CHAPTER TWENTY-NINE

Napangiti si Shelby nang makita ang reaksiyon ni Gunter sa sinabi niya. Napanganga ito nang kung ilang segundo bago ma-realize ang binitawan niyang salita. Kung ilang beses pa siyang tumangu-tango bago nito nakuha na umu-oo siya sa marriage proposal nito.

"You said yes?" nakangiti na rin ito ngayon. Iyong klase ng ngiti na tila naka-jackpot.

Bago pa siya makatango uli, sumuntok na sa ere si Gunter at sumigaw ng 'yes'. Humalakhak pa itong parang timang. Shelby cannot stop herself from smiling, too. At the same time, na-guilty rin siya dahil isa lamang ang ibig sabihin no'n. Masyado niya itong binigo noong nakaraan kung kaya hindi agad ito naniwala na umu-oo na siya ngayon.

"This is the happiest day of my life. You just don't know how much you made me happy, Shelby. Thank you for trusting me. Rest assured I will do everything I can to make you the happiest bride and the happiest wife that has ever lived."

Napangiwi si Shelby sa kakornihan nito at kunwari'y inasiman niya ito ng mukha. Pero sa loob-loob niya, she was more than thrilled. Kahit alam niyang exaggeration ang mga sinabi ni Gunter, nakadulot iyon ng ibayong kilig sa kanya.

"But my saying yes to your marriage proposal does not mean we are going to get married soon, just like the other day. I hope that we take time to know each other well so that when we face one another again for holy matrimony at least we are more than ready to make it work."

"Yes, ma'am!" At pabiro pang napa-salute si Gunter sa kanya.

May sigla na sa mga kilos nito nang mag-utos sa mga nakapaligid na servers na dalhin na ang main course nila. Bigla itong ginutom. Napansin nga ni Shelby na magana itong kumain ngayon. Hindi tulad noon sa yate na halos hindi ginalawa ang pagkain. Katunayan, nagpakuha pa ito ng pangalawang serving ng four-hundred-gram Wagyu tenderloin steak. Siya nama'y halos hindi nakaubos ng two hundred grams no'n. Paano kasi'y medyo nanginig na siya sa sobrang lamig. Kinailangan pa ni Gunter na ipatutok sa kanya ang fan heater para maibsan ang pangingikig niya.

Mayamaya pa nga nilipat nito ang upuan sa tabi niya at inakbayan siya nito. Nakaramdam ng kakaibang init si Shelby pero hindi siya nagpahalata. Sinikap niyang maging normal lang ang pakiramdam.

Nang matapos silang kumain at habang nakatingala na sa langit sa pagmamasid sa mga nagniningning na bituin bigla na lang pumailanlang ang She's Like the Wind ni Patrick Swayze. Kapwa sila napalingon ni Gunter sa pinanggalingan ng tugtog. At gano'n na lamang ang pagngiti ng huli nang mahagip ng tingin ang assistant nitong patakbong bumalik ng entrance papasok sa building. Siya ang naglagay ng stereo doon para sa background music nilang dalawa.

"C'mon, let's dance," paanyaya ni Gunter.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Shelby. Kaagad na pinatong ang kamay sa naghihintay nitong palad. Habang magkadikit ang kanilang mga katawan, nakaramdam siya ng payapa. Iyong feeling na secure na secure siya. Hindi nga niya namalayan, napahilig siya sa balikat nito. It was the most blissful feeling. Dahil sobrang tangkad ni Gunter at hindi kataasan ang takong ng boots niya nang gabing iyon. Kaunti lang ang nilagpas niya sa balikat nito. Kaya nang ihimlay niya roon ang isang kanang bahagi ng pisngi, halos dumikit na rin iyon sa bandang dibdib ni Gunter. Narinig niya tuloy ang dagundong ng puso nito. Ang bilis ng tibok. Para ring kanya. She smiled absent-mindedly. Pipikit na sana siya nang mamatay bigla ang kanta. Una, inakala niyang natapos ito nang hindi niya namamalayan. Pero nang makita niyang napalingon sa stereo si Gunter at pinangunutan ng noo, napagtanto niyang may pumatay doon.

"Wel, well, well. What a romantic scene! I can really count on you, son, on romantic dates like this. Did you also tell your Philipino her that you have also promised Adeline a wedding?"

"Mom! What are you doing here?" gulat na gulat na sagot ni Gunter. Awtomatiko itong humarang sa katawan ni Shelby. Para bagang nais na protektahan ang babae sa kung ano mang gagawin ng mom niya.

