CHAPTER THIRTEEN
Hindi na nagawang magbihis ni Shelby pagkakita sa front page news ng isang dyaryo sa Pilipinas. Tampok ang kanyang disenyo at sinasabing pinagkaguluhan daw ito sa Indonesia. Naging instant hit daw ang traheng gawa niya matapos itong isuot ng prinsesa ng Yogyakarta sa isang official gathering na dinaluhan hindi lamang ng kanyang pamilya at mga politiko ng kanilang bansa, kundi ng iba pang dignitaries mula sa Southeast Asian nations. Nakita pa ng dalaga na naging trending sa Twitter sa Pilipinas ang hashtag na Shelby San Diego at maraming kababayan niya ang napasabi ng 'proud to be Pinoy' sa replies sa thread na iyon.
Napapiksi si Shelby nang makarinig ng sunud-sunod na katok sa kuwarto. Sinundan iyon ng boses ni Dane. Tinatawag siya. Binaba niya muna sa kama ang laptop at pinagbuksan ang kaibigan.
"Have you seen the news?" excited nitong tanong. "You're design was a hit in Indonesia! You're a star back home, too! Ang dami raw na-curious kung sino ang designer na bukambibig ngayon ng prinsesa ng Yogyakarta. Naku, Shelby! If you become another Vera Wang huwag mo akong kalimutan, ha?" At humalakhak pa si Dane. Tapos nagsalubong ang mga kilay nito nang makitang naka-bathrobe pa rin siya. "I thought you have an early start today? Alas otso na, ah."
"Na-overwhelm ako sa news. Hindi ako nakakilos," nakangiti niyang pagpapaliwanag. Parang no'n pa lang tumimo ang balitang nabasa niya sa laptop.
Niyakap siya ni Dane. "I knew you would make it. It was just a matter of time. And now you're almost there. Slay them all, dahlin! Lalung-lalo na ang hambog na may-ari ng Margaux Quandt!"
Rumehistro sa isipan ni Shelby ang taas-noong imahe ni Mrs. Albrecht sa tuwing kinakausap siya and she had to admit she was more than pleased with her accomplishments. Mayroon na siyang maipagmamalaki sa mga ito, not that their opinion mattered. Pero siyempre, sa isang kagaya niya na nilait-lait nila noon malaking bagay ang natamo niyang tagumpay sa Indonesia at sa karatig-bansa nito. At least ngayon, napag-usapan na rin ang designs niya sa Pilipinas hindi dahil isa siyang San Diego at apo ng may-ari ng kung ilang high end subdivisions sa bansa kundi dahil isa siyang magaling na designer!
"This calls for a celebration! Punta tayong Eleven Madison Park mamaya after work. Dinner tayo uli doon?" yaya ni Shelby kay Dane. The latter looked at her sheepishly. Parang may itinatago na kung ano. "What?" usisa ni Shelby at napangiti rito nang alanganin.
"Hindi ako puwede eh," tila nahihiyang pakli ni Dane. Kumumpas-kumpas ito na parang hirap magpaliwanag. Then later inamin din. "Sorry. He invited me for a date!"
He? Pinangunutan ng noo si Shelby. And then she remembered the CEO of that Graffiti T-shirt company.
"Oh. That guy!" Tumawa na si Shelby saka niyakap si Dane. "I'm so happy for you, friend. Enjoy the date then. Balitaan mo ako, ha?"
**********
Mabilis na pinasadahan ni Gunter ng tingin ang maikling report ni Frederick ukol sa background ni Shelby sa Pilipinas. Na-impress siya sa nakuhang impormasyon ng kanyang assistant ukol sa babae. May rason nga namang protektahan siya ng mga kapatid. Ilang generations pala sa side ng dad niya ang hindi nagkaroon ng anak na babae. Siya ang kauna-unahan matapos ang limang henerasyon.
