CHAPTER THIRTY FOUR

Pagkatapos yakapin si Gunter ay sinikap ni Shelby na magpakatatag. Subalit hindi niya talaga kinaya. Gusto niyang magkunwari na katulad pa rin ng dati ang lahat pero hindi maalis-alis sa isipan ang nakangising mukha ng journalist nang ipahayag nitong bankrupt na ang Skylark Quandt Corporation.

"Is it because of me?" halos ay pabulong na lamang niyang naitanong nang makabawi sa pagka-shock. May takot sa kanyang tinig. Gusto niyang sagutin iyon nang totoo ni Gunter pero nangangamba rin siyang kompirmahin nito ang kinatatakutan.

"Don't worry, Shelby. Shall we get inside now?" yaya sa kanya ni Gunter sa masuyong tinig. He even dried her tears and kissed her on the forehead.

Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang tao palang nakamasid sa kanila sa hindi kalayuan. Palihim na kinuhanan ang tagpong iyon.

"Good evening, Mr. and Mrs. Albrecht," magalang na bati ng manager ng Eleven Madison Park sa kanila. He smiled at them warmly. Pero sa pakiwari ni Shelby, parang may kalakip na awa ang ngiting iyon. Maging nang pagtinginan sila ng mga servers ng restaurant na dati na nilang ginagawa sa tuwing darating sila roon, hindi na naging maganda ang pakiramdam niya. Siguro nga'y imagination lamang niya ang lahat dahil tila sumasabog ang kanyang puso't isipan sa samu't saring emosyon na nararamdaman. Halos hindi na nga kayang iproseso iyon ng kanyang diwa. Namimigat na ang kanyang ulo.

'This way, madam, Mr. Albrecht," patuloy pa ng manager. Ito mismo ang naghatid sa kanila sa kanilang mesa. Pagkaupo nila'y malugod nitong inabot sa kanila ang menu ng restaurant saka nagbigay pa ng rekomendasyon para sa gabing iyon. Bahagya lang iyong napakinggan ni Shelby. Abala siya sa kamamatyag kay Gunter. Nadudurog ang puso niya sa isiping maaaring wala na itong korporasyong babalikan kinabukasan.

"What's wrong?" tanong ni Gunter sabay baba sa binabasang menu. Ginagap nito ang isa niyang kamay na nasa mesa at pinisil-pisil.

"I'm worried about you," sabi niya rito. Hindi na nagkaila pa.

"Shelby, c'mon. I'm a big boy, remember?" sagot nito. Tumawa pa ito nang mahina. Napasimangot naman si Shelby. Naalala nito ang kanyang ama. Gano'n din kasi ang sinabi nito sa kanya nang ipahayag niya ang pag-aalala kay Gunter dahil sa napanood na balita tungkol sa sunud-sunod na closure ng manufacturing firms sa iba't ibang bahagi ng Amerika na hawak ng korporasyon nila.

Tumangu-tango na lang siya at pinilit ang sariling kalimutan muna iyon. Sinikap niyang magpokus sa dinner nila. Bihira kasi silang lumabas na magkasama. Kung hindi kasi busy sa trabaho, nauubos ang free time niya kay Shy at si Gunter naman ay sa kaaasikaso ng problema sa negosyo.

Mayamaya pa'y tumatawa na sila pareho. Binabalikan kasi nila ang unang pagkakataong nag-propose sa kanya ni Gunter. Ngayo'y natatawa na lamang sila habang ginugunita iyon, pero noo'y sobrang nai-stress sila roon. Inamin niya ritong gulat na gulat siya sa ginawa nito noon.

"I only expected to have a good dinner at a restaurant which was in my bucket list. I never thought I would get proposed to that night."

Napabungisngis na parang teenager si Gunter. He tilted his head as if trying to imagine what she was talking about. Siguro napi-picture out na nito ang kinukuwento ni Shelby dahil lalong naging naging malutong ang tawa nito.

"Was it that unexpected? I thought you kinda anticipate that I would do it after closing the restaurant for us."

Umiling-iling si Shelby. "No." Tinaas pa niya ang isang kamay na animo'y nanunumpa. "I did think that somehow you were going to ask me to be your girlfriend or something like that. But not to be your wife."

"Why would I settle for just asking you to be my girlfriend when I have been trying to pursue you for several months already?"

