CHAPTER TWENTY-SIX
Nang bandang alas tres y medya ng umaga nagpasya ang magkapatid na umuwi muna sa condo ni Shelby. Imbes na dumeretso ng JFK International Airport sina Matias at Morris, minabuti nilang samahan muna ang bunso. Gano'n din sina Marius at Markus. Katunayan, halos hindi na rin sila nakatulog dahil maya't maya ay napapapuntang kusina si Shelby para uminom ng tubig. Nagigising sila pareho sa kaluskos dahil malapit lang ang living room nito't kusina. Hindi na nga sila nakatiis, sinundan nila ito nang magpunta na naman doon para kumuha ng kung ano.
"How are you holding up?" masuyong tanong ni Marius.
"Sana hindi ka nagagalit sa amin. We just wanted the best for you," ani Markus naman.
Tumangu-tango si Shelby saka kumuha na ng tubig sa ref. Pagkainom ay nagpaalam na ito sa mga kapatid. No'n naman lumabas ng room niya si Matias at nakiusyuso kung ano ang nangyayari sa kusina. Hindi pa nakaalis no'n si Shelby.
"Hindi pa rin ba tayo nakaka-move on sa Gunter issue na iyan? Pwede ba matulog muna tayo?" sabi nito nang walang sumagot sa tatlo.
"We were not talking about him," asik sa kanya ni Marius at nauna na ito. Bumalik na ito sa living room kung saan sila natutulog ni Markus.
"Hey," masuyong bati ni Matias sa bunso. "Are you okay?"
"Yeah. I am," sagot ni Shelby sa pinatatag na boses.
Lumapit si Matias dito saka niyakap ang kapatid. "It pains me---us to see you hurt. Sana isipin mong nagkakaganito lamang kami dahil gusto ka naming protektahan. Pero kung mas lalo kang nasasaktan dahil sa ---you know---you're almost twenty-four, Shelby. You decide for yourself. Just make sure, you also protect yourself, okay?" At tinaas pa ni Matias ang baba ni Shelby. "If you are happy, we, your brothers are the happiest. We love you, baby girl."
Pinangiliran ng luha si Shelby sa narinig. Hindi nga niya naiwasang huwag maiyak.
"I love you, too, Matty." At humagulgol na ito sa balikat ng kapatid. Doon na binuhos ang lahat ng mga nararamdamang emosyon. Mga agam-agam. Hinanakit sa kaibigan. Galit kay Albus. At iyong hindi maitatangging pagka-miss niya kay Gunter.
A huge part of her says Gunter is sincere to her, but there's also that part na parang duda. Kahit kasi nag-propose na ito sa kanya at nagkumahog na magpakasal ay hindi pa rin natigil sa paglitaw ang mga artikulo sa kanila ng dalawa niyang ex. Minsan, nalalathala pang kasama niya si Marinette in what looked like a romantic dinner date. Other times naman si Adeline ang kaabrasiyete. Na-appreciate niya ang ginagawa nito for her pero hindi niya talaga maiwasang magtanong kung ano ang relasyon nito sa dalawang babae kasi kung tatanungin sila mukhang mayroon daw, lalo na si Marinette. As to Adeline claiming they got back together for good, may duda rin siya kung totoo nga iyon. But then again, iyong singsing na iyon... Naikuwento sa kanya ni Gunter iyon, eh. Ang pagkakaalam ni Shelby matagal nang minana iyon ng lalaki mula sa ina. Tradisyon ng pamilya Albrecht iyon. Naisalin-salin na iyon sa limang henerasyon. Galing iyon sa kanunununuan ni Henry Albrecht, ang kanyang ama, at binibigay daw sa susunod na magiging Mrs. Albrecht. Doon medyo sumama ang loob ni Shelby. Kasi kung totoo sa loob ni Gunter ang kasal nila disin sana'y iyon ang binigay sa kanyang singsing hindi ang nadampot lang sa estante ng isang jewelry store. Siguro naman she's worth more than a two-thousand dollar kind of ring.
**********
In Gunter's office a few hours before his civil wedding ceremony with Shelby
"Boss, promise me you will not get mad at me," bungad ni Frederick pagdating na pagdating nito sa upisina ng amo. Kakikitaan ito ng labis na pag-aalala.
Tinaasan lang ito ni Gunter ng kilay habang inaayos ang tux sa malaking salamin na nasa loob na bahagi ng pinto ng built-in closet. Ni hindi nga nag-register sa isipan nito ang sinabi ng assistant.
"Boss?" untag ni Frederick. He looked really worried.
