Want

2


Nagpapractice na ako ng pirma ko habang di pa tapos si Ser sa meeting niya. Ano bang mas maganda? Montreal, Bullet o Bullet M. o Bullet :) Montreal? Hmmn..


Si Ser kasi tsaka yung mga kapatid niya di ko maintindihan yung pirma. Kay Seth nga parang sperm cell lang yung pirma sa sobrang katamaran. Minsan nga finoforged ko lang kapag atat na siyang makipag date doon sa mga hipon niyang mukhang bulate.


Di ko pa pala natanong si Ser kung dapat ba akong magpabinyag ulit para legal akong maampon? Shucks.. nakaka stressed sa brain cells ko. Ayaw ko pa naman napapagod utak ko.


Pero di nga? Papabinyag ba ako? Tanong ko nga mamaya kay Ser.


Tiningnan ko ang orasan. Malapit nang mag ten at alam kong may meeting pa siya. Tumayo na ako at rumampa papunta sa opisina niya. Kumatok ako at dahan dahang binuksan iyong pinto niya para mapahinto lamang ulit ako.


Sa ibabaw ng mesa ni Seth ay iyong babaeng kameeting niya. Ang alam ko ay anak ito ng supplier ng furnitures para sa resort. Wala ng pang ibabaw iyong babae at tanging bra na lang ang suot. Naghahalikan sila ni Seth habang iyong kamay ng boss ko ay nakapaloob sa skirt noong babae.


Pisti oh. Hanggang dito ba naman Seth Montreal? Kakapunas ko lang ng table mo eh. Dapat sa sofa na lang para di halata.


Umalis na lang ako at bumalik sa table ko. Pero di ko mapigilan mapaisip sa ginagawa nila Ser sa loob. Bakit sa lamesa pa? Di ba pwede sa upuan, sahig, o kaya inidoro? Kinakalkal lang naman niya yung skirt nung babae eh. Dapat sa banyo na lang para mas private. Kakaloka. Ayaw ko na ngang mag isip. Sayang utak ko.


Nicheck ko ulit yung schedule ni Ser noong biglang may narinig akong mga yapak sa hallway. Pagtayo ko ay halos mapaupo ulit ako noong makita ko kung sino sino ang mga parating.


Nakita ko iyong luka lukang nanay ni Seth.. ay di pala, nanay ko na rin pala si Ma'am Tori niyan shet lang. Sa tabi niya ay si Sir Stanley at sa likuran nila ang pinakanakakatakot na Montreal sa buong mundo.


"Sira ang elevator Elizabeth." Bati sa akin ni Sir Sandro. Nagmamadali akong lumapit dito at binate sila.


"Hala Ser, ang daming elevator ng resort. Baka yung isa na under main..under... haha Ser." Tawa ko na lang. Ano ba kasing tawag kapag may ginagawang sirang facility? Tanong ko nga mamaya sa dictionary.


"Maglalakad pa ako kung ganoon? Dapat sabihan mo sina Seth na ayusin ang bawat elevator dito." Masungit na sabi ni Sir Sandro. Sinilip ko si Ma'am Tori na kumaway lang sa akin. Nakatago siya sa likod ni Sir Stan na humihikab pa.


"Manong, dapat sa kwarto muna tayo. Inaantok pa ako." reklamo ni Sir Stan. Lumapit sa akin si Ma'am Tori at inayos ang medyo kong nagulong buhok.


"Salamat po Ma." Sabi ko. Nanlaki ang mata niya sa narinig.


"Ma?"


"Ma'am. Ma'am po. Hehe. Peace." Sagot ko na lang. Hala, baka di pa nasabi ni Seth na aampunin ako. Siguro surprise kay Ma'am Tori.


"Nandyan ba sa loob si Seth, Ma. Elizabeth? Inaantok itong ama niya, sabihin mo." Utos ni Ser. Nakagat ko ang labi ko noong maalala kong kinakalkal pala ni Seth iyong panty nung kliyente niya sa loob.


"Huwag na Bullet. Kami na lang tatawag ni Tan Tan kay Seth." Sabi ni Ma'am. Maglalakad na sana sila noong humarang ako.


"Ma'am! Ano po kasi, ah.. nag ispray po ako ng baygon sa opisina ni Seth, marami kasing dengue doon na lumilipad ba. You know naman, the dangerous of flying ano... uhm lamok." Ano daw? Di ko gets sinabi ko. Pero hala, nagamit utak ko! Sabi ko di ko gagamitin utak ko ngayon. Napaingles ako ng di oras.


