CHAPTER TWENTY-THREE

Napahilot-hilot ng sentido si Shelby nang makita ang mga naging ka-match niya sa dating site ng kaibigan niyang si Edgardo. Karamihan sa kanila ay from overseas. Ibig sabihin kahit na magkasundo silang dalawa ay mahihirapan siya sa binabalak niyang madaliang kasal. Baka nga pagdudahan pa sila ng immigration officer at sasabihing sino-short cut nila ang proseso dahil nga green card holder na siya.

"Shelby?"

Napatingala si Shelby kay Ms. Pat Dixon, ang social worker na tutulong sa kanya sa proseso ng adoption. Mukhang kararating lang din nito sa ospital. Nasa lobby sila pareho. Siya'y naghihintay na ipatawag ng doktor ng baby girl at marahil si Ms. Dixon ay siya talaga ang sadya.

"Hey, Pat," nakangiti ring bati rito ni Shelby habang luma-log off sa Heavenly Match dating site.

"I have been wanting to talk to you about Baby Alison," paunang sabi nito. She smiled at Shelby.

Batid ng dalaga ang ganoong uri ng ngiti. Iyon ang ngiting humihingi ng pang-unawa. Kinabahan siya. Napahawak tuloy siya nang mahigpit sa cell phone.

"There's this childless couple in New Jersey who wanted to adopt the baby, too. They're---"

"No! I will not give up Baby Alison!"

Nagulat ang social worker sa biglang pagtaas ng boses niya. Lalo pa't bigla siyang napatayo. Bukod doon, she looked shaken.

"But Ms. San Diego, the couple in New Jersey can give the baby a better environment because---"

"Because they're married? So you're judging one's capability in raising a child based on marital status? Is that what you're trying to say?"

Hindi na maikakaila ang galit sa boses ni Shelby. For the first time, nakaramdam siya ng takot at pangamba na baka isang araw ay babalitaan lamang siya ng ospital na wala na roon ang bata at naibigay na sa isang mag-asawang hindi nilala kilala pareho ni Dane.

"It's not my policy but the State's. We just want to make sure the baby will be placed in a loving home with a stable environment. That's all."

Bago pa matapos sa pagsasalita ang social worker ay nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ni Shelby. Pinagtinginan na rin sila ng mga nandoon sa lobby. Tumigil na lang sa pagsasalita si Ms. Dixon at humingi ito ng paumanhin sa dalaga.

Pagdating ni Shelby sa kuwarto ni Dane para sabihan ng kanyang hinanakit, nagulat siya. Wala na siyang nadatnan doon. Ang sabi ng nurses at cleaner na nag-aayos ng kuwarto, ang aga daw umalis ng kaibigan niya. Kagabi pa raw kasi ito pinayagang umuwi.

Napanganga si Shelby sa narinig. Ni isang text kasi'y walang pinadala sa kanya si Dane. Heto nga't tsinek niya sa phone kung mayroon siyang unread messages. Wala ni isa. Nakaramdam na siya tuloy ng pagtampo sa pinagmamalasakitang kaibigan.

"She left a note for you, Miss. You are the Miss Shelby she was talking about, right?" anang Ukranian nurse.

"Yes," pakli niya.

Dalawang kamay na inabot ng nurse kay Shelby ang maliit na asul na stationery. Nakatiklop ito at may dinikit na sticker sa pinakabukasan nito. Dahan-dahang tinanggal ng dalaga ang naturang sticker. Maikli lang ang note ni Dane sa kanya. Paulit-ulit itong humingi ng dispensa sa pagkakalagay sa kanya sa alanganin pero buo na raw talaga ang desisyon niyang ipa-adopt ang bata. Sana huwag daw siyang magtanim ng galit dito. Gusto lamang daw niyang kalimutan nang lubusan ang nagawang pagkakamali.

Please, hwag mo na akong hanapin, Shelby. But that doesn't mean I do not treasure our friendship. You will always be an important part of me---the sister I never had. I love you and will always be thinking of you and the happy memories we had together. Take care. Love, Dane.

Parang nalulusaw na kandila na nagpadausdos sa dingding ng silid na iyon si Shelby matapos mabasa ang sulat. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, napahagulgol siya na tila binagsakan ng langit.

"Mommy," bulong niya habang umiiyak.

Natigilan ang nurse at cleaner nang makita siyang humahagulgol. Parang hindi nila malaman ang gagawin. Pero makalipas ang ilang segundo'y napalapit ang nurse at dahan-dahan siyang itinayo saka niyakap nito.

**********

"What? Seriously? Maybe somebody stole her photo," asik niya kay Frederick.

