CHAPTER ELEVEN

A/N: So here you go, as promised. :) Salamat sa lahat ng suporta n'yo.

**********

"So how was the night?" excited na salubong sa kanya ni Dane pagkapasok na pagkapasok niya sa shared condo nila.

"Alfonso came to our table," walang kagatul-gatol na paglalahad niya rito.

Namilog ang mga mata ni Dane. "Hindi ba't kasama niya ang asawa niya? So even with his wife around? My God!" madramang pakli naman ng kaibigan. Nakatakip na ang kamay nito sa bunganga sa matinding pagkagulat. Umalis agad kasi ito kasama ang assistant ni Gunter. Kaya wala na siyang kaalam-alam kung ano ang sumunod na pangyayari.

"And Gunter played along. He acted just fine. Naniwala talaga si Alfonso na kami na."

"It's high time, 'no? Kung tutuusin ilang buwan na siyang kasal at halos mag-iisang taon na ring totally wala siya sa buhay mo. Ang epal nga niya talaga, ano? Nilapitan pa kayo ni Gunter. What if totoong date iyon? And you were in the middle of discussing something important?"

"Hayaan na. Mas okay nga iyon at least hindi na siya magi-guilty na nasaktan niya ako nang sobra. Tingin ko nga, parang nagulat siya na kaya ko siyang ipagpalit sa mas nakahihigit pa sa kanya. Eh ano kung three-time MVP siya ng NFL? May-ari naman ng New York Jets si Gunter," sabi pa ni Shelby. Parang nagyayabang ang tono.

"That's my girl!" nakabungisngis na sagot naman ni Dane.

Natigilan si Shelby nang ma-realize kung ano ang mga nasabi. Tapos nagkatinginan sila ni Dane at kapwa napatawa nang malakas.

Kinaumagahan, napangiti siya sa bumulagang news sa front page ng isang dailies sa New York. Inintriga nga silang tatlo! They were so predictable. Tama nga ang sapantaha niya. Ngayo'y hindi na tumitigil sa pag-ring ang telepono nila sa living room dahil sa kung sinu-sinong reporter na nais mag-interview sa kanya.

"Tell them all I'm busy," sigaw ni Shelby habang nagbibihis papunta sa trabaho.

"Don't you worry, my friend. Lahat sila'y susupalpalin ko. Aba. Nang inimbitahan nating dumalo sa fashion show mo para at least may gumawa naman ng artikulo tungkol sa event mo lahat sila nag-decline tapos ngayon gusto ka kamong makausap? Neknek nila!"

Napangisi si Shelby. "Okay," sabi niya kay Dane sabay halik sa pisngi nito. "Mauuna na ako."

**********

Eight years. Wow! That was a long time. Tatlong buwan lang ang pinakamahabang pakikipagrelasyon niya sa isang babae. And that was years ago when he was in college.

Hinipo-hipo ni Gunter ang lumang larawan ni Shelby sa screen. Though she was only fifteen or sixteen in the picture and supposedly at her awkward stage, she still managed to look like a fashionista that she is. Kung sa bagay, ngayong alam na niya kung sino ang mommy nito hindi naman iyon nakakapagtaka. Nasa lahi nila ang magagandang genes.

"She never had any other boyfriend, sir. Only Mr. dela Peña."

Napatitig lang si Gunter kay Frederick tapos balik ulit sa tinitingnang larawan ni Shelby na nasa screen ng kanyang cell phone. Bigla na lang ay sinave niya iyon at ginawa nang wall paper ng telepono. Napasipol doon ang kanyang assistant. Pero nang tingnan niya nang masama, tumigil naman agad ito. Tumalikod na lang at naglakad-lakad sa kanyang harapan para maitago siguro ang bungisngis.

So she only had one man in her life. Medyo na-threaten si Gunter. Isa lang kasi ang ibig sabihin no'n. Kakaiba magmahal ang dalaga. Pang-matagalan. Natatakot tuloy siya na baka kailanman ay hindi nito makalimutan ang first love.

But then again, why would he worry. He is Gunter Klaus Albrecht for Pete's sake. Lahat ng mga nakakakilala niyang babae ay nahuhulog ang loob sa kanya. Sigurado siyang ganoon din si Shelby sa bandang huli.

