CHAPTER FOUR

A/N: Tentative portrayer for Gunter. Best candidate for me. What do you think?

**********

"They're you're brothers?" halos pabulong na lang na tanong ni Gunter kay Shelby. Hindi ito makapaniwala. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin nito kina Markus at Matias tapos ay sa dalaga at pabalik na naman sa dalawang lalaki.

"Yes, they are," pakli naman ni Shelby. Nakaharang pa rin ang katawan niya sa mga kapatid.

Gunter cleared his throat. Napakamot-kamot pa ito sa batok para makayuko nang kaunti. Ayaw niya rin kasing mahalata ng mga kaharap ang pagsilay ng ngiti niya sa labi. Sa katunayan, hirap na hirap siyang supilin iyon. Daig pa kasi niya ang naka-jackpot. He was more than happy. He was relieved beyond words.

"Oh," tanging nasagot niya sa pagkompirma ni Shelby. "Your brothers," sambit uli niya. Parang ninanamnam ang katotohanan.

Kakitaan naman ng kalituhan ang mga security personnel dahil biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng anak ng kanilang amo na tinatawag nilang Madame Quandt. Kung kanina'y nakikita nila itong nagngangalit na parang super typhoon ngayo'y biglang nag-animong lull before the storm. He looked strangely calm and composed.

"Sir?" untag ng mga dambuhalang guwardiya kay Gunter. Natigil kasi ito sa pagbibigay ng instruksiyon sa kanila na paalisin doon ang dalawang modelo.

"You may go back to your posts now. It was a false alarm."

"Sir?" anang pinuno ng guwardiya. Hindi makapaniwala. Bihira kasing magbago ng isip ang isang Gunter Klaus Albrecht na kilala nila. Once he sets his mind on something, he really goes for it.

"I said, go! You are not needed here anymore," mando pa nito sa kanila.

Napaharap bigla si Shelby kay Gunter dahil sa narinig. Gulat na gulat din siya. Kung kanina nakita niya itong parang gustong lapain ang mga kuya niya, ngayo'y maaliwalas na ang mukha. Nakangiti na rin ito sa kanya at bumalik pa ang Mr. Nice Guy aura na tulad noong una niya itong makilala. Ang pinakapinagtaka niya sa lahat, humingi pa ito ng dispensa kina Markus at Matias.

"I thought you guys were harassing Shelby Ma---shall I call you Shelby?" At sumulyap ito sa dalaga with an apologetic expression.

"No!" halos ay sabay na tutol ng dalawa bago pa man makasagot ang kanilang kapatid. Napa-double take sa kanila ang dalaga.

Si Gunter naman hindi na nagulat sa reaksiyon ng mga kapatid. He expected them to be hostile still because of the things he said to them. But he was determined to make amends to them.

"You see I thought you were harassing Ms. Mariano here. And I do not tolerate any woman being harassed right in front of me. Sexual harassment is not tolerated in New York."

"Bipolar ba ang lalaking ito?" anas ni Matias kay Shelby. Pero sadyang pinarinig kay Gunter.

Binigyan ng dalaga ng warning look ang kuya niya. "Huwag kang mag-Tagalog. Aakalain niya pinag-uusapan natin siya," pabulong pa niyang babala.

Hindi nakinig ang Matias. "Are you suffering from a bipolar disorder?" tanong pa nito sa eksaheradong mahinahong boses. Iyon bang parang bukal sa loob ang pag-aalala.

Hindi napigilan ni Markus ang mapangisi sa sinabi ng kapatid. Pinandilatan naman ni Shelby si Matias. Gunter, however, did not reply. He did not care about it. Nothing could dampen his spirit right now.

Samantala, si Lord Randolph ay palipat-lipat ang tingin sa apat. At unti-unti itong napatangu-tango. Tila bagang may nadiskubre ito sa tahimik na pag-oobserba sa apat na nilalang sa kanyang harapan. Ang ikinababahala lamang niya ngayon ay si Adeline Grayson. Paano na ang anak ng matalik niyang kaibigan?

