CHAPTER NINETEEN

Napalunok nang sunud-sunod si Shelby dahil sa kaba at pinangiliran pa siya ng luha. She was touched by Gunter's confession. Ramdam niya kasi ang sinseridad nito pero a part of her does not want to commit right away because of his reputation with women. Unang-una hindi siya sigurado kung hanggang kailan nito mapapangatawanan ang pagiging in love daw sa kanya. Hindi pa ito nagkaroon ng mahaba sa tatlong buwang relasyon bukod sa naging karanasan kay Marinette Schlossberg noong junior high school sila. In short, maaaring naipagkamali lamang nito ang nararamdaman sa kanya sa isang hamon. Base sa kanyang pananaliksik ay marami itong naging fling. Katunayan nga ay ni hindi na ito nanliligaw pa ng babae. Minsan napagsasabay-sabay pa raw sila katulad ng kay Adeline at iyong Hollywood starlet na na-meet rin niya sa isang pagtitipon kamakailan. Pakiramdam nga niya, siya lamang ang nabigyan nito ng ibayong pansin dahil hindi niya ito hinabol kagaya ng iba. Kaya sa pakiwari niya, maaaring nahamon lamang ito sa kanyang hindi masyadong mainit na reaksiyon sa binigay nitong atensiyon.

"Shelby?"untag ni Gunter.

No'n naman may tumawag sa cell phone ni Shelby. Isang hindi kilalang numero. Sasagutin na sana ito ng dalaga nang naputol ang linya. Nang mapasulyap siya kay Gunter, nakitaan niya ito ng kakaibang kaba. At lungkot. May kung anong kumurot sa puso niya sa nasaksihan, pero hindi niya maisasantabi ang mga agam-agam tungkol sa nakaraan ng binata. Aminado naman siyang gusto na rin niya ito. At kung bibigyan ng pagkakataon ay may potensiyal na malamapasan pa nito ang pagtingin niya noon kay Alfonso kaya gusto niyang maging sigurado rito para hindi maulit ang pinagdaanan niyang sakit at hirap sa unang pag-ibig.

"Can you wait?" halos ay pabulong na balik-tanong ni Shelby kay Gunter. Siya naman ngayon ang halos hindi makahinga sa kaba.

Medyo kakitaan ng pagkalito ang binata sa tanong ni Shelby. "What do you mean?" tanong nito.

"I said, can you wait?" ulit dito ni Shelby.

Gunter tilted his head a little bit. Mukhang disoriented ito ng bahagya. Marahil dahil sa mataas ang expectations nito kanina pa. He was thinking he could get Shelby's yes right away, right this minute.

Nakita ni Shelby na tiningnan ni Gunter ang hawak niyang cell phone, tapos nagtaka ang dalaga nang magsabi ito kung gusto niya munang tawagan ang kung sino mang tumawag daw sa kanya kanina.

"I can wait till you're done with the call," sabi pa nito.

Napangiti nang bahagya si Shelby nang ma-realize na iba ang intindi ni Gunter sa tanong niya. Inisip siguro na gusto niya munang tumawag doon sa nag-miscall sa kanya bago it sagutin.

"That's not what I meant, Gunter. I mean---can you wait until I'm ready?"

Napanganga nang bahagya si Gunter. Mukhang nagulat.

"What do you mean until you're ready? I thought we feel the same way about each other. Why do we need to wait?"

"I want to be sure," walang kagatul-gatol na sagot dito ni Shelby.

Napakagat-labi si Gunter. Hindi niya iyon inaasahan. Nagsabi pa itong hindi pa ba sapat ang mga ginawa niya para sa dalaga in the last few months. Hindi nakasagot doon si Shelby.

"I broke up with Adeline in public just for you. I sent you flowers almost everyday for months now. I tried my best to be connected with your family business. I haven't dated anyone since my public break up with my fiancee. What else do you need me to do? Are they not enough?" litanya pa ni Gunter. May himig pagtatampo na ito.

"I just want to be sure, that's all. I have just gotten over with a very painful breakup and I do not want to undergo a similar one in the future. If I do get romantically involved with a guy again, I want to make sure it's my last relationship."

"You can make me your last. I can marry you right now if you want to. All you need to do is say yes."

Natigilan si Shelby. At napamaang siya sa pagiging persistent ni Gunter. Inisip niya kasi kanina na kagaya noong una ay tatanggapin nito agad ang pagtanggi niya nang ganoon ka dali.

