CHAPTER FORTY
A/N: The first part, you may be confused, is a detailed retelling of what happened in the meeting between Shelby and Lyndie's friend. Just to give you an idea about what they talked about. :) Please don't forget to vote and comment para ganahan akong mag-upload uli. Hindi na ito lalampas ng Chapter 50.
**********
"Flynn Schlossberg never liked Ms. Amy Brown," patuloy ng kaibigan ni Lyndie. "For him, she was the barrier towards his goal---to be the closest human to Mr. Henry Klaus Albrecht."
Sinubukang alalahanin ni Shelby ang hitsura ni Flynn Schlossberg. Pero kahit anong gawin niyang pagkilatis sa isipan, he didn't strike her as somebody who has a questionable sexual orientation.
Napakurap-kurap si Shelby nang biglang humalakhak ang mama. Bumalandra na naman ang sungki-sungki nitong ngipin na puno ng tartar. Bahagya siyang napangiwi. Wala siyang naalalang sinabi o pinakitang maaaring pagtawanan nito. Ano kaya ang nangyayari sa lalaking ito? Nababaliw na ba?
"No, no, no. Mr. Schlossberg is NOT gay. That's not what I meant." Humalakhak ulit ito.
Pinamulahan ng mukha si Shelby. Nababasa ng lalaki ang kanyang isipan! She felt very uncomfortable now. Ganoon ba siya ka-transparent?
"Ang ibig kong sabihin kanina, gusto niyang maka-close si Mr. Henry Albrecht not because he liked him as a lover would, but because he wanted to gain more financial rewards. You see, Mr. Albrecht was a very generous man especially to people he likes. I think he still is," paliwanag nito sa magkahalong Espanyol at English.
"Before Mr. Albrecht found Ms. Amy Brown again, solong-solo ni Mr. Schlossberg ang simpatiya nito. Alam mo ba na dahil lang sa pagsama lamang nito dito sa Amerika binigyan siya agad ni Mr. Albrecht ng shares sa kompanyang itinatag nito? At that time, he was just a mere assistant."
"Why did you know all these?" biglang tanong ni Shelby.
Ngumiti ang lalaki. "Sabihin lang natin na matalas ang radar ko," sagot nito sa Espanyol at humalakhak na naman. Napangiwi nang bahagya si Shelby sa kanya. Matalas ang radar? Ibig sabihin ba'y nakapasok ito sa circle ng ama nila Marinette at Gunter? Pero paano?
"You look so suspicious," sabi ng lalaki. Napailing-iling ito. At bigla itong nagseryoso. "All right. Kaibigan ka rin naman ni Lyndie. I will let you in a little secret." Sinenyasan siyang lumapit dito. Tapos bumulong sa kanya. "I used to be Flynn Schlossberg's driver! There. Alam mo na ngayon kung bakit ang dami kong alam?"
Napatitig si Shelby sa lalaki. Driver ni Flynn Schlossberg? Na-hit and run daw si Amy Brown. Hindi kaya----? Dumagundong bigla ang puso ni Shelby.
Ngumiti nang makahulugan sa kanya ang lalaki. Hindi ito nagkomento, pero may kutob si Shelby na alam nito ang naging laman ng kanyang isipan. Tumikhim-tikhim siya at tumingin muna sa paligid nila para kunwari'y hindi siya naalarma sa bigla nitong isiniwalat.
"Mr. Albus Smith Senior passed by that road on that fateful day. Amy Brown could still move at that time. She even managed to get at the center of the road and flagged the first car that passed by---that was Mr. Smith Senior. He simply slowed down and looked at the victim. Had he helped Amy Brown right there and then, she would have survived the accident."
"Mr. Albus Smith Senior?" ulit ni Shelby. Gulat na gulat. Napanganga siya.
"Yes. You know that t-shirt guy who allegedly started his business from scratch? Our self-made millionaire? Our golden boy?" Humalakhak na naman ang mama. Nang tumangu-tango si Shelby saka lang nagpatuloy. "He's the only son of Mr. Albus Smith Senior."
Napalunok nang sunud-sunod si Shelby. Ang dagundong ng puso niya'y tila dumoble pa.
"Mr. Smith received ten million dollars from Mr. Schlossberg for not stopping by to help Amy Brown. He was also the one responsible for hiring two fake witnesses that testified against Mr. Henry Albrecht. You see, a few minutes after Mr. Smith left the scene, Mr. Albrecht came. He was shocked to see his beloved woman lifeless and bloody in the middle of the road. That was when two men in motorbikes came and photographed the whole incident. Henry Albrecht asked them for help, but instead of helping him they ran to the nearest police station and reported that a German billionaire had hit and killed somebody on the road."
