CHAPTER TWENTY-EIGHT

Ilang beses na nahagip ng tingin ni Shelby ang matamang tingin ng kanyang lolo kay Gunter. At one time, napailing-iling ito sa huli. Kinabahan agad siya. May hindi ba ito nagustuhan sa sinabi ng bisita niya? Kanina pa kasi ito walang imik.

"Aren't you intrigued about the gift I gave you?" nakangiting tanong ni Gunter sa Dad naman niya. Sumulyap lang si Magnus sa kahon na nakapatong sa ibabaw ng crystal na center table. Parang wala itong interes na buksan o silipin man lamang ang regalo sa kanya ng kanyang manugang.

"Oo nga naman, love. Buksan mo na. Excited na ako, eh," ungot naman ng mom niya sa kanyang daddy. Larawan ito ng hindi maitagong curiosity. Tinutusuk-tusok pa nito ang tagiliran ng dad niya na tila bagang minamadali itong buksan na ang kahon.

Pigil-hiningang pinagmasdan ni Shelby ang ama habang kinukulit ng ina tungkol sa gift. Aminado siyang nate-tense siya dahil hindi madaling i-please ang kanyang daddy. Pihikan ito at mapang-okray kung materyal na bagay ang ibibigay sa kanya. Marahil dahil sanay itong nabibili ang kung ano man ang magugustuhan. Kaya nga silang magkakapatid ay bihirang magbigay dito ng isang material gift tuwing Father's Day o birthday nito.

"I bet this is a necktie set? Am I right?" hula ni Donya Minerva. Dinampot pa ang kahon saka inalog-alog na parang bata malapit sa kanyang tainga. Tumawa ito nang walang narinig na pag-alog sa loob.

Napailing-iling naman si Magnus sa reksiyon ng asawa't ina sa gift. May kutob si Shelby na nais na sana nitong pagalitan ang dalawa kung wala lang doon sina Gunter at Frederick. Nagmistula kasi silang mga bata sa pag-uudyok sa dad niyang buksan na iyon.

"It's all right. Dad can unwrap it later," salo niya para matapos na ang tungkol doon at maka-move on na sila sa mas importanteng bagay. Nais niyang marinig ang tunay na pakay ni Gunter sa pagpunta roon. Wala kasi itong binanggit sa kanya. Katunayan ay nasorpresa rin siya sa pagpunta nito sa kanila ngayon.

"All right," pagtalima ni Magnus. Dinukwang nito ang kahon na nasa center table at dahan-dahang kinalas ang nakapaikot doong kulay brown ding ribbon. Sina Donya Minerva at Sheila ay excited na nakamasid sa tabi nito. Maging si Shelby ay na-curious na rin kung ano iyon. Nang tumambad sa kanilang paningin ang isang pares ng mamahaling sapatos na gawa ng paboritong shoemaker ni Magnus sa Italya napapalakpak si Donya Minerva. Si Sheila ay napabulalas din ng paghanga.

"How did you know Magnus love these kind of shoes?" napapantastikuhang tanong pa ni Sheila kay Gunter. Ang lawak ng ngiti nito. Sa sobrang tuwa ay nahalikan pa sa pisngi ang asawa na nang mga sandaling iyon ay nakabusangot na naman ang mukha.

"What will I do with these?" ang tanong pa nga kay Gunter. "I already have it."

"Love, huwag kang inggrato. Nagmagandang loob na nga ang tao sa iyo. Saka ang mahal-mahal nito, no!" pangaral ni Sheila rito. Mahina lang ang tinig para hindi mahalata ni Gunter. Pero tingin ni Shelby ay huli na ang lahat. Sa eskpresyon pa lang ng mukha ng ina, bistado na kahit ng kung sino pang hindi marunong mag-Tagalog na pinagalitan nito ang kanyang ama.

Halos ganoon din ang naging reaksiyon ni Donya Minerva. Tanging si Don Manolo lang ang hindi nagkomento. Bagkus, nakitaan ito ni Shelby ng bahagyang pagngiti na tila bagang amused na amused sa naging reaksiyon ng anak.

Napahinga nang malalim si Magnus saka nagpasalamat kay Gunter. Ganunpaman, halatang hindi nito na-appreciate ang kulay itim na dress shoes na binili ng manugang kahit na iyon ay nagkakahalaga pa ng halos singkwenta mil dolares. Kung sa bagay, nakita na ni Shelby na may suot iyong ganoon noong isang araw. Kung isuot niya man ito sa susunod, parang hindi halatang iba ito kaysa roon sa nabili rin sa mismong shoemaker na pinagawan nito ni Gunter.

