CHAPTER THIRTY-SEVEN

The harbor felt the same katulad no'ng una nilang narating iyon ni Gunter. Shelby did not grow up in New York City pero may kakaibang halina sa kanya ang NYC harbor. Para bagang niyayakap siya nito.

Napangiti siya nang lihim habang nakasandal sa balikat ni Gunter. They were both resting their backs on his Tesla Roadster habang pinagmamasdan ang hindi magkamayaw na pagpunta't parating ng mga maliliit na sightseeing boats na nagdadala sa mga tao sa Statue of Liberty at Ellis Island. Kahit sa kasagsagan ng Winter ay hindi pa rin mapuknat-puknat ang daloy ng mga turista sa harbor masilayan lamang kahit sa kalayuan ang tila naging simbolo ng New York City lalo na sa mga hindi taga-roon, ang Statue of Liberty.

"When I was little, I thought New York was USA," nakangiting wika ni Shelby. Sinulyapan nito si Gunter na ngayo'y nakangiti na rin sa kanya.

"It is, babe," pakli ni Gunter.

"No. What I mean was---it was THE USA---the entire country. I never thought about the other states. Though I heard about them, of course. But since most people I met in California and Florida spoke Spanish, I thought they were from a different country."

Natawa nang bahagya si Gunter. "You're not the only one who believed that, babe. The NYC folks, too. They thought their city is the America."

Kung sa bagay. May kasabihan nga na you cannot say you have visited the US if you haven't dropped by New York City. Kaya maraming Pinoy ang nagpupursigeng mabisita ito kung napunta silang Amerika.

Wala na silang gaanong imikan ni Gunter but Shelby felt at peace. Iyong kahit na walang usap-usap, kahit sa harap lang ng harbor, Shelby realized she can be with this man and still feel good about everything. Napatingin siya tuloy uli kay Gunter at napangiti na lang bigla. Hinalikan naman siya nito sa tungki ng ilong.

Naglakad-lakad sila at lumapit pa sa daungan ng mga barko. Lalong nangikig sa lamig si Shelby. Gunter had to put his arms around her at hawakan ang kamay niyang nakakapit sa baywang nito habang namamasyal sila sa paligid. Alas singko pa lang no'n ng hapon ngunit madilim na. At ang wind chill ay matindi. Parang magyeyelo ang buo niyang katawan.

"Are you okay?" tanong ni Gunter sa kanya. Panay kasi panginginig niya kahit ang kapal ng kanyang winter overcoat.

"I love to say yes but I'm so cold."

"You're indeed a tropical girl," nangingiti nitong wika at hinapit siya lalo sa katawan nito. Nakailang hakbang lang sila palayo sa sasakyan nang may biglang kumislap na tila kidlat. Napakurap-kurap sila pareho. May dalawa o tatlong katao nang kumukuha ng litrato nilang dalawa. Tinaas ni Gunter ang kaliwang braso to cover their faces at ilayo siya sa mga ito, pero may ibang nangahas pa talagang lumapit. Buti na lang naawat na ang mga ito ni Mang Conrad at ng dalawa pang bodyguards ni Gunter bago pa nila malapitan nang husto si Shelby para makakuha ng close up photo.

Nakahinga lang sila nang maluwag nang makabalik na sa sasasakyan. Nainis si Shelby na naputol ang sana'y bonding moments nila roon ni Gunter. Pero gano'n siguro talaga. For as long as there will be magazines and newspapers willing to create stories after stories about lives of billionaires involved in a scandal, hindi na siguro mawawala ang mga walang pusong paparazzi.

Inakbayan siya ni Gunter bago nito pinaandar ang sasakyan. He then kissed her forehead.

"Dad once told me, I need to learn to accept that paparazzis are part of our lives though we're not entertainers because that means, we are relevant. It is when they stop bothering us that we should worry about."

"I do not like most of them. Many wouldn't stop even if they hurt people for as long as they get 'the scoop'."

Hindi na sumagot si Gunter. Binuksan na lang nito ang radyo at napuno ng 1980s love song ang loob ng kotse. Shelby rested her head on his shoulder and closed her eyes. Hinayaan niyang tangayin siya ng magandang alaala ng kanilang simula. Napaupo lang siya nang matuwid nang biglang pinutol ng breaking news ang pinapakinggan nilang musika.

May lumitaw daw na bagong testigo laban kay Mr. Schlossberg at may mga bago pang ebidensya na nagdidiin sa involvement nito sa money laundering case kung kaya't baka pormal na itong sasampahan ng kaso.

"I thought it was Mr. Stevenson?" gulat na gulat na tanong ni Shelby kay Gunter.

