CHAPTER TWENTY-ONE

Nang nasa labas na sila ng stadium saka lang napansin ni Shelby na magkahawak-kamay sila ni Gunter. Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan sa pagkakadikit ng kanilang balat kung kaya binawi niya ang kamay saka nagpasalamat sa binata.

"My brothers really appreciate the tickets you gave us. Thank you so much."

"You're always welcome, Shelby. It is always an honor for us to see you and your family watch our team's game."

Ni wala pa silang isang minutong nag-uusap nang biglang may nag-flash sa kanilang mukha. Kasunod no'n ay ang paglitaw ng isang paparazzi na may hawak na video camera. Napataas ng kamay si Shelby para pantakip sa mukha niya. Nang makita ito ni Gunter hinarang nito ang katawan sa pagitan nila ng journalist. No'n naman dumating sa eksena si Alfonso. Tila humahangos ito. Parang hinabol talaga ang dalawa. Katunayan, ni hindi pa ito nakapagpalit ng damit. Suut-suot pa rin nito ang uniporme.

"Shelby!" tawag nito sa dalaga.

Saktong paglingon ni Shelby sa dating nobyo, nag-flash na naman ang camera sa kanyang mukha. Napapikit siya agad at napatakip ng kamay sa mga mata pero mukhang huli na dahil nakakuha na ng larawan niya ang photojournalist.

"We need to leave now," sabi ni Gunter sa kanya nang masulyapan si Alfonso.

"Wait. I have to call my brothers first. They are all waiting for me at the parking lot."

"The paparazzis will be swarming around us in no time. C'mon. Let's go!" At hinawakan uli ni Gunter ang kanyang kamay. Hinihila siya nito palayo roon habang tumatawag kay Frederick. Nagpapasundo ito sa assistant. Pagkatapos niyon tinawagan din nito ang head ng security ng New York Jets at pinapapunta sa labas ng stadium para hawiin ang mga agresibong journalists.

"I am glad you watched my game, Shelby," pahabol ni Alfonso.

Napalingon uli sa lalaki si Shelby habang tinatawagan ang Kuya Marius niya. Nakita niyang hindi na makaabante sa kanila ang dating nobyo dahil pinaligiran na ito ng mga paparazzi. Naawa siya rito, pero wala rin siyang magagawa dahil umiiwas din sila ni Gunter sa mga iyon.

Mayamaya pa, dumating na rin si Frederick. Mas nauna pa ito kaysa sa Kuya Marius niya.

"Get inside the car," mando ni Gunter sa kanya.

Napatingin pa saglit si Shelby kay Alfonso bago pumasok sa sasakyang pinagmamaneho ni Frederick. Pagkaupo niya sa loob ng sasakyan, tinawagan na naman ng dalaga ang kanyang Kuya Marius at pinaalam dito na safe na siyang nakaalpas sa mga agresibong reporters. Nang malaman ng kapatid na kasama niya si Gunter, pinagalitan siya nito.

"Where are you guys heading? We will meet you there," sabi pa nito.

Napasulyap si Shelby kay Gunter na tahimik lang sa tabi niya. Nakaupo ito sa pinakadulo ng back seat. Napangiti siya nang lihim dahil nagbigay ito ng malaking espasyo sa pagitan nilang dalawa para hindi siya mailang sa pakikipag-usap sa kapatid.

"I still do not know. Baka ---baka ihahatid niya lang ako sa condo. Pagod na rin ako, eh. Kaya wala rin akong balak lumabas."

"Siguraduhin mo lang na ihahatid ka niya sa condo mo dahil kung hindi malilintikan siya sa amin."

"Kuya naman. Magbe-bente kuwatro na ako in a few months," natatawa niyang paalala rito.

Hindi agad nakasagot ang Kuya Marius niya. Nang marinig niya muli ang boses nito, malumanay na ang timbre. "You're still our little girl, princess. Take care of yourself, okay?" sabi nito at pinutol na rin ang linya.

Nakaabante lang sila ng kung ilang metro nang may humarang na namang mga paparazzi. Napa-preno bigla si Frederick sabay kamot sa ulo.

"What should I do, boss?" lingon nito kay Gunter.

Bago pa masagot iyon ni Gunter ay lumitaw ang isang malaking mama. Naisip ni Shelby na baka iyon na nga ang head ng security team ng New York Jets. Ito na ang nagpatabi sa mga reporters para tuloy-tuloy ang pag-arangkada ni Frederick. Nang lingunin ni Shelby ang MetLife Stadium, maliliit na ang mga taong nakikita niya. Ibig sabihin ay nakalayo na nga sila nang tuluyan doon.