"Oh!" At napatakip ito ng bunganga. Para bagang may nakita kay Shelby na sobra nitong ikinagulat. Iyong tipo ng gulat na nakadala ng masidhing negatibong emosyon. Pinangiliran pa ito ng mga luha.

Dala na rin ng kabutihang asal, magalang na bumati si Shelby sa babae. Pero imbes na sagutin siya, umiling-iling lang ito na tila labis na naghinagpis.

"Mom? Mom! What's going on?"

Pati si Gunter ay nataranta.

"How can you do this to your real fiancee?!" sumbat nito kay Gunter.

Sa hindi kalayuan naman ay makikitang sumesenyas-senyas si Frederick. Tila may gusto itong sabihin. Imbes na magaan na ang loob ni Gunter sa assistant sa kabila ng kapalpakan nito kanina, nagalit na naman siya dahil hindi niya ito maintindihan.

Lumapit naman si Madame Margaux Quandt kay Shelby sabay taas ng kaliwang kamay nito. Inakala ng huli na pagbubuhatan siya nito ng kamay kung kaya binawi niya agad ang braso at magtatakip na sana ng mukha nang bigla na lang hinipo ni Madame Margaux ang singsing niyang bigay ni Gunter at eksaheradong humagulgol. Doon na lumapit si Frederick. May binulong ito sa amo na labis na ikinagalit ng huli.

"What?!" Gunter exclaimed in horror. Tapos napaharap ito sa ina saka galit na galit na napabulalas ng, "Mom?! How can you do this to me?"

"Drop the act, Gunter! You and I both know you only wanted to make this Philipino girl believe you are into her because you cannot accept the fact that she has rejected you once! Now you gave her a ring because you thought that it is the only way you can get her into bed with you!"

Napahawak sa sentido si Shelby. Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa.

"Why are you doing this to me, Mom?" tanong ni Gunter sa mahina ngunit puno ng hinanakit na tinig. "Don't you want me to be happy?"

"I know what is best for you and it is not her! I cannot accept a non-white as a daughter-in-law! D'you hear me? For generations, our family---your dad's and mine have managed to keep our bloodline purely white! I cannot let you destroy our lineage!" sigaw nito sa anak sa nanlilisik na mga mata.

Napanganga sa narinig si Shelby. Hindi siya makapaniwala na kahit ngayong twenty-first century na ay mayroon pa ring katulad ni Madame Margaux Quandt na ubod ng racist at sobrang obssessed sa pagpapanatili ng kanilang puting lahi.

"What?!" Gunter was horrified.

Si Shelby naman ay napatingin lang kay Madame Margaux. Sa sobrang gulat sa mga sinabi nito ni hindi siya nakapagsalita.

**********

"Make sure Shelby understood that my mom's sentiment is not a reflection of what I feel. That there's no truth to what she said," mando ni Gunter sa assistant.

"Yes, boss. I will," pabulong na sagot ni Frederick kay Gunter at nilapitan si Shelby. Ito na ang naghatid sa huli sa condo nito.

Samantala, galit na kinompronta ni Gunter ang ina tungkol sa mga binitawang salita sa nobya.

"I never thought you are this racist, Mom."

Ngumisi si Madame Margaux Quandt. "I don't like Asians. Period. And I will see to it that you do not end up with one even if it means you marry a nympomaniac like Adeline or that bitchy Marinette!"

Pagkasabi niyon ay dali-dali na itong pumasok ng building. Napakuyom ng mga palad si Gunter. Sa sobrang galit, naihagis niya sa dingding ang bote ng vintage wine na halos hindi pa nababawasan. Mahigit tatlumpong libong dolyar din iyon kung kaya napakislot ang dalawang bodyguards niya na nakatayo lang sa bandang unahan. Saka lang kumilos ang mga ito para sundan siya nang galit na galit din siyang pumasok ng building.

Tinawagan niya agad si Shelby nang makarating siya sa upisina. Malapit na raw sila ni Frederick sa condo nito. Nakahinga siya nang maluwag na tila hindi sumama ang loob ng babae sa kanya. Ganunpaman, minabuti pa rin niyang ihingi ng paumanhin ang ina.

"What my mom said to you tonight does not matter to me, Shelby. No one can tell me who to marry. I have made up my mind a long time ago. That moment when I saw you at the MET, I already knew that you are the one."

Hindi agad sumagot si Shelby sa sinabi niya. Pero narinig niya ang tila pagbilis ng paghinga nito.

