CHAPTER SEVEN

May buti ring naidulot ang pagsali ni Shelby sa in-house fashion show nang dalawang beses. Natalo man siya ni Katarina Horvathova at ito ang napili bilang assistant ni Lord Randolph,  nabigyan naman siya ng break. Hindi na siya bumalik sa pagiging sample maker buhat nang gabing iyon. Binigyan din siya ng sarili niyang mga mananahi at sample makers. Kaso nga lang paminsan-minsan, katulad ngayon parang gusto na niyang sumuko at tumayo ng sariling fashion house. Kahit kasi wala na roon si Katarina ay hindi pa rin siya ipinalit sa nabakante nitong posisyon. Ang pinoproblema lang niya'y wala pa siyang sapat na exposure sa industriya dito sa Amerika. Iba naman kasi ang New York kung ikompara sa Pilipinas. Sa sarili niyang bayan, nagkaroon na rin siya ng munting pangalan at naging suki pa ng ilang celebrities, kaso lang ang karamihan doon ay dahil sa pasekretong panggagapang ng mom niya. Naging kaibigan nito kasi ang ilang movie producers na nakilala sa pagdalo-dalo sa mga aktibidades ng parents and teachers sa St. John's. Dahil sa koneksiyon nito ay nairekomenda ang mga gawa niya sa mga sikat pang artista. Naipagpasalamat naman iyon ng dalaga sa ina, but then deep inside it didn't make her feel good. Ayaw niya kasi ng ganoon. Ang gusto niya lumalapit ang mga kliyente sa kanya hindi dahil may kaugnayan sa kanyang pamilya kundi'y dahil totoong nagustuhan ang mga disenyo niya.

"Hay naku, Shelby. You are so idealistic! Ang iba nga riyan halos ginagawa lahat para mabigyan lang ng ganyang pabor na iniiwasan mo, tapos ikaw aayaw-ayaw ka pa? We have to admit it. Sometimes, success is partly due to connections rather than real talent and skill."

"Ayaw ko nga ng ganoon. I want to make it on my own. Total naman, I do not need money to survive." At nginitian niya si Dane bago ito kinurot sa pisngi. "I have to go. Pakabait ka rito!"

Tumatawang tumakbo na palabas ng condo unit nila si Shelby. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nasa bus terminal na siya na magdadala sa kanya sa Margaux Quandt. Pagdating sa gusali, may napansin siyang kakaiba. May namataan siyang dalawang men in black na nakatayo sa harapan ng building. Naka-Amerikana sila ng kulay itim, sunglasses na itim at makintab na itim na sapatos din. Palagay pa niya ay mga armas ang nakabukol sa kani-kanilang tagiliran.

"Who's in the house?" pabulong niyang tanong sa security guard na kumapkap sa kanya.

"It's the one and only princess," sarkastikong sagot ng itim guwardyang babae. She even rolled her eyes. Naintriga tuloy si Shelby kung sino ang bumisita sa Margaux Quandt.

Pagdating niya sa kanyang working area, mas matindi ang excitement doon. May kung anong nagpapa-'kilig' sa mga tauhan niya. Naisip tuloy niya si Gunter. Iyon lang naman ang naging VIP client niya so far. At sa tuwing nagpapasukat iyon sa kanila, halos maihi sa tensyong sekswal ang mga babae niyang mananahi at sample maker.

Nagpalinga-linga ang dalaga. If he was here before her, siguradong masasamyo pa rin niya ang cologne nito. Ganoon ka tapang ang presence ng taong iyon. Not that she disliked the strong scent. Katunayan, gusto niya iyon. Kasi iyong ginagamit no'n ay galing din sa gumagawa no'ng paboritong scent ng daddy niya.

Naalala niya ang sinabi ng guard. Princess. Ibig sabihin babae ang VIP na dumalaw sa Margaux Quandt. Kapatid kaya ni Gunter Albrecht? Ngunit ayon sa ginawang research ni Dane dito, only child daw si Gunter.

Bago pa siya makabuo ng isa pang hinuha, bumukas ang kanyang upisina at pumasok ang isang napakagandang blonde woman. From her make up to her clothes and purse, Shelby thought she could be a 'somebody'. Ito kaya ang prinsesa na sinasabi ng guwardiya?