**********

Habang nakikipag-usap sa telepono si Shelby mataman namang nakikinig si Gunter, pero wala siyang naintindihan masyado sa pinagsasabi nito sa kanilang lenggwahe liban sa salitang bente kuwatro. It sounds Spanish to him. If she was talking about a number, then he understood that it means number twenty-four. But what was the context of that statement? Bakit bigla na lang niyang nasabi iyon? Buti na lang at number thirty-nine ang jersey number ni Dela Pena. Kung nagkataon na iyong numerong binanggit ni Shelby baka nanggagalaiti na siya ngayon.

Ang dami pa pala niyang hindi alam sa Filipino language. Kailangan pa niyang pagbutihin ang pag-aaral niyon. Gusto niyang makausap ang dalaga sa kanyang lenggwahe balang-araw.

"Are you hungry? Do you want to grab some snacks?" tanong ni Gunter dito matapos itong makipag-usap sa kung kanino sa telepono.

"Boss, baka kuyugin kayo ng mga paparazzi kung dumaan pa tayong restaurant," paalala ni Frederick sa amo sa salitang German. Pinarinig pa nito sa binata ang laman ng ulat sa radyo na kumu-cover diumano ng laro ng New York Jets at Cincinnati Bengals. Nawala sa laro ang focus ng balita kundi sa team owner nitong tumakas kasama ang isang napakagandang fashion designer daw.

Nakita ni Gunter ang pagsimangot ni Shelby nang marinig nito ang pangalan sa radyo. Nasabi ngang napakagandang fashion designer nito pero inintriga naman. Sinabing puntahan daw ito ni Gunter kapag hindi umuubra ang relasyon sa mga dini-date nito katulad nila Adeline Grayson at Marinette Schlossberg.

"Wrong info!" bigla na lang ay nasambit ni Frederick sabay tampal ng manibela na nagpagulat nang bahagya kay Shelby. "Where the fvck did they get their information?" dugtong pa nito na halos sa sarili lang nakikipag-usap.

"You know what to do," ani Gunter sa likuran sa salitang German. Pagkatapos sinulyapan nito si Shelby at pinaliwanagan. "Do not believe everything you heard from the radio. They're insane!"

Tumango lang ang dalaga pero hindi na nagsalita pa.

Minanduan ni Gunter si Frederick na patayin na ang radyo. Ginawa naman nito agad saka nagpatugtog. Natigilan ang binata nang umalingawngaw ang isa sa theme songs ng dirty dancing, ang The Hungry Eyes. Nagkatinginan sila ng assistant sa salamin sa harapan. From the corner of Gunter's eyes, nakita niyang biglang napangiti si Shelby sabay tingin sa labas. Tila naengkanto ang binata habang pinagmamasdan ito. Napangiti na rin siya tuloy. Si Frederick naman na siyang sumadyang magpatugtog no'n ay ngingisi-ngisi rin habang nagmamaneho.

Mayamaya pa'y nag-slow down na ito dahil malapit na raw sila sa condo ng dalaga. Nang marinig iyon ni Gunter, naalarma siya nang kaunti. Ayaw pa kasi niyang pakawalan si Shelby. Nag-isip siya ng maaaring dahilan kung paano pa mapapalawig ang bonding moment nila.

"When you turn on that intersection, my building is on the next block," ani Shelby kay Frederick. Napasulyap lang ang huli sa dalaga tapos napatingin ito sa amo.

"You can stop the car now and I will drive," mando naman ni Gunter kay Frederick.

"Paano naman ako, boss? Paano ako uuwi?" kakamot-kamot na tanong ni Frederick kay Gunter sa German. Ngingisi-ngisi pa ito na tila nanunudyo.

"You can fly if you want," sarkastiko namang sagot ni Gunter dito. Walang kangiti-ngiti. Bumungisngis ang assistant, dahilan para magpalipat-lipat ang tingin ni Shelby sa dalawa. Na-sense ni Gunter na medyo naging uncomfortable ang dalaga kung kaya pinaliwanag niya ang naging pag-uusap nila ng loko-loko niyang assistant. No'n lang napangiti uli si Shelby. At hindi napigilan ni Gunter na mapasirko na naman ang puso.

**********

"When I was a little child, my mom used to tell me that when a person dies, he or she becomes a star. So everytime I look up I would search for my mamita in the sky." At habang nakatingala nga si Shelby sa langit sa harap ng NYC harbor habang nakasandal sila pareho ni Gunter sa sasakyan nito ay ganoon ang ginawa niya. Hinanap niya kung saan sa mga kumikinang na bituin ang pinakamamahal niyang lola, ang mama ng Mom niya.

