CHAPTER TWENTY

Naging maselan ang pagbubuntis ni Dane dahil lagi siyang depressed kung kaya panay din takbo ni Shelby sa ospital. May mga panahon na nasa Europa siya't dumadalo ng kung anu-anong fashion event ngunit napapauwi siya ng wala sa oras. Kinakailangan niya kasing uwian ito dahil wala nang iba pang sasaklolo rito kundi siya. Kaya nang sabihin ng doktor na may posibilidad na mawala ang bata dahil mahina ang kapit nito, mas nauna pa siyang humagulgol kaysa sa kaibigan.

"Are you guys related?" kaswal na tanong ng doktor nito sa kanilang dalawa ni Dane habang inu-ultrasound ang tiyan ng huli.

"No, we're not. We're good friends." Si Shelby ang sumagot.

"Oh. You're so sweet," sabi ng nakangiting doktora kay Shelby. Tumayo ito at tinapik-tapik sa balikat ang pasyente sabay sabi ng, "You're lucky to have your friend here."

No'n lang napangiti nang bahagya si Dane. Sumulyap ito kay Shelby at pinangiliran ng luha. Inabot pa nito ang kamay ng kaibigan at pinisil-pisil ito.

"Maraming salamat. Hindi ko alam kung paano kami magsu-survive na mag-ina kung wala ka rito sa tabi namin. Kung ---kung mabubuhay siya, gusto kong ikaw na ang magbigay sa kanya ng pangalan at---ikaw na rin---"

Bumalik ang doktora mula sa pag-e-eksamin ng mga print-outs ng ultrasound ni Dane at inabot sa dalawa ang mga ito. Tinanong sila kung gusto na nilang malaman ang kasarian ng bata dahil maaari na raw, pero kung nais nilang maging surprise iyon ay puwede rin naman daw.

"Some couples want to be surprised," sabi pa ng doktora at bahagya itong tumawa.

Nagkatinginan sina Shelby at Dane. They held each others' hands and agreed to opt for knowing the baby's sex in advance.

"It's a baby girl. Congratulations!"

Lalo silang napahawak nang mahigpit sa kamay ng isa't isa. Baby girl. Para iyong umalingawngaw sa isipan ni Shelby. Hindi na siya makapaghintay makita ang naturang bata. Sigurado siyang pang-Miss Universe ang hitsura ng bulinggit dahil kahit may kaliitan para sa standard ng mga Amerikano ang tatay nito may hitsura naman si Albus. Saka hindi rin panget si Dane.

Pagkagaling nila sa ospital, dumeretso na sa kuwarto niya si Dane at si Shelby nama'y nagbihis pa't umalis papuntang trabaho. Pagdating niya sa upisina may naghihintay na sa kanyang invitation card. Galing sa isang Broadway musical production company. Iniimbitahan siyang dumalo sa isang opening night ng kasisimulang pagtatanghal ni ---wait! Marinette Schlossberg?

Laking gulat ni Shelby nang mabasa ang pangalan ng nag-imbita sa kanya. Ang alam niya kasi'y medyo hindi maganda ang tingin nito sa kanya. Nagkita na sila kasi sa isang pagtitipon na hinost ng kapwa nila kakilala. Ang editor-in-chief ng Vogue. Nang ipakilala siya ng huli rito bilang isa sa mga naging maugong na cover ng magazine, ang una nitong naging reaksiyon ay pag-ismid na kung hindi tingnan ng mabusisi ay aakalain mo lang na nagulat. Ngunit maalam si Shelby sa mga bitchy expressions dahil sanay nga siya sa grupo nila Kyla na eskperto sa pagpapakita ng subtle signs of dislike. Dahil pino nilang nadadala walang mag-aakala na ganoon sila ka bruha. Like Marinette Schlossberg.

Pag-uwi niya sa shared condo nila ni Dane sa Queens at ibalita ang tungkol doon sa kaibigan, hindi na nag-isip pa ang BFF sa maging tugon niya sa imbitasyon.

