CHAPTER FORTY-ONE
Ang weird ng pakiramdam ni Shelby nang pumasok siya ng fashion house nang sumunod na araw. Kakaiba ang pakiramdam niya sa presensya ni Lyndie. Hindi niya alam kung kinukutuban na ito na alam na niya ang lahat. Kung titingnan kasi'y walang pagbabago ang pakikitungo nito sa kanya. Grabe. Sa sobrang tiwala niya rito dahil dinamayan siya noong mga panahong hindi lang ninakaw ni Katarina Horvathova ang kanyang designs kundi pati mga modelo niya ay hindi man lang niya ito pinagdudahan kahit noong maulit na may pumuslit sa designs niya para sa birthday gown ni Adeline Grayson. Napapailing siya. Ang galing nitong aktres! Napaikot siya nang gano'n lang. Tama nga pala si Gunter. Dapat noong nadiskubre ng asawa niyang may nakatanim na spycamera at audio sa upisina niya'y nagduda na siya rito.
"Shelby love, I already ordered a tree for the office. It's coming today. I know it's just the fifth of December but I heard that Filipinos love to have an early Christmas decoration. In fact, we are already late," nakangiti nitong sabi sa kanya.
Pinilit ni Shelby ngumiti. Iyon naman kasi ang maaari niyang reaksiyon sa sinabi nito kung hindi niya natuklasang traidor ito. Sabi ng mga kuya niya, she should make her feel and think na wala pa rin siyang alam. Mahirap na. Baka makatakas ito bago mahuli ng mga otoridad.
"Don't be mad if I took the liberty of choosing our tree for you. I saw how busy you were these past few days. I knew you wouldn't have time for this so I did it for you. I hope you're not mad at me?"
Ngumiti lalo si Shelby at umiling-iling. "No. Thanks, Lyndie," sagot niya rito. "Maasahan ka talaga," dugtong pa niya sa Spanish. "I should have told you months ago. In the Philippines, we start decorating our house around September."
"September! Oh my! That is way too early!" Humalakhak ito.
"Yes. And we have this favorite singer for this occasion, Jose Mari Chan, whom people always look forward to seeing and hearing during this season. When his songs start to be played on radios, it somehow tells us Christmas is in the air. And it starts on the first day of September."
Lalong namangha si Lyndie.
**********
"Make sure that you tell them to guard my wife well. If something happens to her, I'll fire them all! Not only that, I will skin them alive, too."
Eksaheradong napasinghap si Frederick sabay hawak sa dibdib para ipakitang na-shock ito sa paraan ng kanyang pananalita. Ang 'them' na tinutukoy niya ang mga kaha-hire lang na bodyguards para kay Shelby. Wala kasi siyang tiwala sa Lyndie Gonzales na iyon. Isa pa naisip niyang sa sobrang sentimental ng asawa'y baka patuloy pa nitong pagkatiwalaan ang assistant to the point na kukulangin sa pag-iingat sa sarili. Mayroon na itong mga bodyguards mula sa ama, pero gusto niya pa ring makasiguro.
"You know how I work, boss, sir. You do not need to tell me that. They were already briefed that the person they are going to guard is the most important creature in the universe," nakangisi nitong sagot. Pinaningkitan ito ng mga mata ni Gunter.
"I am not kidding, Frederick. I will also skin you alive if your newly-hired bodyguards fail to protect my wife!"
Napalis agad ang ngisi sa labi ni Frederick. Napakamot-kamot ito sa ulo.
"Boss, naman, eh. Grabe naman kayo. Bakit pati ako? Hindi ko naman kasalanan iyon kung sakali? Nagawa ko na ang papel ko. Na-brief ko na sila kung gaano ka importante ang trabaho nila," pakli nito sa German.
"I'm just warning you. Wala namang mangyayaring gano'n kung magawa ng tao mo ang pinapagawa ko sa kanila," sagot din dito ni Gunter sa magkahalong English at German.
Sumimangot si Frederick. "Bakit parang kasalanan ko?" tanong uli nito sa salita nila.