Napahilot-hilot ng sentido niya si Shelby. These info were too much for her to bear. Naalala niya ang kanyang baby. At tila may bumara sa kanyang lalamunan. But then a part of her warned her. Paano siya nakakasisiguro na totoo ang sinasabi ng lalaking ito? Ni hindi niya ito kilala! Baka mayroon itong motibo na siraan si Albus Smith. O hindi kaya, may nagturo rito na linlangin siya para ma-relay niya ang kasinungalingang ito kay Gunter at nang kamuhian nila si Shy. At tuluyan itong i-give up. The mere thought of giving her up made her feel extremely sad. No way!
"My days are numbered. Just in case you're wondering about my motives. Last month, my wife was killed. And I am pretty sure, I'm next in line. Before they totally annihilated me and my family, I want to at least divulge these pieces of information I kept for a long time now. Plus, my conscience is killing me!"
Dead serious na ang mama. At pinangiliran pa ito ng mga luha. May kaunti pa rin siyang duda sa mga isiniwalat nitong impormasyon, pero mas lamang na ang paniniwala niya rito.
**********
Pinangunutan ng noo si Gunter sa mga sinabi ni Shelby. Kung ganoon ay tama ang kutob nilang mag-ama all along. Na may kinalaman si Mr. Schlossberg sa pagpatay kay Amy Brown. Ganunpaman, parang nabababawan si Gunter sa motibo nito sa pagpatay sa babae. Just because he wanted to be closer to his dad? It seemed off. Ano pa ang gusto nitong closeness? Nabigyan na ito ng malaking shares sa manufacturing firms na unang pinundar ng kanyang ama nang mag-migrate ito sa Amerika. Hindi lang iyon. Binigyan pa ito ng mataas na posisyon doon! Mula sa isang hamak na personal assistant ay ginawa itong tagapangasiwa ng isa sa mga kompanya sa Indiana. Nang lumaon ay ginawa pang presidente!
"Why the hell did you go see him unescorted? What if he did something to you?"
"My boydguards were with me. They were nearby as we spoke to one another. Plus, we had our meeting in a crowded place. We met at Macy's."
"Still. He could have done you harm. Please. Next time, do not do this on your own. I appreciate your concern but I do not want you to be harmed as well."
Tumangu-tango si Shelby. Hinila naman ulit ito ni Gunter para yakapin nang mahigpit na mahigpit. Hinagkan niya rin ang babae sa ulo nito.
"Gunter, is that Shelby now?" narinig niyang tawag ng ama mula sa living room.
Kumalas sa pagkakayakap niya ang asawa at nagpahid ng mga luha. Nauna na itong pumasok sa living room. Hinalikan ito ng kanyang ama sa pisngi at binida rito ang ginawa nila ni Shy together.
"She laughs a lot. She loves to be tickled," sabi pa ni Henry Albrecht.
Makikita nang masayang nagpapalitan ng antics ni Shy ang dalawa. Gunter smiled sadly. Nakikita niya kasi kung paano na napamahal sa Dad niya ang bata. Katunayan, lagi na itong pinag-aawayan ng parents niya. Panay kasi bisita nito sa kanila dahil kay Shy.
Napalingon si Shelby sa kanya nang sabihin ng kanyang ama rito na kung maaari raw ay ipasyal ito sa mansyon ng mga parents niya palagi. Gustung-gusto raw kasi ng dad niyang nakikita ang bata. Isa raw ito sa nagpapasaya rito these days lalo't patung-patong na ang problema sa negosyo at sa mga kasong kinasasangkutan nila at ng korporasyon.
"Mom will surely be ecstatic, Dad," nakangisi namang sagot dito ni Gunter. Sarcastic. Alam niya rin kasi kung gaano ka aburido at ka irita ang mom niya kay Shy. Marinig nga lang nitong pinag-uusapan nilang mag-ama ang bata ay tila parang sasabog na ito. Kaagad silang pandidilatan at patatahimikin. Minsan pa nga, nag-walk out ito nang hindi sila matigil-tigil.
"She has to live with it. Because this little lady here is my favorite grandchild." At kiniliti uli nito sa tiyan si Shy. Tumili naman ang bata. Tuwang-tuwa. Pero nang tumambad sa paningin ang mommy niya, inunat nito ang kamay sa direksyon ni Shelby at gustong magpakarga rito.
Lumapit din si Gunter sa mag-ina niya at hinalikan niya pareho ang mga ito sa noo.