Kumunot ang noo ni Ma'am Tori. "May tinatago ka ba Bullet? Imposibleng magkalamok dito sa Italy. Sa Pilipinas lang yung lamok, diba Tan?" aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ma'am.


"Yang naman." Sumusukong sabi ni Ser Stan. Tinitigan ko si Ma'am habang napapangiwi.


"Wala pong lamok dito?"


Tumango si Ma'am. "Oo Bullet. Ibang brand yata yung mga insekto dito." Sagot ni Ma'am at naglakad na naman papunta sa opisina ni Ser. Tumakbo na naman ako at humarang.


Kasi naman Seth! Ngayon ka pa nangalkal ng panty bwiset!


"Ma'am ang ganda ng damit niyo po. May bisexual bang ganyan Ma'am?" sabi ko. Kumunot ang noo ni Sir Sandro.


"Bisexual?" aniya. Tumawa si Ma'am Tori.


"Tatay, yung pwede pong sa babae tapos pwede din sa lalaki." Paliwanag ni Ma'am. Pumalakpak ako kasi ang smart ng soon to be Mommy ko. Ghad. Ang tatalino talaga ng mga Montreal ampota.


Kumunot lalo ang noo ni Sir Sandro habang si Sir Stan ay hinalikan na lamang ang pisngi ni Ma'am Tori.


"Yang, Unisex tawag doon. Wala ka na naman sa sarili mo." Aniya at hinila na ito papasok sa opisina ni Seth. Di na ako nakaangal noong si Sir Sandro na ang nagbukas ng pintuan.


"Seth Philip!" sigaw ni Ma'am Tori noong makapasok. Sumilip ako at nakita si Seth na nakapatong na doon sa babae sa lamesa.


"Aww.. fuck Ma! Bakit di kayo kumatok?!" sigaw ni Seth na bumagsak sa sahig. Tumayo siya agad at inayos ang pantalon niyang medyo bumaba. Sabi ko kasi sa kanya magbelt siya eh. Inalis na naman niya siguro kaya nalalaglag.


Iyong babae sa lamesa ay biglang tumayo rin. Hinila niya iyong dress niya pababa at inayos ang buhok niya.


"Ganito ba yung ginagawa mo sa trabaho Seth?" daldal pa ni Ma'am. Opo Ma'am, kung alam lang po ninyo. Ganyan po talaga araw araw. Palagi ko pong pinagdadaanan yan.


The strangle is real Ma'am. So much hurts.


Narinig ko ang halakhak ni Sir Sandro habang iyong babae ay nagmamadaling lumabas sa opisina. Napaupo si Seth sa mesa at masama ang tingin sa akin.


"Bullet naman, you could have said that they are here." Aniya. Napasimangot ako.


"Hala bakit ako?"


Tumaas ang kilay niya. "Cuz you are my secretary?" pilosopo niya pang sabi. Ngumuso lang ako at nagtago sa likod ni Mama-este Ma'am Tori.


"Kami ang nagpumilit pumasok Seth. Your secretary even tried to stop us. Now I know why. Very good apo. Mana ka talaga sa akin." proud na sabi ni Sir Sandro. Nanlaki ang mata ko.


"Mapangalkal rin po kayo ng panty Ser?" sabat ko. Humarap sila sa akin at sabay sabay na natawa. Si Seth naman ay nasapo ang uluhan. Hala.. bakit?


"Ano?" natatawang sabi ni Sir Sandro. Humarap siya kay Seth at tinuro ako.


"I like this girl apo." Aniya. Nanlaki ang mata ko at mas lalong nagtago sa likuran ni Ma'am Tori.


"Tatay naman! Magagalit si Nanay! Gusto niyo po si Bullet?" histerikal na sabi ni Ma'am. Napatango tango ako.


"Sorry po Ser, di po ako napatol sa---" sabi kong naputol noong hinila ni Sir Stanley si Ma'am.


"Ay maghiwalay nga kayong dalawa. Mas lumalala yung kaanuhan ninyo pag magkadikit kayo." Sabi ni Sir. Humarap siya kay Seth na nakaupo pa din at mukhang badtrip.


Pumormal si Sir Stanley. "Bumaba ka mamayang tanghalian. Matutulog muna kami ni Toryang at ni Manong."


"Pati ako Tol? I went here to check the resort." Angal ni Sir Sandro. Ngumuso lang si Sir Stan.


"Manong pinapunta ka ni Sweetheart dito para magpahinga. Huwag matigas ang ulo." Inis na sabi ni Sir. Tumango lang si Sir Sandro bago nagkamot ng ulo. Tinitigan niya si Sir Seth at natawa na lamang.


