CHAPTER TEN
Tatlong magasin ang nagsulat tungkol sa pagbubukas ng fashion house ni Shelby Madeline Mariano San Diego. Tatlong hindi masyadong kilalang panulatan ng latest fashion sa New York. Ganunpman, ikinatuwa iyon ng dalaga, lalung-lao na ang artikulong nilathala sa The Catwalk. Pati mommy niya ay labis-labis ang kasiyahan. Katunayan, inutusan nito ang dad niyang gupitin at ipa-frame ang mga iyon dahil dadalhin daw nila sa pagbabalik ng Pilipinas.
"That's too much, Mom. But, thank you so much!" madamdaming pahayag ni Shelby habang kumakain sila ng breakfast sa penthouse ng ama overlooking Manhattan's skyline. Kaharap lang din iyon ng gusali kung saan ang upisina nito sa MS & S Advertising agency. Silang tatlo lang ng mga magulang ang naroroon nang mga oras na iyon dahil ang mga kapatid at kani-kanilang pamilya ay nagkanya-kanya na sa mga inupahan nitong suite sa kalapit na hotel. Ganoon din ang kanyang mga lolo't lola.
"I really like that guy---what's his name again?" patuloy pa ng ina.
Natigilan sa paglalagay ng strawberry jam sa toasted bread niya si Shelby at napatingin sa mommy. Tapos palihim niyang sinulyapan ang ama na natigilan din sa pagsubo. Nahagip pa ng dalaga ang bahagyang pagtirik ng mga mata nito bago nagpatuloy sa ginagawa. Her mom seemed clueless about her dad's reaction.
"Gunter po. Gunter Albrecht," kaswal na sagot ni Shelby. She made her tone sound natural as possible. Iyon bang parang matter-of-fact lang ang pagbanggit.
"Albrecht? That sounds a bit familiar. Hindi ba may ka-business deal kayo ni Alexis na mga Albrecht, babe?" tanong ni Sheila sa katabing asawa.
"Yeah. Supposedly," maikling tugon ni Magnus. At dali-daling sumubo ng toasted bread. Parang gustong matapos agad ang breakfast.
Si Sheila naman ngayon ang natigilan. Binaba nito ang tinidor at kutsilyso saka hinarap na ang asawa. "Anong supposedly? Hindi nga ba't pinagpuyatan pa kamo ni Alexis ang pag-research doon sa companies nila? What happened? Hindi ba sila pumayag sa conditions ng agency? You could have made some adjustments."
"Actually, sila Dad po ang umatras, Mom," sabat ni Shelby na lalong ikinatirik ng mga mata ng ama. She smiled secretly. She knew her mom could help her and Alexis in this situation.
"Ha? Bakit hindi kayo pumayag? You know they are your biggest client yet. Your deal with them could open a lot of possibilities for the agency. Ito rin ang chance ni Alexis at ng team niya para lalong kilalanin sa mundo ng advertising," patuloy pa ni Sheila.
"Baby, eat your breakfast, okay? Leave those business deals with me and the boys. Kain lang kayo. O, Shelby, ang bacon mo. Puro ka na lang vegetable salad. Ang payat-payat mo na."
Napangiti nang pino si Shelby. Pero lumawak ang pagngisi niya nang marinig ang sumunod na sinabi ng ina.
"Dahil ba mukhang hindi siya gusto ni Matias? Ganoon ba iyon, Magnus? Medyo nayayabangan nga raw doon si Matty. But you know our Matty, right? Kapag tingin no'n nasasapawan sa gandang lalaki ay naggagano'n na."
Nangunot ang noo ni Magnus. "My Matty is a lot more good-looking than that guy. What are you talking about? Anyways, hindi iyon ang dahilan. Marius and I together with Markus just do not feel like going ahead with the deal. Our agency is better off without that business project with the Albrecht's pharmaceutical companies. Now, I have to go. May rerebyuhin pa akong marketing proposals sa office."
Hinalikan nito ang mag-ina sa pisngi at dali-dali nang lumabas ng silid na iyon.