Ayaw niya man sanang gawin itong pagche-check ng background ni Shelby, wala siyang magawa. Natutuyuan na kasi siya ng ideya kung paano amuin ang pamilya nito. Hindi siya naniniwala sa courting the family before dahil hindi naman niya iyon nakalakhan, pero Shelby is too important para pairalin pa niya ang sariling nakagisnan. Isang tingin lang dito alam niya agad na importante sa dalaga ang opinyon ng mga kapatid at mga magulang. Pati na rin siyempre ang mga lolo't lola nito. Alam niyang ang katulad si Shelby San Diego ay minsan lang dumarating sa kanyang buhay at ang panunuyo dito ay dapat ngang paghirapan. Ayaw niyang i-risk ang lahat. Kung magsasabi na siya sa dalaga, he wants to make sure na mapapa-oo niya ito agad-agad.
"I think you and her grandfather would hit it off right away, sir," sabi pa ni Frederick. "Look, you're both into real estate. They also own a village like you do. They also have a hotel chain only that theirs is either a three-star or a four star and yours are either a five or a six."
"I can read your report well, Frederick. No need to explain it to me."
Napakamot-kamot sa ulo niya si Frederick at napangiti nang alanganin. "Sorry, boss," sabi na lang nito at umatras nang ilang dipa mula sa kanyang desk.
"Find out how I can meet the grandparents. I heard the grandmother is a sweet woman who's into classical music like my mom."
"Yes, sir! She is! She loves Chopin and Mozart, like Madame Margaux. Do you want me to set a dinner 'date' between the two of them?"
Pinangunutan ng noo si Gunter sa suhestyon ng assistant. "No!" tanggi nito agad. "Mom will not like it, that's for sure. Set up my meeting with her instead."
Mukhang natigilan ang assistant. "Wouldn't it be more proper to see Ms. San Diego's mom instead? Afterall, she has more influence on her daughter than the grandmother."
"She already like me," proud na pagmamayabang ni Gunter. Ang lawak ng ngiti nito. "There's no need for that anymore. I have other means to woo her more."
**********
"Pasensya na, Shelby, ha?" paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ni Dane sa kanya dahil hindi raw ito makakasama sa susunod na fashion show na culmination ng fashion week ng New York. "But I'll be there in spirit. I will be cheering for you."
Nangiti si Shelby. "Don't worry about it. Siyempre, love comes first," pabiro niyang sagot dito. Alam na niya kasi ang dahilan kung bakit hindi na naman siya masasamahan nito. Nasa Manhattan daw kasi for the weekend iyong dini-date niyang CEO. Dahil hindi sila laging magkasama, naintindihan naman ni Shelby na kailangang samantalahin ni Dane ang pagkakataon.
Habang iniisip ang lovelife ng kaibigan, napagtanto ni Shelby na parang ang bagal ng progression ng kanya. Hindi na tuloy siya naniniwala na talagang gusto siya ni Gunter. Kakaiba kasi. Si Albus Smith, iyong CEO ng Graffiti ay kailan lang nakilala ni Dane subalit may label na ang relasyon nila. Officially on na nga raw and on Saturday they will be celebrating their first monthsary. Kailan nga ba niya nakilala si Gunter? My gosh, more than seven months na!
Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Shelby nang mag-ring ang kanyang cell phone. Pagkarinig sa boses ng kanyang grandma, nawala lahat ang kanyang alalahanin.
"Thank you so much, Grandma!" masuyo niyang sabi rito bago binaba ang telepono. Tuwang-tuwa siya at pumayag itong sumama sa kanya sa naturang fashion week.
Pagdating ng Sabado, maaga niyang binisita ang lola sa sarili nitong penthouse na matatagpuan malapit sa Brooklyn Bridge. Tamang-tama lang dahil ilang blocks away from there lang ang pupuntahan nilang maglola.
"Ah, you look fantastic, darling. You really look like grandma when she was young!" At kinurot pa nito ang magkabila niyang pisngi pagdating niya sa tinutuluyan nito.
