WAKAS


30


MARAMING MARAMING SALAMAT SA SUPORTA AT SA PAGABOT DITO! #GOGOBUSETH

SA SUSUNOD NA LEGACY MULI. MWAAH!

---------------------



Itinaas ko ang dalawa kong braso habang iyong dress maker ay sinusuot sa akin ang medida para sukatin ang aking dibdib. Napangiwi ako bago tiningnan si Seth na kinakalikot iyong portfolio ng mga wedding gown doon sa couch.


"Gusto ko nga kasi iyong paging neckline Seth—"


"Plunging honey, it's plunging." Walang modo niyang sabi bago nilapat iyong page noong portfolio ng baklang designer. Tumalikod ako para iyong haba naman ng likuran ko ang masukat.


"Pareho lang iyon! Ay basta, gusto ko iyong pak na pak yung dyoga ko. Seth naman, minsan lang tayo ikakasal, pagbigyan mo na kasi ako." atungal ko. Humarap ako habang siya naman ay parang di nakikinig sa sinasabi ko.


"Honey, if you'll wear something revealing during our wedding night then it's perfectly fine. Pero ang magsuot ka ng damit na nagpapakita ng balat mo sa harap ng maraming tao? Damn then if I'll allow it." Matigas niyang sabi. Napanguso ako bago siya tiningnan ng masama.


Eh sa ano bang masama sa paging neckline! Ang bongga kaya pag ganern diba bes? Pak na pak yun pag rumampa na ako sa altar, may pasilip si Seth ng dyoga ko. Diba perfect kaya yun?


Napansin kong nangingiti iyong baklang designer bago sinukat ang taba ng aking braso.


"Naku Ma'am, pumayag na lang po kayo sa gusto ni Mr. Montreal. Ilang brides na po ng pamilya nila ang ginawan ko ng gown at kahit kailan ay wala pa silang pinayagan na magplunging." Sabat nito. Tumaas ang kilay ko bago napapadyak.


"Oh eh backless na lang!" hirit ko pa. Sinara na ni Seth iyong portfolio bago ako tinitigan ng masama.


"No Elizabeth!"


"Seth naman!"


"Wag ng makulit! Seriously, para kang si Calliope minsan." Reklamo niya. Napanguso ako at naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim para pigilan iyon at mukhang napansin niya iyong pagsama ng loob ko.


Napabuntong hininga siya bago tumayo. Lumayo ng kaunti iyong designer para padaanin iyong bwisit na Seth na iyan. Lumapit sa akin si Seth at hinawakan ang aking beywang at ang aking baba.


"Gusto ko lang maging maganda para kabog lahat ng mga ex mo na darating sa kasal natin Seth." Parang bata kong katwiran. He chuckled before pinching my chin.


"Pero hindi mo naman kailangang ipakita ang katawan mo para malaman kong maganda ka.."


"Kahit na. Baka kapag may dumating na mas malaking dyoga sa akin takbuhan mo ang kasal natin." Dagdag ko pa. Hinapit ako ni Seth palapit sa kanya bago niya hinalikan ang aking noo.


"Bullet, a real man will never measure the beauty of a woman by the size of her boobs or her butt. What is important is how you make me happy without putting too much damn effort. You're the only woman who made me this happy. You are my definition of happy. Tandaan mo yan. I love you even if you have the smallest breasts in the world hon." Mahaba niyang sabi. Napayuko na lamang ako kasi naman.. eh kese nemen bes..kakaloka. Kinilig yung ingrown ko. Bwisit.


Sa huli ay napapayag niya ako doon sa offshouldered laced wedding gown na napili niya. Paballoon ang bestida nito habang may maliliit na pearls at diamond na nakadikit sa upper bodice ng gown.


Noong matapos kami sa fitting ay pagod na pagod na ako. Masakit na rin ang likod ko dahil lumalaki na iyong tiyan ko. Nakaalalay si Seth sa aking likod noong pababa na kami sa hagdan ng boutique ni baklang designer.


