CHAPTER THIRTY-THREE
Mabilis na bumalik sa isipan ni Shelby ang mga pinagsasabi ni Gunter nang gabing iyon bago siya ihatid sa penthouse ng mga magulang. May binanggit itong he can handle anything but not losing them. Naisip niya, ito na kaya ang 'anything' na sinasabi?
Ni sa hinagap hindi naisip ni Shelby na mangyayari ang ganoon sa korporasyon nila Gunter. Ang mga manufacturing companies, ang mga hotels, construction business, mga pharmaceutical firms, pati iyong mga minahan ng ginto ay mukha namang matatag. Paanong nangyari na magsasara ang nasa Indiana? Iyon nga ang inakala niyang pinakamatatag sa lahat. Narinig na niya ang tungkol doon dahil mahilig din siya sa mga beauty products.
"Ms. Shelby, did you hear the news?" salubong sa kanya ng assistant niyang si Lyndie nang pumasok siya nang umagang iyon. May dala-dalang diyaryo ang babae. Bago pa siya makasagot ay nilapag na nito sa kanyang mesa ang balita tungkol sa closure ng Indiana manufacturing firm na hinahawakan ng Skylark Quandt Corporation. Wala iyong pinagkaiba sa narinig niyang balita kanina bago siya magtungo sa trabaho.
"It's hard to believe they are losing capital," naihayag niya sa assistant.
"Yeah. Who would have thought?" sang-ayon nito. "But you know what? Rumor has it that the Schlossbergs are the one controlling that company and similar subsidiaries of the Albrechts. Maybe, they have something to do with this closure thing. You know how spoiled that bitch is."
"Who?" pagmaang-maangan ni Shelby.
"Who else? Marinette Schlossberg, of course! She's far bitchy than Adeline Grayson afterall."
Naisip din niya iyon kanina. Siguro nga'y may kinalaman doon ang mga Schlossbergs. Dinig niya'y isa sa mga major stockholders ang ama ni Marinette. Palagay niya ginamit ng babaeng iyon ang investment ng ama para ipilit ang kagustuhang makuha si Gunter. Bwisit siya!
Mabilis na nag-isip si Shelby. Baka kailangan ni Gunter ng tulong ng kanyang pamilya? Mamaya pag-uwi niya'y kakausapin niya ang kanyang daddy. Matulungan man lamang nila ngayon ang Skylark Quandt.
**********
"Boss, I know you are beyond angry right now. But I've got news for you," bungad sa kanya ni Frederick habang abala siya sa kaaaral sa financial statements ng lahat ng hawak nilang manufacturing firms, lalung-lalo na iyong may malaking share ang mga Schlossberg. Dahil doon hindi niya pinansin ang binata.
"Boss, I said I've got GOOD news for you," patuloy pa nito. Nang hindi niya pa rin pinansin, tinukod nito ang dalawang palad sa mesa niya at yumuko sa kanya sabay ulit ng sinabi.
"What?! Can't you see I'm busy?" bulyaw niya rito. Biglang napaatras si Frederick. Nagulat. Sakto namang nagbukas ang pintuan ng kanyang office at niluwa nito si Shelby. Napapiksi rin ang babae sa lakas ng pagsigaw niya.
"Oh. I---I didn't know it's not a good time. I'll be back some other time then."
Pagkakita niya sa asawang magsasara na sana ng pintuan, napatayo siya bigla at napasigaw ng, "No! It was not for you, of course. Please come in."
"No, it's all right. I can come back when you are no longer busy."
Tinapunan niya ng masamang tingin si Frederick. "Why the fvck didn't you tell me right away?"
"Boss, I have been trying to tell you since forever! You just ignored me."
Oo nga naman. Kanina pa pala ito salita nang salita. Kung bakit kasi hindi siya dineretso. Ang dami niyang pakulo kasi.
"Next time, you go straight to the point, bastard," asik niya rito at iniwan ito para salubungin si Shelby na kahit inimbita na niyang pumasok ay nag-atubili pa rin.
