CHAPTER FIVE

A/N [October 27, 2020]: May mga errors here and there. Saka ko na lang i-edit.

Tentative portrayer of Gunter's character.  I think the one voted by many readers last year as the most appropriate portrayer given Gunter's charateristics. What do you think?

**********

Nalito si Shelby kung bakit lahat ng mga kaklase niya pati na ang mga partners ng mga ito ay kilala si Gunter Albrecht. Ang ibig bang sabihin no'n ay may sinabi ito at nagkunwari lang na butler?

Mabilis na nag-replay sa utak ng dalaga ang una nilang pagkikita sa Skylark Hotel. Sa pagkakatanda niya ito ang kumuha ng kanyang sasakyan sa parking lot ng naturang hotel. Pagkatapos pinagmaneho pa siya nito nang kung ilang milya bago niya namalayan. Nagbigay sana siya ng tip dito pero mabilis nitong tinanggihan. Kung isang ordinaryong butler nga ang lalaki malaking bagay ang makatanggap ng tip na isang libong dolyar. Magkano lang naman ang sahod nito kada oras. Tapos sa pagkakaalala pa niya nang una niya itong makilala maging nang sumunod nilang pagkikita sa in-house fashion show ng Margaux Quandt at kanina nang nakasalubong niya ito sa pasilyo papunta sa silid na ito nakasuot ang lalaki ng mamahaling suit at sapatos. Ang ibig sabihin ay hindi talaga siya butler! Isang mayamamang nilalang lang ang pinagkakaabalahan ng mga mukhang pera niyang kaklase kung kaya nakasisiguro na siya ngayon na may sinabing tao itong si Gunter. Ang kaso nga lang wala siyang kaalam-alam kung ano ang negosyo nito. Not that she cares. Walang kuwenta sa kanya ang estado sa buhay ng isang lalaki. Kailanman ay hindi niya iyon naging pamantayan sa pagkilatis ng kanyang manliligaw. Nagkataon lang na mayaman ang pamilya nila Alfonso.

"Shelby! Naririnig mo ba kami?"

Halos yugyugin na ni Irene ang balikat ni Shelby. Pati ang ibang nakapaligid sa kanila, mapakaklase ng dalaga o mga partners ng mga ito ay atat sa kanyang kasagutan. Sila na raw ba ni Gunter Albrecht?

"Ha?" nabibiglang sagot naman ni Shelby. Saka tumingin sa pintong kapipinid pa lamang ng kalalabas lang na si Gunter. Larawan ng may malalim na iniisip ang dalaga.

"Ano ba, Shelby! Pambihira naman 'to, o. Pa-suspense ka pa, eh. Palagay ko kayo na nga ni Gunter Albrecht at hindi mo lang maamin sa aming lahat," sabi naman ni Mila.

"Okay lang, oy. Total naman ay matagal-tagal na rin kayong wala ni Alfonso, di ba?" sabat naman ni Kyla. Nginitian pa nito si Shelby na tila gustong ipahiwatig dito na okay lang na makipag-boyfriend na siya. Hindi nila siya ija-judged. Kaso Shelby knew better. Alam niyang kunwari lang ang pakitang iyon ng pinsan ng dating nobyo na ever since ay hindi naman naging boto sa kanya dahil mas gusto nitong makatuluyan ni Alfonso ay ang BFF nitong si Irene.

"Kaya lang---hindi ba't engaged na ang Gunter na iyon? I heard it was even front page news on Chicago Tribune last year because the girl was from one of Chicago's elite families," pahayag naman ni Riva, ang dati nilang class president.

Napahilot-hilot sa noo si Shelby. Nabwisit siya sa mga tanong nila pero dahil sa dikta ng magandang asal hindi niya nagawang supalpalin ang mga ito. She just smiled at them all as she sipped her wine. Alam niyang mas matindi ang epekto no'n sa kanila dahil they were made to guess kung ano ba talaga ang relasyon niya sa lalaking tila ay pinapangarap pala ng mga mukhang pera niyang mga kaeskwela.