"Yeah?" sagot ni Gunter nang matapos na ang pag-aayos sa tux. He was not a bit interested. Nang kulitin nga ni Frederick he absent-mindedly nodded. Okay lang daw sa kanya.
"Boss, sir, we have a problem with the ring. The company representative called me up a while go to tell me they cannot deliver it in advance. It is still being ----"
Hindi na natapos sa pagpapaliwanag si Frederick dahil dumagundong na ang 'what' ni Gunter. Naisara nga nito nang malakas ang closet saka nilapitan ang assistant na paatras naman sa kanya.
"They agreed to send it to me today!"
"Categorically yes, boss, but no. I mean, they did not promise remember? They said they will give it a try. But as you can see they were not able to---," paliwanag ni Frederick habang umaatras. Na hindi naman natapos dahil tila sasakmalin na siya ng amo.
"So wha the fvck am I going to do now?!"
"I'll check the Tiffany's boss? Or any jeweler nearby?"
"Then what are you waiting for? The wedding is in an hour! Go!"
At kumaripas na ng takbo si Frederick. Sa office na ng mayor sila nagkita makaraan ang ilang sandali. Dahil walang kaalam-alam sa jewelry, ang binigay ng assistant na singsing sa amo ay diamond ring nga rin pero hindi na tataas pa sa tatlong libong dolyar. Nang tanungin nga ito ni Gunter kung magkano ang bili nito sa singsing kumamot-kamot ito ng ulo saka nahihiyang umaming nakuha iyon sa halagang two thousand eight hundred fifty dollars. Galit na galit tuloy si Gunter. Gusto niya itong kutusan kahit sa harapan ng mayor.
"Sir, boss, the other more expensive rings there are a lot bigger than Ms. Shelby's ring finger. They would look odd on her. So I chose the safest one."
Ngumiti ang mayor nang marinig nito ang pinagdiskusyunan ng dalawa.
"The love between two people can never be measured by just a ring. Don't worry, Mr. Albrecht. If she loves you truly, then any ring will do."
Nagsalubong ang mga kilay ni Gunter.
Yeah, if I were a pauper! But she knew I'm a billionaire! Giving her a ring less expensive than my suit would surely make her think I do not value her that much. Fvck!
Gusto man sanang magpahanap pa ni Gunter ng ibang singsing, wala nang oras. Dahil hayun at nasa pintuan na ang dalagang laging laman ng kanyang isipan. Kahit na simple lamang ang napili nitong bridal dress para sa ceremony, hindi pa rin maitatago ang angkin niyang ganda na lutang na lutang sa lahat. Katunayan, tingin ni Gunter, she is the most beautiful bride he had ever seen in his whole life and to think he has been to numerous weddings already.
"Is that your bride?" tanong ng mayor kay Gunter.
Hindi na nakasagot doon ang binata dahil excited na nitong sinalubong sa pintuan si Shelby.
**********
A few minutes before the civil wedding ceremony from Shelby's POV
Napasinghap si Shelby nang makita ang kanyang groom. As always, he was impeccably dressed. Bagay na bagay ang napili nitong tux. Lalo itong pumogi tingnan. Daig pa nga nito ang mga male models na nagsusuot ng mga mamahaling tuxedos ng mga kilalang brand. Mas may dating si Gunter dahil bukod sa matangkad ito sa karaniwan ay guwapo pa't napaka-strong at powerful ng aura. Dahil sanay sa fashion world, napagtanto ng dalaga na kung ilang milyon ang halaga ng suot-suot ni Gunter nang oras na iyon, mula sa tuxedo hanggang sa relo sa pamulsuhan. Tantiya niya nagkakahalaga ng singkwenta mil dolyares ang tux palang nito. Idagdag pa roon ang rare edition ng sapatos na alam niyang custom made din. Sa tantiya niya siguro'y nasa isang daang libong dolyar ang leather shoes na iyon. Ang suot nitong relo naman na isang Patek Philippe, isang kilalang high end watch maker, ay malamang nagkakahalaga ng limang milyong dolyar. Kahit saang anggulo tingnan, Gunter exuded elegance and wealth.
"Hi. Sorry to keep you waiting," bati niya rito sabay ngiti.
"No, my bride. I was just early. And you are always worth the wait."
Kinilig na naman si Shelby sa narinig kung kaya bahagya siyang napayuko para itago ang tingin niya'y pamumula ng kanyang pisngi. Uminit kasi ang pakiramdam niya bigla kung kaya nasisiguro niyang nag-blush na naman siya.
