CHAPTER FORTY-FIVE
"Ser Gunter, you ned toh practez des. You hataw-hataw des like des."
Napalingon si Shelby kay Aling Iska ang dating yaya ni Matias dahil atribida itong nagprisinta na turuan daw dapat si Gunter magsibak ng kahoy the old way. Iyong gagamitan pa ng palakol. Nag-demo nga ito at nabiyak niya ang malaking kahoy. Manghang-mangha naman dito si Gunter. Kahit may edad na raw kasi si Aling Iska ay matibay pa rin. Napangiti naman dito si Shelby.
Habang abala ang mga katulong sa pagtuturo kay Gunter kung paano magsibak ng kahoy, si Shelby nama'y nag-asikaso kay Shy. Tinanggal niya ito sa stroller at hinawakan sa magkabilang kili-kili habang inaangat ng ka-level ang kanyang mga mata. Pinapainitan niya ang likod nito sa backyard nila dahil sabi ng kanyang yaya ay mainam daw iyon sa kalusugan ng bata. Palagi nga raw siyang ginaganoon noong baby pa siya.
"She likes it, Ms. Shelby," komento ng private nurse nito. Tumitili kasi si Shy sa bawat pagtaas-baba niya rito. Napalingon nga sa kanila si Gunter. Nang magtama ang mga mata ng mag-ama lalong nagtitili ang bata. Parang nagpapa-impress sa daddy niya. Tapos ay inunat nito ang mga kamay sa direksyon ni Gunter na ang ibig sabihin ay gusto nang magpakarga rito.
"I guess that's it for me, guys. Thank you for teaching me," nakangiting sabi ni Gunter sa mga katulong.
"Ano raw, Tiyang?" tanong ni Iska sa tiyahin na si Aling Mameng.
Agad namang isinalin iyon ni Gunter sa Tagalog. Napanganga ang mga kasambahay pati na ang mga boy at driver. Tawanan sila nang makabawi.
"My Gahd, ser! You med my nosh blid tapos you spokening Tagalog pala!" naibulalas ni Aling Iska sabay kamot-kamot sa ulo.
Napangiti na naman si Shelby. Siya na ang nagpaliwanag sa mga katulong na nag-aral ng Tagalog si Gunter para sa kanila. Kinilig naman ang mga ito, lalung-lalo na si Aling Iska. Natawa lalo si Shelby sa mga ito.
Matapos makapagpahid ng alcohol sa mga braso't kamay ay kinuha na ni Gunter si Shy kay Shelby. Ang lutong ng tawa ng baby. Napaliyad pa ito at nag-inarte. Nang hagkan ng daddy niya sa leeg lalong tumili. Kiniliti rin ito ni Shelby sa tagiliran. Tulo laway ng bulinggit sa katatawa. Natigil lang sa pangingiliti sa anak si Shelby nang iabot ng isa nilang katulong ang cordless telephone sa kanya. May tawag daw siya at importante.
"From whom?" tanong ni Shelby sa katulong.
"Dati n'yo raw kaibigan, ma'am. Alfonso raw ang pangalan."
Natigilan si Shelby. Nag-atubiling abutin ang telepono lalo na nang makitang umasim ang mukha ni Gunter. Yaya niya ang masuyong tumapik sa kanyang balikat at nagsabing kausapin niya ito alang-alang sa masaya nilang samahan noon.
"Kahit papaano ay pinasaya niya ang kabataan mo, anak. Hapi ang pagdadalaga mo dahil sa kanya." At pinaalala pa nito ang araw nang una siyang makatanggap ng love letter mula rito. Noong mga panahong iyon ay crush na crush na niya si Alfonso dahil lagi niyang napapanood ang koponan nitong tinatalo ang football team ng eskwelahan nila kung kaya nang matanggap niya ang sulat ay nagtititili siya sa loob ng kuwarto kasama ang yaya niya.