**********

"Have you already made a decision, Gunter?" bungad agad ni Mr. Stevenson pagkapasok na pagkapasok nito sa upisina ni Gunter sa fifty-fifth floor ng Skylark Quandt Building.

"I'm not signing the contract, Albert. We'll find a cheaper ad agency," walang kagatul-gatol na sagot ni Gunter habang patuloy ito sa pagtitipa sa kanyang laptop.

"What do you mean a cheaper ad agency? This is already THE best deal!" halos pumiyok na si Mr. Stevenson sa ginawang pangungumbinsi nito kay Gunter. Parang tinatamad lang na sinulyapan ng huli ang matandang COO na nakatukod ang mga kamay sa gilid ng kanyang mesa at nagpatuloy na siya sa ginagawa.

"Look, our pharmaceutical companies have suffered a lot lately because of bad publicities, not to mention the not so good reputation of the ad agencies we've hired in the past to do our TV and digital advertisements. It's time to start anew with a company of which the CEO is a known philantropist. On top of that they are also known for being pro-employees, pro-customers, and a lot of other good things one can think of that a responsible company must have!"

Tumigil na sa kakatipa sa laptop niya si Gunter at pinaningkita niya ng mga mata ang matanda. Sinenyasan niya rin itong umalis sa edge ng mesa niya't nakakagambala na raw ito sa kanyng concentration.

"How much do you have at stake here, Mr. Stevenson? Did they offer to give you a cut?" diretsahang tanong pa ni Gunter sa matanda.

"No! Of course, they didn't! I'll be receiving nothing from this deal. But our pharmaceutical companies could benefit a lot from this."

Natigil sa pagdidiskusyon ang dalawang lalaki nang kumatok ang assistant sa glass door saka sumilip sa boss niya. Pinaalam nito na nasa labas na daw ang CEO ng ad agency na nais makipagnegosasyon kay Gunter tungkol sa marketing proposal ng kanilang kompanya para sa mga gamot na gawa ng kanilang mga pharmaceutical companies. Nagsalubong agad ang kilay ng binata pagkarinig doon. Galit na tumingin ito kay Mr. Stevenson.

"You invited him here knowing that I have already made up my mind?! I will not sign a single contract with a foreign-owned company other than that of Germany! And that's final!"

Napabuntong-hininga si Mr. Stevenson at laglag ang mga balikat na naglakad ito palabas ng silid. Sa sobrang galit naman ng binata, hindi na niya natiis na sundan ang matanda. Ninais niyang siya mismo ang susupalpal sa impertinenteng CEO ng kompanyang sinasabi nito.

Mr. Stevenson was awkwardly explaining to the visitor that Skylark Corporation will not sign the contract when Gunter noticed something from the guy. Halos magkatulad ang mga sapatos nila! Same limited edition ng shoe brand pero magkaiba lang ang kulay. Sa kanya'y maitim samantalang ang sa bisita nama'y dark brown. Ibig sabihin lang nito ay iisa ang pinagawan nila sa Italya. The guy has taste. Naintriga siya agad.

"Hello. I'm Gunter Klaus Albrecht, the Chairman and CEO of Skylark Quandt Corporation. You must be the CEO of MS and S Advertising Agency?" sabat ng binata, sa CEO ng ad agency siya nakatingin.

Lumingon sa kanya ang lalaki at may naramdamang kung ano si Gunter sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. It seemed like he saw him somewhere though he knew it was the first time they met one another. At isa pang napansin niya sa lalaki. He has the confidence of a man who has already made it. He saw himself in him. Pareho silang sure na sure sa sarili. No amount of rejection or negativities can diminish their self-esteem. Lalo siyang naintriga sa lalaki.

"Oh, hello, Mr. Albrecht. I'm Magnus San Diego of San Diego and Sons Advertising Agency. I was already told by Mr Stevenson here---"

"San Diego? Did I hear it right?"

