CHAPTER SIXTEEN

Sinenyasan ni Shelby si Gunter na magpaalam na, pero parang hindi ito nakakaintindi. Nainis na ang dalaga. Ang pinakainiiwasan niyang pag-usapan nilang mag-kuya ay siyang inuusisa na ngayon sa kanya nila Markus at Moses. Napilitan tuloy siyang magtapat sa mga ito. Subalit imbes na siya ang tanungin ng mga ito, kay Gunter pa ulit napabaling ang dalawa at halos sabay pang nagtanong.

"You proposed to our sister?!"

Kakitaan na ngayon ng kompiyansa sa sarili ang binata. Hinarap niya ang dalawa at sa panatag at kalmadong tinig ay inamin niya ito.

"Yes. I did propose to Shelby but she did not accept it."

"Of course, she wouldnt!" galit na tumayo na si Markus. Nakakuyom ang mga palad. "So Dad is right, afterall. All these favors you are trying to do for us---the ad contract, the proposal for a partnership in acquiring the hotels in Virginia Beach---,"

"Your offer to invest in our video company," sabat naman ni Moses na ikinabigla ulit ni Markus.

"He offered to invest in your company, too?"

"Yeah," kaswal na sagot ni Moses. "But Morris turned him down."

"And you offered to invest in Marius' restaurant business, too!" Si Markus uli.

Napanganga si Shelby. Hindi siya makapaniwala sa narinig.

"Guys, calm down. You must understand that I'm a businessman. I know what's good investment when I see one. This has nothing to do with what I feel for Shelby, although if this would earn me some good points---,"

"No!" halos sabay ulit na sagot ng dalawa.

Si Shelby sana'y sasagot doon sa sinabi ni Gunter, pero napabaling na naman ang tingin niya sa halos nanggagalaiting mga kuya.

"Aren't you guys overreacting? Shelby is not a child anymore."

Bago pa makasabat ang mga kuya niya ay napatayo na si Shelby at nag-referee sa tatlo.

"Saglit lang! Ano ba!"

Naitaas pa niya ang dalawang kamay sa pagsusumamo sa mga kapatid. Nang saglit na tumahimik ang mga ito, binalingan niya si Gunter.

"You did all those?" tanong niya. Hindi siya makapaniwala.

Nakitaan niya ng pag-aalinlangan si Gunter. Tila nag-atubili na itong magsalita. Nang sa wakas ay aminin nito na totoo ang mga sinabi ng kanyang mga kapatid, muntik na siyang mapangiti. She had to apply some self-control to restrain herself from bursting into a smile. Aminado siyang sobra siyang na-flatter sa ginawa nito. Ganunpaman, hindi pa rin sapat iyon para mapasagot siya ng 'oo' sa alok nitong kasal. Unang-una, kaka-take off lang ng sarili niyang negosyo. Hindi pa nga siya nakakapangalahati sa bank loan na pinang-umpisa ng business. Pangalawa, gaya ng nasabi niya noon kay Alfonso, wala pa siya sa tamang edad. She's almost twenty four now, but she's still very young to get married. Pangatlo, hindi niya pa ito lubusang kilala. Ayaw niyang magpakasal sa isang estranghero kahit na mukha naman itong maaasahan. Ang kasal kasi para sa kanya ay isang sagradong bagay. Hindi ito basta niluluwa kung ayaw na niya.

"I cannot believe you, Gunter. But then again, I appreciate your efforts," sabi na lang niya rito. Siyempre, ayaw rin niyang masaktan ito. Nagmagandang-loob naman kasi kaya hindi na kinakailangan pang supalpalin nang ganoon katulad ng ginagawa ng mga kuya niya.

"As I have told your brother, I saw them as good investments. I have a good eye for profitable business endeavours so I always grab them when I see them," pangangatwiran pa nito pero hindi pa rin iyon nagugustuhan ng mga kuya niya lalung-lalo na ni Markus.

