CHAPTER SIX

Inulit uling basahin ni Shelby ang natanggap na sulat mula sa Margaux Quandt para sa kaibigang si Dane. Ayon kay Ms. Deborah Abigail Lee, presidente ng fashion house, personal daw na paiimbestigahan nito ang pagkakanakaw ng mga designs ng dalaga. Huwag raw itong mabahala dahil mariing kinokondena ng kompanya ang naturang gawain kahit na parehong empleyado ang sangkot lalo pa't ang biktima ay isang mahalagang kliyente.

"Paiimbestigahan? Hindi ba't klaro namang ninakaw nga iyon ng Katarina Horvathova na iyon? At mukhang may basbas pa ng head designer ninyo!" naiinis na pahayag ni Dane. Nasobrahan tuloy ang bate nito sa itlog. Nag-spill sa mesa.

Napabuntong-hinga naman si Shelby. She was more than disappointed with the letter. Inaasahan kasi niyang mapapatawan agad-agad ng parusa ang Katarina Horvathova na iyon. Hindi pa pala.

"Why don't you resign ASAP?" suhestiyon ni Dane.

"Iyan din ang una kong naisip. But after doing some research about the company, I thought of staying for a while. Kailangang walang alingasngas na kahit ano akong iiwanan. They are very cruel people. They can destroy any designer with just a blink of an eye if they want to. Ganyan sila ka powerful sa industriyang ito."

At kinuwento pa ni Shelby ang nangyari sa isang bagitong Russian designer na kumalas sa kompanya dahil sa kaparehong dahilan. Nagtayo raw ito ng sariling fashion house pero kalauna'y napilitan ding magsara dahil sa bankruptcy. Imbes na siya ang inosente, binaliktad daw siya ng Margaux Quandt kung kaya hindi rin siya sinuportahan ng mga kliyenteng dati-rati'y nagpapagawa sa kanya ng mga damit at trahe.

"Problema ba iyan? You're a San Diego. You can always fight them back."

Ngumiti nang kimi si Shelby. "That's the last thing I want to do---involved my family in this mess. Hindi ko alam ang extent ng influence ng may-ari ng kompanyang ito. Kay Ms. Lee pa lang medyo nag-aalangan na ako. She's in the same circle with the influential families in New York, how much more the owner of this fashion house? Kapag nilabanan ko sila sampo ng aking pamilya, who knows what they can do to us? To our family business? Dad and my brothers had worked so hard for what we have now. Ayaw kong madamay ang mga pinaghirapan nila. Kaya ko pa namang solusyunan ito on my own eh. "

"Sino ba ang may-ari niyang fashion house na iyan?"

"According to those who have worked in the company for at least ten years already, it is owned by a German family. Mga Schlossberg daw. Kaso ni minsan ay hindi raw talaga sila nagpapakita kahit sa mga important events ng fashion house. Kahit nga si Ms. Lee ay ngayon lang nagparamdam dahil may problema kaming kinakaharap. Palaging si Lord Randolph daw ang kumakatawan sa kanilang lahat."

"But it's called Margaux Quandt, right?" naguguluhang tanong ni Dane. "Hindi ba iyon ang may-ari?"

"Yeah. The same as my brother's video game company. They call it Mitsuki Mirai but none of us has that name. They chose it because Japan is known for this type of industry. Palagay ko ganoon din ang dahilan ng kung sino mang may-ari nitong Margaux Quandt. They want people to associate it with something French because French are known to be fashionable and cultured."

"Kung sa bagay."

Ibubuhos na sana ni Dane ang itlog sa frying fan nang may maalala.

"Wait. Hindi ba't si Gunter Albrecht kamo ang witness sa naturang kaso? And he turned out to be the most revered client of Margaux Quandt. Iisa lang ang ibig sabihin niyan. Kahit na magwala ka at mag-demand ng justice agad-agad, no one will touch you in the fashion house. Baka mas mapapadali pa ang pagpapataw ng parusa kay Katarina Horvathova. Try mo kaya? Mukha namang gustung-gusto ka no'ng mama."