**********

"Ever since, wala akong tiwala sa Alfonso na iyon! At tama nga ang sapantaha ko! Hindi siya mapagkakatiwalaan!" pigil na pigil ang galit na pahayag ng Kuya Marius ni Shelby habang nagkakape sila sa isang American coffee house malapit sa condo unit ng dalaga. Sinabi na kasi rito ni Matias na pinal nang wala na sila ng kanyang first love.

"Ako naman ang nakipag-break sa kanya, Kuya," sagot ni Shelby. Mahina ang tinig. Nakatungo siya. Ayaw niya kasing makita nito ang labis niyang pagdaramdam.

"Don't be sad. Mas mabuti nang ganito ang nangyari. If he cannot support you in things that matter to you, he doesn't deserve to be with you," masuyong pakli pa ng Kuya Marius niya. Itinaas pa ng mga daliri nito ang baba niya.

Tumangu-tango si Shelby. But she made a mental note to strangle Matias for telling their eldest. Ang sabi sana niya sa damuhong iyon hintayin muna siyang maka-recover sa pait na ipinadanas ni Alfonso bago nila sabihan ang kuya nila.

"Oo nga pala, nabanggit sa akin ni Markus na very successful ang fashion show mo noong nakaraang gabi. Did you win?"

Bumalik sa alaala ni Shelby ang lahat ng pangyayari. Ang excitement at masigabong palakpakan ng crowd sa tuwing rumarampa ang mga modelo niya. Ang nod of approval ng mga pihikang judges. Ang pagkatawag sa kanila ni Katarina sa entablado at ang kaguluhan sa backstage. Kahit ilang beses nang nag-replay sa utak niya ang nangyari parang hindi pa rin niya lubusang naiintindihan ang inasal ni Mr. Albrecht. Minsa'y sumagi sa isipan niyang baka umandar lang ang pagiging racist nito. Hindi matanggap na mas pinalakpakan at hinangaan ang dalawang non-white foreign nationals nang rumampa ang mga ito sa runway. Marami kasing puti na ayaw masapawan. Magugulat ka na lang na bigla silang sumasabog. Iyon pala'y nakanti na ang ego nila. Pero sa isang banda, naisip din ng dalaga na may iba pa sigurong dahilan bukod sa racism. Baka kaya threatened ang lalaking iyon sa mga kuya niya? Hala! Baka nga natatakot ang lalaking iyon na sa isa sa mga kuya niya mahuhumaling si Lord Randolph! Kung sa bagay pasok sa mga natitipuhang lalaki ng head designer nila ang mga kapatid niya. They are both very tall with broad shoulders. At aminin man niya o hindi may hitsura rin naman ang dalawang kulugo. Napangiti siya sa 'kulugo'. She doesn't know what it means but Dane always use the word to refer to somebody fugly.

"Katarina won by a small margin," sagot ni Shelby sa mahinang tinig. Dagdag pa iyong nagpalungkot sa kanya. She thought and felt she could win that night, but then Lord Randolph announced Katarina's name later on. Pinatawag silang dalawa kinabukasan at sa harap ng mga empleyado ng Margaux Quandt ay inanunsiyo ng head designer na nanalo ang Slovakian by just a few points.

**********

"What the fvck do you mean she lost to that Slovakian girl?" galit na tanong ni Gunter kay Lord Randolph nang malaman niya ang resulta ng fashion show. Sinadya pa niya ito sa upisina ng lalaki.

Inasahan na ng matanda na pupuntahan siya ni Gunter at pagagalitan. Nakahanda na siya roon. Hindi niya muna ito sinagot. Bagkus ay hinayaan lang niyang magalit ang binata. Nang sa tingin niya'y naubos na nito ang lahat ng expletives sa buong mundo, tumayo siya mula sa desk at nag-umpisang magpaliwanag.

"The suits were not the only entries. We tallied all the points each designer received for every piece of clothing they designed starting from the beginning of time. You see the show's theme was time evolution and ---"

"I do not care about the theme! She won hands down! That's what I heard from the other judges! I'll talk to Mom about this."