**********
Alfonso dela Peña. Sounds Hispanic. At mukha ring Latino. Hindi mapaniwalaan ni Gunter na Filipino pala ang magaling na footballer na iyon ng kabilang koponan. Nais niya sanang bigyan ito ng offer para ma-pirate ng team na pag-aari niya, pero may kung anong pumipigil sa kanya. Iyon pala, his instinct knew him already.
"So, what do you think?" untag sa kanya ng team manager ng New York Jets. Si Mr. Carl Miller. He looked expectant. Positibo kasi ang komento niya noong isang araw habang pinapanood ito sa iilang video clips na pinakita sa kanya ng mismong coach at team manager ng team niya.
"He's good. There's no doubt about that."
Natigilan saglit si Mr. Miller. Nabura tuloy ang excitement sa mukha nito. Nagkatinginan sila ng coach ng kanyang koponan na si Brad Johnson. Noong isang araw lang kasi'y minanduan niya ang dalawa na gawin ang lahat para makuha nila ang footballer na iyon mula sa Cincinatti Bengals.
"Do you have a change of heart?" It was more of a declarative statement than a question from Brad Johnson. Tila mayroon pang hint of disappointment sa tono nito.
Hindi sumagot si Gunter. Pinokus niya muna uli ang atensyon sa tinitilian ng crowd sa field, ang may suot ng jersey number 39 na si Alfonso dela Peña. Although he did not stand up like the rest of the people in his side of the bleacher nang malinis nitong ma-execute ang touchdown na nagpanalo sa Bengals nang gabing iyon, inamin naman niya sa sarili na magaling nga ang lalaki.
Tatayo na lang sana siya para sundan ang coach at team manager sa locker room ng koponan para personal na batiin ang mga manlalaro nang mahagip ng tingin niya si Shelby San Diego na nasa unang hanay ng bleacher na para sa sumusuporta sa Bengals. Tila nakapokus ang tingin nito kay dela Peña. She was smiling warmly to the guy. Kumaway pa ito nang mapatingin sa direksiyon niya ang atleta. Nagkawayan sila. Pero ang pinakanagpakunot sa noo ni Gunter ay ang biglang pagsulpot ng isa pang babae. Sumisigaw at nagtatatalon ito sa tuwa nang sinalubong ng mahigpit na yakap si dela Peña. The warm gesture ended in the locking of their lips. Nakita talaga ni Gunter ang pagguhit ng pait sa mukha ni Shelby. Bigla itong umiwas ng tingin. May kung anong kurot naman siyang naramdaman nang masaksihan iyon. Kahit na nasabihan na siya ni Frederick tungkol sa nakaraan ni Shelby at ng atletang iyon parang hindi pa rin iyon sapat para makapaghanda siya sa nakita ngayon-ngayon lang. Nakaramdam siya ng ibayong inggit at galit.
No one has the license to hurt her that way. No one...
"Gunter?" untag ni Brad Johnson. Bumalik ito sa tabi niya at pinaalalahan siya na mayroon silang meeting sa team manager ng Bengals. Ganunpaman, parang ayaw niyang iwan sa ganoong sitwasyon si Shelby kahit na hindi ito aware sa presensya niya at hindi siya nakikita nito.
"Go ahead. I'll be there in a moment," tugon niya sa mahinang tinig.
Saglit na pumikit si Gunter at masuyo niyang niyakap sa isipan ang tingin niya'y nasaktang dalaga.
**********
"Ano iyan?" naku-curious na tanong ni Dane kay Shelby habang ina-unwrap ang dumating na package na para raw sa kanya isang umaga.
Si Shelby man ay pinangunutan ng noo nang tumambad na ang wooden frame. Isa palang star certificate iyon! May bumili ng isang bituin sa langit para sa kanya!
Pagkabasa ng dalaga sa nilalaman no'n hindi siya nakapagsalita. Hindi niya rin napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Inagaw sa kanya ni Dane ang wooden frame at binasa nang malakas ang nilalaman no'n.
"To Shelby Madeline Mariano San Diego...the one woman that shines the brightest...You will always be the Sirius in my night sky."
Saglit ding hindi nakapagsalita si Dane. Nang makabawi ito'y naluha-luha rin kagaya ni Shelby. Nagyakapan ang magkaibigan.