Lumitaw sa isipan ni Shelby ang hitsura ni Gunter. Bukod sa gandang lalaki, ang galing talaga nito manamit. Any style ng suit sa kahit anong kulay ay nagmumukhang kapita-pitagan at stylish kapag ito ang sumuot. He exudes class and elegance without even trying so hard. Kung pwede nga lang, gusto sana niya itong kuning modelo. Pero for sure, kahit pumayag man ito ay hindi niya afford ang talent fee nito.

Hindi namalayan ng dalaga na napangiti na siya habang nire-refresh sa isipan ang nangyari noong Biyernes nang umaga. Ang sarap kasi sa pakiramdam na napahiya nang husto si Katarina at Lord Randolph sa mga mata ng lalaking ito na sa palagay niya'y crush na crush pa ng babae.

"Oy. The mere mention of his name made you smile," panunukso ni Dane.

"Loka! Iba ang nginingiti ko. Iyong Katarina."

Pinangunutan ng noo si Dane. "Kay Katarina ka may crush?" kunwari'y gulat na gulat ito. At dinagdagan pa ng panlalaki ng mga mata.

"Ewan ko sa iyo. Diyan ka na nga. Don't expect me for lunch today. I'll go see my dad and probably I'll spend the entire day with him."

At lumabas na ng condo si Shelby na suot-suot lamang ang faded maong jeans na may butas sa magkabilang tuhod. Naka-T-shirt naman siya ng kulay puti na may nakaimprintang MG sa parehong malaking titik at sa ilalim nito'y naka-spell out ang pangalan ng fashion house nila in a much smaller font size. Dahil summer na, flat na open-toe sandals na lang ang suot niya na siya mismo ang nagdisenyo. Dala-dala niya ito mula pa sa Pilipinas.

Pagkakita ng daddy niya sa kanya papasok ng Carmine's, isang Italian restaurant sa Time Square sa New York City saglit itong natigilan. Nahuli pa ito ni Shelby na tila pinangungunutan ng noo ang suot niyang pantalon. This made her laughed as she kissed his cheeks. As usual kasi ay naka-suit ito. He looked respectable while she looked so casual.

"Relax, Dad. We're not in the White House," sabi pa rito ng dalaga.

Magnus slightly shook his head. "You're a lady, sweetie. You're not one of your brothers."

Tawa uli ang sagot dito ni Shelby. Isa pang halik ang binigay nito sa pisngi ng ama. Just like what she used to do when she was little, nakayakap siya rito from behind habang naglalakad sila pareho papunta sa kanilang mesa na nasa pinakagitna ng restaurant. Lingid sa dalaga, mayroong dalawang pares ng mga mata na kanina pa pala nakatitig sa kanila. Ngayo'y pinangungunutan na ito ng noo.

**********

"Which one do you like for our centerpiece? Is this good enough for you? I was told this one is really special. This looks like the one used in the wedding of a royal princess in Sweden."

Bahagya lang narinig ni Gunter ang mga sinabing iyon ng nobya niyang si Adeline Grayson. Abala kasi ang utak niya sa pag-aanalisa kung magkaanu-ano ang dalawang nakita niya ngayon-ngayon lang. Tila sobra naman yatang sweet si Ms. Mariano kay Mr. San Diego. Hindi kaya...? But he looked a lot older than her! At sa pagkakaalala niya, walang wedding ring na suot ang babae noong una niya itong makita at kahit noong sorpresahin niya ito sa Margaux Quandt.

Pwede rin naman silang maging mag-ama. Probably, she was really a San Diego and Mariano was just a sort of an alias just like what authors do---they choose a pen name for their works. Pero hindi sila magkamukha, naisip pa niya. Walang features ang lalaki na nakuha ni Shelby Mariano kung totoong mag-ama nga silang dalawa. At ang closeness nila ay parang hindi naman sa isang mag-ama. They looked like lovers! Napakagat siya ng lower lip. At awtomatiko pang napakuyom ang kanyang mga palad.