"Thank you, Gunter," tanging naisagot nito saka magalang na nagpaalam.

Nag-alala tuloy siya na baka nakwentuhan na rin ito ng lolo niya tungkol sa nangyari dito at sa mga magulang niya sa Germany noon. Baka nga napagdugtung-dugtong ni Shelby ang mga tagpo at ngayo'y iniisip nang racist talaga ang pamilya niya.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Gunter. Kailangan niyang makausap nang personal si Shelby. Ang dami niyang gustong i-esplika.

Pagdating ni Gunter sa harap ng condo ni Shelby, may naghihintay na roong isang grupo ng mga paparazzi. Nahagip ng paningin niya ang limang malalaking mamang itim na nakatayo sa harapan ng gusali na tila nagmistulang human barricade sakaling magpumilit na mag-barge in na lang ang ibang pangahas na reporters. Tinawagan niya agad si Frederick.

"Boss, I am on my way to your bachelor's pad now. I thought you were already there."

"I'm in front of Shelby's building. I wanted to talk to her."

"Boss, don't dare." At sinabi nga nito ang nadatnan din daw na iilang journalists na nandoon. Tapos ang limang dambuhalang men in black. "They are your father-in-law's bodyguards. They had a very strict order from him not to let anyone near Shelby right now. He was fuming mad when he saw us tonight. I don't know how Madame Margaux did it, but your proposal to Ms. Shelby was reported live by one news agency and while you guys were celebrating a blissful ocassion, Adeline was interviewed about her reaction to it. Simultaneously, boss. Like a movie. Your mom also gave her statement and she said almost the same thing as what she said to you on the rooftop, minus the racist remark. Madame Margaux was even quoted as saying she was shocked upon learning your marriage proposal to Ms. Shelby because allegedly you and Adeline are busy with your wedding preparations which will happen anytime soon."

Napamura nang ilang beses si Gunter.

**********

Hindi na nagulat si Shelby nang makitang naghihintay din sa kanya sa kanyang unit hindi lamang ang mommy niya kundi maging ang kanyang mga lolo't lola. Sinabi agad nila na napanood daw nila sa TV ang naganap na proposal ni Gunter.

"Ah, it was the sweetest proposal ever, sweetie," maluha-luhang sabi ng mom niya. Niyakap pa siya nang mahigpit. "I am so happy for you. And Gunter."

"Congratulations to you and Gunter, my love," ang lola naman niya.

"Ano ba kayong dalawa? Hindi n'yo ba nakita kanina? That bastard's fiancee didn't know what was going on! While she was busy making wedding preparations, that asshole was busy making a fool of our Shelby!" asik ni Magnus sa asawa't ina.

"Naniwala ka naman, doon?" sagot ni Sheila.

"That bitch has always been against my apo. Maybe, tama nga si Manolo tungkol sa kanilang mag-asawa. But then, Gunter seemed to be different from them. I am rarely wrong when it comes to people's character, Magnus. Magaling ako kumilatis ng tao. And you know that."

Sumulyap si Donya Minerva kay Sheila at kumindat. Ito ang ibig niyang sabihin. Kahit noong nanggagalaiti si Magnus sa galit kay Sheila ay magaan na ang loob ng mommy niya rito. Katunayan, pinagpilitan ng donya na mabuting tao si Sheila at hindi nga ito nagkamali. Alam din ni Donya Minerva na kapag iyon na ang gagawin nitong halimbawa sa galing diumano niya sa pagkilatis ng tao, hindi na nakakahirit pa ang anak. Dahil totoo nga naman.

"Ano po iyong alam n'yo sa mga magulang ni Gunter, Grandpa?" sabat ni Shelby. Umupo ito sa sahig, malapit sa paanan ng lolo.

Hinagud-hagod ni Don Manolo ang buhok ng apo habang tila binabalikan sa isipan ang naging karanasan kasama ang mga magulang ni Gunter.

"I was in a restaurant in Germany at that time. Henry and his young bride were also there. Habang tahimik akong kumakain bigla na lang napasigaw iyong babae."

"Si Madame Margaux po ba?" tanong agad ni Shelby.

Tumangu-tango si Don Manolo.

"Lahat kaming nandoon ay napatingin sa kanila. Akala ko kung ano na. Iyon pala'y may pumasok lang na isang lalaking itim. Hindi naman mukhang basahan ang suot. Katunayan, naka-Amerikana pa nga ito, pero itinaboy itong parang manok ni Margaux habang nagtatakip ng ilong. Ang sabi buntis daw siya at hindi pwedeng makasinghot ng masasangsang na amoy."

