Oh!
17
"Hindi ka ba naaawa sa inaanak ko ha, Ma. Elizabeth? Jusko naman, bakla, kung pwedeng anakan din ako ni Mr. Montreal, di na ako magpapakapabebe pa. Tapos ikaw nag iinarte pa. How to be you po?" daldal ni Ma'am Tina sa akin habang ako naman ay inaayos iyong uniform ni Calliope. Isinasama ko na kasi siya sa school para naman kahit papaano ay makag aral na siya. Kahit saling pusa man lang.
"Naaawa ako kay Callie, siyempre. Kaya nga itinatago ko siya kasi naaawa ako sa kanya. Ayo slang na ako ang isuka ng ama niya, pero ang ipagtabuyan ni Seth si Calliope, Ma'am, di ko yun kakayanin. Ayaw kong masaktan ang bata." Sagot ko. Napangiwi ako lalo pa noong tinitigan ako ni Calliope. Hinaplos ko ang pisngi ng aking anak bago ito kinarga.
"You're being unfair Miss Santaines. Your fear of rejections makes you selfish." Anas niya. Hindi ko na pinansin si Tina. Lumabas na ako ng Faculty Room at dinala si Callie sa aming room. Pinaupo ko siya malapit sa teacher's table habang hinihintay ko ang pagdating ng iba ko pang mga estudyante.
Bumaba si Callie at pinaglaruan ang mga letters na mat sa sahig. Kinuha niya ang letter C at niyakap iyon bago ako nilapitan.
"Mie, Callie oh." Aniya sabay pakita sa akin noong letra. Tumango lamang ako at inayos iyong uniporme niyang nalukot dahil sa kanyang kalikutan.
Habang tinititigan ko ang anak ko ay hindi ko mapigilang hindi mabalik ang alaala ko sa nakaraan. Noong nasa may Italya pa ako at nagmamakaawang pakinggan ng tatay niya.
Hindi pa ako susuko. Iyon ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. Mahigpit ang kapit ko sa pregnancy test na nasa kamay ko habang nakatingin sa labas ng bahay ni Seth, hinihintay itong lumabas para pumunta sa trabaho.
Ilang oras na ako rito pero walang Seth na dumating. Hanggang sa mainip na ako at sinubukan ko nang kumatok. Inaasahan kong pagbubuksan niya ako pero ibang tao ang tumambad sa akin.
Magulo ang buhok noong babae, tanging ang pulang shirt na iniregalo ko pa kay Seth ang suot niya. Maga ang labi niya habang may mga pulang marka ang leeg niya pababa sa puno ng dibdib niya.
"Yes?" mataray na tanong noong babae. Napatalon ako mula sa pagtitig sa kanya bago ako muling nakapagsalita.
Magkasama ba sila ni Seth buong gabi? Kaya ba hindi pa lumalabas si Seth dahil sa napagod sila kagabi?
Pinigil ko ang luha ko at pinilit na ngumiti sa babaeng nasa harapan ko.
"Si Seth?" tanong ko. Ngumuso iyong babae bago sinarado ang pintuan sa kanyang likuran at hinarap ako.
"Tulog pa siya. Sino ka ba huh?" aniya. Nagulat pa ako noong nakakapagtagalog iyong babae.
"Ako.. secretary ako ni Seth-"
"Ako ang bagong secretary ni Seth. Are you the one he fired because of stealing?" sansala niya sa aking sasabihin. Nanlaki ang mata ko habang iyong babae ay natawa na lamang. Pinaikot niya iyong kulot niyang buhok sa kanyang daliri habang maarteng nakatingin sa akin.
"You're Bullet Santaines, right? I'm Jenifer Marquez, Seth's girlfriend slash secretary." Pakilala niya. Nilahad niya ang kanyang kamay at hinintay na kamayan ko siya.
Mas dumiin ang hawak ko sa PT na nasa aking kamay. Kapit lang Nak, baby, galit lang ang Papa mo kaya may ibang babae siyang kasama. Baby, babalik ang Papa sa atin, tiwala lang.
"Oh! Before I forgot, tutal narito ka na rin naman, may ibibigay na ako sayo. Wait there." Wika niya bago biglang bumalik sa loob. Ilang sandali lang ay bumalik na siya habang may hawak hawak na dalawang sobre. Inabot niya iyon sa akin.
"That is your paycheck and the temporary restraining order filed by Seth." Pagpapaliwanag niya. Marahas akong napatingin sa kanya habang siya ay ngumunguya ng bubble gum.
"Restraining order?" pagkaklaro ko. Iyong boses ko ay halos hindi ko na makilala.
"Uh huh. Mahirap na, baka kapag nakalapit ka ay magnakaw ka ulit." Tuya niya. Hindi na ako nakasagot at tuluyan ng nanlabo ang mata ko. Bumalik na iyong babae sa loob habang ako ay nakatitig lamang sa mga sobre na nasa aking kamay.
