CHAPTER FIFTEEN

AN:  Please vote and comment.  Unti-unti kong ibabalik ito rito. Spread the word. Salamat!

**********

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Shelby nang makitang hindi agad naka-react si Gunter sa sinabi niya rito. Para itong natulala. Hindi siguro makapaniwala sa naging kapasyahan niya. The servers were looking at them already. Medyo na-conscious na nga rin siya sa paraan ng pagtingin nila sa kanila lalung-lalo na sa klase ng sulyap nila kay Gunter.

Tutulungan na sana ni Shelby na makatayo ang binata pero bago pa niya madantay ang kamay sa balikat nito'y nakatayo na ito at nakabalik na sa upuan. He gently pushed the ice cream bowl away from him. Hindi alam ng dalaga kung kinakailangan na rin niyang bitawan ang kanya. Sa tingin niya kasi'y parang gusto nang umalis ni Gunter doon.

Mayamaya pa'y napatingin na nga ito sa relo. Na-sense ng dalaga na tila hindi na ito mapakali. Marahil ay gusto na nitong umalis sila roon. Kumuha siya ng tisyu at pinahiran ang mga bibig niya tapos sinabi niya sa lalaking handa na siyang umalis doon kung gusto na rin nito.

"Don't you want to stay a bit longer and listen to the music?" masuyo nitong tanong. Sumulyap pa ito sa chamber orchestra. He nodded his head in time with the song they were playing. Isa iyong dance tune ng Bee Gees, isang grupo ng mang-aawit na sikat noong dekada sitenta.

Napalingon si Shelby sa mga musikero. Tamang-tama namang nagpalit na sila ng tinutugtog. This time ay kantang pinasikat naman ni Lionel Richie noon, ang Three Times a Lady. Biglang naalala ng dalaga ang dating nobyo nang marinig iyon. Paborito kasing kantahin iyon sa kanya ni Alfonso noon. Siguro ay naiisip din ni Gunter ang lalaki dahil bigla na lang itong sumenyas sa orchestra na tumigil na sila.

"Thank you for a job well done, gentlemen. That's all for tonight," sabi pa niya sa mga ito.

Hindi naman nagdalawang-salita si Gunter sa mga ito. Kaagad silang tumalima. Nang makita ni Shelby na tumayo na ang lalaki'y ganoon na rin ang ginawa niya. Pero bago pa niya tuluyang mabalanse ang katawan sa pagkakatayo'y nakaalalay na ang binata sa kanya. She felt awkward lalo pa't alam niyang may iniinda ito na siya ang may kagagawan.

"Gunter, I hope you---"

"Don't worry, Shelby. I am okay. I am not a teenager anymore." At ngumiti pa ito sa kanya. Ganunpaman, hindi naman umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon. The more that it made Shelby guilty.

Sasagot na nga sana ang dalaga ng tingin niya'y ikakagaan ng loob nito nang tumunog naman ang cell phone nito. Base sa mga sagot ng binata sa kausap napagtanto niyang siguro'y assistant nitong si Fredrick ang tumawag. Nang makababa nga sila ng yate, nandoon na ito naghihintay sa isang tabi. Nakasandal sa Tesla Roadster ng amo.

Frederick smiled at Shelby but with sadness in his eyes. He also nodded at her then took her to the Rolls Royce that brought her to the harbor. Ilang dipa lang naman ang layo nito sa Tesla Roadster na dala nitong pangsundo sa amo.

Bago pumasok sa loob ng Rolls Royce, nilingon muna ni Shelby si Gunter at nagpasalamat dito. Ngumiti naman ito sa kanya at tumangu-tango pa. Pero wala na itong sinabi pa. Pinagbuksan lang siya ng pintuan at inalalayan sa pagpasok sa loob ng sasakyan.

"Please take care of Ms. San Diego for me, Mr. Jones."

Napatanga ang chauffeur kay Gunter. Kakitaan ito ng pagtataka. Ang bilin kasi kanina ng amo nito'y ipagmamaneho sila ng babaeng sinundo pagkatapos ng dinner. Ngunit mukhang mag-isa pa ring ihahatid nito ang dalaga sa kanila.

