CHAPTER NINE
"Ano ba! Nahihilo na ako sa iyo, Shelby Madeline, ha?" singhal ni Dane.
Makikita kasing kabadong-kabado si Shelby dahil sa nalalapit na ang pagbubukas ng kanyang fashion house. Naimbitahan niya ang mga kilalang fashion writers na mag-cover ng kanyang inaugural fashion show, pero iilan lang ang tumango. Puro pa sila kabilang sa hindi gaanong bumebentang publication.
"Hay. Stop thinking about that article, okay? For sure, binayaran lang ang Christopher P. Ferguson na iyon para siraan ka. Cheer up!" Itinaas pa ng kaibigan ang baba niya. Pero hindi niya talaga maiwaksi-waksi iyon sa isipan. At kinakabahan siyang may eskandalong mangyayari sa gabi ng inauguration niya.
"I cannot fail this time, Dane. You know why."
Niyakap siya ng kaibigan. "Your models will slay the runway and you will definitely be the talk of the town---in a good way," siguradong-siguradong sagot ni Dane at tinapik-tapik siya sa likuran.
How she wished she has her optimism. Alam niyang hindi siya dapat negative dahil sabi nila you attract what you fear, pero hindi niya pa rin maiwasan ang mga evil thoughts. Ilang beses na rin kasi siyang napahiya nang wala naman siyang kasalanan. Iyong nangyari nga kamakailan lang sa Eleven Madison Park ay patunay lamang na kahit positibo ang kanyang nararamdaman at mindset ay may dumadating pa ring malas. Iyon ang sinabi niya kay Dane.
"Pero, aminin. May malas man, mas lamang ang buenas. Have you forgotten? Pinagtanggol ka ng iyong Prince Charming. Sa harap ng mga kilalang press people, sinabi niyang he was vouching for your character. Sa isang kagaya niyang respetadong CEO that was really something! And on top of that, inamin niya sa madlang people na you are his special friend!" kilig na kilig na salungat ng kanyang kaibigan. Tumili-tili pa ito sa huling sinabi.
She scowled at her before correcting her. "He is not my prince charming."
"For now," nakangising sagot naman ni Dane.
**********
Napahilot-hilot si Gunter sa sentido nang ibalita ng kanyang assistant na nagkaroon ng problema ang kinatawan nila sa Italya para ma-buy out ang kompanyang nagma-may-ari ng sampong pinakamagandang hotels sa Roma.
"The daughter of the president changed her mind at the last minute," sabi pa ni Frederick.
"You know what to do. I want to know her," mando agad ni Gunter.
Ngumiti si Frederick. Nagawa na kasi niya ito bago pa man sabihin ang naturang problema. Kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng pantalon at binasa ang ginawang maikling report tungkol sa babae. Si Gunter naman ngayon ang napangisi lalo pa nang malamang nasa California lang daw ang babae para bumisita sa kasintahang nag-aaral doon ng Masters of Business Adminsitration o MBA.
"And I have already booked you a flight for LA, sir. You are leaving at exactly twelve noon today and you will meet her at our hotel in downtown Los Angeles at exactly six in the evening."
"Why later when I can fly right now? Rebook my flight. I am heading to the airport now!"
At tumayo na nga si Gunter para kunin ang suit jacket na naka-hanger sa built-in closet na nasa likuran lang ng desk niya sa Skylark Quandt Building. Dere-deretso ito palabas ng upisina. Napasunod dito ang kakamot-kamot sa ulong assistant. Mukhang hindi nito maintindihan kung bakit kailangan nilang agahan ang alis. Wala pang alas sais ng umaga nang mga sandaling iyon! Hindi naman sila nagsisimula nang ganito ka aga sa ibang mga araw. Ganunpaman, sinundan nito si Gunter hanggang sa pagpasok sa loob ng sasakyan.
"I'll drive so you can call Ms. Buccini now and tell her you are rescheduling our meeting with her at half past eleven. Then, send for a ride to pick her up at her hotel at around eleven. Make sure she arrives on the dot at LAX Haven. I do not have much time to spare."
Pinangunutan ng noo si Frederick. "But, sir, LAX Haven is just a four-star hotel and their restaurants are nothing compared to our very own in downtown LA. Are you sure?"
"I know. But it's the closest to the airport. I want to be back in New York by eight o'clock in the evening. I cannot be late."
