CHAPTER FOURTEEN
A/N: THE ENTIRE STORY UP TO THE EPILOGUE IS AVAILABLE ON GOOGLE PLAY. SALAMAT PO!
**********
Pagkahalik sa pisngi ng kanyang grandpa, dederetso na sana si Shelby sa kuwarto ng grandma niya nang mahagip ng kanyang tingin ang hinahawakan nitong papel. Tila isa iyong kontrata ng kung ano. Base sa narinig na paliwanag ng assistant ni Don Manolo, napag-alaman ng dalaga na mayroon itong natanggap na isang business proposal for a joint venture para sa planong acquisition ng ilang non-performing hotels sa Virginia Beach.
Hindi tuloy nakahakbang palayo ang dalaga dahil may narinig siyang pangalan na pumukaw ng kanyang interes. Pasimple siyang sumilip pa sa papel na binabasa ng lolo. Mukha ngang tama ang kanyang sapantaha.
"Is this guy related to Henry Albrecht?" tanong ng lolo niya kay Mr. Rodriquez, ang Hispanic assistant nito sa tuwing nasa Amerika. Ang ibig nitong sabihin ay ang signatory ng sulat na kalakip ng makapal na kontrata.
Gunter Klaus Albrecht!
Napasinghap si Shelby nang mabasa ang nasa ibabang bahagi ng sulat. Gusto niya sanang makisali sa usapan pero nag-alangan siya nang makitang tila hindi nagustuhan ng matandang San Diego ang nababasa sa sulat.
Napapiksi siya nang biglang lingunin ng grandpa.
"Did you find your grandmother, sweetie?"
Napatikhim-tikhim si Shelby. Medyo nag-init pa ang kanyang mukha. Daig pa niya ang nahuli sa pagnanakaw. She felt guilty hovering around knowing that what they were talking about was none of her business. Medyo ganoon nga ang nabasa niyang ekspresyon sa mukha ni Mr. Rodriguez. Tila kinukwestiyon nito kung bakit nandoon pa siya. May pagka-arogante rin kasi ang mamang ito porke pinagkakatiwalaan ng kanyang grandpa.
"Uhm---about Henry Klaus Albrecht, Grandpa," paunang salita niya. It made her grandpa glance again at the paper he was holding. Nakita niya pa ang pangungunot ng noo nito.
"How do you know him?" nagtatakang tanong ng matanda sa apo.
"I used to work for his wife's fashion house---the Margaux Quandt Fashion House."
Napatangu-tango rito si Don Manolo at tila napaisip pa. "I heard not so good info from your grandma about the owner of that company. You were not treated well." His grandpa then pursed his lips disgustedly. Saka tinulak nito ang brown envelope papunta sa harapan ng assistant.
"Oh!" nagulat si Shelby sa narinig sa lolo. Naku. Nakuwento na pala ng grandma niya ang nangyari kamakailan. "Uhm---iyong asawa lang po niya ang hindi naging mabait sa akin, Grandpa. But that Henry Albrecht you were talking about was really kind to me," pagkaklaro ng dalaga.
Napangiti nang mapakla ang don at umiling-iling. "I do not want to deal with anybody who is related to someone who has mistreated my only granddaughter. That's final."
Tinawag nito agad ang private nurse at nagpatulong sa pagtayo. Umalalay din dito si Shelby. At the back of her head, she thought of telling her grandma about it. Pero sa ngayon ay kailangan muna niyang tumahimik dahil baka mapaghalataan siya ng lolo na atat magkaroon ng ugnayan sa mga Albrecht.
**********
Natigil sa pagre-review ng mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa si Gunter nang mahagip ng tingin ang isang artikulo sa feature story ng isang international news outlet na ang website ay nakabukas sa kanyang laptop. May nakaakbay na lalaki kay Shelby. Parehong silang tumatawa. The guys was not among the five brothers he had already met. May pagka-singkit kasi ito. Na wala sa limang San Diego brothers nito. Naalarma si Gunter nang bahagya sa naisip na iyon, pero mayroon din siyang kutob na he might be another sibling. Napangiti siya nang maisip iyon. Sa kabila ng alalahanin natawa siya sa posibilidad na isang dosena ang kapatid na lalaki ng babaeng tinatangi.
Her mom must be a super human to have the body to endure several childbirths.
Pagpasok ni Frederick, kaagad niya itong pinaupo sa harapan ng mesa niya. He turned the screen towards his assistant and asked him about the guy. Nakita ni Gunter na pinangunutan ng noo si Frederick kung kaya medyo nadagdagan ang kanyang pangamba.