"Aren't you coming with us, Mr. Albrecht?" tanong ni Mr. Jones. Hindi na siguro ito nakatiis.

Imbes na sagutin ito ni Gunter, si Frederick ang humawak sa balikat ng mamang driver saka tinapik-tapik ito bago lumapit sa sarili nilang sasakyan.

"Bye, Ms. San Diego," pamamaalam pa ni Frederick kay Shelby bago ito umikot sa Tesla Roadster at pagbuksan ang amo sa passenger seat.

Kumaway din sana si Shelby bilang tugon, pero nakapasok na sa loob ng sasakyan nila ang assistant pati na rin ang amo nito. Nalungkot ang dalaga. Ganunpaman, hindi rin niya pinagsisihan ang naging kapasyahan.

**********

"I'll go there myself," bigla na lang ay sagot ni Gunter sa tanong ni Mr. Stevenson, ang COO, kung sino ang maaari nilang ipadala sa France para kausapin ang may-ari ng hotel na gusto nilang i-acquire doon dahil mukhang nagbago ito ng isipan.

As soon as he uttered the words, lahat ng pares ng mga mata ay natuon sa binata. Lahat ay kakitaan ng pagkagulat at pagtataka, pero si Mr. Stevenson lang ang nagka-guts na magtanong.

"Did we hear it right, Mr. Albrecht? You are volunteering to go to France yourself?"

"Are you deaf, Mr. Stevenson? I have just said it loud and clear. I will go there myself."

"But Gunter, The New York Jets will have an important game in a few days," sabi pa ng matanda.

Tinaasan lang ito ng binata ng kilay saka pasupladong sinagot ng, "Why do I need to be in the game? Am I the coach?"

Natahimik si Mr. Stevenson. Sa likuran ni Gunter sumesenyas-senyas si Frederick dito na huwag nang tanong nang tanong tungkol doon dahil broken-hearted ang amo, pero parang hindi iyon nakuha ng matanda. Napanganga pa ito sa assistant dahilan para mapalingon si Gunter kay Frederick. Nahulaan siguro ng binata ang sinisenyas ng assistant sa COO nila kung kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin. Mabilis naman itong nagpaalam sa amo.

"I'll just go check the snacks, gentlemen. I'll be right back," sabi nito habang nagmamadali sa paglabas ng conference room.

"What was he trying to tell us, Gunter? Were you broken hearted lately? Did the Filipina girl turn you down?" painosenteng tanong ni Mr. Stevenson. Napapitlag ito nang biglang napapokpok sa conference table ang binata saka tumayo.

"It's none of your goddamn business, Stevenson! Meeting adjourned!"

At dali-dali nang lumabas ng silid si Gunter. He was seething in anger. Nagpalitan ng tingin ang mga naiwang mga directors ng iba't ibang departamento at inulan ng tanong si Mr. Stevenson. Bagamat nasupalpal ng CEO nila kakitaan pa ng kasiyahan si Mr. Stevenson. Amused na amused itong hindi maintindihan.

**********

Tinitigan ni Shelby ang text na natanggap mula kay Dane at nalungkot siya although she was happy for her. Sumama raw ito sa CEO ng Graffiti Company para sa kung ilang linggong cruise around the world. Nakaramdam ng hindi maipapaliwanag na pag-aalala ang dalaga. Mahal na mahal kasi niya ang kaibigan at ayaw niyang may mangyari ritong masama o ikakasama ng loob nito. Ewan ba, parang sobrang nabibilisan siya sa pangyayari.

"Lyndie, come here for a moment," tawag niya sa assistant nang madaanan ito sa silid ng mga mananahi nila. "Follow me to my office."

Sumunod naman ang ginang. Bago pa makapagsalita si Shelby tungkol sa pakay niya rito, nauna na itong magtanong.

"What?" halos ay hindi makapaniwalang balik-tanong ni Shelby sa babae.

"Usap-usapan ng mga mananahi natin nang dumating ako kaninang umaga. Binasted mo raw si Mr. Albrecht? Totoo ba iyon?" pang-uusisa pa nito sa Espanyol na. May dumating kasing sample maker at kinuha nito sa mesa ni Shelby ang approved samples na. Ayaw din nitong marinig ng iba ang pinag-uusapan nila ng dalaga.