"Gunter! Are you listening to me?" naiinis na untag dito ni Adeline. Makikitang nagpalinga-linga pa ang babae para tingnan kung sino o ano ang tinututukan ng tingin ng kanyang nobyo.

Napakurap-kurap si Gunter. Pagkatapos ay dinampot nito ang cell phone na nasa ibabaw lang ng mesa nila. Tinawagan niya si Frederick.

"Frederick will assist you in whatever needs to be done," sabi kaagad nito matapos punasan ng table napkin ang bibig. Pagkakita niya kay Frederick na pumapasok ng Carmine's tumayo na siya at nilapitan si Adeline. "C'mon. Frederick will take you to the florist or to whereever you want to go."

"What?! I'm not done here! I haven't even touched my food yet for crying out loud!"

"You're on a diet, remember?" At itinayo na ni Gunter ang babae. Paglapit ni Frederick sa kanila ay pinasa na nito ang nobya sa pangangalaga ng assistant. "Please do as she pleased," bilin pa.

"Gunter! Wait! Gunter!"

Pero hindi na nagpapigil pa si Gunter. Dere-deretso ito sa CR ng mga kalalakihan. Sinipat niya sa harapan ng salamin ang hitsura para masigurong presentable ang hitsura niya. Naka-rugged look lang siya ngayon. Isang black Levi's jeans and sky blue t-shirt but he made sure he looked good in them. Ipinagpasalamat niyang kakapagupit niya lang at kaaahit noong isang araw. He's more than presentable now. Kahit naka-suot ng expensive suit si Magnus San Diego, tingin naman niya'y'hindi siya mauungusan nito sa pisikal na aspeto. Pagkatapos masigurong maayos ang hitsura, lumabas na siya at pinuntahan sa mesa ng mga ito ang dalawa.

**********

"Shelby Mariano?" narinig ni Shelby na tawag ng dumaan sa table nila ng ama. Bumalik ito at tumingin pa sa dad niya. "Oh. Mr. San Diego. It's nice to see you, too."

Nagpalipat-lipat ng tingin si Shelby sa dad niya at kay Gunter. Ang tawa niya kanina sa joke ng ama ay biglang nag-froze at naglahong parang bula. Sumeryoso na siya at sa mahinang tinig ay tinanong ang ama sa Tagalog kung kakilala rin ba niya si Mr. Albrecht.

"Hello there, Mr. Albrecht. How are you?" bati rin ni Magnus sa lalaki. Pero kakitaan ito ng kaunting iritasyon dahil naistorbo sila ng anak sa bonding time nilang dalawa. Na siyang naging madalang pa sa patak ng ulan sa Abril nitong tumuntong na ng mid-twenties ang kaisa-isa nitong prinsesa.

"Very good. Thank you. I didn't know you'd be here today or I would have made sure you are being taken cared of here at Carmine's. And of course, you, too, Ms. Mariano. Or, shall I call you Shelby now?" At nginitian ni Gunter Albrecht nang pagkatamis-tamis ang dalaga. Si Magnus naman ngayon ang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Tila nagtataka ito. Hindi nga nakatiis ang lalaki. Tinanong nito si Shelby sa Tagalog din kung magkakilala raw ba sila ni Mr. Albrecht.

"Mr. Albrecht is a client of Margaux Quandt, Dad," sagot ni Shelby at Inenglis na. Nag-alala din kasi siya na baka mamasamain ng lalaki ang pagbubulungan nilang mag-ama sa Filipino.

Pagkarinig ni Gunter sa salitang 'dad' nawala ang competitive stance niya at nag-relax pa ang ekspresyon sa kanyang mukha. He even laughed at what Shelby said. Pinangunutan naman ng noo ang dalaga dahil wala naman siyang binitawang joke.

Samantala, makikitang bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Magnus. May naramdaman kasi itong hindi maganda. Umandar agad ang kanyang protective instinct.

"Yes. Shelby is my only daughter," mariin nitong pahayag. Seryosong-seryoso ang mukha.

Hindi naman natinag sa narinig si Gunter. Nakangiti pa rin ito. "Oh, is that so? She must be very special to your family then," kaswal pa na pahayag ng binata.