Frederick can be seen frowning again. Parang nag-isip ito nang malalim. Ang alam kasi nito, wala namang importanteng lakad ang amo nang araw na iyon dahil pinakansela nito lahat ang meetings simula late afternoon hanggang early evening. Bukod doon ay mariin din itong nagpaalala na tawagan ang ama nang bandang alas siyete nang gabi para masabihan itong huwag daw mahuli sa pupuntahan nila.
Pilit tuloy inalala ni Frederick kung may nalimutan itong importanteng okasyon ng mag-anak na Albrecht. Parte rin kasi ng obligasyon niya na magpadala ng bulaklak sa ina ng amo kung mayroong mga ipinagdiriwang ang mga ito kagaya ng wedding anniversary, birthdays, Mother's Day, at pati kaarawan ng kanilang mga aso. At sigurado ang binata na wala itong nakaligtaan ni isa man sa mga nabanggit.
"Have you heard of The Catwalk?" bigla na lang ay tanong ni Gunter sa katabi.
"The Catwalk?" balik-tanong naman ni Frederick sa binata. Kakitaan ito ng kalituhan. Marahil ay iniisip pang paanong hindi maintindihan ng amo ang salitang 'catwalk' na sa Amerika ito pinanganak at nagkaisip.
"The Catwalk. The magazine," Gunter replied with an obvious impatience. Nang hindi kaagad sumagot ang assistant ay tumawag ito sa ina. Nagulat siyempre si Madame Margaux Quandt Albrecht nang tanungin ng anak tungkol sa reputasyon ng fashion magazine na iyon. Ganunpaman, malugod naman itong sumagot. Tila kariringgan pa ng interes at pagkagalak ang ginang dahil for the first time ay naging interesado ang unico hijo nito sa linya ng negosyo.
"Thanks, Mom," nakangiting pakli ni Gunter saka pinatay nito ang cell phone.
No'n lang tila naging klaro ang lahat sa assistant. Naging katulad ng kay Archimedes ang naging reaksiyon nito nang madiskubre ng naturang physicist ang principle of bouyancy. Napa-eureka din si Frederick. Maririnig ang malulutong nitong tawa pagkatapos.
"How did I forget it! Yeah! Tonight's Ms. Shelby San Diego's inaugural fashion show!"
Gunter just gave Frederick a pseudo-scowl and put the back of his head on the headrest and closed his eyes for a few seconds. He was grinning like a little boy so pleased with himself.
**********
"Lyndie! Over here! Check on Marvin's suit!" sigaw ni Shelby sa assistant. Ito ang dati niyang katu-katulong nang nasa Margaux Quandt pa siya. Pumayag itong sumama sa kanyang bagong tayo na fashion house kahit hindi nito sigurado kung magtatagumpay ba sila o ano.
"Why do I have to do this Tita Shelby?" nakasimangot na tanong ng mag-lalabing isang taong gulang na panganay na anak ni Marius. Nakadipa ito habang inaayos ang fitting ng suit jacket na isusuot niya. Nakamasid sa kanya ang kanyang ina at lola.
"Because you're the most handsome pre-teen I know," tumatawang sagot ni Shelby dito sabay kiskis ng ilong niya sa ilong ng bata. Marvin just rolled his eyes.
Sa isang tabi ay makikita ang ina nitong si Vina at ang lola na si Mrs. McPhail na nag-uumapaw sa pride ang mga mata. Nang matapos nga ang fitting sa bata, eksaheradong pumalakpak pa ang lola sa labis na tuwa. Ang mommy naman ni Marvin ay maluha-luhang humalik sa panganay.
"You'll surely slay the catwalk tonight, anak. Mommy is so proud of you!"
Lalong sumimangot ang bata.
Nang masigurado ni Shelby na plantsado na't walang problema ang mga nakatokang imo-model nito mamaya, pinuntahan naman niya ang mga kapatid sa kabilang silid. Nang mga oras na iyon ay nangagsiupo ang mga ito sa silya na nakapaikot na pabilog sa gitna ng malawak at halos walang lamang silid. Naghuhuntahan pa sila! Ang tinalaga niya roong tatlong mananahi na mag-aayos kung may problema ang mga suot nila ay naka-stand by lang sa tabi. Tila nahihiyang mang-istorbo sa napapasarap na usapang magkapatid.
"What are you guys doing?" naiinis na bungad agad ni Shelby sa mga kuya. Imbes na magsukat kasi ng mga suits na gagamitin sa fashion show ay nag-reminisce lang ng mga kabulastugang pinaggagawa noon ng nag-aaral pa sa St. John's Academy.