"Technically, I didn't," sagot niya rito.

Umarko ang kilay ni Lyndie. Tapos ay namilog ang mga mata. Mukha talaga itong tsismosa na lumapit pa sa mukha ng boss at nagtanong ng, "What do you mean? Did you say yes to him then?"

Napabuga ng hangin si Shelby at umiling-iling. "No. It's complicated. Anyways, the reason why I asked you to come here is---"

"Oh, Ms. Shelby! You are killing me with the suspense!"

"Lyndie. Concentrate on your job," mariing sabi ng dalaga. Nawala na tuloy sa isipan ang totong pakay kung bakit niya ito pinatawag. Nang maalala ito'y nagbago na ang isipan niyang iatas pa rito ang nais sanang matuklasan agad-agad.

"Yes, ma'am!" At pabirong nag-hand salute si Lyndie. "What is it you want me to work on?"

Napahawak sa noo ang dalaga at umiling-iling. "Go back to work. I forgot about it already," kaila niya. Pero ang totoo niyan ay inumpisahan na niya ang pananaliksik sa Internet gamit ang laptop sa desk kung sino si Albus Smith bukod sa ito ang may-ari at CEO ng isang matagumpay na t-shirt company. Nang makita niya ang masayang larawan nito kasama ang isang magandang brunette at dalawang batang lalaki, kinabahan si Shelby. Nang makompirma niya sa isang lumang artikulo sa archive ng isang news outlet ang tungkol sa family life ni Mr. Smith, pinanlamigan na siya. Matapos niya iyong mabasa ay tumulo na ang kanyang luha habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Dane. Bakit hindi niya ito nalaman?Ang hilig naman ng babaeng iyon mag-background check sa kung sinu-sino. Bakit hindi nagawa man lang ito sa lalaking sinamahan at mukhang sinasamba na ngayon?

Nagdalawang isip tuloy si Shelby kung ipapaalam ito sa kaibigan o ano. Pero kahit na i-text pa niya ang babae'y nasa barko na ito marahil. Saka baka isipin nito na naiinggit lang siya kung kaya pinipigilan niyang sumama ito kay Albus.

God, Dane! Why did you have to do this?

Matapos ang matagal na pag-iisip napagpasyahan ni Shelby na kausapin nang masinsinan si Dane sa pagbabalik nito ng New York City.

**********

When Gunter saw Shelby being awarded the hottest newbie fashion designer ng isang organisasyon ng mga fashion designers, natuwa siya. He felt proud of her. Kahit na nasa Pransiya siya'y nakisaya na rin siya sa natanggap na karangalan ng dalaga. Katunayan, nagbukas pa siya ng champagne. Saktong tinatanggap nito ang award nang tinaas niya ang kanyang kopita at ininom ang laman niyon habang nagtatalumpati ito.

"You're so beautiful even on TV, baby," paulit-ulit pa niyang sambit habang tinititigan niya ito sa screen. Papatayin na lang sana niya ang telebisyon dahil pakiramdam niya lalo siyang nahihirapan sa pag-move on nang bigla na lang itong may sinabi na sa tingin niya'y siya ang pinapatungkulan. Kaagad niyang pinalakas ang volume ng TV.

"I would like also to give thanks to that person, you know who you are, who had made all this possible. I wouldn't have gotten this award had it not for your unwavering trust in my capabilities as a designer. I owe everything I have now to you. If not for your support, I would have been finished as a fashion designer a long time ago," madamdaming wika ni Shelby. Pinangiliran pa ito ng mga luha. Kahit na mukhang iiyak na'y tingin ni Gunter ang ganda pa rin nito. Gusto niyang haplusin ang mga pinsgi nito at hagkan ang tungki ng kanyang ilong.

Saglit na tumigil sa pagsasalita si Shelby bago tinaas ang tropeo sabay pikit. Nang idilat na nito ang mga mata, ngumiti siya sa audience. Masigabong palakpakan ang sumalubong sa dalaga habang pababa na ito sa entablado.