Hinalikan niya sa pisngi ang babae. She looked startled. Para naman siyang kiniliti. She looks endearing when she blushes and gets uncomfortable at intimate things he does for her.
"Sorry, my love. I didn't expect you to visit me today. You should have gone straight inside. There's no need to inform my secretary that you are coming in."
"I was told it is the SOP here," sagot nito. Walang halong kung anong kaartehan. If it was some other woman, she wouldn't have liked being made to wait. Naisip tuloy ni Gunter na sobrang humble ni Shelby para hindi mag-demand na papasukin agad. At kung tutuusin ay pinanganak din itong mayaman kagaya ng mga babaeng naka-date niya. Naipagkompara niya tuloy ito kay Marinette. Ang layo.
"It's our SOP for other visitors but not for family members, especially NOT for you."
Sinulyapan niya si Frederick. Nakuha naman nito agad ang gusto niyang mangyari. Pagkabati nga nito kay Shelby ay kaagad nang lumabas ng silid.
"Binigyan ni Gunter ng red wine si Shelby mula sa mini-bar ng kanyang upisina. Tinanggap naman iyon ng babae saka naupo na sa puting couch na para talaga sa mga dumadating na bisita roon. Tinabihan ito ni Gunter.
"How are you holding up?" tanong agad nito habang pa-sip-sip ng wine niya.
Binuka niya ang mga kamay at nag-dekuwatro. "Never been better," sagot niya rito.
Nakita niyang medyo kumunot ang noo nito na parang nalilito. "Your Indiana manufacturing company was in the news today. I've seen it. My parents have watched it, too."
Medyo natigilan si Gunter nang marinig ang salitang 'parents'. Naisip niya agad ang ama ni Shelby. Malamang ay kung anu-ano na siguro ang naiisip ni Magnus San Diego ngayong nagsara ang pinakamalaking manufacturing firm na hawak nila.
"There is just some management reshuffling going on. But it will be resolved soon."
"Are you sure? That's not what we heard in the news. It was reported that the major stockholder withdrew his shares and so---"
"The mother company is arranging a buy out deal as we speak. Don't worry about it."
Tila kumulimlim ang mukha ni Shelby. Naantig naman agad ang puso ni Gunter nang makita itong naging malungkot nang sobra.
"Is it because of me---of us? I heard your major stockholder in that company is the Schlossbergs?"
Hindi siya agad nakasagot. Bagkus ay ginagap niya ang kamay ng asawa na nasa kandungan nito. Pinisil-pisil niya ang palad nito bago hagkan.
"I heard that Marinette was very upset when she knew about our marriage. And she was devastated when you held a press conference to announce to the world that indeed, you married me. Kani-kanina ko lang napanood ang buong report tungkol sa press conference mong iyon."
Napatangu-tango si Gunter. He was pleased with himself that he understood the Tagalog part well plus Shelby's reaction to the report. Kaya pala, ganoon ang reaksiyon nito noong magpapaliwanag sana siya tungkol sa tinanong ng reporter sa sarili nitong press conference. Hindi pa pala niya napanood iyong kanya.
"She was sad, yeah. But don't worry about it too much. As I told you the other day, I can handle it."
"About the capital that you need---maybe I can help you. My family---I mean my dad can probably help you out."
Nagulat doon si Gunter. Si Magnus San Diego tutulong sa kanya? Hindi niya ma-imagine iyon. Isa pa, sobrang laking capital ang kailangan niya. Kung ilang bilyong dolyar. Siguro naman hindi no'n isusugal ang ganoon kalaking halaga para lamang sa isang korporasyon na minsa'y sinabihan nitong masyadong profit-oriented.
"As I told you before, I can handle it, Shelby. Trust me."
"But I want to help you out!"
Napangiti siya sa determinasyon nito. Napadukwang siya tuloy at napahalik sa puno ng mga labi nito. Nagulat na naman ito. Napaatras pa nang kaunti.