"Dad, he meant well," sabi niya sa ama. Saka hinawakan niya si Gunter sa braso. "Pasensya na," bulong niya rito.

"It's all right," masigla pa ring pakli ni Gunter at pinarinig iyon sa lahat. "My bad, sir. I should have told my assistant to ask Mr. Testoni if you have already bought that pair of shoes from him."

Hindi sumagot doon si Magnus. Tumingin lang ito sa lalaki. Marahil ay nahagip ng paningin nito ang ginawa ng anak dito.

"Uhm, the reason why I came here is not only about the gifts," biglang pag-iba ni Gunter ng usapan. Sinalubong niya ang tingin ni Magnus saka walang kakurap-kurap na sinabing, "I came to ask for Shelby's hand in marriage."

"Mr Albrecht, while you are studying our language, do you also take time to learn about our culture?" bigla na lang ay tanong ni Magnus dito.

Napasinghap na naman si Shelby. Kinilig na siya, eh, kung bakit kailangan pang tuldukan agad iyon ng kanyang ama.

"Yes, sir. I do. That's why I'm here. I know that unlike us, Americans, parents matter a lot in a Filipino marriage that's why I came to ask for permission to marry your daughter."

Nagsalubong ang mga kilay ni Magnus. Tila hindi niya nagustuhan ang tahasang paghingi ni Gunter ng kamay ni Shelby. Maging ang huli'y medyo nakulangan din doon. Although kinilig siya kanina, hindi maikakailang medyo disappointed siya ng kaunti dahil dumeretso na naman tungkol sa kasal ang lalaki nang walang preno-preno. Dapat sana ay inamo niya lang ang pamilya niya. Sana sapat nang humingi ito ng paumanhin sa hindi pagsabi tungkol sa kasal nilang dalawa. Iyon lang ay okay na sana sa kanya dahil hindi pa nito lubusang nakukuha ang simpatiya ng kanyang ama.

"If you have studied our culture well, you would have known that coming here on your own to ask for a girl's hand in marriage without your parents with you is a no-no," patuloy pa ni Magnus na mukhang sinang-ayunan din ng dalawang babae dahil hindi na umimik ang mga ito, bagkus napatangu-tango pa sa narinig.

Mabilis na lumingon si Gunter kay Frederick na kanina pa pala sumesenyas-senyas sa kanya tungkol doon. Parang pinipigilan sana siya nito tungkol sa mga sinabi sa biyenan. Pagkasabi nga roon ni Gunter, napabuga ito ng hangin sa paraang tila disappointed masyado.

"Mali na naman ba ang ginawa ko?" tanong dito ni Gunter sa salitang German. Mahina lang din ang boses niya para disimulado ang paghingi ng advice sa assistant.

"Nakatingin ang biyenan n'yo, boss. Hwag n'yo nang dagdagan ang kasalanan n'yo," sagot naman ni Frederick sa mahina ring tinig. Nakatingin na siya nang derecho sa dingding.

"Kasi po dad, busy po kasi masyado si Mr. Henry Albrecht ngayon, eh. Ang dinig ko po kasi may mahalaga po itong inaasikaso ngunit pasasaan ba't kakausapin niya rin kayo tungkol dito," pagpapaliwanag ni Shelby. Alibi lang iyon at wala siyang alam sa pinaggagawa ng ama ni Gunter ngayon subalit nais niyang ipaalam sa ama na kunwari'y close din siya rito. Kanina pa kasi nito sinasabi sa kanya na hindi niya nagustuhan ang pakikitungo ng mga magulang ni Gunter sa kanya, lalung-lalo na iyong ina ng asawa niya.

"So your dad has more important plans than this?" tanong ni Magnus. Si Gunter na ang pinagpaliwanag tungkol sa sinabi ni Shelby.

Nagulat nang bahagya si Gunter sa tanong. Hindi niya kasi lubusang naintindihan ang sinabi ni Shelby sa ama tungkol sa dad niya.

Si Shelby ang na-tense sa tanong. Pinagsisihan nga kung bakit nagsinungaling pa siya. Ang kagustuhan niyang maabswelto sa kasalanan ang dad ni Gunter ay nakapahamak pa pala rito sa mata ng kanyang ama.

"What did you say?" tanong ni Gunter kay Shelby. Pinapaliwanag ito tungkol sa sinabi.

