CHAPTER FORTY-THREE
Nahuli ni Shelby na mataman siyang pinagmamasdan ni Lyndie habang nagtuturo siya sa isang mananahi nila kung paano ang pagburda sa mga bridal gowns na ira-rampa nila sa kanilang bridal show sa Pebrero. Ngumiti agad ito sa kanya nang magtama ang kanilang paningin. Subalit, hindi tulad ng nakagawian ay agad din itong nagpaalam. Aasikasuhin pa raw ang tungkol sa appointment niya sa tatlong wedding planners na kinuha niya para magsanib-puwersa sa madaliang pag-aayos ng kanyang kasal isang linggo matapos ang naka-iskedyul na bridal fashion show nila.
"Uhm, Lyndie," tawag niya rito.
"Yes, Shelby?" nakangiti na naman si Lyndie. Strange. Ganunpaman hindi nagpahalata si Shelby. Sinikap niyang ipakita rito na hindi niya napapansin ang munting pagkakaiba ng mga ikinikilos nito sa kanyang harapan.
"I'm thinking---I mean, Gunter and I agreed to postpone the wedding," sabi niya rito na labis nitong ikinabigla, or so how she showed it to her. Parang biglang-bigla ito sa pinahayag niya.
"Is that so? Well---I must admit that is a good idea. You should plan the wedding well. Afterall, it would be the wedding of the century. You are not marrying just a nobody. He is an Albrecht and you are a San Diego. You both deserved a well-planned wedding."
Ang paraan ng pagkakasabi niyang 'he is an Albrecht' ay parang may ibang pakahulugan. O baka masyado lang siyang napa-praning? Sinikap ni Shelby na hwag masyadong bigyang-pansin iyon. Inalala niya ang payo ng kanyang mga kuya. Dapat ay hindi ito nakakatunog na may alam na siya tungkol sa asawa nito. Baka bigla na lang maglahong parang bula o mas matindi, gawan pa siya ng masama. Hindi pa niya puwedeng pakawalan ang babaeng ito. Mayroon pang nais malaman ang mga kuya niya. Ang pinagdadasal lang niya'y matapos sana ang pagmamanman ng mga ito sa lalong madaling panahon dahil habang tumatagal ay natatakot na siya sa babae.
"Gunter and I agreed that we will have the wedding sometime in June or July next year. We are not in a hurry. So we do not have any definite plans yet."
Hindi sumagot si Lyndie. Bahagya lang itong tumangu-tango. Pinasalamatan ito ni Shelby sa pagtulong sa paghanap sa kanyang wedding planners na naisip niyang palitan din agad as soon as she fires her, pero hindi niya muna iyon pinahalata.
"By the way, just so you know, your mother-in-law's fashion house is going downhill. I heard that the court has decided to have its operation investigated. There were evidences that it was used to hide some illegal income of Madame Margaux's associates."
Natigilan si Shelby. Walang binanggit tungkol doon si Gunter.
"I am not surprised," pahayag niya makaraan ang ilang segundo. "Knowing Madame Margaux, I kind of expect that to happen."
Sa simula pa lang ay pinakita na ni Madame Margaux kung paanong hindi siya fair. Nagsagawa ng pa-contest sa fashion house nito, pero ni hindi man lang ginawang objective. Si Katarina lang din pala ang gusto nilang manalo nag-abala pang mag-invite sa lahat nilang aspiring designers na sumali. Hay naku. Kung hindi lang iyon ina ni Gunter, ewan kung pakikisamahan pa niya.
"You will be suprised who these associates are, Shelby. Or should I say, shocked?" matalinghaga nitong pahayag saka dinukot ang cell phonee sa bulsa ng blazer. "Oh. I have a call. Talk to you later, sweetie," nakangiti nitong paalam saka tumalikod. Parang sinadyang bitinin siya.
Masa-shock siya? Bakit? Sino ba ang mga associates ni Madame na nagpapasok ng pera mula sa illegal na gawain?
**********
Gunter rolled the newspaper he was reading and threw it in the trash bin. Natigil sa paghigop ng kape si Frederick na kaharap niya sa kanyang desk sa upisina.
"What? Are they dissing you again on their front page news?" nakangising biro ni Frederick sa amo. Ang 'they' na tinutukoy ay ang mga walang magawang journalist na puro na lang pambabatikos kay Gunter at sa pamilya nito ang ginagawa nitong nakaraang mga araw.