"Shelby!" masiglang bati ni Lord Randolp.

For the first time since the design stealing incident, ay nginitian siya nito nang buong tamis. Biruin mo, tatlong linggo rin ang tinagal ng imbestigasyon niyon. For that whole period ay ni hindi siya nilapitan o kinausap man lang nito.

"Good morning, Lord Randolph," pormal na bati ni Shelby. Sinulyapan nito ang dalang kasama ng matanda. Binati niya rin ito with the same formality.

"I'd like you to meet a very important friend of mine, Adeline Grayson. She loves your works and she wants you to dress her for her birthday party which will be held in their mansion in Manhattan in a couple of weeks. Will you do that for us, sweetie?"

Sweetie? You never called me that.

Kahit medyo naalibadbaran sa kakaibang sweetness ni Lord Randolph, ngumiti naman si Shelby kay Adeline Grayson. The latter simply nodded to acknowledge her presence. She did not even speak a word. Pero napansin ng dalaga na tila pinag-aralan nito ang kanyang kabuuan. Makaraan ang ilang sandali'y ikinagulat pa niya ang sinabi nito.

"You look classy and elegant in that dress. I don't even recognize that label."

"This is from my Summer Collection. I only wear either my previous works or something from Margaux Quandt," sagot naman niya rito. Na ikinatuwa at tila ikina-proud ni Lord Randolph lalo.

"All right. Let us get down to business. I will leave the two of you now to discuss what you will have for Ms. Grayson on her birthday party." Binalingan ni Sir Randolph si Adeline at nagpaalam din dito. "If you need me dear, just come to my office."

Nang sila na lang dalawa ni Adeline, medyo naging awkward nang kaunti si Shelby sa babae. Minsan kasi'y tila absent-minded ito. Para bagang walang ganang kumausap sa kanya. Hindi tuloy siya naniniwala na kusa ang pagpunta roon ng socialite. Ganunpaman, ayaw niyang mapahiya si Lord Randolph o ang fashion house. She promised to give her all so this woman would come for her designs again and again and again.

**********

"What?!" naibulalas ni Mrs. Margaux Albrecht sa narinig na pahayag ng anak.

"You heard me loud and clear, Mom. I am also sure that you noticed I am not in any way interested in that woman. So stop pretending you were shocked that I want to end the engagement now."

"Klaus, say something!" mando ni Mrs. Albrecht sa asawa nito na bukod sa natigil lang sa pagsubo ay hindi na nagsalita pa. Tumitig lang ito sa anak nang makadali bago nagpatuloy na para bagang wala namang importansya sa kanya ang inanunsiyo nito.

"My decision is final, Mom. I will tell Adeline to announce it herself. I will even let the two of you come up with anything you want to say as the reason for the break up. You guys can even say I am impotent so she wants to find someone who could fill her unquenchable sexual desire. You can tell the press anything for all I care. I just want to be out of this."

Nang napanganga lalo sa mga sinabi niya ang ina, sinamantala iyon ni Gunter. Tumayo na siya at lumapit dito. Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam nang babalik sa sariling mansyon sa New Jersey.

"Gunter Klaus Albrecht! Come back here! You cannot leave us like this!"

Na-tempt bumalik si Gunter dahil sa tungayaw ng ina. Katunayan, tumigil siya saglit after a few steps away from his parents' dining hall.

"Let him be, Margaux. He's no longer a child," malumanay at buo sa loob na sabi ng kanyang ama. Pagkarinig doon, napangiti si Gunter. He went straight to their garage where he left his car and called his assistant to meet him in the corner of the road near his parents' residence.

**********

Nang ipakita ni Shelby sa guwardiyang nagbabantay sa labas ng mansyon ng mga Grayson ang invitation card niya, kaagad siyang pinapasok ng mga ito. Proud ang dalagang pumasok sa loob. May pakiramdam siyang ito na ang magbubukas ng daan para sa isang Shelby Mariano tungo sa elite circle ng New York. Ang alam niya kasi'y bigatin ang mga bisita ni Ms. Adeline Grayson. How she wished she had Dane with her. Mas may alam kasi ito sa mga mayayamang angkan sa Amerika kaysa sa kanya. Kaso nga lang, pinag-overtime na naman ito sa ospital na pinagtatrabahuhan. Wala tuloy siyang kasama ngayon.

