CHAPTER THIRTY-EIGHT

Nanlata si Shelby nang makitang biglang pumikit si Gunter habang kausap niya ito. Nataranta siya kung kaya ilang beses niyang napindot ang buzzer na konektado sa nurses' station. Humahangos namang dumating ang head nurse at sinuri agad ang vital signs ng lalaki tapos nakangiti itong bumaling sa kanya.

"He's just sleeping, ma'am," nakangiti nitong sabi sa kanya. "Filipino po ba kayo?" tanong ng nurse na tantiya ni Shelby ay kaedad ng mommy niya.

Tumangu-tango siya rito. Lalong lumawak naman ang ngiti ng babae. Then, she assured her that Gunter has already survived the critical part of the operation. Huwag daw siyang mag-alala at hindi na ito maaano.

"Salamat po," halos ay pabulong niyang sagot dito at nilapitan uli si Gunter. She looked at his face intently. Mula sa makinis nitong kutis, matangos at deretsong ilong, malalantik na pilik-mata, at manipis na mapupulang labi. He looked every inch like a movie star. Idagdag pa roon ang estado ng pamilya at posisyon niya sa isang malaking korporasyon. No wonder, kahit na hindi siya artista ay palagi na lang may nadadawit na taga-entertainment industry sa kanya. Ang isa pa roon ay tila nabaliw pa dahil sa obsesyon sa kanya.

Nang maalala ni Shelby si Marinette napakuyom ang kanyang mga palad. Sisikapin niyang mapaparusahan ang babaeng iyon. Hindi maaaring she will be able to escape scot-free.

"Sige po, ma'am. If you need us again, just press the buzzer," magalang na paalam ng nurse at umalis na ito.

Makaraan ang ilang sandali'y bumukas ang pintuan at sumilip si Madame Margaux Quandt. Nang makitang nakapikit ang anak at hilam sa luha ang mukha ni Shelby, she looked scared. Dali-dali itong lumapit sa anak at humagulgol habang yumayakap sa bandang tiyan ni Gunter.

"My son. My beloved son. Please do not leave, Mama. I love you!"

"He's just sleeping, Madame ---- Albrecht," sabi sa kanya ni Shelby.

Nilingon naman nito si Shelby at pinangunutan ng noo. Parang it took a while bago tumimo sa isipan ni Madame Margaux ang sinabi ng manugang. At nang lubos na maintindihan iyon ay napabangon ito at maarteng napapahid ng luha sa mukha.

"I---I cannot l-lose my son. He is my only ticket to Henry's heart. If I lose him, I'll also lose his father," bigla na lang ay sinabi nito saka tumayo at lumapit sa bandang ulohan ng anak saka hinagkan ito sa noo.

Napanganga si Shelby sa sinabi ng ginang at pinangunutan ng noo. Hindi na siya nakasagot pa dahil lumitaw sa bandang pintuan ang lalaking pinag-uusapan nila.

Tumayo si Henry Albrecht sa bandang paanan ng anak. Pinagmasdan lang nito ang asawang sumisinghot-singhot sa gilid ni Gunter. He was calm and poised. Ibang-iba kay Mrs. Albrecht.

Matapos bumati, nagpaalam saglit si Shelby sa mag-asawa at lumabas siya ng ICU. Tinawagan niya ang dad niya at sinabi ritong ligtas na si Gunter. Binalitaan naman siya nito sa pagkakahuli kay Marinette Schlossberg. Sa ngayon daw ay pinoproseso na ang kaso nito.

Makaraan ang ilang sandali'y sumingit ang mom niya sa phone at pinakita si Shy na tulog na tulog. Ang mom din niya ang nagbalita na nakaligtas din sa peligro si Adeline Grayson, subalit mukhang may kaunting problema. Ini-report daw sa TVna bagama't naka-survive ang babae, baka raw may posibilidad na maging paralisado ang kaliwang bahagi ng upper torso nito.

"Oh my God!" naibulalas niya. Sa isang katulad ni Adeline Grayson na wala halos ipinagmamalaki kundi ang pisikal nitong anyo, alam ni Shelby na malaking dagok iyon.