"Marriage is a very serious matter for us, Filipinos, especially for my family, Gunter. We do not just get married on a whim."

"Who says it's not? It's also a serious matter for us, Americans. And I am not asking you to marry me on a whim, either. I'm a businessman. Shelby. I won't plunge into a venture if I am not sure about it myself. "

Hindi sumagot doon si Shelby.

"Just because divorce is very rampant among Americans doesn't mean we don't take marriage seriously. It's just that we are very honest with ourselves. We don't pretend it is a happy marriage when it's not anymore. Therefore, we end it before we lose respect for one another."

Wrong answer, Gunter. Iyan ang ayaw kong mangyari. What if someday you will feel you are no longer happy with me? Pwede naman iyan mangyari, di ba? Sa estado mo, marami kang magiging temptation. Ano ang garantiya ko na hindi ka na mag-ii-stray? Ayaw ko nang 'we don't pretend it is a happy marriage' thingy mo. Kasi minsan sa buhay ng isang married couple, may pangyayari talagang ganyan. Kung lagi na lang ay iyan ang rason ng mag-asawa eh di kada ganyang feeling maghihiwalay na? Gano'n? No!

Imbes na sabihin ang nasa isipan, tumangu-tango na lang si Shelby kay Gunter. The more na naging determinado siyang huwag muna itong sagutin. Mabuti na lang at nag-ring uli ang cell phone niya. Nagkaroon siya ng rason para huwag muna itong kausapin habang medyo naiinis siya sa sagot nito. Baka kasi kung ano pa ang kanyang masabi.

"I'm sorry, Gunter. I need to go. A very good friend of mine was sent to The Mount Sinai Hospital. I have to go see her now."

Nakapakagat-labi ulit si Gunter. Pigil na pigil ang inis niya sa istorbo. Pero hindi naman niya pinigilang umalis si Shelby.

**********

"Boss, why?" nagtatakang tanong ni Frederick dahil bumalik sa upisina si Gunter nang hapong iyon na mainit ang ulo. Kahit nga nang tumawag si Marinette Schlossberg para kumustahin lang sana ito ay pinasa pa sa assistant.

"Give me all those marketing proposals that I need to review. I will do it now!" mando pa ni Gunter sa lalaki. Nang nag-hesitate ito nang bahagya, binulyawan niya na. "Where are the fvcking marketing proposals?!"

"Okay, okay, boss. Relax." At tumakbo palabas ng kanyang upisina si Frederick. Mayamaya pa'y kasama na nito si Mrs. Smith, ang executive secretary na siyang may dala-dala ng mga hinihingi niyang folders.

Pagkalapag ng matandang sekretarya ng mga naturang papeles sa kanyang mesa ay dali-dali na itong lumabas. From the corner of his eye, Gunter saw her glancing at him nevously again and again before leaving the room. Si Frederick nama'y tila naguguluhan. Panay tingin pa nito sa wristwatch.

"I'm not eating any dinner tonight. So if you want to go ahead with it, that's fine with me."

"Boss," halos ay pabulong na lang na tawag sa kanya nito.

May tinuturo ito sa pintuan.

"What?!" naiinis niyang bulyaw dito. Pinanlakihan pa ng mata. Hindi na nakasagot ang assistant dahil pumasok na nang tuluy-tuloy ang sinisenyas sana nitong bisita. Si Marinette.

Napakagat-labi si Gunter. Gusto niya rin itong sigawan, pero nakaisip siya ng ideya para makalimutan ang pait na pinalasap sa kanya ni Shelby.

"All right. Leave us alone now. If you want to go home, go ahead."

"Really, boss? That's awesome!"

Bago pa siya makasagot dito ay dali-dali nang lumabas ng upisina niya si Frederick. Parang takot na takot itong magbago pa ang kanyang isipan.

**********

Dinala ni Shelby si Dane sa Eleven Madison Park para ma-relive nilang dalawa ang masasaya nilang araw noon at makalimutan muna nito ang mapait na kabiguan sa unang lalaking sineryoso niya nang todo. Sa tingin ng dalaga medyo naibsan nang kaunti ang pagdadalamhati ng kaibigan dahil nakita na niya itong tumatawa habang nire-recall nila ang mga nangyaring bloopers sa kanila sa restaurant simula nang una nila itong madiskubre.