"Mr. Albrecht---Gunter, you wouldn't believe the good news I received today," pasimula ni Mr. Stevenson. May kakaibang sway ang lakad nito papasok sa upisina niya. Daig pa nito ang isang teenage boy when he had gotten laid for the first time.

"Don't you know how to knock on the door, Mr. Stevenson?" pasuplado niyang angil dito agad-agad. Wala siyang pakialam sa good news, good news nito. He didn't like to be disturbed this way.

"Sir, Mr. Stevenson knocked two times," medyo nag-aatubiling pahayag ni Frederick sa kanya. He looked at the old guy apologetically in his behalf.

Nag-knock daw ito? Bakit hindi niya narinig?

Sinulyapan uli ni Gunter ang assistant. Binalaan niya ito sa wikang German. "Kapag niloloko mo akong asungot ka, mapipitik ko ang utak mo!"

Tumingin si Frederick sa cell phone ng amo na ngayo'y larawan na ng dalagitang si Shelby na nakasandal sa isang puno habang nakangiti sa kung kanino man ang kaharap nito at napangisi ito na kaagad namang sinupil nang sumama ang tingin sa kanya ng boss.

"Well, as I was telling you a while ago, I have good news for you. Guess what?"

"C'mon, Albert. I do not have time for your antics. I have a lot of things to do." At binuksan na nito ang computer screen at nag-umpisa nang tumipa ng notes niya sa sinumite sa kanyang budget para sa balak nilang renovation ng ilang five star hotels sa Amerika na hawak ng kanilang korporasyon. Larawan si Gunter ng isang CEO na walang interes sa pa-suspense na good news ng kanyang COO.

"Mr. Magnus San Diego signed the contract!" bigla na lang ay pinahayag nito.

Gunter froze. Tila slow motion pa ang paglingon niya kay Mr. Stevenson at pagtanong dito kung hindi raw ba ito nagbibiro.

"I don't do kidding, sonny." At humalakhak ito.

Napasuntok sa ere si Gunter sa labis na kasiyahan at kaagad na tumayo. Kinambatan niya si Frederick na kailangan na nilang lumabas. Dali-dali namang kinuha ng huli ang suit jacket ng amo sa built-in closet nito sa likuran ng desk at ipinasuot na dito.

"Thank you for the news, Albert. Job well done." At hindi na pinigilan ni Gunter ang sariling mapangiti nang malawak.

**********

"Dad," tawag ni Shelby sa ama pagkakita rito sa pasilyo ng fifth floor kung saan ito nag-uupisina. May kausap itong isang middle-aged white lady. Parang nagbibigay dito ng instruksiyon sa kung ano man ang trabaho nila.

"Your daughter?" tanong ng babae kay Magnus. Nginitian ito ni Shelby. "She's so beautiful."

"Really? Thank you," proud namang pag-sang-ayon dito ni Magnus. "She looks like her mom." At nangiti na rito ang lalaki. Si Shelby nama'y pinangunutan ng noo kunwari.

Napag-alaman pa ng dalaga matapos siyang ipakilala sa babae na iyon pala ang Advertising Director ng kompanya.

"You guys seemed excited about something," puna ni Shelby nang wala na ang empleyado.

Inakbayan ni Magnus ang anak at dinala sa upisina nito, pero hindi niya sinagot ang tanong nito. Sa halip, siya ang nang-usisa kung bakit ito napadalaw nang wala sa oras.

"Mom told me you guys are flying to Manila this weekend. It's a few days from now. Why can't you stay a little longer? I was planning to tour you around New York this weekend."

"Hindi puwede, anak. Gustuhin man namin ng mommy mo. Nag-aalala siya kay Aling Nene dahil tumawag si Ella at sinabing na-admit ang mama niya sa ospital."

"Ha? Kumusta po si Aling Nene?"

"She's now okay. Pero your mom can't wait to see her herself."

Tumangu-tango si Shelby at umikot-ikot sa silid ng ama. "Your office looks so barren, Dad. Gusto n'yo bang i-redecorate ko ito? I can make this more cozy."