"Oh, hi, Ms. Mariano. Or shall I call you Shelby now?" mainit na bati ni Ms. Adeline Grayson pagkakita sa kanya. Suot-suot na nito ang pinagpaguran niyang gown. At proud siya sa nakita. "And please call me Adeline."

"It's good to see you---Adeline," bati ni Shelby. Nakipag-beso-beso na rin siya rito. Binati niya rin ito sa kabuuan nitong anyo. Very princessy kasi. Tama lang na tawagin itong prinsesa. Ang pinagtataka lang ng dalaga ay kung bakit may pagka-sarcastic ang lady guard sa Margaux Quandt nang sinabi nito iyon patungkol sa babae nang araw na dumating ito sa fashion house.

"Come, I'll introduce you to my friends."

Dinala siya ni Adeline sa umpukan ng mga kaibigan na nag-uusap by the pool side. Lahat sila'y may hawak nang drinks. Magaganda ang suot nilang gowns. Na-recognize ni Shelby ang mga iyon. Kung hindi kasi Gucci ay Chanel ang suot nila. Pwera na lang sa nagpakilalang anak ng isang gobernador ng New York. Ito lang ang nakasuot ng hindi galing sa dalawang sikat na label. Disenyo ni Katarina ang suot-suot nito. Hindi siya maaaring magkamali. Alam niya ang style no'n eh. Mahilig maglagay ng mga tunay na brilyante sa bandang dibdib bilang palamuti ng trahe si Katarina Horvathova. Tsaka nakita na niya ang ganoong istilo sa mga obra ng kasamahan noon pa. Kaya nababatid niyang gawa nga iyon ng babae. Ang hindi lang maintindihan ni Shelby ay kung bakit relevant pa rin ang naturang designer sa kabila ng pagpataw ng kaparusahan sa kanya ng Margaux Quandt. Pinag-resign kasi ito at binalaan na huwag nang lumapit pa sa fashion house or else ay sasampahan na ito ng kaso. Ang alam ng dalaga kapag may nagawang kamalian ang isang designer sa fashion house nila, hindi na ito nakababangon pa dahil pasekretong hinahabol ng management. Pero bakit si Katarina'y...?

"He's here now!" excited na bulong ng isang brunette na kaibigan ni Adeline sa katabi niya. Tapos, kinalabit ng katabi nito ang huli para ianunsiyo na dumating na ang pinakaimportante nitong bisita.

"I have to go! See you later guys!"

Nagmadali na si Adeline sa pagsalubong sa sinasabi ng mga kaibigan nitong special guest ng dalaga. Naiwan si Shelby doon na hindi malaman kung paano sila pakikitunguhan. Nang umalis kasi si Madeline ay bigla na lang naging cold ang mga ito at halos hindi na siya kinikibo. Ang katabi niyang dalawang blonde girls ay umabante pa sa dalawang kasamang brunette at hinarangan nila si Shelby na makapasok sa circle nila. Ang inaasam-asam kaninang pag-asa ng dalaga na mapapasama na sa sirkulo ng mga elite sa Amerika ay naglahong parang bula.

"Everyone, listen up! My fiance is here now! I am officially opening the parteeeey!" hiyaw ni Adeline sa mikropono sa harap. Masigabong palakpakan ang narinig pagkatapos. Si Shelby lang ang hindi nakipalakpak dahil nagulat siya sa bisita. Si Gunter Albrecht! Kaabrasiyete ito ni Adeline na ngayo'y labis-labis ang katuwaan.

He sent me flowers non-stop for several weeks now and he was engaged all along?!

Tiningnan ni Shelby ang mga tao sa paligid. Abala lahat sa pagbibigay ng pagbati sa celebrator. Naisip niya na kung tatalilis siya nang mga oras na iyon ay hindi na siya mapapansin ninuman. That was what she was about to do when she heard her name from Adeline.

"I would like to also take this opportunity to thank my very talented designer, the one who's responsible for my princessy look today---my new favorite---Ms. Shelby Mariano!"