Napahagikhik dito si Shelby at biniro pa ang matanda. "I thought I look like Mom? Dad says so."
Kumumpas ng kamay si Donya Minerva na tila bumubugaw ng langaw. "Huwag mong paniwalaan iyon. Everybody looks like Sheila to him. But you know better, right? Ha, baby?" At humagalpak ito ng tawa bago siya hinalikan nang matunog sa pisngi.
Mayamaya pa'y dumating na ang driver ng donya na maghahatid sa kanila sa Manhattan Center. Parang ang bilis lang din ng travel nila papunta roon dahil enjoy silang maglola sa kuwentuhan.
Pagkababa nila ng sasakyan, kaagad na sinalubong sila ni Lyndie, ang assistant ni Shelby. Sinabi nito sa dalaga na handa na lahat ng kanyang modelo. Plantsado na rin daw ang lahat na kakailangnain nila. They just need to show up inside.
"Thank you, Lyndie."
Masaya ring tinanguan ito ni Donya Minerva.
Sa mga nakakita sa maglola, lahat ay napapa-double take. There was no do doubt na isang fashionista rin ang matanda kagaya ng apo. Sa edad nitong mahigit kumulang walumpo't anim na taong gulang ay hindi mo kakitaan ng pamamaluktot ng likuran. She walked like a graceful queen. Very sure of herself and very elegant. Like grandmother, like granddaughter. Iyon nga ang naiisip ng iilang nakakakilala sa kanila doon sa venue ng fashion show.
Magiliw na kumakaway-kaway sa press si Shelby kasama ang lola nang biglang nahagip ng kanyang tingin si Katarina Horvathova. She caught her sneering at her. Hindi ito pinansin ni Shelby. Pero nang makita nito na lumapit ang babae kay Lord Randolph at may ibinulong pa ay kumulo agad ang dugo ng dalaga rito.
"Did you see people you do not like?" tanong ni Donya Minerva kay Shelby habang nakangiti pa rin sa mga nakakasalubong nila.
Hindi sumagot si Shelby dahilan para pisilin ng lola niya ang hawak nitong kamay niya. "People hate those they cannot compete with. Always remember that before you let yourself get affected by their presence."
Hindi pa rin umimik si Shelby pero isinapuso niya ang sinabi ng lola. Sira na sana ang buong gabi niya nang out of nowhere ay nakita niya si Gunter. May kausap itong ilang blonde women. Pamilyar sa kanya ang isa. She knew she have seen her somewhere before.
"Ms. Peterson! Over here!" sigaw ng isang journalist sa katabing blonde woman ni Gunter.
No'n lang naalala ni Shelby kung saan niya nakita ang babaeng iyon. Naging extra pala iyon sa isang highly acclaimed romantic comedy ng nakaraang taon. Sa ngayon ay pinag-aagawan na siya ng kung ilang Hollywood studio dahil maikli man ang naging role doon sa movie, nagkaroon naman ng impact sa mga tao. Naisip pa niyang sobrang ganda pala ng babae sa personal. No wonder mukhang magiliw si Gunter habang nakikipag-usap sa kanya. Not to mention na parang botong-boto ang mommy nito sa starlet.
Ipinagkibit-balikat na lang iyon ni Shelby. Naiinis siya, pero wala naman siyang karapatang obligahin si Gunter na salubungin siya't kausapin. Oo at nag-enjoy sila pareho sa video game event nila Moses noong nakaraang linggo. Pero iyon lang naman iyon siguro para sa binata. Sa mga puti kasi'y nahihirapan siyang magtantiya kung alin ang seryoso o hindi. She also thought, they seemed to be enjoying themselves with you one minute and then they forget you the next minute.
"Hey. What's wrong, little one?"
No'n lang bumalik sa kasalukuyan ang huwisyo ni Shelby. Nginitian niya ang lola. Pero iyong klase ng ngiti na halos hindi umabot sa mga mata. "Nothing, Grandma."
