binigay sa kanya ni Frederick tungkol sa Filipino family ay totoo pala. Fvck! That means to say he has to learn how to plow a field! Sabi pa naman ni Shelby mayroon silang farm sa Pilipinas. Ibig bang sabihin no'n ay kailangan niya ring pumunta sa lugar nito mismo para doon siya magsilbi?

"Ugh! I hate it! I so hate it!"

"What boss?" nakangising tanong ni Frederick.

Kararating lang nito at may dala-dala itong isang mainit at umuusok na kape. Binigay nito ang isang mug sa kanya at hinigop naman ang isa pa.

"I saw Madame Margaux downstairs. She was very mad. What did you say to her, boss?"

"I told her I'll get married this Winter---to Shelby San Diego," Gunter replied absent-mindedly.

Naibuga ni Frederick ang nahigop na kape sa harapan ng amo sa kabiglaanan. Nagmantsa ang kulay itim na kape sa puting-puti na polo shirt ni Gunter. Napamura ito at kinutusan si Frederick na agad namang napatayo nang ma-realize kung ano ang naging kahihinatnan ng kabiglaanan niya.

"Boss, I'm so sorry. I was just shocked, that's all."

"You fvcking idiot! What did you do to my Armani suit? Get out!"

Ngingisi-ngising tumakbo palabas ng upisina ni Gunter ang assistant.

**********

"Dane, are you all right?" masuyong tanong ni Shelby sa kaibigan.

Kagigising lamang nito mula sa mahaba-habang pagtulog. Dinugo na naman kasi ito kung kaya naisugod na naman niya sa ospital. Buti nga kamo at umuwi siya sa shared condo nila nang gabing iyon. Ayaw niya kasi munang tumuloy sa unit niya sa Upper East Side at medyo fresh pa ang memories niya sa interrogation ng mga kapatid. Sa tuwing naaalala niya iyon ay nade-depress siya.

Gumalaw ang kamay ni Dane at humawak ito sa braso ng dalaga. Pumisil-pisil ito roon.

"Thank you," parang padaing nitong sagot.

"The doctor said your baby is fine. She's doing all right. She's a fighter like you, too."

Tumulo ang luha ni Dane dahilan para pangiliran din ng luha si Shelby. Napayakap ito sa kaibigan. Hindi niya kayang makita ito nang ganoon. Kasi sa tagal ng panahong nakilala niya ito walang oras na hindi ito tumatawa o nagkekenkoy-kenkoyan sa kanya. Nakakapanibago.

"Don't cry," sabi niya rito. "Malalampasan mo rin ito."

Tumangu-tango si Dane at pumikit muli. Pinagmasdan ito ni Shelby habang natutulog. Hindi na siya umalis sa tabi nito. Nagbasa-basa na lamang siya roon ng nahagilap niyang magasin sa bedside table ng kaibigan.

Mayamaya pa dumating ang doktor nito. Nakaupo na sa kama si Dane nang mga oras na iyon. Kinausap sila pareho ng OB-GYNE na bagama't naka-survive ang bata medyo humina naman daw ang tibok ng puso nito. Ganunpaman, malaki pa rin ang tsansa na mailuluwal ito nang buhay. Kaya kailangan ng ibayong pag-iingat.

Nakaisip tuloy si Shelby na huwag na munang iwang mag-isa ang kaibigan sa shared condo nilang dalawa. Kailangang nababantayan niya ito. Mahirap na. Baka may gawin itong masama. Siguro'y kakausapin na muna niya ang bago nitong roomie na mag-exchange muna sila ng tutuluyan. Ipapagamit niya ang kanyang condo sa Upper East Side in exchange for her old room in Queens.

"What? Are you crazy? No!" tutol ni Dane agad. Huwag daw siyang alalahanin ng dalaga dahil kaya naman daw nito ang sarili. "Your brothers will be mad as hell for sure," natatawa pang sabi ni Dane. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya at pinisil pa. "I assure you I will protect this baby. Iluluwal ko ito."

Pinangiliran ng luha si Shelby nang makita ang lumambong na lungkot sa mga mata ni Dane. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay naghaharutan sila at kapwa nangangarap na makakita ng lalaking magmamahal sa kanila ng lubos tapos ngayon ay heto't luhaan ito. At siya nama'y problemado rin kung paano uusad ang sa kanila ni Gunter nang wala siyang nasasaktan sa kanyang mga mahal sa buhay.

Nagyakapan silang magkaibigan at kapwa nangako ng walang iwanan.

**********

"Maghandhang gabbi, Ginuhng San Diego," nakangiting bati ni Gunter kay Magnus nang makita ito sa isang pagtitipon ng mga malalaking negosyante ng NYC. Dahil mayor ng siyudad ang host, sa mansion nito ginanap ang pagtitipon.