"As far as I know, Ms. San Diego has five brothers only. This guy is for sure not one of them."
"Are you saying this could be---" Hindi kayang sabihin ni Gunter ang sapantaha. Nang hindi makasagot agad ang assistant napatayo siya at napalakad-lakad sa gitna ng upisina.
"It's your fault, boss. You had a lot of time to court her. You didn't do more than trying to win her family's approval."
Natigilan si Gunter. Mabilis na bumalik sa kanyang alaala ang mga pinaggagawa nitong nakaraang buwan. May katwiran nga si Frederick. Ganunpaman, naisip din niyang kung talagang gusto siya ng dalaga dapat sana'y nagpakita rin ito ng motibo. Iyong ibang babae nga, mabigyan niya lang ng kaunting atensyon ay kaagad-agad na siyang dinidigahan. Bakit si Shelby'y tila walang reaksiyon?
For the first time in his life, he felt a bit unsure of his charisma on women. Hindi kaya wala itong pagtingin sa kanya? Nabigay na niya lahat ng palatandaan na gusto niya ito, subalit wala man lang ginawang hakbang doon si Shelby. Marahil ay hindi siya gusto nito?
"Do you think Ms. San Diego doesn't like me?" bigla na lang ay natanong ni Gunter kay Frederick.
Kakitaan ng biglang pagngiti ang assistant na kaagad nitong sinupil. Tila may naisip itong gawin sa amo bilang ganti sa hindi mabilang nitong pagpapa-overtime sa kanya kahit alam nitong may date siya sa mga pinopormahang babae.
"If I were Ms. San Diego and a dashing CEO like you is sending me flowers and doing stuff to woo my family members, I would already ask you to marry me---that is if I liked you. But it seemed like Ms. San Diego likes someone else."
Awtomatikong napakuyom ang mga kamay ni Gunter. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na galit sa lalaking umaakbay kay Shelby sa larawan na nakita niya sa isang news story ngayon-ngayon lang.
"Bullshit! That guy looks like a whimp! If she chose him over me, then she has no taste!"
Nagtaas ng kilay si Frederick. Mas lalo siyang nagkaroon ng motivation to irritate his boss more.
"That guy is obviously a Filipino---one of them. Probably her family approves of him more than they do ---"
"Shut the fvck up! And get out!"
Napatakbo palabas ng upisina ni Gunter si Frederick. Doon na ito bumunghalit ng tawa. Napataas ng kilay ang matandang sekretarya na nag-uupisina sa labas lang ng office ng amo niya.
"It's a wonderful world, Sam. It's a wonderful world..."
Lalong pinangunutan ng noo ang babaeng tinawag na Sam. Napasulyap ito sa upisina ng CEO nila at napapitlag bigla nang may marinig na kalabog sa loob. Sisilipin niya sana ito kung ano ang maitutulong niya nang pigilan ni Frederick.
"He's very busy right now. Don't disturb him, okay? See you around, Sam." At sumakay na ng elevator pababa si Frederick habang nakangisi.
**********
Gustong mapasuntok sa ere ni Shelby nang matanggap ang opisyal na sulat mula sa isang miyembro ng Royal Family ng Belgium. Siya raw ang napili ng isang prinsesa doon na magdadamit dito para sa nalalapit nitong sweet sixteen birthday party. Halos lahat sila sa kanyang upisina, mula sa assistant niyang si Lyndie hanggang sa mga sample makers at mananahi ay napasigaw nang malakas pagkabasa niya sa harapan ng mga ito ng naturang liham.
"That means we will be working more hours from now on," nakangiti niyang pahayag sa mga ito.
"That's okay, Shelby. At least now we are inching towards our goal---to be at par with the Margaux Quandt," taas-noong sagot ni Lyndie.
"Huwag na nating masyadong intindihin ang mga iyan. Nakakasira lang ng modo," sabi niya rito sa wikang Espanyol. "Alam natin na kahit noon pa man ay mayroon tayong ibubuga. Iyan ang pinakaimportante sa lahat," dugtong pa niya.
"Bueno, let's all go back to work," mando ni Lyndie sa lahat. She clapped her hands three times to make all the workers move fast.
