Pap
20
Nagising ako noong maramdaman ko iyong paggalaw sa daliri ko. Nagdilat ako at nakita ko si Seth na nilalaro ang aking kamay. When he saw me opening my eyes, he immediately gave me his dazzling smile. Inalis niya ang buhok na nakatabon sa mukha ko at binigyan ako ng mababaw na halik.
"Hey honey." Aniya. Nakasuot na ang kanyang asul na vneck shirt at iyong ripped pants niya. Nakatunghay siya sa akin at pinapanood ang pagtulog ko. Agad akong pinamulahan ng mukha noong marealize ko kung ano ang namagitan sa amin kani kanina lamang.
Inayos niya ang pagkakakumot sa akin bago ako hinalikang muli.
"Pupuntahan ko lang si Calliope. Kakagising lang din niya." Paalam niya. Wala sa sariling tumango ako at pinanood siyang lumabas para puntahan ang anak namin.
Nagbihis ako kaagad at inayos ang aking sarili. Noong sinulyapan ko ang itsura ko sa salamin ay halos mapaungol ako. Pulang pula at maga ang aking labi, may mga marka sa aking leeg hanggang sa puno ng aking dibdib. Kahit sinong titingin sa akin ay maiisip na nakipag jugjugan ako sa Montreal na iyon.
Hinayaan ko na lamang malaglag ang tuwid kong buhok para matakpan kahit papaano iyong mga marka ni Seth sa akin. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Calliope na nakasakay sa likuran ni Seth habang naglalaro sila sa mat.
"Ulit pa Pap!" sigaw noong bata. Para naming alipin si Seth na sunud-sunuran sa gusto ni Calliope. Muli niyang kinarga si Callie at sinakay sa kanyang likuran.
Pinanood ko lamang silang dalawa na nakakulong sa kanilang sariling mundo. Natigil lamang sila noong tumingin na si Callie sa akin. Sinalubong ako ng anak ko ng malawak na ngiti bago niya inilahad ang braso sa akin.
"Mie!" tawag niya sa akin. Lumapit ako rito at akma siyang kukunin kay Seth noong biglang nagbago ang isip niya. Sumiksik siya sa leeg ni Seth kaya bumangga ako sa dibdib ng tatay niya.
Napangisi si Seth at agad na inikot ang kamay sa beywang ko para mayakap ako. Nanlalaki naman ang mata ko habang nakatingin sa manyak na kasama ko.
"Seth!"
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Ano?" pilyo niyang sabi. Mas hinila niya ako palapit sa kanya kaya mas tinulak ko siya.
"Seth, ano ba. Baka may makakita sa atin."
Ngumuso siya. "So? Bullet, chill. Hawak ko lang naman ang mag ina ko, walang masama dito." Sagot niya. Kumindat siya at hinalikan ang puno ng aking ilong.
"Hawak ko si baby kaya dapat hawak ko rin ang mommy, diba Cal?" baling niya sa bata. Sinubo ni Calliope ang daliri niya bago tumango.
"Opo! Pak ganern!" sagot ni Callie. Namula ako lalo pa't humalakhak si Seth.
"Anak ka nga ni Elizabeth. Adik ka rin." Bulong ni Seth bago hinalikan ang tambok na pisngi ni Calliope. Napailing na lamang ako at hinayaan na magkadikit kami ni Seth.
Napapikit ako noong isinandal niya ang ulo ko sa kanyang balikat. I don't know why but it feels..familiar. It feels like home. Ilang beses na akong niyakap ni Ruan pero iba pa rin ang pakiramdam ngayong hawak ako ni Seth. Parang walang mali dito.
Napailing ako. Bes, huwag ganern bes. Tama na bes. Masasaktan ka lang ulit kay Seth. Maghunus dili ka. Hindi naman ibig sabihin na nagjugjugan kayo at hinalikan niya ang dyoga ko ng bonggang bongga ay ayos na kami. Malay ko ba kung in heat lang siya ngayon at ako ang napagdiskitahan niya.
Pinakain namin si Calliope ng paborito nitong pasta. Si Seth ang nagsusubo sa kanya habang pinapanood ko lamang silang dalawa.
"What is her full name?" tanong ni Seth sa akin. Ngumuya si Calliope bago niya nilabas sa bibig niya ang isang buong hotdog.
"Mie, ayaw ko na." aniya. Kinuha ni Seth ang natirang pagkain sa kamay ni Callie at pinunasan siya.
"Calliope Thea Santaines." Sagot ko. Natigilan si Seth sa narinig bago huminga ng malalim.
"Santaines, huh? Talagang inalisan mo ako ng karapatan sa anak natin?" hindi naitago ang pait sa boses niya noong sinabi niya iyon. Hindi ako sumagot. Nagkibit balikat lamang ako at pinagkuha si Calliope ng tubig niya.
Ilang beses na huminga ng malalim si Seth bago muling nagsalita. "Ilang taon na si Calliope?" anas niya. Sasagot pa sana ako noong hinila ni Callie ang kamay ni Seth.