"Gunter, I am serious."
Binaba ni Gunter ang hawak nitong wineglass at itinayo ang babae.
"You know, there's one thing that you can help me out."
Napatingin nang mabuti sa kanya si Shelby. She looked expectant. Siguro inisip nitong bibigay na siya. Na papayag na siya sa minumungkahi nito. Medyo nalito ang babae nang lumayo siya at nagtungo sa likuran ng mini-bar. May nakatago kasi siya roong audio equipment na pinapatugtog paminsan-minsan kapag masyadong stressful ang araw niya.
Nang pumailanlang ang Hungry Eyes ni Eric Carmen napanganga si Shelby.
"May I dance with you, my wife?" nakangiti niyang sabi rito sabay lahad ng kamay. Napailing-iling si Shelby, pero namutawi rin ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Binigay din nito ang kamay sa kanya at sumayaw sila.
Gumaan agad ang pakiramdam ni Gunter. Ang lahat ng alalahanin niya'y biglang naglaho. Ang tanging naisip niya lamang nang mga sandaling iyon ay ang magandang Filipina na kanyang kasayaw.
**********
Kahit hindi niya napapayag si Gunter na magpatulong sa kanyang pamilya, minabuti pa rin ni Shelby na sabihin iyon sa kanyang mga magulang.
"What? Invest in his company?" parang napapantastikuhang balik-tanong ng dad niya sa kanya habang naghahapunan sila.
"Yes, Dad. I think he needs us now."
"Why would I do that? No!" tanggi agad nito.
Hinawakan ng mom niya ang kamay nito at pinakiusapan din. Isang pamilya na raw sila ngayon kung kaya dapat ay magtulungan.
"I'm sorry. I love you both but I cannot give in to what you guys want this time. He's a big boy so he can handle it."
"But Dad. Remember he's your grandchild's father? I am sure, Shy will appreciate your gesture when she grows older and finds out you helped her father."
Napatirik ng mga mata niya si Magnus. Napabungisngis naman ang mommy niya sabay subo sa vegetable salad na nasa plato. Napailing-iling ang mom niya nang sulyapan niya. Ibig sabihin, mission failed. Ayaw talaga ng dad niya.
Napabuntong-hininga si Shelby. Medyo nalungkot. Ganunpaman, naintindihan niya rin ang ama nang magpaliwanag. Malaki raw kasi ang kakailanganing kapital ng mga Albrecht dahil sa pagsasara ng main manufacturing firm nila ng mga beauty products sa Indiana ay nagsunud-sunod na rin ang iba pang nasa ibang States. Sa kabuuan, mga dalawampo't lima na ang narinig nilang nagsara pa. Kung susumahin ang kakailanganing kapital ng Skylark Quandt para mapunan ang pagkawala ng major stockholder nila ay aabot siguro ng tatlumpong bilyong dolyar. Hindi kakayanin ng pamilya nila iyon unless they will put everything in the Albrecht's corporation. Business-wise, hindi praktikal. 'Ika nga nila, do not put all your eggs in one basket.
Katatapos lang ng hapunan nilang mag-anak nang tumawag si Gunter. Humingi ito ng permiso sa mga magulang niyang bibisita sa kanyang mag-iina. Pumayag naman ang dad niya. Pero binalaan itong huwag magtagal doon. Dapat daw kasing natutulog na siya nang mga alas dies ng gabi.
"Dad, you're crazy." Napailing-iling niyang wika rito.
No'n niya naisip na sabihan ito tungkol sa plano nila ni Gunter na bumukod na. Nagsabi ito sa kanya kanina nang bisitahin niya sa office na handa na raw ang mansyon nito sa Scarsdale.
Natigilan ang dad niya. Pero nang tumulong din sa pagpapaliwanag ang mommy niya na para iyon sa ikabubuti ng lahat at nang magkaroon naman ng chance ang anak at ang napangasawa nito ng oras para sa kanilang dalawa, napahinuhod din ang ama niya. Pero malungkot ito.