Kinindatan ni Shelby ang yaya para tumigil na sa pagsasariwa ng nakaraan. Hinila na lang niya ito at sabay silang pumasok ng bahay para katabi niya ito habang kinakausap si Alfonso.
**********
Aminado si Gunter na na-miss niya nang todo si Frederick. Sa mga oras na ito sana kung kasama niya iyon ay may sinasabi nang kung anu-ano na nagpapainit ng ulo niya lalo pa't selos na selos siya sa bwisit na Dela Pena na iyon. As soon as he remembers his assistant, he felt sad. Para bagang biglang nanamlay ang kanyang kalamnan. Naramdaman din siguro iyon ng bata dahil bigla na lang nitong sinapo ang kanyang magkabilang pisngi at tila iiyak na tinitigan siya sa mga mata.
"Oh no! It's not you, baby. Daddy just remembered somebody."
Nang ngumiwi si Shy at pinangiliran na ng luha, hindi naiwasan ni Gunter ang mapatawa. Hinagkan niya ito sa ulo habang niyayakap.
"You're a sensitive baby," bulong niya rito. "You love Daddy that much?" tanong pa ni Gunter dito habang nginingitian ito. Saglit siyang tinitigan ni Shy na tila tinatantiya kung totoo nang masaya siya. Tapos ay dahan-dahan na rin itong napangiti at hinimlay pa ang ulo sa kanyang balikat. Ramdam niyang yumakap ang bata sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Naantig ang damdamin ni Gunter.
Paglabas ni Shelby, dala-dala pa rin nito ang cordless phone nila at inaabot naman ito sa kanya. He stared at the phone coldly then turned towards his daughter. Wala siyang balak makipag-usap sa Dela Pena na iyon. The nerve of that bastard to even think that he wanted to talk to him.
"It's your dad. He wants to talk to you."
"Oh," tanging naisagot niya sa asawa.
Kinuha ng private nurse si Shy sa kanya at hinawakan muna ito habang kinukuha niya kay Shelby ang telepono. Mayamaya pa'y narinig na niya ang boses ng kanyang ama. He seemed very angry. Nag-confess na raw ang mom niya tungkol sa ginawa nito noong araw na namatay si Amy Brown. At nanggigigil daw ang dad niya sa napag-alaman.
"I cannot believe it!"
"Dad, calm down. There's nothing we can do about it now. Don't do anything stupid, okay?"
Ini-imagine ni Gunter ang mommy niya na selos na selos habang hinahabol nito si Amy Brown na kagagaling lang pala sa isang high-end salon nang araw na iyon. Sinadya raw talagang bantayan iyon ng mom niya sa labas ng salon at doon malapit sa exit ay kinompronta raw ito agad-agad. Tinutukan pa raw ito ng toy gun. Nagulat daw si Amy Brown at imbes na magtaas ng dalawang kamay ay napatakbo ito. Hinabol daw ito ng mom niya kasama ang kalaguyong si Albus Smith Senior. Hindi na raw nakapuntang parking lot si Amy Brown kung saan naroroon ang kotse nito dahil naghabulan silang tatlo. No'ng makita raw ng mom niya na tumakbo ito sa direksiyon ng highway ay bumalik sila ni Albus Smith Senior sa kanilang sasakyan at hinabol nila ang babae sa highway. Bago pa nila ito maabutan ay may narinig na silang malakas na tunog ng sasakyang napa-preno bigla at isang malakas ding kalabog. At kitang-kita nila kung paano bumagsak sa aspalto si Amy Brown. Bumaba pa raw ang driver ng sasakyan na nakabundol sa babae at napag-alaman nilang ito raw ang Mehikanong driver ni Mr. Schlossberg. Tiningnan daw nito ang nabundol para tsekin kung buhay pa. Inakala raw nila ni Albus Smith Senior noon na tumawag ito ng 911 dahil nakita naman nilang may tinawagan ito sa telepono. Ganoon na lamang daw ang panggigilalas nila nang bumalik sa loob ng pick up ang lalaki at sinagasaan pa uli si Amy Brown at tiniyak na patay na nga ito nang iwan sa daan.