"Ang thoughtful naman ng dad mo. I wish I had a dad like him," sabi pa ni Dane habang hinahagud-hagod ang likuran ni Shelby. Kumalas ng yakap dito ang huli at nakatawang kinorek ang kaibigan. "Hindi kay Daddy galing ito. Look at the initials and the signature."
"G.K.A. Sino iyon?"
Kinuha ni Shelby ang wooden frame kay Dane at nakangiting binalik sa box nito. Dinala niya ang naturang regalo sa loob ng kanyang silid at inulit-ulit ang pagbasa roon. Gusto niyang tawagan at pasalamatan ang nagpadala, pero nag-aalala siyang baka namali lang siya ng kutob. Inisip pa niya kung mayroon siyang kakilala sa ganoong initials nang tumunog ang cell phone niya.
"Shelby?" anang baritonong boses.
Lumakas ang kalabog ng puso ni Shelby. Malakas ang kutob niyang ito na nga ang nag-abalang bumili ng isang bituin sa langit para ipangalan sa kanya.
"Speaking," pakli niya sa tonong matter-of-fact.
Hindi kaagad sumagot ang nasa kabilang linya. Nagkarooon ng ilang segundong patlang bago ito nagsalita. At pakiwari ng dalaga'y mayroong ngarag sa tinig nito. Parang imposible sa tingin niya given his status in life.
"Did you receive the gift?" tanong nito kapagkuwan.
Lumawak ang ngiti sa labi ni Shelby. Hindi na siya nagkunwari pang wala siyang alam tungkol sa regalong sinasabi nito. Pero sinikap niyang huwag masyadong kiligin sa napaka-thoughtful nitong gesture. Hindi lang nito alam kung gaano siya napasaya nito pagkatapos ng mapait na tagpong nasaksihan niya sa nakaraang laban ng koponan ng Cincinatti Bengals at New York Jets.
"Oh. So you are the G.K.A. on the certificate?"
Nagkaroon ulit ng patlang sa kabilang linya. Gusto nang tumili ni Shelby. Pumikit siya ng mga mata habang pinipigil ang sariling bumungisngis sa naging reaksiyon nito.
"Do you know another man with that initial?"
"I was actually trying to look at my contacts just now. It's good that you called up. It saved me the trouble of combing through my contact registry."
Hindi ulit nakasagot si Gunter. Natatawa na talaga si Shelby sa kanya. Nang nagsalita na uli ito, iniba na ang topic.
"Do you like the gift? Sorry if it is a bit cheesy. I only want you to feel good about yourself. Because no other woman shines as bright as you are. You are one of a kind."
Si Shelby naman ngayon ang hindi nakapagsalita. Nanibago siya kasi. Hindi naman madiga tulad nito ang mga puti na kilala niya. Lalo na ang mga Amerikano. Katunayan, sila ang pinaka-straightforward among the men that she know. Pero itong Gunter na ito, tingin niya, puro pagpapalipad-hangin wala namang kongkretong sinasabi kung gusto siyang i-date o ano. Not that she expected him to. Kaso nga lang, siyempre pagkatapos ng mga pinapakita nito hindi ba't lohikal lamang na asahan niyang manliligaw na ito nang klaro? O baka isa rin ito sa mga paasang lalaki?
"Thank you, Gunter," sagot na lang niya rito at nagpaalam na.
**********
Papasok ang mag-among Gunter at Frederick sa isang class na restaurant sa Manhattan nang maispatan nila si Shelby at ang kaibigan nitong babae. Tila mayroong sinusulyap-sulyapan ang dalawa sa hindi kalayuan sa kanilang mesa. Nang sundan ito ni Gunter ng tingin napakagat siya ng ibabang labi. Nandoon din pala si Alfonso dela Peña at kasama ang babaeng sumalubong dito ng yakap at halik nang nanalo sila laban sa kanyang koponan. She could sensed something was going on with Shelby and her friend. Lalo pa't paminsan-minsan ay sumusulyap din sa kanila ang ka-date ng atleta. May naisip agad na plano si Gunter. Binulong niya ito kay Frederick.
"What?" napapantastikuhang wika ng assistant. "Wouldn't it be rude? Maybe, Ms. San Diego is fine with it now. We do not need to interfere."
