CHAPTER SEVENTEEN

"I'm sorry if I'm a mess," sabi ni Shelby sa binata sabay tulak dito nang marahan.

Mabilis niyang pinahiran ang mga luha ng kanyang mga kamay. Natulala siya nang bahagya nang makita ang puting panyo sa kanyang harapan. Binibigyan pala siya ni Gunter ng pamunas sa hilam sa luha niyang pisngi. Kinuha niya iyon at maingat na dinampi sa mukha.

"I'll return this to you first thing tomorrow," sabi niya kay Gunter.

Na sinagot naman ng binata ng mabilis na pag-iling. "No. You keep it."

Napatingin lang saglit dito si Shelby at nilakad na ang natitira pang distansya papunta sa kanyang sasakyan. Sinundan siya ni Gunter.

"About Adeline---"

"You do not need to explain," sabat ni Shelby. Kalmado at relaxed na ngayon ang tinig. Parang na-kontrol na niya uli ang emosyon.

"I want to. I need to. I mean, I want to make you understand where Adeline stands in my life. She is just my ex. No more, no less."

Tumangu-tango rito si Shelby. Pero sa loob-loob niya'y iba ang kanyang iniisip. Mas matimbang ang kanyang nasaksihan noong isang araw. Kakaiba ang sweetness ni Gunter sa babae. Hindi lamang parang isang ex ang turing nito rito kundi parang sa isang espesyal na tao.

"Do you believe me?" tanong ni Gunter sa dalaga.

"Does it matter?" balik tanong naman ni Shelby rito.

"Of course, it does!"

"Okay. I do believe you. But I need to go home now. I have an early start tomorrow." At pumasok na sa sasakyan niya si Shelby.

**********

"Boss, how was it?" tanong agad ni Frederick kay Gunter nang bumalik na ito sa pinag-iwanan niya sa assistant. Nakasandal sa sasakyan nila ang huli at tila nakikinig sa music nang datnan niya. Nakisandal na rin doon si Gunter at napahugot ng malalim na hininga.

"Don't tell me you were not able to make her say yes again this time?" dugtong pa ni Frederick. "I saw you a while ago. You were almost about to kiss her!"

"Almost. Yeah. Almost," parang wala sa sariling pakli ni Gunter. Tila nayayamot ito. Nasipa niya pa ang gulong ng sasakyan sa unahan. Napabungisngis si Frederick. "I was almost there, goddamnit! That bitch---that Adeline spoiled everything!"

"Adeline? What does she got to do with you and Ms. San Diego? She's already a thing of your past. Why is she still an issue?"

"I do not know why!"

Napukpok ni Gunter ang hood ng kotse niya. No'n na nagseryoso si Frederick. Parang nag-isip ito. Tapos, may binanggit sa amo na ikinagulat nito.

"What? What do you mean she read about what?"

Makikitang dinukot ni Frederick ang cell phone sa bulsa at may pinindot-pindot ito. Mayamaya pa ay may pinakita na itong artikulo kay Gunter. Napanganga ang huli sa larawang ginamit para sa artikulong iyon. Tila masuyo niyang inaalalayan si Adeline sa pagkababa nito sa sinakyang Bentley car. Ang headline ng naturang artikulo? Nagkabalikan daw sila diumano ng nobya!

"Fvck! Who wrote this fvcking shit?!" galit na galit na tanong ni Gunter kay Frederick. Ito pa ang nakwelyuhan imbes na nagbalita lamang ito.

"Wait, boss! I'll try to find out," sabi nito sabay agaw sa cell phone mula sa mga kamay ng amo. Binutingting na naman niya ito at mayamaya pa'y may pinapakita nang pangalan kay Gunter.

Christopher P. Ferguson.

"Why is the name familiar to me, Frederick?" tanong ni Gunter sa assistant sa tonong malumanay na pero hindi kaila ang matindi nitong galit.

"That was the same writer who wrote about Ms. San Diego stealing some designs of Ms. Carlota Kolisnyk," pagpapaalala rito ni Frederick.

Awtomatikong napakuyom ang mga palad ni Gunter pagkarinig doon. Kaagad itong umikot sa passenger's side at pumasok na sa loob ng sasakyan. Mabilis ding sumunod si Frederick dito at pinaandar na nito ang sasakyan. Tila nagkaintindihan na sila ng amo kung saan patungo nang gabing iyon.