"Forget about, Alfonso, okay? He doesn't deserve your devotion," pabulong na wika ng grandma niya sa kanya na ikinatawa naman niya. Nagtaka siya kung paano nito nabanggit ulit ang lalaking iyon. Ni hindi nga nila napag-usapan iyon noong kakakasal pa lang niyon.
Nang tumingin malapit sa stage si Shelby, sa unang row ng mga important guests ng show, nakita niya si Alfonso at ang misis nito. Kaya naman pala naalala ng lola niya. She simply nodded at him when their eyes met at naupo na silang maglola sa puwesto nila. Doon sa kabilang hanay ng sa kanila ng kanyang ex.
**********
Ilang beses nang nahikab si Gunter habang palinga-linga sa paligid. Hindi pa niya kasi nakikita si Shelby pero batid niyang nandoon din ang dalaga. Nabasa niya ang listahan ng mga participating designers bago niya tinanguan ang invitation ng organizer ng event. At kasali ito. Pero nasaan na kaya iyon?
"Hey, Gunter!" masayang bati ni Gilda Peterson. Naka-date niya ito minsan kung kaya feeling close sa kanya. Maganda naman ang babae, pero walang pinagkaiba kay Adeline Grayson. Parehong selfish at parehong mababaw.
Mayamaya pa nang kaunti, nag-join din sa umpukan ang dalawa pang blonde starlets na mga kaibigan din ni Gilda. All of them flirted with him. Tila nag-compete pa sa isa't isa. He couldn't blame them. Siguro'y naisip nilang he was looking for another fiancee ngayong wala na sila ni Adeline. Speaking of the latter, hayun kasama ng mom niya. At heto't papunta na sa kanila. Nahilot ni Gunter ang sentido. Mukhang mapapasabak siya sa magdamagang boring conversations. Hindi pa nakakalapit ang dating kasintahan at ina niya, gusto na niyang humikab.
Nang bumati ang tatlong babae sa mom niya at kay Adeline, pasimple siyang tumalikod to send a text message to Frederick. Mayamaya pa, lumitaw na ang assistant niya at nagbigay-galang sa mga kausap niya bago siya hinila palayo.
"Thank God, you were quick! I almost died of boredom there! How long do we have to stay here?" nayayamot niyang tanong kay Frederick.
Ngumisi ang assistant at pasimple nitong tinuro ang puwesto ng babaeng kanina pa niya hinahanap-hanap. Pagkakita kay Shelby San Diego parang nabuhay ang lahat ng ugat sa kanyang katawan. Daig pa niya ang nakatungga ng stimulant. He felt alive immediately. Kaso hindi na niya ito malapitan. Occupied na ang upuan sa tabi nito.
"Hey," pabulong niyang tawag sa organizer nang dumaan ito sa tabi nila.
"Oh, Gunter! Thank you for coming here tonight, darling," maarteng sabi ng presidente ng asosasyon ng mga fashion houses sa New York. Humalik pa ang ginang sa pisngi ni Gunter. "I saw your mom somewhere a while ago," sabi pa nito.
"Yeah. She's here. Along with my ex. But that's not the reason why I called you just now." Binulong niya pagkatapos ang gusto niyang mangyari.
Napalingon sa kinaroroonan ni Shelby si Mrs. Faulkner tapos sa kanya. Medyo naguluhan ito nang kaunti pero hindi rin naman nang-usisa pa. Ginawan lang nito ng paraan ang kanyang request.
**********
Napa-double take si Shelby sa katabi nang maramdamang hindi na ito ang fashion editor ng The Catwalk kundi ang lalaking nagpapagulo sa kanyang isipan ng kung ilang linggo na.
"Hey. Good evening. Enjoying the night so far?"