Natigilan si Lord Randolph.

"Why are you so into this, Gunter? What about Adeline?" sunud-sunod na tanong ni Lord Randolph. "Have you forgotten you're engaged?"

Gunter just gave him one fleeting glance and went to call his mom on his cell phone. Sinabi niya rito ang protesta sa lumabas na resulta ng fashion show at iginiit na mas maganda ang creations ni Shelby Mariano. Pero imbes na mag-side sa kanya ang ina, pinagtawanan lang siya.

"How would you know that? You were outside almost the entire time. You just came back when the suits of the twenty first century were shown."

Napakagat-labi si Gunter. In-off niya ang call at hinarap ang matandang designer. This time he didn't say anything. He was just looking straight at the old guy. Sakaling bumigay ito. He had done that in the past and Lord Randolph was not able to resist his charm.

Napangiti ang matanda. "Gunter, my boy. You are wearing your heart on your sleeve. Be very careful, my dear. You must have already forgotten. You have earned the anger of her two brothers. Why don't you make amends with them first, all right?"

**********

"O, bakit parang Biyernes Santo ang pagmumukha mo riyan? Akala ko ba tanggap mo nang natalo ka ng Katarina Horvathova na iyon?" tanong ni Dane kay Shelby habang nagsasalin ng red wine sa dalawang kopita. Binigay niya ang isa sa kaibigan na ngayo'y tila absent-minded kung kaya tila nag-alok lang siya sa hangin. Nakatingin lang kasi si Shelby sa telebisyon pero hindi naman ito nanonood ng news. Nilapitan ito ni Dane at tinabihan pa sa couch.

"Here you go. Hawakan mo ito." At nilagay pa mismo sa kamay ni Shelby ang kopita.

"Oh, sorry," ani Shelby. At napakurap-kurap pa na tila pilit ginigising ang diwa sa isang malalim na pagtulog. Sumipsip ito sa bigay ni Dane na red wine. "Hmn. This tastes good."

Tumawa rito ang kaibigan. "Of course, it tastes good! Sa inyo iyan, eh."

"Ha? Sa amin ba?" At nakitawa na rin si Shelby.

"Ano'ng problema? Bakit ang lalim na naman ng iniisip mo? Don't tell me it's still about Alfonso. Kukutusan na kita riyan. Dalawang buwan nang kasal ang ungas na iyon at dalawang buwan na ring nagpapasarap sa piling ng iba. Hindi niya deserved ang mga luha mo. Move on na!"

"It's not him," malungkot na sagot ni Shelby. "I'm over him now."

Nagtaas ng kilay si Dane. Hindi naniniwala.

"Yes, I am over him. Iba ang pinoproblema ko ngayon."

"Iyong parang biased result ng fashion show n'yo? Aba'y that was six weeks ago. Dapat noon ka pa nagprotesta sa resulta kung pinagsisintir mo pa rin."

"Ano ba. Stop making assumptions. It doesn't matter to me now. Ang inaalala ko ay ang gaganaping get together naming mga alumni ng St. John's Academy na nasa New York ngayon. Kyla, Alfonso's cousin, is hosting the event."

"Dadalo ka? Aba'y gusto mo palang pasakitan lalo ang sarili mo. Masokista ka rin, ano? What if pupunta ang lalaking iyon sa party? Eh di nagkita kayo? Gusto mo bang maging kerida? Kabit? Mistress? My God, Shelby! You are a San Diego for crying out loud!"

Natawa si Shelby sa eksaheradang reaksiyon ng kaibigan. "Aatend lang ako ng party tapos maging kerida agad? Ang advance mong mag-isip."

"Aminin. Hindi ba't secretly you're dying to see him again?"

Napangiti si Shelby sabay iling. "No," pakli niya. "Plus, Alfonso is not an alumnus of St. John. Malabong darating iyon. Pero dahil pinsan niya ang magho-host siyempre makakarating sa kanya ang balita kung dumalo ako o hindi. I do not want to socialize with Kyla but I also do not want to make her think that my skipping the party is because I still hold a torch for her cousin. Kaya I do not have that much choice."