Hindi sumagot si Gunter. Sa halip ay binuksan nito ang built-in closet na nasa likuran lang ng swivel chair at tiningnan ang repleksiyon sa malaking salamin na nasa loob na bahagi ng dalawang pinto. Inayos-ayos niya ang pagkakalagay ng kurbata saka ang pagkakaayos ng buhok. Crew cut ang kulay mais niyang buhok at kahit hindi suklayin ay maayos pa ring tingnan, pero gusto niya lang makasiguro na pantay ang gupit ng barbero niya.
"Oh," narinig niyang naibulalas ng assistant saka humagalpak ito ng tawa. Paglingon niya rito hawak-hawak na nito ang tinapon niyang newspaper. "So dela Pena was nominated as the most handsome footballer of the year. No wonder." At bumungisngis itong parang timang. Pinangunutan ito ni Gunter. Nang hindi tumigil sa panunudyo, tinapunan niya ito ng masamang tingin.
"Give me my schedule for the day, bastard!"
Binalik ni Frederick sa trash bin ang dyaryo at binasa na sa amo ang listahan ng mga appointments nito para sa araw na iyon mula sa hawak na cell phone.
"Wait. I do not think I have time to attend the afternoon's meeting with the board of directors. I need to take my daughter to her pediatric pulmunologist."
"Boss, this is the third time that you rescheduled a meeting with them. Mr. Stevenson is getting impatient already as well as the finance director," paalala sa kanya ni Frederick.
Napaisip si Gunter. Paano kaya? Ayaw niyang mag-isang dalhin ni Shelby sa doktor ang bata. Wala na sa New York ang mga magulang nito. Walang magbibigay moral support dito kung ano man ang iniinda na naman ni Shy. Totoong sasama rin naman ang private nurse ng baby, pero iba kung nandoon din siya. Ano ang nararapat niyang gawin?
Nag-ring ang telepono. Ang executive secretary niya. Gusto raw siyang makausap ng lawyer ng ina. Iko-connect daw ba sa kanya o magdadahilan ito?
"I'll take the call," sabi niya rito.
Mayamaya pa nga, narinig na niya ang boses ng abogado. He sounded very optimistic. May bagong developments daw sa mga nakalap nilang ebidensya. Mukhang mapapaaga raw ang pagpapalabas sa mom niya kaysa sa inaasahan.
Tinakpan muna ni Gunter ang speaker ng telepono at binalingan si Frederick. Minanduan niya ang huli na kanselahin ang luncheon meeting niya with Mr. Stevenson, ang COO. Nais niyang makausap nang harapan ang abogado.
**********
Patapos na ang pagsusuri kay Shy nang humahangos na dumating si Gunter sa clinic ng pediatric pulmunologist ng bata sa Mount Sinai Hospital. Humalik siya agad sa pisngi ni Shelby.
"I'm sorry for being late, babe," pabulong nitong paghingi ng paumanhin sa kanya.
"It's all right," sabi niya rito saka hinarap uli ang doktor. May sinasabi kasi ito nang biglang pumasok si Gunter sa loob ng klinika.
"It's good to see you both here. As I was telling Shelby here, you still cannot take your baby girl somewhere far. She is not fit for a long plane ride yet."
Napabuntong-hininga si Shelby. Very disappointed. Inasahan sana niyang kahit itong baby lang ay madadala niya sa Pilipinas nitong Christmas. Gustung-gusto na niyang umuwi kahit panandalian lamang. Miss na miss na niya ang grandma niya. Ang sabi ng mommy niya, naospital ito kamakailan dahil nahirapan sa paghinga. Nag-aalala siya dahil may edad na ito.
Inakbayan siya ni Gunter at pinisil-pisil sa balikat. Alam nitong ikinalungkot niya ang sinabi ng doktor. Plano kasi nila sana na sa Pilipinas mag-pasko. Bahala na ang problema nila pareho sa New York. Basta nitong Christmas sana ay sasama silang mag-ama sa kanya sa Manila. Kaso, heto nga at bawal pa pala kay Shy.
"What if we --- take you along with us, doc?" yaya bigla ni Gunter sa doktor.