"Stop this nonsense, all right?" At hinampas ni Gunter ng nirolyong dyaryo ang assistant. Umaakting pa kasi ito ng kung anu-ano. He was wasting his time.
Tumikhim si Frederick at sumeryoso na. Umupo na ito sa isa sa mga visitor's chair na kaharap ng kanyang mesa. Kinuha nito ang cell phone at binasa na nito ang schedule niya ng araw na iyon.
"Wait a minute. Meeting with Marinette's lawyer? Why the hell would I want to meet that fvcking bastard? No! Scrap that!"
"Boss, they were thinking of striking a deal with you and your family."
"Deal with me and my family?" He scoffed at what he heard. "No way, Jose! Wala kaming makukuha riyan. Mas kailangan nila kami kaysa kailangan namin sila."
"All right then." At nakita ni Gunter na binura ni Frederick ang appointment ng abogado sa kanya. Pinagpatuloy nito ang pagbabasa ng schedule niya at napa-what na naman siya.
"Why the fvck do I need to meet with Mr. Lee? And who the hell is he?"
"Boss, you agreed to this meeting a month ago. He was the one who was interested to buy one of the corporation's non-performing companies. Remember, the one in Arlington? Your car manufacturing company?"
Napaisip si Gunter. Nangunot ang kanyang noo. Binuksan niya ang laptop at tiningnan ang summary ng performance ng mga kompanyang hawak ng kanilang korporasyon. Na-highlight niya ng pula ang kompanyang iyon. Ibig sabihin, mababa sa expectations niya ang kita noong nakaraang taon. At halos hindi nag-improve ang performance nitong huling three quarters. Hindi pa naisusumite ang pang-huli dahil hindi pa tapos ang December, pero he is no longer expecting them to improve.
Napaisip-isip siya. But he hates the name of the guy. Katunog ng isa sa mga executives niyang nagnakaw ng malaking pera sa isa nilang kompanya. Si Mr. Li.
"Boss naman, eh. Iba naman itong si Mr. Lee sa Mr. Li. Koreano ito, boss."
Napabuntong-hininga siya. "All right. Just make sure this is worth my time."
"So should I keep this appointment?" paniniguro ni Frederick.
"Yeah. But I want to be done by six in the evening. I am taking Shelby to dinner."
Ngumiti-ngiti na tila nanunudyo si Frederick at may kinansela itong meeting niya with an investor. Anito baka humaba ang usapan at hindi niya maisingit si Shelby. Pinangunutan niya ng noo ang assistant. Napaisip agad siya. Investor. Hiningi niya tuloy ang kopya ng schedule kay Frederick para sa hapong iyon. Hindi maaaring kanselahin iyong investor. Baka umatras. They need them.
"Pero sino ang kakanselahin ko?" sabi niya sa salita nila. He sounded like he was simply talking to himself. Pero hindi pwedeng mag-schedule siya ng pang-five o'clock. Delikado. Baka mag-extend sila at hindi na niya mailabas man lang for dinner ang asawa.
Nagdi-diskusyon silang mag-amo kung sino ang maaaring ipagpaliban muna nang nag-ring ang telepono. Direct line. Mom niya ang nasa kabilang linya. Naghi-hysterical ito pagkadinig sa boses niya.
"My credit cards were cut! Why the hell did you cut all my cards?!"
Nailayo niya ang awditibo sa tainga. Nang ibalik na niya ito sa tainga ay naririnig na niya ang malakas nitong paghagulgol. Napahiya raw ito sa pinuntahang restaurant dahil lahat ng pinambayad na cards ay declined lahat. Hindi pa naman daw ito nakadala ng cash.
Nakanganga niyang tiningnan si Frederick. The latter just rolled his eyes.
**********
Napatingala si Shelby kay Gunter na ngayo'y titig na titig sa kanya. Malamlam ang mga mata nito. Tila may kakaiba itong kapanglawan.
"What's wrong?" tanong niya rito. Her voice was low.
"Do you see yourself living in a house like this?" tanong naman ni Gunter sa kanya. Halos pabulong din ang tinig.
