CHAPTER TWENTY-FOUR
Sobrang bilis ng mga pangyayari para kay Shelby. Parang bigla siyang naliyo ngayong unti-unti nang nagsi-sink in na magpapakasal sila ni Gunter. Kinakabahan siyang hindi maintindihan. Siguro dahil hindi niya ito lubos na kilala. Bukod doon pinahiwatig na ng kanyang mga kapatid, ama, at lolo na ayaw nila rito. Natatakot siya sa maaari nilang maging reaksiyon kapag nalaman nila na sa kabila ng lahat ay magpapakasal pa rin siya rito.
"A man like him will never have a place in our family," sabi noon ng Kuya Marius niya. Na laging nagpapagulo ng kanyang isipan.
"He never had a long-term relationship. That's not a good sign. He's not a keeper," sabi naman ni Markus na sinang-ayunan nila Moses at Morris. Isa pa iyon.
Parang si Matty nga lang ang hindi nagpakita ng hantarang disgusto.
Oo nga, ano? Noong umiiyak siya habang ini-interrogate ng kanyang Kuya Marius nagsabi si Matty na Gunter is a good man. Tama. Siya lang ang taliwas ang opinyon kay Gunter. Strange. He didn't sound like the usual Matty.
Ganunpaman, problema niya ngayon kung paano sabihan ang kanyang mga magulang lalo na ang dad niya na ayaw na ayaw talaga kay Gunter para sa kanya. Bukod doon nagpahayag din ito ng disgusto sa pag-ampon niya sa anak ni Dane. Ang sabi nito mag-abot lang siya ng tulong pinansiyal, kahit ito pa ang sumagot doon basta huwag akuin ang responsibilidad sa pagpapalaki sa bata dahil ibang usapin na raw iyon.
"It's not easy to raise a child, Shelby," paalala ng dad niya. "You're young and not used to that kind of burden. Baka hindi mo kayanin, anak. In the first place, it's not evern your problem," sabi pa nito. Na sinang-ayunan ng mommy niya. Pero ewan ba. Sa tuwing nadadalaw siya kay Baby Alison sa hospital iba ang kanyang pakiramdam lalo pa kapag tumitingin sa kanya ang bata. Alam niyang kapag iniwan niya ito at pinaubaya sa social worker na hanapan ng pamilyang mag-aalaga sa kanya, buong buhay niyang pagsisisihan iyon. Hindi niya yata kayang mahiwalay sa bata kahit na sabihing hindi naman niya kadugo iyon.
Windang na windang si Shelby. She needs someone to talk to. Wala na siyang Dane na masasabihan ng problema. Ang mga taong gusto niyang lapitan para hingan ng tulong ay hindi naman pabor sa nais niyang mangyari. Marahil ay pipilitin lamang siyang i-give up na ang bata.
Habang nababaliw siya sa kaiisip kung sino ang puwedeng lapitan para masabihan lamang ng mga alalahanin, nag-text ang Kuya Morris niya.
Baby girl, I will drop by NYC tomorrow night. Let's have dinner. –Morris
Kumislap ang kanyang mga mata. Kung mayroon siyang maaaring kausapin perfect na perfect ang Kuya Morris niya. Sigurado siyang maaasahan itong magtago ng kanyang sekreto pero at the same time ay makatulong pa sa kanya.
Kinabukasan nga, umuwi siya nang maaga. Nagulat ang kapatid niya nang madatnan siya nito sa condo. Ang alam kasi nito lagi siyang ginagabi. Katunayan, ini-expect na raw nito na mga around nine or ten sila magdi-dinner sa Italian restaurant sa kanto.
"Don't tell me you're excited to see me," nakangisi nitong bati sa kanya. Hinalikan pa siya ng matunog sa pisngi habang nakikipag-usap sa kung kanino sa cell phone.
"Who are you talking with?" tanong niya rito.
"Wala. May kinakausap lang akong tao sa Pilipinas."
"Is it her?" nakangiti niyang sagot.