"Naalala mo ba noon? May Brazilian guy na kumakain dito na nilapitan natin at kilig na kilig pa tayong nagpa-autograph? Ang pobre, nalito. Nagtaka kung bakit may tila nasa-startruck sa kanya. And then you told him you loved his movie, The Matrix," pagbabalik-tanaw ni Shelby.

Napabunghalit ng tawa si Dane. "Oh. I'm flattered that you thought I'm Keanu Reeves. Sorry to disappoint you guys," dugtong naman dito ni Dane. Ginaya-gaya pa ang accent ng lalaki. Naluha na sila sa katatawa. Pati kasi ang server ng restaurant noon ay magpapapirma na rin sana dahil inunahan nila. Kinailangan pang ipakita ng Brazilian guy ang pasaporte sa kanila para maniwala silang lahat. Nang sumunod na araw, naging tampok iyon sa entertainment news ng isang New York dailies. May nakasaksi palang journalist sa kaganapang iyon.

"This is also where I saw Gunter first,"sabi pa ni Dane at ngumiti ito nang matamis. Hinawakan niya ang kamay ni Shelby. "I remember he was looking at our direction. Siyempre inisip ko, ako kaya ang tinitingnan ng mamang ito? Ako naman kasi ang nakatingin sa kanya, eh. Grabe ang kilig ko no'n, alam mo ba?" At napabungisngis pa ito.

Napalis ang ngiti ni Shelby nang maalala si Gunter. Hindi ito nagparamdam sa kanya for more than a week. In fact, halos magdadalawang linggo na simula noong nagtapat ito sa harap ng New York harbor. Ibig sabihin ay hindi ito makapaghintay.

"Why?" tanong ni Dane sa kanya. Kakitaan ito ng pag-aalala.

"Hindi na siya nagparamdam muli simula ng sinabi ko sa iyong confession niya. Nagalit kaya iyon sa akin?"

"Don't worry about it. Kung mahal ka niya, babalikan ka. Trust me. Nagpapalipas lang ng tampo iyon. Pakiramdam ko, he will come back to you. Hindi naman kasi iyon katulad ni ---Albus."

Si Shelby naman ngayon ang humawak sa mga kamay ni Dane at pumisil-pisil dito. "We come here to have fun, remember? Let's forget about them."

Kasasabi lang ng dalaga ng 'let's forget about them' nang biglang lumusot si Gunter at si Marinettee Schlossberg. Makikita silang magkahawak-kamay pa. Napanganga rito ang dalaga. Hindi niya iyon inaasahan lalo pa't tumahimik nang higit sampong araw ang balita tungkol sa kanila. Hindi niya tuloy naiwasang tumingin sa dalawa. Nagtama pa ang paningin nila ni Gunter. Bukod sa bahagyang pagtango, wala nang ibang reaksiyon ito. Tingin ni Shelby ay tuluyan na siyang nakalimutan ng lalaki.

"Do you want to leave now?" tanong ni Dane kay Shelby. Nag-aalala ito.

Ngumiti nang pilit si Shelby. "No! Why would we leave? We came here to have fun, remember? And we will have fun!"

Hindi na tumingin si Shelby sa direksiyon nila Marinette at Gunter. Nagpatuloy sila ni Dane sa kaka-reminisce ng masasaya nilang araw hindi lamang doon mismo sa restaurant na iyon kundi simula nang sila'y magkakilala.

"I learned one big lesson from Albus," bigla na lang ay isiningit ni Dane. "Hindi nasusukat sa pera at mamahaling regalo ang pagmamahal ng isang lalaki sa isang babae. Kahit na walang gano'n, kung mahal ng lalaki ang babae, mahal niya talaga. Ang totoong nagmamahal pala ay hindi nang-iiwan."

Lihim na napasulyap si Shelby sa kinaroroonan ni Gunter. At nalungkot siya nang makita itong tumatawa habang kausap ang babae. Babawiin na sana niya ang tingin dito nang bigla itong sumulyap din sa direksiyon niya. Malamlam na ang mga mata nito nang magkatinginan sila.

"Are you done? Do you want to take a walk outside? Maaga pa naman, eh," yaya ni Shelby kay Dane. Hindi na niya kasi kayang tingnan ang magkapareha. Baka imbes na si Dane lang ang depressed ay pati siya malulungkot din nang husto.