"No, boss. It was her. I messaged her disguised as Mr. Robinson from Miami and she responded to me with the details I knew only her can answer. She said she was willing to meet me anytime. I just need to say when."

Napanganga si Gunter. Inagaw nito ang cell phone ng assistant at pinasadahan ng tingin ang sinasabing profile page ni Shelby sa Heavenly Match dating site. Kuha ang picture na iyon sa isang fashion event. Naalala niya ang floral dress na na suot ni Shelby doon. Papatapos pa lang ang spring noon sa pagkakatanda niya. Siya pa nga yata ang kumuha ng larawan. Stolen picture habang nakatawa ito sa kuwento ng isang guest din who happened to be her staunch supporter.

May kumurot sa puso ni Gunter nang masilayang muli ang dalaga kahit sa larawan lamang. Hinaplos-haplos nga niya iyon ng kanyang hintuturo.

"And here are the guys who expressed their desire to marry her, boss." At pinindot ni Frederick ang isa pang button sa screen ng cell phone nito. Nagulat si Gunter sa dami ng mga interesado. Halos nakailang swipe siya kahit na portrait pics lang ang pinapakita.

"Thirteen hundred forty five?!" naibulalas pa niya nang matapos.

"Nabilang mo talaga, boss?" nakangising sagot ni Frederick sa German. Gunter glared at him.

"I want to see your messages to one another."

Napa-double take si Frederick sa amo. Kinlaro pa nga nito ang sinabi ni Gunter. The latter glared at him again. Kulang na lang ay sakmalin pa ang assistant. Napakamot-kamot ng ulo si Frederick at pinakita ang iilang mensaheng pinadala nila ni Shelby sa isa't isa. Sa pinaka-latest na message sinabi roon ni Frederick disguised as Mr. Robinson na hindi raw siya makatulog sa gabi sa kaiisip sa ganda ni Shelby. Parang gusto na nga raw nitong hilahin ang mga araw kung kailan sila magkikita na nang personal.

"Cannot sleep at night?" Dumagundong ang boses ni Gunter.

Lumayo na si Frederick ng kung ilang metro para sigurado.

"Boss, sir. That was Mr. Robinson, not me."

Naiinis na ni-swipe pa ni Gunter ang mensahe ni Shelby. At natanggal ang nararamdaman niyang pagkayamot sa assistant nang makitang devoid of emotion ang sagot ng dalaga sa lahat ng emails ni Frederick. Parang nais lamang nitong makakita ng date prospects.

"So you are meeting on Saturday? This Saturday?"

Napakamot-kamot uli si Frederick. "Yes, boss."

"And you really plan to meet her knowing she knew you?"

"It wouldn't be me she will meet but Mr. Robinson."

"Which means?" Nandoon na naman ang inis sa boses ni Gunter.

"It means---I will go there disguised as Mr. Robinson!"

Masamang tingin ang sagot ni Gunter kay Frederick. He was getting impatient.

"My wig and costume are all set, boss. I have also borrowed a facial mask that could transform my face into somebody else. A good friend of mine who's very good at this did it for me," nakangising dugtong pa ni Frederick. Proud ang loko.

Napailing-iling si Gunter at binalik na sa assistant ang cell phone nito. Walang imik na binuksan nito ang laptop at tsinek agad kung mayroon siyang new mails.

"Are you thinking of signing up at Heavenly Match dating site, boss? I can help you out. Now, straighten your shoulders and look at me. I will take a good picture of you for your avatar using my cell phone."

"No! Why would I do that? I am not desperate like you."

Nangiti si Frederick. "Okay, boss. If you say so." At tumalikod na ito.

Nasa pintuan na ito nang nagtanong kung ano ang oordering pagkain para sa amo. Bababa raw ito sa sixth floor kung saan naroon ang restaurant ng Skylark Quandt Building.

"I'm not eating any. I have an early dinner date with Marinette."

"Okay," pakli naman ni Frederick at isinara na ang pintuan.

**********

Sinigurado ni Shelby na mukha siyang kaaya-aya sa suot niya bago nagdesisyon na lumabas ng unit. Kaunting make up lang ang nilagay niya sa mukha saka bahagyang lipstick. Iyong magkaroon lang ng kulay ang mga labi. Dahil malamig na malamig na, nagsuot siya ng makapal at lampas-tuhod na winter black velvet coat. Nilugay niya lang ang mahabang buhok at nagsuot ng simpleng hikaw na gawa sa perlas. Pagkadampot ng silver clutch bag ay bumaba na siya ng building. Pero bago siya pumara ng taxi ay tinawagan niya muna ang kaibigang si Edgardo na makikipagkita nga siya sa isang lalaki na nakilala lamang sa dating site nito.