"Yes. Very, very special." Dahan-dahan ang pagkakabigkas ni Magnus sa bawat kataga.

Napangiti si Shelby sa sinabi ng ama. Awtomatiko pang napahawak siya ng kamay nito na nasa ibabaw ng mesa. She squeezed her dad's hand on the table while smiling at him. Iyong ngiting parang nagsasabi ng, "Ano ba, Dad? 'Ayan ka na naman, eh."

Sanay na si Shelby sa ganoong tono ng dad niya sa tuwing may lumalapit sa kanyang lalaki. Marahil ay kung alam nito kung paano siya nasaktan sa pagpapakasal ni Alfonso sa ibang babae ay magwawala ito. Pero matagumpay niyang naipakita rito na siya ang umayaw sa dating nobyo at kinatuwa pa ang pagkakita agad nito ng babaeng mamahalin.

Walang epekto kay Gunter ang tila pagbababala ni Magnus sa kanya. He even pulled a chair beside Shelby and continued with engaging the two in light conversation.

"Tapos ka na ba, anak?" tanong ni Magnus kay Shelby sa Tagalog.

Medyo naasiwa na naman ang dalaga nang makita nito ang tila pagtatanong sa mga mata ni Gunter.

"Sorry, Mr. Albrecht---"

"Gunter. Please call me, Gunter, Shelby."

"Okay. Gunter then if that's what you want," pagbibigay ni Shelby sa binata. "I'm sorry, Gunter. My Dad and I are done here already. We are on our way back to his hotel."

"Are you just staying in a hotel here, Mr. San Diego? Where? I can arrange a presidential suite for you at either Skylark Hotel or MQ Heavens. Just tell me where you're staying at so my driver can pick you up. It's the least I can do for the CEO of our ad agency."

Tumayo na agad si Magnus at magalang na tumanggi kay Gunter. "Let's go na, anak?"

"Okay, Dad," masunurin namang pakli ni Shelby. "See you around, Gunter. And thanks for the offer," sabi naman ni Shelby sa lalaki na ngayo'y medyo disappointed na. Nahiya rito ang dalaga dahil pakiramdam niya naging halata ang biglaang desisyon ng amang umalis agad sila roon. Hindi pa kasi niya napangalahati ang inorder na lasagna. Sigurado siyang napuna iyon ni Gunter.

Nang malayu-layo na sila kay Gunter, binalingan ni Shelby ang dad niya.

"Bakit bigla-bigla naman tayong umalis doon, Dad?" natatawang tanong ng dalaga rito.

"I do not want to share you with anyone when I only see you a few times in a year. Plus, he seemed interested in you when he's already engaged!"

Napabungisngis si Shelby.

"Hindi ba't ganoon din kayo ni Mom noon? You were interested in her and was trying to pursue her subtly but you were already engaged at that time."

Naging defensive agad si Magnus. "I was different. I was really into your mom! But that guy? Malay natin. Baka gusto ka lang gawing conquest. I haven't recovered yet for what that bastard Alfonso did to you. I do not want to experience another blow. Baka hindi ko na kayanin! Matanda na ako. I do not want to deal with another heartache of yours."

Natigilan si Shelby. Sumeryoso siya bigla at napatingin nang matiim sa ama. Ibig palang sabihin ay hindi niya ito naloko. Inakala pa naman niyang nakumbinse niya itong wala lang sa kanya ang pagpapakasal ng dating nobyo sa ibang babae. Hindi pala.

"Kayo rin po ang nagsabi. Malay natin. Plus, I am not into blond guys, Dad."

Kunwari'y itinirik ni Magnus ang mga mata. "That's what you said about Alfonso before. You were not into footballers. Pagkatapos nalaman na lang namin ng mga kapatid mo na kayo na pala."

Napakamot-kamot ng ulo niya si Shelby. Wala pala siyang nailihim dito.