Nangunot ang noo ni Magnus at napa-double take pa ito kay Gunter sa narinig na pagbati. Pati ang kausap nitong French Ambassador ay tila napanganga sa kilalang bilyonaryo. Nang makabawi ang naturang diplomat, tinaas nito ang kopita na may laman pang mamahaling red wine sa direksiyon ni Gunter saka ito ininom. Pagkatapos, humingi ito ng paumanhin sa paglisan. Kailanga daw nitong kausapin ang isang Prime Minister ng isang bansa sa Asya na nasa hindi kalayuan.

"Ginang?" ulit ni Magnus. Mukhang hindi makapaniwala.

"Yeah. Ginuhng San Diego." At tinaas pa ni Gunter ang wineglass sa direksiyon ni Magnus bago nito ininom ang red wine na laman niyon.

Makikitang tila nalito sa magiging reaksiyon niya si Magnus. Sa isang banda'y parang gusto nitong kagalitan si Gunter dahil tinawag siyang ginang, pero mukhang napag-isip-isip din ito na siguro dahil sa napaka-nasal na pronunciation ng binata kung kaya ganoon ang kinalabasan niyon. Pero mukhang nakikita naman ni Magnus na naroon ang kagustuhan ni Gunter na matuto ng Filipino. Ganunpaman, he didn't show his appreciation to him. Nanatili siyang seryoso at businesslike dito.

Si Gunter nama'y parang nalito rin. Inisip niyang matutuwa si Magnus San Diego sa pagsisikap niyang kausapin ito sa kanyang lenggwahe, pero mukhang hindi man lang na-appreciate ang effort niya. Matapos siyang batiin din ng magandang gabi ay umalis na ito para makihalubilo sa iba pang businessmen na naroroon din.

Tinawagan ni Gunter ang kanyang assistant. Ora-orada nama'y humahangos na dumating ito sa kanyang harapan.

"Mr. San Diego did not seem to like me greeting him in his language! You said it would be a plus factor for me! It did not fvcking work!"

"Why? What did you say to him?" nagugulumihanan namang sagot ni Frederick.

Bago pa masagot ni Gunter ang assistant, nahagip ng paningin niya ang pagdating ni Shelby San Diego. Kaagad niyang tinalikuran si Frederick para salubungin sana ito, pero naunahan na siya ni Magnus na pagkakita sa anak ay biglang umaliwalas ang mukha. Hinalikan pa ang kamay ng unica hija bago proud na ipakilala sa kaumpukang mga negosyante. Nang mapansin ni Gunter na mayroon doong bata-batang CEO ng isang IT company na parang na-aattract agad kay Shelby sa unang tingin, sumingit na siya.

"Maghandhung gabbii maghandhung binini," nakangiti niyang bati kay Shelby.

Imbes na sumagot din ng pagbati ang dalaga, bigla itong tumawa nang malakas. Nang mapagtantong napalakas ang pagtawa, napatakip ito sa bunganga. Tumingin ito sa lahat ng mga naroroon at humingi ng dispensa. Makikitang bigla may namutawi ring ngiti sa mga labi ni Magnus na kaagad nitong sinupil. Tumingin ito kay Gunter nang masama at umiling-iling. Nilingon naman ng binata ang assistant na nakitawa rin pala sa dalaga sa paraan ng pagbati niya rito.

"Good evening, Gunter," bati naman ni Shelby sa kanya. Hindi na ito nakatawa dahil tinitingnan ng ama, pero ang kislap ng pagtawa sa mga mata'y naroon pa rin.

Nang halos pag-agawang kausapin ng mga lalaking kaumpukan ng ama ang dalaga, sinamantala iyon ni Gunter para mausisa ang loko-loko niyang assistant. Ito ang may ideya na batiin sa Filipino ang dalawa para raw lalo siyang mapalapit sa mga ito. Hindi naman!

"What the fvck did I just say to her? Why did she laugh so hard?" anas niya kay Frederick.

Sinisikap ng binatang sagutin ang amo nang hindi siya bumubunghalit ng tawa. Pero bandang huli'y hindi rin nakayanan kung kaya pinakita lamang niya rito ang screen ng cell phone at ang dapat sanang banggitin ng amo.

"Boss, we practiced it several times today. It was supposedly bini-bini not binini. What were you thinking?"

Napahilot ng sentido niya si Gunter. Kaya naman pala. Well, at least he had tried his best. At napatawa niya pa ito nang malakas. No'n lang niya ito naringgan ng ganoon ka lutong na pagtawa. Ibig sabihin ay na-enjoy naman ni Shelby kahit papaano ang kanyang kapalpakan.