"Just remember this, little girl. Once he tried to hurt you again, I don't care if you love him or what. I will take you back from him. Understood?"
"Ang OA mo, Dad!" nakangising sagot niya rito.
**********
Wala ang mga magulang ni Shelby sa living room ng penthouse nila nang dumating siya nang bandang alas siyete y medya. May dala-dala siyang dalawang bouquet of flowers. Ang isa ay para sa mommy ni Shelby. Pina-research pa niya talaga kay Frederick iyon. At sinigurado nitong gustung-gusto ni Mrs. San Diego ang dala niyang bulaklak para rito.
"Wow. How did you know Mom loves yellow narcissus?"
"Just my guess," nakangiting sagot ni Gunter.
Kinatok ni Shelby ang mommy niya sa kuwarto nito. Hindi lang basta tinanggap ni Mrs. San Diego ang mga bulaklak na hinatid ng anak niya sa kanya. Nagpunta pa ito sa living room para personal na makapagpasalamat sa kanya habang yakap-yakap ang mga bulaklak.
"You're a sweet, young man, Gunter. I love these flowers!"
"I'm glad you do, Mrs. San Diego."
Pagkatapos ng maikling pleasantries ay iniwan na sila nito at bumalik na sa silid. Nang silang dalawa na lang ni Shelby, naringgan niya ito ng pagbuntong-hininga. Naalarma siya kung kaya inusisa niya agad ito.
"What's wrong?" tanong niya.
"Dad refused to help you out. I am sorry, Gunter."
"My God, Shelby! I thought it was something serious. Please. As I told you again and again, this is my problem. Not yours. Not your family's. But MINE. Don't worry."
Hinila niya agad ito at niyakap nang mahigpit. Hinagkan niya ang buhok nito habang yakap-yakap. It reminded him of fresh flowers in Spring. Ang bango. Naisip din niya na kahit hirap na hirap siya ngayon sa kinakaharap at hindi pa sigurado ang bukas, panatag ang loob niya knowing he got this girl. Ang inaalala lamang niya ay kung hanggang kailan ito hahayaan ng pamilya na maging kanya. Baka kasi kapag napag-alaman ng mga ito na medyo tagilid ngayon ang Skylark Quandt Corporation ay bigla na lamang nilang ilayo ang mag-ina niya sa kanya.
"I want to see Shy. May I?" bigla na lang niyang nasabi.
Lumayo sa kanya si Shelby at nauna nang tumayo. Hinila siya nito sa kamay at dinala sa kuwarto. Nandoon ang baby sa kuna nito at himbing na himbing na natutulog. Pagkakita sa kanila ng nurse na nag-aalalaga rito, kaagad naman silang iniwan para magkaroon ng privacy.
"She's getting bigger and healthier," puna niya rito.
"Yeah. Indeed," proud namang sagot ni Shelby.
Bago pa nito mahulaan ang mga plano niya, naipulupot na niya ang mga braso sa baywang nito saka hinagkan ito sa batok. Napabungisngis si Shelby.
"Oh no. Not here, please. My parents' room is just on the other side."
"So? We can be quiet."
"Gunter, no!" pigil nito sa mga kamay niya. Pero ang tinig ni Shelby ay may nginig. Walang conviction. Tila naringgan pa niya ito ng excitement din.
Nang humarap sa kanya ang asawa ay sinalubong niya ito ng mainit na halik sa mga labi. Na tinugon naman nito ng ganoon ding init. Napahawak siya tuloy sa umbok ng pang-upo nito at pinisil-pisil iyon. Napaliyad ang babae pero diniin ang pang-ibabang katawan sa harapan niya. Naramdaman niya agad ang pagwala ni little Johnny sa ginawang iyon ng asawa. Dala na rin ng pananabik at takot na baka bigla na lang kumatok ang mga magulang nito'y may pagmamadali niyang binuhat ito at dinala sa kama. At doon ay pinalaya nila ang mga damdaming sabik na sabik para sa isa't isa.