"I---I do not know what to do, Gunter," sabi ng ama pagkaraan ng ilang sandali. Mahina na ang tinig nito at mukhang kinakapos sa paghinga. Nag-panic tuloy siya.
"Dad? Dad! Breathe in, breathe out. Who's there with you, right now?"
Narinig ni Gunter ang mabilis na paghinga ng kanyang ama. He panicked even more.
"Dad? Dad! Can you hear me?"
"Y-yes! I am still here," sagot nito. Lalong humina ang tinig ng ama.
Nakita ni Gunter na nasa bandang tagiliran na niya si Shelby. Siguro lumapit ito dahil napalakas ang tinig niya. She looked so worried now. Tinakpan muna niya ang mouthpiece ng phone at sinabihan itong tawagan ang family doctor nila sa New York. Papuntahin ito sa kanilang bahay agad-agad. Tumalima naman agad ang asawa.
Ngayon lalong na-miss ni Gunter si Frederick. Kung sana---napabuntong-hininga siya. Something tells him to return to New York right away. Pero inaalala niya ang kanyang mag-ina, lalung-lalo na si Shelby. Gusto kasi nitong makasama ang pamilya ngayong pasko.
Masuyong hinawakan ni Shelby ang kanyang braso.
"Do whatever you think is good for you and your family. I will understand," sabi nito.
Natigilan bigla si Gunter. Shelby read his thoughts. Napatitig siya sa asawa na ngayo'y nakatingin sa kanya nang may lungkot ang mga mata, pero mayroon ding warmth. At naisip niya bigla, "Fvck! Why did I even get jealous about Dela Pena?"
He pulled Shelby towards him and kissed her head.
"I love you. You and Shy are my life now," bulong niya rito.
**********
Nagkakasayahan sa living room ng mga San Diego sa mansyon nila sa Alabang dahil pinagbigyan sila ng Panginoon. Two days before Christmas ay na-discharge si Donya Minerva. Nasa bahay na nga ito ng anak at napapaligiran ng mga apo sa tuhod sa pangunguna ng mga preteen boys ng Kuya Marius ni Shelby.
Saglit lang na nakisaya sa kanila si Shelby bago pinatawag ng dad niya na pumunta na sa study room nito kung saan naroroon ang kanyang mga kapatid at asawa.
Pagpasok na pagpasok niya roon, naramdaman niya agad ang pakiramdam ng lahat. Malungkot. Bumilis tuloy ang tibok ng kanyang puso. Inunat ni Gunter ang kamay nito at masuyo siyang hinawakan sa kamay at pinaupo sa tabi. Magkakaharap sila ng mga kuya niya. Si Morris lang ang wala roon dahil balita sa kanya ng mga katulong ay nasa Iloilo raw ito at hinahabol daw ang vlogger-girlfriend.
"We all got our private detectives' report and they are all telling us the same thing," panimula ng Kuya Marius niya. May hinugot ito sa brown envelope na hawak. Binasa nito ang laman no'n para sa kaalaman ng lahat. Ganoon din ang ginawa nila Markus at Matias.
"So Lyndie was telling the truth," walang ka-emo-emosyong tanong ni Shelby. Namanhid sa kabiglaanan ang kanyang katawan. Inakbayan siya ni Gunter at masuyong hinagkan sa sentido.
"Unfortunately, yes. May nagawang injustice para sa mga Mexican workers ang mga tao natin sa vineyard. Totoo ngang sinisante ang lahat ng mga Hispanic workers sa Vadillo Winery at pinalitan lahat ng mga Pinoy. Totoo rin na kasama sa mga naalis ang mga magulang ni Lyndie, mga kapatid, at pinsan. Ang pamilya nila ang pinaka-nawalan," dugtong naman ni Markus. Napabuntong-hininga ito nang matapos sa pagsasalita.
