CHAPTER EIGHTEEN
"Magandang umaga, matandhung da-lagh," salubong ni Gunter kay Shelby pagkakita sa dalagang lumalabas ng kanyang building sa Upper East Side. Natigilan naman ang huli at napaisip bago sumagot din ng, "Magandang umaga."
Si Frederick na nakamasid sa reaksiyon ng dalaga sa hindi kalayuan ay kakitaan ng pagkalito. Sa loob-loob nito'y nagtataka kung bakit tila hindi kaagad napasagot ng 'magandang umaga' rin si Ms. San Diego. Sa halip ay mukha itong nalito pa. Hindi ba nito ikinatuwa na binati ng amo niya sa lenggwahe nila mismo?
Ganoon din pala ang naisip ni Gunter. Binalingan pa nito ang assistant at sinenyas dito na tingnan sa app na nirekomenda ng kanyang tutor ang translation ng sinabi niya. Mabilis namang tumalima si Frederick. Mayamaya pa'y kakamot-kamot ito sa ulo. Tapos bigla na lang itong napabungisngis.
"Boss, here you are," dali-daling pag-abot nito ng cell phone sa amo. Nasa loob na ng passenger seat ng Tesla Roadster no'n si Shelby. Nang araw na iyon kasi'y nangako si Gunter na magro-road trip sila. Pupunta silang dalawa sa isang pamosong Seaside restaurant sa New Jersey.
"Fvck," mura ni Gunter nang mahina nang makita ang ibig sabihin ng bati niya kay Shelby. Napakamot-kamot na rin ito sa ulo.
"All right. See you around, Federico!" pabiro nang paalam ni Gunter sa assistant at pumasok na rin ito sa loob ng sasakyan. Si Frederick nama'y pumunta na rin sa dala nitong kulay abong Audi.
"About what I said a while ago," sabi ni Gunter nang nasa loob na ng kotse.
Binalingan nito si Shelby na nang mga sandaling iyon ay abala sa kaka-text kung kanino. She just absent-mindedly looked at him then at her cell phone screen again.
"What I meant to say was---good morning, beautiful lady," paliwanag ni Gunter.
"Oh!" nasambit ni Shelby at tumawa ito.
Napabungisngis na rin si Gunter.
"It should have been 'magandang dalaga' and not matandang dalag. Matanda means old and dalag is actually a kind of fish in the Philippines."
"Really?" At humagalpak na ng tawa roon si Gunter. Hindi iyon ang lumitaw kanina sa Filipino-English app, pero hindi bale. Next time ay pagbubutihin na lamang niya.
First attempt niyang managalog sablay. Buti na lang at wala roon ang mga kuya ni Shelby. Baka sa halip na mapalapit ang kalooban nila sa kanya'y mainis pa sa pagiging trying hard niya.
Binuksan ni Gunter ang car stereo niya at mayamaya pa'y pumailanlang na ang soundtrack ng Dirty Dancing. Alam niyang gustung-gusto iyon ni Shelby. Pero nang pumailanlang na ang Be My Baby ng The Ronettes, bigla na lang natigilan ang dalaga saka in-off nito ang stereo nang wala man lang pasabi sa binata.
"Why did you turn it off?" nagtatakang tanong ni Gunter dito.
"I don't like it," sabi lang nito at tumingin na sa bintana.
"Okay. You can change it to whatever music you want to listen to."
Pinalitan nga ito ng dalaga. At nagulat si Gunter nang pumailanlang ang tila namamaos na tinig ni Bono, ang frontman ng U2, isang Irish rock band na naging sikat noong dekada otsenta.
"I didn't know you also listen to rock music," komento ni Gunter.
"Not usually. But my Kuya Marius and Markus love this band. I grew up listening to them."
Napatangu-tango na lang si Gunter. Tinandaan niya iyon. Paborito pala iyon ng mga nakatatanda niyang kapatid. Inalala niya sa isipan ang hitsura ng dalawa. He made a mental note to inform Fredrick about it for future use.