**********

Nagulat si Shelby nang sa pagdalaw niya sa dati nilang condo ni Dane ay madatnan na roon ang kaibigan. Nagtatatalon siya nang makita ito. Sinugod niya agad ng yakap at halik sa pisngi si Dane.

"How are you? It's been a long time! I missed you so much!"

Tumatawa namang niyakap siya ni Dane. "Ano ba! Parang ilang taon tayong hindi nagkita. Para ten week lang, eh."

"Ten weeks lang iyon?! It felt like a lifetime! Ugh!" At binalita rito agad ni Shelby ang mga kaganapan sa fashion house pati na ang unti-unting pag-angat ng kanyang pangalan."Can you believe it? Almost all royal princesses in Europe are coming to me now for their gowns!"

"I heard about them, too! I am soooo excited for you! Hindi ba sinabi ko naman sa iyo noon pa na malayo ang mararating mo?" natutuwa ring pakli ni Dane. Ganunpaman, may napansin pa ring kakaiba rito si Shelby. Parang hindi umabot sa mga mata nito ang kagalakan.

"Are you all right, Dane?"

Bago pa iyon masagot ng babae ay may tumawag sa cell phone niya. Mayamaya pa'y lumabas ito ng veranda at doon sinagot ang tawag. Habang pinagmamasdan ito ni Shelby mula sa living room dahil nakahawi ang kurtina, napansin ng dalaga na tila galit na galit si Dane na nakikipag-usap sa kung sino man ang sa kabilang linya. She wondered who was it.

**********

Sa pagkakalabas ng balitang napili ng isang Reyna ng Versailles, isang maliit na kaharian malapit sa Pransiya, ang Shelby Madeline San Diego Fashion House na maging opisyal na mangangasiwa ng damit ng lahat ng miyembro ng kanyang pamilya, pumutok muli ang alegasyon ng pagnanakaw diumano ni Shelby ng disenyo ni Carlota Kolisnyk. Nagpa-interview pa ang naturang fashion designer sa malalaking news outlet sa NYC para siraan ang dalaga. May kutob si Gunter na malaki ang kontribusyon dito ng kanyang ina kung kaya ay sinadya niya ito sa kanila.

"Are you accusing me of masterminding this conspiracy theory to sabotage that Philipino girl's reputation?" hindi makapaniwalang balik-tanong sa kanya ng ina. Tila napantastikuhan ito sa narinig. Nabitin nga sa ere ang kopita ng red wine na iinumin sana nito.

"Aren't you?" sabad dito ni Henry Albrecht na kanina pa nakamasid lang sa kanyang mag-ina.

"Why? Are you accusing me, too?" galit na baling dito ni Mrs. Albrecht.

Si Gunter ay dismayadong-dismayado na ngayon. Palakad-lakad ito sa living room sa harap ng mga magulang, looking tensed and frustrated. Nakakuyom ang kanyang mga palad. Parang gusto niyang manuntok. Kaso nga lang, mga magulang niya ang kanyang kaharap.

"I cannot believe you can stoop this low, Mom!" sabi na lang nito sa mahinang tinig.

"I didn't do anything! How dare you accuse me of something I didn't do!" bulyaw naman sa kanya ng ina. Nakatayo na ito at nagkukunwari namang sumakit ang dibdib. Napatingin dito ang asawa tapos napasulyap sa anak na ngayo'y larawan ng hindi matatawarang galit.

Makikitang napaisip-isip ang patriarch ng pamilya. Mayamaya'y napatayo rin ito at tinapik sa balikat ang anak. "Relaxed," sabi nito.

"How can I relax Dad, when Shelby's efforts in wooing that Queen of Versailles to get her services will be put to waste?"

Tipid na napangiti si Henry Albrecht. "I haven't seen you like this before."

Natigilan si Gunter. Napatingin ito sa ama. Pareho nilang hindi pinansin ang pagdadrama ni Mrs. Albrecht na ngayo'y nakapamaywang na sa kanila. Magkasalubong na ang mga maninipis nitong kilay.

"If you are really into this girl, then do something. Confronting your mom about this will not solve the problem. I can give you the King of Versailles number if you want," malumanay na sabi pa ni Henry Albrecht sa anak. Nang marinig ito ng asawa, lalong hindi maipinta ang mukha nito sa galit.

"What do you think you're doing, Henry Klaus Albrecht?!"