She was ecstatic and excited for the wedding to take place when she got a glimpse of the ring. Nangunot ng bahagya ang noo ng dalaga nang makita ang nakabukas na maliit na kahon sa ibabaw ng desk ng mayor. Singsing ang laman niyon! Iyon na ba ang magiging wedding ring niya?
Hindi siya materialistic na klase ng babae dahil pinalaki siya ng ina na maging simple lang at hindi mapaghangad sa materyal na bagay ngunit alam din niya ang kanyang halaga. Iba iyon sa pagiging materialistic. Hindi sa nag-iinarte siya pero diyata't napaka-cheap ng singsing na iyon para sa bride ng isang bilyonaryo! Mas mahal pa ang tuxedo ng groom niya nang kung ilang doble kaysa sa isusuot niyang singsing!
Sinikap niyang huwag bigyang-pansin iyon. Ang importante ay narito ito ngayon at pakakasalan siya. Marahil ay hindi naman talaga totoo sa loob nito ang pagpapakasal sa kanya. Maaaring tinutulungan lamang siya nito para mapasakanya si Baby Alison. Kung iyon ang gusto niya, pwes okay lang din naman sa kanya. Pero siyempre, dahil sa matatamis nitong dila, she expected something more. Napahugot siya ng malalim na hininga.
**********
"Boss," mahinang tawag ni Frederick sa amo. Iaabot na sana nito kay Gunter ang nabiling dyaryo on his way to his office nang makita na may hawak na itong kopya. Ngayon nga'y sobrang lungkot ang makikita sa mukha nito.
"Do you want me to contact our lawyers? We can sue them for libel," sabi pa ng assistant.
No'n lang lumingon dito si Gunter sabay buntong-hininga. "No need for that. I will deal with this my way."
Kanina pa nakalabas si Frederick pero wala pa ring naiisip na hakbang si Gunter para sagot doon sa balita. Samantala, nagkakagulo na ang iba't ibang dailies ng NYC maging ang local TV network sa pag-report ng eksena sa ospital kung saan siniwalat mismo ng kanyang ina ang diumanong pagbagsak ng Skylark Quandt Corporation. Maraming naniniwalang businessman na hindi raw totoo ang balita, pero mayroon namang pumapatol dahil ang source niyon ay mismong ina ng CEO con Chairman of the Board ng korporasyon. Matapos ngang maibalita ang naging pahayag ni Madamae Margaux Albrecht sa hospital ay hindi na matapos-tapos ang pag-ring ng telepono sa upisina ni Gunter. He had to tell Mrs. Smith, his secretary, na huwag muna nitong i-connect sa phone niya sa office ang kahit na sinong investors dahil wala siya sa mood para magpaliwanag. No'n naman humahangos na dumating si Mr. Stevenson, ang COO ng korporasyon. Gulat na gulat daw ito sa nakitang breaking news sa TV. Hindi raw sana niya ito papatulan kung hindi lumitaw sa balita si Madame Margaux Quandt na siyang naging source ng balita.
"Should I give a statement to the press now?" deretsahang tanong agad nito kay Gunter. "But then I have to remind you that doing so would put your mother in a bad light and she also has a business to protect. What should I do?"
Hindi agad nakasagot doon si Gunter. Makaraan ang ilang sandali'y tahasan nitong tinanong ang COO kung ano ang reaksiyon ng MS&Sons Advertising Agency dahil may kontrata sila sa kanila at may remaining thirty percent pang hindi nababayaran.
"As of this moment, I haven't received any calls from their representative."
Tinitigan ni Mr. Stevenson ng matiim ang batam-batang boss at napailing-iling ito.
"But your father called up a while ago," sabi nito.
No'n lang napatingin uli si Gunter sa COO.
"He wants me to contact the San Diegos. Should I?"
Kaagad na umiling si Gunter. "No." Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at nagpaalam kay Mr. Stevenson. No'n niya lang kasi naalala ang baby na siyang puno't dulo ng lahat. By this time, dapat tapos na ang operasyon.
"Where are you going?" pahabol na tanong ng matanda kay Gunter.
"To the hospital. I'll just check on our baby."
Naiwang nangungunot ang noo ni Mr. Stevenson.
"Whose baby?" naitanong nga nito sa malakas na tinig pero wala na si Gunter para sagutin iyon.