Makikitang tila nag-isip si Dane. Tapos napatangu-tango ito. "Yeah. Kailangan mo ngang dumalo. Then, go! And wear your most fashionable and most expensive gown!"

"What I'll wear is not the problem. I always beat them in fashion." At napangiti si Shelby nang ma-realize ang pagbubuhat ng sariling bangko. Iyong ngiti na parang nahihiya. Hindi naman kasi siya likas na hambog.

"That's not bragging. Sigurado akong totoo iyan. So ano pala ang problema?"

"Kyla is engaged to a a Jimenez, the one who owns a TV network back home. Ang tatlo niyang kaibigang dadalo rin sa party ay nakapag-asawa rin ng mga elitista sa atin. Iyong nasa top 40 ng Forbes list ang family. Siguradong hahanapin nila ang pinalit ko kay Alfonso. At wala akong maipakita! Kung dadalo ako mag-isa, they will surely look down at me. Siguradong ipagsasabi nila sa lahat naming ka-batch na ang dating IT girl ng St. John's ay napag-iwanan na. That's the problem. Ayaw kong kaawaan nila!"

Napatayo si Shelby at nagpaikot-ikot sa buong living room nila. At habang ginagawa niya iyon, nag-isip sila pareho ni Dane ng pupwedeng pumapel na boyfriend niya pansamantala. Inantok sila pareho pero wala silang naisip. They were even settled to hire somebody for the job.

Nang dumating ang araw ng party, nagdesisyon si Shelby na umatend na lang at ipakita sa mga dating kaklase na kahit wala siyang boyfriend ay masaya naman siya. She has a very promising career and she can say that the world is her oyster.

**********

Nakailang padala na si Gunter ng buoquet of flowers kay Shelby Mariano pero ni isa ay hindi nito nireplayan. Naglagay pa siya ng private phone number niya sa lahat ng cards na kalakip noong mga bulaklak, pero ni isang missed call ay wala man lang siyang natanggap. Nang tanungin niya ang messenger na siyang nagdadala ng mga bulaklak doon natatanggap naman daw iyon ng dalaga. Ba't ganoon? Is she still mad at him?

Naisip ng binata, kung tatawag siya roon at ipaalam ang kanyang pakay baka magtago ito sa kanya. Minabuti niyang daanan ito bago pumunta sa isang meeting malapit sa building ng fashion house.

"I want to see Ms. Mariano," deklara niya agad kay Lord Randolph nang salubungin siya nito sa ground floor ng building isang tanghali.

"Oh. Ms. Shelby. Sorry dear. She just asked for a leave of absence. She will not be coming back until Monday next week," nakangiting balita rito ng matanda. Nainis si Gunter. Itinatago ba nito ang babaeng iyon sa kanya? He eyed the old guy with suspicion. Para maniwala siya, dinala pa siya mismo nito sa working area ni Shelby Mariano at pinatotohanan nga ng mga ka-team nito na wala roon ang dalaga.

"Give me her address then."

"Ask permission from your mom. We cannot reveal to you her address because that is strictly prohibited. We cannot afford another law suit. It's not good for the company. But if your mom will risk it, we'll be fine with it."

"Fvck! Fine!"

Galit na umalis na doon si Gunter. Alam kasi niyang wala ring kahihinatnan kung makikipag-usap siya sa mommy niya. Kung mase-sense no'n na atat siya sa babaeng ito, the more na hindi iyon papayag.

Ilang linggo na niya itong hindi nakikita at nababaliw na siya! He could sensed Lord Randolph was doing something so he couldn't see the girl again!

**********

Red is the symbol of passion, fire, and love but it is also the color of power, strength and determination. Iyon ang dahilan kung bakit napili ni Shelby na pulang gown ang isuot niya ngayong gabi ng party. Gusto niyang maramdaman ng lahat na hindi siya dapat kinakaawaan kahit wala na sila ni Alfonso at kahit na wala pa siyang ipinalit dito.