Dati'y bwisit na bwisit siya rito dahil sa mga pinaggagawa. Biruin mo, nang malamang nagpakasal sila ni Gunter ay umeksena ito at pinamalitang engaged daw sila ng lalaki kaya paanong legal ang kasal? Kinopya pa ang design ng singsing niya na bigay mismo ni Gunter sa araw ng rooftop proposal. Hindi lang iyon. Ang intergenerational engagement ring ng pamilya Albrecht ay napasakanya pa. Kung kaya naniwala ang lahat na totoo ang pinagsasabi nito lalo pa't suportada ng bruhang ina ni Gunter.

But then, between Adeline and Marinette, mas magaan ang loob ni Shelby sa una dahil nang malamang seryoso si Gunter sa kanya, kusa na itong umatras. Tanging si Marinette ang nagpumilit na maagaw niya ang lalaki by hook or by crook.

"Are you okay?" ang mom niya ulit.

No'n lang bumalik sa kasalukuyan ang isipan ni Shelby. "Yes. Thanks for taking care of Shy, Mom," sabi niya rito.

"My pleasure, baby. Take care of yourself. We love you."

Binalik ng mom niya sa ama ang telepono at nag-usap uli sila ng dad niya. Binalita nitong may bagong ebidensya raw nakalap ang kampo nila Gunter na kumokompirma sa ugnayan ni Mr. Schlossberg at ng mga sindikato ng droga sa Malaysia at Pilipinas. Marahil ay dinaan lang daw kay Marinette ang pagpapaabot ng paghihiganti. Madali raw kasing gawan ng alibi ang anak nito.

"They can always use the insanity defense when things go worse for Marinette," sabi pa ng dad niya na ikinagalit lalo ni Shelby kay Marinette.

"That's what I am afraid of, Dad. Kailangan gawan natin ng paraan. Dapat mapagbayad ang babaeng iyon sa kasalanang ginawa niya! Hindi ako papayag na maa-abswelto siya nang gano'n-gano'n lang. No way!"

Hindi agad nakasagot ang ama. Nang magsalita na itong muli, kinumusta siya at sinabing parating daw mga kuya niya para magbigay ng moral support sa kanya sa ospital.

**********

Gunter was disoriented when he woke up. Nagulat siya nang makitang amoy gamot ang kanyang paligid at puti lahat ng kulay ng dingding. Ang huli niyang natatandaan ay nagbibigay siya ng instruksiyon kay Frederick tungkol sa pagpapasaayos ng sasakyan niyang Tesla Roadster. Sumakit ang ulo niya sa pagbabalik-tanaw sa pangyayari mula noong mag-usap sila ng assistant tungkol sa kotse hanggang sa pagkakahiga niya sa isang estrangherong silid.

"Boss, sir! Oh my God!" eksaheradong bulalas ni Frederick. Napatutop pa ito sa bunganga pagkakita sa kanyang nakamulat na. Inasiman niya ito ng mukha at nagtangka siyang bumangon ngunit napahiga rin agad dahil sa kirot sa isang bahagi ng kanyang dibdib.

Mabilis na nakaalalay agad ang assistant at tinulungan siyang bumangon. May pinindot ito sa bandang ulohan niya at gumalaw ang kama. He looked a bit startled. Tapos unti-unting naglitawan ang mga kaganapan sa ground floor ng Skylark Quandt Building isang umaga. Sa pagkakaalala niya dumating si Marinette na galit na galit. Tapos binaril nito si Adeline.

"Adeline!" nasambit niya agad. He looked at Frederick with fear in his eyes. "How is she?"

"No need to worry, boss. Like you, she survived it. Okay na siya ngayon. Kaso nga lang, medyo nagkaproblema dahil hindi niya maigalaw ang bandang kaliwang balikat niya. Pero sabi ng doktor, temporary paralysis lang daw iyon. In due time, she will be able to recover," paliwanag ni Frederick sa magkahalong German at English. Nakahinga ng maluwag si Gunter.

Bigla nakaramdam siya ng lungkot. Naalala niya ang kanyang mag-ina. All of a sudden he missed them both. Kung gaano ka bilis niyang naalala ang dalawa gano'n din kabilis sumagi sa isipan na baka nakarating na kay Shelby ang balita ng pagkakabaril sa kanya at baka alalang-alala na ito.

"Call Shelby right away. She has to know I am okay now," may urgency na utos niya kay Frederick.

Ngumiti naman ang ungas.

"Pero si Ms. Adeline ang una n'yong naalala, boss, ha? Ano ang ibig sabihin no'n?"