Napatingala rin si Gunter sa langit saka tinuro nito ang pinakamakinang na bituin.

"Yeah. I think that one is my mamita. The one that shines the brightest," nakangiting wika ni Shelby. Pinangiliran pa siya ng mga luha.

"Oh, I was supposed to say it was your star. That's a Sirius, you know."

Napatingin si Shelby kay Gunter na nakatingala pa rin sa langit. Nakangiti ang binata habang nakatitig sa sinasabi nitong Sirius. No'n lang niya naalala ang binigay nitong bituin. Tama. Sirius nga ang pangalan no'n. The one that shines the brightest.

"Yes. That's a Sirius indeed. And it's my mamita, too," sang-ayon ni Shelby nang nakabungisngis. Kinuwento na tuloy niya kay Gunter kung anong klaseng lola ang mama ng mommy niya. "Unlike my other grandma, she was just mellow and very softspoken. She loved to make strawberry jams for us. Every summer vacation when we visit her and my lolo---that's my grandfather, she would take us to their strawberry farm and we would gather strawberries---lots and lots of them."

"Your grandparents' place sounds cool."

"Yes! I had good memories there."

"I have never been to a farm except to a vineyard in California when I was a teenager. My dad brought me there because he wanted me to see how wines are made. Plus, he was thinking of buying a small piece of land there. However, the owner of the small vineyard changed his mind and didn't sell the land to us but to the owner of the nearby vineyard. Dad was devastated."

Napamulagat si Shelby. Para kasing pamilyar sa kanya ang kuwentong iyon. Sa abot ng kanyang memorya, natatandaan niyang pinapuntang California ang kanyang kapatid na si Matias para tumulong sa pag-aasikaso ng vineyard nila sa Napa Valley sa California. Noong panahong iyon may katabi itong vineyard din na mas maliit nang kaunti sa kanila na pinagbibili ng may-ari. Hindi alam ni Shelby kung ano ang detalye niyon pero bumalik na masaya ang kanyang kapatid after a few months dahil na-accomplish nito ang pinapagawa sa kanya roon ng dad nila. Napa-expand nito ang kanilang winery dahil sa paglawak ng taniman nila ng ubas. Baka iyon ang tinutukoy ni Gunter? Hindi na lang niya iyon binaggit. Ayaw niyang malaman nito na konektado rin ang kanyang pamilya sa ganoong negosyo. Kung sa hotel nga'y nagkakatalo na sila, baka pati rito ay maging kakompetensiya pa nila. Her dad wouldn't like it for sure.

"What about your grandparents? Are you close to them, too?"

Umiling-iling si Gunter. "I don't remember any of them. Both my parents are immigrants. My mom's family is from Paris while my Dad's from Munich, Germany. I've only met one set of my grandparents and they were from my dad's side. They didn't like my mom at all." At tumawa rito si Gunter. "Mom was kind of aggressive, you know. When she saw my dad for the first time at their inn, right there and then she promised herself she will have him. And indeed she married him after three months."

Napanganga rito si Shelby. Ganoon ka bilis si Madame Margaux Quandt? Hanep!

"Mom was a receptionist in a Paris inn when she met my dad. My father was already an established businessman at that time. In fact, he was in France for just a business trip. When he saw my mom, he was attracted to her all right but he never thought he wound end up marrying her." Natawa uli rito si Gunter. "But mom was so resourceful. I think she kind of seduced dad one night and when she got pregnant she made sure dad knew about it. A righteous man that he was, dad married her so she would keep the baby. But my older brother, Skylark Quandt Albrecht only lasted for a year and a half then he died of meningitis."

Skylark Quandt. Iyon ang pangalan ng building nila. Ibig sabihin ay tribute iyon ng mga Albrecht sa panganay nilang anak.

Mayamaya pa, napunta ang usapan kay Alfonso. Nagtanong si Gunter kung ilang taon niyang naging nobyo ang ex niya. Dito lang ang-hesitate sumagot si Shelby. She tried to recall kung naikuwento na niya ito noon. Hindi na niya maalala.

"Most of my teenage life," sagot na lang niya rito. "What about you? With your exes?"

Tumawa rito si Gunter.

"I think you heard about me and Adeline already. We didn't last long. I think barely three months. She was mom's favorite girlfriend of mine. That's because her mom was French and they both hailed from the same city in France. She and Adeline both love classical music as well. They can talk for hours about them without getting tired. She was the one who arranged everything---my mom. I didn't care much about Adeline, so it was easy to break up with her."