**********
Nag-uusap ng kung anu-ano ang dalawa habang nakikinig sa boses ni Bono, pero nang umaalingawngaw na ang With or Without You ay kapwa sila natigilan at natahimik.
Si Shelby ay abala sa pag-aanalisa ng kanyang damdamin. May nararamdaman na rin siya kahit papaano kay Gunter, pero may parte pa rin ng puso niya na parang gustong maging loyal sa alaala ni Alfonso kahit na wala na siyang babalikan pa rito. She felt it was too early to fall for someone after breaking up with the man she used to think would be with her forever for almost a decade. Naroon na rin siyempre ang takot. Paano kung sa pagbabakasakali niyang muli ay mauuwi na naman sa paghihiwalay? Mabuti kung Filipino si Gunter, pero hindi. Malamang na hindi nito nanaising mamuhay sa Pilipinas balang-araw. Nag-iisip pa rin kasi si Shelby na sa kanyang pagtanda ay babalik siya ng bansa at tulad ng kanyang mga kapatid ay sa Maynila maninirahan. Pansamantala lang kasi para sa kanya ang Amerika.
Sa side naman ni Gunter, medyo nasa punto na rin ito na parang nalilito sa kung ano ang dapat gawin sa damdamin para kay Shelby. Gustung-gusto niya ito to the point of being like a lovestruck teenager, pero at the same time ay naiinis na rin siya sa tila sala sa lamig, sala sa init nito. Minsan parang pinaparamdam nitong gusto rin siya, pero minsan nama'y parang hindi. Tuloy ay nakakaisip na rin siya minsan ng pagsuko lalo pa't ang hirap ding pakisamahan ng mga kuya nito. Ngunit alam din ni Gunter na kung siya'y lalayo, masasaktan din siya. Baka nga hindi niya kayanin. Pero kahit malapit siya kay Shelby ganoon din ang nararamdaman niya. May parang harang pa rin kasi sa pagitan nilang dalawa. Just like U2's With or Without You. He couldn't live with or without her.
"When my Kuya was in college, he sang With or Without You to Ate Vina and she instantly fell for him," nakangiting wika ni Shelby nang matapos ang kanta. Napatingin pa ito kay Gunter na ngayo'y nakatitig na rin sa kanya. Nang magtama ang kanilang paningin kaagad na umiwas ng tingin ang binata at tinuon sa highway ang mga mata.
"Kuyaw? Which of them?" tanong nito habang tila concentrated sa pagmamaneho.
Napabungisngis si Shelby. "Not kuyaw. Ku---ya---. Kuya. It's my Kuya Marius. He's the only one we call kuya at home which means older brother. I used to call them all kuya to show respect but as we got older I somehow just dropped it one by one." At napangiti na naman si Shelby. May naalala ito sa mga kapatid.
"I see. Should I also call him kuya someday?" may himig pagbibirong tanong ni Gunter. Ini-imagine nga niyang tinatawag ng ganoon ang sinasabi ni Shelby na Kuya Marius nito at napangiwi siya agad. Awtomatiko kasing sinimangutan siya nito sa kanyang isipan. Kahit sa kanyang alaala ay madaling bumusangot ng mukha ng kapatid na ito ni Shelby.
Nangunot naman kunwari ang noo ng dalaga. Patay-malisya siyang nagtanong ng edad ni Gunter. Pinaliwanag niya kasi rito na sa kultura ng mga Filipino ay maaari ring makikuya ang nakababatang tao sa isang lalaking nakatatanda rito.
"I'm twenty eight," sagot naman agad ni Gunter. Mabilis na napagtanto ni Shelby na kaedad lang pala ito ni Moses, although mukhang matanda ito ng kaunti. Kung ganoon pala ay tatlo sa mga kuya niya ang mas nakatatanda kay Gunter.
"You must be what? Twenty? Twenty one?" tanong naman ni Gunter kay Shelby.
"Twenty-three going twenty-four."
"Of course! You don't go to twenty-two after twenty-three."