"Go girl! I wish you all the luck in the world! Don't worry. I have checked his profile page and I can vouch for the authenticity of his picture. It was not stolen."

"We are meeting at Martha's," sabi ko pa. Para at least naman liban sa akin ay may nakakaalam pa kung saan ako patungo nang gabing iyon.

"Okay. Just give me a ring or a text that says 'go' when things go rough. I will be there in an instant. I'm still in Manhattan. Love ya."

At nagpaalam na agad si Edgardo. Tinatawag na raw kasi siya ng kanyang partner. Maghahapunan na rin daw sila.

Napahugot ng malalim na hininga si Shelby bago tumawag sa isang taxi company. Mayamaya pa'y naglalakad na ang dalaga patungo sa entrance ng Martha's Grabe ang kalabog ng kanyang dibdib. This must work. Paulit-ulit niyang bulong sa sarili. Pang-apat na meet up na niya ito nang linggong iyon at desperado na siyang makakita ng prospect or else bye, bye Baby Alison na.

Nag-atubiling pumasok ng Martha's si Shelby dahil ten minutes early siya sa usapan nila ni Mr. Robinson. Nag-aalala siya na baka isipin nitong sobra siyang desperado. She is, but he doesn't need to know. Kaso nga lang kung tatayo-tayo lamang siya sa harapan ng restaurant mas nakakahiya naman dahil kada may dumating na couple ay napapasulyap sa kanya. Minabuti na nga lang niyang pumasok na rin sa loob. Pagkadating niya sa reception area, may lumapit agad na isang server na tila inabangan talaga ang pagsulpot niya.

"Ms. San Diego?" pagkompirma ng puting server.

Tumangu-tango si Shelby. Medyo nahiya pa siya sa mga nakapaligid na nakaupo sa waiting area. Kasusulpot lang kasi niya roon pero inuna na siya agad. Mr. Robinson must be a real somebody para mabigyan siya ng ganoong pakikitungo. Lahat ng napupunta ng Martha's ay may mga sinabi sa NYC kung kaya tingin niya mas nakahihigit ang kanyang ka-date.

"This way, Ms. San Diego," nakangiting sabi sa kanya ng server na nagpakilalang Jeff. Kanina pa nga raw naghihintay si Mr. Robinson.

Hindi siya umimik. Sumunod lang siya kay Jeff. Nakatalikod sa kanya ang kanyang date. Gaya ng nasa larawan nito, blonde nga ang guy. Kaso mukhang mas tuwid ang likuran nito in person kaysa doon sa profile picture nito. Baliktad. Some people put a better photo online than who they truly are. Kung kailangan i-photoshop, pino-photoshop nila. O baka hindi lang maganda ang anggulo na nakuha sa larawan.

Pinakalma ni Shelby ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-inhale-exhale. Kailangan magmukha siyang cool. Hindi dapat matunugan ni Mr. Robinson ang kanyang pangamba.

"Mr. Robinson?" nakangiting pagtawag ng server sa atensyon ng lalaki.

Tumango ang lalaking nakatalikod kay Shelby at tumuro ito sa kaharap na upuan. Ang ibig sabihin ay paupuin na raw siya roon. Huminga muna nang malalim ang dalaga bago humarap sa lalaki. No'n naman nagtanggal ng dark glasses nito si Mr. Rob---.

"Gunter?!" gulat na gulat na naibulalas ni Shelby. Natigil siya sa pag-upo sa nakatalgang upuan niya sa tindi ng pagkabigla. "What are you doing here? Where's Mr. Robinson?"

"Take your seat," malumanay nitong sabi sa kanya.

Umiling-iling si Shelby. She felt betrayed.

"Where's Mr. Robinson?" tanong niya ulit rito. Mahinang-mahina ang kanyang tinig. Ngayo'y nakatayo na siya sa harapan nito.

Tumayo muna si Gunter bago sumagot sa kanya. Sinabi nitong siya nga ang Mr. Robinson na ka-date niya nang gabing iyon.

Umiling-iling si Shelby. Nakaramdam na ng galit ngayon ang dalaga. Ang daming rason kung bakit ganoon ang naramdaman niya. Una, umasa talaga siyang ngayong gabi niya matatagpuan ang maaaring maging daddy ni Baby Alison. Base sa warm ng mga emails ng lalaki online she felt she already found one. Pangalawa, alam ni Gunter ang desperation niya sa paghahanap ng mapapangasawa kung kaya pakiramdam niya niloloko siya nito para pagtawanan at gawing funny anecdote na maaaring i-entertain sa mga friends during parties. Pangatlo, wala na siyang oras! Tapos sinayang ng hunghang na ito. Disin sana'y nakahanap pa siya ng mas deserving sa time niya ngayon.