Nang lingunin ni Gunter ang dalaga, wala na ito sa kanyang likuran at hindi na niya mahagilap ang kahit anino nito.

"Where the fvcking hell did she go?" tanong niya kay Frederick.

Inginuso ng assistant ang kinaroroonan ng dalaga. Pinangunutan naman ng noo si Gunter. Inakala niyang iniisip ni Frederick na kaya niya hinahanap si Shelby ay dahil gusto niya itong halikan. Muntik na niyang kwelyuhan ito kung hindi nagpaliwanag.

"Boss! I told you to read the info I sent to you! Pointing with the lips is how Filipinos point to something or someone. Oh man! You were not doing your assignment!" sagot ni Frederick sa eksaheradong disappointment. Pinaningkitan ito ni Gunter ng mga mata. Duda ang huli.

Dinukot na naman ni Frederick ang cell phone sa bulsa at pinakita ang pruweba sa amo.

"That's weird," sagot lamang dito ng binata saka sinundan na ng tingin ang inginunguso ng assistant. Nang makita si Shelby ay namutawi na ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Hi. You seemed busy talking with people," sabi niya rito nang makalapit na siya sa dalaga.

"Hey you," may himig pagbibirong bati sa kanya nito. "I see. You seemed to be studying my language, huh."

Napakamot-kamot siya ng ulo. "I'm trying. But the pronunciation is killing me. I cannot seem to pronounce words correctly."

Bahagyang natawa si Shelby. Siguro'y naalala nito ang sinabi niya kanina. Imbes na mahiya, kinakitaan niya iyong ng oportunidad. Tingin niya oras na ito para makapagbida naman siya sa ginagawang pagsusumikap maintindihan lang ang lenggwahe nito. Kinuwento niya tuloy ang pag-aaral sa Filipino tatlong oras kada araw.

"Talaga?" sagot ni Shelby na parang hindi makapaniwala. Buti na lang ay nakabisado na niya iyon.

"Aha! That means, really, right?"

Tumango nang nakangiti ang dalaga. "Very good. Oo. Iyon nga," natutuwa nitong pakli. At isinalin uli niya ang sinabi nito sa Tagalog. Tuwang-tuwa na si Shelby sa kanya. Proud naman siya sa sarili. Pasekreto ngang naki-thumbs up sign siya kay Frederick na nakamasid pala sa kanila sa hindi kalayuan. Ang kaso dumating si Marinette. Sumingit ito sa usapan para lang ibalita sa kanya na nandoon din daw ang ama at gusto siyang makausap. Nakita ni Gunter na medyo umasim nang bahagya ang mukha ni Shelby na kaagad ding nakitaan ng matamis na ngiti. May kinawayan ito sa bandang unahan. At nakita ni Gunter ang isang guwapong lalaki. Ito ang nakita niya noon sa larawan na umaakbay kay Shelby. Nang magtama ang paningin nila ng estranghero tiningnan niya ito nang matiim.

"Are you all right?" tanong sa kanya ni Marinette. Hindi siya sumagot kung kaya napatanong uli ito. "Who's that guy? And why are you mad at him?"

"What?" sagot niya sa babae. Pero hindi rin niya kinlaro dito kung bakit siya galit sa lalaking iyon.

Plano ni Gunter babati lang siya kay Mr. Schlossberg at babalikan na si Shelby. Pero ang inisip niyang saglit na pagbati lang ay naging mahaba-habang usapan. May pinirisinta kasing business proposal sa kanya ang matanda. Gusto man niyang baliwalain sana iyon para unahin ang pagpapakitang-gilas kay Shelby, hindi niya nagawa dahil pinaligiran siya ng iba pang big time na negosyante na nais ding makisosyo sa kompanyang hawak niya. Ang ending, hindi na sila nakapag-usap pa ng babaeng siyang rason kung bakit kahit na pagod ay nagpursige siyang dumalo sa pagtitipong iyon. Napag-alaman kasi nila ni Frederick na sasamahan nito ang ama sa ganoong okasyon.

"Bullshit!" bigla na lang ay mura niya nang dalawa na lamang sila ni Frederick sa sasakyan.

"It's your fault, too, boss. You should have ignored Ms. Schlossberg. Why did you not let Mr. Stevenson talk to her father instead?"

"You are making my migraine worse, Frederick," asik niya rito sabay hilot-hilot sa sentido.

"You do not have one, boss. Drop the act."

He glared at him. Ngingisi-ngisi nitong pinaandar ang sasakyan at lumayo na sila roon. Buti kamo. Dahil a few seconds after, nakita ni Gunter sa rearview mirror ang pagsulpot ni Marinette sa parking lot at paglinga-linga pa. Sigurado siyang siya ang hanap no'n.