Napabungisngis si Shelby sa biro ni Gunter. At naalala na naman niya ang sinabi niya noon kay Alfonso. I'm just going twenty-three. Too young to plan a married life. Parang ang tagal-tagal na no'n na kung tutuusin ay ilang buwan pa lang ang lumipas. Ni wala pa ngang isang taon.
"A penny for your thoughts?" Si Gunter uli.
Seryoso na ang mukha ni Shelby nang tumingin sa binata. Isang bagay na pinagtaka ni Gunter. Mukha kasing lumungkot bigla ang mga mata ng dalaga. Napaisip tuloy siya. Sensitive ba ito sa edad? But twenty-three is not old even for women! Pero baka iba sa Pilipinas? Naisip niyang ipa-research iyon kay Frederick mamaya pagbalik na pagbalik niya ng Manhattan.
**********
Kahit alam ni Shelby na wala siyang daratnan sa dating condo sa Queens, minabuti niyang doon muna umuwi nang gabing iyon galing sa trabaho. She needed something familiar and fun. Iba kasi ang ambience ng unit nila ni Dane. Palagi niya iyong ina-associate sa happiness dahil ilang masasayang araw at gabi rin ang napagsaluhan nila roon ng BFF.
Patay ang ilaw ng unit nila nang tingalain niya ito mula sa ibaba, sa harapan ng building. Palagay ni Shelby ay nandoon na naman ang kaibigan sa bahay ng nobyo nitong si Albus. Napailing-iling siya. Simula nang dumating ang lalaking iyon sa buhay nito ay hindi na sila muling nakapag-bonding. Ni hindi pa niya ito nakakausap tungkol sa mga natuklasan niya sa inaakala niya noong binatang CEO.
Dahil hindi inaasahan ni Shelby doon si Dane, napasigaw siya sa gulat nang makita ang bulto nitong nakapamaluktot sa couch sa living room nang pailawan niya ang unit. Napakurap-kurap itong napatingin sa kanya. Mukhang nagising sa tili niya.
"Dane!" naibulalas ni Shelby. Biglang kumalabog ang kanyang dibdib. Paano kasi'y nakita niyang mugto ang mga mata ng BFF. "Hey, what's wrong?"
Kaagad na tinabihan ni Shelby si Dane sa couch at inakbayan pa. Magkakaila pa sana ito nang biglang pumiyok ang boses. Hindi na nakapagsinungaling pa ang babae nang usisain ni Shelby tungkol sa iniiyakan.
"He's married, Shelby. He's married!" At humagulgol ito.
Niyakap ito nang mahigpit ni Shelby at umiyak na rin siya with Dane. "I—I was about to tell you the day I called you when you went on a cruise. Kaso naisip kong baka hindi mo ako paniwalaan."
Tumangu-tango si Dane. "Alam ko na nang araw na iyon, but he promised me he'll leave his wife for me. Katunayan, sabi niya, their divorce were already being processed when we went on a cruise. Iyon pala'y hindi iyon totoo. Nang umuwi na kami, dumeretso siya sa asawa niya. At nang sundan ko siya sa kanila, nakita ko silang naghahalikan pa sa kanilang bakuran at base sa pakikitungo niya rito mukhang hindi naman sila nagkalabuan! Shelby I was duped!"
Hindi na nagsalita pa si Shelby. Niyakap na lang niya nang mahigpit si Dane habang hinahagud-hagod ang likuran nito.
**********
Nagbabasa ng email niya si Shelby nang bigla na lang may lumitaw na notification sa bandang ilalim ng screen niya. May balita tungkol kay Gunter! Pinangunutan ng noo ang dalaga dahil mayroong picture ng isang hindi pa niya nakikilalang brunette sa larawang iyon. Pinindot niya ang minimize button ng email at kinlik ang naturang notif para mabasa niya ang artikulo. Lalong nangunot ang noo niya nang mapag-alaman kung sino ang babaeng iyon. Marinette Schlossberg.