Makaraan ang ilang sandali, nag-ring ang cell phone ni Gunter. Mommy niya ang tumawag. Nang hindi niya iyon sinagot, sunud-sunod na text messages ang natanggap niya mula rito. Lahat paninisi sa kanya. Kung hindi raw siya nakialam ngayo'y may pinaparangalan na naman daw sanang isang designer ng Margaux Quandt Fashion House.

Binagsak ng binata ang katawan sa malambot na kama habang nakangiti pa rin. Hawak-hawak niya sa kamay ang ngayo'y wala nang lamang kopita habang paulit-ulit na sinasabi sa sariling, "Shelby remembered to thank me. She remembered me!"

**********

Papasok na si Shelby ng kotse niya na nasa parking lot lang ng building kung saan ang kanyang upisina nang biglang may lumapit sa kanyang lalaking puti. Naka-baseball cap ito at naka-leather jacket. May sinasabi ito sa kanyang hindi niya maintindihan. Bago pa niya lubusang maunawaan ang gusto nitong sabihin ay natutukan na siya ng patalim. Pinanlamigan ang dalaga.

"Who are you?" tanong niya rito. Pilit na pinapatatag lang ang boses kahit na ngarag na ngarag na siya sa loob-loob niya.

Imbes na sagutin siya'y nag-smirk ang lalaki. Nangunot ang noo ni Shelby. Tila pamilyar iyon sa kanya. Nang mapagtanto niyang ito ang taong bumuntot sa kanya kamakailan lang nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi na siya nakapag-isip nang bigla na lang ay tinulak niya ito nang ubod lakas saka tumakbo. Dahil nakasuot siya ng sapatos na may mataas na takong madali siyang naabutan nito. Pagkahawak nito sa braso niya'y kaagad niya itong sinipa sa harapan. Nabuwal ang mama at tila namilipit sa sakit.

No'n naman may dumaang yellow cab. Pinara ito ng dalaga, pero dahil may lamang pasahero'y hindi ito huminto. Pati private cars ay pinara na rin niya. Wala man lang nag-bother na dumungaw sa kani-kanilang bintana. Paglingon niyang tila naka-recover na ang lalaki at unti-unti na namang bumabangon para habulin siya, napatakbo na naman siya. Dahil takbo-lingon ang kanyang ginagawa nabangga siya sa isang matipunong bisig. Ang tinis ng sigaw niya sa takot at gulat.

"Hey! Are you all right?"

"No! Don't! Please!" sunud-sunod niyang pagsigaw. This time may kasama na ring paghagulgol.

Nang niyakap siya ng nakabangga niya nagpumiglas pa siya para itulak ito, pero mas malakas ang lalaki at nayakap siya nito nang mahigpit. Sa kabila ng pagdedeliryo ng utak dahil sa nerbiyos, pinagtaka ng dalaga kung bakit tila gentle ang mga haplos nito.

"Ssshh. It's all right. I'm here now."

Tinangka ni Shelby na kumalas sa pagkakayakap nito at kasabay ng pagkatambad ng mukha ng tumulong sa kanya'y nagpakilala ang lalaki.

"It's me, Gunter." At ngumiti pa ito sa kanya. "Are you okay now?"

Nanlaki ang mga mata ni Shelby at tila nabunutan ng tinik. Sa labis na katuwaan ay nayakap niyang muli ang binata saka pinasalamatan sa timing na pagdating.

"You're welcome," tuwang-tuwa namang sagot ni Gunter.

**********

Habang yakap-yakap si Shelby pinanood ni Gunter ang assistant at ang lalaking humahabol kay Shelby kanina habang nagsusuntukan ang mga ito. Nang mabuwal na naman ang mama sa semento, sinigawan na ng binata si Frederick na tumawag na ng pulis.

"You call them, boss. The bastard will gonna kill me if I stop kicking him."

Kumalas uli sa pagkakayakap niya si Shelby at tiningnan siya tapos nilingon nito si Frederick na nakikipagsuntukan pa rin sa mama. No'n na nakaramdam ng kaunting hiya si Gunter at napadukot ito ng cell phone sa bulsa ng pantalon. Pinindot niya ang numero ng pinakamalapit na police outpost. Makalipas ang ilang sandali'y maririnig na ang sirena ng mga ito papunta sa kinaroroonan nila. Pagkarinig sa alingawngaw ng patrol car, kakaripas sana sa pagtakbo palayo ang mama, pero naharangan na ito ni Gunter. Siya na ang humawak sa kamay ng lalaki at hinila ito papunta sa mga pulis. Madali niyang nagawa ito dahil mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan niya sa pangahas.