Umikot ang tingin ni Shelby sa kabuuan ng bahay. Kahit nakatayo lang siya sa isang sulok, kita na niya ang kabuuan ng living room. Pati kumedor ay nasisilip pa niya. Mas malaki pa yata ang buong area ng mini-gym niya sa condo kung ikompara sa first floor ng bahay na iyon kung saan nandoon na ang sala, kumedor at kusina.
"Why do you ask?" tanong niya kay Gunter kahit alam na niya kung bakit. Nabalitaan din kasi niya ang huling ulat tungkol sa kalagayan ng korporasyon ng mga ito. Kahit nakabawi sila noong third quarter, hindi iyon naging sapat para punan ang naging epekto ng sunud-sunod na katiwaliang pinaggagawa ng mga top executives at ang bad publicity na dulot ng pagkakasangkot ng ama sa murder case. Unti-unti na raw inilit ng bangko ang mga properties ng mga ito. Nauna na ang gusali kung saan naroon ang bachelor's pad nito na pinuntahan nila noong isang buwan.
"I---I may n-need to give up my mansion in Scarsdale soon. I'm sorry. I thought I can do something about it but---the bank will take over all my properties before Christmas."
Napantangu-tango si Shelby. Bigla rin siyang nalungkot. "Then, we can live in my place," sabi niya agad rito.
Natigilan si Gunter. Parang may pait na gumuhit sa mukha nito. Nataranta sa loob-loob niya si Shelby. Nainsulto niya kaya ito? Marami kasing lalaki ang ganoon. Ayaw na parang pinapamukha ng asawa o partner nila ang kanilang financial inadequacies.
"Oh, what I mean was---" Walang maisip na pangdugtong doon si Shelby. Humingi na lang siya ng dispensa kay Gunter. Base sa eskpresyon nito sa mukha gusto nitong mamuhay sila ayon sa kikitain lamang nito. Not that it is important to her. Kaya naman siguro niya iyon. Kahit namulat siya sa karangyaan, hindi naman naging big deal ang materyal na bagay sa kanya dahil simpleng pamumuhay pa rin ang pinairal ng mom niya. Tinuruan silang huwag masyadong maging materialistic kahit na they can afford to buy anything they wanted.
"I would understand if you don't want to live here," sabi ni Gunter.
Dinampi ni Shelby ang hintuturo sa mga labi ng lalaki saka nginitian ito. "I can live whereever you want us to live. For as long as the three of us are together."
Biglang umaliwalas ang mukha ni Gunter. Nakita pa ni Shelby na kumislap ang mga mata nito sa tuwa.
"Really?" tanong pa nito. Halos hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanya. "Wow! You just do not know how much you made me happy."
Niyakap siya nito saka siniil ng halik sa mga labi. Napakapit siya sa leeg nito at napapikit. He let him kiss her. Noong una lang naging mabagal at masuyo ang halik. Habang tumatagal ay lalong naging tila mapaghanap si Gunter. Parang mayroon itong tinutuklas sa kanyang mga bibig. Daig pa nila pareho ang sumisibasib sa liksi at buong pagmamadaling mairaos ang nararamdaman. Binuhat siya ni Gunter at dinala sa ikalawang palapag ng bahay. Narinig pa niyang sinipa lang nito ang pintuan at marahan siyang binaba sa kama na nandoon sa gitna ng silid.
Habang pinapagapang ni Gunter ang mga labi sa leeg niya, may binulong ito sa kanyang tainga.
"You're the best thing that ever happened to me, Shelby," sabi nito. "I must have done something good in my past life," patuloy pa nito.
Shelby smiled. But her eyes were still closed. "Hmn," she purred.