Gunter just waved his hand at him and dismissed him just like that. Nauna na siya kay Frederick papunta sa mesa nila Shelby. Nang makita siya nito nahuli niya ang tila pagsinghap nito. It seemed like she was pleased to see him. Ang sabi naman niya sa sarili kanina kung mapansin niyang ayaw sa kanya roon ng dalaga'y sisibat din sila agad ni Frederick. Pero imbes na subtle silang paalisin ay tila inimbita pa silang doon na nga umupo.
"Maybe, it's better if I will leave the two of you here," suhestiyon pa ng kaibigan nito habang nakatingin kay Gunter. Bago pa maka-react si Shelby ay tumayo na ito agad at hinatak pa ang nagulat na assistant.
Alanganing kumaway na lang habang naglalakad palayo kasama ng Filipina si Frederick. Gunter felt that it was only polite to apologize to Shelby for intruding in her dinner with her friend.
"It's all right. Don't worry about it."
Nakita ni Gunter na ngumiti nang hindi umaabot sa mga mata ang dalaga matapos nitong sabihin na huwag daw siyang mag-alala. Pakiramdam ni Gunter nalungkot din siya sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kaharap.
Mayamaya pa nang kaunti'y may lumapit sa kanila. Nang tingalain ito ni Gunter hindi na siya nagtaka pa. Si Alfonso dela Peña. He eyed him with curiosity. Tapos napatingin ito kay Shelby na tila nagtatanong. Pinakilala naman siya rito ng dalaga.
"This Mr. Albrecht---Gunter Albrecht. Gunter meet---,"
"I know who he is," putol ni dela Peña sa mahinang tinig sa sasabihin pa sana ni Shelby. Tapos may pinahayag ito sa salita nila na hindi maintindihan ni Gunter. Ang napag-aralan pa lang kasi nila ng Filipino teacher niya ay mga simple greetings in Tagalog o sinasabing standard Filipino language daw. Hindi pa umabot sa kalagitnaan ng beginner's level ang natutunan niya. Nainis siya sa sarili. He made a mental note to double time with his studying of the Filipino language.
"He's my ---d-date tonight," pakli naman ni Shelby sabay tingin sa kanya na parang humihingi ng pang-unawa. Naramdaman agad ni Gunter ang gustong mangyari ng dalaga. At wala siyang problema roon. Katunayan, papabor pa nga iyon sa kanya. Dahil isang kilalang atleta si dela Peña nababatid niyang may susulat na taga-press tungkol sa engkwentrong ito with his ex-girlfriend of eight years. Ayaw niyang magmukhang kawawa si Shelby na tila bagang she's still carrying a torch for him. Kung totoo man iyon o ano, he does not care at all. Kahit nga gamitin pa siya ni Shelby para panakip-butas, okay lang sa kanya. Pasasaan ba't makukuha rin niya ito balang-araw. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay maanunsiyo sa lahat ng interesado na wala nang pakialam ang dalaga sa dati nitong nobyo.
Tumangu-tango si Alfonso dela Peña at nakipagkumusta pa sa kanya.
"She's one special lady. Please take care of her," sabi lang nito at bumalik na sa sariling mesa.
Nagtaas ng kilay si Gunter. Special lady? Pero iniwan mo? Tama nga ba iyon? Iyong Alfonso dela Peña ba na iyon ang nang-iwan o itong kaharap niya? Kailangan niyang ipa-klaro iyon kay Frederick mamaya.
"Thank you, Gunter. I really appreciate your cooperation," nakangiting sabi ni Shelby sa kanya nang wala na ang dating nobyo.
"Your ex-boyfriend?" tanong niya. Kunwari hindi niya alam.
Hindi naman iyon ikinaila ni Shelby. "Yes."