Bumalik ako sa apartment at binuksan ang restraining order na nakuha ko. Suminghap ako at agad kong tinakpan ang aking bibig. Huwag kang umiyak Bullet. Kasalanan mo ito. Normal lang ang reaksyon ni Seth. Galit lang si Seth. Tangina.
Ang sakit sakit na nito. Ang isuka ng taong pinagbigyan mo ng lahat lahat mo. Kung bakit hindi niya magawang makinig man lang. Kahit hindi niya ako patawarin agad, kahit makinig lamang siya.
Siguro ay ganoon talaga, hindi ba? Sa isang daang tamang nagawa mo, mabubura lahat iyon sa isang pagkakamali mo lamang. Mahuhusgahan ka agad at wala kang magagawa kung hindi ang tanggapin ang binabato nilang akusasyon.
Binuksan ko iyong sunod na sobre. Naroon ang isang cheke na nagkakahalaga ng dalawampu't limang libong dolyar. Limang beses na katumbas ng isang buwan kong sweldo sa kanya. Muli ko sanang ipapasok ang cheke para maibalik ko noong mapansin kong may mas maliit pang papel roon. Inilabas ko iyon at binuksan mula sa pagkakatupi.
Elizabeth,
Iyon ang bungad ng sulat. Sa tono pa lamang ay alam ko nang si Seth iyon. Sa kanyang sulat kamay ito, saulo ko iyon. Sa tatlong taon kong pagtatrabaho sa kanya ay kilala ko na ang bawat parte niya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
"Gusto kong malaman mo na pinuputol ko na kung ano man ang ugnayan na namagitan sa ating dalawa. I don't want you to think that we had a relationship, Miss Santaines. You were just like the rest of my girls. Mas malala nga lang ang sa iyo dahil habang may nangyayari sa atin ay tinatraydor mop ala ako. I couldn't let someone that I fuck betray me anymore.
I know this might sound harsh, but I am filing a TRO against you. I am protecting my family from you, I am protecting my business from you. I don't want to hear from you anymore. I hoped that you will understand my point now, Ma. Elizabeth. Hindi ko gusting maipakulong ka, pero kung magpupumilit ka pang lumapit sa akin o sa kahit na sinong Montreal ay mapipilitan akong ipahuli ka.
Good riddance.
Signed,
Seth Philip O. Montreal
Vice President, Casa Victoria Resorts and Hotels
"Mie, bakit ka iyak?"
Nagulantang ako noong maramdaman ko iyong maliliit na daliri ni Calliope sa aking mukha. Iyong bilugan niyang kulay abong mata ay nakatitig na naman sa akin. Kinuha ko agad siya at kinandong.
"Bakit ka iiyak Mie?" aniyang muli. Umiling lamang ako. Huwag kang mag alala Callie. Hindi ka masasaktan ng Papa mo. Dito ka lang kay Mie. Sa akin ay tanggap kita. Sa akin ay hindi ka masasaktan. Hindi ka mahuhusgahan sa akin, Calliope.
Noong dumating na ang mga estudyante ko ay doon ko pa lamang ibinaba si Callie. Masaya siyang nakikipaglaro sa mga pupils ko at nakikisabay sa pagkanta. Mas magaling pa nga siyang bumasa kumpara sa mga estudyante ko talaga.
Noong uwian na ay nagsidatingan na ang mga magulang ng mga pupils ko. Sumilip roon si Mr. Cruz at kumaway kay Erin, ang kanyang anak na babae.
"Daddy!" sigaw ni Erin. Patakbo siyang lumapit sa Daddy niya. Sinulyapan ko si Calliope na nakatitig lamang sa dalawa habang subo subo ang kanyang daliri. Binuhat ko ang bata pero hindi pa rin siya natinag sa panonood sa dalawa.
"Pap.." aniya. Hinaplos ko ang pisngi niyang bilugan kaya tiningnan niya ako.
"Pap!" tinuro niya iyong si Erin na karga na ng daddy niya. Ngumuso siya saka ako tiningnan.
"Mie, bili mo Callie Pap." Hiling niya. Napatitig lamang ako sa anak kong nakatingin rin sa akin.
"Hindi pwede baby eh." Sagot ko. Ngumuso siya tapos tiningnan ulit si Erin na karga karga ni Mr. Cruz. Nalukot ang mukha niya sabay tingin sa aking muli.
"Mie!" hiyaw niya. Kinaway kaway niya ang kamay niya at muntik ko na siyang mabitawan dahil sa likot niya. Ibinaba ko siya agad at hinawakan sa braso niya. Lukot na lukot na ang mukha niya at namumula na ang tungki ng ilong niya.
"I'll buy you French fries, you like?" pag aalo ko dito. Tumitig lamang siya sa akin ng masama.