Tatayo na sana silang dalawa nang may lumapit na lalaking Hispanic sa mesa nila. Tinawag nito si Shelby sa pangalan. Nangunot ang noo ng dalaga dahil hindi ito namukhaan.

"Edgardo Alonso. Your neighbor in Paris. Remember the crazy Mexicano?"

Nanlaki ang mga mata ni Shelby tapos ay napabungisngis pa ito. "I did not recognize you, Edgardo! I swear! I am so used to you with the beard, you know."

Tumawa ang tinawag na Edgardo. Kaagad itong pinakilala ni Shelby kay Dane. Magalang namang bumati rito si Edgardo, pero bumalik agad ang atensiyon nito kay Shelby. Napilitan tuloy ang dalagang paupuin ito sa tabi niya pati na ang kasama nitong guwapong blond guy.

"Your lover?" pabulong na tanong ni Shelby kay Edgardo patungkol sa kasama nito sa salitang Español. Humalakhak si Edgardo na tila kinikiliti. Sa loob-loob naman ni Shelby, kahit hindi na ito sumagot ay nabatid na niya sa paraan ng tinginan ng dalawa na sila na nga. Mukha lang silang mga he-man pero pusong binabae naman pareho. Matagal na niyang bistado ang kaibigan bago pa man ito magtapat sa kanya noon.

"Anyway, I am so happy to see you here. I thought about you when I came to New York. I saw your designs, I've heard about you from my European friends, you are just all over the world now, mi amore that I thought you are perfect for my site!"

"What?" nalilitong tanong ni Shelby. Ang ngiti niya ay naging alanganin.

"I have a dating site now! And that is where I found ---" At inginuso nito ang kasamang lalaki na sa ngayo'y nagbubutingting na ng cell phone. Siguro'y na-out of place kung kaya nagkunwaring busy.

Nang maintindihan ni Shelby ang nais ipahiwatig ni Edgardo, natawa siya.

"My brothers would surely be horrified if they find me looking for a date in your site."

"I think their wives will be horrified! Why did your brothers find out?" Tumawa ito nang malakas. Nang makuha ni Shelby ang ibig nitong sabihin ay napahalakhak din siya.

Ang hindi alam ni Shelby may isang nilalang sa hindi kalayuan na kanina pa nakamasid sa kanila at gigil na gigil na sa kahalakhakan niyang lalaki. Nang hagkan nga siya ni Edgardo bago ito lumabas nang restaurant ay napakuyom pa ito ng mga palad. Lalo itong nanggalaiti nang makaraan lamang ang ilang sandali ay tumayo na rin ang magkaibigan at lumabas din ng Eleven Madison Park.

**********

"Who did you say was also interested with that fvcking LA hotel?" tanong ni Gunter kay Mr. Stevenson. Napakurap-kurap naman ang huli sa biglang pagtaas ng boses ng CEO nila.

"I said The San Diegos. Manolo and Magnus San Diego. They already bought it."

"Why the hell didn't you tell me?"

Pinangunutan ng noo ang matandang COO. Pinaliwanag nito kay Gunter na pinrisinta nga raw nito sa kanya ang proposal sa pagte-take over sa naturang hotel noong nakaraang buwan bago pa magpakita ng interes ang mga San Diego.

"But you ignored it. You told me you are not interested at all because we already have a hotel nearby. Why are you so keen about it all of a sudden? Is it because the San Diegos bought it?"

Napatayo bigla si Gunter at nagpalakad-lakad sa kanyang upisina. Pinapaputok nito ang mga knuckles habang kinokontrol ang galit.

"And why are you mad these days? I thought you and that Philipino girl are already dating?"

"Shut up!"

"Oh, you're not? But you've been courting here since forever!"

Tila nanlisik ang mga mata ni Gunter nang marinig ito. Natutop ng COO ang kanyang bunganga sabay yuko. But he was grinning from ear to ear. Tila nag-e-enjoy ito sa nakikitang paghihirap ng loob ng suplado nilang CEO.

"Tell your agent in LA to give the owner of that hotel a counter-offer. Top what the San Diegos are offering them."

"Are you sure of what you're planning to do? Do you think this will please the girl you love?"

"I'm over her now. And I do not care about them anymore. I want the hotel now more than ever! Get it for me. Do whatever it takes to snatch it from them. That's an order, Mr. Stevenson!"