"Yes. MS and S stands for Magnus San Diego and Sons. It's nice to meet you Mr. Albrecht."

Napaisip nang malalim si Gunter. Ganunpaman, siya na rin ang sumagot sa katanungan sa kanyang isipan. Mariano ang babaeng iyon. Nagsinungaling lamang iyon sa kanya at ginamit ang apelyidong San Diego. Marahil ay dahil sa kadahilanang may kaya pala ang may-ari no'n sa kanila. People do that all the time. Pretend they are rich when they're not. Not that it mattered to him at all.

"Frederick!" tawag niya agad sa assistant. Mabilis naman itong tumalima. "Inform the marketing and finance directors to come see me at the conference room. We will have an emergency meeting."

"A what?" nakangangang tanong ni Mr. Stevenson kay Gunter. Larawan ito ng pagkagulat.

Tanging si Magnus San Diego lang ang hindi nagpakita ng kanyang reaksiyon. Kung gaano ito ka kalmado nang pumasok sa gusaling iyon, ganoon din sa pagtanggap sa magandang balita. Naisip lang nito, tiyak na matutuwa ang manugang niya na si Alexis Margarita Siciliano San Diego dahil pinagpuyatan pa nito ang marketing proposal na dala-dala niya ngayon sa Skylark Quandt Corporation.

**********

Papunta sa mga mananahi niya si Shelby sa ikalimang palapag ng building na pag-aari ng Margaux Quandt Fashion House nang makasalubong niya ang isang messenger. May dala-dala itong magagandang bouquet ng yellow tulips. Napasunod nga ang mga mata niya sa naturang lalaki. At naisip niya agad na maganda sanang panlagay sa plorera niya ang mga iyon. Sa sobrang busy niya these past few days ay hindi man lamang niya napalitan ang mga pulang rosas na binigay ng mga kapatid niya noong dumalaw ang mga ito noong nakaraang linggo.

"Clara," tawag niya sa isa sa mga ka-team. Kaagad naman itong kumaway sa kanya. Lalapitan na sana ni Shelby ang dalaga nang biglang humarang si Katarina sa daraanan niya. Nandoon din pala ang manunulot, naisip niya. At tila sinuwerte na naman. Para pala sa kanya ang mga bulaklak.

"Oh, hi Katarina," bati rito ni Shelby at saka nilampasan ito.

"Do you like my flowers?" pahabol na tanong nito. Sinamyo pa ang mga bulaklak saka tumawa-tawa na parang nakaisa.

"Yeah," pakli lang ng dalaga saka nagmadali itong pumunta kay Clara.

Habang kinukumusta ni Shelby ang babae pati na ang dalawa pa nitong kasama na sina Elena at Luisa kung mga kailan nila matatapos ang pinagawa niyang embroidery, napansin niyang nagpalitan ng mga tingin ang mga ito. Para bagang may gusto silang sabihin sa kanya pero medyo nag-aatubili. Naisip agad niya na baka sinusulot na naman sila ng bruhang si Katarina.

Nilingon muna ni Shelby ang babae at saka pabulong na tinanong ang mga tauhan kung may ginawa na naman ang Katarinang iyon sa kanila.

"Sa amin, wala, Ms. Shelby," sagot nila sa Espanyol.

"Pero sa i---" Biglang tumigil si Clara. Siniko kasi ito nila Elena at Luisa.

"What is it?" tanong niya.

Napalingon siya saglit nang maramdamang tila bumalik si Katarina. Wala na ang mga bulaklak na dala-dala nito kanina.

Nang usisain pa niya ang tatlo, napayuko ang mga ito. Hindi na sila umimik pa. Pakiramdam ni Shelby may ginawa na naman si Katarina sa mga tao niya. She felt it from the secret glances between her team members. Ano pa ba ang gusto ng babaeng ito? Nakuha na nito ang obsession! Bukod sa pumapangalawa na kay Lord Randolph sa fashion house nila, nabibigyan na rin ito ng pagkakataong mag-design ng mga sinusuot ng mga Hollywood celebrities. Samantalang siya? Hayun. Tanging tira-tirang oportunidad lang ang pinapasa sa kanya. Pero heto ang mangyayari.Sa oras na mapatunayan niyang sinusulot na naman nito ang mga mananahi niya, ipaparating na niya ito sa head designer nila.