"Tired?" tanong ni Seth habang binubuksan ang pintuan para sa akin. Tumango lamang ako at tahimik na pumasok sa kanyang abong Audi. Pagkapasok ko ay sumunod siya at pumasok na rin.


Nakatulog ako sa kahabaan ng biyahe namin. Nagising na lamang ako noong naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Seth sa aking pisngi. Pagdilat ko ay napansin kong nasa bahay na kami ni Lolo Sandro. Bumaba na kaming dalawa at sinalubong kami ng tawa ni Calliope.


"Lolo! Up up mo nga ako!" utos niya kay Sir Stanley. Tumawa lamang si Sir bago kinarga si Callie at inilagay sa kanyang balikat bago tinakbo ang bata sa buong hardin. Malakas na halakhak ng anak ko ang narinig namin ni Seth.


"She really looks like Phoebe. Ultimo tawa niya ay kopyang kopya niya." narinig naming sabi ni Sir Sandro. Lumapit ito sa amin at tumabi kay Seth. Napabuntong hininga si Sir Sandro at naiwan ang titig kay Calliope na nakikipaghabulan kay Sir Stanley.


Lumingon sa akin ang aking anak at nanlaki ang kanyang mata. Gamit ang mga maliliit niyang paa ay tinakbo niya kaming dalawa ni Seth.


"Mie!" excited niyang sigaw pero ang sinalubong naman niyang yakap ay iyong kay Seth. Napanguso lamang ako habang si Seth ay natatawang kinarga ang aming anak.


"Pap!" tumatawang sabi ni Callie bago nilagay ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ni Seth.


"Bakit baby?"


"Pap, gutom ako!" sigaw niya. Tumawa lamang si Seth bago hinalikan ang matabang pisngi ni Calliope.


"Anong gusto mong kainin baby?" tanong ko. Pasimple kong inabot si Callie pero nilayo naman ito ni Seth sa akin. Masama ang tingin na ibinigay ko kay Seth pero inginuso lamang niya ang aking tiyan kaya napatahimik na lamang ako.


"Canton!" anas ni Callie. Napalingon ako dito bago ko binalingan si Sir Stanley na umiinom ng tubig sa may gilid.


"Gusto mo ng canton sweetheart?" malambing ni sabi ni Sir. Tumango si Calliope bago sinubo ang kanyang daliri.


"Opo! Pap! Bili mo ko canton.." aniya. Nilingon ako ni Calliope bago kumurap kurap. Iyong kulay niyang abong mata ay nanlalaki habang nakatingin sa akin. Nilahad niya ang braso niya tanda na gusto niya sa akin magpakarga naman.


"Mie, buhat mo ako." hiling niya. Kukunin ko na sana ang bata noong inilayo siya ni Seth sa akin.


"Baby, di ka na pwedeng kargahin ni Mie."


Namilog ang mata ni Calliope. Sinubo niya iyong daliri niya bago pinunas iyon sa pisngi ni Seth.


"Karga..ako." aniya pa. Tiningnan ko si Seth at hinintay ang pagpayag niya.


"Callie, mabigat ka na baby. Mahihirapan si Mie tsaka yung baby brother mo sa tummy niya." paliwanag ni Seth. Anyare?! Bakit brother?! Alam agad na lalaki? Kakaloka.


"Baby?" takang tanong ng bata. Tumango lamang ako at nginitian si Calliope.


"Saan baby?" tanong pa niya. Tumalim na iyong tingin niya at biglang naging mapula iyong ilong niya at mata.


"Sa tummy ni Mie.."


Biglang humikbi si Callie sa sagot ng ama bago ako tiningnan.


"Baby? Don't cry." Sabi ko rito. Lalong nanginig iyong labi niya habang nakatitig sa akin.


"Ayaw kong baby! Gusto ko si Callie lang!" atungal niya, tuluyan ng nakalimutan iyong canton at ang gutom niya. Nagwala na siya sa balikat ni Seth habang umiiyak.


"What happened?" si Sir Stanley na lumapit na sa amin. Patuloy iyong iyak ni Callie sa balikat ng kanyang Papa.