"Ms. San Diego, are you all right?" tanong agad ng isang police officer pagkakita nito kay Shelby.

Tingin ni Gunter, nagulat si Shelby na kilala siya ng puting pulis. Ngumiti naman ang huli at nagsabing napanood daw nito sa TV ang pagtanggap ng dalaga ng award sa pagiging isang magaling na fashion designer dahil iyon daw ang palabas ng restawran na kinakainan nila habang naghahapunan noong isang araw.

"Yes, I am okay. Thank you," sagot naman agad dito ni Shelby.

Nagpakilala na rin si Gunter sa mga ito. "Yes. We know you, too, Mr. Albrecht. Thank you for calling us to report this guy. This is not his first."

"I think---I think this is the one who followed me all the way to New Jersey the other time," sabi uli ni Shelby sa likuran nila.

Nang marinig iyon ni Gunter lalo siyang nagalit sa lalaki. Kinwelyuhan niya ito. Kailangan pa siyang awatin ng mga pulis bago niya ito bitawan.

"Who asked you to harm Ms. San Diego?"

"Uhm, Mr. Albrecht, we will take it from here. We will be the one to ask him those questions later on," nakangiting awat ng pulis.

Saka lang binitawan ni Gunter ang lalaki. Nang wala na sila, napa-squat sa isang tabi si Shelby sa panginginig ng tuhod. Napahilot-hilot pa ito sa noo, siguro ay dahil sa matinding nerbiyos. Kahit wala na ang mama mukhang ramdam pa rin nito ang takot na dulot ng sira-ulong lalaking iyon.

"Next time, go home early," payo niya rito.

Nang hindi sumagot si Shelby, tumahimik din si Gunter. Pinanood niya lang muna ito habang tahimik na umiiyak. Nang tingin niya'y nailabas na ng dalaga ang sama ng loob, inalalayan niya ito sa pagtayo. Inutusan niya si Frederick na mag-convoy na lang sa kanila dahil siya na ang magmamaneho sa kotse nito papunta sa condo nito.

After Shelby made it to the passenger seat of her white Mercedes Maybach, napapikit ito ng mga mata. Hindi agad nakakilos si Gunter. Naalala niya ang unang beses na pagsakay niya sa kotseng iyon. Nasa driver's seat din siya at si Shelby ay tila lango rin sa mabigat na emosyon. Bakit ganoon? Sa tuwing ipagmamaneho niya ito'y palaging may iniindang mabigat na damdamin ang dalaga.

Hinawi ni Gunter ang ilang hiblang tumakip sa mga mata ni Shelby at pinagmasdan niya ito. Naisip niyang kahit na problemado ito, napakaamo pa rin ng mukha. Napapiksi siya nang bigla itong dumilat at tumitig sa kanya. Pinaandar na niya tuloy ang sasakyan.

"Where should I take you now? To your condo in Queens or to the Upper East Side?"

"The Upper East Side. And please call my brother," halos ay naibulong na lang nito at pumikit nang muli.

Pagkarinig ni Gunter sa salitang brother, natigilan siya. Napasulyap siya sa dalaga. Kulang na lang ay sabihin niyang, bakit pa? Eh nandoon naman siya?

**********

Kinukumutan na ni Gunter si Shelby sa couch sa living room nito habang naka-curl doon ang dalaga nang humahangos na dumating si Markus. Kabuntot nito si Moses na halos ay namumutla na sa takot.

"Baby girl!" halos ay sabay na sigaw ng dalawa pagkakita sa kapatid. Pero kaagad silang natigilan nang makita rin doon si Gunter na nakatunghay sa tila nanginginig na bunso nila.

"What did you do to her?" sita kaagad ni Markus kay Gunter. Aabante na sana ito at kukwelyuhan ang lalaki nang dumilat si Shelby. Kaagad na napabangon ang dalaga at napasugod ng yakap sa mga kapatid.