"You seemed to be making them work a lot, Shelby. Give them a break!" nakangiting payo pa ng bruhang Katarina sa kanya bago ito dumeretso sa working area ng kanyang mga ka-team. Paminsan-minsan ay kumakaway-kaway ito sa kanila dahil kita naman from the glass walls ang kinaroroonan nila kung kaya hindi talaga napilit ng dalaga na mapasabi ang tatlo ng kung ano ang bumabagabag sa kanila.

Ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Umakyat na lang siya sa kanyang upisina. Palabas pa lang siya ng elevator nang may marinig na tila komosyon mula sa silid ni Lord Randolph na nasa bandang dulo ng pasilyong iyon. Natigil siya sa paglalakad. Mayamaya pa nakita niyang patakbong umakyat sa palapag ding iyon si Katarina in her red four-inch stilleto strappy sandals. Ni hindi na ito bumati nang makasalubong siya. At mukhang namumutla pa ito. What's going on?

"I knew it!" galit na pahayag ng pamilyar na tinig.

Natigil sa pagbukas ng pinto papunta sa working area niya si Shelby nang marinig iyon. Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si Gunter Albrecht! Bakit kaya galit na galit? Nakabuntot dito si Lord Randolph na tila hindi magkandatuto sa pagpapaliwanag. Tapos sumusunod sa kanila si Katarina na tila umiiyak.

Dali-dali nang pumasok sa loob ng upisina niya si Shelby. Baka masabihan pa siyang intrigera. Mahirap na. Pero gano'n na lamang ang pagkagulat niya nang pagkapinid niya ng pinto ay bumukas ito at lumitaw ang tatlo. Nang magkasalubong ang mga mata nila ni Gunter ay biglang nag-soften ang ekspresyon sa mga asul nitong mga mata. He even gave her a smile. She thought he really looks more good looking whe he smiles. Pero nang sumulyap ito sa dalawa bigla itong sumeryoso na parang nagpipigil ng galit.

Lumapit si Gunter sa kanyang mesa at hinawakan ang papalanta na niyang rosas. Nilingon nito ang dalawa at sa tinitimping galit ay nagsalita.

"These look like they were delivered a week or so ago."

Medyo nainsulto si Shelby. Ano ang pakialam niya sa mga bulaklak ko? Hindi porke malapit siya kay Lord Randolph ay may permiso na siyang okrayin ang nasa table ko! Napaka-pakialamero naman nito. Kainis!

Ganunpaman, dahil sa nakikitang kaba sa mga mukha ng dalawa niyang kasama, hindi nag-react doon si Shelby. She pretended she did not hear anything.

"And the tulips? Where are they?" mahina ang tinig ni Gunter. Nakahawak siya sa mga rosas, pero nakatingin na kina Lord Randolph at Katarina.

Saktong sumulpot ang assistant ni Katarina na may dala-dalang tulips. Natatarantang inagaw ito ng huli at binigay kay Lord Randolph. Imbes na kunin ito, ibinalik ito ng matanda kay Katarina. Galit na inagaw ito ni Gunter sa kanila at dinala kay Shelby.

"These flowers are for you," walang kagatul-gatol nitong sabi. "I have been sending you flowers everyday for more than two weeks now. It is only later that I realized it might have been lost along the way." At sinulyapan niya nang parang may pinupunto ang dalawa.

Nagpalipat-lipat ng tingin si Shelby kay Gunter at kina Lord Randolph at Katarina. Hinaharang nila ang bulaklak ng taong ito para sa kanya? Pero bakit?

"For me?" parang nalilito na tanong dito ni Shelby. Pero sa loob-loob ng dalaga'y naisip niyang mukhang tama ang sapantaha ng kanyang mga kaeskwela.