Dahan-dahang hinubad ni Gunter ang blusa niya. Bumaba ang mukha nito sa kambal niyang talulot. He kissed them both then he put one inside his mouth. Napaliyad nang todo si Shelby. Napapilipit pa siya sa naramdamang sensasyon. Nang maramdaman na niya ang mainit nitong palad sa simbolo ng kanyang pagkababae, napaungol siya. Natupok siya sa pagnanasa nang bigla nitong ipasok ang middle finger sa kanyang panties hanggang sa pinupuntirya nito. Nasambit niya ang pangalan nito nang ilang ulit. Dumausdos pababa si Gunter at hinagkan siya roon bago tinaas ang hemline ng kanyang bestida at dahan-dahang ibaba ang kanyang silky, black panties. Tuluyan na siyang nawalan ng huwisyo nang maramdaman ang dila ng asawa sa kaibuturan ng kanyang pagkababae. Makaraan ang ilang sandali'y napadaing siya.
"Please. I cannot hold it any longer."
Dali-daling naghubad ng pantalon si Gunter at pinag-isa ang kanilang mga katawan. Kahit ilang beses na silang nagsalo sa ganoong laro ng pag-ibig, pakiramdam lagi ni Shelby ay first time niya. Palaging pinaparamdam sa kanya ng lalaki na napaka-espesyal niya rito. Masuyo lagi ang mga haplos nito sa kanyang katawan. Parang may pag-iingat. It always made her feel princessy.
Nang matapos ang silakbo ng damdamin, napayakap siya rito at binaon pa ang mukha sa leeg nito.
"Thank you for always making me feel like a princess," sabi niya rito.
"A princess?" Gunter smiled. "You're not a princess, baby."
Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Shelby. Nasaktan siya sa sinabi ng asawa.
"You're a queen, my love. My queen."
Pinisil ni Gunter ang baba niya at binigyan siya ng matunog na halik sa labi saka niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. He spooned her.
**********
"For real? Shelby accepted it? No! I do not believe you!" sagot ni Frederick nang sabihin niya rito na tinanggap ni Shelby ang bahay na nabili nito for them.
"Yes," nakangiting pakli ni Gunter. "She was okay with it and she even asked me when the three of us will move there."
Napasipol si Frederick. Ang bahay kasi na tinutukoy nila ay ang townhouse na nabili nito sa may Queens. Tatlong stories ang naturang townhouse. Sa unang palapag na around thirty-five square feet, naroon ang laundry room, maliit na living room at storeroom. Sa ikalawang palapag naman ay ang pinakasala, kumedor, at kusina. Sa third floor ang tatlong kuwarto. Sobrang liit ng mga ito kung ikompara sa nakagisnan niya at ni Shelby. Wala pa gaanong front yard. Parang sakto lang daanan ng isang katamtamang size na kotse.
"Wow. She really does love you, boss. You're a lucky guy."
Ang lawak ng naging ngiti ni Gunter. Masigla niyang kinuha kay Frederick ang schedule niya for the day at sinabihan ulit ito na kanselahin ang isa niyang miting para maipasyal niya ang kanyang mag-ina pagdating ng hapon.
"So you really want to make it up for them, huh?"
Hindi sumagot si Gunter. Naghanda na lang siya para sa meeting niya sa isa sa mga potential investors na galing pa ng Michigan nang umagang iyon. Pupunta na sana siya sa conference room nang biglang nakatanggap ng tawag ang assistant. Base sa reaksiyon nito habang nakikipag-usap nahulaan niya agad kung tungkol saan ang tawag.
"The bastard cancelled the meeting?" kalmadong tanong ni Gunter sa assistant.
"Yes, boss," pakli naman ni Frederick.
Napabalik sa upuan niya si Gunter. Dismayado dahil kumansela ang isang investor from Michigan.
"Are you sure about all these, boss? You are losing potential investors. You are also losing people. What are we going to do when all your top-notch executives resign and look for a job elsewhere?"
"Then that means they do not deserved to be in the corporation."
Pina-check niya kay Frederick kung sinu-sino na ang mga nag-resign sa mga top execs niya. At napailing-iling siya nang makitang halos tatlong page ng A4 size typewriting paper na ang inabot ng listahan ng mga umalis sa korporasyon. Ang iba roon ay pinaalis niya mismo dahil napag-alaman niyang nang-e-embezzle ng pera. O ginagamit ang pera ng korporasyon sa ibang illegal na bagay.
"I think they took advantage of the fact that you can still give them separation pays."