Ang alam niya kasi'y medyo nahuhumaling na ang kapatid sa magandang YouTube vlogger kung kaya unlike before na nakaka-stay ng kung ilang linggo o buwan sa States, this time araw lang ang binibilang. Matapos ang business transaction ay sumisibat agad at umuuwing Pilipinas. Gaya ngayon. Nang maayos ang deal between their video game company and the distributor of those products in the US, nagdesisyon nang umuwi na agad ng Pilipinas. Dumaan lang sa kanya para mag-dinner sila. Dati-rati nama'y nag-i-i-stay pa sa condo nila ni Dane ng kung ilang linggo. Naisipan nga niya noon na ireto na lang sa kaibigan. Kaso nga lang, both of them were not attracted to one another.
Pangungunot ng noo ang sinagot ni Morris sa kanya kung kaya nasiguro na ni Shelby na totoo ang kanyang paratang. Hindi na siya nang-usisa pa.
"Are you ready to go?" tanong niya rito.
Her brother was just wearing a black denim jeans and a gray hoodie. Nakasampay sa braso ang winter jacket. Tanging ang Omega watch lang nito ang mukhang mamahalin sa suot. But then again, Morris still looked good.
Pagkasuot niya ng sapatos, magkaakbay na silang bumaba. Dahil malapit lang ang sinasabing restaurant sa building ni Shelby, naglakad na lang silang dalawa papunta roon kahit malamig na ang simoy ng hangin. Tempted na nga ang dalaga na magsabi rito ng alalahanin, pero naisip niyang mas maigi na nasa loob sila ng mainit-init na restaurant bago magtapat. Makakatulong siguro sa magandang pagtanggap ni Morris doon ang ambience ng resto.
"O sabi mo may sasabihin ka sa akin," untag ni Morris nang nakaupo na sila sa loob.
"Order muna tayo," sabi niya rito.
Habang nagpi-flip ng pages ng menu ni-rehearse na ni Shelby kung paano sabihin kay Morris ang tungkol sa binabalak nila ni Gunter. Kaso nga lang, naunahan siya. May lumapit na paparazzi sa table nila at nag-ambush interview sa kanya. Kinaklaro ng isang Arthur Richmond kung totoo ang bali-balita na magpapakasal na sila ng pinaka-elusive bachelor in NYC. Napanganga si Morris sa narinig. Napatingin ito sa kapatid na tila gulat na gulat. Napalunok ang dalaga nang ilang beses.
"How come there's no ring on your finger?" nakangiting singit ng isang magandang babae. Na-recognize agad ito ng dalaga bilang isa sa mga kaibigan ni Adeline Grayson. May kabuntot itong dalawa pang blonde girls. Ngumiti rin ang mga ito sa kanya bago eksaheradang kumembot-kembot patungo sa sarili nilang mesa. Narinig pa ni Shelby ang komento ng isa. Namamangka raw siya sa dalawang ilog. Nakikipagmabutihan na kay Gunter pero nagde-date pa ng iba.
Hindi na natuloy ang interview ni Arthur Richmond sa kanya. Sinundan nito ang tatlong babae at ang mga iyon ang ininterbyu for a juicy issue.
"May katotohanan ba ang sinabi nila?" tanong naman ni Morris nang silang dalawa na lang ulit. Matiim na ang tingin nito sa kanya. Wala na ngang kawala si Shelby kung kaya napatangu-tango na lamang siya. Nakakainis lang. Naloka siya sa pag-iisip kung paano sabihin kay Morris ang lahat tapos it only ended up as abrupt as that one. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.
**********
"Boss, I have good news and bad news for you," bungad ni Frederick kay Gunter pagkapasok nito sa upisina ng huli.
Bahagya lang itong sinulyapan ni Gunter habang nagbabasa ng mga papeles na nakalatag sa mesa nito. Halatang hindi interesado ang lalaki. Ngunit si Frederick ay nagpatuloy pa.
"Which one do you want to hear first?"
"I'm busy, Frederick. I do not have time for your antics."
"Are you sure, boss?" nakangisi nitong tanong.
Tumigil sa pagpi-flip-flip sa isang bungkos na papel si Gunter at tinitigan ang assistant. "Cut to the chase, Frederick! What is it?" May impatience na sa pananalita ng binata.
"Bad news? Or good news?" tila pang-aasar pa nito.