"I only saw Gunter being so in love once. It was with Marinette Schlossberg. His childhood sweetheart. I think they were both in Junior High School at that time. Marinette was a theater actress already at age 15. It was all over the news for a while here in NYC because she had appeared in popular shows plus she was an heir apparent of a media magnate.. People were so excited at the possible union of two very rich heirs of the city," kuwento sa kanya ni Lyndie noon.
Nang mga panahong iyon, ang Marinette na naiisip pa lang niya ay ang awkward na teenage girl na nakita niya sa photo gallery ng isang online archive ng prominenteng NYC dailies. Hindi niya sukat-akalain na ang isang nerdy-looking girl noon ay maging kabigha-bighani na ngayon. Kuha lang pala kamakailan ang litrato. Isang araw matapos siyang dalhin ni Gunter sa Mathilda's, ang seafood restaurant sa New Jersey na kinainan nila.
"So you've read about them already?" komento ni Lyndie pagdaan na pagdaan nito sa tabi niya. May nilapag itong folder sa kanyang harapan. Iyon na raw ang sinusumiteng mga disenyo ng kanyang assistant designer for their Spring collection next year.
Bago ipaliwanag ni Lyndie ang mga iyon, nagkuwento pa ito kay Shelby ng kung anu-ano na nagpadagdag sa mga lalalahanin ng dalaga.
"Why did he get engage with Adeline Grayson when he seemed to be carrying a torch for his first love---this woman?" At tinuro ni Shelby ang larawan ng isang napaka-eleganteng babae sa tabi ni Gunter sa screen ng laptop niya.
"Well, Adeline and Gunter's mom are very close. I think Madame Margaux arranged everything."
Hindi na kumibo pa si Shelby. Buti na lang at nabasa niya ang news story na iyon. Kung hindi ay mapapasubo na naman sana siya. Pagkatapos kasi ng lunch date nila sa Mathilda's naramdaman na lamang niya na tila unti-unti nang napapalapit ang kanyang puso sa binata. Naisip na nga niyang sagutin ito sa susunod na magpahayag ito ng damdamin sa kanya. Mabuti na lang...
Shelby felt weak that she had to leave work that afternoon. Ihinabilin niya ang lahat kay Lyndie. Gusto lamang muna niyang mag-unwind. At ang NYC harbor ang naisip niyang puntahan.
**********
Naiinis si Gunter ngayong bumalik na sa New York si Marinette sa wakas. Ang naisip niyang magtanggal ng kahibangan niya kay Shelby ay wala na rin palang epekto sa kanya. Ang fondness na nararamdaman niya para rito dahil ito ang kauna-unahang babaeng minahal niya nang todo noon ay tanging para na lang pala sa isang matalik na kaibigan. But Marinette seemed to have another assumption. Inisip nitong kagaya noong iwan siya nito'y hibang pa rin siya rito.
"If you came back to NYC years ago---even just two years ago, I would have considered you to be my wife!"
"Huh?" anang napadaang matanda sa harapan niya na marahil ay nasa otsenta anyos na. Nasabi niya pala iyon nang malakas.
"Oh no, grandma. I was just talking to myself," sabi niya rito at umayos ng tayo. Umalis siya sa pagakakasandal sa sasakyan niya.
Sinimanguta siya ng matandang puti at paika-ika itong lumapit sa harbor. Napangisi naman si Gunter. Tumalikod na lang siya at naglakad-lakad na rin para makasagap ng sariwang hangin. He was in his deep thoughts. Naiisip niya kasi kung ipagpapatuloy pa ang pagpapalipad-hangin kay Shelby gayong mukha namang walang kinapupuntahan ang mga ginagawa niya rito. Halos lahat ay naipakita na niya. Kung gusto rin siya nito dapat ay nagsasabi na ito ng damdamin nito sa kanya. Marahil tama nga ang mom niya. Wala itong gusto sa kanya.
Magpapatuloy sana siya sa palalakad nang biglang tumawag ang kanyang assistant. Nagpang-abot daw sina Adeline at Marinette sa Skylark Hotel at kanina nga raw ay nagpapatutsadahan.
"Unfortunately, they were not the only people in the lounge at that time. There were some nosy journalists who took some photos of them and even recorded a video of the scene while they were hurling insults at one another."