"Several months?" napangiti si Shelby. "You make it sound like several years."

"Well, it felt like that. A month for me is like a year for an ordinary guy." Na-realize siguro nito ang pagyayabang kung kaya napangiti na naman. Shelby also smiled while watching him seemingly having a good time.

Pagdating ng order nila, hindi agad sila nakakain dahil may lumapit na isang ginang na mukhang sosyal at bumati kay Gunter. She eyed her interestingly. Napilitan tuloy ang kanyang asawa na ipakilala siya rito.

Mrs. Stevenson. Bakit mukhang pamilyar ang apelyidong iyon? Bago pa niya suyurin sa isipan ang mga acquaintances na may koneksiyon kay Gunter, sinabi na mismo ng matrona kung kanino siyang asawa. Sa COO pala nila Gunter.

"You must be very devastated right now," sabi ng babae sa kanya. Napakunot ang noo ni Shelby. At saglit pa siyang nalito. "I would be, if I were you. You thought you married the most eligible bachelor in NYC only to find out he has lost his status as a result of---" At kumumpas-kumpas ang ginang. Sinadyang ibitin iyon para siya na ang maka-realize kung ano ang ibig nitong sabihin.

Napakagat ng labi si Gunter at dahil pareho silang nakatayo ng babae, hinawakan na nito ang siko ng huli at parang gusto nang ilayo roon. Subalit, nagtaas ng kamay si Shelby na animo'y pinipigilan sila. Tumayo na rin siya at ngumiti pa nang matamis sa babae.

"Mrs. Stevenson, may I introduce myself to you? I am Shelby Madeline Mariano San Diego, the only daughter of Magnus Peralta San Diego. Though we may not be as rich as the Albrecht before, we are not poor either. I, myself has money of my own. So it's not a big deal to me."

Nagkuwaring nagulat sa reaksiyon niya ang babae. Napanganga pa ito at super-deny na may masama siyang pakahulugan doon sa sinabi. Nagsabi lamang daw siya nang totoo. Iyon daw kasi ang narinig niya sa kanyang asawa.

Nagpigil na si Shelby. Ganunpaman, hindi na siya nakipagplastikan pa rito. Si Gunter na ang sumaway sa matrona.

"Ignore what she said. She's not worth your anger."

Hindi na kumibo pa si Shelby. At nawalan na rin siya ng gana. Diyata't ang daming kontrabida sa buhay nila ni Gunter. Nakakaubos ng pasensya.

**********

Busy si Gunter sa pagtatago ng mahahalagang papeles ng korporasyon ayon na rin sa bilin ng kanyang ama nang humahangos na dumating si Frederick. Mababanaag sa pagmumukha nito ang labis na pangamba.

"Boss, we have a problem," bungad agad nito.

Sinulyapan lang ito ni Gunter saka pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Boss, did you hear me? I said we have a problem!" May urgency sa tinig ng assistant. Bago pa nito makuha ang atensyon ng boss ay may narinig na silang tatlong malalakas na katok. Ang kasunod no'n ay ang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng tatlong hindi kilalang lalaking naka-Amerikana. They were all impeccably dressed and exuded a cool and yet scary aura.

"Taga-Carlson and Sons Company daw sila, boss. Supplier daw sila ng lahat ng nagsara nating kompanya. Hindi raw sila nabayaran for almost two years!" naibulong sa kanya ni Frederick sa wikang German.

"What?" Napataas nang kaunti ang tinig ni Gunter. Hindi na nakasagot si Frederick dahil nasa harapan na nila ang tatlo. They looked like they meant business.

"I think your assistant has already briefed you about us," sabi ng pinakamatanda sa tatlo. Siguro'y nasa mid-thirties ito. He introduced himself as the eldest son of Carlson and Sons Company.

"Yes. But --- why are you here?" Napangisi ang panganay na Carlson.

"We came all the way from Indiana to ask you to pay your dues. And we will not leave your office unless you settle what you owe our company."

"The Schoneit in Indiana is just our subsidiary company. We are not responsbile for paying its debts since they have an independent management," sagot ni Gunter dito. Napahalukipkip ang kausap ni Gunter at ngumiti sa kanya nang may pang-uuyam.

"That's not what we heard, Mr. Albrecht. The head of your Indiana company confirmed to us that the top-level managers of Skylark Quandt Corporation are acting as their shadow directors. They are NOT totally independent from your clout."