**********

Napasugod ng ospital si Shelby nang wala sa oras. Tinawagan siya kasi ni Tina, ang roommate ni Dane na umuukopa na ngayon sa naiwan niyang silid doon na in-admit na ang kaibigan sa ospital. Napaanak daw ito nang wala sa oras.

"Ms. San Diego?"salubong sa kanya ng doktora ni Dane sa lobby ng ospital. Binalita nito sa kanya na nakapanganak na raw ang kanyan kaibigan.

"Ho?" nasambit niya sa Filipino sa kabiglaanan. "I mean, how are they, Doc? She was not supposed to give birth yet, right?"

Napabuga ng hangin ang doktora. "Supposedly. The baby was just twenty-seven weeks old. Extremely premature."

"Will the baby survive, Doc?" halos ay naibulong na lamang ni Shelby.

"It depends on a lot of factors. But she has a lot of chance to survive. She seemed like a fighter." At ngumiti ang doktora bago siya sabihang nagpapahinga na ang kaibigan sa private room nito.

Pagdating doon ni Shelby may kausap na social worker si Dane. Nagulumihanan siya. Nang maintindihan kung bakit nandoon ang babaeng iyon napahumindig ang dalaga.

"You're giving her up for adoption?! Dane!"

Iniwasan ng kaibigan na magkatinginan sila. Sige lang ito sa kapipirma ng mga papeles.

"Dane, please don't do this. Have pity on your little angel."

"I cannot afford to have her in my life, Shelby. Mas mabuting mapunta siya sa pamilyang makakapagbigay sa kanya ng magandang buhay. Hindi ko kaya iyon. Dahil matapos ang buwan na ito aalis na ako ng New York."

"What?! Why?"

Napahagulgol si Shelby. Nagmakaawa siya sa kaibigan na huwag ituloy ang plano nito. Pero kahit na umiiyak na rin ito'y hindi pa rin nakinig sa kanya.

"I'll have her. I mean---I'll raise your child as my own."

"Ano? Nasisiraan ka na ba ng bait, Shelby? Hindi papayag ang pamilya mo. Malaking responsibilidad ang magpalaki ng isang bata na hindi mo kaanu-ano."

"She's my baby, too, Dane. I will keep her."

Dahil determinado si Shelby, umentra na rin sa usapan nilang magkaibigan ang social worker. Pinayuhan nito ang dalaga na kung gusto niyang i-adopt ang bata kailangan niyang magkaroon na ng asawa para lumaki ang chance niyang makuha nga ang baby. Kung mananatili raw siyang single during the adoption process malaki raw ang posibilidad na ma-decline siya.

Oh my God! Saan naman ako hahanap ng magpapakasal agad sa akin?

No'n niya naisip si Gunter. Tama! Siguradong hindi siya bibiguin ni Gunter.

**********

Aminado si Gunter na matagal na niyang inasam na tanggapin siya ni Shelby hindi lang bilang nobyo. Mas maganda nga para sa kanya kung papayag na itong pakasal sa kanya agad-agad. Maari rin naman niya itong ligawan habang-buhay. Pero heto't ang dalaga na ang lumalapit sa kanya at nagsusumamo pang pakasalan daw niya sa lalong madaling panahon. Imbes na magtatatalon sa tuwa, bigla siyang nalungkot nang sobra.

"Have you thought this over?" tanong niya pa rito.

"Yes. I have explored all possibilities in my head and I was left with one best option and that is to---marry you. I am now accepting your marriage proposal, Gunter," walang kagatul-gatol na sagot ni Shelby sa tanong niya.

Napasinghap si Gunter. Iyon na sana ang matagal na niyang hinihintay. Kaso nga lang...

"Why the hell did your friend leave her baby? That is the cruelest thing a mother can do to her child. You are not supposed to---"

"She has her reasons," agaw agad ni Shelby sa sasabihin pa sana niya. "I also have mine. I want to raise her child as my own---as our b-baby."

Parang may dumagan na mabigat na pasanin sa puso ni Gunter. Mahal na mahal niya ang babaeng ito, pero hindi niya nakikita ang sarili na magpalaki at mag-alaga ng batang hindi niya kaanu-ano. With a heavy heart, he flatly declined her marriage proposal. Parang hiniwa rin ang puso niya nang makita ang dalagang tila nasaktan at napahiya. But then he just wanted to be honest to himself and to her.

"Oh. O-okay. I---I do un—understand y-you. Sorry for bothering you, Mr. Albrecht."

Pagkatapos no'n tumayo na si Shelby at walang-lingon-likod na lumabas ng Eleven Madison Park. Napa-slouch sa upuan niya si Gunter at pinangiliran ng luha. He felt like a deflated balloon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top