**********
Ilang ulit na binasa ni Shelby ang artikulo sa pahayagan tungkol sa diumanong pagkalugi na ng negosyo ng mga Albrecht at paggamit sa pamilya niya bilang huling alas para sa pagbangon nito. Kahit na sinasabi roon na bukod kay Madame Margaux Albrecht mayroon silang insider na na-interview at nagpatotoo sa diumanong pagkakalugi ng mga negosyong hawak ni Gunter, hindi pa rin siya naniniwala nang lubos. Walang senyales na papalugi na ang mga hotels at pharmaceutical companies nito. Katunayan, kamakailan lang ay nakapag-takeover pa ang Skylark ng kung ilang hotels sa Eastern Europe maging sa South Asian countries. Bukod doon namamayagpag ang kanilang real estate companies at among the top performing real estate companies not only in the US but in the entire North America as well. May kutob si Shelby na gawa-gawa lang ni Madame Margaux ang lahat katulad ng ginawa nitong pagmanipula noon sa resulta ng in-house fashion design competition sa Margaux Quandt Fashion House.
"Ms. Shelby?" anang nurse na kumausap sa kanila kahapon. Ito ang isa sa mga direktang nag-assist sa main cardiologist at surgeon ni Baby Alison. "Dr. Callahan wants to see you."
Pagkakita sa very solemn expression ng nurse, dumagundong sa kaba ang puso ni Shelby. Napalunok siya nang sunud-sunod.
"Uhm---can you please tell him to give me a few minutes? I'll just---I'll just check on something."
Tumangu-tango ang nurse saka tumalikod na sa kanya.
Dali-daling bumaba ng ground floor si Shelby at tumakbo sa chapel na nasa first floor ng Guggenheim Pavilion. Nag-alay siya ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang munting anghel. Hindi niya namalayan, tumutulo na pala ang kanyang luha. Mayamaya pa, may kasama nang pagsikdo iyon. Nagulat na lamang siya nang may isang matipunong bisig na bigla na lang nag-alok ng mga balikat nito para iyakan niya. Nang tingalain niya ang katabi, napanganga siya.
"I knew I'll find you here," wika nito. Mahina lang ang tinig. "I'm not religious but I also came to ask Him to grant you whatever it is that you came here for."
Lalong umagos na parang ulan sa Hunyo ang mga luha ni Shelby. Hindi na siya nag-isip pa. Napasubsob siya sa balikat ni Gunter.
"I'm scared," naibulong niya saka yumakap sa lalaki. Sa sobrang takot nakalimutan na nga niya ang isyung bumabagabag sa kanyang puso tungkol sa tunay nitong motibo sa pagpapakasal sa kanya. That can wait, naisip niya. Ang pokus niya ngayon ay si Baby Alison.
Lumayo lamang si Shelby sa mga bisig ni Gunter nang ma-realize na nabasa na niya ng luha ang malaking bahagi ng suit nito sa bandang balikat.
"I'm sorry for ruining your suit." At suminga siya sa sarili nang panyo.
"No worries. This is not important."
Inalalayan siya nitong makatayo at sabay silang umakyat sa upisina ni Dr. Callahan. Pagkakita sa kanila ng head surgeon ni Baby Alison, nalungkot ang doktor. Hindi na ito nagpaliguy-ligoy pa. Sinabi agad sa kanilang dalawa ang problema.
"She's not awake yet. Supposedly she should have awakened hours ago."
Hindi nakasagot si Shelby. Napaiyak na ito agad. Maagap namang umakbay dito si Gunter at pinisil-pisil ang balikat ng babae. Hindi na muna umimik ang doktor. May tinawagan ito. Pagkababa sa telepono ay inimbitahan silang dalawa na sumunod daw sa kanya sa recovery room. Nang makita ni Shelby sa crystal window ang tila walang buhay na katawan ni Baby Alison, nag-break down na naman siya. Maging si Gunter ay pinangiliran na rin ng luha.
"Please Lord. Ibalato n'yo na sa akin ang batang ito. Please, please Lord," paulit-ulit na bulong ni Shelby sa sarili.
Mayamaya pa, nanlaki ang kanyang mga mata. Gumalaw ang paa ng bata tapos tila ngumiwi ito. Mabilis na tumawag sa nurse na nakatoka sa recovery room si Dr. Callahan. Ilang minuto pa ang nakalipas, nakita nilang dumilat ng mga mata si baby Alison at tila may hinanap sa mga taong naroon. Nang araw ding iyon ay nalipat na ito sa Neonatal Intensive Care Unit or NICU.