Nagulat si Shelby nang biglang bumunghalit ng tawa si Magnus. "What's funny, Dad?"

Umiling-iling si Magnus. "I just remembered something."

"You have a weird sense of humor, Daddy."

Kinuwento na ni Magnus sa dalaga na ang mga sinabi raw niya ngayon ay katulad na katulad sa sinabi ng Kuya Marius niya't Kuya Markus noong sila'y mga batang paslit pa lamang. Nagbigay din daw ang mga iyon ng kanilang unsolicited advice kung paano maging homey ang upisina niya although at that time ay hindi pa nila alam na magkadugo sila.

Tumangu-tango si Shelby at magpapaliwanag na sana siya ng konsepto para sa new interior ng office ng ama nang biglang may kumatok sa pintuan. Mayamaya pa, sumilip ang executive secretary ng dad niya at sinabi sa kanilang may bisita daw ito.

"Tell them to wait. I am still talking with my daughter."

"It's all right, Dad. I'll just wait right here."

Shelby made herself comfortable on the couch on the far left corner of the room. Doon siya nagbasa-basa ng magasin. Sa isa sa mga lumang fashion mag ay nabasa niya ang isang artikulo tungkol kay Adeline Grayson. Pagbaling niya ng mukha sa direksiyon ng mesa ng ama, nagtama ang paningin nila ng isang lalaking naging laman ng kanyang isipan nitong mga nakaraang araw. Si Gunter Albrecht.

"Hi there," nakangiti nitong bati sa kanya. Mas nauna pa siyang batiin nito kaysa sa totoong pakay. Kumaway lang siya dito at hindi pinahalata na na-impress na naman siya sa suot nitong Amerikana. Kakaiba uli ngayon ang kulay ng damit, hindi typical suit na ginagamit ng mga Western businessman pero hanep. Ang ganda pa rin tingnan. Who would have thought that a purple suit would look classy and elegant? Iba talaga ang nagagawa ng mahahabang binti at hita. Mahaba kasi. Nang mapansin ng dalaga na nakadalawang mahaba siya patungkol kay Gunter, napangiti siya lalo. Inakala naman ng lalaki na dahil iyon sa labis na katuwaan ni Shelby sa pagkikita nilang muli.

Tumikhim si Magnus. Makikitang nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa. Kung kanina'y panay ang ngisi at tawa nito nang kausap ang anak, ngayo'y larawan na ito ng kaseryosohan.

"Oh. Yeah. Mr. San Diego. I came here personally to thank you for signing the contract and for sticking with your original offer, but I'd like you to know that I do not mind paying your company a billion dollar more for the---"

"Eight hundred fifty million dollars is more than enough. My team had already figured everything out. Our initial offer was even two hundred fifty million lesser than this amount," narinig ni Shelby na sagot ng ama. Firm. Sure of himself.

"But as I said I do not mind paying an extra amount if I will be assured of quality advertising."

"With what you are paying us, Mr. Albrecht, rest assured you will get quality advertisements."

"But I insist on the additional---,"

"Look. What I am offering in this deal is our advertising company's service not my daughter. She's priceless. And no one can afford her price!"

"Dad!" naibulalas ni Shelby. Napalapit siya sa dalawa nang wala sa oras. Siya ang nahiya sa sinabi ng ama. Hindi niya sukat akalain na mambastos ito ng tao ng ganun-gano'n lang.

Natahimik si Gunter. Hindi agad ito nakasagot. Si Frederick naman na kanina pa nag-oobserba sa palitan ng salita ng amo at ng CEO ng MS&S Advertising ay napangiti nang lihim. Hindi rin siya umimik. He seemed to be enjoying what he was witnessing at that moment.

"I'm sorry, Gunter," paghingi ng paumanhin dito ni Shelby. Dali-dali niya pang hinila sa isang tabi, malayo sa mag-amo ang ama. Doon niya ito pinagsabihan.

"Dad naman. Pinahiya n'yo ako doon sa tao."

"Mabuti nang alam niya."