Dahil alam ng dalaga na walang kapupuntahang mabuti ang usapan, pinakiusapan na lang niya si Gunter na iwan na siya muna sa mga kapatid. Hindi naman siya nagdalawang salita rito. Magalang itong nagpaalam sa dalawa kahit na sambakol pa rin ang mukhang pinukol nila rito.

**********

"You did what?" nakangising sabi ni Frederick nang kuwentuhan ito ni Gunter kung bakit natagalan siya sa condo ni Shelby.

"It's better to come clean with them. I just want them to know I am serious about their sister," sagot lang dito ni Gunter at pumasok na sa passenger's side ng Tesla Roadster. "Ah. It was a long day."

Napasandal sa upuan si Gunter at napahilot ng sentido. Ngingisi-ngisi naman si Frederick habang inaatras nito ang sasakyan papunta sa highway.

"Next time, sir, why don't you use your Filipino greetings with them? I heard Filipinos easily warm up to foreigners who speak their language."

Napadilat si Gunter. Iyon nga rin ang naisip niya. Which reminded him, kailangan niyang mag-double time pa sa pag-aaral ng lenggwahe ng mga ito.

"Can you tell my tutor to come to my office first thing tomorrow? I will start the day with some Filipino language exercise."

Napabunghalit ng tawa si Frederick. Pero tumangu-tango naman ito.

Pagdating sa penthouse ng binata, nagulat ang mag-amo nang madatnan doon si Madame Margaux Quandt Albrecht at mukhang sukdulan ang galit nito.

"It's good that you are here now! We need to talk!" salubong nito sa anak.

"Mom, I just arrived from France. I'll talk to you tomorrow."

At dederetso na sana si Gunter sa silid nang biglang tumayo at humarang sa kanya ang ina. Nakapamaywang na ito ngayon sa kanya.

"Tell me this is not true," madrama nitong panimula. "Did you propose to that Philipino girl?"

Napapisil ng sentido si Gunter. Si Frederick naman ay pasimpleng umatras at lalabas na sana ng unit na iyon nang biglang dinuru-duro rin siya ni Mrs. Albrecht. Siya ang sinisi kung bakit nagkaroon ng proposal ang anak sa kinamumuhiang designer.

"I know it was your idea, you idiot!"

"Mom! You have no right to insult my assistant. He is not working for you."

"Then tell me it isn't true at all!"

Napahinga nang malalim si Gunter saka tumangu-tango. "Yes, I did. I proposed to her."

"So it's true?" Dumagundong lalo ang tinig nito. Halos maglupasay na ito sa harap ng anak sa tindi ng galit. "Oh my God! I think I will have a heart attach right now!" madrama pa nitong pahayag habang hinihilot-hilot ang dibdib.

"Your heart is fine, Mom. You do not have any problem with it."

"That was before you proposed to that pompous bitch!"

"Shelby is neither of those. She's a decent woman."

"I don't care! I don't care at all!" At humagulgol na ito.

Napabuntong-hininga uli si Gunter saka nilapitan ang ina at hinagud-hagod ang likuran nito. "Don't worry, Mom. She turned me down."

Parang umurong ang luha nito. Kakitaan ito ng pagkagulat. "She turned you down?!" Halos ay pumiyok pa sa tindi ng pagkabigla ang mom niya.

Ang akala ni Gunter ikakatuwa na ng mom niya iyon pero lalo lamang itong nagalit. "Who did she think she is? She turned down a hot and rich bachelor like you? She cannot find anybody like you even if she looked for one in the entire universe!"

Natigilan sa narinig si Gunter. Tapos napangisi siya sa sinabi ng ina. "I thought you would be happy that she turned me down," sabi pa niya rito.

"You see? She's a pompous bitch! She thinks so highly of herself! I cannot believe that she turned you down!She will see!" At galit itong napadampot ng purse sa ibabaw ng center table at padabog na umalis ng penthouse niya.