"Well, new evidences say otherwise."

Tinitigan ni Shelby si Gunter nang nakanganga. Hindi siya makapaniwala na abswelto na ngayon si Mr. Stevenson at si Mr. Schlossberg ang naidiin sa kasong dati ay pinaratang pa kay Gunter.

**********

FLASHBACK - That time when Henry Albrecht asked Gunter how much does he love his wife

Natigilan si Gunter sa tanong ng kanyang ama. Biglang sumagi sa kanyang isipan ang maamong mukha ng asawa. How much does he love Shelby?

"Hindi ko alam, Dad. Ang alam ko lang, napapangiti ako sa tuwing naalala ko siya. At kahit gaano ka negatibo ang nararamdaman ko, masilayan ko lang siya'y sapat na para matunaw ang lahat na nararamdaman ko. I can just sit with her in silence anywhere, anytime and still feel blissful," sagot niya sa magkahalong German at English.

Napatangu-tango ang dad niya at bigla nitong inikot patalikod ang swivel chair. For a while inakala ni Gunter na hindi na ito haharap. Kaya medyo nagulat siya nang makaraan ang ilang sandali'y muli itong humarap sa kanya. He was already misty-eyed.

"Ganyan na ganyan ang naramdaman ko noon sa babaeng ayaw na ayaw ng mga lolo't lola mo para sa akin. Hindi kasi siya German. Bukod doon ay hindi siya purong puti dahil ang kanyang lolo ay isang African immigrant dito sa Amerika. Kahit na hindi siya mukhang may ibang lahi bukod sa puti, mariing tinutulan pa rin ng mga magulang ko ang relasyon namin," bigla na lang ay kuwento ng kanyang ama sa salita nila. He seemed to be in pain.

Medyo pinangunutan ng noo si Gunter. He also felt bad for his mom. Ibig sabihin ba ay hindi nito minahal ang kanyang ina?

"Pinamili ako ng lolo mo no'n kung alin ang gusto ko. Ang magmana ng buong negosyo ng mga Albrecht o si----," tinanggal ng dad niya ang glasses nito at nagpahid ng mga mata bago nagpatuloy, "Amy. Ang bata ko pa no'n. Siguro'y ni wala pa akong bente dos. Naisip ko, kapag napasaakin na ang negosyo ng pamilya maaari ko naman siyang balikan. Ang importante'y sa akin ibigay nila papa't mama at hindi sa kuya kong bulakbol. Subalit nang---nang makaraan lamang ang isang taon ay nabalitaan kong nagpakasal na siya sa isang sundalong Amerikano. Pinag-igihan ko ang pamamahala sa negosyo ng pamilya, pero hindi ko siya makalimutan. I was devastated and regretful of my decision that I left Germany for good to come here. That's when I --- I met her again. Ang dating sundalo niyang asawa'y naging gobernador ng Delaware. Napag-alaman ko pang nagkaanak sila ng dalawang lalaki. Kahit na halos dalawang dekada na ang nakalipas since we broke up hindi ko pa rin nakayanan nang makita siya sa piling ng kanyang pamilya. I broke down. She cried as well."

Tinanggal uli ng dad niya ang glasses nito at pinahiran ng panyo. Napahilot-hilot pa ito ng sentido.

"If you're going to ask me whether I will tell you what to do with your personal life just like what your mom is doing right now---," umiling-iling ito bago nagpatuloy, "you cannot hear anything from me. Your private life is your call. I do not want you to go through what I have went through all these years." At napakurap-kurap ito na tila pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.

"So---did you regret marrying my mom or having me and my brother?" deretsahang tanong ni Gunter. Walang kakurap-kurap. He had to know once and for all.

Ngumiti nang mapakla ang ama. Bahagya pa itong tumawa. "No. You and your brother---you guys are my compensation for my suffering."

Tinitigan niya ito para masiguro kung nagsasabi ito nang totoo o ano. He seemed to be telling the truth. At least, he felt a bit better.

"Fynn---Mr. Schlossberg asked me for a favor. He wanted me to force you to go ahead with the divorce and marry his daughter so she will not move overseas. He was telling me I can use the same card my parents used on me with Amy. I told him to tell that to you himself. He got mad. But then, he offered me another deal. He said I should tell you to stop him from withdrawing his investments from our manufacturing companies. Even without the marriage deal, he is willing to reconsider if you simply beg for him to not to give up his shares. He just didn't want to lose face in front of his family. I knew then he didn't want to really withdraw his investments because he was covering something I had been suspicious about for a long time. So I flatly refused both his requests. That's why he stormed out of my office angry as hell," paliwanag na lang bigla ng ama.