"Ayaw ko fwench fwies. Gusto ko Pap!" sigaw niya. Bigla siyang tumakbo mula sa akin. Napatayo naman ako kaagad at hinabol ang anak ko. Ngunit dahil sa wedge na suot ko ay nahirapan akong habulin si Calliope.
"Calliope Thea!" tawag ko rito. Sakto ay nabuwal naman si Callie dahil sa sangang nakausli. Napatili ako at mas binilisan ang paglapit dito. Pumalahaw na sa iyak si Callie at umupo sa buhanginan. Humahagulgol na siya at puno na ng putik.
Masyado akong tutok sa paglapit sa anak ko at hindi ko na namalayan ang paglapit sa kanya nang kung sino. Binuhat nito si Callie at kinarga na lamang bigla. Natigilan naman ako noong makilala ko kung sino iyong kumuha sa anak ko.
"Sssh.." pagtatahan ni Seth sa bata. Pilit niyang inaalis ang kamay ni Callie na nakatakip sa kanyang mukha. Hinahaplos haplos pa niya ang likuran nito para mapatahan ang bata.
Ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanigas na ako at parang natulos habang pinapanood ko ang dalawa. Noong tuluyang naalis ni Seth ang kamay na nakatakip sa mukha ni Callie ay nanlaki ang mata niya. Ilang sandal siyang nakatitig sa anak niya na para bang isa itong malaking question mark na hindi niya masagutan.
"Mie!" atungal ni Callie bago umaktong hinahanap ako. Noong makita niya ako ay nilahad niya ang dalawang braso niya sa akin para magpakuha. Muntik pa siyang mabitawan ni Seth, mabuti na lamang ay naging maagap ito.
Mabilis akong lumapit sa kanila at kinuha si Calliope sa kanya. Sumiksik agad si Callie sa aking leeg habang humihikbi.
"Elizabeth.." nanginginig ang boses niyang tawag sa akin. Hindi ko pinansin si Seth at tinalikuran siya. Ngunit katulad na lamang noong nag uusap kaming dalawa sa TLE Lab, agad na nahuli ni Seth ang aking siko at napiglan ako sa paglalakad.
"Bullet.."
Hindi ko siya nilingon. Huminga lamang ako nang malalim.
"May sugat ang anak ko Seth, kailangang malinisan ito." Sagot ko. Doon ay binitiwan niya ako.
"Let's take her to the hospital then." Madiin na at may bahid ng galit ang boses niya. Ospital agad Montreal? Galos lang ito.
Hinarap ko siya at doon ko napansin na namumula ang kanyang mata. Nakatitig siya kay Callie na umiiyak pa rin sa balikat ko.
Nag iwas siya ng tingin at agad na tumalikod sa amin. Pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pagpunas niya ng kung ano sa kanyang mukha. Noong humarap siya sa amin ay madilim na ang mukha niya. Ang kanyang panga ay nagiigting at seryosong seryoso.
"Let me hold her, Elizabeth." Mapanganib ang tono niya. Namutla ako at mas humigpit ang kapit ko kay Calliope.
"N-no---"
Pumikit siya ng mariin. "Putangina Elizabeth.. parang awa mo na." nanginig ang boses niya maging ang kamay niyang nakalahad para abutin si Callie sa akin.
"Let me hold my child. Please." Aniya sa basag na tinig. Gumalaw si Calliope sa aking leeg at tiningnan si Seth. Nagtama ang mata nilang dalawa at hindi agad nakagalaw si Montreal habang nakatitig lamang sa bata.
"Bullet.." tawag niyang muli sa akin. Tinapik ko ang likod ni Callie at tumingin sa akin ang bata.
"Beh, bumili na ako ng Pap mo." Naluluha kong sabi. Lalong bumilog ang kulay abong mata ni Callie. Sinubo niya ang daliri niya at tiningnan ako.
"Saan Pap Mie?" inosente niyang tanong. Nilingon ko si Seth na naghihintay sa aming dalawa. Humakbang siya palapit sa aming dalawa. Hinaplos niya ang likod ni Callie kaya humarap dito ang bata.
"H-hey honey." Bati ni Seth dito. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Calliope.
"Ayan na si Pap mo, Callie." Sabi ko sa anak ko. Tinitigan lamang niya si Seth nang matagal. Ako naman ay halos hindi na makahinga sa kaba at saya. Kaba dahil baka ipagtabuyan kaming muli ni Seth at saya para sa anak ko dahil alam kong matagal na niyang hinihintay na magkaroon ng tatay.
Ngumiti si Calliope at pinunas ang daliri niyang puno ng laway sa pisngi ni Seth. Inilahad niya ang braso niya dito at nagpapakarga.
"Pap!" sigaw niya. Niyakap siya ng mahigpit ni Seth.
"Oh god!"
Tumalikod na ako at hinayaan silang dalawa na magsama muna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top