**********

"What the fvck did you do to Magnus San Diego?" walang kagatul-gatol na salubong ni Mr. Stevenson kay Gunter nang pumasok ito sa conference room sa sixtieth floor ng Skylark Quandt Building. Kakitaan ng pagtataka ang binata. Sa isipan niya, ano ang ikinagalit ng matandang ito? Tumaas ang value ng stocks ng lahat na pharmaceutical companies na hawak ng Skylark Corporation matapos maibalita ang napipintong ad deals nila sa MS and S Advertising Agency. Naambunan sila ng good reputation ng mga ito. Dapat nga nagsasaya ang kanilang COO. At saka ano naman ang posibleng gawin niya sa CEO ng ad agency na iyon? Pumayag na nga siya sa lahat ng kondisyones ng mga iyon, di ba? Magsa-sign na nga sila ng kontrata ngayon.

"It's already ten in the morning. They're late," pahayag niya nang makaupo na sa kabisera ng conference table. Lahat ng board of directors pati na ang pinuno ng marketing at finance ay nakatingin sa kanya in a strange way.

"What?" nagtataka niyang tanong sa mga ito. Dahil mukhang walang magsasalita sa kanila, binalingan niya si Frederick na nakatayo lamang sa kanyang tabi. Ito ang tinanong niya.

"Sir, MS and S Ad Agency backed out. They changed their minds. They are not pushing through with the deal," balita sa kanya ng assitant sa mahinang tinig.

Natigilan si Gunter. Nag-back out ang MS and S? Imposible! Pumayag na nga siya sa lahat ng demands ng mga ito! Tinaasan pa niya ng halos kalahating bilyong dolyar ang bayad para sa kanilang serbisyo sa loob ng isang taon tapos nag-back out lang?

"Did they say why?" tanong niya to no one in particular, pero may kutob na siya kung ano ang dahilan. Gusto niya lang makuha kung may ganoong suspicion din ang isa man sa kanila.

Napatayo at nagpalakad-lakad sa loob ng conference room si Mr. Stevenson. Galit na galit ito. Kung kailan daw kasi umarangkada na ang stock price ng pharmaceutical firms nila sa pagkakabalita lang kamakailan ng local newspaper tungkol sa napipintong deal nila with the most prominent ad agency in New York, heto't nagpasabi ang CEO no'n na hindi na sila interesado sa deal. At sinabi ng matanda na may kutob daw itong may kinalaman dito si Gunter.

"I'm sure they just want to demand for more money," salungat naman dito ni Gunter. "How much can we shell out for this goddamn contract?" naiiritang tanong ng binata sa finance director.

"We have already offered them the highest possible amount that we can give," sagot ng finance director sa tonong tila hopeless. Maging ito'y nagtataka kung bakit pa tinanggihan iyon ng naturang ad agency. "Anyone in the advertising business knew it was the best deal."

"Double the amount," walang kagatul-gatol na utos ni Gunter dito.

"What?!" Si Mr. Stvenson uli. "No! We cannot afford it! The only thing I'm shocked is, why the sudden rejection? Everything seemed polished. The last time I talked to Mr. San Diego, he was very eager to close the deal. We have even made arrangements for the photoshoot of the first TV commercials that we will do with them."

Tumingin ang matanda kay Gunter. Pinakita na talaga sa binata ang pagdududa nito. Napabuntong-hininga naman ang huli saka biglang tumayo. Sinenyasan nito si Frederick na sumunod sa kanya. Nang nasa pintuan na, saka lang ito nagsabi ng, "Meeting adjourned. See you later, boys."

**********

Humalik sa magkabilang pisngi ng nakasalubong na hipag na si Alexis si Shelby bago nito iniwan ang babae sa harap ng elevator at dumeretso na siya sa upisina ng ama na nasa dulo ng pasilyo. Isang mahinang katok sa pinto ang pinakawalan ng dalaga bago binuksan ito nang dahan-dahan. Ang plano niya sana sorpresahin ang ama, pero siya ang nagulat sa nadatnan doon.

"Kuya Marius!" At masigla niya itong nilapitan saka hinalikan nang matunog sa isang pisngi. "I thought you already left for Manila the other day."

