CHAPTER THIRTY
Noong una lang bahagyang naitulak ni Shelby si Gunter. Nang bandang huli'y hindi na rin niya napigilan ang sarili. Ang kung ilang buwang pagtitimpi ay bigla na lang sumabog. Tinutugon na niya nang init sa init ang yakap nito't halik. Naramdaman na lang niyang hinihiwalay ni Gunter ang kanyang mga hita at pumuwesto ito sa pagitan niyon. Hinawakan siya nito sa baywang at dahan-dahang inangat. Kung kanina'y nakaluhod ito sa harapan niya, ngayo'y kapwa na sila nakatayo at nakaangkla siya sa bandang tiyan nito. Parang may sariling pag-iisip na bigla na lang pumulupot ang mga binti niya sa baywang ng lalaki at lalo pang diniin sa harapan nito ang pagitan ng mga hita. Narinig niya ang pag-ungol nito. Nang bumaba ang mga labi ni Gunter sa kanyang leeg hanggang sa puno ng dibdib, napaungol na rin siya. Hindi na niya tinutulan ang pagtanggal nito ng butones ng blusa niya na nasa bandang likuran. Maging ang pag-unhook nito ng kanyang bra ay hinayaan na lamang niya. Ang sabi ng kanyang utak, pigilan niya ito. Pero ang kanyang katawan ay alipin ng bawat haplos nito. Nang tila sanggol itong yumupyop sa kanyang dibdib ay napadaing na siya. May naramdaman din siyang tila pamamasa sa pagitan ng mga hita. Gusto mang tutulan ng kanyang utak ang nagaganap sa kanila ni Gunter hindi na niya kaya pang awatin ang katawan.
"I---I---am gi-giving you---a c-chance to say n-no! If---if you---you do not want to---I---I will under—understand. Just ---just sh-shake your h-head!" Hinihingal na bulong ni Gunter sa kanyang tainga. Parang hirap na hirap ito.
Nang ipadausdos nga nito ang kanyang katawan sa bandang harapan nito, napag-alaman ni Shelby kung bakit. Sobrang tigas na niya at ang init pa. Nakakapaso.
Shake your head. C'mon, shake your head, Shelby!
Pero imbes na umiling ay napaliyad siya sa kakaibang sensasyong naramdaman. Paano ba naman kasi ay biglang diniin ni Gunter ang paninigas ng harapan sa sugpungan ng kanyang mga hita. Kahit mayroon pang saplot sa pagitan nilang dalawa, para na ring wala ang mga iyon nang umindayog ito at idiin ang mga harapan nila. Hindi pa nakontento roon. Sinandal siya nito sa dingding at sa isang iglap ay hinubaran ng panloob. Dahil naka palda lamang siya nang gabing iyon, madali nitong naisagawa ang gusto. Wala na siya sa huwisyo nang pati mga kamay niya'y tumulong sa pagtanggal ng butones at zipper ng pantalon nito. Nang saglit siyang tumigil sa ginagawa, ginagap ni Gunter ang kanyang kamay at pinasok ito sa loob ng pantalon. Pagkakapa niya sa simbolo ng pagnanasa ng lalaki tila pinanlakihan siya ng mga mata. Napatitig siya rito at nakita niya itong napangiti. Masuyo siya nitong hinalikan sa labi at kinagat-kagat pa sa leeg.
"Trust me, please?" halos padaing na wika ni Gunter. Binulong ito sa kanyang punong tainga.
Hindi sumagot si Shelby. Napaliyad na lamang siya at napaungol na naman dahil nararamdaman na niya ang mainit na daliri ni Gunter sa kanyang pagkababae. Sa ikalawang pagkakataon, may likidong lumabas mula sa kanyang kaibuturan. Naging hudyat iyon para kay Gunter para pag-isahin ang kanilang katawan. Nabigla si Shelby nang may naramdaman siyang hapdi.
"Saglit. Aaahhh. W-wait."