Pabalik na ng mesa niya si Shelby nang dumating ang isang messenger na may dala-dalang isang buoquet ng purple tulips. Galing kay Gunter Albrecht. This time klaro na ang mensahe ng card na kasama ng mga bulaklak. Iniimbitahan siyang mag-dinner kasama nito sa isang floating restaurant sa New York Harbor, ang Skylark Haven sa Sabadong iyon. Ang alam ng dalaga sobrang mahal ang mga pagkain doon dahil iilang guests lang ang maaaring estimahin at a single time. Katunayan, ang tanging nakaka-afford lamang mag-book doon ay mga royal families ng iba't ibang bansang nabisita ng New York o di kaya'y mga local at foreign billionaires.
Her parents once tried reserving a seat there for their twenty fifth wedding anniversary pero hindi sila nakakuha. Sobrang haba talaga ng pila. Isa nga rin ang naturang yate turned into a posh restaurant sa nakalista sa bucket list nila ni Dane na kakainan balang araw. Heto't mukhang mapapaaga na ang pagtupad niya sa naturang pangarap, pero kakayanin ba ng schedule niya?
"Lyndie, can you come here for a second?"
"Oh, wow! What a beautiful buoquet!" nasabi nito agad pagkakita sa mga bulaklak sa mesa niya. Hinaplos-haplos pa ang mga talulot ng kamumukadkad na tulips. "Do you know what purple tulips signify?" tanong pa ni Lyndie sa kanya na tila may naalala.
Napatingin si Shelby sa magagandang bulaklak tapos ay sa assistant who looked like she was kind of dreaming while touching the flowers' petals.
"Beauty and elegance?" hula niya habang nakangiti. Hindi siya masyadong maalam sa mga ganitong bagay. Hindi naman kasi siya masyadong mahilig dito katulad ng mommy niya na may likas na interes sa mga namumukadkad na halaman. Katunayan, ang dami nitong koleksiyon na rare orchids at roses sa hardin nila sa bahay sa Alabang.
"More than than, sweetie. This means that the giver considers you his queen. He has great love and admiration for you. By the way, who gave this to you?"
Dinampot na ng ginang ang card na nakapatong sa kanyang desk at pagkabasa roon ay natutop pa agad ang bunganga.
"Oh, my, God!" madrama nitong bulalas. Napangiti si Shelby. "Madame Margaux Quandt will surely die if she knew about this. Are we going to tell her?"
"That's not the reason why I asked you to come here. I was just wondering whether I can spare some time for this dinner. I know I have a full schedule until this weekend so---"
"Of course, you have time! What are you talking about?!"
Natawa si Shelby sa reaksiyon ng assistant. "Much as I want to give time for this but if my schedule does not permit it, then I will have to forego this one."
"No! You should go. For sure we can still manage to be on time with the delivery of the Princess' gowns and all. Remember, the old saying? All work and no play makes little Shelby a dull girl."
Napangisi roon si Shelby, pero hindi niya maikakaila ang nadarama niyang kilig.
**********
Gunter made sure he got his message across nang ipasundo niya sa kanyang custom-made Rolls Royce sa bago nitong tirahan sa Upper East Side ang dalaga. Binigyan niya ng instruksiyon ang driver na magbihis nang maayos na animo'y isang miyembro ng royal family ang kanyang susunduin. Habang hinihintay si Shelby sa yate nangingiti ang binata sa text ng driver niya. Nagulat daw ang dalaga at napatingin-tingin pa ito sa paligid na parang hinihintay na may lalabas na isang prinsesa o reyna nang lumabas daw ang driver niya sa sasakyan at salubungin ito. Hindi lamang daw iyon. Ilang beses pa raw nagtanong ang babae kung totoo ngang siya ang nagpasundo rito. Hiningan pa raw ng ID si Mr. Jones, ang chauffeur.
Malayu-layo pa ang Rolls Royce sa tapat ng Skylark Haven ay nakaantabay na sa harapan nito si Gunter. Nakasuot siya ng isa sa mga business suits na dinisenyo mismo ni Shelby para sa kanya noong nagtatrabaho pa ito sa fashion house ng kanyang ina. He made sure he chose the best among them, although lahat naman ng gawa ng dalaga ay hinangaan niya talaga nang tunay.
Nang matanaw na ni Gunter ang sasakyan ilang metro mula sa kanyang kinaroroonan rinadyuhan na niya ang paikot-ikot na helicopter sa bandang itaas lang ng yate na maghanda nang magpaulan ng mga petals ng bulaklak. Saktong pagbaba ng dalaga sa sasakyan nang umulan nga ng iba't ibang kulay ng talulot ng tulips, roses, at carnations. Pinaulanan sila hanggang sa makarating ng yate.
"Aayyy!" naisigaw ni Shelby na parang bata. Napanganga pa ito sa pagkamangha.