Natigil sa paghakbang si Shelby.

Oh man! Bakit pa niya ako tinawag?

Ilang minutong hindi nakakilos si Shelby sa kinatatayuan. Siguro'y mananatili siyang tila frozen sa isang tabi kung hindi nilapitan ng isa sa mga brunette na kaibigan ni Adeline. Himala. Masuyo siya nitong sinabihan na pumunta na raw sa harapan at nang mabistahan siyang mabuti ng lahat. Afterall, she deserved to be recognized. Mukhang naging supportive na bigla ang mga snob na kaibigan ni Adeline.

Saglit na nagtama ang paningin nila ni Gunter nang pumagitna siya. Ngingiti pa sana ito sa kanya gawa ng nakagawian nitong pagbati but his smile was cut short when she did not respond with the same warmth just like she used to. She even gave him a cold look.

"Speech!" sigaw ng isa sa mga lalaking bisita ni Adeline. Na sinuportahan ng iba pang nandoon.

Napakunot ang noo ni Shelby. Bakit siya magsasalita? Hindi naman siya ang celebrator. Ganunpaman, binigay niya rin ang hiling ng lahat. Nang sulyapan ni Shelby si Gunter, mukhang ganoon din ang hiling nito. He looked at her with pride in his eyes. Pero hindi na siya mabobola pa ng damuho. She knew better now.

I-pride mong mukha mo!

Nagulat si Shelby sa naging reaksiyon. Hindi naman siya likas na ganoon sa kapwa. Wala na siyang oras na analisahin pa iyon dahil naghihintay na ang mga tao sa speech niya.

"I---I am very t-thankful to Ms. Grayson here for trusting me. I also would like to thank our head designer for giving me a chance to prove myself." Sa mga oras na ito'y hinanap ni Shelby si Lord Randolph sa mga bisita. Nang magsalubong ang kanilang mga mata'y tumangu-tango siya rito. " I cannot thank you all enough! I am just overwhelmed with this opportunity. I hope that this will be the start of a good relationship with Ms. Grayson."

Pagkabalik ni Shelby ng mikropono kay Adeline, may sumigaw ng, "Wait!" mula sa crowd. Nang makilala iyon ng dalaga'y namilog ang kanyang mga mata. Kasi iyon ay walang iba kundi ang hinahangaan niyang designer---si Carlota Kolisnyk na asawa rin ng pamosong WFC three-time champion na si Bogdan Kolisnyk. Paborito ng kapatid niyang si Matias sa sports na ito.

Daig ni Shelby ang na-starstruck. Napatitig siya rito in great admiration. In awed talaga ang dalaga. Bihira kasing magpakita sa publiko ang designer na ito.

Pumagitna si Carlota Kolisnyk. Nakakunot ang noo nito. She looked like she was very displeased. Tiningnan nito si Shelby at umiling-iling pa. Tapos ay pumalakpak ito. Kasunod niyon ay may pumagitnang isang bisita na tila kararating lamang. Gulat na gulat si Shelby sa kanyang nakita. Maging ang lahat ng bisitang naroon. Walking towards them was no other than a rising Latina songstress na nakasuot ng kapareho ng suot ni Adeline Grayson. Para silang kambal! Ang intricacies ng lace flowers beading sa bandang bodice ng gown pati na sa sleeves nitong off shoulder ay wala halos pinagkaiba. Ganon din ang style mula sa waistline pababa. Parehong-pareho ang pagkakalobo nila. Ang masaklap pa, pareho na nga ang design, same cloth pa ang ginamit pati na ang shade ng pagka-fuchsia ng kulay. Ang kaunting pagkakaiba lang, mas pino ang beadings sa suot ni Adeline. Si Shelby kasi mismo ang gumawa no'n.

"Oh. My. God!" dramatic na naibulalas ni Adeline. Nanlaki ang mga mata nito at nakangangang napatingin sa tila kakambal tapos ay napasulyap kay Shelby. Ang mga bisita naman ay nagulat din. Nagkaroon tuloy ng bulung-bulungan sa paligid.

Si Shelby ang hindi nakahuma. Pinanlamigan siya at tila pinanigasan ng katawan.