Nagsalubong ang mga kilay ni Shelby. "Bakit naman po ganoon ang ginawa niya sa tao?"

"I thought Henry would do something about it. Mukha naman kasing mabait sa kapwa. But he didn't do anything. Sa halip, he gently told the guy to leave for the sake of his pregnant wife. He gave the guy some money thinking he was a beggar."

Dito na napangiti si Don Manolo. "And the guy turned out to be Louis Armstrong."

"What?!" Hindi lang si Shelby ang napabulalas ng ganoon. Maging si Sheila at Magnus ay ganoon din. Si Donya Minerva lang ang tumawa. Halatang ilang beses na sigurong kinuwento iyon sa kanya ng kanyang asawa.

"Louis Armstrong, the one who sang Mom's favorite song, What a Wonderful World?"

"Yes. The one and only," nakangiting pakli ni Don Manolo kay Magnus.

"So ano pong nangyari, Grandpa? What did Louis Armstrong do?"

"Ah. He was really a good guy. He smelled his armpits and laughed while saying he didn't smell anything. When Henry insisted to give him money, he smiled sadly but thanked Henry for the gesture. Since I recognized him right away, I was the one who informed the ignorant people there at that time who were already behaving like Madame Margaux that the guy they were trying to shoo away was the one and only, Louis Armstrong. They did not believe me at first. So Louis sang What a Wonderful World to us acapella. That's when some of them apologized repeatedly. But not Henry and Margaux Albrecht. They simply left the restaurant."

In-imagine ni Shelby ang pangyayari at nanggigil siya sa mga magulang ni Gunter. Kahit na medyo sinisi rin niya ang dad nito, parang may kaunting hesitation si Shelby na husgahan ito dahil sa maikling pagkakataon na nakadaupang palad niya ito'y mukha namang hindi racist. At iyon nga ang sinabi niya sa lolo niya.

"You'll never know, hija. Sometimes, people show their true colors in many subtle ways," sabi pa ng don. "Baka hindi mo pa lang nakikita."

Napaisip si Shelby.

**********

Wala pa si Shelby sa ospital nang dumating si Gunter nang umagang iyon. Sabado ngayon kung kaya naisip niyang baka tinanghali ng gising dahil walang pasok. Kaya hindi niya inasahan nang sumulpot ito makaraan ang ilang sandali. Kasama nito ang mga lolo't lola saka ang mga magulang. Medyo nakaramdam ng pagka-asiwa ang lalaki dahil halos hindi pa siya nakakarecover sa interrogation nila noong isang araw at heto't tila mapapasabak na naman siya sa isa pa.

Ang tanging nakabigay sa kanya ng good vibe ay nang mapatingin siya sa ibaba. Halos magkawangis ang mga sapatos nila ni Magnus San Diego. Kung ang kanya'y kulay itim na dress shoes, sa lalaki nama'y kulay kayumanggi. Medyo na-disappoint siyang hindi nito sinuot ang binigay niya noong isang araw ngunit nakaramdam din siya ng katuwaan at kahit papaano ay mayroon silang something in common ng arogante niyang biyenang hilaw.

"Ah, is that our little angel?" tuwang-tuwa na tanong ni Donya Minerva at lumapit agad ito kay Gunter na siyang may hawak-hawak kay Baby Shy. "How are you, sweetheart?"

"She's doing pretty well," proud na sabi ni Gunter. "Her doctors told me that Shelby and I can bring her home soon."

Tumikhim agad si Magnus. Napatingin tuloy dito si Gunter at nagpaliwanag.

"I have a house in Scarsdale. Shelby and I agreed that meantime, while we are looking for our new home, we will stay in that house."

"Bakit doon pa, anak? Maari n'yo namang tirhan ang penthouse ko dito dahil bihira ko namang nagagamit?" protesta ni Magnus.

Nilapitan ito ni Shelby. Humilig siya sa balikat ng ama saka masuyong nagpaliwanag. Sinuportahan nito ang sinabi ni Gunter.

Nagkunwari namang walang narinig ang dalawang babae. Nawili sa kakausyuso kay Baby Shy. Napabuga ng hangin si Magnus at hindi na nagsalita pang muli.