"Whatever! I do not care! Just tell me straight to the point!"
Nang hindi kumibo ang assistant, napapokpok sa mesa niya si Gunter sabay sabi ng, "All right, bad news first then!" asik niya rito.
"One of your in-laws is outside," bulong ni Frederick sa amo. May panlalaki pa ng mga mata ito.
Pagkarinig ng salitang in-laws nag-stiffen agad si Gunter. Awtomatikong nag-flash sa isipan niya ang hindi magandang pangyayari ilang linggo na ang nakaraan. Naalala agad iyon ng kanyang mga kalamnan. Nakaramdam pa nga agad siya ng pangangasim ng sikmura.
"Fvck! Maybe, he already knew? Shit, maybe Shelby had told him already! I am not ready to talk to him yet. I am still busy. But—oh man!"
Napahawak ng sentido si Gunter at bigla itong napatayo. Nagpalakad-lakad ito sa upisina. Hindi malaman ang gagawin. Natatakot siyang baka sabihan siya ng ama ng dalaga na lubayan na ang anak. Hindi maaari. Plantsado na ang kasal nila sa susunod na linggo. Hindi na iyon mauurong pa. Bukod doon nakapagawa na rin siya ng singsing na nagkakahalaga pa ng sampong milyong dolyar. Pina-tailor-cut niya just for Shelby. Plano niyang ibigay iyon sa Biyernes ng gabi. Hindi na niya gustong maudlot pa iyon.
"Ayaw mo bang pakinggan kung ano ang good news?" tanong ni Frederick sa amo sa German nang nakangiti. Sinimangutan siya ni Gunter. May good news pa bang natira sa balita niya kung future-in-law nga niya ang nasa labas?
"It was not Mr. Magnus San Diego, boss!" tumatawang balita ni Frederick. "It's Ms. Shelby's brother! The youngest of the five! The level-headed. The calm one. The---"
Bago pa matapos sa kadramahan niya si Frederick, dali-dali nang nagtungo sa pintuan si Gunter para siya mismo ang magbukas ng pintuan sa lalaki.
"Hi. Sorry to keep you waiting."
Tiningnan siya nang masama ng lalaki, pero hindi gaya ng mga kapatid nito hindi ito nagsalita ng masama sa kanya. Tumayo lang ito mula sa sofang pimaghintayan sa kanya at walang imik na naunang pumasok sa upisina niya. Sinenyasan agad ni Gunter si Frederick na lumayas na muna. Mabilis naman itong tumalima.
**********
Nagkumahog na makarating ng city hall ng NYC si Shelby nang umagang iyon. Tumawag kasi ang social worker na kailangan na niyang isumite ang marriage certificate agad-agad kung gusto niyang makahabol sa application. Marami raw kasi ang nakalinyang mag-adopt kay Baby Alison baka maunahan siya ng iba. Kaya heto, kahit na ang schedule nila ni Gunter ay sa Sabado pa, napaaga ng limang araw. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na abisuhan ang mga kapatid na nasa US kaya ang ending si Morris lang ang nakakaalam niyon at siyang maging unwilling witness sa side niya.
"Ms. Shelby San Diego?" anang sekretarya ng mayor pagpasok na pagpasok niya sa city hall.
"Yes. That's me. Where should I wait for my groom? He would be here any moment from now. I'm just twenty minutes early."
Ngumiti ang sekretarya. "Mr. Albrecht is already in the mayor's office an hour ago. C'mon. I'll take you there."
Napanganga si Shelby. Ang sabi ng mokong na iyon abalang-abala siya ngayong araw. Mayroon daw itong naka-schedule na conference with his stockholders at major investors. Paanong napaaga ng dating? Nagsabi na nga ito kanina sa kanya na male-late daw ng kung ilang minuto. Pambihira. Na-guilty tuloy siya. Disin sana'y pumuna agad siya kanina pa.