"She told me that your dad is busy right now with some important things to do, so he was not able to come here with you. So I asked does that mean this meeting with our family is not important to him?" Si Magnus na ang nagpaliwanag.

Napakagat-labi si Shelby. Nahiya siya tuloy tumingin kay Gunter. Para kasing naipahamak niya si Mr. Henry Albrecht nang wala itong kamuwang-muwang.

"Oh. Of course not. If Dad knew I came here to ask for Shelby's hand in marriage, he would have gladly dropped everything to be here. You see, he really loves Shelby for me so he supports my decision to marry your daughter. The only problem is while we are all here, no one is left in New York to be with our daughter so I asked Dad to be with our little angel as Shelby and I explain things to you here."

Napatingin ngayon si Magnus kay Shelby para magpaliwanag. Pinanuyuan ng lalamunan ang huli. Tumikhim-tikhim siya nang ilang beses para kumalma. Ganunpaman, hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag sa dad niya kung bakit hindi niya alam ang tungkol doon.

"Wow. Your dad is really something," komento ni Sheila. Tila pinangiliran pa ito ng mga luha. "We also plan to visit Baby Alison soon. We are actually thinking of going there today as well, di ba love?" At sumulyap si Sheila kay Magnus.

Napahinga nang malalim si Magnus. "Tell your dad, thank you," sabi nito sa mahinang tinig. Kakitaan na ito ng paglambot ng ekspresyon sa mukha.

Napahinga naman nang malalim si Shelby. Nabunutan siya ng tinik. Nang naging abala ang mga magulang at mga lolo't lola sa pag-uusap tungkol sa kung kailan nila bibisitahin si Baby Alison, pasimpleng tinapik ni Shelby ang braso ni Gunter. Humingi ito ng paumanhin sa ginawang pagsisinungaling. Ngumiti lang sa kanya ang lalaki.

"No problem, babe." At ginagap pa nito ang kamay niya at masuyong hinalikan. Binitiwan lang ito nang marinig na tumikhim si Magnus.

**********

"Whoa!" naibulalas ni Frederick nang nasa loob na sila ng Rolls Royce na mag-amo. "That was a hell of an interrogation, boss."

Napasandal sa backrest ng upuan sa passenger seat si Gunter nang makapasok nasa sasakyan. Hinilot-hilot nito ang batok saka pinaikot-ikot ang ulo.

"Ang sabi ko naman kasi sa iyo, boss, dahan-dahan lang! Hindi kayo lagi nakikinig, eh. Bakit n'yo naman sinabing nandoon kayo para hingin ang kamay ni Ms. Shelby in marriage? God! Didn't I warn you before we came here? You cannot ask for a Filipino girl's hand in marriage unless you are with your parents as well!" sabi pa ni Frederick sa magkahalong German at English.

"Shut the fvck up! You are worsening my headache!"

Bumungisngis si Frederick. "Pero at least, boss, nakahalik ka na naman sa kamay ni Ms. Shelby kahit nakatingin ang ama niya. For that, I am giving you a medal of valor."

Tiningnan ni Gunter nang masama ang assistant bago pinikit ang mga mata. Mayamaya lang ay makikitang nakangiti na ito.

Napatirik naman ng mga mata si Frederick bago pinaandar ang sasakyan palayo sa mansion ng mga San Diego. Binaba ng binata ang bintana niya sa saka kumaway-kaway kina Donya Minerva at Sheila na nakatayo pa rin sa harap ng bahay nila habang kumakaway sa kanilang mag-amo.

"Boss, wave at your beautiful mother-in-law and equally pretty grandmother-in-law," nakabungisngis na utos ni Frederick kay Gunter na masaya namang sinunod ng huli.

"I'll be back again! Thank you all!" sigaw pa niya rito. At napatawa ito nang malakas nang makitang nag-flying kiss sa kanya si Donya Minerva.

"Hmn. It looks like your grandmother loves you so much," komento ni Frederick.

"When we get to New York, make sure you buy them tickets to their favorite Broadway shows," sabi pa ni Gunter sa katabi.

"As you wish, boss. You really want to impress them, huh."

Natigil lang sa kantiyawan ang mag-amo nang makatanggap ng tawag si Gunter mula sa ina. Parang nasunugan na naman ito sa lakas ng boses sa telepono. Ang sabihing galit ito ay parang kulang. Daig pa nito ang babaeng iniwanan sa altar kung makasigaw sa anak. Parang mas dismayado ito sa nagaganap sa lovelife ni Gunter kaysa sa mismong dating katipan ng huli na si Adeline.