"Where are they now?" tanong niya kay Frederick.
"Adeline went to one of the conference rooms on the ground floor to go ahead with her press conference while Marinette went somewhere with someone who looked like a TV reporter."
Fvck! Ano kaya ang pasabog na gagawin ng dalawa? Naisip kaagad ni Gunter ang maaaring maisulat tungkol sa kanilang tatlo. Mabilis niyang minanduan si Frederick na kausapin ang kung sino mang press people na kausap ng mga ito at bigyan ng pera kung kinakailangan para huwag sumulat ng artikulo na sangkot siya at ang mga babaeng iyon.
"Right away, boss," natatawa na lang na sagot ng assistant. Nagbiro pa itong dapat na raw niyang bilisan ang pagpapasagot kay Shelby at yayain na itong pakasal para nang sa gano'n ay hindi na makapag-isip ang dalawang baabeng iyon na pikutin pa siya.
"Fvck you! Just do as I say!" asik niya rito at pinutol na ang linya.
Babalik na sana si Gunter sa kanyang sasakyan nang may mamataan sa hindi kalayuan. Ang lawak ng naging ngiti niya nang makilala ito.
**********
Parang natulala si Shelby habang nakatingin sa text ni Dane. Buntis daw ito. At magwa-walong linggo na! Ambilis! Sa tantiya ni Shelby ay ni wala pang dalawang buwang naging sila ng Albus Smith na iyon. Natutop ng dalaga ang kanyang bunganga nang mapagtanto na may nangyari na agad sa kaibigan at sa Graffiti T-Shirt Company CEO na iyon nang araw mismo ng pagkikita nila sa New Jersey! Ang ibig sabihin lang ay noong nagpaalam itong may pupuntahan ng gabing iyon matapos ang pinuntahan nilang event ay nakipagkita ito kay Albus Smith!
"What should I do, Shelby? He doesn't want to acknowledge my child," text uli nito.
Tinawagan agad ito ni Shelby. "Keep it. You do not need him to acknowledge the baby. You can raise the child on your own. So yeah. Keep it."
Hikbi ang sinagot ni Dane at malungkot itong nagpaalam.
Babalik na sana sa sasakyan niya si Shelby nang bigla na lang makasalubong doon mismo sa harbor si Gunter. What was he doing there?
"Oh, hey! I did not expect to see you here," natutuwang bati sa kanya ni Gunter.
Hindi alam ni Shelby kung maging sweet pa rin ba ang pakikitungo niya rito knowing that there is a Marinette Schlossberg in his life now o ano. Pero nanaig pa rin ang kabutihang asal. Binati niya rin ito at kinumusta. Pero sa loob-loob niya naiisip niyang ano naman ang ginagawa ng isang CEO ng isang malaking korporasyon sa harbor sa tanghaling tapat gayong batid niyang ang daming ginagawa ng mga taong kagaya nito? Katunayan ang mga kuya niya'y bihira niyang makitang namamasyal dahil sa dami ng inaasikaso sa mga kompanya nila. How much more ang isang Gunter Klaus Albrecht na mas malaki nang di hamak ang negosyo? Naisip tuloy ng dalaga na baka sinusundan na naman siya nito.
Sa isipan naman ni Gunter, naisip niyang hindi lamang coincidence ang pagkikita nila ni Shelby doon sa panahong nalilito siya kung ititigil na niya ang panunuyo rito o ano. May pakiramdam siya na mayroong gustong ipabatid sa kanya ang tadhana. Marahil it was fate telling him to move aggressively forward.
"I am so happy to see you here again, Shelby. You just don't know how much seeing you here mean to me," umpisa ni Gunter.
Pinangunutan ng noo si Shelby. Kakitaan ito ng kalituhan at pagtataka kung bakit bigla na lang nasabi ni Gunter iyon sa kanya.
"Oh. How sweet of you," tanging nasagot na lang niya sa binata.
"You know, I came here again because I remember this is where we had a good talk about the music that we both love."