Pagkakita ni Shelby kay Gunter na nakaupo sa harapan ng desk ng mayor, parang tumigil sa pag-inog ang kanyang mundo. Na-mesmerize siya sa hitsura nito. He was clean-shaven and looking like a real groom. Nakasuot pa siya ng isang K-50 dark blue tuxedo, isang mamahaling klase ng tux na gawa ng isang Italian tailor. Ang kanya nama'y disenyo niya. Hindi kasing glamoroso ng mga nagawa niyang puting trahe para sa mga kliyenteng nagpakasal sa simbahan o sa isang enggrandeng kasalan, pero elegante pa rin naman. Hindi iyon umabot sa talampakan. Katunayan ilang pulgada lang ang nilampas ng hemline sa tuhod. Dahil malamig na ang klima, hanggang pamulsuhan niya ang lacy sleeves nito. Hapit na hapit ang tabas sa bandang dibdib niya hanggang baywang kung kaya parang lumaki ang kanyang boobs tingnan. Mula naman baywang hanggang hemline pa-A ang tabas ng damit. Para mabigyang pansin ang bodice ng kanyang bridal dress pinusod niya ang mahabang buhok into a neat chignon at inipit ng gawa sa perlas na pang-ipit. Ka match iyon ng earings niya at kwintas.
Nang makita siya ni Gunter na pumasok tumayo na ito at sinalubong siya. He looked at her with a solemn expression on his face. Kakitaan ito ng umaapaw na pride at kaligayahan. He took her hand and gently kissed it.
"You look so beautiful," sabi pa nito sa mahinang tinig.
Na-touched si Shelby. "You also look good. Thank you for waiting for me."
"What are you talking about? I will gladly wait a lifetime just for you," nakangiti nitong sagot.
May umubo sa kanilang tagiliran. Medyo nag-init ang mukha ng dalaga nang mapansin doon ang assistant ni Gunter na si Frederick. At bigla niyang naalala ang kanyang Kuya Morris. Ang sabi nito dito na sila sa city hall magkikita. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala pa siya!
"Who are you looking for?" tanong ni Frederick.
"My brother. Morris."
"He's not here yet," sabi sa kanya ni Gunter. "C'mon. The mayor is waiting for us."
Masuyong hinawakan ni Gunter ang kamay ni Shelby at naglakad sila patungo sa naghihintay na mayor. Palingon-lingon naman sa pintuan ang dalaga. Worried na siya na baka hindi makarating ang nag-iisa niyang kapamilya at witness. Nang malaman ng mayor ang pinoproblema ni Shelby nagsabi itong huwag siyang mag-alala. Maari niyang maging witness ang isa sa mga staff ng mayor kung hindi aabot ang nasabihan niya.
She felt Gunter's gentle touch on her hand to keep her from panicking. Kahit papaano ay napanatag ang kanyang kalooban. Nang tumingin siya rito, nahuli niya itong titig na titig sa kanya. His warm blue eyes were a bit misty.
"Are you scared?" tanong nito sa kanya.
Hindi na nagkaila pa ang dalaga. Tumango siya nang bahagya.
"Me, too," pag-amin din nito. At tumawa pa nang mahina. Nakitawa na rin ang mayor nang marinig ang palitan nila ng salita.
"That's so sweet. How lovely it is to be young and in love," sabi pa nito.
Magsisimula na sana ang seremonya nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito hindi lang si Morris kundi pati na rin si Matty. Napa-double take sa kanila ang sekretarya ni Mayor na siya sanang tatayong witness ni Shelby. Makikita sa mukha nito ang paghanga sa dalawang lalaki na guwapong-guwapo sa suot na Amerikana. Ang kay Morris ay midnight blue at ang kay Matty naman ay charcoal grey. Parehong Armani suits ang suot nila.
Pagkakita ni Shelby kay Matty napalunok siya nang sunud-sunod. Kinabahan siya nang todo. Naisip niya agad na baka nandoon iyon para pigilan siyang magpakasal kay Gunter. Nainis siya tuloy kay Morris. Bakit pa niya sinabihan ang kuya nila?
Mas malala ang reaksiyon ni Gunter. He panicked inside though he didn't show it much. Kulang na lang ay patawagan niya kay Frederick ang head ng kanyang bodyguard na naghihintay lang sa kanila somewhere in the building para tangayin nila ang kapatid na iyon ni Shelby. But then, mas nanaig ang dikta ng kagandahang asal.