Pinangunutan ng noo si Gunter. Tila nagulat din ito sa naging reaksyon niya. Napatitig ito sa kanya at bigla siyang hinawakan sa pagkabilang pisngi at masuyong hinalikan sa mga labi.
"I love you," bulong nito.
Napapikit si Shelby. Inaantabayanan ang muling hadping mararamdaman. Pero bigla iyong nawala na. Nang gumalaw na ulit si Gunter sa loob, hindi na masakit. Bagkus, napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na sensasyon na nagpaungol sa kanya nang nagpaungol.
Nang humupa ang kanilang damdamin tila bumagsak siya sa balikat ng lalaki. Hapung-hapo. She thought she would be regretful, pero wala siyang ganoong naramdaman.
Matiim ang titig sa kanya ni Gunter. Nang magtama nga ang kanilang paningin, nakitaan niya ito ng tila pamamasa ng mga mata. He then caressed her face and traced her lips with his little finger. Pagkatapos ay dinikit nito ang noo sa kanyang noo habang nakapikit.
"You're the best thing that has ever happened to me, Shelby. The best thing... I must have done something heroic in my past life to be able to hold you in my arms right now, right this moment. I love you. Whatever happens always remember that I love you to the moon and back." At niyakap siya nito nang mahigpit na mahigpit.
**********
Kanina pa nakatulog si Shelby, pero siya'y dilat na dilat pa rin. Paano ba naman, heto siya tila isang school boy with his first experience in bed. Pakiramdam niya, naka-jackpot siya nang gabing iyon. Pumunta siya sa condo ng babae para lamang sana magpaliwanag. Hindi niya sukat akalain na mangyayari ang kung ilang buwan niyang inasam-asam at pinagpantasyahan. He has never been happier. Kaya heto, nakatukod ang siko sa unan at nakatagilid siya paharap kay Shelby habang pinagmamasdan ito sa pagtulog.
Nang gumalaw ang babae, dahan-dahan niyang nilagay sa ilalim ng ulo nito ang isa niyang braso. Ang isa naman niyang kamay ay yumakap sa bandang tiyan nito. Napadilat si Shelby. Siguro naramdaman ang braso niya sa ulo.
"Sleep, babe. I'll watch you sleep, okay," bulong niya rito.
Napapikit uli si Shelby at napatagilid. He spooned her and he whispered 'I love you' again in her ears. Napaungol ito. Ungol ng inaantok.
"Do you love me, too?" tanong niya rito. Naglalambing.
"Hmn," sagot naman nito. A sleepy hmn.
"What 'hmn'? Is that a yes?"
"Gunter, sleep. It's already two in the morning."
"I love you, babe. I will never be tired of saying 'I love you' to you."
Narinig niya itong napahagikhik. "Sige na nga," sabi nito sa salita nila. "I love you, too," she said. But it was just a whisper. He could barely hear it. Pinaulit niya iyon sa babae.
"Gunter, matulog ka na!" asik nito sa kanya. Pero mukha namang hindi galit. He nibbled on her neck and whispered 'I love you' one last time before he closed his eyes.
"I love you, too," sagot naman ni Shelby. This time it was a lot louder. Bigla siyang napadilat at napahiyaw sa kagalakan. Umiyak si Shy sa kuna niya na nasa bandang paanan lang nila. Tila naalimpungatan ang bata.
"Oh, shit! Sorry, babe," paghingi agad ni Gunter ng paumanhin kay Shelby dahil pinangunutan siya nito ng noo. Nagising na ito nang tuluyan sa pag-aalburuto ni Shy. Babangon sana ito para tingnan ang bata, pero pinigilan niya.
"Stay put. I'll check on her."
At siya nga ang lumapit kay Shy at pinaghele ito hanggang sa makatulog na rin ang baby.
"You know, you're also one of the best things that has happened to me this year. Second to your mom, of course. I really thank God you came into my life, little one," bulong niya sa bata at hinalikan niya ang maumbok nitong pisngi. Dumilat si Shy at tumitig sa kanya nang kung ilang segundo bago ito napapikit muli. Mayamaya pa'y narinig na niya ang payapa nitong paghinga. No'n pa lang niya ito binaba sa kanyang kuna.