Then Magnus squinted at his daughter. Parang sinisipat nito sa mukha ng kanyang dalaga kung mayroon siyang dapat kabahan sa ugnayan nito sa lalaking iyon na ayon sa kanyang pananaliksik ay hindi dapat pagkatiwalaan. Ni wala itong relasyon na mahaba sa tatlong buwan. Katunayan, ang naging nobya nitong si Adeline Grayson ay kamakailan lang naman naipakilala sa publiko. Tapos heto't wala na raw sila.

"He's just being friendly, Dad. I used to work for his mom. Of course, we greet and talk to one another when we see each other. But we don't date."

Napabuga ng hangin si Magnus. "Anak, ang mga lalaki ganyan sa umpisa. Siyempre, alangan namang dumiga nang hindi niya alam kung panalo siya. Tulad ko rin noon sa mommy mo. I only admitted my feelings to her when I was sure that I won't be rejected."

Napabungisngis si Shelby. "You're crazy, Dad. Gunter has no interest in me as a woman. I'm pretty sure. I saw the women he dated before. If they're not beauty queens, they're A-list actresses."

Magnus cupped Shelby's face and said, "You're far more beautiful than them, baby. That's for sure. And I can read him well. I know he has the hots for you. Be careful. I do not like him. Nor do your brothers."

Shelby rolled her eyes. Tapos hinila na niya ang ama pabalik sa harapan ni Gunter. Nagkasalubong ang mga mata nila ng binata. Malamlam na ngayon ang mga mata nito. For the first time, nakitaan ito ni Shelby ng vulnerability. Para bagang nasupalpal ito sa unang attempt ng panliligaw. Teka. Totoo nga kaya ang sinabi ng dad niya tungkol sa tunay nitong intensyon sa kanya?

Ewan. Parang ayaw niyang maniwala. He is a very powerful man. At sa pacing ng pagpapakita sa kanya ng interes, feeling ni Shelby masyadong mabagal. Parang hindi ugma sa status nito sa lipunan. Ang alam niya kasi'y mababagsik at mabibilis sa babae ang mga bilyonaryong tulad ni Gunter. Hindi sa minamadali niya itong pormal na umakyat ng ligaw. Hindi nga niya alam kung handa na siyang sumuong sa isa na namang relasyon. Ang nagpapagulo lang sa utak niya ay ang istilo nito. Hindi talaga naaayon. Kaya nga noong isang araw ay napagkasunduan nila ni Dane na marahil ay hindi naman ito talaga seryoso sa kanya. Flirty, yes. Wants to play with her, yes. But not enough to commit to a lasting relationship with her. At wala siyang panahon sa mga fling-fling lang. For her, it's a total waste of time.

"Okay. I have to leave the two of you now. It's time for me to go back to work. Bye, Dad." At hinalikan na ni Shelby sa pisngi ang ama.

"I'm also on my way out. Perhaps, we can leave together?" pahabol ni Gunter sa papalabas na dalaga. Hahakbang na sana ito para habulin si Shelby nang marinig muli ang boses ni Magnus.

"You stay. We still have some things to talk about."

Napatingin dito si Gunter. At napatangu-tango. "Very well, sir. I mean, Mr. San Diego."

Sinupil na naman ni Frederick ang kanyang bungisngis. Marahil ay hindi nito sukat-akalain na may taong kayang manduan ang kanyang Sir Gunter.

**********

Ten minutes pa lang sa party na dinaluhan nila ng ina, gusto nang matulog ni Gunter. He was bored to death. Hindi talaga niya feel itong mga ganitong gathering kung saan nag-re-raise nga ng funds ang mga tao in auctioning their-not-so-needed things that are expensive to give to the poor pero heto't nanlalait din ng kapwa. Ilang beses na niyang naringgan ang ilan sa mga matronang nandoon, mga kaibigan pa man din ng kanyang ina, na bwisit na bwisit daw sila sa mga poor people in Bronx. Parang napipilitan nga lang daw sila mag-donate ng gamit para i-auction.

"C'mon, you guys," saway naman ng mommy niya. "It's good for our company's reputation to be seen in gatherings like this."

Pagkarinig sa sinabi ng ina, napasimangot si Gunter. Kaya nang batiin siya ng mga amiga nito, hindi na maganda ang naging response niya. He just slightly nodded at them and kept quiet.