"It is also somehow true that Frederick's mom, a French-Spanish immigrant who was a former worker at Vadillo's winery was found dead in our vineyard. Isa siya sa mga lumipat sa atin na tinanggap, pero ayon sa detective ay hindi nagkaroon ng magandang relasyon sa mga nauna nang manggagawa roon. Pero noong araw daw na inatake ito sa puso may isang mangaggawang Pinoy na tumawag ng 911 para humingi ng tulong. Kaso nga lang pagdating sa lugar kung saan ito hinimatay ay wala na itong buhay. Kaya sabi ko, ang allegation na natagpuan siyang patay sa vineyard natin ay somehow true dahil patay na siya ng abutan ng mga rescuers, pero hindi naman pala totally na pinabayaan siya," sabat naman ni Matias.
"Ganunpaman, hindi tama ang ginawa ng mga tao natin doon na basta na lang pinatalsik ang mga Hispanic workers ng Vadillo Winery porke nabili natin ang vineyard nila. Isa kasi sa conditions ng pagbili ay ang pagpapanatili sa kanila sa kani-kanilang posisyon," pahayag ng Kuya Marius niya.
Napahimas-himas ng baba niya ang kanyang grandpa nang balingan nila ito. He seemed sad at what he heard. Ganoon din ang kanyang ama.
"We need to make amends to all the families that our people has treated unfairly," sabi ng grandpa niya bigla na sinang-ayunan naman ng dad nila.
"How many Vadillo workers were there in total?" tanong naman ng dad niya sa kanyang Kuya Marius. Nang sumagot ang kuya niya na mahigit dalawang daan daw ay natigilan ang dad nila. Batid ni Shelby na nagkuwenta na ang ama kung magkano lahat-lahat ang danyos.
"Two hundred fifty three, Dad. All in all," sabat ni Matias habang tumitingin sa hawak na papel.
Napabuntong-hininga uli ang grandpa niya. "Give each of them or their surviving family member a hundred thousand dollars," sabi nito kapagkuwan.
Napatingin silang lahat sa matanda. Si Shelby ay mabilis na nagkuwenta sa isipan. Mahigit na twenty-five million dollars ang kakailanganin nila para sa danyos.
"Our lawyers were able to coordinate with their representative, Grandpa," sagot ni Markus. "The workers agreed on a twenty-thousand-dollar-settlement."
"No," mariing tanggi ng matanda. "That is not enough. Make it a hundred," he insisted.
Nagtinginan uli ang mga kuya niya. Alam ni Shelby kung bakit hesitant ang mga kapatid sa mas malaking danyos. Kamakailan kasi'y nasunog ang mga grapes na aanihin na lang sana ng kanilang manggagawa. Mahigit kumulang isang daang milyong dolyar ang nilugi nila roon. Malaking kawalan iyon sa pondo ng kanilang winery. Pinaalala nga iyon ni Markus at Matias sa kanilang lolo. Ang dad naman nila'y tahimik pa rin.
"I can chip in fifty percent of the cost of the settlement," sabat ni Gunter.
Apat na pares ng mga mata ang napatitig kay Gunter. Napahawak agad si Shelby sa kamay ng asawa. She slightly frowned at her brothers.
"This is our problem not yours. Besides, you also have your own financial woes," sagot ng Kuya Marius niya sa mahinang tinig.
"Just because we invite you here doesn't mean we are asking for your help. We just want you to be a part of this since your assistant was also involved. His family's past had a lot to do with why he behaved that way to you or your family," pahayag naman ni Matias.
"Guys, nagmamagandang-loob lang naman ang tao. Wala siyang ibang pakahulugan doon," sabi ni Shelby sa mga kapatid.
Napatingin sa kanya si Gunter at sa mahinang tinig ay nagtanong kung ano ang ibig niyang sabihin sa 'nagmamagandang-loob'. Na-realize ni Shelby na bagama't marunong mag-Tagalog si Gunter, limitado pa rin pala ang alam nitong salita.