"Hi guys. It's good to see---," nabitin ang pagbati ni Gunter dahil hindi siya pinansin ng dalawang lalaki. Napasugod sila kay Shelby ng yakap at halik.
"Bakit hindi mo man lang kami sinabihan nang pormal?" parang daing ang dating ng tanong ni Matias. Pinangiliran ito ng luha. Nagtataka tuloy na nakamasid sa kanila ang mayor. Makikitang tila nag-alala ito na baka isang kaso ng love triangle ang nagaganap at heto pa ang isang gustong magpakasal sa dalaga.
"It's a long story, Matty. Please. Sana huwag kang gumawa ng gulo rito. Hindi niya ako pinilit. Ginusto ko ito. Hayaan n'yo ako, please."
Lumayo nang kaunti si Matias sa kapatid at hinawakan ito sa magkabilang pisngi. Tumulo na ang luha nito sa pisngi. Habang walang tunog na umiiyak tumangu-tango ito sa kanya.
"Please---hwag mong sabihing nabuntis ka ng lalaking ito dahil kung iyon ang dahilan ng pagpapakasal mo ng ora-orada bubugbugin ko iyan dito ngayon din. Wala akong pakialam kahit kaharap pa natin ang mayor," sabi pa ni Matias. Marahan. Mariin.
Nang marinig iyon ni Gunter, napanganga siya dahil naitindihan na niya ito. Muntik nang siya mismo ang sumagot sa lalaki.
Bumungisngis si Shelby. "You're crazy, Matty. Of course not. Hindi ba sinabi ni Morris sa iyo ang dahilan?" At nilingon ng dalaga ang isa pang kapatid na nakasuot na ngayon ng sunglasses. Tahimik itong nakatayo lang sa likuran ni Matias.
"Yes, he did. But it was hard to believe. Ito pa? Matinik daw sa chicks itong ungas na ito, eh! Baka pinagtatakpan mo lang ito? Malaman ko lang, manghihiram ito ng mukha sa aso."
Napika sa narinig si Gunter at nangangati na ang kamay niyang manuntok, pero nagtimpi siya. Ganunpaman, nakahawak na si Frederick sa siko niya. Handa na itong pigilan siya kung saka-sakali. Siniko nga niya ito.
"It doesn't hurt to be ready, boss," nakangisi nitong sabi.
Gunter glared at him but did not say anything.
"All right. Are we all set? Should we begin the ceremony now?" singit ng mayor na kanina pa atat na atat magkasal sa dalawa. Ang sabi kasi ni Gunter dito kanina, kahit anong mangyari ituloy daw ang kasal. Kapag nairaos nang matiwasay ay pinapangako nitong mag-i-invest pa ang kanilang korporasyon sa NYC.
Tumabi na ang dalawang kapatid ni Shelby at hinayaan na ang mayor na mag-umpisa sa wedding rites. Nang dumating sa punto na kailangan ng bride and groom na mag-recite ng vows napakagat-labi ang dalaga. Wala siya kasing na-prepare. Naging abala siya sa pag-aasikaso sa medical needs ni Baby Alison, nakaligtaan niya ang tungkol doon.
Pinasa na sana ng mayor ang ready-made vow na siyang standard na nire-recite ng mga groom sa kanyang bride during wedding ceremonies kay Gunter, pero hindi iyon tinanggap ng binata. Sa halip ay dumukot ito ng kapirasong papel sa bulsa ng pantalon, isang kulay asul na stationery at binasa ang kanyang sinulat. Napanganga ang dalaga sa mga sinabi nito. Ang kanyang mga kapatid naman ay napatingin kay Gunter nang may paghanga pagkatapos ay nagkatinginan pa silang dalawa.
Hindi napigilan ni Shelby ang mapaluha sa narinig. Na-guilty tuloy siya na wala siyang hinanda para rito. But then, she tried to compose something in her head while he was reciting his vows. When she was done with hers, Gunter got misty-eyed, too.
Nang ihudyat na ng mayor na maaari na siyang halikan ni Gunter, isang bahagyang dampi lang sa labi niya ang pinalasap nito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit.
"Ich liebe dich, Shelby Madeline," bulong pa sa kanya ni Gunter.