Sumulyap lang dito si Mr. Albrecht at walang pasabi na umalis na ng living room. Si Gunter naman ay lumabas na rin ng kanilang bahay. Ni hindi na rin nito nagawang magpaalam pa sa ina. Umalingaawngaw sa buong mansyon ang sigaw sa galit ni Madame Margaux Quandt Albrecht.

**********

"Surprise!" napatalon sa gulat ang dating yaya ni Shelby nang bigla na lang itong ginulantang ng dalaga habang nagdidilig ng halaman sa kanilang hardin sa bahay sa Alabang. Simula nang napunta siya ng New York, naging katuwang na ito ng mommy niya sa mga alagang orchids dahil wala na siya na inaalagaan nito.

"Shelby, bebe gurr!" At napayakap sa kanya si Aling Mercedes. Pinupog pa siya nito ng halik. Pati ang hose na pinandidilig sa halaman ay nabitawan pa. "Bakit hindi ka nagpasabi man lang, bebe gurr? Ikaw talaga!"

Bago pa masagot ito ni Shelby ay nagsisisigaw na ito sa buong kabahayan na dumating na nga ang alaga nito. Nagsilabasan tuloy ang lahat na mga katulong ng pamilya San Diego at tuwang-tuwa na sinalubong ang kanilang prinsesa. Ang mommy ni Shelby ang huling lumabas. With arms outstretched, sinalubong nito ang anak. Tumakbo naman sa mga bisig ni Sheila si Shelby.

"Kumusta, 'nak? I heard you're making headlines in NYC?" proud na proud na sabi nito.

Ngumiti lamang si Shelby dito. Hindi naman kasi likas na mayabang. "Ang Daddy pala? Mas nauna pa siya sa akin dito sa Pilipinas, ah."

"Yeah. But he went to his office right away. Something came up daw and he needed to attend to it ASAP. Pero dito raw iyon manananghalian kaya makakasalo rin natin siya."

Ngunit ang pangakong salu-salo sa pananghalian ay hindi natuloy. Wala pa rin ang patriarch ng San Diego family kahit nang gabing iyon. Nabahala si Shelby. Nang dumating na lang ito nang halos maghahatinggabi na niya nalaman ang dahilan.

"I've told you many times not to get involved with that fashion house," sabi nito kay Shelby nang usisain ng mag-ina kung bakit ito umuwi nang sobrang late na.

Pagkarinig doon, nabahala hindi lamang si Shelby kundi pati na rin si Sheila.

"Bakit?" halos ay sabay na tanong ni Sheila at Shelby kay Magnus.

"They're making your daughter appear like she was some kind of a thief. Here, look at the headline in this newspaper in NYC."

Kapwa na napatingin sa cell phone screen ni Magnus ang mag-ina. At natutop nila pareho ang mga bibig. Sa sobrang pagmamadali ni Shelby na makauwi kahit saglit lang, hindi nito nabasa ang recent news sa New York City. Kampante kasi siya na kung ano man ang nangyari noon ay nagawan na ng paraan. Sa pagkakatanda niya, kahit na hindi naging maganda ang pagbibitiw niya sa Margaux Quandt ay nangako pa rin ang HR nito na hindi na siya gagambalain pa dahil inaako nito ang nagawang kapabayaan din sa pag-iingat sa kanyang mga disenyo noon. Tapos bigla na lang silang magpapalabas ng balita na kaya siya napaalis sa Margaux Quandt ay dahil sa pagnanakaw ng designs?

"I spent the entire day coordinating with our people in New York to settle this issue once and for all. I was told, somebody is also fixing it, as we speak." Tapos bumaling si Magnus kay Shelby. Makahulugan ang tingin nito sa anak.

Dahil siguro umiwas ang anak na salubungin ang kanyang mga titig, diniretso na nito ang bunso. "Just what is your relationship with Mr. Gunter Albrecht, Shelby?"

Pagkarinig sa pangalan ni Gunter, nakaramdam ng pag-iinit ng katawan si Shelby, hindi sa kung ano pa mang erotic na dahilan kundi sa sobrang excitement. Kinilig siyang hindi maintindihan.

"What do you mean, Dad?" pagmamaang-maangan niya rito.

"Why is it that he seemed to be too concerned about you, Shelby? Our people were just about to initiate the damage control strategy they were able to come up with, but this guy had already done what my men were supposed to do."