Sinenyasan ni Gunter si Frederick na sundan ito hanggang sa ibaba. Siguraduhing nakasakay ito sa sasakyan niya bago bumalik ng penthouse dahil may ipapagawa pa siya rito.

**********

Nanlaki ang mga mata ni Shelby nang mabasa niya online ang headline news ng isang Belgian news outlet. Pinagkaguluhan daw ang sinuot na trahe ng prinsesa nila noong ipinagdaos ang kanyang 16th birthday party. Hindi napigilan ng dalaga ang mapaluha. She was touched by the good reviews na inani niya mula sa kung sino-sinong writers na tumututok sa latest fashion sa Belgium. Dahil sa positibong feedback ng designs niya roon, hindi na magkamayaw ngayon ang mga tauhan niya sa pagsagot ng kanilang telepono dahil sa mga orders ng kung sinu-sinong high end customers in Europe. Hindi lamang iyan. For the first time, since she started her very own fashion house, naimbitahan siya ng Vogue para sa isang eksklusibong panayam. Gusto niya sanang ibalita agad iyon nang personal kay Dane. She was looking forward to her arrival in the next few days, pero tumawag ito at nag-congratulate lang sa kanya tapos nagpaalam ulit na sasam raw kay Albus Smith sa hometown nito sa Michigan. Nagwo-worry na siya para rito dahil nga sa nabasang news noon tungkol sa lalaki pero sinikap niyang huwag munang sabihan si Dane. Gusto niyang makaharap ito para personal niyang masabi ang mga pag-aalala niya.

"Ms. Shelby!" sigaw ni Lyndie habang papasok ito ng kanyang upisina. May hawak-hawak itong newspaper. Pagdating nito sa mesa niya'y nilapag ng ginang ang sinasabi nitong magandang balita. "Conrad James Riley, the most reliable fashion expert just said you are the next big thing in New York City! He even said Shelby Madeline San Diego's Fashion House is way better now than that of Margaux Quandt's!"

Binasa ni Shelby ang parteng iyon at napangiti siya. For a while ay nalimutan niya ang problema kay Dane. Kinuhanan niya ito ng litrato at pinadala ang naturang larawan sa mommy niya. Kahit na maghahatinggabi na sa Alabang ay napatawag pa agad ang kanyang ina sa kanya at binati siya sa nakamit na tagumpay. Sinabi nitong mag-celebrate daw sila ng ama dahil bumalik itong New York nang araw ding iyon para sa isang importanteng sadya at padalhan na lang siya ulit ng pictures ng celebration nila. Umungot pa ito kung kailan siya uuwi.

"Thank you, Mom. Yes, yes. I promise. I will go visit you guys this coming November for Ella's birthday. Yeah, yeah. But don't you tell her. It will be a surprise."

Masaya siyang nagpaalam sa ina. Ang sumunod niyang nakausap sa telepono ay walang iba kundi si Gunter Albrecht. Nagpaabot din ito ng pagbati sa nakamit niyang good reviews abroad. Kababasa lang daw niya ng news. Sa loob-loob ng dalaga, talaga sigurong sinadya nitong hanapin. Kasi hindi naman iyon binalita ng ibang news outlet. Tanging taga-Belgium lang ang excited doon. Nakadagdag tuloy iyon sa nagpasaya sa kanya nang umagang iyon. Kaya hindi niya napaghandaan ang biglaang pagdating ni Madame Margaux Quandt Albrecht sa upisina niya.

Dahil naging boss niya ito noon, pinakiharapan naman niya ito nang mabuti. Katunayan, binigyan pa nila ng espesyal na brewed coffee na ang maliit na tasa ay nagkakahalaga ng isang daang dolyar. Siyempre, hindi ito ordinaryong bisita lamang. Ngunit sa halip na pasalamatan siya sa kanyang pag-aabala'y tinarayan siya nito.

"I cannot believe that you turned down my son's marriage proposal!" asik nito sa kanya. Walang paliguy-ligoy. Straight to the point. Kakitaan pa ito ng pag-aapoy ng mga mata.