"What is the meaning of this?" dumadagundong na tanong ni Carlota kay Shelby. Tapos tumingin din siya kay Lord Randolph na ngayo'y dahan-dahan nang pumapagitna palapit sa lima.

"Ms. Shelby?" Si Lord Randolph. Nanghihingi ito ng paliwanag sa dalaga. Larawan ito ng labis-labis na pagkadismaya.

"Wait. Are you telling all of of us that Shelby Mariano stole your design?" kalmadong tanong ni Gunter kay Carlota Kolisnyk.

"What else could this be?!" galit na sagot dito ni Carlota Kolisnyk. "I have been in this industry for much longer than her! I have worked my way to the top with just sheer talent! I didn't do no bullshit like this!"

"I---I didn't steal any d-d-designs!" nauutal na pahayag ni Shelby. Nanginginig sa galit ang kanyang katawan.Samut-saring emosyon ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon, pero mas nangingibabaw ang masidhing galit lalo pa't ang nagparatang sa kanya'y isa sa hinahangaan niyang designer ng mga gowns.

"Shelby, sweetie, you should have told us if you cannot make a unique gown for Adeline. We, at Margaux Quandt, will not force you to produce one in such short notice," sabat ni Lord Randolph. Masuyo at may lambing ang kanyang tinig. Parang gusto nitong ipabatid na kaanib niya ito. Na sa kanya ito may simpatiya.

Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ni Shelby sa labis na pagkapahiya at galit na rin.Nang mga sandaling iyon ay nabatid niya kung bakit bigla itong nag-iba ng pakikitungo sa kanya. May pakiramdam siya na pati itong paglapit ni Adeline ay may kinalaman sa plano nitong pabagsakin siya nang dahil pinursige niyang habulin si Katarina Horvathova.

"I---I am NOT like you, Lord Randolph! It's NOT in my blood to steal anything! I didn't steal any designs from this woman!" When he looked horrified at her accusations, she made it even louder and clearer. "I know that Katarina had your blessing when she stole my designs because instead of punishing her for what she did, you simply recommended to the management that they should demand for her resignation! That's all! You did not bother to bring her to court just like what you did to designers who did the same in the past. And now you want me to admit to the crowd that I stole Carlota Kolisnyk's design? What is there to admit when I didn't do it in the first place?!"

Namutla si Lord Randolph sa binitawang salita ni Shelby. Maging si Adeline ay kakitaan din ng labis na pagkagulat. Marahil hindi nito inasahan ang ganoong reaksiyon ng dalaga dahil sa maikling sandaling nakilala niya ito mukha itong mahinahon at super mabait. Sinulyapan muna ni Adeline ang matanda na tinuturing na nitong tiyuhin dahil matalik itong kaibigan ng yumaong ama bago binalingan ang galit na galit na si Shelby.

"So are you telling me that it was Carlota Kolisnyk who stole your design?" napapantastikuhang tanong ni Adeline. With matching pagnganga pa na sobra raw na-shock.

"Yes! This is my design! I didn't steal it from anyone! I bet my life on it!"

Makikitang biglang napangiti si Gunter sa huling mga pahayag ni Shelby. He seemed pleased with it. Wala man itong gaanong binitawang salita pa mapapansin ninuman na matamang nagmamasid dito na pinakikinggan nitong mabuti ang mga pahayag ng dalaga.

"How dare you accused me of stealing!" sigaw na ni Carlota Kolisnyk kay Shelby. "Why would I do that? Who are you anyway? I will see you in court! I will definitely see you there, you bitch!"

Umiling-iling na si Lord Randolph. At malungkot itong tumingin kay Shelby. "You are a big disappointment, Shelby Mariano San Diego. I thought you are a promising designer. But you are not just a thief, but also a liar," sabat na nito. Tila nakabawi na sa mga binitawang salita ni Shelby sa kanya. "You seemed to be no different from your countrymen." Halos binulong lang nito ang huling pangungusap pero nagpayanig iyon sa kabuuan ng dalaga.

"I'm sorry?" Si Gunter. Mas nauna pa itong mag-react kaysa kay Shelby sa huling binitawang salita ng matanda. Kakitaan na ito ng galit.