Pinangunutan ni Gunter ng noo si Frederick. Nang lalo itong ngumisi, humagilap siya ng maipanghahagis dito. Unan lamang ang nakuha niya. Hinambalos niya iyon sa assistant. In so doing, tila may napunit sa bandang balikat niya at napangiwi siya.

"Fvck!" galit niyang nasambit sa tindi ng kirot.

"Boss, sir! Are you okay?"

Sinamaan niya ng tingin si Frederick. "Don't worry, boss. Ms. Shelby already knew about what happened to you. She was here since you were in the operating room. She was also the one who watched you while you were in the recovery until you were brought to the ICU. She was also here this morning when you were transferred to your private room. I just told her to go home and freshen up while I am here with you."

"How's my baby girl?"

"Which one, boss?"

Pinangunutan uli ni Gunter si Frederick.

"Boss, sir. What I mean was, which one? Ms. Shelby or the little girl?"

"Of course, my little girl, idiot!"

Napakamot-kamot ng ulo niya si Frederick bago binalita sa amo na mukhang wala naman daw itong naririnig na masamang balita tungkol sa bata. Kaya tingin niya nasa mabuti itong kalagayan.

"Call them. Call Shelby."

Na ginawa naman ni Frederick agad-agad dahil galit na ang amo sa pakwela niya.

**********

Nag-uusap ang mag-anak na Albrecht nang makarating sa hospital room ni Gunter si Shelby with her mom and Shy. Tiningnan nang mabuti ni Madame Margaux si Sheila. Napansin ni Shelby na bahagyang nag-twitch ang ilong ni Madame pagkakita sa mom niya. Ang ama naman ni Gunter ay malugod na bumati sa kanilang tatlo.

"Oh, is that our little girl now?" tanong pa nito nang makita ang bata. Kaagad niya itong kinuha kay Sheila at sinayaw-sayaw. Tinitigan ito ni Shy at ngumiwi ang bata. Lumingon ito kay Sheila.

"It's okay, sweetie. That's Lolo," nakangiti namang sabi ni Sheila habang hawak-hawak ang munti nitong kamay saka pinaliwanag kay Henry Albrecht kung ano ang ibig sabihin ng 'lolo'.

Nakita ni Shelby na umismid si Madame Margaux. Lumayo pa ito nang bahagya nang nilapit sa kanya ng asawa ang apo. Tumanggi itong humalik sa bata. Napakagat ng labi si Shelby. Ang mom naman niya ay umiwas ng tingin.

"Let her come to me, Dad," sabi naman ni Gunter matapos makabati kay Sheila.

Dinala naman agad ni Henry Albrecht ang baby sa anak. He let the baby lie on her father's chest. Pagkakita ni Shy sa ama tumili ito at tinampal-tampal sa mukha si Gunter. Mukhang labis na natuwa. Inunat ni Gunter ang isang braso kay Shelby at sinenyasan ang asawang lumapit. Sa harapan ng ina niyakap nito ang mag-ina.

"I was worried about you guys. I tried my best to survive the operation so I can come back alive for both of you," bulong nito sa kanya. "I love you," sabi pa sa mahinang tinig habang tinititigan siya sa mga mata.

"I love you, too," naibulong din ni Shelby rito.

He broke into a wide smile, bago siya nito hinagkan sa noo.

"We will get married---again," sabi pa nito na nagpaubo kay Madame Margaux.

Hindi pinansin ni Gunter ang ina. Nagpatuloy pa ito. "We will just let some things settle before we do. But I promise you, we will get married again, Shelby. This time, I want it to be a real wedding with an entourage and all," sabi pa ni Gunter.

Lalong umubo si Madame Margaux. Noong una'y artipisyal lamang ang pag-ubo. Halatang pilit. Pero kalauna'y mukhang nabilaukan ito ng laway at tuluyang napaubo nang malakas. Kinailangang tapik-tapikin pa ito ng asawa sa likuran bago maka-recover.

"You are making me cough," naiinis na asik nito kay Gunter matapos maging okay ang pakiramdam. Tapos pasimpleng umismid uli kay Sheila. Pero napansin naman ni Shelby na dedma lang ang mommy niya kay Madame. Ni hindi nga nito tiningnan ang babae. Siguro na-sense na hindi siya nito gusto at wala itong pakialam.

"Let's go," yaya ni Henry Albrecht sa asawa. Tumingin pa ito nang ilang beses sa relo para ipakita ang impatience.