Napahinga nang malalim si Gunter. Pero hindi pa rin siya kakitaan ng pagkabahala. He acted like he was so sure of himself. Much to the irritation of the Carlsons. Kahit nang sabihin nilang halos limang bilyong dolyar na ang hindi nababayaran sa kanila pati na interes nito'y kalmado pa rin itong tinanggap ni Gunter. Tila hindi ito nababahala gayong ayon sa balita ay nailit na ng bangko ang lahat nitong ari-arian, pati na mga pag-aaring personal.

"As I said when I came here, we won't leave New York until we get paid. And we mean it."

Ang dalawang kalaking kasama nito ay bahagyang nagtaas ng harapan ng suit jacket at nakita nila Gunter at Frederick ang pamumukol ng tagiliran nila. May dala silang armas!

"All right. Let me call my C-O-O. I just want to confirm your statements." Pinatawagan ni Gunter kay Frederick si Mr. Stevenson. Wala pang sampong minuto'y pumasok na ito sa silid at kinompirma na totoong may utang nga raw ang Indiana company pati na ang iba pa nilang nagsarang sister companies no'n sa karatig-lugar at iba't ibang bahagi ng Amerika sa Carlson and Sons. Dalawang taon na raw na nabinbin ang pagbabayad sa utang dahil inuna ang demands ng mga workers. Pinaalala ng matanda kay Gunter ang nangyaring pagwewelga ng mga manggagawa nila roon noong nakaraang dalawang taon. Habang nagkukuwento ang COO sa kanya ng mga pangyayari sa The Schoneit, napagtanto niyang tama nga ang kutob ng ama. Imbes na bigyan ng kalayaan ang subsidiary firm nilang iyon na pamunuan ang kanilang business operations ay parang naging extension iyon ng Skylark Quandt Corporation. Mayroon nga silang obligasyon na i-settle ang pinagkakautangan nito.

Walang nagawa si Gunter kundi ang mapahilot-hilot na lang ng sentido. Nang mabayaran niya ang mga Carlsons mula sa sinasabi niya kay Mr. Stevenson na emergency fund ng korporasyon, inisip ng lalaki na okay na sila. Pero dahil mabilis iyong kumalat, lahat ng creditors ng mga nagsara nilang kompanya ay naningil na rin sa kanya. Bago pa niya mahulaan ang mangyayari'y nagtipon na ang kung ilang sa kanila sa labas ng kanyang building, demanding for him to come out. Matapos kasi ang dalawang sumunod pa sa mga Carlsons ay pinagbawalan na niya sa gwardiya ang pagpapapasok pa sa iba kung kaya ganoon na ang nangyari. Hindi niya sukat akalain na people will resort to staging a seemingly mass rally para lamang maningil sa utang na hindi naman dapat sinisingil sa kanya!

**********

"Kailangan kong mapuntahan si Gunter, Mom. Pakibantay po muna kay Shy."

"Shelby, no! Mapapahamak ka roon. Wait for things to clear up. Baka ikaw ang mapagdiskitahan ng mga taong iyan," pigil sa kanya ng ina sabay turo sa mga nagwawalang debtors sa harapan ng building ng Skylark Quandt. They range from small to big time creditors.

Napaiyak si Shelby at naupo sa gilid ng mom niya habang humahagulgol. Sheila kissed her on the forehead at niyakap siya nito. Habang hinahagud-hagod siya ng mommy niya sa likuran, kinatahan siya nito ng What a Wonderful World. Tulad ng siya'y bata pa.

"Tinitiyak ko sa iyo, may rason ang lahat ng ito. Huwag kang mabahala. Trust God. And trust Gunter. Malulusutan niya ito," sabi pa nito makaraan ang ilang sandali.

"Let's help him, Mom. Bakit hindi natin siya tulungan?" pagsusumamo niya rito. Saglit na nilayo siya muna ng ina saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Nakausap ko na ang dad mo kagabi. At base sa napag-alaman namin pareho, masalimuot ang problema ng Skylark Quandt Company. May ilan sa malalaki nilang stockholders ang diumano'y involved sa money laundering at embezzlement. Lumabas lahat iyon sa pagkakatiwalag ni Mr. Schlossberg na tinatantiyang nagmamay-ari ng halos kalahating shares doon sa mga nagsarang negosyo. Hindi basta-bastang lulusob na lang tayo nang hindi natin alam ang puno't dulo. Saka naniniwala akong hindi bankrupt ang mga Albrecht."