Nang hindi na ito nagsalita pa tungkol sa lalaki, hindi na namilit doon si Gunter. They just talked about something else. At napag-alaman niyang pareho pala silang mahilig sa old songs. Napag-usapan pa nga nila ang tungkol sa mga cheesy chick flicks noon kung saan nagamit ang mga kantang pinapakinggan pa rin nila magpahanggang ngayon. Aminado si Gunter na ang ibang nabanggit ni Shelby ay bahagya lamang niyang napanood. At iyon ay dahil gusto lamang niyang i-please ang mga naging ka-date niya noong nasa junio high school pa lamang siya. Kaya wala siyang masyadong masabi liban sa nagustuhan niya ang sound track ng mga iyon. Malay ba naman niya kung sino si Patrick Swayze? Ang alam lang niya, tumpak na tumpak ang lyrics ng theme song ng movie nitong Dirty Dancing sa nararamdaman niya para sa dalaga. Katunayan, habang kausap niya ito'y parang naririnig niya si Eric Carmen habang kinakanta nito ang Hungry Eyes.
Nang matapos nga ang kanilang hapunan ay niyaya niya ang dalagang pumunta muna sa New York Harbor at panoorin ang mga ferries na sinasakyan ng mga tao papuntang Statue of Liberty habang pinapakinggan si Eric Carmen. Pareho silang nakasandal ng dalaga sa kanyang Tesla Roadster. Walang imikan, pero Gunter felt so good. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ang dalaga sa tuwing pumapailanlang ang chorus ng kanta:
With these hungry eyes
One look at you
And I can't disguise
I've got hungry eyes
I feel the magic between you and I
"Do you know that my mom also loves this song?" bigla na lang ay nasabi ni Shelby sa kanya. She was smiling while looking straight ahead. Tila naging dreamy pa ang ekspresyon ng kanyang mga mata.
Mabilis namang rumehistro sa isipan ng binata ang mom na sinasabi nito. Iyong babaeng kaabrasiyete ni Magnus San Diego. Ang natatanging San Diego na pinakitaan siya ng pagkagiliw noong gabi ng fashion show ng dalaga.
"Really? Your mom's romantic then," komento niya.
Bumaling na sa kanya ang mga mata ni Shelby. Wala itong sinabi pero parang nagtatanong. Siguro tungkol din sa gustong musika ng kanyang ina. Naisip niya agad ang mom niya. At gusto niyang matawa. His mom never appreciated pop music. Kaya nga he grew up listening to classics like Beethoven, Chopin, Mozart at kung sinu-sino pang hirap siyang bigkasin.
"Mom prefers classical music," nakangiti niyang sagot. "Maybe, that's why I never liked them."
Natigilan si Shelby. At tila nag-isip.
"Dad and I were often complaining about all those classical music being played all day long at home. I've reached my satiation point with those kind of music early on, so I do not need them anymore," paliwanag pa ni Gunter at uminom ito sa hawak-hawak na lata ng Heineken.
"My grandparents love them, too. When I was a child, everytime I visited them, Grandma would make me play Chopin's Ballade Number 1 in G Minor."
"You can play the piano?" gulat na gulat na tanong ni Gunter sa dalaga. Tapos ay in-imagine niya itong tumutugtog. He thought it would be blissful to listen to her play Chopin in a nightdress. Nang ma-realize na kung anu-ano na ang naisip niya, pinagalitan niya ang sarili.
"Oh. It's almost eleven o'clock," sabi ni Shelby habang nakatingin sa Gucci watch niya. Umalis ito sa pagkakasandal sa kanyang kotse tapos nagpalinga-linga.
"I'll drive you home."
"But you have drunk some beer," paalala nito sa kanya.
"Yeah. My asisstant will drive us to your place," nakangiti niyang sabi rito.
Matapos niyang matawagan si Frederick, naglakad-lakad muna sila ni Shelby sa gilid ng harbor habang patuloy pang nagkukwentuhan. Napagtanto ng binata na kailangan pala talaga niyang magpakitang-gilas sa ama nitong si Magnus San Diego dahil mukhang close na close ang dalaga rito. Nakikita niyang malaking hamon ito dahil mukhang sobrang ilap ng lalaki lalo na't sangkot ang nag-iisang anak na babae. Natanong niya tuloy ulit ang sarili. Paano nga bang magpaamo ng isang amang Filipino?
**********
A/N: Sirius is known to be the brightest star in the night sky.
Gusto ko ring sabihin sa inyong lahat na kahit na tunay at nag-e-exist ang mga nabanggit na koponan dito ng National Football League ng Amerika ay gumamit ako ng fictional names for the coach, team manager at owner. J
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top