"You have to be there!" sagot nito agad. "Iyan na ang pagkakataon mong malaman kung may bragging rights nga siya sa teatro. Ang yabang eh. Hindi pa nga buo ang casts niyan, sangkatutak na ang coverage sa dyaryo at magazines. That way malalaman mo kung anong klaseng babae iyang karibal mo!"

Napangiti si Shelby sa salitang karibal. It has been more than two months since the last time Gunter sent her a bouquet of flowers. Simula kasi noong tinanggihan niya itong muli ay nag-lie low na sa pagpapadala ng kung anu-ano. Bukod doon, kinontra pa ang kanyang ama't lolo. Na sa bandang huli pala'y aatras din dahil namahalan daw sa presyong hiningi ng hotel owner. Ganunpaman, kahit umatras na sa deal ay naimbyerna pa rin ang dad niya, lalo na ang kanyang Grandpa. Binilin pa sa kanyang huwag na huwag daw niyang paakyatin ito ng ligaw just in case na magtangka. Hindi na alam ni Shelby kung nakalapit pa nga si Gunter nang hindi niya alam. One time kasi nahuli niyang in-intercept ng bodyguard ng lolo niya ang pinadala nitong cake at flowers sa kanyang upisina nang magdiwang siya dahil sa pagkakapili sa kanya ng isang British celebrity para siya ang magde-design ng wedding gown nito. Nandoon din kasi sa office niya ang mga grandparents nang araw na iyon.

"Baka---baka may makita lang akong hindi maganda," sabi ni Shelby kay Dane.

"Ang alin? Na makompirma mong sila na nga ni Gunter? Na baka totoo ang balita? Eh di mabuti nang maka-move on ka na rin."

"Move on?" Tumawa ang dalaga para ipakita rito na walang katuturan ang pinagsasabi nito. "I don't need that. Paano ako magmo-move on eh wala namang nangyari between us. Hindi nga naging kami, eh."

Ngumiti sa kanya si Dane at pinisil ang kanyang baba bago ito tumungo ng kusina.

"Just attend the opening night, okay?" pahabol nito.

**********

"Boss, here you are!" At nakangisi pang nilatag ni Frederick sa mesa ng amo ang printed info kung paano raw nanliligaw ang mga Pinoy sa napupusuan nilang babae. May kasama pa iyong larawan.

"Are you sure?" tanong ni Gunter.

Grabe ang pangungunot ng ulo niya dahil hindi niya sukat akalain na may mga ganoong pangyayari sa mundo. Pinakatitigan nga niyang mabuti ang larawan kung saan nakahubad ang manliligaw habang nagsisibak ng kahoy. Sa isang picture naman, naroon na naman ito at may hawak ng tingin ni Gunter ay sinaunang pamamaraan ng pagbubungkal ng lupa. Hatak-hatak pa ito ng isang hayop na no'n lang niya nakita. Nang tingnan ang caption, water buffalo pala ang tawag doon at hinding-hindi pa niya nakikita sa personal sa tanang buhay niya.

"I do not think these styles are still being done. First of all, not everyone live in a farm. Second of all, people now have a stove for crying out loud. They do not need some woods to cook their food."

"You are not reading the explanations below them, boss. Here, look," patuloy pa ni Frederick at tinuro kay Gunter ang mga possible replacements no'n sakaling hindi na raw applicable sa sitwasyon ng babae. Nang makita ng binata ang panunuyo sa mga magulang, umasim agad ang kanyang mukha.

"Kasi naman kayo, boss, eh. Bakit n'yo naman sinulot ang hotel? Nagpadala kasi kayo sa init ng ulo n'yo dahil nabasted na naman kayo ni Ms. Shelby. Dapat, nagpakahinahon lang kayo," paninisi ni Frederick sa salitang German. Tinapunan ito ng masamang tingin ni Gunter sabay agaw sa iba pang papel na hawak nito.

"Woo the Dad!" nabasa ni Gunter sa mga naagaw na papel kay Frederick at napamura ito agad. Naalala niya kasi ang hitsura ni Magnus San Diego nang huli niya itong makita sa pagtitipon ng mga hoteliers sa California dalawang linggo lamang ang nakararaan.