Just when he thought everything was auctioned, somebody went to the front and suggested they ask guests to go in front and sing. The rest of the audience will have to pay some amount to the 'singer' as tips. Ang makukuhang pera raw ay idadagdag sa donations dahil short ng five million dollars ang nakalap sa auction.

"Ugh. Mom, write them a check for five million and then let's go," sabi ni Gunter sa ina.

Mrs. Albecht just laughed at him. Para bagang gusto siyang inisin lalo ng ina. Ang sumunod nitong ginawa ay nagpahumindig kay Gunter. Sukat ba namang kauna-unahang nag-volunteer kumanta.

"Mom!" pigil sana ni Gunter dito. Inagaw pa niya ang mikropono sa isang assistant host na siyang umiikot sa mga guests para magbigay ng mikropono sa nais magsalita. "I will give you five million dollars just don't let my mom sing."

Natawa ang audience. Ang hindi alam ni Gunter, nandoon sa bandang likuran lang si Shelby at ang kaibigan nitong si Dane. Narinig din nila ang sinabi ng binata sa mikropono.

Walang masyadong introduction si Mrs. Albrecht. Basta na lang itong kumanta ng isang German old song. Pinalakpakan siya ng lahat liban na lang ng anak. Natuwa pa ang ilang makukunat na billionaires na nandoon at nagbigay ang isa sa kanila ng isang milyong dolyar. Labis na natuwa ang host ng show. Naghamon pa ito sa ibang guest na kumanta rin daw baka sakaling may magbigay pa nang mas malaki.

"Me!" sigaw ng isang lalaki.

Paglingon ni Gunter sa nagsalita, nakita niya ang game na game na si Alfonso dela Peña. Hindi rin patatalo ito sa tikas ng postura. He was also wearing an expensive-looking suit. Sinalubong ng masigabong palakpakan ang pagboluntaryo nito. Kinilig pa ang mga kababaihan. Naningkit naman ang mga mata ni Gunter sa lalaki. Sinundan nga niya ito ng tingin hanggang sa makaakyat ito ng entablado. Habang tumitikhim-tikhim para i-test ang boses sa mikropono ang three-time MVP ay pinanalangin niyang pumiyok sana ito. Kaso nga lang nang marinig niya kung paano ito kumuskos ng gitara nabatid na niyang mayroon itong ibubuga. Nang magsimula nga sa pag-awit si dela Peña ng isang Lionel Richie song na pinasikat nito noong dekada otsenta, ang song na pinamagatang Three Times a Lady, napahiyaw na sa tuwa ang mga manonood. May ilang matrona na hindi nakatiis, nagbigay agad ng tig-two hundred thousand dollars.

Thanks for the times that you've given me
The memories are all in my mind
And now that we've come
To the end of our rainbow
There's something I must say out loud!

You're once, twice, three times a lady

And I love you

Sinundan ni Gunter ng tingin ang tinitingnan ni Alfonso at ganoon na lamang ang katuwaan niya nang makita sa bandang likuran si Shelby. Ngunit ang katuwaan ay napalitan ng pagkainis nang makita ang dalagang tila nakikinig nang mabuti sa awit ng dating nobyo. She even looked mesmerized.

Nang matapos sa pag-awit si Alfonso at sumahin ang nakuha niyang tip sumobra pa sa target amount ang naging kabuuang donasyon.

"In behalf of the organizing committee, we would like to thank Mrs. Albrecht and Mr. dela Peña for a job well done tonight. And that concludes---"

"Wait!" sigaw ni Gunter.

Napa-double take sa kanya ang host. Inakala nito na magbibigay din siya ng pera rito pero sa halip ay umakyat siya ng sa entablado at sinabi rito na kakanta rin daw siya. At kinanta niya ang Hungry Eyes ni Eric Carmen na pinakinggan lamang nila ni Shelby noong isang gabi habang pinapanood ang mga ferries sa New York Harbor. Naging masigabong din ang palakpakan ng mga manonod sa kanya. May nagbigay pa nga sa crowd ng sampong milyong dolyar. Pero imbes na alamin kung sino iyon matapos siyang kumanta, dere-deretso siya sa kinaroroonan ng isang babaeng pinag-alayan niya no'n. Si Shelby San Diego.