Imbes na sagutin ang asawa roon ay pinisil na lamang niya ang kamay nito.
**********
Namangha si Gunter nang masaksihan ang fireworks pagsapit ng alas dose ng hatinggabi ng ika-dalawampu't apat na araw ng Disyembre. Nagmistulang paraiso ang bakuran ng mga San Diego sa Alabang. Samu't saring paputok ang nasaksihan niya. At sa isang katulad niya na nasanay na silang tatlo lang---Mom and Dad niya at siya sa isang malaking mansyon, kakaiba ang experience niya ngayon. Sobrang dami pala talaga ng pamilya ng kanyang asawa! Limang kapatid na lalaki at mga partners ng mga ito. Partners. Binilang niya. Apat lang ang nandoon. Iyong bunsong si Morris ay nag-iisa. Ang dinig niya kay Shelby ay mayroon na itong girlfriend. Naitanong niya tuloy sa asawa kung ano ang nangyari sa sinasabing girlfriend ng isa niyang kuya.
"No idea. Mom said she suddenly disappeared."
"No wonder. He seemed sad."
Saglit na pumasok sa loob ng bahay ang pinag-uusapan nila ng kanyang asawa. At mayamaya nang bumalik sa labas ay may dala na itong helmet at nakikipagdiskusyon na ito sa ina dahil nagpupumilit na umalis.
"Mom, I have already given in to your wish. I had dinner with you guys na. May gusto lang akong puntahan. Please?" narinig ni Gunter na sabi nito sa mommy nila. His mother-in-law looked sadly into her son's eyes and suddenly kissed him on his forehead.
"Okay. Ingat ka," she said reluctantly.
Namangha si Gunter. At parang naiinggit. His mom had never looked at him like his mother-in-law looked at his youngest son just now. How he wished...
"I know it is still the twenty-third of December in New York, but I want to greet Dad a merry Christmas," nangingiti niyang paalam kay Shelby. Gusto muna niyang pumasok sa loob ng bahay at tumawag sa dad niya. Alam niyang nag-iisa ito ngayon sa mansyon.
She kissed him on his cheeks and told him to extend her greetings to his dad.
Nakangiti pa si Gunter habang pinipindot ang numero sa mansion nila sa New York. Alam niyang nasa bahay lang ang ama dahil nag-usap sila kahapon at sinabi nito sa kanyang wala itong ibang plano kundi ang manatili sa kanila sa Christmas. Kaya medyo na-disappoint siya nang sabihin sa kanya ng stay-in housekeeper ng mga ito na kaaalis lang daw nito.
"Is Mom around?" tanong na lang niya.
Natigilan ang housekeeper. Kailangan pa niyang ulitin uli iyon bago ito muling sumagot.
"She is no longer living here, Mr. Gunter."
"What do you mean?"
"Uhm, just ask your dad about it, Mr. Gunter. It is not for me to say."
Natigilan si Gunter. At napaisip nang malalim.
**********
"Don't you like Tagaytay?" masuyong tanong ni Shelby kay Gunter habang nakahawak sa kamay ng lalaki. Pagkaumaga kasi, ika-dalawampo't anim ng Disyembre ay niyaya niya itong mamasyal sa isa sa paborito nilang pasyalang mag-anak noong maliliit pa silang magkakapatid. Marami kasing masasarap na kainan doon. Isa pa, mas malamig ang simoy ng hangin sa lugar at hindi maalinsangan katulad ng sa Alabang.
"It's beautiful, babe," sagot naman ni Gunter. Nakatingin ito sa labas ng restaurant. Manghang-mangha sa view. Tanaw kasi nila ang Taal Volcano. Pero parang kulang naman sa conviction ang tinig nito. Parang napipilitan lamang. Sigurado siyang may iniisip itong problema.