"There's more, boss. Woo the brothers first and foremost if she has brothers." At humalakhak na rito si Frederick na kaagad din namang nagseryoso nang bigla itong tingnan nang masama ng amo.

Napahilot ng sentido si Gunter. Mayamaya pa'y napadaing ito sabay tayo. Hinampas niya pa sa mesa ang mga papel at nagsabing, "These are stupid! Purely stupid! I will not do any of those things! Woo the brothers and dad my ass!"

Makikitang napatirik ng mga mata si Frederick sa bandang likuran niya sabay tikhim.

**********

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyong hindi nga ako nakabili! 'Kako bilhan mo rin ako! Kami!" asik ni Markus kay Matias isang umaga habang nag-aalmusal sila sa isang Italian restaurant na kaharap ng building ng MS & Sons Advertising Agency. Nasa Amerika silang magkakapatid dahil sa napipintong pagpipirma ng kanilang ad agency with another huge client in New York. Dahil may kanya-kanyang tinutuluyang hotel o condo sa siyudad, naisipan nilang magtipon sa restawran na iyon.

"I only got one ticket! One ticket! Iyon na lang ang naabutan ko! Ano ang mahirap intindihin do'n? I bargained with my contact to give me four, pero isa na nga lang daw ang natira," pagpapaliwanag naman ni Matias.

Nang mga oras na iyon ay namumula na sa pagkairita si Markus. Gusto na ngang sapakin si Matias dahil pinaasa siya nito na ibibili sila ni Marius ng tickets sa laban ng Cincinnati Bengals at New York Jets. Mahalaga ang laro na iyon para sa kanila dahil sinasabing last season na iyon ng naunsyami nilang bayaw na si Alfonso dela Pena. Bukod doon, ang pinakapaborito nilang player ay nasa New York Jets pa.

Iyon ang nadatnang eksena ni Marius na kararating lang mula sa hotel na tinutuluyan nila ng kanyang pamilya.

"Are we talking about the game between the Jets and the Bengals tomorrow night?" pagkaklaro ni Marius sa dalawang nagbabangayan.

Malungkot na tumangu-tango si Matias habang nakatingin nang masama kay Markus na nagpupuyos pa rin ang damdamin.

"Ang ibig mong sabihin hindi mo kami nabilhan ni Markus?!" Si Marius naman ngayon ang tumaas ang boses. Ang dalawang kambal na ang nakatingin nang masama kay Matias lalo pa't nagyabang ito sa kanila noong isang araw na kayang-kaya silang kunan ng club seats pa. Kahit kasi sa estado nila, hirap sila lagi makakuha ng tickets sa laro ni Alfonso dahil nagkainitan sila pagkatapos nitong magpakasal sa ibang babae. May palagay nga silang pina-black list sila nito sa mga ticket outlets sa tuwing may laban ito.

"What do you want me to do? I only got one ticket! Bakit hindi kayo manghingi sa Dela Pena na iyon total naman ay hindi kayo ang nanuntok doon? Tsaka ba't ba tayo atat manood ng laro ng gagong iyon after what he did to Shelby?" Ni-reverse psychology ni Matias ang mga kuya niya pero none of them lowered their gaze. Nasukol ito kung kaya napilitang ihagis ang nag-iisang ticket sa harapan ng kambal. "O, hayan! Hatiin n'yo na lang if you want," sarakastiko pa nitong sabi.

Samantala, naghaharutang pumasok ang dalawang mas nakababatang San Diego, sina Moses at Morris. Sinusuntok-suntok pa ni Morris nang pabiro ang balikat ni Moses habang naglalakad sila papunta sa mesa ng mga kuya na ngayo'y hindi na nag-uusap. Nagtitinginan na lang nang masama.

"What's wrong, guys?" tanong ni Morris sa tatlo.

"Para naman kayong namatayan dito," komento naman ni Moses at tumabi na kay Matias. "Pakiurong naman. Ang laki ng puwet nito, o."