The gown was a sleeveless one that fit her like a second skin from the chest down to her hips but was slit from her mid thigh down her ankles. Pinaresan niya iyon ng black strappy sandals na open toe stilleto. Tila naging unano ang five feet four niyang kaibigang si Dane nang hinatid siya nito sa garahe sa basement ng building nila to get her car.

"Kung api-apihin ka ng mga iyon, burn them all!" sabi pa ng kaibigan niya sa kanya bago siya halikan sa pisngi at papapasukin sa white Mercedes-Maybach niya.

'Thanks, Dane. Don't worry. I will be all right."

Pero sa salita lang matatag si Shelby. Nang makarating na siya sa isang five star hotel sa downtown New York, nanginig ang kanyang mga tuhod. Parang nakikinikinita na niya ang ekspresyon sa mukha ng mga maldita niyang schoolmates. But then, she felt she had to put a brave face.

Taas-noo siyang bumaba ng sasakyan at inabot sa sumalubong na valet ang susi ng kanyang sasakyan at pumasok na sa loob ng hotel. May isang staff na nakaantabay na pala malapit sa entrance at pagkakita nito sa kanya'y tinanong siya agad kung isa siya sa mga bisita ni Kyla Araneta.

"Yes, I am," sagot niya rito. May kaunting ngarag ang tinig niya na para bagang nalamigan siya gayong sakto lang ang temperatura sa loob ng hotel.

Paliko na sila ng attendant sa private room na pinagdadausan ng mga private parties nang may biglang tumawag sa pangalan niya.

"Ms. Mariano!"

Paglingon ni Shelby nagtama ang paningin nila ng guwapong butler ng Skylark Hotel. Ano ang ginagawa niya rito sa MQ Heavens? Naglalagare ba ito sa dalawang hotels? Sunud-sunod na tanong ng dalaga sa sarili.

"Mr. Albrecht," pormal ding bati ng dalaga. She held her black clutch bag in front of her as she exchanged pleasantries with the guy. Mabait na naman ito sa kanya. Malayo sa pinakita nitong arrogance noong gabi ng fashion show.

"Shelby, right? Shall I call you Shelby? Ms. Mariano seemed so formal. And please call me Gunter. Mr. Albrecht makes me feel old." Tumawa pa ito nang mahina at lumabas na naman ang cute na cute nitong dimples. Naisip ng dalaga, dapat ngumingiti o tumatawa ito palagi dahil tila umaaliwalas ang mundo kapag nakangiti siya.

"Okay," pakli lang ng dalaga.

"You seemed so dressed up. Are you attending an event here?"

No'n lang uli naalala ni Shelby ang dadaluhang pagtitipon. Mabilis na umandar ang utak niya. Tiningnan niyang maigi si Gunter mula ulo hanggang paa. Gaya noon, he's impeccably dressed as if it was his job to look good. Ang sino mang mahilig sa fashion ay mahuhulaan agad na ang suot ng lalaki ay isang custom-made na mamahaling suit pati na ang sapatos nito. Na-recognize agad ni Shelby ang brand ng footwear nito dahil isa iyong limited edition ng isang paboritong brand din ng kanyang ama. Nangunot ang noo ng dalaga. Hindi kaya napagkamalan niya lang itong butler? Sino ba naman sa ganoong posisyon ang magsususuot ng mga ganito ka mamahaling mga gamit? Pero ayon din sa mga naririnig niyang kuwento, sinasadya ng ibang mga butlers o valets na mag-astang mayaman para lakihan ang tip sa kanila. Nagre-rent pa nga raw sila ng mga mamamahling damit o hindi kaya ay kumukuha ng mga mayayamang sugar mommies para matustusan ang kanilang pagpapanggap. May iba pa ngang nagkukunwaring Briton dahil generous daw ang mga Amerikanong guests sa butlers o valets na may British accent.

"Ms. Shelby? Shall we?" untag ng staff.

Napakurap-kurap si Shelby. Sinalubong niya uli ang mga mata ni Gunter. "Yes. I am attending a friend's party. See you later."