Nang mapagtanto ni Gunter na wala ang hambog na kapatid ni Shelby sa mga dumating, natuwa ito nang labis. At least, sa isipan nito mas madali niyang pakiharapan ang dalawa.

"There was a man who assaulted her. This was the guy who followed her all the way to New Jersey a couple of weeks ago, I think. That's what she said," paliwanag niya sa dalawa habang yakap-yakap nila si Shelby.

Pinaningkitan siya ng mga mata ng mas matanda, pero nagpaliwanag ang mas bata rito. At sa lenggwahe na naman nila. Fvck! Ang bilis nitong magsalita at wala na naman siyang naintindihan. Kakaunti pa lang ang naaalala niyang vocabularies liban pa sa mga casual greetings na kabisadung-kabisado na niya. Kung hindi lang halos papatay ng tao ang ekspresyon sa mukha ng mga kapatid ni Shelby ay sasalubungin na sa na niya ang mga ito kanina ng, "Magandang gabi, mga ginoo!" nang ma-praktis naman sana niya ang mga natutunan.

**********

Saka lang naging kalmado si Shelby at natigil sa panginginig nang dumating ang mga kuya niya. Habang yakap-yakap siya ng mga ito'y nagpaliwanag na siya kung paano siya tinulungan ni Gunter. Kada banggit niya ng magandang ginawa sa kanya ng lalaki, nakikita ni Shelby na ngumingiti-ngiti naman ang binata, pero kaagad itong sumeseryoso kung titigan na ng mga kapatid.

"Maybe, you sent the guy to assault her and then go there right in time to rescue her so that you will turn out to be the hero?" akusa ni Markus kay Gunter.

"No. Hindi naman siguro," kaagad na sabat ni Shelby.

"Why would I do that?" sagot naman ni Gunter. "I don't do cheap stunts like that."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Markus. Ganunpaman, natigil ito sa pag-aakusa kay Gunter dahil pinatotohanan din ni Moses na totoong may humabol kamakailan kay Shelby.

"Why the hell didn't you guys tell me?" galit na si Markus kay Moses.

"Markie, please," masuyong awat ni Shelby. Hinagkan-hagkan pa niya ito sa pisngi. "I was the one who told them to keep it between us. Kasi ayaw ko kayong mag-worry."

Napabuga ng hangin si Markus at hinagkan sa ulo si Shelby.

"Kaya nga dapat kumuha ka na ng bodyguard. Ano ba ang sabi namin sa iyo?"

"Wala rin naman kayong bodyguards, ah," pangangatwiran naman ni Shelby.

"We are guys. We know how to protect ourselves," halos ay sabay na pakli ng dalawa.

Sa isang tabi ay makikitang masayang pinagmamasdan ni Gunter ang palitan ng salita ng tatlo. As an only child, hindi ito nagkaroon ng ganoong karanasan. How he wished he had brothers or a sister to spoil. Ang saya-saya siguro ng kabataan niya, naisip nito. At tingin pa ng binata kung si Shelby ang makakatuluyan niya balang-araw ay magkakaroon din siya marahil ng isang napakalaking pamilya. Kaso lang...

Napahinga ito nang malalim at nalungkot bigla nang maalala ang marriage proposal. Napatingin naman sa kanya ang tatlo. Napakurap-kurap naman si Gunter na tila nagulat na sabay-sabay siyang nilingon ng mga ito.

"Yes?" tanong ni Markus dito. Mahinahon na ang tinig nito. Napaliwanagan na rin kasi ni Moses na hindi nagsisinungaling si Gunter. Medyo lumambot na rin ang ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin sa lalaki.

"I was just thinking that if my marriage proposal to Shelby was---"

Natigil halfway si Gunter nang makitang pinandilatan siya ng dalaga. No'n niya napagtanto na nasabi niya ang kanina lang ay lamang ng kanyang isipan. At naalarma siya nang makitang tila nayanig sa narinig ang dalawa. Pati ang mas batang lalaki na kanina pa siya ipinagtatanggol ay biglang tumalim ang ekspresyon sa mukha nang tumitig sa kanya.

"What did you say?" sabay pa nilang tanong.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top