"How can I enjoy the night when my models have not yet done their part," sabi niya rito. Na totoo naman. Kanina pa siya kinakabahan kahit na plantsado na at walang aberya ang preparations ng mga tauhan niya.
Nang marinig ang salitang models, tila natigilan si Gunter. Parang nahulaan ni Shelby ang pinag-alala nito. Natawa siya nang mahina.
"None of my brothers are here. These are legitimate models from a modeling agency," sabi niya rito. "By the way, my grandmother."
Ngumiti si Donya Minerva kay Gunter tapos ay tumingin na sa entablado. Tila walang interes ang matanda sa binata.
"Oh, so you're the pretty grandma," sabi rito ni Gunter. "I heard you love classical music."
"Yeah, I do," pakli naman ni Donya Minerva saka bumaling ulit sa entablado ang atensyon. Nagtanong pa ito kay Shelby kung ang fashion house na pinagtatrabahuhan raw ba niya dati ay itong Margaux Quandt na ngayo'y rumarampa na. Pinapakita na kasi nang mga oras na iyon ang Winter Collection ng naturang fashion house sa pangunguna ng head designer nilang si Lord Randolph at Katarina Horvathova?!
"How could that be?" naibulalas ni Shelby. Awtomatikong pinangiliran siya ng luha. Ang alam niya pinaniwalaan siya ng management noon at pinarusahan nila si Katarina kung kaya she was asked to resign. Pero bakit nagdidisenyo na naman ito ng mga damit para sa Margaux Quandt? Napatingin si Shelby kay Gunter na ngayo'y pinangungunutan na rin ng noo.
"I'll talk to my mom, don't worry."
Hindi nagustuhan ni Shelby ang ginawang panloloko ng Margaux Quandt sa kanya. May kutob siyang ang pagnanakaw noon ng designs niya ay may basbas ni Lord Randolph. Tama nga si Dane all along. Pinaglaruan siya ng huklubang matandang bakla. Bakit kaya mukhang galit iyon sa kanya? Sa pagkakatanda niya wala naman siyang ginawang paglalapastangan dito? Maganda naman ang simula ng kanilang interaction.
"Don't worry about it, Shelby. As I said, I will talk to my mom," ulit ni Gunter.
**********
Nainis ang mommy ni Gunter nang mapag-alaman na mas inasikaso pa ng anak ang dati niyang empleyado kaysa kay Adeline. Pinagduldulan na nga nito ang huli sa unico hijo pero para naman itong umiiwas. Pero nang magsimula na ang after the fashion show party, Gunter sought her out. Na ikinatuwa niya. At last ay na-realize siguro nito na mas makakatulong sa kanilang negosyo if they are seen together and not with someone else. Ang someone else na iniisip niya ay iyong Filipina na makita pa lang niya ay kumukulo na agad ang kanyang dugo.
"I'd like to talk to you, Mom," deretsahang sabi ni Gunter sa ina nang makaharap ito.
"Hey, everyone!" tawag ng ina sa mga nakapaikot sa kanilang bisita. "This is my only son, Gunter Klaus Albrecht. Isn't he gorgeous?" proud pa nitong sabi. Nakangiti ito sa mga kaharap.
"Mom," saway ni Gunter dito. "I'll cut to the chase," bulong pa ng binata rito. Hindi pinansin ang pagmamayabang ng ina. "Why the hell did you reinstate that Slovakian girl in your fashion house?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Madame Margaux. "And why not?" hamon niya sa anak.
"She's a thief! And you have made her resigned because of what she did!" mariing sabi ni Gunter dito. Nagtatagis na ang bagang ng binata sa pagpipigil sa emosyon.
"Well, there was a reinvestigation and it was found out she was just set up---framed up."
Umiling-iling si Gunter. Ganunpaman, hindi na niya pinagpatuloy pa ang pagsisita sa ina dahil nakikita niya sa ekspresyon nito na useless ang makipagtalo rito. Buo na ang kanyang paniniwala. Alam na ni Gunter kung sino ang naglason sa utak ng ina. Binalingan niya ang ngumingiti ngayong kanang kamay ng mommy niya. Si Lord Randolph. Papalapit na ito sa kanila.