"I thought Mr. Schlossberg was already captured," sabi niya rito. Ano pa ba ang maaaring mag-spoil sa mood nito kundi ang tungkol sa taong iyon? Ang siyang nagbigay sa kanila ng katakot-takot na problema.
"It's not about Mr. Schlossberg, babe."
"Then, what is it?"
"Can we---can we go back to the States by tomorrow?" sabi na lang nito bigla.
Natigilan si Shelby. Ang usapan kasi nila'y sa Pilipinas pa sila magse-celebrate ng bagong taon. Nangako siya sa kanyang lolo't lola. Gusto niya sanang makasama pa ang mga ito nang matagal-tagal, lalo na ang grandma niya na medyo unstable ang kalusugan.
"Dad needs me. He---he and mom are filing for a divorce and---"
"They are? But I thought your dad has forgiven your mom already!"
Tumangu-tango si Gunter. Oo raw, pero hindi na ito kompyansa sa asawa. Kaysa laging pagdudahan ang galaw nito minabuti na lang daw nitong hiwalayan ito.
"How is your mom taking it?" tanong na naman ni Shelby makaraan ang ilang sandali.
"She accepted it peacefully. She said it is for the best. She does not want to be sharing the family's debts anyway."
Napayakap si Shelby kay Gunter nang wala sa oras. He looked so sad when he said it. Parang ang bigat-bigat sa loob niya. Naisip ni Shelby na kung sa kanya man mangyari iyon ay malulungkot din naman siya nang todo. Hindi biro ang maghiwalay ang mga magulang lalo pa't ang tanda na nila. Nawi-wirduhan lang siya talaga. Pero hindi rin niya sinisisi ang ama ni Gunter.
"But---if you want to stay behind for a few more days, it's okay with me, babe," sabi nito.
"No. We will leave together as a family."
Nang ibalita nila iyon sa mga magulang at sa kanyang grandparents, nalungkot silang lahat. Pero hindi naman sila pinigilan. Pinupog na lang ng mga ito si Shy bago pakawalan.
"We will miss you, little girl," sabi ng mom niya sa bulinggit.
Inikot-ikot ni Shy ang kanang kamay na tila sumasayaw at tumawa. Natawa silang lahat. Mukhang gustung-gusto nitong pinagkakaguluhan siya. Kung sa bagay siya ang youngest apo kasi.
**********
Hindi na nila nagawang ipagpabukas ang pag-alis nang mabalitaang may nagtangkang pumasok sa mansyon ng mga magulang niya. Sa mismong Christmas eve daw ay may nanloob sa mansyon at itinali ang lahat ng mga housekeepers doon. Buti na lang at hindi umuwi ang dad niya nang gabing iyon. Ang nakakapagtaka lang ay wala namang nawala sa loob ng mansyon maliban sa nagkalat at nasira ang ilang mga gamit. Kasunod ng balitang iyon ay napanood nila sa TV ang manhunt diumano para kay Mr. Flynn Schlossberg. Sa kasamaang palad ay naka-eskapo ito mula sa bilibid. Kasama nito ang pinaka-loyal na tauhan---ang asawa ni Lyndie.
"What about Frederick?" tanong ni Shelby sa kanya.
Nginitian niya ito. "I bailed him out days ago, but he's fired."
Napanganga si Shelby at nang makabawi ay napangiti rin. Napahilig ito sa balikat niya at ipinikit na ang mga mata. Naggising na lamang ito nang makaramdam siguro ng matinding pag-alog sa eroplano. Napakurap-kurap ito at napaupo nang matuwid nang ianunsiyo na ng piloto na malapit na silang mag-touch down sa John F. Kennedy airport. Tuluyan na itong nagising nang dahan-dahan nang bumababa ang eroplano. Hinawakan nito agad ang kamay ng anak na kandung-kandong naman ng private nurse nito na nakaupo sa kanilang tabi. Tulog pa rin si Shy. Nagising na lang ito nang makalapag ang eroplano. Pero nang hawakan nila pareho ni Shelby ang magkabila nitong kamay ay tumigil din sa pag-iyak.