Sambakol ang mukhang umurong naman papunta sa pinakadulo ng upuan na malapit sa dingding si Matias. He was clasping his hands together habang ang siko'y nakatukod sa mesa. Si Markus na ang nagpaliwanag sa dalawang kararating lang kung ano ang dahilan ng lahat.

"Manonood din nga sana kami ni Morris, eh. Bumili kami ng ticket---"

Kumislap agad ang mga mata ng tatlo. They looked at Moses with expectant eyes.

"Iyon nga. Nagantso kami. Sa sobra naming atat, bumili kami online only to find out later on na hindi pala legit seller ang nabilhan namin. Shit! Sayang ang one thousand dollars namin."

Napabuga ng hangin ang tatlo. Nanlupaypay pa ang kanilang mga balikat.

"Oh well. Pakiramdam ko, wala namang binatbat daw ngayon ang laro ni Dela Pena," sabi ni Matias. Mukhang nakabawi na. "Saka sino lang ba ang magaling sa Jets? Wala naman, di ba?"

Tiningnan ito nang masama ng kambal. Walang nadala sa reverse psychology ulit ni Matias. Sa halip, nalungkot lalo ang lahat dahilan para magsisihan sila na hindi iyon agad naasikaso gayong ang obssessed nilang lahat sa football.

"Hi guys! Sowie, I'm late!" nakangising bati ni Shelby sa mga kuya.

Nagbigay ito ng sangkatutak na dahilan kung bakit nahuli ng dating sa usapan nilang magkakapatid. Na ang totoo niyan, nakita niya lang si Gunter sa corner bago ang restawrang ito. May kausap ito sa cell phone. Pinagmasdan muna niya nang kung ilang minuto ang binata bago pinaandar ang sasakyan papunta sa pinaghihintayan ng mga kapatid. Ilang linggo na kasi niyang hindi ito nakikita sa malapitan. Aminado siyang na-miss niya rin ito kahit papaano. Kung pumayag nga lang ito noon na maghintay ay marahil baka sila na sa mga panahong ito. Kaso pinatunayan lang nito sa kanya na dapat nga itong pagdudahan.

"It's all right, sweetie," sagot ni Marius agad at pinaupo nito ang bunso sa tabi. Pinalipat pa nito si Morris sa kabisera. "I heard your fashion house is doing so well. Binalita sa amin ni Grandpa."

Napabungisngis na parang grade one si Shelby. Ganoon siya kapag pinupuri-puri ng kuya niya. Nagbida na siya ng latest account na nakuha from Europe, ang maging designer ng wedding gown ng isang celebrity sa UK.

"Wow! That's awesome," sabi naman ni Matias. Nag-congratulate na rin ang lahat. At mukhang nalimutan na rin nila ang pinag-aawayang ticket kanina pa.

Mag-oorder na sana ng almusal niya si Shelby nang lumapit sa kanya ang manager ng restaurant na iyon. May inabot ito sa kanyang sobre. Pinangunutan ito ng noo ng dalaga. Naisip na naman kasing baka imbitasyon iyon sa isa na namang play ng feeling big star na si Marinette Schlossberg. Kaso napaka-ordinaryo ng sobreng puti. Ganunpaman, kapag ganoon pa rin iyon, tingin niya hindi na niya ito pauunlakan this time. Bored na bored siya sa play nito noong nakaraang linggo. Bukod doon, hindi pa niya nakita man lang kahit na anino ni Gunter sa theater. Dahilan para lalo siyang mabugnot.

"A love letter?" biro ni Moses habang umiinom ng umuusok niyang kape.

"Ka wala namang taste ang kung sino mang manliligaw kung ganyan lang ka ordinaryo ang sobreng paglalagyan niya ng love letter niya," komento naman ni Morris. Natingin pa siya sa sobre nang may panlalait habang tumutusok-tusok sa kanyang pancake. Ang tatlo nilang kuya ay nasulyap lang dito na parang walang interes at nag-usap na tungkol sa mga negosyo nila.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ni Shelby nang mabunot ang ilang pirasong papel na may barcode sa pinakadulo. Napa-double take doon si Matias. Nang hugutin na lahat ni Shelby ang sampong piraso no'n nanlaki na ang mga mata ng kuya niya. Tickets kasi iyon para sa club seats sa laro ng Cincinnati Bengals at New York Jets na gaganapin sa makalawa!