"Oh. So that explains everything. Indeed, you're my dad," nakangiting pakli ni Gunter. "We have the same suspicion. The reason why I took his bluff is because I want to find out whether my hunches are true or not. I have received an anonymous tip that the biggest drug syndicate in Asia has been using our manufacturing firms in Indiana and Ohio to funnel funds into the US. And Mr. Schlossberg's financial worth skyrocketed in just a short time."

Natigil ang pag-uusap nilang mag-ama nang bigla na lang dumating ang ina at galit na galit itong nagtungayaw tungkol sa mga Schlossbergs.

"I do not dream to have ugly grandchildren!" Iyon lang ang naintindihan ni Gunter sa mga pinagsisisigaw nito.

"Mom, you're exaggerating again. Marinette is not ugly."

"If she's not, then you shouldn't have broken up with her in the first place!"

"Looks was not our issue. It was something else," sagot niya rito.

"Yeah. Her being unstylish!"

Napailing-iling si Gunter sa ina.

**********

Pinaghehele ni Shelby si Shy nang dumating si Gunter sa penthouse ng ama. Malugod naman itong tinanggap ng mommy niya. Natuwa pa ang huli nang makatanggap na naman ng isang basket ng poinsettia. Ang ganda ng pagkakaayos nito na ang lahat ng dahong green ay nasa ibaba at ang mga puti nama'y sa itaas. They looked so pristine.

"O siya. Maiwan ko muna kayo rito. Nasa kuwarto lang ako if you need anything. Your dad may call any minute so I have to be ready," sabi nito sa kanya at pakanta-kanta habang sinasamyo-samyo ang mga bulaklak. Pinagmasdan ni Shelby ang papaalis na ina na sa edad nitong mahigit singkwenta anyos ay mukha pa ring dalaga kung nakatalikod.

"Hi, little girl," bati agad ni Gunter kay Shy. Bigla itong naging alerto nang marinig ang boses ng ama. Parang excited na hindi mawari. Pinagpapadyak nito ang mga paa. Pinasa tuloy ito ni Shelby sa mga bisig ni Gunter.

Hindi na ito umiyak kahit nang naupo na lamang sila sa couch at pinagmamasdan ito habang umiidlip. Hinagkan-hagkan ito ni Shelby habang prenteng natutulog sa mga bisig ng ama.

"Would your dad be okay if you guys move to my place?"

"No. I wouldn't be okay."

Napatingala si Shelby sa ama na mukhang kararating lamang. Tumayo siya at nagmano rito bago humalik sa pisngi nito. Si Gunter nama'y tumayo rin at habang binabalanse si Shy sa isang kamay ay nagmano rin sa ama niya. Nakita ni Shelby na nagulat ang kanyang dad. Natigilan ito. Akala niya'y iisnabin nito si Gunter. Pero hindi naman pala. Pinamano nito ang manugang. But Shelby noticed a slight crease on his forehead. Napangiti tuloy siya.

"Mom is waiting for you in your room, Dad," sabi niya rito.

"You and Shy are not going anywhere, unless you get married properly. I will never allow you to go with him until then."

Tumangu-tango naman si Gunter. Shelby noticed his Adam's apple moved up and down. Alam niyang medyo kinabahan na ito lalo pa't walang kangiti-ngiti ang kanyang ama. Kapag ganoon pa naman ang ekspresyon sa mukha ng dad niya'y nakaka-intimidate. To put everyone at ease, pumagitna siya sa dalawa. Hinawakan niya sa braso ang ama at ganoon din si Gunter.

"Have you eaten yet?" lambing niya sa dad.

"I had some pizza in the office. Nagkita kami ng mga kapatid mo kanina---sina Moses at Morris. They told me about something." Tapos sumulyap ito kay Gunter na sa ngayo'y nagkukunwaring walang naririnig. Pero sa pakiramdam ni Shelby ay nakakaintindi na ito ng Filipino kahit papaano.

"If it's about the Schlossbergs, it was already on the news. Pormal na raw na inihain ang demanda laban sa kanya sa salang money laundering saka embezzlement noong itinalaga siyang presidente ng dalawang manufacturing firms sa Indiana at Ohio. Soon everything will be all right."

Umiling-iling ang kanyang daddy. "Hindi iyan," mahina nitong tugon subalit nang tumingin dito si Gunter ay iniba ang usapan. "Ang mommy mo?"

"She's waiting for you in your room."

Tinapik-tapik ng dad niya ang puwet ni Shy na namumukol sa kapal ng diaper bago ito umakyat sa kuwarto nila.