Nagulat ang doktor at natawa. Na-realize sigurong hindi nagbibiro ang lalaki dahil bigla rin itong nagseryoso at natigilan saglit.
"We can take you with us, doc, so we have someone professional to look after our daughter's health," ulit ni Gunter sa paanyaya niya.
"Seriously?" nakangiti nang sagot ng doktora. Napakamot-kamot ito sa ulo. Pero tinawag ang kanyang assistant at hiningi mula rito ang schedule nito for the rest of the month. Pinangunutan ito ng noo nang makita na halos ay naka-book siya for rest of the year.
Sa ikalawang pagkakataon nang hapong iyon ay nadismaya si Shelby. She was hopeful pa naman. Inakala niyang iyon ang magiging kasagutan sa pinoproblema nila tungkol kay Shy.
"If that's the case, doc, can you recommend somebody to be with us just for a week? We will not be staying long in the Philippines anyway," hirit pa uli ni Gunter.
Nabuhayan na naman ng pag-asa si Shelby. Gunter held her hand. Marahil napansin nitong halos hindi na siya humihinga sa anticipation.
"I think I can recommend Dr. Salazar for you, guys," sabi nito matapos mapasadahan ng tingin ang listahan ng mga doktor sa folder na nasa drawer niya. "He's a good doctor and he's a Filipino, too!" dugtong pa nito nang mabasa ang brief background ng naturang doktor. "What a coincidence! I am pretty sure that he would accept your invitation. It would be a great time for him to visit his family there as well."
Nakahinga nang maluwag si Shelby at napangiti na nang malawak sa doktora.
"Wait a sec. I'll give Doctor Salazar a call now."
Habang busy sa katatawag ang doktor sa colleague nito'y nagising si Shy sa mga bisig ng private nurse nito. Uminat-inat ito at sumulyap sa ina with her sleepy eyes. Bahagya itong ngumiti nang makita si Shelby. With eyes still half-closing, she extended her tiny hand to her mom. Hinuli naman ito ni Shelby at hinagkan. Titiklop na rin uli sana ang mga mata nang bata nang lumapit sa harapan niya si Gunter. Nang marinig ang boses ng ama, dumilat nang kaunti pa ang isa nitong mga mata at nang makilalang dad nga nito ang nagsalita, napadilat na ito nang tuluyan. Nagpadyak pa at inunat ang dalawang kamay sa harapan ni Gunter na ang ibig sabihin ay gusto nitong magpakarga rito. Natawa silang tatlo.
**********
Papasok na ng Eleven Madison Park si Gunter para puntahan si Shelby nang biglang may nakabanggaan siya a few meters away from the entrance. Napasulyap siya sa lalaking nakabangga at humingi naman agad ito ng paumanhin sa kanya. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makilala ito. Si Albus Smith, Junior! As he was looking down at him literally, dahil mas matangkad siya rito nang di hamak, while he was making an apology, he noticed his eyes. He has the lightest brown eyes he has ever seen except that he also sees that in his daughter.
"Albus Smith, Junior," pagpapakilala nito sa kanya. "But you may call me AJ. Everyone does."
"Gunter Albrecht," pakli naman ni Gunter sa lalaki.
"I know," sagot naman nito. Nang nagpakita ng pagkabigla roon si Gunter ay ngumiti ito. "Everybody does---know you I mean."
"Oh. Okay," sabi niya rito, politely. Pero hindi sinuklian ni Gunter ang mga ngiti nito. Naramdaman niyang nais pa nitong makipag-usap sana sa kanya, ngunit nagpaalam na agad siya. Hindi na niya hinintay ang isasagot pa nito.
"I saw you as you get inside the building," pahayag ni Shelby nang nauupo na siya sa harapan nito. They were by the window. Kita nila ang kalye sa side na iyon ng restaurant. "What took you so long to get inside?"
Luminga-linga muna si Gunter sa paligid. Nang wala ang hinahanap niya, binulong niya kay Shelby ang encounter nila ni Albus Smith, Junior sa labas.
"For real?" paniniguro ni Shelby. Namilog pa ang kanyang mga mata.
"Yeah. We literally bumped into each other. And now I understand where Shy got her eyes."
Napabuntong-hininga si Shelby. "Yeah. From that bastard."