"Pap!" tawag nito habang nakalahad ang tatlong daliri niya. Lumapit ako at tumawa sa anak ko.
"Callie, two ka pa lang baby, di ka pa three." Sabi ko. Bumilog lalo iyong abo niyang mata at sinubo na lamang ang daliri niya.
"She's two years old. Magtithree pa lang siya sa August 9." Sagot ko. Kumunot ang noo ni Seth sa gulat.
"Kabirthday niya si Lola."
Tumango ako. "Kaya isinunod ko siya sa pangalan ni Ma'am Phoebe." Paliwanag ko. Lumambot ang ekspresyon ni Seth at hinaplos ang mukha ni Calliope.
"Lolo will be amazed once he sees her." Sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tumango na lamang ako.
Alam ko namang mangyayari iyon, lalo pa at alam na ni Seth ang tungkol kay Calliope. Hindi ko naman siya pipigilan na ipakilala ang anak ko sa pamilya niya. Calliope's a Montreal after all. She deserves it.
Ilang beses na katok ang narinig ko bago pumailanlang ang boses ni Ruan sa buong bahay. Maging si Callie ay napahinto sa pakikipaglaro kay Seth Nagpumilit si Callie na bumaba mula kay Seth para masalubong si Ruan.
"Pap!" tawag ni Callie kay Ruan. Ibinaba ni Ruan ang dala niyang box ng Barbie at inabot ang bata.
"Hello sweetheart!" Ruan said before kissing Callie's cheeks. Humagikgik iyong bata bago tiningnan ang box ng manika.
"Bawbie?"
"Yes sweetie, that's for you. Now, where's your Mie?" anas ni Ruan. Lumapit ako sa mga ito at niyakap ang kaibigan ko.
"You came? I thought you have work today?"
Ngumisi siya. "Nothing is more important than the two of you." Biro nito. Napailing na lamang ako at inalalayan siya sa pagbababa kay Calliope.
Tumikhim iyong si Montreal na nakasandal sa may bookshelf. Sa labi niya ay may mayabang na ngising nakaplaster roon. Lumapit siya kay Ruan na gulat na gulat na nakatingin sa kanya.
"Mr. Scotts." Bati nito. Tumingin si Ruan sa akin na parang nagtatanong. Ngumiti lamang ako at hindi na nagsalita.
"Mr. Montreal." Sagot ni Ruan bago sila nagkamay. Dinampot ni Seth si Calliope na tutok na sa kanyang bagong manika. Walang habas na kinuha ni Seth ang barbie at binato iyon sa mat.
"Honey, I'll buy you a dollhouse later." Seth said. Bumaling sa kanya si Calliope.
"Doll house Pap?" gagad noong bata. Ngumisi si Seth.
"Yes baby. I'll buy every Barbie that you want. Because I am your only Pap, okay?" mayabang nitong sabi. Tumingin si Callie sa akin bago kay Ruan. Tinuro niya ito habang kunot ang noo.
"Pap!" sabi niya habang nakatingin kay Ruan. Naalarma na ako noong nakita kong si Ruan naman ang ngumisi.
Kinuha ni Seth ang kamay ni Callie bago iyon dinala sa labi niya. "No, honey. I am your Pap. Not him, ako lang." he said. I bit my lip and looked apologetically at Ruan. Tumikhim naman ito bago ako nilapitan. Ginulo niya ang aking buhok at kinuha ang kanyang bag.
"I still have to finish some scripts. I'll go ahead---"
"Yes, thank you for visiting. Go now." Bastos na sabi ni Seth, kulang na lamang ay itulak pa niya si Ruan palabas. Noong makaalis ang kaibigan ko ay hinarap ko si Montreal.
"Ang bastos mo. Bisita namin si Ruan." Naiinis kong sabi. Umupo si Seth at ibinaba si Calliope sa mat nito.
"And I am your man, Elizabeth. Mas inuuna mo pang inisip iyong mararamdaman ng lalaking iyon bago sa akin? Bullshit naman." Mariing sigaw niya. Mabilis kong hinampas ng throw pillow ang bibig niya bago nilingon si Calliope na naglalaro.
"Yung bibig mo!"
Napahilamos siya sa kanyang mukha. "My child calls him Pap too. He can come here anytime he wants, he holds you like he has all the right in the world, and the fuck but I am richer than him! Ah! Nakakairita!" napatayo na siya sa sobrang inis sa akin.
"We just made love Ma. Elizabeth, pagkatapos ay ganito na?" aniya. I just rolled my eyes at him. Bahala ka Montreal. Nakakairita ka din. Pag ako nagalit, papakain kita kay Joker. O kaya kay Harley Quinn. Basta, sa kahit na sinong bida ng Squad Goals.
Tinalikuran ko siya pero hinagip niya ang aking braso. He pulled me towards his body and pressed me against him.
Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako ng mariin. "You are mine, Ma. Elizabeth. I've marked you. You are my rule, and no one can take you away from me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top