**********
Kaaalis lang ni Gunter sa condo nang dumating naman sina Don Manolo at Donya Minerva. Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Shelby dahil hindi nagpang-abot ang tatlo. Mahaba-habang paliwanagan sana kung nagkataon. Although she knew her grandma would understand, naaasiwa pa rin siya sa usaping iyon. Kinumusta agad ng mga ito ang apo sa tuhod. Wala raw bang hassle ang pag-uwi nito sa unit niya nang nakaraang araw?
"Everything's fine, Grandma. Don't worry. Darating na rin mamaya ang nakuha naming yaya niya na isa ring nurse. Saka pupunta rin dito mamaya sina Mom and Dad. Alam niyang maraming nag-aalala sa kanya kaya kampante siya."
"I am so happy to hear that. We were so worried last night, sweetheart. Muntik na kaming mapasugod dito when we heard you brought her home alone," sabi pa ng donya.
Napakagat-labi si Shelby. Buti na lang pala hindi sila natuloy. Kung nagkataon at nahuli sila ni Gunter sa alanganing sitwasyon, napahiya siya siguro nang husto. Kahit na kasal na sila ni Gunter at binding iyon sa batas ng New York City, iba pa ri siyempre iyong kasal sa simbahan. Alam niyang iyon lamang ang ticket nila pareho ni Gunter para matanggap ng kanyang pamilya ang kanilang relasyon. Napangiti siya nang lihim nang maalala ang lalaki.
"The other reason why we came here this morning is to," tumigil saglit ang grandma niya at napatingin muna sa kanyang lolo bago nagpatuloy, "to tell you that no matter what happens, sweetie, we, your family will always be here for you."
Nagsalubong ang mga kilay ni Shelby sa paraang nag-aalala. She felt alarmed at what she heard especially at the way her grandma delivered it. Parang may dapat siyang kabahan.
"The early morning news reported your so-called husband's engagement with a Marinette Schlossberg," sabat ng kanyang lolo. Napaismid pa ito nang sabihin ang 'so-called husband.
Natigilan si Shelby. Nalito siya. Ang alam kasi niya'y si Adeline ang pinu-push ni Madame Margaux na maging asawa ng anak. Tapos kagabi, may sinasabi lang si Gunter na nais ng isa nilang major stockholder na ireto siya sa anak nitong si Marinette. And now, her lolo was telling her engaged na si Gunter at Marinette?! Hindi ba't na-cover pa ng isang news agency ang engagement nila ni Gunter noong isang araw din? At paanong nangyari na naging engaged na naman siya sa iba gayong kasal nga silang dalawa! Ke civil wedding iyon o ano, it was a binding marriage! Kinikilala ng batas. Napakuyom ang mga palad ni Shelby.
Napansin siguro ng grandma niya ang kanyang masidhing galit kahit pilit niyang nilalabanan kung kaya napaakbay ito sa kanya.
"If you love him, fight for him," payo nito.
Napaubo naman si Don Manolo sa narinig sa asawa at napailing-iling pa.
"There are so many worthy men out there. Forget about him, sweetie. Get yourself someone who deserves you. Someone who can love you better. Iyong hindi komplikado ang buhay at may paninindigan. Hindi iyong nagpapadikta sa sinasabi ng sira-ulo niyang ina."
"I do not think Gunter is letting his mom control his life. Kasi kung nakikinig iyon sa bruhang babaeng iyon, disin sana'y binalikan ang nobya nito na botong-boto ang matapobreng pobre. Kaso hindi. Nagpa-engaged kamo sa iba, which we're also not sure kung totoo," sabat naman ni Donya Minerva. Napabuga ito ng hangin. "Sandali lang. Itong mga news agency ba rito sa New York ay ganito talaga mag-report? Kahit hindi sure sa balita, report lang nang report? Aba'y parang wala silang pinagkaiba sa atin, ah!"