"Nagawa ni Gunter Albrecht iyon? Ang bait niya talaga!" natutuwang bulalas ni Sheila at napangiti pa ito nang malawak. Nagseryoso lang ito nang tingnan siya nang masama ng asawa. "Bakit?" tanong niya rito. "Hindi ka ba natutuwa na kahit wala ka --- tayo sa NYC ay may nagmamalasakit sa ating bunso?"

"Hindi simpleng malasakit iyon. He has something in mind."

"Something in mind? Like pakitang-gilas? Eh ano naman ngayon? Natural lang sa isang binata na magpakitang gilas sa babaeng napupusuan niya," pangangatwiran naman ni Sheila.

"Shelby deserved someone better. He is not a keeper. Papalit-palit siya ng nobya. Ni walang tumatagal sa kanya. Iyon ba ang gusto mo sa bunso mo?"

"Dad! Ang advance mo mag-isip. For all we know, nagmamagandang-loob lang ang tao. Ni hindi pa nga nanliligaw iyon, eh."

Pero siyempre, deep down alam ni Shelby na may ibang motibo si Gunter and she kind of like his motives. Kaso nga lang, medyo nababagalan siya rito nang kaunti dahil unlike Alfonso before na he let her know his feelings loud and clear in plain language, si Gunter ay mahilig sa palipad-hangin, wala namang klarong sinasabi. Nag-propose nga ni hindi naman nagsabi ng 'I love you'. Ano ba naman iyon.

"I'm a guy so I know better. At tungkol sa panliligaw, hindi ba ganoon na rin iyon? I heard he sends you flowers almost everyday."

"Gunter sends you flowers almost everyday?!" halos ay hindi makapaniwalang tanong ni Sheila sa anak. Namilog ang mga mata nito. "Ang ibig mo bang sabihin, iyong mga exotic bouquet sa website mo ay galing sa kanya?"

Nahihiyang tumangu-tango si Shelby. "Wow!" Kinilig si Sheila. Lalo itong sinimangutan ni Magnus. Niyaya na itong pumanhik na raw sila sa kanilang kuwarto tapos binalingan ang anak na mag-ingat daw ito kay Gunter.

**********

Ina-ambush interview ng mga reporters si Carlota Kolisnyk habang papasok sa isang exclusive restaurant for the NYC elite nang mamataan ito ni Gunter. Naka-tune in kasi ang TV nila sa kotse sa isang news outlet na siyang nagko-cover ng latest na kaganapan sa fashion industry. Pareho silang nagulat ni Frederick nang makita roon ang mukha ng babae at tila enjoy na enjoy sa paghahabi ng kanyang kasinungalingan.

"Where the fvck is that?" galit na tanong ni Gunter sa assistant.

"I think I know where that is," sagot ni Frederick at pinaarangkada na nito papunta roon ang sasakyan. Saktong paulit-ulit na sinasabi ni Ms. Kolisnyk ang salitang 'thief' nang datnan ni Gunter. Dala na niya ang alas na sisira sa babae.

"Do you need to stoop this low to gain attention to your lame designs, Miss Kolisnyk?" sabat ni Gunter sa malakas na boses. Napalingon sa kanya ang mga reporters na nag-iinterview sa babae. Ang iba sa kanila ay binaling ang camera sa kanya.

"Mr. Albrecht! It's good to see you!" masiglang bati kunwari ng babae kay Gunter pero hindi umabot sa mga mata nito ang kasiglahan ng boses. Tila nakitaan pa ito ni Gunter nang bahagyang pagkatakot na pilit na nilalabanan.

"I wish I can say the same to you, Ms. Kolisnyk. But just the sight of you make me want to wish I'm blind."

Napasinghap ang mga naroroon. May napa-ouch naman at napangisi pa.

Kakitaan ng pagngiwi si Carlota Kolisnyk. Ang pagngiwi ay nauwi sa hayagang pagpapakita rin ng dismaya at galit.

"Why do you have to lie?" patuloy pa ni Gunter. Nang patuloy pa nitong pinanindigan ang kasinungalingan, tinawag ni Gunter si Frederick upang ipakita ang photocopy ng tsekeng binigay dito ni Adeline para sa pagpapanggap na ninakaw daw ni Shelby ang disenyo. "You were the one who stole Ms. San Diego's design with Adeline's help to destroy her aspiration to be a fashion designer. You and I know you are now history when it comes to fashion designs. Your work is trash. And this offer from Adeline was just in perfect timing. You were already going downhill where fashion design is concerned so you thought you could use some extra money from scheming Adeline to finance your business which was already losing money."