Sinalubong sila ng mga bodyguards niya at ng bagong personal assistant paglapag sa JFK, pero for a while ay hinanap niya si Frederick. Nang ma-realize na kailanman ay hindi na ito makakabalik pa sa kanya bilang empleyado ay nakaramdam na naman siya ng lungkot kaya itinaboy niya agad iyon sa isipan.
"I have made some preparations in the new house, sir. It is now ready for occupancy," magalang na wika ng bago niyang black assistant. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanila ni Frederick. At ang sinasabi nitong bahay ay ang maliit na townhouse na binili niya para sa kanyang pamilya. Nag-hesitate siya saglit at napabaling kay Shelby nang maalala kung gaano ka liit ang bahay. Parang may kung anong kumurot sa kanyang puso habang ini-imagine ang mag-ina na doon magba-bagong taon. Pero nabatid niyang kailangan muna nilang magsakripisyo.
"Is it all right to go straight to our new home?" tanong niya muna kay Shelby. Sa isip niya, kung hihilingin nitong doon dumeretso sa mas maluwang nitong condo ay hindi siguro siya magmamatigas. Nagi-guilty siyang he is making her give in to his plans.
"Of course," kaagad naman nitong sagot.
"All right, Jackson. Lead the way," sabi niya sa assistant.
**********
Nagising si Shelby nang sa kanyang pagbiling ay wala siyang makapa sa tabi sa kama. Napabangon siya agad at pinindot ang kontrol ng ilaw. Wala na nga siyang kasama sa silid. Bumaba siya ng kama at tinakpan lamang ng kulay rosas na roba ang suot niyang nightie at bumaba sa living room nila. Nasa kusina ang private nurse ni Shy at nagtitimpla ng gatas.
"Hi, Miss Shelby. Did you have a good rest?"
"Yeah. What time is it now?" tanong niya habang nagkukusut-kusot ng mga mata.
"It's half past six in the morning."
Napahikab siya. Kaya naman pala. Parang naninibago pa ang katawan niya.
"Did you see Gunter?"
"Yes, miss. He already went to work."
Napanganga siya. Nagtrabaho na agad? Alas sais y medya pa lang at nag-trabaho na?! Napangiti sa reaksiyon niya ang nurse ni Shy. Ni-relay nito sa kanya ang bilin daw ng kanyang asawa. Huwag na raw niyang alalahanin ito. Kasama naman daw nito ang assistant na sa tingin ay hindi siya tatraidurin. Masusi raw nilang na-check ang background nito.
"Do you want some coffee, Ms. Shelby?"
Umiling-iling siya saka pinagsalikop ang mga braso sa ibabaw ng mesa at inihimlay ang ulo roon. Mayamaya pa'y napaupo siya nang matuwid nang tila awtomatikong bumukas ang TV na nasa harapan ng kainan na nasa kusina rin nila at pumailanlang ang tinig ng isang news anchor.
"Did you turn it on?" tanong niya sa nurse.
"No, ma'am. I think Mr. Gunter had that programmed to just turn on at seven in the morning."
Tumangu-tango na naman si Shelby at inaantok na hinimlay na naman ang ulo sa ibabaw ng pinagsalikop na mga braso. Napaupo na naman siya nang matuwid nang biglang narinig ang pangalan ng kanyang asawa na binabanggit ng news reporter. Bigla siyang napahawak sa edge ng mesa nang makita itong hawak-hawak ang duguang balikat.
"It's Gunter, right?!" tanong niya pa sa nurse sa paraang gustong sabihin nitong hindi at namamalikmata lamang siya.
"Yes, ma'am!" natataranta ring sagot ng nurse. "Oh, fvck!" naibulalas nito sabay bitaw sa hawak na baso ng tubig. Siya nama'y tila lalong nanghina at biglang nagdilim ang paningin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top