"We have a lot of things to discuss. But that can wait some other time," he hissed at him. Kakitaan ng pagkagulat si Lord Randolph. Napatingin ito kay Gunter tapos kay Madame Margaux and vice versa. Dahil mukhang hindi pa rin naiintindihan kung bakit galit sa kanya si Gunter, nagtanong mismo sa amo kung bakit.
Imbes na sumagot si Madame Margaux Quandt, tumawa ito at nagbigay ng drinks sa head designer niya. "It's nothing, Randolph. Relax."
**********
Nagkatuwaan na ang mga designers sa after party nang biglang pumunta sa gitna ang organizer nito at nagsabing i-entertain daw ni Madame Margaux Quandt ang lahat sa pamamagitan ng pagtugtog nito ng isang classical masterpiece ni Johann Strauss II, ang Voices of Spring.
Nagkatinginan agad ang maglola pagkarinig doon. Isa rin kasi iyon sa paboritong pakinggan ni Donya Minerva sa kanilang bahay sa Pilipinas. Enjoy na enjoy nga ang matanda sa tugtog. Napuri pa nito si Madame Margaux pagkatapos.
"Iyan ang may-ari ng fashion house na pinagtatrabahuhan ko dati," bulong ni Shelby dito sa Tagalog. Ayaw niya kasing maintindihan ni Gunter ang sinabi niya. Sa table kasi nila ito naupo.
"Iyong nagtrato sa iyo ng hindi maganda?" paninigurado ng matanda. Sa Tagalog din.
Tumangu-tango si Shelby at nakita niyang biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lola. Nang mapadaan si Madame Margaux Quandt sa tabi nila dahil doon naupo si Gunter, nagngitian naman ang dalawang ginang. Tumingin pa si Mrs. Albrecht sa anak na para bagang nagtatanong kung sino ang kasama ni Shelby.
"This is Minerva San Diego, Mom, Shelby's grandmother."
"Oh, nice to meet you, Mrs. San Diego," nakangiting bati ni Madame Margaux kay Donya Minerva. Na sinagot naman ng huli ng ganoon din. Ngunit ito'y walang kangiti-ngiti. Siguro dahil alam nito na inapi kasi nito noon ang pinakamamahal na apo.
"Tila sinuot n'yo na ang lahat n'yong alahas para sa gabing ito? Nakakatuwa. Ganunpaman, mukha pa rin kayong mahirap dahil ang hirap ng bansa n'yo," dugtong pa ni Mrs. Albrecht sa salitang German. Nakangiti pa rin ito kay Donya Minerva.
Nagulat na lang si Shelby nang namutla ang kanyang lola at narinig pa niyang pinapagalitan ni Gunter ang ina. Humalakhak si Madame Margaux nang nakaloloka at sinabing lasing na siguro ang anak at ang dali nitong magalit.
"Tingin ko mula ka sa angkan ng mahihirap noon at nakapag-asawa lang ng isang mayaman kasi sabi nila ang isang mahirap na yumaman ay laging galit sa mga mahihirap. Pinapaalala kasi ng mga ito sa kanya ang masaklap niyang nakaraan," mahinahong sagot ni Donya Minerva at sa matatas na German din. Napanganga si Gunter. Gulat na gulat. Hindi siguro nito sukat-akalain na marunong ng salita nila ang lola ni Shelby. Ngunit tinakasan naman ng kulay ang kanyang ina. Hindi na nga ito nakasagot kay Donya Minerva. Dali-dali itong lumayo at bumalik sa mesang kasama ang kanyang head designer na si Lord Randolph. Manaka-naka'y napapasulyap ito kay Donya Minerva nang may galit ang mga mata.