"We know what to do, baby girl. Remember, we slayed them all on your previous fashion show, right?" pagmamayabang pa ni Matias at tumungga ito mula sa hawak-hawak na lata ng beer.
"Why the hell do I have to be included here? Nariyan na ang anak ko, ah. Kulang pa ba si Marvin?"
"Oo nga naman. My twin girls are already modeling for the pre-teen edition of your Autumn Collection. Bakit kailangan pa naming dumagdag? Hindi ka ba nagsasawa sa pagmumukha namin ni Matias? Sali na naman kami?" Si Markus naman.
"'Tol, tayo ang star di ba? Alangan namang walang stars ang show?" sabat ni Matias.
Moses and Morris left the room. Doon na kunsumi si Shelby. Pinamaywangan niya ang mga kuya at pinabalik pa ang kambal-tuko. Nang kompleto na ang hanay ng male models ay nagmando ang dalaga sa tatlong tauhan na ayusin na ang dapat ayusin dahil pupuntahan niya pa ang dalawang hipag na sina Ella at Alexis pati na ang mga pamangkin niyang babae na rarampa din mamaya.
Pagsapit ng alas otso, hindi na talaga maisalarawan ang kabang naramdaman ng dalaga lalo pa nang isa-isang nagdatingan ang kanyang mga bisita sa pangunguna ng kanyang Grandpa at Grandma, Mom and Dad at mga kakila ng kanilang pamilya mula sa iba't ibang panig ng Amerika na lumipad pa papuntang New York para masaksihan ang pinakaimportanteng kaganapan sa kanyang career bilang isang international fashion designer.
Nang makita ni Shelby sina Kyla, Mila, Irene, at iba pa niyang batchmates sa St. John Academy sa mga unang dumating ay lalo siyang napraning at sumidhi ang pagnanais na gawing matagumpay ang pagtatanghal niyang ito. Hindi dahil sa may gusto siyang patunayan sa kanila kundi'y ayaw niyang maging tampok ng funny anecdotes in America ng mga ito pagdating nila sa Pilipinas.
"Relax, my baby. You are doing pretty well," pagpapalakas ng loob niyang sabi ng kanyang mommy. Hinalikan pa siya nito at niyakap nang mahigpit.
"If there's anybody who will put you down tonight, rest assured we are all here to stand by your side. Just think that you do not need to prove anything to anybody. You are already a champion for being our princess," madamdamin namang pahayag ng dad niya. Pinangiliran pa ito ng mga luha.
Ang kanyang mga lolo't lola nama'y halos wala nang nasabi. Niyakap lamang siya ng mga ito at hinalikan sa pisngi.
Nang unti-unti na ring nagsidatingan ang mga taga-press, tila tambol sa lakas na ang tibok ng puso ni Shelby. Nang mapansin niyang halos karamihan sa mga ito ay hindi kilala at galing sa mga limitado ang circulation sa bansa, lalo siyang nadismaya. Ganunpaman, ikinatuwa niyang at least mayroong dumalo mula sa hanay nila.
Pormal nang sinimulan ang pagtatanghal. Nang isa-isa nang rumampa sa runway ang mga bulinggit niyang pamangkin, nag-ingay na ang crowd. Lalo pa nang tila propesyonal na naglakad sa catwalk ang dalawang seven year old na cute na cute na kambal ni Markus. Napatawa pa nila ang mga manonood dahil nang ang isa sa kanila ay nadulas at natumba pa ilang hakbang pa lang na nakalakad sa runway, mabilis itong bumangon at kumindat pa sa audience nang makatayo na. Pagkatapos no'n parang walang nangyaring ipinagpatuloy nila ang pagrampa. Halos panawan naman ng ulirat si Shelby nang mga sandaling iyon. Mabuti't nagawan ng paraan ng bulilit.
Walang pagsidlan sa kagalakan ang mga manonood nang isa-isa nang nagsilabasan ang mga hipag niyang suot-suot ang Autumn dresses niya with matching short boots. Pero kung gaano sila natuwa kina Alexis at Ella, mas naging maugong ang pagtanggap sa kani-kanilang mga asawa, lalung-lalo na kay Matias. Napansin din ni Shelby na sa lahat ng mga kapatid niya ay ito ang pinaka-natural sa entablado. Tuloy ay siya ang pinaka-tinilian at pinalakpakan ng crowd. Pero biases aside, tingin naman niya pinaka regal at elegant ang dating ng kanyang Kuya Marius sa lahat. Ito ang nagmukhang professional model. He carried all his attire well. Parang---parang si Gunter Albrecht. Class and dating without even trying. Napangiti siya sa naalala.