**********
Nang tumingin sa kanya ang bata, naramdaman kaagad ni Gunter ang koneksiyon dito. Pagkahawak nga niya sa kamay nito at sa biglaang pagkuyom ng maliit nitong palad sa kanyang hintuturo may naramdaman siyang kakaibang emosyon. Hindi niya napigilan ang mapaluha. He knew right there and then na kahit ano pa man ang kalalabasan ng agreement nila ni Shelby, gusto na niyang maging kahati sa kustodiya rito. He wants to be a part of the baby's life.
From the corner of his eye, he saw Shelby looked at them. At kitang-kita niya na napangiti ito nang ikuyom ni Baby Alison ang kamay sa hintuturo niya.
"I think she recognized me," proud niyang balita sa babae.
Tumangu-tango si Shelby. "I think so, too."
Hinayaan siya ng babaeng makipag-usap sa baby. Mukha namang naintindihan siya nito dahil titig na titig sa kanya at paminsan-minsan ay napapangiti pa. Hindi nga niya napigilan ang sariling halikan ang munti nitong kamay. After doing it, nahagip ng kanyang paningin ang biglan pagsipa nito at pag-inat.
"I think we need to change her name already," sabi niya. Hindi na niya nilingon pa ang babae dahil alam niyang nakikinig ito sa kanya. "I have a few names in my head right now, but it's still your decision. I just want her to have my name. That's all"
Paglingon ni Gunter kay Shelby, hilam na muli ang mukha nito sa luha. But this time, she seemed to be verey happy. Nilapitan niya ito agad at niyakap nang mahigpit na mahigpit.
"I know the system here in naming babies and it looked like she wouldn't have my last name as her automatic middle name so---whatever it is that you think is suitable for her first name, I'm okay with it for as long as she will have San Diego as her middle name."
"Of course, babe," masaya niyang pakli.
Walang pagsidlan ng kaligayahan si Gunter. Lalo pa't hindi siya tinutulak ni Shelby habang yakap-yakap niya ito sa NICU.
**********
Paglabas ng dalawa sa ospital, may sumalubong agad sa kanilang flash ng kung ilang camera. Awtomatiko ngang napatakip ng braso sa mukha si Shelby. Si Gunter naman ay tumalikod sa mga paparazzi para sana takpan ang katawan, lalung-lalo na ang mukha ng kasama, pero mukhang nahuli na siya.
Medyo nalito ang dalawa kung saan patungo dahil kahit na sa loob ng lobby ay may nakapasok na ring mga reporters. Heto nga at napapaligiran na sila. Just when they thought they cannot excape the press may limang bodyguards na bigla na lang sumugod at tumulong sa kanila na umeskapo roon. Dinala sila nito sa naghihintay na limo sa labas. Pagkapasok ni Shelby sa loob nanlaki ang kanyang mga mata sa nakitang naghihintay sa kanila roon.
"Daddy!" naibulalas niya.
"Mr. San Diego," halos pabulong lang na sambit ni Gunter. Nag-atubili itong pumanhik sa loob ng sasakyan, pero nang lingunin ang likuran at makitang parang mga bubuyog na tumatakbo papunta sa kanila ang mga paparazzi'y napilitan din itong pumasok na sa loob ng limo. Doon siya sa kaharap na upuan ng mag-ama umupo.
Minanduan naman ni Magnus San Diego ang driver na paarangkadahin na ang sasakyan. Niradyuhan pa nito ang mga bodyguards na siguraduhing walang nakabuntot sa kanilang paparazzi. Nang mga oras na iyon, nanggigil naman si Gunter sa sarili nitong bodyguards na iniwang magmasid sa paligid habang nandoon sila sa loob ng ospital. Bakit hindi siya naabisuhan na may mga reporters na palang nakaabang sa kanila sa labas? Pinindot niya ang numero ng pinakapinuno ng kanyang security personnel. Imbes na ito ang sumagot sa kanya, boses ng Mom niya ang nasa kabilang linya. Wala siyang nagawa kundi putulin agad ang tawag. Parang may ideya na siya kung ano ang nangyari.
Samantala, si Shelby ay halos hindi na makahinga. Walang kibo kasi sa kanyang tabi ang kanyang ama. Paminsan-minsan ay nakikita niyang napapasulyap-sulyap ito kay Gunter at napapailing. Walang siyang ka ide-ideya kung ano ang iniisip nito kung kaya dagdag pahirap sa kanyang kalooban.
"Dad, uhm---what you read in the news---uhm---I---I would like to explain."
"Later, Shelby. Your mom wants to see you, too."
Tahimik namang nakikinig lang sa tabi si Gunter. Paminsan-minsan din ay napaptingin ito kay Magnus San Diego. And to be honest, mas kabado siya rito kaysa sa lima nitong anak na lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top