"What made you say that? Ayan, o. Nire-report nang sequestered na ang lahat nilang ari-arian!"

Napatayo si Shelby. Nagpaikot-ikot muna siya sa living room nila bago naisipang tawagan si Gunter. Walang sumagot sa una niyang tawag. After like a third call, she heard Gunter's tired voice.

**********

Pagkakita ni Gunter kay Shelby na bumababa sa Rolls Royce kasama ng kanyang assistant, napangiti siya agad. Sulit ang hirap niya sa pagpunta sa yate sa harbor. Ibayong ligaya at ginhawa ang kanyang naramdaman nang makita na itong umaakyat sa restaurant kung saan siya nagpropose dito noon. As usual she was wearing her own design. Ang lampas-tuhod niyang A-line dress na kulay peach na pinatungan ng double-breasted wool pea coat ay nagpamukha sa kanyang kagalang-galang and yet, very desirable. Proud na proud siya habang pinagmamasdan itong inaalalayan ni Frederick na pumanhik ng yate.

"Hay, naku, boss. Kung alam mo lang ang challenge namin sa pagpunta rito! We were chased by some paparazzis! Nagpasikot-sikot pa kami at sumuot kung saan-saan para malansi namin sila. They thought I was you!" madramang saad ni Frederick sa kanya sa magkahalong English at German.

Kinuha niya ang kamay ni Shelby sa assistant at pinalayas na ito. Hindi na siya nagkomento pa sa mga pinagdadaldal nito. Siya man kasi kanina ay halos hinabol din. Mayroon kasing dalawang news agency na gusto siyang interbyuhin ukol sa napabalitang money laundering scheme na kinasasangkutan ng isa sa mga executives nila at gustong maunahan ang iba pang news dailies kung kaya naging agresibo na ang mga journalists nila kanina. Nang hindi niya paunlakan sa ambush interview ay nakipaghabulan sa kanila. Buti na lang at listo ang dalawa niyang bodyguards na sumama sa kanya sa pagpunta sa yate. Ngayon nga'y nakabantay ang mga ito sa paligid para masigurong walang makakalapit na taga-media.

Tulad ng dati'y, sinalubong ng paboritong kanta si Shelby nang pumasok na ito sa painaka-loob ng yate kung saan ang restaurant. Unlike before na chamber orchestra ang hinire ni Gunter na humarana sa babae, this time ay isang live band naman. Napanood na niya ang grupo noon nang dumalo sila ni Frederick sa isang charity event. And they were impressed. Kaya kasi ng grupong tumugtog ng mga requests ng audience kahit walang notes sa harapan. Ang lawak ng musikang alam nila. Saka game sila sa pop songs. Nang tumugtog ang 'She's Like the Wind' na pinauso noon ni Patrick Swayze noon, nilahad agad ni Gunter ang kanyang palad sa harapan ng asawa. Hindi niya sukat akalain na makalipas lamang ang ilang buwan ay babalik sila sa yateng iyon nang tinatawag na niya si Shelby na kanyang 'asawa'.

"I felt like the guy in the song when I first saw you. You seemed to be out of my league," bulong niya sa punong-tainga ni Shelby. Pinangunutan siya nito ng noo.

"How come? You have always been tagged as the most eligible bachelor of NYC. No woman is out of your league. Not even a crown princess herself."

Napangiti si Gunter. He felt really good sa narinig. He has always heard such compliment pero iba ang dating dahil si Shelby ang nagsabi.

"You think so?" "Fishing for compliments?" natatawa namang sagot ni Shelby. Nakangiting parang timang si Gunter na umiling-iling saka hinapit lalo palapit sa katawan ang katawan ng asawa. "You are so worth the wait, you know," bulong na naman niya. "Kahit na ganito pa ang kinalabasan ng lahat dahil sa pagpupursige ko sa iyo, hindi na bale. Nakuha ko naman ang matamis mong 'oo' and more," sabi pa ni Gunter sa magkahalong German at English.

"Huh?" nalilitong tanong ni Shelby. Tumigil nga ito sa pag-iindayog sabay tingin sa mukha ng kasayaw. Matamis na ngiti lang ang sagot sa kanya ni Gunter.