**********
Maluha-luha si Shelby habang nagpapaalam ang mommy niya nang araw na iyon. Uuwi na kasi ito ng Pilipinas dahil ang pamilya nila ang sponsor sa misa sa kanila sa tuwing Feast of the Immaculate Conception. Mauuna lang ito ng dalawang araw at susunod din ang kanyang ama. Hinihimok nga sana siyang magbakasyon din sa Manila for two weeks. Kaso nga lang, hindi niya maiiwan si Shy. May mga check ups pa kasi ito. Saka sinabi ng pediatric cardiologist nito na huwag munang ibiyahe ng malalayo dahil baka hindi pa nito kayanin. Isa pa, grabe ang polusyon sa Maynila kung kaya nagbabala rin ang pediatric pulmonologist nito.
"Kahit anong mangyari, do not stray away from your bodyguards, okay? May tiwala ako kay Mang Conrad. Siguradong mapapangalagaan ka niya nang mabuti."
"Yes, Mom. Please give my regards to everyone," sabi na lang niya rito. "Tell my yaya, I missed her and I cannot wait to see her and the rest of our family."
Napangiti ang mom niya. "Naku, kikiligin na naman ang yaya mo kapag nalaman niyang siya ang una mong mami-miss at special mention pa."
Napayakap siya sa ina at napahikbi na naman. Hinagkan siya ng mommy niya sa ulo.
Mayamaya pa'y sumulpot sa entrance ng John F. Kennedy Airport si Gunter. He was wearing his sunglasses. Napuno ng pride ang dibdib ni Shelby nang makita kung paano napalingon at napatitig sa kanya ang mga babaeng naroroon. May kung ilang lalaki pang napatingin din dito at tingin ni Shelby ay napahanga rin. Bagay na bagay kasi ang dark suit nito na pinatungan ng itim na trench coat. Ang suit ay isa sa mga disenyo niya pero ang trench coat ay mula naman sa fashion house ng ina.
Halos sabay na dumating sa harapan nila si Gunter at ang Dad niya. Ang kanyang ama ay galing sa luggage drop-in counter dahil ito mismo ang nagdala roon ng bagahe ng kanyang mommy. Nang makita nito si Gunter ay bahagya lang nitong tinanguan ang lalaki.
"Shall we get some coffee while waiting for your boarding schedule?" yaya sa kanila ng dad niya. Umakbay agad ito sa mom niya. Bumuntot sila rito ni Gunter. Ang asawa'y nakaakbay din sa kanya. Hiangkan-hagkan pa siya nito sa noo habang sinusundan nila ang kanyang parents.
"Dad was very happy we get to trust him with Shy," nakangising bulong sa kanya ni Gunter.
Ang baby ay may sariling private nurse at mapagkakatiwalaan nila ito ni Gunter, pero siyempre iba rin ang may kapamilyang tumitingin-tingin dito.
"What did your mom say?" nag-aalalang tanong naman niya.
"She left the house," natatawang balita sa kanya ni Gunter at isinalarawan ang maarteng pag-walk out ng ina pagdating na pagdating nila ng nurse at ng baby.
Pinagsabihan niya ito. Hindi raw dapat ikinatutuwa iyon. For sure, naghihirap ang kalooban ni Madame Margaux Quandt, sabi niya rito.
"Mom is so unreasonable sometimes. I do not understand why she doesn't like the baby so much. Little Shy is so adorable. How can anyone not love her?"
"Maybe, because---because she is Albus Smith Senior's grandchild?" halos ay pabulong na wika lamang ni Shelby. Tumingin-tingin pa siya sa paligid kung may nakikinig sa kanila.
"What's that got to do with her? If you come to think of it, Albus Smith Senior helped her get rid of her strongest rival in Dad's heart."
Napaisip si Shelby. Kung sa bagay nga. Sa isang banda naman, naisip niyang hindi na kailangan ng motibo ni Madame. Sadyang marami lang itong mean bones sa katawan. Marahil ay hindi nito nagustuhan ang bata dahil halatang mixed. Light brown nga ang buhok at hazel brown ang mga mata pero a lot darker than typical white kids. Siguro iyon ang kinaayawan nito.
Nang magkaharap na silang apat sa isang high end coffee shop sa airport, kinumusta ng parents niya ang mga magulang ni Gunter.
"They're both doing all right. Dad is so into our baby now. He's the one taking care of Shy this time. I dropped Nurse Elsa and Baby Shy in my parents home this morning before coming here."