"Adeline is getting better. You have to know that if there is someone I want you to marry that would be Adeline Grayson!" mariin nitong bulong sa anak. She made it sound like a whisper---a whisper which can be heard by everyone in the room.

Sinimangutan agad ni Gunter ang ina ngunit hindi ito nagsalita laban doon. Si Henry Albrecht ang nag-react sa sinabi ng asawa.

"When are you going to stop forcing your son to be with the woman he will never take seriously?"

Nilingon ni Madame Margaux ang asawa at inasiman ng mukha saka walang pasabing nauna nang lumabas ng pintuan. Si Henry Albrecht ay napailing-iling. Ito lamang ang nagpaalam nang pormal sa anak at kina Sheila at Shelby bago sinundan ang asawa.

**********

"I cannot believe you are soon going to be living with your wife and daughter, boss," nakangising komento ni Frederick habang personal nilang sinu-survey ang mansyon sa Scarsdale kasama ang hired professional na siyang mamamahala sa interior design ng bahay.

Malawak na ngiti ang sagot ni Gunter. Saka hinarap nito ang babaeng magde-decorate ng mismong master's bedroom. Minanduan niya itong gawing homey na may touch ng Filipino-ness daw ang silid. Sorpresa niya iyon kay Shelby.

"You must have done something good to convince your father-in-law to give you a chance. Biruin mo, hindi mo pa nabibigyan ng maayos na kasal ang anak niya niyan, ha?"

"He is a reasonable man. He knows I am worth Shelby's affection. He trusts me."

Ngumisi-ngisi si Frederick. Pero ang ngisi ay napalis matapos sagutin ang tawag sa cell phone nito. Napatitig pa ito sa screen ng cell phone matapos ang pakikipag-usap nang saglit sa tumawag.

"What is it?" tanong ni Gunter.

"Boss. Your dad. His murder case was reopened. They found a new evidence to implicate him," halos ay naibulong na lamang ni Frederick.

Pinangunutan na naman ng noo si Gunter. Pinalabas muna niya ng room ang interior designer.

"Wait. The case was acquitted twenty five years ago because there was no enough evidence to convict my dad! Lampas na sa takdang oras para magsumite pa ng bagong ebidensya!" pahayag ni Gunter sa magkahalong English at German.

Napabunga ng hangin si Frederick. "Heinous crimes like murder have no statute of limitations, boss. I think you know that as well."

Napanganga si Gunter sa narinig. "Who called you up?"

"Your family lawyer, Attorney Davidson."

**********

Hindi mapakali si Shelby. Pero iyong tipo na may pananabik. Ngayon kasi ang dalaw ni Gunter sa kanila para pormal itong mamamanhikan. Heto nga at nasa bahay nila sa Connecticut silang lahat. Imbes na uuwi sana ng Pilipinas sina Matias, Morris at Moses ay nanatili ito roon para masaksihan din ang pamamanhikan ni Gunter at ng pamilya nila kay Shelby. Ang kambal naman na sina Marius at Markus ay lumipad pa mulang California para maging kompleto ang kanilang mag-anak. Tanging ang lolo't lola lamang nila ang wala roon dahil nakauwi na ito ng Pilipinas bago pa magdesisyon si Gunter na mamamanhikan nang pormal.

Magkaiba ang sasakyan ng mag-amang Henry at Gunter Albrecht. Ang sa una ay isang latest model ng Mercedes car at ang gamit naman ni Gunter ay Bentley Continental GT. Kabuntot nila ang isang black limo na sakay naman ang mga bodyguards. May dalang regalo ang mag-ama kina Magnus at Sheila. Isang jewelry set ang para kay Sheila---necklace, bracelet, at earrings na gawa sa mamahaling klase ng ruby---ang sunrise ruby. Halos ganoon din ang para kay Shelby, pero yari naman sa diamonds ang kanya.

"It's good to finally meet you formally," magalang na bati ni Henry Albrecht kay Magnus nang magharap sila. Napansin ni Shelby na bagamat matangkad ang ama ni Gunter hindi naman pala ito nakakatangkad sa dad niya. Halos patas lang. Si Gunter naman, sa taas nitong a little over six feet four ay halos nag-blend lang din sa mga kuya niya na matatangkad din.

"Magandang hapon sa lahat," pormal na bati sa kanila ni Gunter. Wala na ang kakatwa nitong American accent. Napa-double take ang lahat na San Diego siblings liban kay Shelby. Makikita sa mukha ng mga ito ang pagkagulat. Kay Shelby nama'y puno ng pride.