"Huh?" nalilitong sagot ni Shelby. Napatingin siya kay Gunter. Inasahan niyang ita-translate nito iyon sa English, pero sa halip ay inulit lang. "Ich liebe dich."
**********
Pagkatapos ng kasal, bumulong si Frederick kay Gunter na nasa baba raw si Madame Margaux Quandt at tila gumagawa ng eksena dahil ayaw papasukin ng staff mg mayor. Iyon kasi ang bilin niya kanina.
"What's wrong?" tanong ni Shelby sa kanila dahil nagbubulungan sila sa German.
"Nothing, babe."
Sina Morris at Matty ay nagtanong din sa kanila. Si Frederick ang nagpaliwanag.
"The reception will be held in Mr. Albrecht's mansion in Philadelphia. It's all set. The helicopter is already in this building's helipad."
Tumangu-tango ang dalawang lalaki. Si Shelby naman ay nabigla. Nakitaan ito ni Gunter ng pag-aalala. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at pinisil.
"Trust me, okay?" nakangiti niyang sabi rito.
Hindi sumagot si Shelby. Bahagya lang tumango.
Nang nasa ire na ang helicopter nakita ni Gunter na marami na ang taong nagtipon sa harapan ng city hall. Ang iba sa kanila ay may dala pang malalaking camera. Mga paparazzi. Nahagip pa ng kanyang mga mata ang sasakyan ng ilang malalaking TV network at ang kulay rosas na Mercedes Benz ng kanyang ina.
"Boss," bulong ni Frederick sa kanya mula sa likuran. Binigay nito ang cell phone na walang humpay sa pagba-vibrate.
"Turn it off," utos niya rito.
"Madame Margaux will surely kill me, boss, sir. Why don't you answer it?"
Kinuha ni Gunter sa assistant ang cell phone at pinindot ang end call. Napanganga si Frederick. Halatang namroblema. Napatingin naman kay Gunter si Shelby at nagtanong.
"Who was it?"
"No one special. Probably a random caller."
Pinangunutan ng noo ang dalaga. Halatang hindi naniniwala. Ganunpaman hindi na ito nang-usisa pa. Pakiramdam ni Gunter labis itong nag-aalala. Pero sa ibang bagay. Hinawakan nga niya uli ang kamay nito at pinisil-pisil bago dinala sa mga labi. This time binawi na agad iyon ni Shelby. Medyo nasaktan si Gunter. Palihim na itinuro nito ang mga kapatid na paminsan-minsan ay napapatingin sa kanilang dalawa.
"It's all right. We're married," sabi niya rito.
Napabuntong-hininga si Shelby. Dahilan para mag-alala rin si Gunter sa kanya. Nang makarating nga sila sa kanyang mansion sa Philadelphia kinausap niya ito nang silang dalawa na lang. Nasa pool side na ang dalawa nitong kapatid pati na si Frederick. Medyo nagye-yelo na ang paligid kung kaya pinalagyan lamang niya iyon ng higanteng fan heater para ma-enjoy pa rin nila ang outdoors.
"What's bugging you?" tanong ni Gunter kay Shelby.
Hindi ito sumagot. Yumuko lang na tila nahihiya. No'n naalala ni Gunter ang sinabi nito sa babae sa hospital. He laughed heartily. He kissed Shelby's temple and squeezed her shoulder.
"Don't worry. I am willing to wait. I will only claim my marital right whenever you're ready."
Pinamulahan ng mukha si Shelby. Nagkaila ito agad.
"It's not what I am worried about. It's your mother. I saw her on the street while we were taking off. She seemed so mad at us."
Ako nga rin. Mas malala ang problema ko. Dad mo. Tatlo mo pang kapatid. Idagdag pa riyan ang lolo mo. Mas malaki ang hinaharap kong problema kaysa sa iyo.
Worried daw sa mom niya, pero umaliwalas naman ang mukha nang mangako siyang hindi siya madaliin. Gunter knew that he was right after all. Iyon pala ang inaalala ni Shelby. Lalo itong na-endear sa kanya. Hindi na nga siya makapaghintay kung kailan ito maging handa. Pero alam niyang kahit mahirap sisikapin niyang pigilan pa rin ang sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top