Hindi rin iyon napaghandaan ni Shelby. Ang inaasahan niya kasing komprontasyon ay tungkol sa rivalry nila sa fashion industry.

"I'm sorry Mrs. Albrecht?" Gusto ng dalaga na siguraduhing tama ba ang dinig niya. Galit ito na tinurn down niya ang marriage proposal ng anak? Hindi ba dapat natutuwa ito? Kasi ang ibig lang sabihin no'n ay hindi sila magiging magkapamilya.

"Yes! You heard me right! Why did you turn him down? Who do you think you are? My son is the hottest bachelor in New York City! He is also the richest man you'll ever come across with! You cannot find anybody as hot and as rich as he is!"

Nagulat na naman si Shelby dito. Si Lyndie naman na kanina pa nakikinig lang sa isang tabi ay napatirik ang mga mata.

"I know, Mrs. Albrecht," sabi na lang niya rito para matigil na.

Nakanti niya pala ang pride nito bilang isang ina. Somehow, Mrs. Albrecht reminded her of her own mom. So proud of her boys, too. Ang kaibahan lang nila, hindi palengkera ang mommy niya. At isa pa, her mom is a true beauty. Hindi na nito kailangan pa ng patung-patong na plastic surgery para magmukhang bata dahil youthful ang aura at balat nito. Siguro iyon ang nagagawa ng happiness. At iyon ang gusto niyang makamtan din balang araw. A happy life with the man she marries. May kutob tuloy siyang hindi happy si Mrs. Albrecht sa kanyang asawa.

**********

Nagulat si Gunter nang datnan niyang naghihintay sa visitor's lounge sa labas lang ng upisina ang patriarch ng San Diego family. Si Mr. Magnus San Diego. He looked so solemn this time. Nabatid agad niyang hindi business ang pinunta nito kundi something else. Marahil ay nadaldal na ng mga anak ang naunsyami niyang marriage proposal sa kanilang dalaga.

"Oh. Mr. San Diego."

"Good morning, Mr. Albrecht."

Medyo napangiwi si Gunter sa kapormalan nila. Kaso nga lang iyon ang gusto nitong tawagan nila. Wala siyang magagawa. Inimbitahan na lang niya ito papasok ng kanyang upisina. Sinenyasan niya si Frederick na huwag munang pumasok sa loob.

"I'll be straight to the point, Mr. Albrecht," bungad ni Magnus San Diego sa kanya. Ni hindi na nga ito naupo sa couch na nasa kaliwang bahagi ng kanyang mesa. Doon niya palagi iniestima ang mga importanteng bisita kagaya ng ama ni Shelby. "I think you know why I am here, Mr. Albrecht."

Tumangu-tango si Gunter. "Yes. I think your sons already told you about the marriage proposal."

"Marriage proposal?" ulit ni Magnus. Nangunot ang noo nito at tila gulat na gulat. "What marriage proposal are you talking about?" Parang naaalarma ang tinig nito.

Natigilan si Gunter. Hindi tungkol sa marriage proposal ang sinadya nito sa kanya? Fvck! Ipinagkanulo na naman niya ang sarili.

"Oh. You didn't come about the---marriage proposal?"

"What the fvck are you talking about?" tanong nito. Parang nag-set in na ang sinabi niya rito at nagpipigil na lang kumawala ang galit. "I came here to tell you that I know what you are up to by offering my sons partnerships or investments in whatever it was they were trying to get into! What marriage proposal are you talking about?"

"Shit! Me and my big mouth!" tanging naibulong ni Gunter sa sarili.