Gusto bang ipamukhang lalaking ito sa kanya ang kanyang desperation? Ito ba ang paraan niya para ipahiya siya nang todo dahil ilang beses niya itong nabasted?

"Sit down, Shelby and we will talk," mando ni Gunter.

"No! You're not Mr. Robinson!"

At dali-daling naglakad patungong exit ang dalaga. Masamang-masama ang kanyang loob. Sa labas na ng Martha's siya naabutan ni Gunter.

"Look. I saw your profile page on that dating site and you know what? You are opening yourself to a lot of danger. You are a celebrity now. You already have a name for Pete's sake! Why the hell did you resort to online dating?"

"I altered some information about myself there. No one can connect me to the Shelby Madeline San Diego, the fashion designer. My name there is not even Shelby but Madeline Mariano!"

Sarkastikong tumawa si Gunter. "And by changing your name to that of your mom's maiden name, you thought you were able to hide your true identity?"

"Well, the guys I have met so far had no idea I am connected with Shelby San Diego, the fashion designer."

Napanganga si Gunter. "Are you telling me you've already gone on a date with men you've only met on that site?"

"Yeah. Why not?"

"I cannot believe you!"

Nagkibit-balikat ang dalaga at naglakad nang palayo. Sinundan siya ni Gunter. Madali lamang siyang naabutan nito dahil siya'y naka-four-inch stilleto.

"You wasted my time!" galit niyang asik dito.

Nang may dumaang yellow cab ay agad na pumara ang dalaga. Kaso may sakay pala ang taxi.

"Let us talk," maotoridad na mando ni Gunter sa kanya.

"No. Let me be. Liar!"

Napahinga nang malalim si Gunter. Napilitan siyang magsabi ng totoo sa dalaga. Nang mapag-alaman ni Shelby na assistant pala nito ang nagpanggap na Mr. Robinson lalo siyang nagalit. Pakiramdam niya ay pinagtawanan siya ng mag-amo. Sa tindi ng inis at awa sa sarili ay napahikbi siya. Galit niyang tinulak si Gunter nang magtangka itong humagod sa kanyang balikat.

Natigil lang ang bangayan nila nang makatanggap ng tawag ang dalaga. Pinapapunta kasi siya sa Mount Sinai Hospital dahil ang bata'y tila nahihirapang huminga. Pagkarinig ni Shelby na nag-aagaw-buhay ang anak ni Dane ay nag-panic siya agad. Sa panginginig ng kamay ay nabitawan pa niya ang cell phone. Nahulog ito sa semento at nagkaguhit ang screen. Lalo siyang naiyak. Hindi na niya nagawang itulak si Gunter nang tangkain siyang yakapin nito dahil doon.

**********

Habang pinagmamasdan ni Gunter ang dalaga na parang nawiwindang sa nangyayari sa bata, naawa siya nang sobra. Siya ang nasasaktan sa nakikita nitong paghihirap ng kalooban ng babae. Hindi nga niya ito magawang iwan sa hospital habang inaasikaso nito ang kung anu-anong pangangailang ng sanggol.

"We need to do some open-heart surgery so she will have a chance of making it," deretsahang sabi ng head doctor na nagsu-supervise sa health ng bata kay Shelby. Nanatiling nakatayo lang sa hindi kalayuan si Gunter nang mga sandaling iyon.

"Surgery?" Tila nayanig si Shelby.

Nakita ni Gunter na nag-unahang tumulo sa pisngi ang mga luha nito.

"Yes, an open-heart surgery."

Lalong nagitla si Shelby. Kitang-kita ni Gunter ang pamumutla nito. Umalalay nga siya agad dito at pinisil-pisil pa ang balikat ng dalaga.

"But before that, we need you to sign a waiver. You and your husband, of course."

Napakurap-kurap si Gunter nang tumingin sa kanya ang doktor. Kaagad namang kinorek ni Shelby ang pagkakamali nito. Sinabi ng dalaga na siya lang ang guardian ng bata.

"She's---shes' my best friend's daughter. She's no longer here to sign the papers so I am acting as the baby's guardian."

"Oh. If that's the case---I have to consult the management first. It has always been our policy to only deal with the patient's family, you know."

"The adoption procedure is already on the way," pakli agad ng dalaga. Mababanaag sa mukha nito ang determinasyon.