"Who the fvck sent these to you?" nakangising tanong ni Matias habang binibilang ang mga tickets. Saktung-sakto raw sa kanilang magkakapatid at mayroon pa ang kanilang dad at grandpa kung gusto rin nila. May sobra pang dalawa.

Bago pa makasagot si Shelby ay mabilis na naagaw ni Marius kay Matias ang mga tickets at binalik ang mga ito sa sobre.

"These come from Mr. Albrecht, I presume. Isa siya sa may-ari ng New York Jets," sabi pa ni Marius sa kanila. Napa-ugh ang mga kapatid nito.

"So what if it was Gunter Albrecht who sent these to us? Ang importante'y may tickets na tayo," sagot ni Matias. Natutuwa.

Umalma ang mga kapatid niya at inakusahan siyang traidor.

"Akala ko pa naman dudang-duda ka sa taong iyond dahil ni walang nagtagal na ka-relasyon. How come, ikaw pa itong mukhang nagtatanggol sa kanya ngayon?"

"Guys, listen up. I didn't change my mind for nothing. Ganito kasi iyon." At sinalaysay nito ang nasaksihang pagtatanggol ni Gunter kay Shelby nang pagbintangan ito ni Carlota Kolisnyk na nagnakaw ng design niya. "I was there during the ambush interview. I was about to go forward and punch Kolisnyk myself because he was also there defending his wife when all of a sudden, Mr. Albrecht arrived in the scene and told everyone she was lying. Simula noon I made it a point to look into what he had done for Shelby and I realized he was always protecting her from malicious and evil journalists. Kaya sino ang hindi lalambot ang puso?"

Sinulyapan ni Matias si Shelby na parang tuwang-tuwa sa narinig nitong kuwento. Pero mabilis itong nagseryoso nang tingnan din ng ibang mga kuya. Kahit kasi ganoon na ang narinig nila kay Matias mayroon pa rin silang pagdududa sa lalaki.

**********

"Our team just lost the game!" anas sa kanya ng manager ng Jets dahil nakangiti siyang parang timang habang tinitingnan sa kalapit na club seat si Shelby. Tuwang-tuwa siya at dumating ito. Inisip niya kasi kaninang baka hindi nito ginamit ang ticket. Sayang. It was meant for her more than any of her brothers. Gusto niya kasing mayroong rason para magkita silang muli. Di bale nang pareho nilang pinapanood ang laro ng ex-boyfriend nito.

"Mr. Albrecht! Hey, Mr. Albrecht!" habol pa sana ng manager nila, pero mabilis na siyang nakalabas ng luxury box na pinanooran nila ng football game kanina. Ngayon nga'y kausap na niya si Shelby.

"I'm so glad you came for the game," sabi ni Gunter sa dalaga.

Bago makasagot si Shelby, pumagitna ang isa sa mga kapatid nito. Hindi na matandaan ni Gunter kung sino ito sa dalawang kambal. Ganunpaman, he played it safe. Tinawag niya itong Mr. San Diego.

"I'm glad you also came, Mr. San Diego."

"Thank you for the tickets, Mr. Albrecht, but this doesn't mean we are already giving you our blessing to court our sister. You have a long way to go."

Hindi na sumagot doon si Gunter. Tumangu-tango na lang siya. Nang makaharap ang iba pang mga kapatid ng dalaga, binati niya rin ang mga ito. They just nodded at him. Pagkasalubong ng mga mata nila ng hambog na kapatid ni Shelby, parang na-tense siya nang kaunti. Ito kasi ang pinaka-arogante sa lahat at siyang pinaka-protective sa dalaga. Kaya nang dumaan ito sa harapan niya't tapikin siya sa balikat bago umalis ay nagulat talaga siya. Hindi niya iyon inasahan at lalo siyang nagtaka nang ito pa mismo ang nagyaya sa iba pa nilang kapatid na mauna na raw at hintayin na lang si Shelby sa labas.