Halos kalagitnaan na ng formal wear for men nang mapansin ni Shelby ang isang matandang kasa-kasama noon ni Gunter Albrecht sa Eleven Madison Park. Nakaupo ito sa unang hanay sa kabilang side ng gilid ng entablado. Mataman itong nakatitig sa pagrampa ng mga modelo niya. Nang matambad ang ilaw sa tabi ng matanda napasinghap si Shelby. Dumating si Gunter! Hindi niya iyon inasahan dahil nga hindi naging maganda ang pag-alis niya sa fashion house na pagmamay-ari ng ina nito.
"Oh my God," naibulong niya sa sarili. "I should not mess up, I should not mess up."
Siniko siya ni Dane. "You won't. Relax."
**********
"Get off the driver's seat," pagtataboy ni Gunter kay Frederick. Hindi na nakipagdiskusyon ang huli dito dahil mukhang sambakol ang mukha ng amo sa pagkakadelay ng dating nila sa La Guardia Airport ng mga kalahating oras. Dapat kaninang alas siyete pa ang dating nila subalit dahil may kaunting aberya ay naurong ito at naging alas siyete y medya.
"Don't worry sir. We can still probably make it to the venue by seven forty five," pagpapalakas ng loob ni Frederick sa amo.
Hindi kumibo si Gunter. Pagkakabit nito ng seat belt ay pinaarangkada na agad ang sasakyan. Wala silang kibuang mag-amo sa loob ng halos dalawampo't isang minuto. Eksaktong alas otso ng gabi nang marating nila ang tapat ng gusali kung saan idadaos ang fashion show ni Shelby San Diego. Pag-ibis ni Gunter sa kanyang sasakyan, kasabay ding bumaba ang isa pang panauhin ng dalaga sa hindi kalayuan. Hinintay ito ng binata bago sabay silang pumasok sa loob.
Napansin agad ni Gunter na halos karamihan sa mga naroroon ay mga Asyano. And he thought they were all fashionably dressed. Pero hindi sila ang hanap niya. Mabilis na sinuyod ng kanyang mga mata ang pinakagustong makitang nilalang nang mga oras na iyon. Nang masulyapan niya ito sa bandang harapan malapit sa runway, he smiled satisfactorily. He took a photo of her using his phone and tweeted it on his page. Before he knew it, it was retweeted and shared on other social media sites. Hindi na siya nagulat nang sa paglingon niya sa kanyang likuran dahan-dahan nang napuno ng mga socialites ng New York City ang lahat ng bakanteng upuan sa silid. No'n lang siya tumigil sa kakabutingting ng phone at nag-concentrate sa mga rumarampa. Nang ipakilala ang kahuli-hulihang lalaking modelo ng pinakagusto niyang disenyo ng suit, pinangunutan siya ng noo. Another San Diego?
What a very productive family!
Pero naisip din niya na baka pinsan o kaapelyido lang ito ng dalaga. Parang a thing of the past na ang pagkakaroon ng maraming anak lalung-lalo na sa mga mayayaman. At nabatid na niyang may kaya ang pamilya ng babae sa Pilipinas. Kaya siguro'y tama na ang limang anak. Sobrang-sobra na nga iyon kung tutuusin by any standard. For an American family, three kids is a handful. Kadalasan kasi'y isa o dalawa lang. Kagaya ng mga magulang niya. Nang mamatay ang younger brother niya noong kapapanganak pa lamang dito'y nanumpa na ang mommy niyang hindi na ulit mag-aanak pa. Kaya he grew up an only child.
Nang sa wakas ay ihudyat na ang pagtatapos ng fashion show at pormal na ipakilala isa-isa ang mga modelo, lalong na-shocked si Gunter.
"Are they all related?" ang dad niya. Sa isang German immigrant na galing sa only-child family for generations, parang ang hirap nito maniwala na ang limang nagrampa ng men's casual and formal wear sa Autumn collection ni Shelby ay puro mga kapatid niya.
Tumayo na silang mag-ama para lapitan ang star ng show. Paghakbang niya para puntahan sana ang dalaga, naharang siya ng kung ilang socialites na nandoon lang dahil sa kanyang tweets. Ilan sa kanila'y loyalists ng kanyang ina. Hindi nga nila itinago ang kanilang opinyon laban kay Shelby.