They all responded with a courteous 'good afternoon'.

"Shelby, hindi mo man lang sinabing ubod pala ng guwapo itong si Gunter!" nae-excite na komento agad ng yaya niya na pinalipad pa nila mula Pilipinas para masaksihan ang pamamanhikan sa alaga nito. Hindi nito ikinubli ang sobrang kilig na naramdaman.

Proud namang sumang-ayon dito nang palihim si Shelby. Makikita sa mukha ng babae ang labis-labis na kasiyahan.

"Uhm, is Mrs. Albrecht coming? I have prepared a special dish for her. My daughter told me she loves French dishes," sabat naman ni Sheila matapos makapagpasalamat sa regalo.

Henry Albrecht cleared his throat before answering. "She cannot make it here because an emergency happened at her Fashion House that she needs to attend to."

Napatangu-tango ang mga magulang niya pero batid ni Shelby na hindi naniniwala ang mga ito. Wala namang komento ang kanyang mga kapatid na lalaki.

Sinimulan ang early dinner nilang mag-anak sa dining hall nila at isa-isang binigay ni Gunter ang regalo sa mga lalaking San Diego. Tig-isa sila ng sasakyan mula sa distributor ng high-end cars ng mga Albrecht. Pero pagkabukas ni Magnus ng sobre at makita ang susi ng pinakamahal na porsche car ay agad nitong sinoli iyon kay Gunter.

"You do not need to do this. It's enough for us that you take care of our princess," seryosong pahayag pa ni Magnus nang walang kakurap-kurap. "Shelby is more precious than any of the material things in this world. We will only feel good about this union if you can promise to us that you will take care of her the way she deserved to be taken cared of."

"Of course, sir," mabilis namang sagot ni Gunter. Ginagap pa agad nito ang kamay ni Shelby na nasa tabi lamang niya sa ibabaw ng mesa saka hinagkan nang buong tamis.

Umiwas ng tingin si Magnus maging ang mga kapatid ni Shelby. Si Sheila'y napangiti nang makita ang unica hija na tila kinilig. Lalong lumawak ang ngiti nito nang makita rin ang yaya ng anak na daig pa siya sa sobrang katuwaan sa nakikita.

"She, tingin ko magiging pyutyur Miss Felipens ang anak ni Shelby at Gunter. Haay. Hindi na ako makapaghintay sa bago kong aalagaan!"

Napatikhim si Magnus. Sinimangutan nito ang yaya.

"Ser Magnus naman. Tanggapin n'yo na. Magiging lolo ka uli sa malapit na hinaharap. At ser. Siguradong magaganda ang maibibigay na mga apo ni Shelby sa inyo."

Napadampot ng baso ng tubig si Magnus at napalagok nang sunud-sunod. Tila kinabahan. Bahagyang siniko ni Shelby ang yaya niya para tumahimik. Pero nangingiti siya. Nang tingnan niya si Gunter medyo nakakunot ang noo nito.

"My yaya said you are a good looking man," tanging paliwanag ni Shelby rito.

Sumulyap si Gunter sa yaya at ngumiti. Lalong kinilig si Yaya. Dahil sa kanya nakalimutan nila pansamantala na inisnab ni Madame Margaux Quandt Albrecht ang pamamanhikan.

Dahil sinoli ni Magnus ang natanggap na regalong sasakyan, ganoon din ang ginawa ng lahat niyang anak na lalaki. Sinang-ayunan nila ang sinabi ng kanilang ama na hindi na kailangang gawin iyon ng mag-ama.

Natapos ang pamamanhikan nang wala namang nangyaring eksena. Maayos na napagkasunduan ng dalawang partido ang kagustuhan ng pamilya San Diego na sa Pilipinas gagawin ang kasal sa simbahan. Nagmungkahi si Gunter na gusto niya ng pangalawang seremonya sa New York para magkaroon din daw ng pagkakataon ang mga kakilala't kaibigan sa negosyo na makadalo nang hindi na kakailanganin pang lumipad halfway around the world. Pumayag naman ang mga San Diego. Gaganapin ang kasal sa buwan ng Febrero sa susunod na taon. Although ilang linggo na lang bago ang kasalang iyon, nangako si Gunter na gagawin niya lahat ng makakaya maibigay lamang kay Shelby ang nararapat ditong kasal.