Hinawakan ni Gunter ang mga kamay ni Shelby na nasa ibabaw ng mesa at pinisil-pisil ito. Dahil nakasimangot pa rin ang asawa, he brought one of her hands to his lips and kissed it sweetly.
"Let us be thankful that he was a bastard. Because if he wasn't, we wouldn't be here right now as Mr. and Mrs. Gunter Albrecht. And---we wouldn't be parents to that wonderful baby of ours!"
Saglit na napa-tilt ng ulo niya si Shelby na tila nag-isip. Tapos ay napangiti na ito nang malawak. Gumanti rin ito ng pagpisil sa kamay ni Gunter.
"You are right," sang-ayon nito sa kanya.
**********
Sa tantiya ni Gunter, limang minuto nang titig na titig lamang silang mag-ama sa sobreng naglalaman ng resulta ng panibago nilang DNA test mula sa pinaka-lehitimong DNA diagnostics center ng California. Ang una kasing nabuksan nila, iyong nakita nila ni Frederick sa drawer ng ina na pinakatago-tago nito for several years was '0' chance na magkadugo raw sila.
"We shouldn't be doing this anymore, son. Why rely on DNA test result when we know the answer to this? I am your dad and you are my son. Period. What other evidence do you need?" tila tinatamad na pahayag ng dad niya sa kanya at napabuga ito ng hangin.
"I don't know, Dad. I just want to have it checked again. I did some research about this DNA testing thing and I found out, it is also possible to have an erroneous result wherein the real father of the child is falsely excluded. Just like what happened to the previous one."
"No DNA test can dictate how I truly feel. And I am a hundred percent sure, YOU are mine."
Pinangiliran ng luha si Gunter. Pinagdikit niya ang mga palad at sinulyapan ang ama. Prenteng-prente itong nakaupo sa sofa habang nakapatong ang kanang tuhod sa kaliwa.
"Do the honors, son. You open it now," utos nito sa kanya.
Pinisil muna ni Gunter ang balikat nito bago tumayo. He bit his fingers and rubbed his palms before he picked up the brown envelope lying on the center table. Nasa living room sila ng mansyon ng kanyang mga magulang nang mga oras na iyon. Bumuga siya ng hangin bago binuksan ang sobre. May panginginig ang kanyang mga kamay habang hinuhugot ang laman niyon. Siguro dahil sa nerbiyos kung kaya nahulog ang papel. Si Henry ang nakapulot niyon at ang lawak ng ngiti nito nang pinapasa na ito kay Gunter.
When he saw his Dad's reaction it made him hopeful. Dali-dali tuloy niyang tiningnan ang resulta ng DNA test on paternity nila. At napanganga siya sa nakita. Unlike, the previous test result, this one shows they are indeed father and son!
"Why did you even doubt? You said you saw his son up close and he has light, brown eyes, right? So does he. Yours is blue. Mine is blue as well. Your mom is short, he is short, too, but you are tall. Like me. What else do you need as evidence? I told you so," sabi pa ng kanyang ama. Proud. Nakangiti na rin ito from ear to ear.
Then, for the first time in a long time, he grabbed his hand and pulled him close to him. Nagyakapan silang dalawa.
**********
Napangiti si Shelby sa binalita sa kanya ni Gunter. Lumabas na raw ang resulta ng paternity test nila ng kanyang ama at positibo raw ito. Ibig sabihin ay totoo nitong ama si Henry Albrecht at hindi si Albus Smith, Senior gaya ng kutob nito.
"Babe, you're crazy to even doubt your relationship with him. Just one look at you and one knows you are blood related. You look like the younger version of your father."
Narinig ni Shelby ang pagtawa ni Gunter sa kabilang linya. He seemed so pleased. Napapiksi naman siya. Pero hindi dahil sa tawa ng asawa. She heard a strange sound somewhere near. Hindi niya muna pinansin iyon. Pero hayun na naman. Parang may naghahabulan. Biglang dumagundong ang kanyang puso. Nagpaalam siya agad kay Gunter at pinakinggan ang nauulinigan niyang ingay mula sa labas. Kinuha niya ang pepper spray sa drawer ng desk at binuksan nang bahagya ang pintuan ng upisina. Totoo ngang may naghahabulan. Nakita niya si Mang Conrad at dalawa pang lalaki. May dugong umaagos sa balikat ni Mang Conrad! Nanlamig si Shelby pagkakita sa dugo. Naisara niya bigla ang pintuan.