"I cannot believe you came to this kind of show Mr. Albrecht," sabi ni Mrs. Jones agad nang makita siya. Nakasuot ito ng kumikinang sa maliliit na brilyantitos na mermaid-style pastel colored evening gown. Alam ni Gunter na ito na siguro ang may suot ng pinakamahal na evening wear nang mga sandaling iyon, but definitely not the best dressed one. Mas nagustuhan pa niya ang napili ng babae na katabi ni Mr. Magnus San Diego.
Tingin ni Gunter mas mararating niya agad si Magnus kaysa sa anak nito sa dami ng pumaikot na ngayon sa dalaga kung kaya minabuti niyang akayin papunta roon ang ama. Ni hindi na niya sinagot si Mrs. Jones.
"Oh my! Look who's here. Is that you, Gunter?" maarte namang bati ni Mrs. Marshall. Kaibigan ito ng kanyang ina at siyempre loyalist din ng Margaux Quandt. "Does your mother know you're here?" dugtong pa nito.
Nainis ang binata. Pero nagpigil pa rin siya kung kaya binalilk niya lamang ang mga sinabi nito sa tonong malumanay. "Does she know you're here, too?"
Nang makita itong tila namula sa inis, mabilis siyang nagpaalam. Hindi na niya binigyan ang mga ito na makipagplastikan pa sa kanyang ama. His father did not even acknowledge them. He simply looked straight ahead. Nag-soften lang ang ekspresyon nito sa mukha nang magtama ang paningin nila ni Shelby.
"You must be the designer. Congratulations, my dear. Job well done."
Nangiti si Gunter nang naunahan pa siya ng amang makalapit kay Shelby. Ngayo'y nakabuena mano na ito sa pagbati sa matagumpay na pagdaraos ng dalaga ng kauna-unahang fashion show nito.
"My father, Henry Klaus Albrecht," pormal na pagpapakilala ni Gunter sa ama. Napalingon sa kanya si Magnus San Diego at limang lalaki na halos ay kahawig nito o ng babaeng kasama. Nang mapagtanto ni Gunter na ina ni Shelby ang kaabrasiyete ni Magnus kaagad siyang nagbigay-galang sa tila nagulat na babae.
"I'm Gunter Albrecht, a good friend of Shelby---your daughter?"
Napatangu-tango nang marahan ang ginang at napatingin agad ito kay Shelby na tila nagtataka. Subalit ang limang lalaki na akala ni Gunter ay abala sa kani-kanilang kaibigan o kamag-anak ay sabay-sabay na napatitig naman sa kanya at tiningnan pa siya nang masama. Hindi sila nagsalita pero sa palagay niya'y tinatantiya ng mga ito ang kanyang pagkalalaki. He saw his dad looked at them and him looking a bit confused.
"Uhm---Mom, this is Gunter Albrecht. I used to work for his mom's fashion house. I started there."
"Ah. Okay. I'm Sheila Mariano San Diego," nakangiting pagpapakilala naman ng babae sa kanya na kahit may edad na't nagkaanak pa ng kalahating doesena ay napanatili pa rin ang ganda ng katawan at kinis ng kutis. She still looked stunning.
Pagkarinig ng pangalang Mariano, napa, "Ah! Mariano," si Gunter. Tila nalito naman ang ginang.
Si Shelby na ang nagpaliwanag sa ina na iyon ang una raw ginamit na pangalan kakabit ng mga designs. Nito lang daw pinalitan at ginawa nang San Diego para wala nang confusion.
No wonder ang ganda-ganda ni Shelby.
Aabante sana at makisingit sa usapan nila ang kapatid ni Shelby na dati nang nambastos sa kanya sa fashion show ng Margaux Quandt pero pinigilan ng kapatid na kambal. Hindi na matukoy ni Gunter kung si Markus ba iyon o si Marius. They both looked the same now that they are standing next to one another. Para lang siyang duling nang makita ang dalawang ito nang sabay.
Habang masaya silang nakikipaghuntahang mag-ama sa mag-ina, ang mga lalaking San Diego ay tila nakamasid lang sa kanila. They were all strangely quiet. And Gunter kind of felt uncomfortable lalo pa't tila sadyang hindi sinasagot ng mga ito ang mga attempts niya at small talk.
Hay. Parang tama si Frederick. Parang papasok ako sa butas ng karayom muna bago ako makalapit nang husto sa kapatid nila.