**********

Bago bumalik ng New York ang mag-ama'y nagkaroon muna ng private moment ang mag-asawa na mag-bonding kasama ang kanilang baby girl sa entertainment room ng pamilya na silang tatlo lang. Pinauna na nila si Henry Albrecht sa pag-uwing New York.

Nais sanang ipagtapat ni Gunter kay Shelby ang panibagong kaso na kinasusuungan ng kanyang pamilya subalit nag-alala siya dahil ang saya-saya ng kanyang asawa.

"Shelby, Gunter," mahihinang tawag ng yaya ng babae sa kanila. She looked so solemn. Kani-kanina lang ay tila kiti-kiti itong excited na hindi mawari. Nagtaka tuloy si Gunter.

Tumayo mula sa kanyang kandungan ang asawa, kalung-kalong ang anak nila at sinalubong ang yaya nito.

"Bakit, yaya?"

"Pinapatawag kayo nila Ser Magnus, baby," sabi nito.

Napalingon sa kanya si Shelby. She looked a bit puzzled. Although, walang sinasabi ang yaya, may naisip nang posibleng dahilan si Gunter. Baka iyon nga ang tungkol sa dad niya.

Pagdating nga nila sa living room ay nakasalubong nila ang seryosong mga ekspresyon sa mukha ng buong San Diego men maging ang sa kanilang ina. Nakabukas ang malaking TV roon at kasalukuyang may binabalita. Sinulyapan ni Gunter ang reporter sa TV. Nagbabalita na ito tungkol sa panahon.

Shelby touched his arm. Though he was kind of scared as to how the men may have taken the news of his dad being implicated in the murder case done more than two decades ago, Shelby's reassuring gesture made Gunter feel a bit relaxed.

"We just watched the news," deretsahang pahayag ni Magnus. Napatitig naman si Shelby sa kanya. Makikita sa mukha nitong tila ito'y nalilito. Palipat-lipat nga ang tingin nito sa kanila ng ama.

Hindi na tinuloy ni Magnus ang gustong sabihin dahil bigla itong napabuga ng hangin. Nakakunot ang noo nito nang tumingin uli sa kanya. Ang anak nitong kambal ang nagsalita. Kahit hindi magpakilala kung sino ito, nabatid ni Gunter na ito ang mas suplado at arogante.

"Dad was simply saying---the news said your dad's murder case was reopened the other day. They found some new evidence implicating him in the case."

Napanganga sa narinig si Shelby. Gulat na gulat ito.

"You didn't tell me about this," tila nasasaktan na wika pa nito. Pinangiliran ito ng luha.

"I was about to---a while ago. In there," sagot naman niya. Tinuro pa niya ang pinanggalingan nilang entertainment room. Kinabahan na siya nang todo. Kahit wala siyang kinalaman sa kaso ng ama, pakiramdam niya siya ang primary suspect base sa tingin ng lahat.

"Everyone should not panic because Dad was acquitted for the said crime already two decades ago. Here in the US, one cannot be tried for the same crime for which he was acquitted."

Pinaliwanag ni Gunter sa buong mag-anak ang sinabi ng family lawyer nila about the double jeopardy clause ng US constitution which prevents a person for being tried again for the same crime which has already reached a conclusion in the past. At ang conclusion na sinabi niya sa mga San Diego men ay ang malinis na acquittal na natanggap ng dad niya matapos ang paglilitis noon.

Napahinga nang malalim si Magnus. He didn't look good. Lalong kinabahan si Gunter. Maging si Shelby. Nabuhayan na sana ito ng loob sa double jeopardy thingy na explanation niya ngunit nang makita ang expression sa mukha ng ama ay tila naguluhan ito lalo at parang labis na nag-alala pa.

"The reporter said, the judge who handled the case admitted your father bribed him to give an acquittal verdict, therefore, the state can reopen the case given than there's a new evidence implicating your father in the crime." walang kagatul-gatol na pahayag ni Magnus.

"What?" naibulalas ni Gunter. Napataas ang tinig niya.

All San Diego men looked at him coldly. Napakurap-kurap si Shelby. Pinigilan ang pagtulo ng luha. Niyakap siya nito with Shy between them. Umiyak din ang bata. Pero nang hagkan niya ito sa pisngi, tumigil din agad. She even rested her head on his shoulder.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top