"Why is Madame Margaux so disappointed that you are no longer interested in marrying Ms. Adeline? It seemed like she's more worried about her interest than yours, her son. Maybe, you were switched at birth, boss?"

Hindi sumagot doon si Gunter. Napatingin lang ito sa bintana. Sambakol na rin ang mukha. At tuluyan sanang nasira ang mood niya kung hindi nakatanggap ng text kay Shelby. Pagkabasa nga roon bigla siyang napahalakhak.

"Boss, what is it?" curios na tanong ni Frederick sa amo.

Nakangiting umiling-iling si Gunter saka binulsa na ang cell phone.

**********

"I cannot believe your friend, Dane had the heart to abandon this little angel here," komento ni Sheila nang makita na si Baby Alison nang gabing iyon pagpunta nila ng ospital. Hindi na sumama ang mga lolo't lola niya pati na ang dad niya. Tumuloy ang mga ito sa penthouse nila na malapit lang sa building kung saan ang kanilang ad agency.

"She has her reasons," sagot ni Shelby habang nilalaro-laro ang munti nitong kamay.

"Pero buti nga rin, anak. At least may baby na naman tayo. I cannot wait until she becomes a bit older at madala mo siya sa atin. Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga pinsan niya."

"Gunter and I want to rename her, Mom. Gusto naming burahin ang mapait na pinagdaanan niya."

Tumangu-tango ang mommy niya habang pinaghehele ang bata na ngayo'y titig na titig sa kanya.

"Why, baby? Why are you staring at Lola?"

Ngumiti si Baby Alison at mayamaya'y humagikhik. Nagulat si Shelby. Napatitig siya rito at hinalik-halikan ito sa pisngi.

"This is the first time she laughed, Mom. She loves you."

"And I love her, too."

No'n may kumatok sa pintuan at biglang sumilip si Gunter sa maliit na siwang. May dala itong isang bungkos ng mga bulaklak saka isang basket ng sari-saring prutas. Natawa si Shelby.

"The baby cannot appreciate the fruits, Gunter," nakangiting komento ni Shelby dito.

"Yeah, but your mom would." At pinatong ni Gunter ang isang basket ng prutas sa bedside table ni Baby Alison. Lumapit ito kay Shelby at binigay ang bouquet ng red roses. Kinilig na naman ang huli roon. Ngingiti-ngiti namang nakamasid sa dalawa si Sheila. Matapos magpasalamat sa dalang prutas ni Gunter, nilapag na nito ang bata sa kama saka nagpaalam nang mauunang umuwi.

"I'll drive you to your place, Mrs. San Diego," pagbobolutnaryo ni Gunter.

"No need for that. My driver is waiting outside and so are my bodyguards. Don't worry about me. But thank you anyway."

"Uhm, Shelby and I have something to ask from you."

Napatingin si Gunter kay Shelby na ngayo'y biglang napatayo nang matuwid. Huminga ito nang malalim saka nagsalita.

"Iyong sinasabi ko po kanina sa inyo, Mommy. Iyong tungkol sa pangalan ng bata. Gunter and I agreed to---to name her after you. So ang magiging pangalan na niya ay Sheila San Diego Albrecht. Bale po ang magiging middle name niya ay San Diego. Kasi po dito hindi awtomatikong nagiging middle name ng bata ang apelyido ng ina kung kaya..."

"Of course!" masiglang sagot agad ni Sheila bago pa matapos ni Shelby ang paliwanag.

"Nag-aalala po kasi ako baka hindi magustuhan nila Kuya ang gagawin namin. Kasi po, none of my pamangkins is named after you."

"Ah. Hwag mo silang pansinin. I am so honored! Tiyak na matutuwa ang daddy mo." Hinarap ni Sheila si Gunter saka masayang nagpasalamat din dito. Binalikan uli nito si Baby Alison saka masayang nagsabi ng, "Welcome to the family, tokaya."

"Your mom is so cool," sabi agad ni Gunter pagkaalis ni Sheila roon.

"Because she seemed to approve of you?"

Ngumisi-ngisi si Gunter saka umakbay kay Shelby. Kinilig na naman ang huli, pero hindi siya nagpahalata. Masaya nilang pinagmasdan ang bata na titig na titig sa kanilang dalawa. Ewan kung ano ang nangyari rito dahil tila pinangiliran ito ng mga luha. Kapwa nga napaluhod sina Gunter at Shelby rito dahil biglang napangiwi ito at tuluyan na ngang umiyak.