**********

Gulat na gulat si Shelby sa bilis ng mga pangyayari. Una ay nagkasalubong lang ang mga tingin nila ni Gunter. Tapos bigla na lang itong umakyat ng entablado at nagsabing gusto raw tumugtog ng piano. Ang inakala niya, magpe-perform ito ng isang classical music. Nasabi na kasi nito noong isang araw na although he grew up hating it alam niya tugtugin ang at least isang piyesa ng mga classical musicians like Chopin, Beethoven, at Mozart. Pero imbes na isa sa mga iyon ang tugtugin, tinugtog nito ang sinabi niya ritong paborito ng kanyang mommy. Ang Hungry Eyes na isa sa mga kinanta sa Dirty Dancing na palagi rin nilang pinapanood na mag-ina sa tuwing nagba-bonding. Kabisado na nga niya ang bawat eksena ng pelikulang iyon.

"Ayaw patalo," tukso ni Dane kay Shelby. Ngingisi-ngisi ito habang kumakanta si Gunter. In fairnes, may boses din naman kahit papaano, naisip ng dalaga. Guwapo na, matikas at classy pa manamit, tapos magaling pang kumanta. Napahanga nito si Shelby.

Pero ang hindi inaasahan ng dalaga ay ang paglakad nito papunta sa kanya nang matapos mag-perform. Lahat tuloy ng taong naroroon ay nakatingin sa direksiyon niya. Na-curious sila kung sino ang babaeng tila hinarana ng isang mailap na CEO ng New York City.

"Isn't that the Filipino designer?" narinig pa ni Shelby na bulung-bulongan sa paligid.

Hindi niya alam kung paano mag-react. At hindi niya rin alam kung iyon ba ay compliment o pang-ookray lamang.

Saktong paglapit ni Gunter kay Shelby kumislap ang kung ilang ilaw ng mga camera ng press people na nandoon. Bago pa malaman ng dalaga ang sumunod na pangyayari, nakilala siya ng mga ito at pinutakte na siya agad ng mga tanong. Nag-panic siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. No'n naman sumingit si Alfonso. Pinagsabihan nito ang press na huwag nang umabante sa kanila. Nagkaroon tuloy ng kaguluhan. Naging excited lalo ang mga reporters. Nakatunog siguro ng isang juicy scoop. Tinanong na rin si Alfonso kung ano ang kaugnayan nito sa isang fashion designer wannabe raw.

"Wannabe?" halos ay sabay pang balik-tanong nila Gunter at Alfonso sa reporter. Halata ang iritasyon sa boses ng mga ito. Nang inulit nga ito ng naturang lalaki, nilapitan ng dalawa ang pobre at parang sadya na in-synchrony pa silang nangkwelyo rito. Nang ma-realize ang kanilang ginawa, kapwa rin bumitaw nang halos sabay uli. Napanganga naman si Shelby sa kanyang nasaksihan.

"I want everyone to know that Ms. Shelby San Diego here is not a wannabe fashion designer. She is a fashion designer and a very good one at that!" galit na asik ni Gunter sa mga reporters. Sinang-ayunan iyon ni Alfonso. Nagkasundo halos ang dalawa sa pagtatanggol kay Shelby. Pero nang gusto na ng dalagang umeskapo doon, saka pa lang sila nagtalo. Bawat isa ay gustong magboluntaryong maghahatid kay Shelby pauwi.

"It's all right. I got her," sabi ni Gunter kay Alfonso.

"No. I'll take care of her. I know her better than you do."

"Oh yeah?" naiinis na hamon ni Gunter dito.

Habang naghahamunan sila'y mabilis na hinila ni Shelby ang kaibigang si Dane at dali-dali silang tumalilis palayo roon. Nakatulong ang pagbabangayan ng dalawang lalaki para malansi ang press. Sa kanila kasi nakapokus ang atensyon ng mga ito.

Nang marealize nila pareho na wala na ang dalaga, halos sabay na namang napamura nang malutong. Si Alfonso ay sa magkahalong Espanyol at Filipino. Si Gunter nama'y German at Ingles.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top