Nag-animo paraiso kasi ang harapan ng yate sa dami ng nagkalat na petals ng mga naggagandahang bulaklak. Para kay Gunter sulit ang effort na ginawa niya nang makita ang amazement sa mga mata ng dalaga.
"I'm glad you accepted my invitation," sabi niya rito matapos ibigay ang bisig para kapitan nito.
"Thank you for doing this for me. Though I appreciate it very much, you shouldn't have spent this much money on things that have no---practical value. Sorry," sagot nito.
For a while natigilan si Gunter sa narinig. May mali ba sa ginawa niya? Gusto lang naman sana niya itong mapasaya at maparamdam dito kung gaano siya kaimportante.
Mabilis na pinasadahan ni Gunter ng tingin ang dalaga. Totoong kaaya-aya ang kanyang hitsura, mula sa suot nitong A-line purple dress na lampas tuhod at isang kulay puting autumn overcoat na pinaresan ng kulay brown na short boots, pero nabatid niyang hindi iyon kamahalan. Mukha lang mahal dahil siya ang nagsuot. Pati ang kakulay ng boots na bonnet na sa isang tingin ay parang gawa sa mamahaling wool na nagbigay sa dalaga ng classy look ay hindi rin tunay na wool, which in Gunter's expert eyes were surely an imitation.
"This is not a real wool," nakangiting pag-amin ni Shelby at hinawakan pa nito ang bonnet. Ni wala itong pangimi nang sabihin iyon. "Mom and I are against the slaughtering of animals just so people like us can wear fashionable clothes."
Napatangu-tango rito si Gunter. Naisip niya, kung iba siguro iyon, hindi aamin na peke ang wool na gamit niya. The more na nakitaan niya ito ng depth. Naisip din niya na kahit lumaki ito sa isang mayamang angkan sa Pilipinas at nag-iisa pang anak na babae ng pamilya ay hindi naman pala isang spoiled brat kagaya ng karamihang kakilala niya.
Nang nasa loob na sila ng yate, napanganga na naman si Shelby. Tinitigan siya nito nang matiim nang kung ilang segundo. Tapos she broke into a smile.
"You wore my suit," sabi nito sa mahinang tinig. Parang sarili lang ang kausap. Medyo pinangiliran pa ito ng luha na pilit na nilabanan.
Na-touched si Gunter sa appreciation nito. He then patted his shoulder for a job well done. Mukhang ito pa lang ang nagawa niya nang tama nang gabing iyon.
"My favorite," sabi niya. Na totoo naman. Sa ibang designers, siguro nasusuot lamang niya ang mga suits nila ng dalawa o tatlong beses bago idispatsa pero ito'y naulit na niya ng panglimang beses na kasama ang pagsuot niya nito ngayon.
"This way, sir, madame," nakangiting salubong sa kanila ng isang puting server na lalaki. He was also dressed impeccably like he would serve a royalty.
Pagkapasok ni Shelby sa loob napakurap-kurap siya. Gunter held his breath. Halos hindi siya makahinga sa paghihintay ng verdict ng dalaga. Sinadya niya kasing ipasara ang buong restaurant na iyon para lamang sa kanilang dalawa. Gusto niyang hindi ma-conscious si Shelby habang pinapatugtog ng na-hire niyang chamber orchestra ang ilan sa mga nabanggit nitong paboritong awitin ng dekada saisenta, sitenta, at otsenta.
"How did you know I like this song so much?" halos ay naibulong lamang nito nang pumailanlang ang It's a Wonderful World ni Louis Armstrong. Pumatak pa nga ang nangingilid na luha ng dalaga na kanina pa nito pinipigilan.
"This is just what I feel tonight. It's indeed a wonderful world," sagot naman ni Gunter.
"What a Wonderful World by Louis Armstrong is my grandparents' favorite song. When I was a child, Grandma often sang this for me while Grandpa played the piano."
In-imagine ni Gunter ang kinder na si Shelby habang nakahiga sa kandungan ng lola at inaawitan ng huli ng What a Wonderful World habang tumutugtog ang lolo nito. Napangiti siya sa eksenang iyon sa kanyang isipan. How he wished he already knew her at that time. Sana man lang ay hindi naging hungkag ang kanyang kabataan.