"She learned that she will be a sister soon. Manang mana sayo Tol. Ganyan din ang iyak mo noong nabuntis si Phoebe kay Shana." Natatawang sabi ni Sir Sandro at lumapit. May kinuha siya sa kanyang bulsa at pinuntahan si Calliope.


"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are gray.." dahan dahang kanta ni Sir Sandro habang pinupunasan gamit ang panyo na kinuha niya iyong luhaang pisngi ni Calliope. Dahan dahang tumigil si Callie sa pag iyak at naiwang nakatitig lamang sa lolo.


"Selosa. Montreal ka nga talaga." Natatawang sabi ni Sir Sandro at hinalikan ang noo ng bata.


Natahimik si Callie at kumain na ng canton na mismong si Sir Stanley ang nagluto. Si Seth ay naging abala sa pakikipag usap kay Ma'am Shana at kay Ma'am Tori tungkol sa mga detalye sa aming kasal. Si Sir Sandro ay nakikipaglaro naman sa anak namin habang iyong mga kapatid ni Seth ay hindi pa nakakauwi galing sa trabaho.


Tahimik lamang na nakaupo yung pwet ko sa mahal nilang sofa dahil alangan akong sumabat sa usapan. Tiningnan ko ulit si Sir Stanley na nagluluto kaya nagpasya akong lapitan siya para itanong kung may maitutulong ba ako sa kanya.


Iniaangat niya iyong isang noodle bago ako nilingon.


"Elizabeth? May kailangan ka ba?" aniya. Umiling lamang ako bago pasimpleng lumapit pa.


"Umupo ka nga. Bawal sa buntis ang napapagod. Nasaan na ba si Seth?" masungit niyang tanong.


"Kausap po si Ma'am Tori." Sagot ko. Tumaas ang kilay niya bago nilapag iyong strainer sa lababo.


"Mama Elizabeth. You should call my wife 'Mama'." Aniya. Hinarap niya ako bago sumandal sa may lababo. Naging seryoso iyong mukha niya at halos mangilabot ako noong makita iyong pagkakahawig ni Seth sa kanya.


"Are you..still not comfortable being with my family?" tanong niya. Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakasagot.


"Tell me the truth Elizabeth.." aniya pa. Takte napressure ako bigla bes!


"Ano po.." magsisinungaling ba dapat ako? Well... the true will see you free naman diba?


"Medyo po Sir.." tumaas na naman ang kilay niya.. "Papa.." paghabol ko. Napangisi lamang siya bago huminga ng malalim.


"I wanted to apologize Elizabeth, sa lahat ng nagawa ko sayo at sa anak ko." Sinsero niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko bago tumango.


"Maybe, someday, if you are comfortable, maybe you can treat us as the family you've never had? Pwede ba iyon? You are afterall, my son's rule. You are the happiness of my child." Anas niya. Pakiramdam ko ay may bumalot na mainit sa aking dibdib kaya napatango ako. Ngumiti si Sir bago ako hinila at niyakap. Sinagot ko ang yakap niya bago napapikit.


Ganito pala ang feeling ng yakap ng isang tatay. No wonder attached si Calliope sa ama. Ang sarap sa feeling...


Ginabi kami sa mansyon nila Papa pero nagpumilit pa rin akong umuwi kami ni Seth sa apartment dahil wala akong dalang bihisan ni Calliope. Noong makauwi kami ay nilinis ko lamang ang bata bago ako pagapang na nahiga na sa sobrang pagod.


"Tired honey?" masuyong tanong ni Seth. Hinaplos niya ang buhok kaya mas lalo akong napahikab.


"Sobra.." reklamo ko. Ngumisi siya bago ako kinumutan. Napapikit na ako at naramdaman ko na lamang iyong masuyong halik niya sa aking noo.


Nagising ako sa malakas na alarm ng orasan sa aking tabi. Pupungas pungas pa ako noong dahan dahan akong tumayo para patayin iyon. Kinuha ko ang orasan at tiningnan iyong oras.