Natuwa ang mommy niya sa balita. Ang kanyang dad naman ay dedma. Wala itong gaanong kontribusyon sa usapan nilang apat. Pero bago sila umalis sa coffee shop na iyon ay nagtanong ng isang bagay na ayaw sanang pag-usapan ni Shelby. Ang development sa murder case laban kay Henry Klaus Albrecht.
"We're gathering more and more proof that Dad has nothing to do with it. The prosecution's strongest evidence was only testimonies of alleged witnesses and the statement of Amy Brown's eldest son that claimed he heard Dad making threats to his mom a few weeks before that fateful day. I cannot talk much about our evidence that proved Dad's innocence but in a few weeks the case will be concluded in our favor."
Tumangu-tango ang dad niya. Hindi na ito nagsalita pa tungkol doon. Nang makita na nilang nag-flash sa screen ang boarding schedule at boarding gate ng mom niya'y nagpaalam na rin silang mag-asawa na mauuna na. Yumakap uli nang mahigpit si Shelby sa ina.
"Aasahan kong makapagbakasyon din kayo sa atin as soon as possible. Sana bago kayo ikasal. Nang makita naman ni Gunter ang atin," pabulong na wika ng mom niya sa kanya.
"We will surely do that, Mrs. San Diego---I mean Mom," nakangiting sagot ni Gunter.
Napangiti si Sheila. Niyakap din nito si Gunter at binigyan ng matunog na halik sa magkabilang pisngi. "Please take care of my two precious babies for us."
"You do not need to say that, Mom. I will."
**********
Hindi muna sila dumeretso sa bahay ng parents niya pagkaalis sa airport. Dumaan muna sila sa Central Park. Kahit tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw, marami-rami nang couple ang naglalakad sa parke. Kung sa bagay, hindi naman kasi mainit dahil malamig ang simoy ng hangin.
Sa isang sanay sa malamig na weather, wala sa kanya ang forty-four degrees Fahrenheit. Kaya natatawa siya kay Shelby na nginig na nginig ito. He put his arms around her as they walk inside the park. Halos ay ipasok na niya ito sa kanyang trench coat.
"Are yous till cold?" tanong niya nang makita niya itong nanginig nang dumampi ang malamig na malamig na simoy ng hangin.
"No, I'm okay," natatawa nitong sagot sabay hapit sa katawan ng long jacket nito.
Sinulyapan ni Gunter ang makinis nitong binti na tanging maninipis na stockings lang ang nakabalot dito. Naka bestida kasi ito ng lampas-tuhod at naka short boots na umabot lamang sa kalahating binti. She looked very fashionable and an epitome of a stylish lady in Winter. Pero iyon nga. Typical tropical girl pa rin. Napangiti siya. And he realized he could look at her forever and still be entertained and at the same time be at peace with himself.
"Years ago, I never thought I could enjoy a simple walk in the park," bigla na lang niyang nasabi rito habang naglalakad sila roon.
"Mom and I love walking in the park," nakangiti namang pagbibida ni Shelby. "In our village in the Philippines, we used to go to the park in the afternoon just to chill out. It was also where I practiced how to ride a bike."
"Your mom is a cool lady. I wish I had that kind of childhood. But my free time when I was a kid was spent mostly in learning how to play the piano or go to my swimming lessons."
"I also had them. But it was my grandma who took me to those classes. Mom never did it to us. Her reason was we could benefit more from playing with other kids rather than stress ourselves out with extra-curricular classes."
"Yeah. I guess so. People who spent more time playing with their peers when they were kids tend to be more well-adjusted in life than those who burdened themselves with extra lessons."
"Shy will have a balanced world. She will have cultural lessons but I will make sure she have enough time playing with other kids as well," bigla na lang ay nasabi ni Shelby na ikinangiti ni Gunter.
May lumapit sa kanilang tila isang pedicab. Malaking version nga lang ito. Nag-offer ang driver nito ng ride sa buong Central Park for fifty dollars daw. Umiling sila pareho ni Shelby. Pero dumukot siya sa bulsa at humugot ng isang daang dolyar mula sa wallet at binigay sa mama. Napanganga ito sa gulat. Hindi matapos-tapos ang pasasalamat ng lalaki kay Gunter. Napasalita pa ito ng Espanyol.
"You're very generous," sabi ni Shelby kay Gunter at patuloy silang naglakad-lakad pa sa parke.
**********
"What?" gulat na gulat na sambit ni Shelby nang marinig ang suhestyon ng tatlo niyang kuya.
"You heard, Morris, baby girl," tila tinatamad na pakli ni Matias. "Fire that woman. What's her name again? Lyndie Gonzales?"