At dali-dali na siyang sumunod sa staff ng hotel. Pagpasok niya sa private room na pinagdausan ng get together nila, nandoon na ang mga dati niyang kaklase't kaeskwela. Bawat isa sa kanila ay may kasamang partner! Dinala nila ang kanilang asawa o nobyo. Pati na si Kyla. Katunayan, larawan ang babae ngayon ng hindi mailalarawang pride dahil nasilo nito ang isa sa tinaguriang aloof bachelor ng Manila. Si Si Gregorio Jimenez. Guwapo na kabilang pa sa mayayamang angkan sa Pilipinas.

Matapos ang mga huwad na pagbati ay naupo na si Shelby sa tinalaga nilang puwesto niya. At sa gitna pa ng dining table! Naisip niyang baka sinadya ito ni Kyla. Nagngitngit siya sa loob-loob niya pero hindi niya pinahalata.

"So, where's your partner, Shelby?" tanong ni Mila, isa sa mga kaklase niya. May sariling itong negosyo sa Pilipinas pero ang nobyo ay isang high end realtor. Iyong nagko-komisyon ng mahigit kumulang tatlong bilyong piso kada taon dahil sa mga super rich niyang kliyente.

"Oo nga, Shelby. We were all looking forward to meet your new boyfriend," halos ay sabay na sabi ng walong magkapareha roon liban kina Kyla at nobyo nito.

"Ano ba guys. Kaka-break lang nila Alfonso at Shelby. You do not expect her to find a guy just like that," sabi pa ni Kyla. Kunwari'y nakikisimpatiya sa kanya pero pakiramdam ni Shelby lalong pinaalala nito sa lahat na kawawa siya masyado. Lalo pa nang ang mga walang pakiramdam doon ay sumagot pa ng, "Eh bakit si Alfonso nakakita agad ng bride? More than two months na ngang kasal ang pinsan mo, di ba?"

Napakagat-labi si Shelby but she maintained her composure.

"Si Kyla kasi ang host. She's Alfonso's cousin and---"

"But you have a boyfriend?" paniniguro naman ni Susan. Ang pamilya nito'y karibal naman ng pamilya San Diego sa hotel business. Ang alam ni Shelby humahabol ang mga ito sa pamilya nila sa dami ng three star hotels sa Pilipinas maging sa iba't ibang panig ng Asya.

"Of course naman, no? Si Shelby pa," sabi naman ni Irene. BFF ito ni Kyla at matagal nang may crush kay Alfonso. Ngayo'y engaged na rin ito sa isang mayamang Chinese businesman. Nasa real estate din ang negosyo ng pamilya nito at ng nobyo.

Hindi pa nasagot ni Shelby ang mga tanong nila nang biglang bumukas ang pintuan ng private room at nagsidatingan ang kung ilang waiters ng hotel na may dala-dalang mamahaling vino. Nakita ng dalagang nagulat ang host ng party. Kaya naisip niyang baka hindi parte ng arrangement ang bagong dating na wines.

"We did not order for these wines," sabi nga ni Kyla sa mga waiters.

"Yes, ma'am. This is courtesy of---"

Napasinghap ang lahat when Gunter confidently walked inside the room. His eyes were fixed on Shelby alone. At nakita iyon ng mga kasamahan ng dalaga.

"I want you to enjoy the party with your friends. If you need anything, just tell them." Tinuro nito ang mga servers.

Ang walong pares na mga mata ay nagpalipat-lipat ng tingin kay Gunter at kay Shelby. Lahat sila'y shocked. Ang mga kababaihan doon, kahit iyong kaka-engaged lang, ay inggit na inggit sa kanina'y kinakaawaan nilang dalaga.

"Mr. Albrecht is your new boyfriend?!" halos ay naibulalas nilang lahat doon pagkaalis na pagkaalis ni Gunter. They sounded shocked and in awe. Nagtaka naman si Shelby kung bakit kilala nilang lahat si Gunter Albrecht.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top