Natigilan si Lord Randolph. Tila nabahala na rin. Pero nang makita nitong hinarap ni Adeline ang galit ni Gunter at mukhang ito ang sasalo niyon, naging kampante uli ito.

"That was so uncalled for," mariing sabi ni Gunter kay Lord Randolph. Ang ibig sabihin ay ang huling sinabi nito. Hinarap ng binata ang lahat ng nandoon. At sa matatag at siguradong tinig ay pinahayag nito na nakikisimpatiya ito kay Shelby Mariano San Diego.

"What?!" naibulalas ni Adeline. Sinulyapan nito si Shelby nang nag-aapoy ang mga mata. Ang huli nama'y tila nalilito. Hindi kasi inasahan na siya ang kakampihan ni Gunter sa harap pa ng nobya at mga bisita nito.

"I know this girl very well. And she is NOT a thief," sabi pa ng lalaki habang kaharap ang nanlilisik ang mga matang si Carlota Kolisnyk. "I was the prime witness to her designs being stolen by one of the promising designers of Margaux Quandt and Lord Randolph here just stood by and did nothing. What Ms. Shelby Mariano San Diego had just exclaimed is true. I also bet my life on it."

Lalong nagkagulo sa party. Namutla na naman si Lord Randolph at nagmistulang tila aatakehin sa puso. Ganoon ang eksenang nadatnan ni Mrs. Margaux Quandt Albrecht. Hindi pa man nito lubos na naintindihan ang nangyayari, pinagalitan na nito ang anak sa paggawa ng eksena roon.

Pagkakita naman sa kanya ni Shelby, napanganga ang dalaga. Hindi niya kasi sukat-akalain na ang matronang inisip niyang sugar mommy noon ni Gunter ay tunay pala nitong ina.

"It's good that you are here now, Mom. Since this seemed to be a night of revelation, I would like to announce to everyone that Adeline and I are breaking our engagement effective tonight. We will remain as good friends and continue to respect one another." Sarkastiko ang tono ni Gunter sa huli nitong sinabi. Na ikinagigil lalo sa galit ng nobya nitong tila hindi pa nakaka-recover sa pagkampi nito kay Shelby.

"Are you exchanging me for ---," nilingon ni Adeline si Shelby, "you've really got no taste, Gunter! You bastard!"

Napahawak sa dibdib niya si Mrs. Albrecht at tila nanlupaypay ito. Mabuti na lang at mabilis ang assistant nito sa pagsalo sa kanya.

Tinawanan ni Gunter ang mga sinabi ng nobya at hindi rin ito nabahala sa pinakita ng ina. Marahil sanay na roon ang binata.

"I should be the one saying that after you shagged my driver and later my bodyguard, Adeline. I know I am not the man you need. So drop the pretense. You are better off without me."

Hindi na matagalan ni Shelby ang eksena roon. Minabuti niyang umalis na lang sa party. Tatalilis na lamang siya nang bigla siyang tinawag ni Mrs. Albrecht.

"Yes, you Shelby Mariano San Diego! YOU-ARE-FIRED! You are no longer connected to Margaux Quandt from this day onwards!"

Dahil sa pagkagulat at sa pagkalito, hindi nakapagsalitang muli si Shelby. Ang nasa isipan lang niya ay, sino ang babaeng ito para makapagsabi ng ganoon sa kanya?

"You seemed shocked, my dear. Well, I'd like to tell you, dear, that I have all the right to say that because after all I am Margaux Quandt Albrecht."

Napangiti ito nang malawak in great satisfaction nang makitang ikinagulat iyon ng dalaga. Pero nang makabawi ang huli ay taas-noo itong humarap sa matanda.

"Don't worry, Mrs. Albrecht. Even if you didn't fire me, I do not have any intentions anymore to continue working for your company. Why will I still do that when my designs are not safe there?"

"How dare you!"

Lalapit sana ito para sampalin si Shelby pero mabilis na humarang si Gunter.

"Mom, please. We talked about this already."

Nagtataka man sa narinig na sinabi ni Gunter sa ina, hindi na iyon pinagkaabalahan pang intindihin ni Shelby. Nagmadali na lamang siyang makaalis doon.

"Shelby, wait!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top