**********

Mag-iisang linggo nang hindi siya kinukulit ni Gunter. Wala itong padalang bulaklak. Walang text. Nada. As in bigla itong natigil sa panggugulo sa kanya. Dati-rati'y binubulaga siya ng mga padala nitong bouquets sa umaga, kung anu-anong pagkain sa tanghalian, at may pakape pa minsan sa mga tauhan niya. Pero ngayo'y biglang natigil. Naisip agad ni Shelby na tatlong tao lang ang maaaring may kagagawan nito. Ang bruhang mommy ng binata at ang dalawa niyang pakialamerong kuya. Sila lang naman ang may alam tungkol doon sa marriage proposal. Nakakainis! Why are they making it a big deal! Hindi nga niya tinanggap, eh.

Napa-drive si Shelby papunta sa Skylark Quandt Building. Magbabakasakali lamang siya roon. Titingnan niya kung ano ang nangyari kay Gunter. Malay niya? Baka nagkasakit ito. Nagpuntang ibang bansa o hindi kaya naging busy lang.

Malayu-layo pa ang sasakyan niya sa building, nakita na niya ang paghinto ng isang itim na Bentley car sa harapan ng naturang gusali. Umibis doon ang seksi at glamorosong si Adeline Grayson. Mayamaya pa, nakita na lang ni Shelby na lumabas mula sa building na iyon si Gunter at sinalubong pa ang babae. Magkaabrasiyete silang pumasok sa loob.

"Kaya pala. Busy sa iba," naibulong niya sa sarili.

Hindi naman siya likas na mainitin ang ulo, pero nabwisit siya sa nasaksihan. No'n niya napagtanto na tama lang na hindi niya tinanggap ang marriage proposal nito. Kung nagkataon pala'y magmumukhang kawawa rin siya sa bandang huli. Hindi naman pala seryoso sa kanya ang lalaking iyon.

Bago pa mamalayan ni Shelby, nag-blur na ang vision niya. Nag-slow down siya at huminto muna sa isang tabi saka tahimik na umiyak.

**********

"Sir Gunter?" untag ni Frederick kay Gunter.

Mukhang kanina pa ito nagtataas-baba ng kamay sa harapan ng boss pero tila hindi siya nakikita nito. Napapangiti na nga ang lalaki. May alam kasi siya sa pinaggaganito ng amo. Ilang araw na kasing pinagbawalan ng ama ng babaeng pinopormahan na huwag gambalain ang anak nito habang may importanteng kliyenteng inaasikaso. Binalaan pa nga ito. Sa oras daw na pumalpak si Shelby sa naturang kliyente ay siya ang sisisihin at kailanman ay hinding-hindi nito bibigyan ng pagkakataon sa anak.

"What?" asik ni Gunter sa assistant nang bumalik sa kasalukuyan ang diwa.

"They asked me to show these to you."

Nilapag ni Frederick ang mga kuha kay Adeline Grayson sakanyang desk. Nasa rooftop lang kasi ng Skylark Quandt ang photoshoot. Dapat nga nandoon siya kaso lang bored na bored siya sa kapapanood sa kaartehan nito. Ito kasi ang mag-e-endorso sa kanilang mga hotels sa New York. Dapat nga hindi na kailangan ang ganoong photoshoot dahil hindi naman ang Skylark Quandt ang ieendorso nito. Kapritso lamang iyon ng mommy niya. Dahil pumayag itong huwag gambalain si Shelby San Diego matapos malamang nag-propose siya sa dalaga at ma-basted nito agad-agad, pumayag din siya sa kagustuhan nitong pakuhanan ng litrato doon ang pinakapaborito nitong babae sa lahat ng na-link sa kanya. Alam niyang para-paraan lamang iyon ng ina na mapalapit silang dalawa ni Adeline. Ang hindi nito alam, wala nang pag-asa pang balikan niya ang dating nobya. Kahit na ilang beses pa siyang bastedin ni Shelby. Kung si Adeline rin lang, siguro'y pagtitiyagaan na lang niya ang kakengkoyan ni Frederick. He will remain celibate for life.

"Ano'ng masasabi mo, boss?" may himig panunudyo nang tanong ni Frederick sa mga pa-seductive poses ni Adeline sa salitang German.