"Hey, what's wrong?" masuyong tanong ni Gunter dito sabay halik sa munti nitong kamay. Hinawakan din ni Shelby ang isa pa at ganoon din ang ginawa. Hinagud-hagod pa niya ang braso nito.

"We love you, baby. Always remember that. You may not be ours by blood but we love you so much," sabi pa ni Gunter.

Sumikdo-sikdo ang baby na tila naintindihan silang dalawa. Tumulo na rin ang luha ni Shelby. Nang sulyapan niya si Gunter nakita niya ring misty-eyed din ito. Na-touched siya kung kaya napahawak siya sa braso ng lalaki. Gunter glanced at her, then rested his head on hers.

"I cannot believe your friend had the heart to leave this cutie behind. Not that I am complaining. I am grateful that she did it because her loss was our gain."

At tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Gunter. Napayakap bigla si Shelby dito. Humagulgol siya nang wala sa oras.

"Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Gunter sa kanya.

"Mom also said that. You seemed to be in the same wavelength as her," umiiyak na nakangiting sagot ni Shelby. "But before you judge my best friend, I want you to know that she's a good person. She was just being true to her self. She wanted her baby to have a chance to a happy life which I think she felt she cannot give."

Nagkibit-balikat si Gunter. Hindi na ito nakipagtalo pa kay Shelby. Bagkus, yumakap na lang ito sa asawa nang mahigpit. Sa loob-loob ng lalaki, lalo itong napabilib kay Shelby. Sa kabila ng lahat kasi ay ipinagtanggol pa ang tingin nito'y napakawalang-kwentang ina ng bata.

**********

Kinakabahan na naman si Gunter. Pinasundo niya si Shelby nang gabing iyon para sa isang romantic dinner sa rooftop ng Skylark Quandt Building. Balak niya kasing pormal na mag-propose dito na hindi niya nagawa bago sila ikasal. Handa na rin ang ten-million-dollar ring niya dahil na-deliver na iyon nang umagang iyon.

"Did you check on the fireworks?" baling ni Gunter kay Frederick na siyang kasa-kasama niyang umiinom ng red wine sa nag-iisang mesa sa gitna ng rooftop.

"Yes, boss. Our people are ready to fire them away," nakangisi nitong sagot. "Ang matamis na 'oo' na lang ni Ms. Shelby ang kulang," dugtong pa sa German.

"Check on Mr. Richmond. Where are they now?"

Ang Mr. Richmond na tinutukoy ni Gunter ay ang inutusan nitong driver na sumundo kay Shelby sa upisina nito.

"Yes, boss. I checked on them five minutes ago. They will be here in a minute. So relax and enjoy your wine while you are not yet --- heartbroken." Tumayo agad si Frederick dala-dala ang kopita niya. Lumayo ito sa amo bago pa man siya masapak nito sa wala sa hulog na pagbibiro. "That was a joke, boss."

"Get the fvck out of here!" asik ni Gunter dito.

"Good evening, Ms. Shelby," magalang na bati ni Frederick sa bandang likuran ni Gunter. Natigil sa pagmumura si Gunter at biglang napalingon. Kakitaan pa ito ng mabilisang pagpapag sa imaginary dust sa balikat at sa pag-aayos ng kurbata. Nang makita nitong wala naman palang Shelby na dumating lalo itong nabwisit kay Frederick. Sinaboy nito ang laman ng kopita sa assistant. Iyon ang eksenang naabutan ni Shelby.

"Oh, shit!" mura ni Gunter.

"Good evening, Ms. Shelby," nakangiting bati ni Frederick sa babae habang tinutuyo ng panyo ang nabasa niyang suit.

"Why did you do that to Frederick?" tanong ni Shelby kay Gunter. Napailing-iling ito sa paraang hindi nito nagustuhan ang ginawa niya. Gunter glared at his assistant and motioned for him to leave them now.

"Sorry about that. I was just joking. That is how we are. We really do not treat each other as boss-employee, you know," nakangiting paliwanag ni Gunter kay Shelby at inalalayan na ito sa kanyang upuan. Kasabay ng pag-upo roon ng babae, nagsidatingan na ang mga naka-Amerikana ring mga servers. May dala-dala silang pagkain at inumin para sa kanilang dalawa.