Napahilot-hilot ng sentido si Gunter. Napatayo pa ito at napalakad-lakad sa upisina. He thought about this strategy a lot but now that he saw the effect to his people, parang he starts to question whether he is doing the right thing or not.
Natigil sila sa pag-uusap tungkol sa mga nagsialisan nang executives nang biglang lumitaw sa upisina ang kanyang ama. He looked kind of weak. His eyes showed extreme sadness. Biglang nag-alala si Gunter. Kaagad niyang inalalayan ito at pinaupo sa isa sa mga visitor's chair na nasa harapan ng kanyang mesa. Lumabas naman si Frederick para bigyan silang mag-ama ng privacy.
**********
Napahawak si Shelby sa kamay ni Gunter nang biglang sumulpot ang ina nito sa restaurant na pinuntahan nilang mag-anak sa may bandang Time Square. Galit ang ginang.
"Why is your mom so mad?" pabulong na tanong ni Shelby sa asawa saka dinampot ang anak na nasa baby cart nito at kinalong.
"What are you and your dad up to? Why did you fvcking cut all my cards and have all my bank accounts frozen?" gigil na gigil nitong tanong kay Gunter. Mahina ang tinig pero nandoon ang sobrang galit nito. Pinangunutan tuloy ng noo si Shelby. Sinalubong niya ang mga mata ni Gunter at sa pamamagitan ng tingin ay tinanong ito kung totoo ang bintang ng ina.
Bumuntong-hininga si Gunter habang hinaharap ang ina. He seemed exasperated.
"Please do not create a scene here, Mom," pabulong na sabi ni Gunter sa ina. Lalong nag-hysterical si Madame Margaux.
Mayamaya pa, may lumapit na dalawang mama. No'n lang iyon nakita ni Shelby, pero mukhang kilala ni Gunter. Sinabihan nito ang dalawa na ilayo sa kanila ang ina. Nagpumiglas no'ng una si Madame pero sumama rin ito sa dalawang lalaki bandang huli.
"Did you cut your mom's credit cards and access to her bank accounts?" tanong niya agad rito.
"It was not me who did it. It was Dad. Mom has her own money. She was just pissed that Dad cut everything he gives to her like credit cards and access to the bank accounts he opened for her."
Napatangu-tango si Shelby. Mukhang tama ang sinabi ng mga kuya niya. Marahil pinaghihinalaan na rin ito ni Henry Albrecht na siyang master mind sa pagpatay sa babaeng pinakamamahal nito.
Ibabalik na sana ni Shelby sa baby cart niya si Shy nang mapansing pinagtitinginan sila ng mga tao na nandoon sa resto. She felt uncomfortable. Sinabihan niya tuloy si Gunter na kung maaari'y umalis na sila roon. Pumayag naman ito.
"I am sorry about it, Mr. Albrecht. If we had known that you wouldn't want her to be here, we would have prevented her from going to your table," sabi ng manager na middle-aged white woman.
"It's all right," tanging naisagot ni Gunter sa babae at lumabas na sila ni Shelby doon.
Nagyaya pa sana ang asawa niya na ipasyal nila si Shy sa Central Park nang maiba naman ang environment nito for a change, pero hindi naging maganda ang pakiramdam ni Shelby. Lalo pa't tumawag ang dad niya na umuwi na muna silang mag-ina para makasama sa early dinner ang mga kuya niyang sina Marius at Markus na dumaan lang ng New York City bago umuwing Pilipinas.
Pagkarinig ni Gunter na nandoon sa condo ng asawa ang dalawa nitong nakatatandang kapatid na kambal, napakamot-kamot ito ng ulo na tila ni-nerbyos. Natawa naman siya.
"It's okay. They are fine with the idea about you and me now," sabi niya kay Gunter, pero hindi pa rin ito mukhang kumbinsido.
Hinatid nga lang sila nito sa condo niya. Bumati ito sa kanyang mga kapatid at ama, saka nagpaalam na babalik ng upisina. Hindi na niya ito pinigilan dahil mukhang uncomfortable ito sa presence ng Kuya Marius at Markus niya.