"Is it right? Mahal ko kita nang sobra?"

Napangisi si Shelby. "You drop 'ko'. It is not needed. 'Kita' is you and me."

"I like that. You and me."

Tinugtog pa ng banda ang What a Wonderful World at sinayawan din nila iyon bago nila naisipang maupo na at mag-order ng pagkain.

"Kahit ano mang manyari after tonight, I will treasure this with me forever," medyo nalulungkot na sabi pa ni Gunter sa asawa sa magkahalong German uli at English.

Pinangambahan si Shelby. Napahawak tuloy siya sa magkabilang kamay ni Gunter na nasa ibabaw ng mesa.

"What are you talking about? We will always be together! I will always be by your side!" **********

Kahit papaano natuwa si Gunter nang ibalita sa kanya ni Frederick na sa kabila ng katakot-takot na bad publicity about Skylark Quandt Corporation ay hindi pa rin umaatras ang MS & Sons Ad Agency bilang tagapamahala ng marketing ads nila para sa mga pharmaceutical firms na hawak nila. Ito ay sa kabila ng pormal niyang pagsulat sa mga ito na maiintindihan niya kung kakalas din sila tulad ng iba pa.

"I guess, your father-in-law has already learned to love you a little bit, boss," komento ni Frederick. "But do not be complacent. I am sure her brothers are still out there to get you." Binato niya ito ng sign pen saka pinaalis sa harapan ng desk niya. Reresbak pa sana ito nang biglang bumukas ang kanyang silid at iluwa nito ang naka-evening gown na si Adeline Grayson. She was wearing an off-shoulder black mermaid cocktail dress. As usual, she looked stunning.

"Hi there, darling. I kinda miss you," bati nito sa kanya. "Ikaw kasi, eh. Nandito naman ako, bakit sa Philipinang iyon ka pa nagpakasal? Hayan tuloy, nainsulto mo nang husto ang bruhang Marinette. Ginamit pa ang impluwensya ng pamilya para pahirapan ka," patuloy pa nito sa baluktot na French.

Umasim ang mukha nila pareho ni Frederick dahil kapwa sila marunong din ng Pranses gawa ng iyon ang salita ng mom niya at ng tatay naman ng assistant.

"Iyon ay sa kadahilanang mas matino siya, mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas interesante kaysa sa iyo," sagot niya sa babae sa mabilisang French. Napanganga ito sa kanya at pinilit siyang ulitin ang sinabi. Nginitian lamang niya ito at tinanong na kung ano ang pakay sa pagpunta roon.

Ngumiti nang tila nang-iinsulto ang babae bago hinugot ang singsing sa palasingsingan nito.

"I came to return this. I do not think I need that anymore. I just don't want some creditors knocking on my door because they think we are soon to be married. Let them knock on that Philipina girl's house." At pagkasabi niyon ay eksaherada itong kumembot-kembot palabas ng upisina niya.

"Whoah! The nerve of that woman to speak French! A kindergartener has more fluency than her!" Tumigil lang si Frederick nang makitang madilim na ang anyo ni Gunter.

Nakiusyuso na rin ito tuloy sa singsing. At habang binubusisi nito ang halos kawangis ng binigay niya kay Shelby ay napakomento ito.

"This is the best thing that she has ever done to you, boss. Look? You can now have this melted and changed it into something better. Ngayo'y unique na at last ang disenyo ng singsing ni Ms. Shelby!"

**********

Sabi sana ni Shelby hindi na siya dadalo pa sa isang charity event na hino-host ng isa sa mga paborito nilang charity institution ni Dane. Kaso nga lang, malaki ang naitulong ng presidente nito para mapabilis ang proseso ng adoption nila ni Gunter kay Shy kung kaya kahit medyo wala sa mood ay pinaunlakan niya ang mga ito. Hindi niya akalain na magkikita sila ni Marinette Schlossberg doon. Inimbitahan din pala. At napatampal siya sa noo nang makita rin ang pagdating ng kanyang asawa sa nasabing pagtitipon. Tila nagulat ito nang magkasalubong ang kanilang mga mata.

"So this is your scheduled appointment?" naibulalas nila pareho. Kapwa kasi gusto sana nilang lumabas ngayong gabi kaso pareho silang nagsabi na may nauna nang commitment. Nang ma-realize na nagsabay pa sila sa pagpahayag no'n napangiti sila.