"What about---Marinette Schlossberg?" lakas-loob na tanong ni Shelby.

"I think my entire junior high school. She was my first love, you know. But if you're going to ask me if she still matters, the answer is no."

Nginitian ni Gunter si Shelby matapos sabihin ito. Dahilan para umiwas ng tingin ang dalaga. Nakaramdam siya ng pagkaasiwa sa paraan ng tingin sa kanya ng binata. Feeling niya parang naririnig nito ang tambol ng kanyang puso. Bigla kasing lumakas ang kalabog nito nang sabihin ni Gunter na hindi na nagma-matter si Marinette.

Nang umisod palapit sa kanya si Gunter at ilagay nito ang isang kamay sa kanyang balikat, napasinghap na si Shelby. Hindi na rin siya halos makahinga.

"It's getting a bit chilly," sabi niya sa binata.

"That's why I put my arms around you." At tumawa pa si Gunter. Pero parang nininerbiyos na tawa rin ang pinakawalan nito. Ganoon nga ba? O baka imahinasyon lamang niya?

**********

Napansin ni Gunter na may limang sasakyang nakaparada sa harapan ng building nila Shelby nang ihatid na niya ito nang bandang alas dos nang umaga. Pagkahinto nga ng kanyang sasakyan sa tapat ng naturang gusali ay bumukas ang pintuan sa driver's seat ng BMW sa unahan nila. Sinundan ito ng Lamborghini. Tapos ng Ferrari. Mercedez Benz. At ang pinakahuli ay ang Ashton Martin. Natigilan sila pareho ni Shelby nang isa-isang nagsulpotan ang limang lalaking naka-Amerikan rin ng kilalang mamahaling brand.

"Oh my God!" naibulalas nga ng dalaga sabay tapik sa noo niya. "What time is it now?" tanong nito sa kanya.

"It's ten past two," halos ay pabulong na lamang na sagot ni Gunter rito. Kahit na malinis ang kanilang konsensya, medyo kinabahan na rin siya't lima-lima ang nakaantabay sa pagbaba nila ni Shelby. "I thought you told them not to wait for you anymore?" sabi pa niya sa dalaga.

"I did!" sagot naman sa kanya nito.

"But why?" tanong na naman niya rito.

"I do not know. I am so sorry, Gunter."

Bago pa makasagot si Gunter ay may kumatok sa bintana sa tabi niya. Binaba niya ito.

"Kuya Marius!" Si Shelby. She sounded nervous, too. "I called up Matias a while ago. I told him to tell you guys not to wait for me anymore."

"Baba!" was all Marius could say. At iyon ay naintindihan ni Gunter.

Mabilis niyang isinara ang bintana at umibis na ng sasakyan. Umikot siya sa side ni Shelby at inalalayan ito sa pagbaba rin. While he was walking her towards her brothers, his eyes wondered around. Wala na masyadong naglalakad nang mga oras na iyon. Wala siyang mahingan ng saklolo kung sakali. Hindi sa pinagdududahan niya ang lima. Pero ang sabi ni Frederick kasi normal sa mga Pinoy na lalaking kapatid na maging over-protective sa kanilang kapatid na babae. Usung-uso nga raw ang pagbugbog sa manliligaw ng huli. Iyon ang medyo ikinababahala niya. Hindi sa takot siya sa bugbugan. Pero lima ang mga ito. Limang matatangkad at malalaking bulas na mama. Magkasing-tangkad at laki lang naman sana sila kaso times five sila. Dehado siya.

Where the fvck are you now, Frederick?

No'n lang din naalala ni Gunter na pinauwi na nga niya pala ito para magpahinga. Malamang by this time ay naghihilik na ang loko-lokong iyon.

"Shelby, anong oras na?" salubong ng isang nagngangalang Markus sa dalaga. Napasipol si Gunter. Naintindihan niya kasi ang tanong na iyon!

He congratulated himself for remembering his Filipino lesson this time. Kaso nga lang, nabaling sa kanya ang talim ng titig ng naturang kapatid. Tumahimik siya at inayos ang ekspresyon sa mukha. Baka kasi napagkamalan nitong ngingisi-ngisi pa siya gayong mainit ang ulo nito.

"Markie, tumawag nga ako kay Matty," malumanay na sagot ni Shelby kay Markus. Pati iyon ay na-gets din ni Gunter. Gusto na naman niyang humiyaw sa tuwa. Pero bago pa niya magawa iyon, sumeryoso na siya agad dahil ang ibang mga kapatid ay nakatitig na sa kanya nang masama.