"Nakakaproud itong apo kong ito Stanley." Aniya at lumabas na. Sumunod naman si Sir Stan dito matapos kurutinang pisngi ko.


"Babye B." paalam ni Ma'am sa akin. Niyakap lamang niya ako at lumabas na rin. Noong masara ang pintuan ay hinarap ko si Seth na busangot pa rin.


"Napano ka Ser?" tanong ko. Huminga lamang siya ng malalim bago inayos ang nagulo niyang buhok.


"Ugh. I'm not yet done with.. what's the name of the girl I was with awhile ago Bullet?" aniya.


'It's too hard to sleep

I got the sheets on the floor

Nothing on me

And I can't take it no more

It's a hundred degrees

I got one foot out the door

Where are my keys?

'Cause I gotta leave, yeah'


"Karen Sir."


"Yeah. I'm not yet done with Kristine. Bakit pa kasi ngayon pa sila sumugod." Sabi sabi niya. Hindi na lamang ako sumagot at pinulot na lamang iyong mga nagkalat na papeles at magazine. Siguro ay nahulog iyon noong nagkakalkalan sila.


Narinig ko ang marahas niyang paghinga sa likuran ko. Yumuko ako at dinampot iyong tissue noong marinig ko iyong pagmumura niya.


"Ser?"


Napasabunot siya sa kaniyang buhok. "Stop bending too much Elizabeth. I can almost see your underwear." Aniya. Tiningnan ko iyong skirt kong hindi naman maikli. Nakikita ba?


Sinubukan ko ulit magbend para makumpirma kung nakikita ba.


"Fuck Bullet!" sigaw ni Sir. Tumuwid ako ng tayo habang siya ay papalapit na sa akin.


"Di naman lumalabas panty ko." Anas ko. Di siya sumagot. Hinawakan lamang niya ang batok ko at bigla na lamang akong hinalikan.


"You'll even test the patience of saints Bullet." Bulong niya. Hinaplos niya iyong labi kong namaga yata sa halik niya.


'Girl, you're the one I want to want me

And if you want me, girl, you got me

There's nothin' I, no, I wouldn't do, I wouldn't do

Just to get up next to you'


"Di ko sila itetest Ser. Di naman ako teacher." Imbes ay sagot ko. Nakakahilo iyong halik niya sa akin at parang tumatakbo iyong puso ko sa sobrang bilis ng tibok.


Ngumisi lang siya at nahulog iyong titig ko sa labi niya. Kinagat ko iyong akin habang nakatingin lamang doon. Naalala ko pa iyong paghalik niyang parang may kuryente.


"Damn it Bullet. Stop that." Napapaos na niyang sabi.


Di ko inalis ang titig ko. "Ang alin?" tanong ko. Napaungol lamang siya at muli na naman akong hinila. Sa pangalawang halik niya ay pinulupot ko na ang braso ko sa batok niya.


Bumaba iyong kamay niya sa beywang ko pababa sa hita ko. Itinaas niya iyon at pinulupot sa kanyang beywang. Sinunod naman niya iyong kabila hanggat sa buhat buhat na niya ako.


Bumangga iyong likod ko sa glass window pero di pa rin siya tumigil sa paghahalik. Ayaw ko siyang tumigil. Gusto kong halikan lang niya ako. Ayaw ko ng umalis dito. Gusto kong nasa akin lang iyong labi niya.


Hinihingal siya noong huminto siya. Pinatong niya ang baba niya sa aking braso habang hinahabol ang hininga.


"What are you doing to me Bullet?" aniya. Umiling ako.


"Wala Ser. Ikaw nga yung may ginagawa." Sagot ko. Natawa siya at hinalikan ang noo ko.


"Slow." Aniya at binitiwan ako. Inayos niya iyong buhok ko bago hinila ang skirt kong nalislis dahil sa pagkarga niya.


Tinapik niya ang ilong ko bago ngumiti. "You are one hell of a girl Ma. Elizabeth Santaines." Aniya. Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya ng masama.


"Ay Ser kahit beach ako mabait ako! Anong hell ka diyan! Angel ako noh?" mataray kong sabi at tinakbuhan siya. Noong masara ko ang pintuan ay napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok noon.


Inayos kong muli ang sarili ko at bumalik sa table ko. Magpapractice pa ako ng pirma kapag inampon na ako.


--------------------

Song Used:

Want To Want Me - Jason Derulo


Seth downstairs everybody.. XD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top