Napaubo na naman si Don Manolo. "May reliable source nga. Hindi naman magre-report iyan kung walang insider na source. Didn't you hear the reporter this morning? 'A reliable source blah, blah...' Malamang totoo. Kita mo, pinalabas na peke at pakitang-tao lang daw ang ginawang pag-propose uli ng hayop na lalaking iyon sa apo natin."
Tila may naalala pang mas importanteng sadya ang donya. "Iyon nga pala. Pinalabas sa balitang nag-pakasal lang kayo ni Gunter nang dahil sa bata. At ang engagement ay parte ng pagpapanggap na iyon. You better hire a good lawyer, sweetie. Baka habulin ng social worker si Shy gayong hindi mo rin pala siya mabibigyan ng stable family environment."
Natigilan si Shelby. Napatingin siya agad sa kuna ni Shy at bigla na lang niya itong binuhat at niyakap nang mahigpit.
Never. Hinding-hindi niya ibibigay ang bata kahit na kanino pa!
**********
"Who the fvcking hell tipped the NYC dailies that Marinette and I got engaged?" malakas na tanong ni Gunter sa ina nang mapadaan siya sa fashion house nito nang umagang iyon.
Nataranta bigla ang dalawang kasama nito na sina Lord Randolph at iyong Ukranian or Russian nitong fashion designer na minsan na nilang pinaalis noon dahil sa naging kaso ng pagnanakaw sa designs ni Shelby. Bakit nandoon na naman ang babaeng iyon? Pinangunutan niya ito ng noo. Subalit, hindi ang tungkol doon ang concern niya ngayon. Wala na siyang oras. Kailangan niyang mapigilan kung sino ang nagfe-feed ng news story about his engagement to Marinette Schlossberg.
"Why are you angry at me? Why the hell would I tip news outlet about you and that bitch when I was working to make you marry Adeline instead?"
Napamura si Gunter at napasabunot sa buhok sa tindi ng frustration.
"Frederick already summoned the fvcking journalist who did the report and he said he has a very reliable source! He was hinting on somebody very, very close to me."
Grabe ang panginginig ni Gunter sa galit. Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Pinagdadasal na lamang niya na hindi pa iyon napapanood ni Shelby. Tulog pa naman iyon kanina pag-alis niya ng condo. Kung alas singko y medya lumabas ang news malamang hindi nga no'n naabutan. Napahilot sa sentido si Gunter nang maalala ang mga magulang ng asawa pati na ang lolo't lola nito. Idagdag pa roon ang mga kapatid na lalaki. Pero ang alam niya, nasa Manila na lahat ang lima. He was just hoping hindi na umabot ng Pilipinas ang balitang iyon.
Tumaas ang isang kilay ng mom niya kasabay ng pagtayo. Habang hinahagud-hagod ang balahibo ng karga-karga nitong pomeranian puppy ay inikot-ikotan siya nito.
"Somebody, very, very close to you?" panggagagad nito. Ngumiti pa ang ina. "I am very flattered that I was the first that came to your mind when they said somebody very, very close to you, my boy. Believe me, Mom is very flattered."
"I do not have time for your games, Mom! Tell me now if you did it!"
Dito na nagtaas ng boses si Madame Margaux. Napatayo bigla ang dalawa nitong kasama at humingi ng permisong iwan sila. Bago makasagot ang isa man sa mag-ina ay nag-unahan na ang mga ito sa paglabas ng silid ng kanilang presidente.
"What would I admit when I didn't do it?! Why don'y you ask your dad, goddamnit!" At nagmura ito nang nagmura sa French at German.
Natigilan si Gunter. His dad. Bakit hindi niya naisip ang posibilidad na iyon? Afterall, the Schlossbergs are very good friends of the Albrechts, his dad's family for generations.