**********
Habang nakahimlay siya sa bisig ni Gunter pinakinggan niya ang dagundong ng puso nito. Shelby thought it was cute. She felt flattered na may ganoon siyang kakayahan sa lalaki. Ang lakas-lakas kasi ng tibok ng puso nito.
"A penny for your thoughts?" tanong niya rito.
"Nothing. I just wondered about the---future," sabi niya rito.
Halik sa noo ang sagot ni Gunter sa kanya at pinatong ang isa nitong braso sa noo.
"If this is about my business problems again, rest assured it's all being taken cared of. You have nothing to worry about."
Napadapa si Shelby sa dibdib ng lalaki. "You must visit the Philippines someday, Gunter," bigla na lang ay nasabi niya rito. At kaagad ay naisip ang mga dating kaeskwela sa St. John's. Natitiyak niya na manggagalaiti ang mga iyon sa inggit, lalung-lalo na ang pinsan ni Alfonso. Mukhang pera kasi ang babaeng iyon, eh.
Bigla niya tuloy naalala ang damuhong Alfonso. Kaya sila nag-cool off ay dahil gusto nitong umuwi na sila pareho for good pagkatapos nitong maka-graduate sa MBA. Noong isang araw ay binati ito ng mga paparazzi sa pagtatapos nito ng master's degree sa kabila ng hectic schedule sa pagiging footballer. Nang tinanong kung tatalikuran na ang paglalaro gayong may MBA na, nabwisit siya sa sagot. Nag-iba na raw ang plano nito dahil naka-base sa Amerika ang asawa! Tapos noon nang sila pa'y sasabihin nitong hindi raw nakikita ang sariling mamuhay sa States for good? Napailing-iling na lang si Shelby. Kung noon niya iyon napanood bago nakilala si Gunter, palagay niya'y magagalit siya nang todo. Pero ngayon? She doesn't care that much anymore. Totoo nga pala ang sabi nila. A new love heals all wounds...
Pagtingin ni Shelby sa orasan limang minuto na lang at mag-aalas dies na. Bigla siyang napabangon. Tinapik niya sa balikat si Gunter dahil tila naiidlip ito.
"It's almost ten o'clock. Dad says---"
Bago niya matapos ang sasabihin ay napabangon din si Gunter at dali-daling nagbihis. Nakabihis na sila pareho nang makarinig ng mahihinang katok sa pintuan. Mabilis na kinuha ni Gunter si Shy sa kuna nito at pinaghele. Hinahalik-halikan nito ang bata habang sinasayaw-sayaw nang pagbuksan ni Shelby ang ama. Kabuntot ng dad niya ang mommy niya. Her mom looked at her and rolled her eyes. She was stifling a yawn. Palagay niya ay nakatulog na ang ina at nagising lamang ito dahil nais pa siyang tsekin ng ama bago matulog.
"Was just going to tell you that it is already ten o'clock."
"Hi, sir," bati ni Gunter sa dad niya at maingat na binaba sa kuna si Shy. Saglit lang umingit ang bata at panatag ding pumikit. Nagpaliwanag agad si Gunter na pumasok daw sa kuwarto para tsekin ang baby. Umiyak daw kasi.
Hindi sumagot ang kanyang ama. Matapos nang unreciprocated small talk ay nagpaalam na rin si Gunter sa kanyang mga magulang. Hinatid niya ito sa pinto.
"I'm sorry. I know this is---"
Mabilis na nilagay ni Gunter ang hintuturo sa kanyang mga labi at pinatahimik siya. "Stop apologizing. I understand your parents. I am not complaining. Just the sight of you and Shy is enough for me. Take care. I love you."
"I love you, too," bulong niya rito.
Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Gunter. "You do?" pakli pa na parang batang tuwang-tuwa na binigyan ng kendi. Ilang beses na siyang nag-I love you rito pero sa tuwina ay ganoon ang reaksiyon nito.