"Well, I decided to stay for a few more days. Dad said we have some kind of a problem here." At ngumiti ito sa kanya. Saka ito naman ang humalik sa kanyang pisngi at niyakap pa siya nang mahigpit.

"I just told your brother about your stolen designs. Why don't you quit working in that company and build your own? We are more than willing to give you a loan to start your business."

Napasimangot agad si Shelby sabay sabi ng, "No, Dad. I want to do it on my own. I'll build my own empire with my sweat and blood."

"Empire?" Tumawa si Magnus. Napabungisngis naman si Marius.

"You come here, little girl." At hinila siya ng kapatid saka pinaupo sa kandungan nito.

Iyon ang naabutang eksena ni Gunter Klaus Albrecht. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Marius tapos kay Shelby saka ngumiti ito nang malawak.

"Hi there! We met again," sabi pa ng binata kay Marius. Napaalis agad sa kandungan ng kapatid si Shelby. Si Marius nama'y mukhang nalito. Napasulyap muna ito sa ama at sa kapatid bago napatingin sa bisita.

"Excuse me?" tanong niya kay Gunter.

Inunat ni Gunter ang kanang kamay. Marius shook it reluctantly. Tapos kinlaro dito kung paano raw sila nagkakilala.

"I also attended the fashion show."

Tumikhim si Shelby. "It was my other brother, his twin," pagpapaliwanag dito ng dalaga.

"Oh! I'm sorry." At napangiti uli si Gunter. Napansin na naman ni Shelby ang cute na cute nitong dimples. Like always, tila umaaliwalas ang langit kapag nangiti ito. She could stare at him forever, she thought. Pinagalitan agad niya ang sarili nang tumimo sa isipan ang naisip niyang iyon.

Tumayo na si Shelby nang matuwid at pinakilala nang pormal si Gunter sa kapatid. At habang ginagawa niya iyon, napansin niyang mas sa kanya nakatutok ang paningin ng binata kaysa sa kuya niya. Dahilan para kumunot ang noo ni Marius. Napabaling ang huli sa ama at tila may itinanong. To which Magnus said yes. Ngayo'y tuluyan nang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. He eyed Gunter with hostility.

"It's nice to meet you, Marius," masiglang bati ni Gunter.

"Mr. San Diego."

"I'm sorry?" Si Gunter ulit.

"Mr. San Diego. That's my name. That's how I want to be addressed."

Natigilan si Gunter. Pero mabilis itong nakaintindi. Tumangu-tango siya. Without further adieu, sinabi niya sa mag-aama ang pakay niya sa pagpunta roon. Sinabi rin niyang dinodoble niya ang halaga ng previous offer nila sa MS and S Ad Agency to which both the San Diego men said 'NO!' without batting an eyelash. Si Shelby na nakikinig lang sa isang tabi ay napantastikuhan sa inasal ng kanyang ama at kuya. Tingin niya unfair naman iyon sa hipag niyang si Alexis na kung ilang buwan ginawa ang research tungkol sa mga pharmaceutical companies na iyon at sa ilang linggo pang pagpupuyat sa marketing proposal.

"Excuse us for a while, Gunter," sabi niya sa lalaki sa mahinahong tinig.

"Gunter?" Si Marius na naman. He eyed Shelby with suspicion. "May dapat ba kaming malaman sa kung ano talaga ang halaga ng taong ito sa iyo?"

Tumawa ang dalaga. "Grabe ka, Kuya. Kailan ko lang ito nakilala. Relax." At hinalikan ito ni Shelby sa pisngi. But unlike a while ago, she was not able to make him smile with her kiss. Her Kuya was dead serious this time. Tinapunan pa nga ng masamang tingin si Gunter.

Si Gunter naman hindi nagpa-intimidate. Kakitaan pa rin ito ng mataas na kompyansa sa sarili. At nakompirma na niya ang rason kung bakit umayaw na ang CEO ng ad agency na makipag-deal sa kompanya niya. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa. He vowed to make them all say yes to him. To both the contract and to him pursuing their only girl.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top