**********
Tama nga ang mommy niya. Kalat na sa buong NYC ang sinasabing engagement nila Marinette at Gunter. At hindi lamang siya ang naghahabol at nagpupumilit na peke ang balitang iyon. Nauna pang magpa-interview si Adeline at ang bruha ay nagbayad pa yata sa digital billboards para lang sabihing nagpapantasya lang daw si Marinette.
Hinawakan agad ng mommy niya ang kanyang kamay nang makitang may tila nagka-camping na naman sa labas ng kanyang fashion house. Nang makita sila ng mga ito, napasugod bigla ang isang grupo ng mga paparazzi. Pareho silang natarantang mag-ina.
"Where's Mr. Dela Cruz?" kabado nitong tanong sabay lingon. Sakto naman ang dating ng bodyguards nila sa pangunguna ni Mr. Dela Cruz. Kaagad itong napatakbo sa kanila kasabay ng apat pa nitong kasama at pinaikutan silang mag-ina.
"Stay where you are!" sigaw ni Mr. Dela Cruz sa mga paparazzis. Sinikap ng apat pang kasama nito na maging human shield ng mag-ina para makapasok sa loob ng fashion house. Nang maisagawa nila iyon nang hindi sila nagagalusang mag-ina napasign of the cross sila pareho.
"You need to have a press conference now, Shelby. This has got to stop! Call your, Dad."
Kinapa ni Shelby ang katawan. "Shucks. I forgot my clutch bag in the car."
Inakay niya ang ina patungo sa elevator. "Doon na lang sa office ko ako tatawag kay Dad."
Hindi niya makontak ang ama. Out of reach ang phone nito. Nang tawagan naman niya ang sekretarya sa ad agency nila, hindi pa raw ito nakakarating doon. Kapwa sila namroblemang mag-ina. Ang pamomroblema ay nadagdagan nang biglang may tumawag na representative daw ni Marinette Schlossberg.
"Are you ordering me to send a statement to all news dailies acknowledging your client's engagement to my husband? Is that correct?" sunud-sunod na tanong ni Shelby. Nagpipigil lang siya ng galit. Nakita niya ang ina na biglang nagtaas ng kilay. Nairita rin sa narinig.
"Yes, that's right, ma'am. We have gotten copies of your marriage certificate from the city hall and we were informed that you and Mr. Albrecht only got married for the sake of a sick baby. Now that she is out of danger, you can already file for a divorce. I thik this will be very simple because there will be no custody battle to think of. We will help you out in processing the papers for no charge at all," very polite na sagot pa ng nasa kabilang linya.
"No charge? Do you know who you're talking to? I can afford to hire the best lawyer in the States if I want to. I do not need any charity work from anybody."
Nakita niyang ngumiti ang kanyang ina sa naging sagot niya. Nag-approve sign pa ito sa kanya.
"Of course, ma'am. I am not trying to insult you or something. We just want to make everything easy for you."
"Easy for me? Or for your client?"
Hindi nakasagot ang nasa kabilang linya. Sinamantala na iyon ni Shelby. "It's good that you went out of your way to reach me out. May I have a word with your client?"
"I'm sorry, ma'am. But she's not here with me at the moment."
"Please tell her, I am not giving up on my husband. He is MINE. I am married to him and it will stay that way for as long as I want!"
Pagkatapos niyon ay magalang siyang nagpaalam dito at binaba na ang telepono. Hinalikan siya ng ina sa ulo nang nakangiti matapos ang kanyang pakikipag-usap sa abogado ni Marinette.
**********
"Did you call all the major dailies?" panigurado ni Gunter kay Frederick habang naglalakad siya papunta sa kanilang conference room. Iyong ginagamit nila sa tuwing kailangan nilang ipatawag ang mga malalaking stockholders at board of directors ng korporasyon.
"Yes, boss. But maybe you need to know that as we speak, Ms. Shelby is also doing a press conference on her own."
Natigilan si Gunter. Kinuha nito ang tablet kay Frederick at pinanood ang live streaming ng press conference ng babae at napanganga siya nang makita kung paano ito nakikipag-usap sa mga news reporter. Mayamaya'y bigla siyang napangiti.