"What did your dad say?" tanong agad ni Gunter.

"He said he met my brothers today."

"Oh." At tumango na si Gunter. Hindi na ito nang-usisa pa.

Later that night, nang makaalis ito saka lang nagsabi ang ama ng diumano'y napag-alaman nito sa kanyang mga kuya. Halos kalahati raw ng hanay ng mga top directors at executives ng Skylark Quandt Corporation ay may kinalaman sa money laundering scandal na binabato ngayon kay Flyn Schlossberg.

Grabe ang kalabog ng dibdib ni Shelby. Ayaw niyang magtanong dahil baka kompirmahin ng ama ang bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi pa siya handa para harapin ang ganoong impormasyon sakaling totoo.

"But luckily, the bastard is clean. I mean, your bastard." At napangiti ang dad niya.

Napanganga si Shelby sa gulat at galak. Napayakap siya sa dad niya sa tuwa.

**********

"What do we do, boss? Your assets and your bank accounts are currently frozen."

"What should we do? It's all right. It will be back in due time. At least, I'm exonerated of the charges. We are still waiting for some paperworks to formally clear my name and that's it. My life will be back to normal."

Some of our stockholders who sold their share thinking Skylark will totally go bankrupt may be having the biggest regret of their lives right now that our stocks' value has risen up again."

"Serves them right," kaswal na sagot lang ni Gunter habang prenteng-prente na naglalakad papunta sa lobby ng first floor. Ihahabilin niya sana sa information desk doon na kung darating ang dating nobya huwag na itong bigyan ng permisong makaakyat pa sa office niya. Kaso nga lang, halos nagsabay ang pagpunta niya roon sa pagdating naman ni Marinette. Napag-alaman lamang niya ito nang may marinig na pamilyar na mga tinig sa kanyang likuran.

"Shit, boss, sir. Mga bababe mo!" naibulong pa ni Frederick bago mag-confront sina Adeline at Marinette sa may bandang entrance ng gusali. Mukhang papalabas si Adeline mula sa salon sa second floor na lagi nitong pinupuntahan. Ang salon na iyon ay nilagay doon para sa extra perks ng mga empleyado ng Skylark. Hindi man napapabilang doon si Adeline, may special passes ito na bigay ni Madame Margaux.

"Well, well, well. It looks like the crazy ex is here again," pangungutya pa ng babae sa bagong dating. Nakahalukipkip ito habang tila iniinggit si Marinette sa mahaba at shapely nitong mga hita dahil she suddenly flashed her legs in front of the other woman. May slit kasi sa gitna ang mahaba nitong damit na umabot pa sa talampakan. Ka-style iyon ng isinuot ni Marilyn Monroe sa famous pose nito liban sa hati sa gitna. Dahil mas matangkad ng di hamak si Adeline kaysa kay Marinette kailangan pang tingalain ito ng huli. The former took advantage of the four-inch height difference between them para literally ay i-look down nito ang dating karibal.

"Why can't you accept the fact that you are now history?" patutsada pa ni Adeline habang nakangiti with her signature bitchy look.

"This is not about me and Gunter anymore, dumb bitch. This is about the Albrechts and the Schlossbergs! They have ruined my family's reputation!"

Eksaheradang tumawa nang malakas si Adeline. Napapaliyad pa ito kunwari. Siguro lalong nairita si Marinette na tingin ni Gunter ay palaban na nang dumating sa gusali nila. Alam niyang siya ang pinunta nito roon. Nauna lang si Adeline na humarap dito.

Pumagitna ang guwardya ng gusali at sinaway ang dalawang babae, pero biglang bumunot ng baril si Marinette at tinutukan si Adeline. Namutla ang huli at napaatras agad.

"Marinette!" saway naman ni Gunter. Kakalingon niya lang nang mga oras na iyon dahil sa binulong sa kanya ni Frederick at sa mga pamilyar na boses na narinig. Kaagad siyang lumapit sa dalaga.

"Stay away, Gunter. I want to teach this bitch a lesson," sabi ni Marinette habang nakatutok ang tingin kay Adeline na ngayo'y putlang-putla na sa takot. Nanginginig pa nga ang mga labi.

"You are barking at the wrong tree, Marinette. You came for me, right? Then, why involved Adeline here?"

"I had no plan to involve her until she let herself in. Now, I want to shut her fvcking mouth up by a bullet!" sigaw nito sabay paputok.