Nagtaka ang huli sa tila enggrandeng dinner. Ang akala niya'y mag-i-star gazing lang sila roon ngayon tulad ng ginawa nila noon sa New York Harbor.

Kinuha ni Gunter ang kamay ni Shelby na may suot na singsing. Iyon ang cheap na diamond ring na binigay niya rito noong Martes, nang ikasal sila sa harap ng mayor.

"I do not like this ring," pauna niyang sabi sa babae na tila ikinasamid naman nito. "See? I'm sure you also hate it," nakangiti nang sabi ni Gunter.

"No. Because if I do, I would have taken it off."

Napatitig si Gunter kay Shelby. Tila nagulat. "You mean, this cheap-looking diamond ring is okay with you? So I do not need to give you a better one?"

Napangiti si Shelby roon. "My grandma did not receive a ring from my grandfather when they got married. That was because my grandpa cannot afford one back then. But that did not stop her from loving Grandpa. And look at them now? They're already in their late eighties and early nineties but they are still together. On the other hand, we have couples who sealed their marriage with a grandiose ring, but are they still married? Many have already separated. My point is rings do not guarantee a happy marriage."

"Yeah. But your grandpa was poor then. And I am not."

Napatitig si Shelby kay Gunter at tila pinangunutan ito ng noo.

"Rings are heartily given, you know. A girl cannot force a guy to give her something grand, if he doesn't feel like giving her one," sagot naman ni Shelby.

Muntik nang masamid si Gunter sa iniinom niyang wine sa narinig.

"This is not my choice," sabi niya agad. "This was Frederick's idea of a good ring. You know me. I love finer things in life."

Pinangunutan lalo ng noo si Shelby.

Dinukot ni Gunter ang maliit na kahon sa bulsa ng kanyang pantalon at sa isang iglap ay lumuhod na sa harapan ni Shelby. Kasabay ng pagbukas niyon, inulit niya ang sinabi niya noon sa babae sa yate. "Shelby Madeline Mariano San Diego, will you marry me?"

Nanlaki ang mga mata ni Shelby sa nakitang bato ng singsing. Napatakip ang dalawa niyang kamay sa bunganga at kaagad siyang pinangiliran ng luha. Bago pa siya makasagot kay Gunter lumiwanag ang buong paligid. Bigla siyang napatukod sa balikat ni Gunter sa gulat dahil sa lakas ng putok mula sa fireworks. Napatingala silang bigla sa langit at pinanood ang iba't ibang hugis-bulaklak na mga paputok.

"Oh! That was a rose!" manghang sigaw ni Shelby nang may makitang tila isang namumukadkad na rosas sa kalangitan ng NYC. Ngumiti naman si Gunter nang mapakla sa babae at nagpasalamat pa at nagustuhan nito ang mga iyon. Subalit nang maging abala si Shelby sa pag-appreciate ng nagagandang hugis ng fireworks sa langit, nilingon ni Gunter si Frederick sa hindi kalayuan na sumesenyas sa kanya ng approve. Galit niya itong tinitigan saka binigyan ng dirty finger. Parang gusto nang sumabog ni Gunter sa galit sa assistant niya. He even told himself to fire him later right after their dinner. Bwisit na bwisit siya.

Nang pumayapa na ang paligid, maluha-luhang binalingan siya ni Shelby. Nagpasalamat uli ito sa pag-aabala niyang bigyan ito ng masigabong pagsalubong nang gabing iyon.

"My pleasure. I just want to make you happy," sagot ni Gunter. Ibayong pagkokontrol sa emosyon ang ginawa nito para hindi maisatinig ang labis na galit kay Frederick sa wrong timing nitong pagpapaputok ng fireworks.

"I really appreciate everything that you are doing for me, Gunter. I can never thank you enough for always making me feel good about myself and for what you did for me and Baby Ali---Baby Shy."

"As I have been telling you many times already, it makes me happy just to see you happy, Shelby," sagot naman niya. In his head, nanggagalaiti pa rin siya sa assistant dahil naputol ang momentum niya. Tuloy ay hindi na niya alam kung paano uli maisingit ang proposal dahil tila abala na si Shelby sa pasasalamat sa kanya. Gusto man niyang ulitin uli iyon parang awkward na dahil mas feel na ni Shelby ngayong mag-drama.

"And the answer is---YES!"

Napamulagat si Gunter. "What?! I mean what did you say?"

Ngumiti nang ubod-tamis si Shelby saka binulong ang katagang 'yes'.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top