Napatangu-tango si Shelby. Tama nga naman. No'n niya nabatid na ang isang katulad ni Gunter Albrecht ay jologs din pala pagdating sa musika. Na-appreciate din kasi nito ang sound track ng Dirty Dancing na akala niya'y sila lang ng mommy niya ang may gusto. Diring-diri kasi roon ang mga kapatid niyang lalaki. Katunayan, kapag pinapatugtog na ng mommy nila ang Hungry Eyes ni Eric Carmen ay nagkukunwa-kunwariang naduduwal do'n si Matias saka kahit ano man ang ginagawa nito sa kanila ay bigla na lang itong aalis ng bahay. Pero si Gunter ay iba. Isinayaw pa siya nito sa spot mismo kung saan sila nag-uusap ngayon nang pumailanlang ito sa car stereo niya noon.
"D'you remember them, too?" tila nae-excite na tanong ni Gunter kay Shelby.
For the first time since Shelby had read about him and Marinette, she smiled. Ang ngiting iyon ay naging bungisngis nang maalala ang reaction ng mga napapadaang teenager doon noong sumasayaw sila sa tugtog ng Hungry Eyes. They looked at them like they were aliens!
Masuyong hinawakan ni Gunter sa kamay si Shelby at hinila ito palapit sa kotse. Pinatugtog ng binata ang kanyang car stereo. Nang pumailanlang ang She's Like the Wind ni Patrick Swayze mula pa rin sa Dirty Dancing ay inunat na ni Gunter ang kamay kay Shelby.
"Shall we dance?"
Nakalimutan na ni Shelby ang mga agam-agam. Tumatawa siya habang binibigay ang kamay kay Gunter. At sa gitna ng mga nagsisipagdaang mga tao sa harbor sa tanghaling tapat ng araw ng Biyernes ay nagsayaw silang dalawa. Para pa silang timang na sumasabay sa kanta.
Feel her breath on my face
Her body close to me
Can't look in her eyes
She's out of my league
Just a fool to believe
I have anything she needs
She's like the wind
Nang mapadako ang lyrics sa 'just a fool to believe I have anything she needs, she's like the wind,' kapwa sila napaseryoso ng ekspresyon sa mukha. Si Gunter ang unang nagbasag sa katahimikan.
"Ever since I first saw you---I haven't gotten rid of your face in my head. Even that marble statue of a wounded Amazon in the MET was somehow immortalized in my head because---,"
"Wait!" sabat ni Shelby. Napatingin ito kay Gunter sa paraang parang hindi makapaniwala. "Were you saying you were also at the MET at that time?"
Naalala kasi ni Shelby na titig na titig siya sa statue na iyon nang binisita nila ang the MET ni Dane. Napapahagikhik pa nga sila ng kaibigan no'n dahil sa tila tayung-tayo nitong boobies. Exposed kasi ang isang dibdib ng estatwang iyon.
Kung ganoon ay matagal na pala siyang nakita ni Gunter!
"Yes, I was there. I personally took our very important client to the museum before we signed a contract. I timed how long it took for me to be smitten by your smile."
Napanganga si Shelby. Hindi makapaniwala. Abala siya sa pakikipagharutan noon kay Dane wala siyang napansin sa paligid.
"Twenty-four seconds," sabi pa ni Gunter.
Napa-huh si Shelby dito. She was kind of disoriented. Ang isipan niya kasi ay naglakbay sa panahong simple pa lang ang buhay nila pareho ng kaibigan.
"Twenty-four seconds. That's how long it took me to f-fall in love with you."
Pinanuyuan ng lalamunan si Shelby. Ang kalabog ng dibdib niya ngayon ay sing-lakas na ng tambol.
"I love you, Shelby Madeline Mariano San Diego. You see? I have even memorized your whole name," nakangiti pang sabi ni Gunter. And he laughed a bit, nervously.
Si Shelby nama'y hindi nakahuma. Tumigil na rin siya sa pag-iindayog. At no'n niya rin napansin na You Don't Own Me na ng The Blow Monkeys ang umaalingawngaw mula sa car stereo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top