"How have you been?" tanong ni Gunter sa dalaga nang sila na lang dalawa ang nandoon.

"I'm okay. How about you?"

Kulang na lang sabihin ni Gunter na masyado siyang nabugnot nang hindi ito nakita sa malapitan for several days. Pero siyempre, gaya nga ng advise ni Frederick, huwag daw siyang masayadong atat kay Shelby dahil mukhang hindi iyon effective. Dapat cool lang daw siya. So cool it is!

"So busy with work lately," sagot ni Gunter. "And I'm so happy that your brothers are not so mean to me this time," dugtong pa niya.

Bahagyang tumawa pa roon si Gunter. Pabulong na sinabihan ito ni Shelby na tingnan ang paligid.

"The journalists are watching us," sabi pa nito.

"I do not care about what they'll say. They can write about whatever they want to write about us."

Kasasabi lang ni Gunter no'n nang biglang may lumapit sa kanila at tanungin sila pareho tungkol sa laro. Bakit daw mukhang hindi apektado ng pagkakatalo ng Jets si Gunter gayong nilampaso raw ang team niya ng koponan ng kanyang karibal na si Dela Pena?

Pagkarinig ni Gunter sa salitang karibal, lalo itong natuwa. Nagpigil lang siya. Ang nagustuhan niya sa tanong ay ang recognition ng journalist na may interes siya kay Shelby sa ganoong paraan.

"I saw the game. They won fair and square so there's nothing to complain about. We will just practice more to get better and hope that next time we'll have a better outcome," sagot dito ni Gunter at inalalayan na si Shelby palabas ng stadium.

May humabol pang isang journalist bukod sa iba pang kumukuha sa kanila ng litrato. Si Shelby naman ang tinanong kung ano ang kanyang reaksiyon sa balitang nagkabalikan na sina Marinette Schlossberg at Gunter. Inagaw ni Gunter ang mikropono.

"Who the hell is your source?" tanong nito sa lalaking reporter.

"Sir, it was written all over NYC's dailies and selected magazines."

"Well, they are all exaggerating things."

"Sir, we want to know Ms. San Diego's reactions to the news."

Nakita ni Gunter na tila nalungkot si Shelby. Namura niya nang paulit-ulit sa isipan ang journalist. Pero siyempre, hindi niya puwedeng ipakita ang gaspang ng kanyang ugali. Baka mamaya nito'y ma-turn off na naman ito sa kanya.

"What can I say? It's none of my business," sabi lang ni Shelby sa reporter. "Excuse me," magalang na sabi pa nito bago dali-daling naglakad patungo sa exit, pero may isa pang humabol. Nakilala ito ni Gunter bilang isa sa mga nagsulat tungkol sa love triangle nila ni Dela Pena. Hinihingan nga nito ngayon ng komento si Shelby tungkol sa pagkapanalo ng dating nobyo. Ano raw ba ang feeling na makita ang ex na mukhang nagso-soar sa career after nilang maghiwalay nang tuluyan? Sinabi pa ng reporter na sa mga panahong magkahiwalay daw sila ni Alfonso ay nagiging MVP daw ito. Ano raw ang masasabi niya na mukhang siya ang malas?

Kitang-kita ni Gunter kung paano parang may kumudlit na pait sa mukha ni Shelby. Dahilan para uminit agad ang ulo niya. Ni hindi na niya napangatawanan ang pangako kay Frederick na hindi gumawa ng eksena sa stadium. Right there and then, kinwelyuhan niya ang reporter.

"What did you say? She's the jinx? You're accusing her of being the jinx?"

"Gunter, stop!" Si Shelby ang nag-alis ng kamay ni Gunter sa kwelyo ng lalaki. At dahil nagsidatignan na ang iba pa nitong kasama na nais maka-scoop sa nangyari ay mabilis na hinawakan ni Shelby ang kanyang kamay at ito pa ang humila sa kanya palabas ng stadium.

Gunter had never felt happier. Bago pa nga mamalayan ng dalaga'y mahigpit na rin ang kapit niya sa kamay nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top