"I did tell them about your call. Pero Shelby Madeline it doesn't change the fact na alas dos pasado ka na umuwi. Uwi ba ito ng matinong babae?" Si Matias na ang sumagot. Ang sinabi nito sa English lang ang naintindihan ni Gunter dahil naging sobrang bilis na nitong magsalita nang nag-Filipino na.

"Wala naman kaming ginawang masama, eh."

When Gunter glanced at Shelby, she already looked as if she was about to cry. Doon na siya umentra sa usapan ng magkakapatid.

"Shelby and I just went to the harbor to look at the stars," sabi niya sa mga ito.

May umubo sa mga kapatid. Tapos may sumagot ng, "Look at the stars? Tell that to the marines, you idiot!"

"Kuya Marius!" saway agad ni Shelby.

Umabante kasi ito at mukhang susuntukin na siya. Huli na nang mapagtanto niyang parang too good to be true ng mga sinabi niya at maaari rin itong magkaroon ng ibang pakahulugan.

"Look. I will be very honest with you guys. I know you love Shelby very much so I understand why you are so protective of her. But she's not a teenager anymore. She deserved to be treated like one."

Bago pa niya matapos iyon ay nakwelyuhan na siya ni Marius.

"Don't you dare us tell how to treat her. She's our one and only sister. She's not just an ordinary kind of girl that you can date and dispatch whenever you want it."

"Kuya Marius, ano ba!" saway uli ni Shelby dito. Mangiyak-ngiyak na ang dalaga. Doon na nakialam iyong tinatawag nilang Matias. Tinapik nito sa balikat ang kapatid habang iyong kakambal naman ang dahan-dahang tumanggal ng kamay nito sa kuwelyo ni Gunter.

"Dalhin n'yo nga si Shelby sa loob!" utos ni Marius sa mga kapatid.

Nakita ni Gunter na sina Moses and Morris ang mabilis na umalalay sa dalaga at pinakiusapan nila itong umalis na doon.

"Ano'ng gagawin n'yo kay Gunter?"

Naintindihan din iyon ni Gunter at ikinatuwa niyang makita na nag-aalala nang sobra sa kanya si Shelby. Nagbigay-lakas at tapang iyon sa kanya kung kaya nakapagbitaw pa siya ng kung anu-anong salita.

"I'll be very honest with you guys. I love your sister so much and I can marry her anytime, anywhere if she'll just say yes."

"What?" dumadagundong ang boses ni Marius.

Ito ang pinakaagresibo na sa kanilang lahat. Ang dating hambog na lalaki ay tila nag-mellow na. Nagpaliwanag pa ito sa mga older siblings na mukha naman daw siyang nagsasabi ng totoo kaya pakawalan na raw nila. Ang saya-saya ni Gunter kahit na hindi pa tapos ang interrogation dahil naiintindihan na niya kahit papaano ang pinag-uusapan ng magkakapatid.

"Nag-propose na nga raw iyan kay Shelby, Kuya," sabat ni Matias.

Sa kanya tuloy nabaling ang atensyon ni Marius. Nagpaliwanag naman ang Matias. Kaya nagpalipat-lipat ang tingin ni Marius sa kanilang dalawa ni Matias. Mayamaya pa'y umentra na roon si Markus at sinuportahan nga ang impormasyong binigay ng nakababatang kapatid.

"Just remember this, Mr. Albrecht, the moment you hurt our sister we will hunt you down and skin you alive! We will never tolerate another Alfonso. Do you understand?" Si Marius pa rin. Humina na ang tinig nito pero naroon pa rin ang kaseryosohan ng kanyang babala.

So that bastard---that Dela Pena had hurt Shelby a lot.

Napakuyom ang mga palad ni Gunter bago tumangu-tango kay Marius.

"If you want to be sure about my intentions, you can tell your sister to marry me now," hamon niya rito na sinagot naman ni Marius ng paniningkit ng mga mata sabay sabi ng, "Why will we do that? We're not out of our mind!"

Iyon lang at iniwan na siya nito doon. Pumasok na rin silang tatlo sa building nila Shelby. Nang wala na ni anino ng tatlong lalaki, saka sumulpot ang hinayupak na Frederick.

"My God, boss! Are you all right? That was one hell of a confrontation with the future in-laws!"

Kinutusan ito ni Gunter bago bumalik sa kanyang sasakyan. Nakangising humabol sa amo ang assistant.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top