May tama nga ba ang isang Gunter Albrecht sa kanya? Parang hindi kapani-paniwala. Ayon kasi sa pananaliksik ni Dane, ang best friend niyang mahilig sa mga mayayamang lalaki sa mundo, isang ubod ng yaman ang pamilya nila Gunter. Ang mga ito raw ang may-ari ng mahigit kumulang isang libong five star hotels na nakakalat sa buong mundo. At hindi lang iyan. Mayroon din daw silang subsidiary pharmaceutical companies sa iba't ibang bahagi ng Europa at Amerika na kung ilang bilyong dolyar ang net worth. At ang pinakamagandang impormasyon ukol dito, hindi pa raw ito nakakasal kahit kaninuman. Kaso nga lang halos kalahati ng populasyon ng Estados Unidos ay in love sa binata. With that at his disposal, kapani-paniwala bang nahuhumaling ito sa kanya, isang dalagang Pilipina? Not that she's not aware of her worth. She knew she's a good catch on her own. But then, she's also aware that there are a lot of other American women who are far better than her.

"Yes, for you," walang kakurap-kurap na sagot ni Gunter sa dalaga. Pagkatapos ay kinuha nito ang cell phone sa bulsa ng pantalon at may tinawagan.

"Frederick, bring the fvcking suits here! Now!"

Nahagip ng paningin ni Shelby ang paghilot-hilot ng noo ni Lord Randolph. Napahikbi lalo nang mga sandaling iyon si Katarina.

"What's going on?" nagtatakang tanong ng dalaga kay Gunter. Tapos sumulyap siyang muli sa mga kasamahan na ngayo'y parang labis na kinakabahan.

Hindi siya nasagot ni Gunter dahil dumating agad ang tinawag nitong Frederick. May dala-dala itong suits na nakabalot pa sa transparent plastic.

"Put it on the table," mando ni Gunter sa bagong dating.

Nang tumambad na ang mga ito sa paningin ni Shelby, nanlaki ang kanyang mga mata. She recognized them right away. Only that she thought they were lacking in some details. Parang mayroong mali sa detalye ng pagkakatahi. Sabay ng realisasyong iyon, nagkalinaw na ang lahat sa kanya. Shocked na shocked ang dalaga sa kanyang natuklasan.

"Do you recognize these suits?" tanong pa sa kanya ni Gunter.

Mahinang tumangu-tango si Shelby saka tumingin kay Katarina tapos kay Lord Randolph. Humihingi ng paliwanag ang kanyang mga titig.

"That's right. I recognized them, too! I knew something was not right the moment I saw them because I was there when your models wore your designs as they slayed the runway. These are poor copycats of your work."

Hindi na kayang tingnan ni Shelby si Katarina. Maging ang kanilang head designer. They just crossed the line! She just crossed the line! Ganunpaman, pinalaki siya ng mga magulang na mahinahon at hindi kailanman nanghahamak ng kapwa kahit ano pa man ang nagawa ng mga ito sa kanya kung kaya hindi niya pinagsabihan ng masama ang mga ito.

"You wouldn't even get mad at her? At them?" napapantastikuhang tanong ni Gunter sa kanya. "Go ahead. Say what you want to say to them. I have your back."

Umiling-iling si Shelby at tila nahahapong napaupo sa kanyang swivel chair. May namuo nang plano sa kanyang utak. Pero kailangan muna niya ng kaunting oras para makapag-isip pa nang mas tamang hakbang.

Si Gunter naman ay kakitaan ng pagkamangha sa pinakita ng dalaga. Hindi man lang kasi ito nagwala gayong pinakita na niya ang pruweba na hindi lang mga bulaklak na pinadala niya rito ang sinulot ng dating katunggali sa fashion show. Pati mismo designs niya!

Nagdagdagan lalo ang paghanga nito sa babae. And right there and then, he made a promise to himself that he will make her fall for him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top