Nang wala na ang ina, saka lang napatawa nang malakas si Gunter.
"What was it?" Si Shelby. Nagpalipat-lipat ang tingin kina Gunter at Donya Minerva. Nakangiti na ang huli ngayon kay Gunter na tila mayroon silang private joke together.
"It's nothing, sweetie. It was just some German joke."
"How did you know how to speak German, grandma?"
"Ah, hindi ba nakuwento sa iyo ng dad mo? Your lolo and I met in Germany when we were both students there. Grandpa went there to study engineering. Ako naman, I went to Munich to study German literature."
Pagkarinig dito ni Gunter, may binanggit itong mga verses ng old German poems, na masaya namang dinugtungan ni Donya Minerva. Napapatanga na lang sa dalawa si Shelby. Hindi niya masakyan ang pinag-uusapan ng dalawa. Pero natutuwa siya't tila enjoy na enjoy ang grandma niya sa pakikipag-usap sa binata.
Nang matapos ang isa pang guest na nagtugtog ng classical music, nagpresinta na si Donya Minerva na gusto rin daw niyang mag-entertain ng mga bisita. Isang masigabong palakpakan ang sumalubong dito matapos sabihin ng emcee ang kanyang edad. Sa hindi kalayuan naman makikita ang pag-ismid ni Madame Margaux. Lalo itong sumimangot nang mismong anak niya ang naghatid sa donya sa entablado. Hindi na ma-drowing ang pagmumukha nito nang pagkatapos matugtog ng donya ang Lullaby ng German composer na si Johannes Brahms ay magsitayuan pa ang lahat ng nasa audience sa pangunguna ni Gunter at bigyan ito ng masigabong palakpakan. Flawless daw kasi ang pagkakatugtog ni Donya Minerva ng naturang piyesa. Natanong pa nga siya ng emcee kung nagkaroon siya ng formal training in classical music.
"Oh no. Playing them was just a hobby," nakangiti namang pakli ng donya.
Gunter again helped her get down the stage. Hinagkan pa nito ang kanang kamay ng donya. Shelby was very pleased and very proud of her grandma.
Nang matapos ang party, inimbita pa mismo ni Donya Minerva si Gunter na pumanhik muna sa penthouse nito kasama ang apo para magsalu-salo sila sa isang mainit na tsaa. Pinaunlakan naman ito ng binata. Natuwa si Shelby pero at the same time parang nairita. Naisip niya kung ano ba talaga ang pakay ni Gunter sa kanya? Bakit ang bait-bait nito sa pamilya niya gayong wala namang sinasabi sa kanya kung nanliligaw na ba o ano?
Nalungkot ng kaunti ang dalaga lalo pa nang makatanggap ng text ni Dane at sinabi nitong baka daw, huwag daw siyang magalit, gusto na nitong bumukod ng tirahan. Her friend ended her text with three emoticons with hearts on its eyes. Shelby knew Dane and that Albus guy elevated their relationship to the next level samantalang sila ni Gunter ay hindi pa nakaka-first base.
"Are you all right?" tanong ni Gunter kay Shelby nang tumayo saglit ang grandma niya para pumuntang banyo.
"Yeah. I am," sagot ng dalaga sa mahinang tinig.
"Are you sure?" paniniguro ni Gunter.
"I said, I am!"
Tila nagulat si Gunter sa pagtaas ng boses ni Shelby. Humingi naman agad ng paumanhin dito ang dalaga. Hinawakan ng binata ang kamay nitong nakapatong sa mesa at pinisil-pisil.
"Don't worry about the fashion article for tonight's event. I'm sure your designs will have a good review. People took them well when your models showed them on stage."
"I'm not worried about anything related to my job."
Lalong mukhang nagulumihanan si Gunter. "Then, what are you worried about?"
Umiling-iling si Shelby at ngumiti. Ganunpaman, ang ngiti niya'y ni hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. The more that Gunter worried about her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top