**********

Magandang balita ang sinalubong ng mga doktor ni Baby Shy kay Shelby nang binisita iyon nang Linggo ng gabi. Maaari na raw itong iuwi. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kasama ang kanyang assistant na si Lyndie, inayos na nila ang mga gamit nito. Habang busy ang kasama sa pag-aayos ng mga gamit ng baby, minabuting tawagan ni Shelby si Gunter para masabihan ito tungkol sa good news. Nagulat siya nang imbes na ito ang makasagot sa tawag, boses ni Frederick ang narinig niya sa kabilang linya.

"Oh, sorry. Boss is busy right now," sagot nito sa mahinang tinig.

"Okay. Can you relay this message to him? I am at the hospital now. We are picking up Baby Shy and bringing her home."

"Okay, Ms. Shelby. Right away," pakli nito.

Bago maputol ni Frederick ang linya, may narinig si Shelby na boses-babae sa background. Sa malamyos na tinig ay tinawag na 'darling' si Gunter. Kinabahan siya. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi iyon si Adeline kundi---si Marinette!

"Are you all right, Shelby?" si Lyndie naman.

Tila wala sa sariling napatangu-tango si Shelby. Nang ma-realize na sobra siyang nag-aalala sa isang bagay na baka wala namang kahulugan, pinilig-pilig niya agad ang ulo. Gusto niyang makalimutan ang boses ni Marinette. Ngunit paglabas na paglabas nila ng kanyang assistant sa private room ni Baby Shy ay nahagip ng kanyang paningin ang isang entertainment news sa TV at binalita ang pagbabalikan diumano ni Gunter at ng dati nitong nobya na si Marinette. Napahilot ng sentido niya si Shelby. Nalilito na siya kung sino ang dapat niyang katakutan. Si Adeline ba? O itong si Marinette?

Napabuga ng hangin si Lyndie.

"Everyone is talking about them lately," malungkot nitong sabi. "But I told them, that cannot be! It's impossible. I know my very good friend is married to the elusive bachelor of New York!"

Hindi na naman iyon pinansin ni Shelby. Bagkus, kinuha niya lang sa mga kamay nito ang bata at nauna nang lumabas ng ospital. Ang bigat-bigat ng kanyang kalooban. Imbes na sa Scarsdale dalhin si Baby Shy, minabuti niyang huwag muna silang lumipat doong mag-ina. Doon siya sa condo dumeretso. Kinagabihan na sila nagkita ni Gunter. Sinusundo sana sila sa unit niya, pero tumanggi siyang sumama rito patungong Scarsdale.

"I see. You've seen the news, I presume," malungkot nitong simula nang hindi niya ito kibuin.

"I do not know which one to be scared of now. Would it be Adeline? Or Marinette? What is going on with you and these women?"

Napahilot ng sentido niya si Gunter saka napabuga ng hangin.

"Adeline is definitely out of the picture. It's only Mom who is obssessed with her," deretsahang sagot ni Gunter. "As to Marinette---" Hindi na iyon nadugtungan pa. Lalo tuloy ninerbiyos si Shelby.

"As to Marinette what?" ulit niya.

"Her dad has a big share in Skylark Quandt Corporation. He threatens to---" napipilitang pag-amin ni Gunter. Tila hirap na hirap sa pagsasalita.

"He threatens to withdraw his shares if you don't marry his daughter?"

Hindi na nagsalita pa si Gunter. Bagkus, napaupo ito sa kanyang couch na tila hapung-hapo. Napasabunot nga ito sa buhok. Nang tumingala na sa kanya, nakita niyang may nangilid nang mga luha sa kanyang mga mata. Pero parang nilalaban pa rin nito ang emosyon.

"I understand," halos ay binulong na lamang ni Shelby.

Pakiramdam niya parang may isang tipak ng iceberg na dumagan sa kanya. Nanikip ang kanyang dibdib. Nagulat na lang siya nang nasa paanan na niya si Gunter, nakaluhod. Kinuha nito ang kanyang mga kamay at dinala sa bandang kinalalagyan ng puso nito.

"Feel my heart and you will know it is only beating for you," anas nito sa kanya.

Bago pa mahulaan ni Shelby ang gagawin ni Gunter, naramdaman na niya ang paglapat ng mainit nitong mga labi sa labi niya. For the first time since he vocally expressed his feelings for her, he kissed her with wanton abandon.

**********

A/N: Echos lang dito ang role ni Louis Armstrong. The singer do exists at patay na ito. Ang partisipasyon niya sa kuwentong ito ay kathang-isip lamang. Hehehehe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top