Tumangu-tango lang dito ang doktor. Hindi na nagsalita pa. Sinabihan lang si Shelby na maghintay sa kapasyahan ng management. No'n naman dumating si Ms. Dixon, ang social worker. Ito ang nagpaliwanag sa doktor na bagamat on process daw ang adoption ni Ms. San Diego fifty-fifty daw ang chance na makuha nito ang bata dahil sa estado.

"Ms. Dixon! I told you I will ---"

"Excuse me, you must be the social worker my wife has been telling me about?" sabat ni Gunter sa usapan. Nabaling sa kanya ang tingin ng tatlo. Napanganga si Shelby sa kanya. Ang social worker naman ay napakurap-kurap na parang hindi makapaniwala.

"Aren't you Mr. Gunter Klaus Albrecht, the owner of Skylark Quandt chain of hotels?" sabi ng social worker. Napamaang si Gunter. Aba't kilala pala siya nito.

"Yes, that's me."

"Aren't you engaged with Ms. Adeline Grayson before?" tanong pa nito.

"As you said---BEFORE. That was a thing of the past." At nginitian pa niya ang tsismosang social worker. Konti na lang at maiirita na siya rito.

"Oh, Mr. Albrecht. No wonder you look familiar," sabi naman ng doktor. Nagpasalamat ito sa kanya sa generosity daw ng foundation ng kanyang ina. Ang dami raw natulungang pasyente na walang kakayahan sa pagbayad ng kanilang bills ang foundation ng mom niya.

"Does that mean to say, you're now going to process the papers so our baby can be operated as soon as possible?" tanong niya sa doktor.

Natigilan si Dok. Tila nag-isip saglit kung kaya tinanong niya ito kung magkano ang annual donation ng ina niya sa hospital.

"I think it's around five million US dollars a year."

"Triple that amount. And give my wife the waiver now."

"Sir, we need your marriage certificate so we can expedite the adoption process," parang kinikilig namang pahayag ng social worker. Ilang beses itong pasulyap-sulyap kay Shelby habang tila sinusupil lang ang nararamdamang kiliti.

**********

"Are you out of your mind? They will expect our marriage certificate as soon as possible! I cannot bear to fool those people. We have to go back in there and tell them you were just joking," sabi ni Shelby kay Gunter habang naglalakad sila papunta sa parking lot.

"I was not joking, Shelby."

Tumigil sa paglalakad si Shelby at tumingin sa binata nang may pagkalito. Nagtataka siya kung bakit nagbago ang isipan nito gayong klarong-klaro na ayaw nitong pakasal sa kanya dahil lang sa kagustuhan niyang mapadali ang adoption process ng bata.

"My feelings for you have not changed a bit. I still care about you. I want to be your protector. Your lover. Your husband. If this baby is the only one that can bring us together, then let it be."

"Ganoon ka kabilis magbago ng isipan?" hindi makapaniwalang tanong ni Shelby kay Gunter sa Filipino.

Gunter stopped walking and turned around. He smiled at Shelby.

"I got that. You were asking me if that is how fast I change my mind, right? Well, not really. I did not change my mind about you. I still do like you---A LOT! I am just running out of ideas on how to make you say yes. But if this tiny little fella can expedite the process, why not? After seeing her today, she made me change my mind about her."

Hindi nakapagsalita ang dalaga. Pero nakaramdam siya ng ibayong kaginhawaan. Iyong bang parang may nag-agaw ng mabigat na pasanin sa kanyang balikat. She felt so relieved. Gumaan ang kanyang pakiramdam. Hindi niya tuloy napigilan ang sariling mapangiti.

"But---"

Napakislot si Shelby nang marinig ang 'but'. Tumaas kasi ang boses ng loko-lokong Gunter. Natawa rin ito nang makita ang reaksiyon ng dalaga. Humingi nga muna ito ng paumanhin kay Shelby bago nagpatuloy.

"But the marriage should be real."

"Of course. Or else, the application for adoption will be declined," sang-ayon naman ni Shelby. At habang sinasabi iyon, nag-iisip na siya ng paraan kung paano magsasabi sa mga magulang at kapatid.

"Of course it should be legally binding. But that's not what I meant."

Pinangunutan ng noo si Shelby. Natigil na naman siya sa paglalakad. Si Gunter ay huminto rin at humarap ito sa kanya.

"What I meant was---it must be---consummated."

Napanganga si Shelby sa narinig at kaagad na nag-init ang kanyang pisngi. Si Gunter nama'y nauna nang maglakad patungo sa sasakyan nito. Ang lawak ng ngiti ng mokong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top