**********
Habang tinitingnan ni Shelby kung paano makipag-usap si Gunter sa mommy niya napansin ng dalaga na tila ingat na ingat ito. Parang gustong impress-in ang mom niya. Napangiti siya nang lihim. Nang tila nawiwili na ang ina sa pag-eestima rito, nagpaalam sa mga ito ang dalaga para puntahan ang kanyang lolo't lola.
"Awesome show, my love," sabi nila pareho sa kanya. "But sorry to say, we are going back to the hotel now.We are both tired. Enjoy your party."
Matapos siya halikan ng mga ito'y nagpaalam na rin sa iba nilang kapamilya. Hinatid pa ng dalaga ang mga ito sa labas at mariing ibinilin sa kanilang private nurses at yayas. Pabalik na siya sa loob nang may marinig na hindi maganda ukol sa kanyang mga disenyo. Ang iba raw ay parang bakya at hindi pang-high end gaya ng Margaux Quandt. Bukod doon naokray din ng mga ito ang ibang telang ginamit niya sa damit. Bakit daw abaca at pinya? Ano ang espesyal sa mga materyal na iyon?
"They're good materials for making clothes," sabat niya agad sa mga pinanggalingan ng mga ganoong pang-o-okray. "We use them a lot in my country, the Philippines."
"Of course, my dear," sagot ng isang socialite at itinirik pa ang mga mata nang humarap sa mga kasamahan. Nakita iyon ni Shelby.
"Do you have problems with them?" sita ni Shelby sa babae.
"No, no, no. Of course not. You have misread me." At mabilis itong nagpaalam sa kanya. Pero nang malayu-layo nang kaunti sa kanya ay nagtawanan sila. Hindi iyon nagustuhan ng dalaga. Subalit hindi na lang niya pinansin. Panira lang kasi ng gabi iyon. Doon siya nag-concentrate sa mga taong na-appreciate ang galing niya.
Nang paunlakan na niya ang mga naimbitahang press people sa maikling after-the-show interview ay mayroong nagpakita ng ganoong uri ulit ng disgusto sa ginawa niya. Nakilala ito ng dalaga na isa sa mga naging suking writer ng Margaux Quandt at naging judge pa minsan sa kanilang in-house fashion house kung saan sila naglaban ni Katarina.
"Do you think you will be able to attract high end clienteles with tonight's fashion show?" Bago pa niya iyon masagot ay may hirit agad ang babae. "It seemed like you have underestimated the taste of the local elites. What made you think that your choice of clothing material will appeal to them?"
Napalunok si Shelby bago sumagot. "I know it's a big risk. No business operates on a zero risk environment. But growing up in a business-oriented family, I have come to realize that a business that doesn't take risks remain stagnant. And I do not want to remain stagnant."
Nagtaas ng kilay ang fashion writer at nagpatuloy pa. Hindi na halos makasingit ang ibang naroroon. "Yes, point taken. But you also need to understand that this is New York. Local elites here love classy materials because they want to wear only the best clothes a first world country can offer. So given that premise, are you still sure they will like your design and your clothing line?"
"I like her design and I like her Autumn collection," biglang sabat ni Gunter mula sa kung saan. Madilim na ang mukha nito. Sa tingin ni Shelby ay kanina pa ito nakikinig lang sa palitan nila ng salita ng fashion writer na mapangahas.
Hindi siya agad namukhaan ng manunulat. Naging palalo pa ito lalo. Nagpasaring pa kay Gunter. "Well, that's you. What made you so sure that you have the same taste as most of our local elites?"
"And what made you so sure that these local elites you are talking about has better taste than I do?" Malakas na ang boses ni Gunter. Pumagitna pa ito. Nang mapokus sa kanya ang ilaw, marami ang napasinghap at nagkaroon agad ng bulung-bulungan. Napalingon sa mga nasa likuran ang mapangahas na fashion writer bago tumingin uli kay Gunter. Huli na nang makilala niya kung sino ang kasagutan.
"Mr. Albrecht!" naibulalas nito. At tumahimik na.
"Do you know where I got the suit I am wearing tonight?" tanong ni Gunter sa lahat nang nandoon. Pinuri-puri kasi nila ito nang makilala na siya. "This woman right here designed this for me!"
Another gasp. At nag-sorry na ang mapang-insultong fashion writer. Mabilis pa sa alas kuwatrong tumalilis ito at tila nagtago sa kumpol ng mga bisita. Kasunod no'n ay naging matiwasay na ang talk with the press session ni Shelby.
**********
A/N: LAX Haven does not exist. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top