"I want to go there."
Nalito si Frederick. "Later, boss?"
"No. NOW!" At tumalikod si Gunter para bumalik sa elevator na magdadala sa kanya sa ground floor. Gusto niyang suportahan si Shelby sa press conference nito.
"Boss! Wait! What about your press conference? They're all waiting for you there! You have to start in a minute, boss, sir."
Hindi na sumagot pa si Gunter. Dere-deretso ito pababa ng ground floor. Nang kapwa nasa first floor na sila hiningi niya ang susi ng sasakyan kay Frederick at pinabalik ito sa conference room.
"You take charge of my conference for me for now. If they can wait until I get back, fine. If they can't, then it's their loss."
"But boss."
Wala nang nagawa si Frederick kundi ang mapakamot-kamot na lang ng ulo habang pinapanood ang amo na sumasakay sa kotse nito.
**********
Napakagat-labi si Shelby sa isang nangahas magtanong kung consummated na raw ba ang marriage kaya ayaw niyang hiwalayan si Gunter gayong halata naman daw na hindi raw sila nagpakasal for the right reasons which is because of love. Sa pinapakita raw kasi ni Mr. Albrecht mukhang wala naman daw sa loob nito ang pagpapakasal sa kanya dahil ni hindi nga nag-abalang bigyan siya ng nararapat lang na singsing.
Tinaas ni Shelby ang kanyang ring finger. "He gave me this."
Napasinghap ang lahat nang makita nila ang singsing ni Shelby. Iyong ibang may alam sa jewelries ay lalong napamulagat. Rare diamonds daw kasi ang ginamit na bato sa singsing niya.
"Yes. It's a rare one. And it costs at least eight figures," sabi pa niya. Proud.
"Isn't that Adeline Grayson's ring? I've seen a similar one the other day when she held her own press conference. I think hers was the original one and yours---uhm maybe, an imitation?"
Na-recognize ni Shelby ang lalaking nagtanong. Iyon din noon ang nagsulat ng diumanong pagnanakaw niya sa design ni Carlota Kolisnyk. Hindi niya pinakita ang iritasyon. Bagkus, sinikap niyang maging mukhang cool pa rin sa kabila ng paraan ng pagtatanong nito.
"When did you say you saw her ring? The other day? Mine was with me since last week. You've seen my engagement on TV, right? That was the time when Gunter Albrecht gave this to me."
Ngumiti ang lalaki. The other day nga lang daw niya nakitang suot-suot iyon ni Adeline Grayson pero who knows kung kailan binigay ni Mr. Albrecht. Nabaling tuloy kay Adeline at Gunter ang paksa. Kung kanina ay patungkol kay Gunter at Marinette ang sinasalag niya, ngayon nama'y tungkol kay Gunter at sa babaeng iyon. Natutuyuan na siya ng utak.
"As far as I am concerned my marriage to Mr. Albrecht is legally binding. It was the mayor himself who officiated the ceremony," sabi na lang niya, hoping na matahimik silang lahat.
"Legally binding, yes. But if Mr. Albrecht does not want to honor it, as what his actions seemed to imply by asking another woman to marry him then---"
Nagbilang hanggang sampo si Shelby bago sagutin si Christopher P. Ferguson. Kahit may kabastusan ito, ayaw niya itong tularan.
"Then what, Mr. Ferguson?" malumanay niyang tanong.
"Then, the marriage is useless, Ms. San Diego. Mr. Albrecht can easily apply for a divorce."
"Easily apply, yeah. But what if I DO NOT want to?"
Napalingon lahat sa pinanggalingan ng boses at lahat ay napasinghap nang makita si Gunter na nakahalukipkip sa bandang pintuan. He looked impeccably dressed as usual. He wore a dark blue suit na isa sa mga dinisenyo niya noon.
"Gunter," naibulong ni Shelby.
Biglang dumagundong ang kanyang puso sa tuwa at sa excitement na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top