"She has been with me since day one! She has helped me with everything! Bakit ko naman gagawin iyan? Napaka-unfair naman ng pinapagawa n'yo sa akin," protesta niya.
"Bro, give her the photos and those video clips your detective has gathered. Iyong mas klaro, ha?" utos ni Matias kay Morris.
"Nandiyan yata kay Moses."
Naghalungkat sa knapsack niya si Moses at may binigay itong memory stick kay Shelby.
"It's all there," sabi pa nito.
Napalunok nang sunud-sunod si Shelby at napatitig sa USB na inaabot sa kanya ng kapatid. Napilitan siya tuloy na magtapat tungkol sa nakalap din niyang impormasyon mula sa taong rekomendado ni Lyndie. Nang marinig ito ng tatlo, bigla silang natawa.
"And you believed him? Do you have a picture of him?"
Shelby described the Hispanic man to his brothers. Nagkatinginan ang tatlo.
"You might be talking about her husband!"
"What?! Husband niya? Pero ang sabi ni Lyndie ay kaibigan niya iyon! At ang sabi ng lalaki---he said they killed his wife already because of what he knew."
Matias rolled his eyes.
Binuksan ni Morris ang laptop at kinuha nito ang USB sa mga kamay ni Shelby. Sinalpak nila iyon doon at bumulaga sa huli ang mukha ng assistant na kaakbay ang lalaking kausap niya lang noong nakaraan. They both have a similar looking ring on their ring fingers! Napanganga siya. Ang sumunod na mga litrato ay kuha sa isang party. Pamilyar sa kanya iyon. Isa iyong fashion event na sinalihan din ng kanyang fashion house. At magkaakbay si Madame Margaux Quandt at Lyndie. They were both smiling in the picture. May isa pang kuha na nagpayanig kay Shelby. Nakaupo naman ang kanyang assistant habang ang babae sa likuran nito'y nakayakap dito. At pinanlamigan siya nang bumungad ang nakangiti ring mukha ni Carlota Kolisnyk.
"Water please," sabi niya sa mga kapatid. Mabilis na tumalima si Morris.
Nang makainom ng tubig, saka lang tila nakahinga nang maluwag si Shelby. Bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Ngayon niya lubos na naintindihan kung paano nangyari ang nakawan ng designs at ang pagkakasangkot ng bwisit na Kolisnyk na iyon. She felt so betrayed! Tumulo ang luha niya nang hindi niya namalayan. Pero walang hikbing maririnig mula sa kanya.
"Siguro, hindi mo siya dapat sisantehin agad. Or else, she'll knew that you already know that she's fake. Kapag nangyari iyon, she can inform your mom-in-law and she will have time to cover her tracks. Though it's too early to tell, but we all think, at least the three of us, that she is involved in the killing of Amy Brown. Afterall, siya ang lubos na nakinabang sa pagkawala ng babaeng iyon," sabi naman ni Moses.
"Gunter has to know all these."
"Malamang ay alam na niya. Ang isa sa binayaran naming hackers kasi ay nagsabi na may nagpagawa rin no'ng pinagawa namin sa kanya. Actually, nadulas lang iyong mama kaya naamin nang wala sa oras," pahayag ni Morris.
Napatakip ng kamay sa mukha si Shelby sabay pigil sa pagsinok. Hinila siya ni Matias at niyakap.
"We will always be here for you, sweetie. Mananagot din ang kung sino mang gumugulo sa buhay ninyo ni Gunter. We love you so much, baby girl. Always remember that."
Napayakap si Shelby nang mahigpit sa Kuya Matias niya. Napapiksi lang siya at napakalas sa yakap nito nang mag-ring ang kanyang home phone na nasa ibabaw ng side table na malapit sa inuupuan niyang couch. Boses ni Gunter ang nasa kabilang linya. He seemed worried and anxious.
"I have been calling your office and your cell phone!"
"I came home because my brothers are here in New York right now."
"Your brothers? Which ones?"
Nang sabihin ni Shelby kung sinu-sinong mga kapatid niya ang kasama, tila nabunutan ito ng tinik. Nagpasalamat ito. Huwag daw siyang aalis sa condo niya dahil pupunta ito agad-agad.
Pagdating ni Gunter sa condo, napasugod ng yakap si Shelby dito. Si Gunter nama'y napayakap din sa kanya nang mahigpit na mahigpit. Mukhang tama nga si Morris. Sa kilos ni Gunter parang may alam na rin ito tungkol sa isiniwalat ng mga kapatid.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top