"How dare you!" galit na sigaw ni Carlota Kolisnyk. Dinuru-duro nito si Gunter. Nagtangka pa sana ang dalawa nitong bodyguards na puntahan si Gunter at kwelyuhan ito, pero mabilis na nakapaligid agad ang mga journalist kay Gunter at ito na ang ininterbyu nila nang ininterbyu.

Lingid kay Gunter ay may nakamasid pala sa kanila kanina pa at ngayo'y ngingiti-ngiti itong nakasandal sa kotse niya habang pinapanood ang kaganapan mula sa hindi kalayuan. Gunter saved him from going forward and punching everyone in the face, especially that bitch. Naiisip nito ngayon na sayang ang pag-iidolo nito nang matagal sa asawa n Carlota Kolisnyk. Sayang na sayang.

**********

Napaluha si Shelby nang makita sa TV screen ang ginawang pagtatanggol ni Gunter sa kanya. At the same time, siyempre kinilig din siya nang husto. Hindi niya sukat-akalain na kaya nitong ilagay sa alanganin ang pangalan ng dating nobya para sa kanya.

"Oy, kinilig!" panunudyo sa kanya ng yaya.

Hindi na ikinaila ng dalaga ang damdamin dito. "Yaya, kahit ba hindi nag-I love you ang lalaki pero pinaparamdam sa iyo na espesyal ka, okay na ba iyon?"

"Oo naman. Sobrang okay! Aanhin mo ang I love you kung hanggang I love you lang? Madali mag-I love you, pero mahirap magpakita ng tunay na love."

Napangiti nang malawak si Shelby at nayakap nito ang yaya sabay impit na tili. Ganoon sila nadatnan ni Morris. May sinabi ito tungkol sa interview niya raw sa isang Philippine fashion magazine. Kakitaan ng kalituhan ang dalaga.

"What interview?" tanong nito sa kapatid.

"The interview you have with Talitha Zaragoza. You have forgotten already?"

"Kailan ba iyon?"

"Today. At lunch time."

Napanganga si Shelby. Hindi na siya pupwede. Kailangan na niyang lumipad pabalik ng NYC mamayang hapon. She has to see the Queen of Versailles herself and tour her around the city.

"Oh, I'm so sorry. Pasabi na lang na next time na lang kamo."

Morris sighed in exasperation. Parang hindi nito nagustuhan ang pagkansela ng interview. Daig pang ito ang na-disappoint niya. Pinangunutan ito ng noo ni Shelby.

**********

"Good morning, Miss---" anang sekretarya na nasa labas lang ng silid ng CEO.

"San Diego. Shelby San Diego. Good morning."

"San Diego. Do you have an appointment with us?" At tiningnan nito ang organizer sa harap ng desk at hinahagod na nito ng tingin ang kabuuan niyon para hanapin ang pangalang San Diego.

"Oh no. I have no appointment with Mr. Albrecht, Mrs. Smith," nakangiting pakli rito ni Shelby.

Tiniklop ni Mrs. Smith ang kanyang organizer at nginitian nang mapakla ang dalaga. "I'm sorry, Ms. San Diego. No appointment means you cannot see Mr. Albrecht. That's the rule here."

"Oh." Kakitaan ng disappointement ang dalaga. Ganunpaman, hindi siya agad pinanghinaan ng loob. "I'll wait for him here until he's available to ---"

"I'm sorry, Ms. San Diego. You cannot do that. We cannot let visitor wait here in the lounge if they have no appointment with Mr. Albrecht."

"Oh. Okay. I'll just come back some other time then."

Tumayo na si Shelby mula sa kinauupuang couch at dederetso na sana sa harap ng elevator nang lumabas mula sa upisina ni Gunter si Mr. Stevenson na halatang dismayado. Lulugu-lugo ang matanda. Pero pagkakita nito kay Shelby ay tila bumuka ang mga mata nito na daig pa ang nakakita ng magandang oportunidad.

"Ms. San Diego! It's good to see you here!"

Nagulat si Shelby. Napakurap-kurap ang mga mata nito at tiningnan nang mabuti ang matandang puti. Sa lubos ng kanyang makakaya ay inalala niya kung saan sila nagkita ng lalaki subalit hindi niya talaga natatandaan.

"Mrs. Smith, why didn't you let her in right away?" baling ng matanda sa nalilitong sekretarya. Medyo kinakitaan pa ng pagkatakot ang babae nang makitang tila hindi magkandatuto na ang kanilang COO sa pag-estima sa magandang dalaga.