Nagkatinginan ang matanda at ang assistant ni Gunter. Sumesenyas ang COO kay Frederick kung ano'ng nangyari sa boss nito at bakit nag-180 degrees ito sa mga San Diego. The younger man just spread his arms and shook his head.

**********

Napakamot-kamot si Shelby sa ulo nang isiwalat ng ama ang naging problema nito sa pagbili ng hotel sa LA. Inakala pa naman daw ng dad niya at ng kanyang lolo Manolo na magiging smooth-sailing ang transaction dahil naayos na ang negosasyon. Pipirma na lang sana sila ng deed of absolute sale nang biglang tumawag daw ang may-ari at sinabing hindi na nito ipagbibili ang property niya sa kanila.

"And you know who bought it?" parang nagpipigil sa galit na sabi ng kanyang ama.

Natigilan si Shelby sa pinupunto ng dad niya. Sa loob-loob niya'y pinanalangin niyang sana'y hindi totoo, pero hayun at nabanggit na nito ang buong pangalan ni Gunter.

"But why? I mean, that area is not conducive for five-star hotels. Mga two-three star hotels lang nababagay doon."

"Precisely. Kaya nga iyon lang din ang naisip namin ni Dad. Turn it into a good version of the three-star hotel that it already is. Gusto lang naming mabigyan ng better option ang mga guests na walang pambayad para sa mamahaling hotel. Karamihan kasi sa mga options nila within the four-kilometer radius ay mga four to five star hotels na."

"Do you want me to talk to him?"

"No! That's not why I am telling you this. Gusto ko lang malaman mong tama ang sapantaha ko. Pailalim siya kung dumiskarte, which means he is not a good man."

"Who? I mean who is not a good man?" bigla na lang ay tanong ni Matias. Kararating lang nito sa penthouse ng ama at dumampot agad ng mansanas sa mesa. Habang kinakagat-kagat ito inulit ang tanong. Nang wala agad sumagot kina Magnus at Shelby, nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.

"We were just talking about Gunter Albrecht," tila nayayamot na sagot ni Magnus. "I was just telling your sister how I do not like his ways. Masyado siyang pailalim dumiskarte. Kapag masamang negosyante, masama ring---"

"Gunter Albrecht?" sabat ni Matias. At bigla itong nangiti. Parang may naalalang nakatatawa, pagkatapos ay sinagot ang ama."That is so unfair, Dad. Just because you lose in the deal does not mean he's a bad person. Ang dapat n'yong sisihin ay iyong may-ari ng LA Hotel. Nasilaw sila sa pera. Sila ang walang salita."

"Is that you, Matias?" hindi makapaniwalang sagot ni Magnus sa anak.

Tumayo na naman ito at humalik sa pisngi ng bunso nila. "Your nephews say 'hi'. They really love the t-shirt you sent them."

Tinapik lang nito sa balikat ang ama at lumabas uli ng silid na iyon.

**********

Gusto nang maiyak ni Gunter sa boredom habang nagkukuwento si Marinette ng offer sa kanyang role sa play na ipo-produce ng isang sikat daw na production company sa NYC. Kulang na lang ay humikab siya sa harapan nito kung kaya nang sabihin ng dalagang aalis na ito dahil makikipagkita pa sa casting director ng show na kabibilangan daw nito in the next few weeks ay laking ginhawa ng binata. Nang makaalis na ang babae, binilinan niya si Fredrick.

"I do not want to be disturbed from work. When she comes back, tell her I'm not here anymore! Understood?"

"No other visitors allowed, too?" pagkompirma pa ni Frederick.

"Especially visitors! Nobody is allowed to come in! Lock that fvcking door if you may!"

"Okay," pakli naman agad nito sabay lakad palabas ng silid.

"Where the fvck are you going? You fvcking stay! I need you here to answer my calls!"

" I will just tell Ms. San Diego to come back some other time when you're no longer mad," kaswal na sagot ni Frederick at nagpatuloy na ito sa paglakad palabas ng upisina ng amo.

"Wait! Ms. San Diego as in---Shelby San Diego?" pagkompirma ni Gunter sa assistant.

"The one and only Ms. San Diego, boss," nakangising sagot ni Frederick.

Muntik nang mamutawi ang ngiti sa mga labi ni Gunter. Kaagad itong napatalikod sa assistant.

"What does she want?" tanong niya sa kunwari'y hindi apektadong tinig.