Si Gunter ang unang yumakap kay Shelby. "I missed you, baby," bulong nito sa kanya.

"I missed you, too," sagot naman ni Shelby. Bago pa sila magkahiwalay ay may nagklik na kung ilang lens ng camera. Napabuntong-hininga sila pareho nang ma-recognize ang mga paparazzi. Inakala nilang hindi lulusob ang mga ito ngayon dahil kung ilang araw ding naging kalmado ang mga ito. Kumuha lang pala ng buwelo. Ngayo'y tila nakakuha sila ng scoop dahil nandoon din si Marinette Schlossberg. Parang sinadyang pagtagpuin silang tatlo.

"You should have told me that you invited the Schlossbergs!" naibulong ni Shelby kay Mrs. Greene, ang presidente ng charity institution nang salubungin siya nito at ilayo sa mga reporters.

"To be honest, I didn't know that she will come. Usually, it's her mom that grace our events. I cannot just NOT invite them to this party because for years her mom was our number one benefactor," pabulong ding sagot ni Mrs. Greene.

Pagtingin ni Shelby sa direksiyon ni Gunter, napaligiran na ito ng mga reporters. Babalikan pa sana niya ito nang hinila na siya ni Mrs. Greene palayo. Anito, kaya ni Gunter ang sarili. Mayamaya pa nga'y nakita ni Shelby na hinawi na ng mga bodyguards nito ang mga pangahas na reporters. Tumulong na rin ang kanya.

Halos picture-taking na lang sana ang nalalabi sa dapat niyang gampanan sa event na iyon nang umeksena si Marinette. May isang atribidang reporter kasi ang nagtanong dito kung ano ang nararamdaman ngayong pabulusok na ang Skylark Quandt Corporation nang dahil sa pagwi-widro ng kanyang ama sa malaki nitong shares sa korporasyon.

"Well, what can I say? This goes to show we are far richer than them?" At ngumit pa ito nang matamis sa nagtanong. Nang magkasalubong sila ng tingin ni Gunter, kumaway pa ito sa huli. Napasimangot doon si Shelby.

"You seemed like a good sport, Marinette" sabi naman ng isang reporter kay Marinette. Nagawa pa raw kasing ngumiti ng babae kay Gunter gayong tila pinaasa isiya nto.

"There's nothing to feel bad about, my dear. I'm glad this happened early. I do not want to be a sugar mommy, you know." At tumawa pa ito na para bagang labis na ikinatuwa ang pangyayari sa mga Albrecht. Nasalba raw kasi siya sa matinding kahihiyan. May tsinika pa siya sa mga ito na 'huwag kamo nilang ipagsasabi.' Napag-alaman daw nito na pati ang mansyon ng mga Albrecht sa Manhattan pati na ang kay Gunter sa Scarsdale sampo ng kung ilang penthouses at high end condominiums ay kasamang nailit ng bangko.

Nagtawanan ang mga paparazzis. Napakuyom ang mga palad ni Shelby dahil dinig na dinig niya iyon. Ngunit katulad ni Gunter, they kept their mouth shut. Nagpasalamat na lang sila at nalihis ang atensyon ng mga lintang reporters.

Pagkatapos na pagkatapos nga ng pinakahuli nilang picture-taking ay hinila na siya ni Gunter na umalis na sila roon. Pero bago sila nakalabas ng exit ay may humarang sa kanila at tinanong hindi si Gunter kundi si Shelby kung ano ang masasabi niya sa binunyag ni Marinette na ang dating pinaka-eligible bachelor daw sa NYC ay mahirap pa sa daga kung pagsusumahin ang liabilities nito. Nakita ni Shelby na may gumuhit na pait sa mukha ni Gunter. Kung wala lamang sila roon, gusto sana niya itong yakapin at sabihang malalampasan din nila ang lahat.

Sinulyapan ni Shelby si Marinette na nahuli niyang nakatingin na pala sa kanila ni Gunter. She was scowling at them now. Pinaulit niya sa mahaderang reporter ang tanong para siguradong dinig din ni Marinette ang kung anong sasabihin niya tungkol doon.

"I do not give a tiny rat's ass!" sagot niya rito at siya na ang humila kay Gunter na lumabas na sila roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top