"Come, Ms. San Diego. I am very sure, Mr. Albrecht will be very pleased to see you."

Napanganga si Shelby. Ikinagulat niyang ang lalaking mukhang may mataas ding katungkulan doon ang siya pang nag-escort sa kanya papasok sa loob ng silid ni Gunter.

**********

"Who the fvck gave the consent to acquire these fvcking buildings? These are not good investments! We will be losing a lot of money for these ventures!" galit na sigaw ni Gunter at hinahampas-hampas pa niya ang folder na may lamang deed of sale ng naturang gusali sa kanyang mesa. Paikot-ikot na siya sa kanyang silid sa sobrang galit.

"I think your COO wanted to surprise you, boss," nakangising wika ni Frederick. May himig pagbibiro ang boses. Nagseryoso ito nang makitang umuusbong ang galit ng amo. Tumahimik siya sa isang tabi.

"Tell everyone not to let that bastard come in my office until I tell them! That's an order! I repeat! I do not want to see Mr. Stevenson's face for now!"

May narinig silang mararahang katok. Tapos sumilip si Mr. Stevenson. Nanggagalaiting pinanlakihan ito ng mga mata ni Gunter at itinaboy agad. Pero ang matanda ay pumasok pa. Galit na umabante si Gunter para sana ito mismo ang kumaladkad sa lalaki nang mapatda siya at hindi natuloy sa pag-aabante nang makita kung sino sa likuran nito.

"I have someone here with me. She was supposed to leave the building because Mrs. Smith found out that she got no appointment with you when I saw her by the elevator. So I told her, no. She must see you whether she has an appointment or not."

"Good morning, Gunter. It seemed like my timing is not good," bati sa kanya ni Shelby. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Mr. Stevenson tapos ay umatras nang kaunti. "Okay, I'll just come back some other time."

"No!" pigil agad ni Gunter nang makita si Shelby. "Your visit is always good timing. Please come inside," maagap na sabi pa rito ng binata.

Tumikhim-tikhim si Gunter para bumalik sa normal ang tono ng boses niya. Ang tagal siguro ng pagsigaw niya kay Mr. Stevenson at Frederick kung kaya medyo namamaos ang kanyang tinig.

Ang dalawang lalaki sa tabi na sina Frederick at Mr. Stevenson ay nagpalitan ng tingin. Bigla kasing naging parang maamong tupa ang isang Gunter Klaus Albrecht. Kung kanina'y galit na galit ito kay Mr. Stevenson at pinalayas pa ora-orada, ngayo'y sinabihan na magkita raw sila mamayang hapon para pag-usapan ang Peruvian ventures, ang puno't dulo ng galit ni Gunter kanina.

"This is a huge surprise, Shelby," parang nininerbiyos na sabi ni Gunter sa dalaga nang silang dalawa na lang doon. "I cannot believe that I am seeing you here in my office right now."

"I just want to personally thank you for all that you did for me. Thank you so much, from the bottom of my heart. I saw what you did for me on the news. Miss Kolisnyk camp has reached out to me already to settle the issue once and for all. They promised not to bother me again."

"That's good. I am happy to hear that."

"The Queen of Versailles already signed the deal with me. Thank you for that, too. I am very happy." At ngumiti na si Shelby. Pakiramdam naman ni Gunter tumalon-talon ang kanyang puso. Weird. He had not felt this way in a long time since junior high school. Kailangan niyang kontrolin ang sarili. Hindi na siya isang tinedyer na basta na lang nae-excite sa mga ganitong bagay.

"I also came here to tell you that---I believe you now."

Na-disorient si Gunter. Believe him daw? For what? Hayun na naman at ngumit na naman sa kanya si Shelby. Napalunok siya nang ilang beses.

"Believe me on ---what?" Hindi na niya ikinailang nawala siya sa usapan.

"That you and Adeline are no longer an item."

Pagkasabi niyon ni Shelby daig pang nag-sommersault ng puso niya. Hindi na niya masupil ang paglitaw ng malawak na ngiti. Lumapit siya sa dalaga at hinila ito palapit sa kanya. Imbes na itulak siya nito, which was what he expected, nagpaubaya ito. Nang niyakap niya ito nang mahigpit, yumakap din ito sa kanya nang ganoon din kahigpit. He was so ecstatic!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top