11:55 ng gabi. Nilingon ko iyong katabi ko para lamang makita na wala roon si Seth at tanging ako lamang mag isa sa kama. Kinuha ko agad ang aking robe at bumaba para hanapin iyong hinayupak na kabute kong fiancée.


Madilim na iyong bahay kaya bigla akong napahinto sa pagbaba. Malamig ang aircon namin at wala na akong naririnig na tunog. Pagkatapak ng paa ko sa tiles ay may narinig akong biglang kumalabog sa may bandang kusina.


"Ahh.." boses babae iyon na dumaing. Tapos ay parang napapahikbi pa ito bago ko narinig iyong pagkilos niya.


Pucha bes! Nakakakilabot!


Mabilis akong pumunta sa kusina at sinindi ang ilaw para makitang wala namang tao roon. Kinagat ko ang labi ko at nagmamadaling tiningnan iyong banyo at sala.


Nasa may sofa na ako noong umatungal iyong aso ng kapitbahay namin. Nanginig ako lalo sa sobrang takot. Minumulto na ba ako bes? Why?


Lalabas na sana ako para humingi ng tulong noong may tumakip sa aking mata at bibig. Sisigaw sana ako kaso nakatakip pala iyong bibig ko. Naramdaman ko ang pagkarga sa akin bago ako sinalubong ng malamig na hangin.


Kinalag iyong tali na inilagay sa aking mata at handa na sana akong sumigaw noong makita ko kung sino iyong nasa harapan ko. May nakalatag na mat sa damuhan habang may cake, bulaklak, kandila at mga pagkain roon.


May humalik sa aking pisngi at nilingon ko iyon. "Seth!" bulalas ko. Ngumisi siya at lumapit sa pamilya niyang nasa may mat at nakatitig sa aming dalawa.


Nakatayo sa mat ang mga kapatid ni Seth, si Mama at Papa, si Auntie Shana at iyong adik niyang asawa, si Illea at ang kapatid niyang si Ina.


"Anong?" nagtataka kong tanong. Lumapit si Seth sa akin at kinuha ang aking kamay. May dinukot siya sa kanyang bulsa bago nilahad iyon sa akin.


"Will you be my Montreal, honey?" aniya sabay pakita sa akin noong singsing. Nanlaki naman ang mata ko sa pagtataka.


"Ha?" tanong ko. Wait? Bakit? Hala! Paexplain?


"Seth? Weh, di ko gets. Atsaka, anong trip niyo, hatinggabi na ah?"


Napangisi si Seth at hinila ulit ang kamay ko. "Well, I suddenly realized that the only times that I proposed marriage to you is when..you know, when we are doing it. Hindi pa ako nakakapagpropose ng maayos kaya ginagawa ko na ngayon."


Huminga pa siya ng malalim at nilingon ang buong angkan niya.


"I want my family to see how my rule captivates me. So, Miss Ma. Elizabeth Asuncion Santaines, will you be my honey in this world full of babe?" natatawa niyang sabi. Tumango na lamang ako sabay ngiti.


"Ahh, oo?"


Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "Di ka yata sure?"


"Oo!" sigaw ko sabay hila! Inaantok na ako bwisit bes!


Yumakap si Seth sa akin at binigyan ako ng madiin at malalim na halik. "I love you Elizabeth. I have never loved any woman as much as I love you. Ikaw lang." bulong niya. Ngumiti lamang ako at sumandal sa kanyang dibdib.


"Welcome to the family Bullet." Sabi ni Papa. Nilingon ko lamang siya at tahimik na ngumiti. Yumakap ako lalo kay Seth.


Nagring iyong cellphone ni Seth. Inilabas niya iyon bago tiningnan ang oras.


"It's twelve of midnight already honey. You should sleep now. I love you."


I love you too Seth.. pagkatapos ng lahat ng pagkakamali at di pagkakaintindihan, ni minsan ay hindi nabago o nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Sa harap ng buong pamilya mo, ipapangako kong hindi na kita sasaktan ulit. Hindi na ako matatakot na magkamali dahil alam kong sa huli, nasa dulo ka at maghihintay, nagmamahal at patuloy na magpapatawad.



WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top