"How is he holding up?" tanong agad ng kanyang Kuya Marius pagkahalik niya sa pisngi nito. Binigay niya muna sa yaya si Shy bago hinarap ang mga kapatid na mukhang kararating lang ng New York. Ang alam niya'y galing ang mga ito sa California para tingnan ang vineyard nila doon.
"Holding up? About what? Their business folding up?" balik-tanong naman ni Shelby sa kapatid at hinalikan din si Markus.
Nagtinginan ang kambal saka pinangunutan ng noo ang Kuya Marius niya.
"Didn't Matias tell you about it?" tanong naman ni Markus.
Sinaway sila ng dad niya. Maupo raw muna sila sa couch sa sala bago magtanungan. Inakbayan siya ng ama at sabay silang pumasok ng living room.
Pinaliwanag ng Kuya Marius niya ang tungkol sa natuklasan nila ng kakambal nang maayos na silang nakaupo sa sofa sa living room niya. Tumangu-tango naman siya rito. Sinabihan niya ito na narinig na niya iyon kina Matias, Moses, at Morris.
"Sorry for taking the liberty to have him background checked. We just cannot help it. We want the best for you," ani Kuya Marius niya.
"Our detectives found nothing scandalous about his past. Indeed, he is a good man. No skeletons in his closet. But his dad---he was accused of murder. I think you know about it now," patuloy naman ni Markus.
"Matias told me that he was accused of murder because the victim's eldest son testified that he threatened to kill his mother if she choses to stay with her husband. She chose to stay with her family and so her son believed that was his way of getting even with her."
"Our detectives found out Gunter's mom may have something to do with the murder. An unidentified car hit Amy Brown. Ang sabi ng detective namin, napag-alaman daw nilang ang naturang sasakyan ay naka-rehistro kay Mrs. Albrecht. Pero himala dahil nang nililitis na ang kaso, nawala ang ganoong ebidensiya. May nakapagsabi raw na somebody connected to the higher ups in the White House helped in having that little piece of information scrapped from the evidences found by the police officers investigating the crime bago pa makarating sa media," kuwento pa ng Kuya Marius niya.
"Somehow, kinutuban na sila Matias about her mom's involvement pero hindi sila sigurado. But based on what you guys are telling me now, baka nga totoo. Kung sa bagay, she has all the motives to kill her. But---oh God! Dad---I mean Henry Albrecht may have known it by now. That explains why he cut all her credit cards and access to the bank accounts he gave her."
"He cut her credit cards and access to her bank accounts?" tanong ng Kuya Markus niya. Parang hindi makapaniwala na nakarating na ang balita kay Henry Albrecht.
"Yeah," pakli niya. "I think they also have people who investigate on the case for them. At least now, Henry Albrecht is no longer that emotionally broken man almost three decades ago."
Napahinga nang malalim ang dad niya. Sinabihan siyang mag-ingat kapag kasama si Madame Margaux. Natigil lang ang pag-uusap nilang magkakapatid nang tumawag si Gunter.
"Are your brothers still there?" tanong nito agad.
"Yeah. They'll have dinner here then they will fly to Manila afterwards."
"Okay, babe. Just want to hear your voice. Please send me Shy's pic. I want to see her as well."
Pinangunutan ng noo si Shelby. Pero tumalima siya. Imbes na kuhanan lang ng larawan ang anak, in-on niya ang video at pinakita ito kay Gunter. Natawa nang mahina ang huli nang makitang kahit na himbing na himbing sa pagtulog ang anak ay tila nakangiti pa rin. Pero napansin rin ni Shelby na tila pinangiliran ng luha si Gunter. Kinabahan siya.
"What's wrong?" tanong niya.
"Nothing, babe. I love you," sabi lang nito saka mabilis na nagpaalam.
Pagbalik ni Shelby sa living room, nakita niayng nakanganga na ang mga kapatid at ama sa harapan ng TV. Nasa balita na kasi si Madame Margaux Albrecht. Hinuhuli ito ng mga pulis sa salang pagpatay kay Amy Brown!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top