Tumangu-tango siya rito. Niyakap siya nito bago tuluyang nagpaalam.
**********
Bumisita si Gunter sa bahay ng mga magulang nang Linggong iyon para sana makausap ang ama tungkol sa patung-patong na problema ng korporasyon sa pagkaka-withdraw ng mga Schlossbergs sa capital nila. Papasok na sana siya sa study room nito nang pinigilan siya ng isa sa mga stay-in helpers. May bisita raw kasi ang dad niya ngayon. Isang kaibigan sa negosyo.
"The more that I need to join them," sabi niya rito.
"No, no, sir. I was told not to let anyone inside his study room while his visitor is still with him."
"Who is this visitor?" tanong niya tuloy. Na-curious na.
"Mr. Schlossberg."
That bastard! Tinungo niya ang study room kahit hindi magkandatuto ang katulong sa pagpapaliwanag na hindi siya pupwedeng pumasok doon. Nang bubuksan na sana niya ang pinto, napaatras siya bigla dahil bumukas ito. At muntik na silang magkabanggaan ng ama ni Marinette na halatang namumula sa galit. Ang ama naman niyang naiwan sa loob ng study ay prenteng-prente na nakaupo lamang sa swivel chair kaharap ng desk. He seemed relaxed and poised.
"Hello, Mr. Schlossberg," bati niya rito. He tried his best to sound polite despite wanting to punch him in the face. Hindi ito sumagot. Bagkus ay dali-dali lamang lumabas ng kanilang mansyon.
"Why was he here, Dad?" tanong niya agad nang deretsahan sa ama.
Pinagdikit ng kanyang ama ang mga daliri sa magkabilang kamay bago sumagot sa tanong niya.
"He wanted to ask me a favor."
Pinangunutan ng noo si Gunter. "A favor? What favor?'
Tinitigan siya ng ama. "How much do you love your wife?"
Bago iyon masagot ni Gunter ay parang bagyong dumating ang mommy niya at galit na nagsalita. Nakita raw nitong lumabas ng study ng dad niya ang kinabubwisitan niyang tao sa mundo. Galit ito sa mga Schlossbergs dahil unang-una ay ayaw nito kay Marinette para sa kanya. Pangalawa, dahil bigla daw nilang binulabog ang Skylark Quandt Corporation ng walang kaabug-abog na pag-withdraw ng lahat nilang investments.
"If he came here to beg you, Henry, to help him out with his wanting to marry off his ugly daughter to our son, DO NOT even attempt to help! I do not dream to have ugly grandchildren!"
Napahilot sa sentido niya ang ama. Maging siya ma'y nairita sa matinis na boses ng ina.
**********
Kararating lamang nilang mag-asawa sa Eleven Madison Park para mag-dinner nang Sabadong iyon nang biglang may humarang na isang paparazzi at in-ambush interview sila sa bandang entrance ng restaurant. Napakapit tuloy sa braso ni Gunter si Shelby.
"Please. Stay away from us," magalang na sabi ni Gunter sa lalaki.
"Sir, I just want to ask your wife if she knew that Skylark Quandt Corporation will be out of business soon."
Gulat na gulat na napatingin si Shelby kay Gunter. Walang sinabing ganoon ang asawa niya sa kanya. At hindi rin iyon napabalita. Ang alam lang niya'y may kung ilang subsidiary companies na nagsara at marahil ay mababawasan significantly ang earnings ng korporasyon.
"Okay, sir. Your wife's expression says it all," nakangising pahayag ng reporter at masaya itong tumakbo pabalik sa sasakyan nito.
"Oh my God! Is it true?" tanong niya kay Gunter. Pinangiliran siya ng mga luha.
Malungkot siyang tinitigan nito bago dahan-dahang tumango.
"Will you still love me if I become as poor as a rat?"
Napanganga si Shelby. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya at nayakap niya si Gunter nang mahigpit na mahigpit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top