**********
Daig pa ni Shelby ang isang prinsesa nang sinasayaw na siya ni Gunter habang tumutugtog ang chamber orchestra sa background. Lahat ng mga nakalakhan niyang musika ay nandoon. Pero wala nang tatalo pa sa tatlong kanta na naging malaking bahagi ng kanyang kamusmusan. Ang Hungry Eyes ni Eric Carmen at ang Keep on Loving You ng Reo Speedwagon na palagi niyang naririnig na pinapatugtog ng ama habang isinasayaw ang mommy niya tapos ang What a Wonderful World ni Louis Armstrong na paborito naman ng kanyang mga lolo't lola.
"Your grandmother has an interesting taste in music," nakangiting pahayag ni Gunter matapos nilang sayawin ang paborito ng kanyang lola.
"Yes. She does," nakangiting sagot niya. "And thank you for all these. I really appreciate everything you did for me tonight."
Tumangu-tango na naman si Gunter pero hindi ito nagsalita. Na-sense ni Shelby na parang may pinag-aalala ito. Binalikan niya ang mga sinabi niya rito kanina at naalala niya iyong tila pinagsabihan niya ito tungkol sa grandiyosong pagpapaulan ng mga mamahaling bulaklak na hindi dapat niya ginawa. Baka nasaktan niya roon ang binata gayong ginusto lamang nitong pasayahin siya. Na-guilty tuloy siya.
"Uhm---what I said a while ago---I did not mean it to be preachy. Sorry about it."
She even smiled at him to keep his mind at ease. Ganunpaman para pa rin itong nininerbiyos na hindi maintindihan. Tinawag nito ang isang waiter na nakaantabay sa isang tabi. Kaagad naman silang nilapitan ng lalaking itim. The guy reminded Shelby of a young Mohammad Ali.
"Yes sir?"
"We would like to have our dessert now," sabi nito. May dinugtong ito sa salitang German na hindi naintidhan ng dalaga. Napasulyap nga ang huli sa server nang makita niya itong napangiti sabay sulyap sa kanya.
Mayamaya pa'y nasa harapan na nila ang specialty ng restaurant. Isang maliit na mangkok ng ice cream drizzled with edible gold flakes. Napanganga nga siya nang makita iyon. Hindi siya nakatiis. Kinuha niya ang cell phone sa purse at piniktyuran iyon. Tapos, kinuha niya ang kutsarita. Magso-scoop na sana siya ng kakainin nang pinigilan siya ni Gunter.
"I hope you are happy," sabi nito.
Napangiti siya rito sabay pakli ng, "Of course, I am. And I am very thankful to have experienced this tonight. My friend Dane and I have always dreamt of having dinner here but we just cannot secure a reservation though we had done it a year in advance."
Tumangu-tango si Gunter, pero mukha namang hindi interesado sa kuwento niya. May nagpapagulo sa isipan nito. Naiintriga na si Shelby. Magtatapat na ba ito sa kanya? Iyon ba ang inaalala nito? Well, much as he had scored a home run tonight, hindi niya padadaliin ang panliligaw nito. Aba, si Alfonso nga three years siyang niligawan na kung tutuusin ay halos sabay na silang lumaki at kilala pa ng pamilya niya ang pamilya nito.
"Are you okay?" tanong ni Shelby dito. Tapos bigla siyang pinangunutan ng noo. Ang pangungunot ay nauwi sa matinding pag-aalala. May nakagat kasi siyang medyo matigas. Napadampot agad siya ng tisyu at maingat na dinura roon ang kung anong napasama sa isang scoop ng ice cream niya. Naibsan lang nang bahagya ang pangamba niya nang makapa ng dila ang kanyang front teeth. Kabadung-kabado na tiningnan niya kung ano ang nasa tisyu. Nang makita ang isang tila singsing na kumikinang ay nakahinga siya nang maluwag. Inisip niya kasi'y natanggalan siya ng ngipin dahil sa sobrang lamig ng ice cream.
Wait! A ring?!
No'n lang tumimo sa isipan ng dalaga na singsing pala ang nakagat na matigas na bagay mula sa ice cream. Bago pa niya ma-process nang husto ang naturang pangyayari, nakaluhod na sa tabi niya si Gunter at nasa palad na rin nito ang naturang diamond ring.
"Shelby Madeline Mariano San Diego, will you marry me, Gunter Klaus Albrecht and be with me forever---and always?"
Namilog ang mga mata ni Shelby sa narinig. Ang iniisip niya lang na ending ngayong gabi ay ang pagtatapat nito na gusto siyang ligawan. Hindi niya inisip na ngayon na ito magpo-propose. Ano ba ang nakain nito't inuna pa ang proposal sa panliligaw?
"Shelby?" Butil-butil na ang pawis ni Gunter, pero si Shelby ay mukhang speechless pa rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top