"Pahnget," sabi niya rito. Tama nga ba ang salitang iyon? Ang gusto niya lang sabihin sana ay disgusting. As in too ugly.

Napa-huh si Frederick tapos pinaulit siya nito. May pinindot-pindot ito sa cell phone. Mayamaya pa'y napabunghalit ito ng tawa.

"You're so cruel, boss! Okay I will tell them you find the photos beautiful." At humahalakhak itong bumalik sa rooftop.

**********

Pauwi na si Shelby sa condo niya sa Upper East Side nang gabing iyon nang binulaga siya ni Gunter sa labas lang ng building ng kanyang fashion house. As usual he looked so handsome and elegant in his gray suit. Kung hindi siya nagkakamali, gawa iyon ng Armani. Dahil medyo malamig-lamig na ang simoy ng hangin kahit Oktubre pa lang, nakatrench coat na ito ng kulay itim na nagbigay ng very masculine aura sa kanya. Nginitian siya nito nang magtama ang kanilang paningin. Kung siguro'y hindi niya nasaksihan ang nakita niya noon sa Skylark Quandt, marahil sinuklian din niya ng ngiti ang ngiti nito. Pero dahil doon, simangot ang ginanti niya rito at iniwasan pa.

"Hey, Shelby!" At hinablot pa ni Gunter ang kanyang braso.

"Let go of me!" sabi ni Shelby rito at tinabig ang kamay nito.

"What's wrong, baby girl?"

Natigilan si Shelby at tila lalong nairita. "Don't call me that. Only my brothers are allowed to call me that way!"

Sa tingin ni Shelby, mukhang clueless si Gunter kung bakit bigla siyang naging cold dito. Parang wala itong naalalang ginawang masama sa kanya. Pero mayamaya pa'y tila natauhan at na-realize siguro ang kamalian. Nagpaliwanag ito nang todo.

"Yes. That's the only reason I didn't bother you for more than a week. I heard you are working on the wedding gown of a billionaire's daughter in Dubai. I do not want you to be distracted, so I did not bother you for a while. But now that everything's done, I'm here again---to pester you." At ngumiti pa ulit ito sa kanya.

Nainis si Shelby na ang galing nitong umarteng sobrang into her daw. Na kapakanan niya ang iniisip kung bakit hindi siya ginulo nitong nakaraang mga araw. But she knew better.

Nang mukhang paninindigan talaga ni Gunter ang pagmamaang-maangan, napuno na si Shelby at kinompronta ito tungkol sa nakita niyang sweetness nila ni Adeline. Napanganga ang binata sa gulat. Parang nag-isip pa ito kung kailan nangyari iyon. Nang sa huli'y maalala, natawa ito. Noong una ay bungisngis lang, pero bandang huli'y napahagalpak pa ng tawa. Nagalit lalo dito si Shelby. Inisip na pinagtatawanan lamang siya nito. Tinulak niya ang binata at dumeretso na siya sa parking lot kung saan iniwan ang kotse.

"Hey. Are you jealous of Adeline?" bigla na lang ay tanong ni Gunter sa kanya. Nakabuntot pa rin ito kahit na pinakitaan na niya ng hindi maganda.

Napa-about-face si Shelby sa binata at sa naiiritang tinig ay sinagot ito ng, "Jealous? Why would I be jealous? You are not even my boyfriend!"

Gunter smiled. He looked like he didn't believe her.

Nang pakiramdam ni Shelby ay nasukol na siya, lalo siyang nanggalaiti. Ang kinabubwisit niya ay kung bakit sa kabila ng alam niyang nagkabalikan na ito at ang dating nobya ay nakikilig pa rin siya sa mga pa-cute nito sa kanya ngayon. Dahil sa realisasyong iyon, naiyak ang dalaga. She felt helpless in holding back her emotions. Nataranta tuloy si Gunter.

"Shelby, don't cry, don't cry. Please."

Masuyo siyang hinila ni Gunter palapit sa dibdib at niyakap nang mahigpit na mahigpit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top