Habang nagsasalita ito umaatras din naman sana si Adeline habang nakataas ang dalawang kamay, pero no effect sa mukhang nababaliw na utak ni Marinette. Ang mga guwardiya'y hindi rin sana nagkulang dahil pumagitna sila agad. Kaso nakatutok din sa kanila ang mga baril ng bodyguards ni Marinette. Pati si Gunter ay tinutukan din nila. Caught off guard ang dalawang bodyguards ng huli dahil pinagkape muna niya ito kanina sa coffee shop sa ground floor while he was giving instructions sa receptionist.

Nang umagos ang dugo sa bandang dibdib ni Adeline, nakita ni Gunter na namutla rin si Marinette. Subalit pagkakita sa kanya'y biglang nanlisik ang mga mata nito't binaling sa kanya ang baril. In a blink of an eye, he felt a sudden jolt. Parang may pumunit sa bandang dibdib niya at pumuswit din ang dugo.

Pagkapa ni Gunter sa bandang balikat nabasa agad ang kanyang kamay. At napanganga siya nang makita ang pulang likido na nagmarka sa kanyang palad. Pagtingin niya kay Marinette, humahagulgol na ito at tinatawag ang kanyang pangalan.

"Oh my God, Gunter! What did I do? Gunter! I didn't mean to hurt you!" naiiyak nitong sabi.

Katulad ni Adeline, nanilim ang paningin ni Gunter at dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig.

**********

"What?!" naisigaw ni Shelby nang tawagan siya ni Frederick at ipaalam ang nangyari kay Gunter nang umagang iyon.

Hindi na natapos ni Shelby ang ginagawang pagre-review sa mga designs ng kanyang assistants. Dali-dali siyang napatakbo sa parking lot para kunin ang kanyang sasakyan. Bago pa niya mabuksan ang driver's side, naagaw na ito ni Mang Conrad. Pinalipat siya sa back seat at ito ang nagmaneho para ihatid siya sa ospital na pinagdalhan sa asawa.

Inooperahan na si Gunter nang dumating siya. Sa mabilisang kuwento ni Frederick napag-alaman niyang kagagawan ni Marinette lahat. Dumating daw ito sa Skylark Quandt Building na galit na galit. Una raw binaril si Adeline tapos ay si Gunter.

Pagkarinig sa pangalan ni Adeline, nanlaki ang mga mata ni Shelby. May kung ano siyang naisip. Pero bago pa iyon mabuo sa kanyang isipan, mabilis na nagpaliwanag ng buong pangyayari si Frederick. Kahit papaano ay napanatag ang kanyang kalooban. Kalmado na siya nang dumating ang mga magulang ni Gunter. Naghi-hysterical agad si Madame Margaux nang makita sila ni Frederick habang ang asawa naman nito'y tahimik lang pero mabababanaag sa mga mata ang matinding pag-aalala.

"Shelby," sabi nito sa mahinang tinig nang makita siya.

"Hello, Mr. Albrecht," magalang na bati naman ni Shelby. Babatiin din sana niya ang mom ni Gunter pero inisnab siya nito. Dali-dali itong pumunta sa harap ng operating room. Doon naglakad-lakad. Hindi mapakali. Umiiyak siya. Si Frederick ang lumapit kay Madame Margaux at nakita ni Shelby na hindi naman pumalag ang Madame nang yakapin ito ng lalaki.

Ilang oras pa ang nakalipas, lumabas ang head doctor at binalita sa kanilang ligtas na si Gunter at nasa recovery room na. No'n lang nakahinga nang maluwag si Shelby. Napaiyak siya. Si Henry Albrecht lamang ang pumisil sa balikat niya at kalauna'y yumakap sa kanya.

Hindi umalis sa ospital si Shelby hanggang sa mailipat sa ICU si Gunter. Sulit naman ang paghihintay niya ng kung ilang oras dahil pinayagan siya ng doktor na mabisita ito agad paggising ng asawa.

Dalawang kamay na hinawakan ni Shelby ang isang palad ni Gunter at umiiyak na nagpasalamat sa Diyos na ligtas na ito.

"I was so scared!" pag-amin niya.

May gumuhit na tila ngiti sa mukha ni Gunter.

"I love you," umiiyak niyang sabi rito.

Lalong lumawak ang ngiti ni Gunter. Sa namamaos na tinig ay napabulong din ito. "I love you more." Saka napapikit.

Nanlaki ang mga mata ni Shelby. Nag-panic siya. Pinindot niya nang ilang beses ang nurses' station buzzer sa bandang gilid ng kama ni Gunter at nag-request siya sa mga ito na tingnan agad ang pasyente niya. Pigil na pigil niya ang paghi-hysterical, pero ang kaba niya't takot ay abot langit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top