Dinala niya ang cell phone sa banyo at doon tinawagan ang 911. Tapos ay tinawagan niya rin si Gunter na nasa peligro ang kanyang buhay.
"Calm down, babe, okay? Calm down!" sabi nito sa kanya. Pero siya ang tila nagpa-panic. "I'll be right there soon. And babe! Call 911!"
Napakislot si Shelby nang may marinig na mga boses. Alam niyang nakapasok na ang mga ito sa upisina niya. Nauulinigan na kasi niya ang usapan nila. Makapal ang carpet ng office kung kaya hindi niya dinig ang mga yabag. But she was so sure they were just right behind her bathroom door. Ang lapit-lapit na kasi ng mga tinig. At bakit ganoon? Their voices are familiar!
"You have to prove to Mr. Schlossberg he can still rely on you. Now, I want to give you the honors of perpetually silencing her! Her goddamn brothers should be taught a lesson not to mess up with the wrong people."
Lyndie? Oh my God!
Si Lyndie nga ang naririnig niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ang thick Spanish accent nito kapag nagsasalita ng Ingles. She was about to broke into tears when she heard another voice. Nang marinig niyang sumagot ang lalaki, pinanlamigan siya ng husto. Kilala niya rin kasi iyon!
Oh my God! Oh my God!
"I did not sign up for this. I can't!"
"Where the fvck are you going, motherfvcker?!" galit na bulyaw ni Lyndie sa lalaki.
This time nakita ni Shelby na nag-vibrate nang kaunti ang pintuan. Parang may sinalya yata roon. Natulala siya. Hindi siya nakakilos agad.
"You did not sign up for this, huh? Have you forgotten it? Henry Albrecht's dad falsely accused your grandfather of stealing money from his company for which your old folk served twenty years in jail! Henry Albrecht's dad was the reason your dad grew up without a father! And your mom! Have you forgotten that your mom died in the San Diego's vineyard for working too hard?! And what did they do when she was found dead of an apparent cardiac arrest? They did not even take her to the hospital. She was left to die in the middle of the vineyard! Now, it's your time to get even with the people who have wronged you and your family! By killing that bitch not only that you have avenged your family, we will also be able to get even with her fvcking brothers who are messing up with our affairs!"
Napamulagat na naman si Shelby sa narinig. Ang dagundong ng puso niya ay kay lakas-lakas na. Tila sasabog na nga ang dibdib niya. Hindi na niya kaya ang kanyang naririnig. She should have listened to Markus when he said the other week she should have gotten rid of Lyndie a long time ago because he didn't feel good about her. Oh, shit!
"You can kill me," utos ng lalaki kay Lyndie sa mahinahong tinig. "You can kill me now! Because I won't do what you say!"
"Why? Are you in love with that bitch now?"
"No! Fvcking no! Are you nuts?" tila naalibadbaran ang lalaki.
"Oh. So you've fallen for Gunter Fvcking Albrecht's charm!" pangungutya nito.
"Just kill me now! Kill me! But I can't kill her! I can't!" sigaw ng lalaki.
"So you will rather earn Mr. Schlossberg's rage? Is that what you're trying to say? The man who has sent you to school? The man who has helped your grandfather get out of prison? The man you owe your life to?"
No'n na kumilos si Shelby. Naghanap siya ng maipampalo agad-agad sa dalawa sakaling buksan na nila ang banyo. May nakuha siyang wooden handle ng floor map sa isang cubicle. Babalik na sana siya at pupuwesto sa harapan ng pintuan nang naisip na mas mainam siguro kung sa loob ng cubicle siya magtago.
Isasara na lang niya ang pinto nang makarinig siya ng dalawang sunud-sunod na putok. Hindi na niya nakontrol ang sarili. Napasigaw siya. At napahagulgol.Nag-hysterical siya agad nang may humila ng kanyang pintuan. Hinambalos niya ito ng wooden floor mop.
"Hey! This is me, Gunter! Shelby, stop!"
No'n niya lang na-realize na si Gunter nga ang nagbukas ng pintuan niya. Hinila siya nito at niyakap nang mahigpit na mahigpit. Mayamaya pa, lumitaw ang tatlo niyang kapatid na sina Marius, Markus, at Matias. Pagkakita sa tatlo nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top