"Maybe, she wants you?" pakli ni Frederick at napabungisngis ito sa sinabi. Kaagad namang napaharap dito ang amo. Tinapunan nito ng masamang tingin ang assistant.

"Let her in."

"What?!" sagot ni Frederick sa eksaheradong pagkagulat.

Tinanggal ni Gunter ang nakasukbit na sign pen niya sa bandang dibdib ng suit at binato kay Frederick. Sinalo lang ito ng huli at tumatawang lumabas ng silid.

Pagkakita ni Gunter sa makikinis na binti ni Shelby na hindi natatakpan ng hanggang tuhod nitong bestida, napalunok agad siya ng kung ilan. Ang kabog ng dibdib niya ay halos hindi niya makontrol. He had to remind himself that this girl had hurt him so badly para hindi siya umaktong parang lovestruck teenager.

"Have a seat. I didn't expect you here. May I know what brought you to my office?"

Sa loob-loob ng binata, pinagdadasal sana niyang natauhan na ito at tatanggapin na ang kanyang offer na maging sila na. Or better yet, mas maganda kung ito na mismo ang mag-uungkat ng tungkol sa kasal. If that happens, ipapatawag niya ngayon din ang mayor ng NYC. Pero malakas din ang kutob niya na may kinalaman sa ginawa niyang pagsulot sa LA Hotel ang pagpunta roon ng dalaga.

"I will be straight to the point," mahinahon nitong sabi. As usual, napakamalumanay nito at banayad kung magsalita. Pakiramdam tuloy niya minsan, ang garapal niyang magsalita kapag ito na ang kaharap. "I heard about what you did to the LA Hotel. My dad and my grandpa were really looking forward to buying it when---"

"Oh, that." Sobrang na-disappoint si Gunter kahit na inasahan na niyang iyon nga ang mangyayari.

"Yes, that."

"Well, as I have told you before, I only plunge into a venture if I knew it's a win-win situation. I have great plans for that hotel and for the entire area as well. It's high time that part of LA transformed into something magnificent. If it does happen, the locals will benefit the most because the value of their property will surely rise exponentially."

Napatangu-tango si Shelby. Tila nalinawan ito agad.

"That's good to hear. I thought you did it to spite me." At ngumiti sa kanya ang dalaga.

Daig pa ni Gunter ang isang tinedyer na nginitian ng crush niya. Nasamid siya ng kanyang laway kung kaya napaubu-ubo siya sa harapan ni Shelby. Mabilis namang dinampot nito ang bote ng mineral water na nasa table niya saka inabot sa kanya. Nang magdaiti ang kanilang palad, pakiramdam niya'y nakuryente pa. Nag-init ang buo niyang katawan.

Nang tumayo na ang dalaga para magpaalam sa kanya, ni hindi siya nakahuma. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan lalo pa't ngumiti ito nang hindi umaabot sa mga mata. He felt like a jerk. Alam niyang kahit na may katotohanan ang paliwanag niya rito, maaari naman niyang gawin iyon kahit na hindi makuha ang hotel na iyon mismo.

"It's nice seeing you again here," pahabol niya kay Shelby at sinundan pa ito sa labas. Kumaway lang ito sa kanya at walang lingon-likod na pumasok sa loob ng pababang elevator. Sakto namang niluwa niyon ang kanyang COO. Tila nagtaka ito nang makita siyang nakatayo roon.

"Mr. Stevenson," tila absent-minded niyang tawag sa matanda. Hindi pa siya nakatingin dito.

"Yes, Gunter?" Makikita sa mukha ng COO na good mood ito. Paano kasi'y dala-dala na niya ang mga kakailanganing papeles para mapasakamay ng kanilang real estate company ang LA Hotel. Pirma na lang ni Gunter ang kailangan para maging pinal ang transaksiyon.

"Call your agent in LA. Cancel the negotiation. Now!" At walang lingon-likod itong bumalik ng upisina. Napamulagat ang matanda. Hindi makapaniwala sa narinig.

"What do you mean cancel the negotiation? I already have the papers here with me!" At binagsak ni Mr. Stevenson ang attache case sa ibabaw ng mesa ni Gunter. Sinulyapan lang ito ng binata at pinaikot patalikod ang swivel chair. Ibig sabihin ayaw na niyang kausapin ito habang nakapikit at nire-replay sa utak kung paano niya nasaktan si Shelby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top