Midnight


11



Oh may gass! Tang in a lungs! Ang laki! Ang laki laki! Ang laki ng P ko...


Ang laki ng pimple ko. Pota. Namumula pa. Mukha tuloy akong may bungang araw sa aking perfect face.


Pinuntahan ko si Seth na abala sa pagsusuot ng polo niya. Nakaboxers pa lamang siya at gusto ko na namang pisilin ang pwet niya katulad na lamang ng ginagawa ko gabi gabi. Ganda ko diba?


"Ser, ser may pimple ako." Sabi ko sabay turo sa ilalim ng ilong ko. Lumapit siya sa akin at tinitigan iyong mukha.


"Saan?" Aniya. Aish, si Ser sa lalim nga ng ilong eh! Hinila ko iyong mukha niya at nilapit sa mukha ko.


"Ayan, nakita mo na?" Paninigurado ko. Lumayo siya agad sa akin habang namumula. Tumikhim na lamang siya at sinuot ang pantalon niya. Lumapit agad ako sa kanya at inayos ang pagkakatuck in nito bago ko nilagay ang belt niya.


Tatlong linggo na rin kaming nasa Pundaquit ngayon dahil sa pag aasikaso nila sa extension ng resort. Mas abala si Seth kumpara sa iba niyang kapatid dahil siya na ang nakatoka sa branch ng Casa Victoria sa Pilipinas. Si Sir Shawn naman ay babalik na sa Italya para sa main branch habang si Sir Seven Eight Nine Ten times two naman ay busy sa panliligaw ulit kay Ma'am Chantal.


"Ang sweet mo. May regla ka?" aniya. Sinapak ko ang bibig niya sabay tingin ng masama rito.


"Ulol." naiinis kong sabi. Like, yeah. I am so najijirits. Tanungin ba ako kung nagreregla ako eh alam naman niya yung sche ko. Asar siya. Tumawa na lamang siya at inabot ang kanyang neck tie.


Umupo ako sa kama habang nakakunot ang noo ko sa pwet niya. Gusto ko talaga siyang kurutin, ano ba yan. Bwisit naman eh.


"Mamaya hindi na kita masusundo ha? I have to see if the preparations for Lolo's birthday are all set. Kaya mo bang pumunta mag isa sa hotel?" aniya. Tumango lamang ako habang iyong tingin ko ay nakadikit pa rin sa pwet niya.


"Oo naman. Kayang kaya. Di naman ako tanga para maligaw." sagot ko pa. Humarap siya sa akin kaya ang natitigan ko na ay iyong toot toot niya. Asar.


"Talikod ka nga ulit Ser." utos ko. Kumunot ang noo niya bago binato sa akin ang isang throw pillow. Napanguso lamang ako habang siya ay nakakunot ang noo.


"Stop staring at my butt Santaines. Baka di ako makapagpigil." banta niya. Ngumisi lang ako at mabilis na lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi, nangigigil talaga ako sa kanya besh! Putek lang.


Lumapit na siya sa akin bago hinawi ang bangs kong maganda sa aking noo. Hinalikan niya ako roon at kinuha na niya ang kanya attached case.


"Laters, honey." sabi niya na ginagawa si Christian my labs. Napailing na lamang ako. Keri lang naman. Hot din naman si Ser. Jusko. Nangangalabog nga si heart kapag nandiyan siya eh.


Saktong pagkalabas niya ay ang pagtunog ng aking cellphone. Halos mapaungol pa ako noong makita ko ang pangalan ni Tita Monica sa screen. Huminga ako ng malalim bago iyon sinagot.


"Tita?"


"May expansion pala ang Casa Victoria sa Pundaqut, Elizabeth. Bakit hindi ko man lang nalaman?" akusa niya. Nakagat ko ang labi ko at hindi agad nakasagot.


"Maganda sa Pundaquit. Malaki ang makukuha nilang suporta mula sa mga turista diyan. Alam mo bang pwedeng masira ang resort natin kapag mas lumaki pa ang Casa ng mg Montreal na iyan?" tuloy tuloy niya pang sabi.


"Tita..."


"Simple lang naman ang dapat mong gawin Elizabeth! Bantayan mo lang sila! Kunin mo lang ang mga kopya ng renovations at design na maari nilang gawin para maunahan sila! Iyon lamang! Pero bakit ba napaka kupad mong magtrabaho ha? Manang mana ka sa ina mo. Kaya maaga iyong namatay eh!"


Nahigit ko ang hininga sa mga panlalait ni Tita. Pero hindi ako dapat sumagot. Ang sabi ni Mama ay dapat kong galangin ang Tita dahil siya ang susunod naming ina I Elliot.


"Sorry po Tita." sabi ko na lamang. Bumuntong hininga siya sa kabilang linya.


"Osya. Wala naman akong magagawa. By the way, birthday pala ni Sandro mamaya at may party sa hotel hindi ba? Pagkakataon mo na iyon. Ang sabi ng isang empleyado nila na binayaran ko, nakatago raw sa opisina ang kopya ng blueprint para sa disenyo ng renovation ng resort nila sa Italya. Kunin mo iyon mamaya at ipadala agad sa akin para makopya." utos nito. Nawalan ako ng lakas bago umiling.


"P-pero Tita.. Kasi po."


Napapikit ako. Paano ko iyon gagawin kung naroon ang buong pamilya ni Seth? Hindi ko na kaya ang ipinapagawa ni Tita sa akin. Ayaw ko ng nakawan ang lalaking tumanggap sa buong pagkatao ko.


Mahal ko si Seth. At ayaw ko na siyang pagtaksilan.


"Kasi ano Elizabeth? Umuurong ka na ba? Gusto mo bang itigil ko ang pagpapaggamot ko sa kapatid mo?!" sigaw nito. Tumingala ako para mapigilan ang luhang nagbabadyang mahulog.


"Iba na lang po ang ipaggawa ninyo Tita. Ayaw ko na pong magsinungaling----"


"I will only give you until midnight. Kapag hindi mo nakuha ang blueprint ay humanda ka ng maghanap ng ibang ospital para kay Elliot. Ipakita mong may utang na loob ka Ela." aniya. Napangiwi ako noong ginamit niya ang palayaw na tanging ang mga magulang ko lamang gumagamit para tawagin ako. Para bang ipinapaalala niya sa akin na wala na akong mga magulang at siya na ang may hawak sa buhay namin ni Elliot.


Noong matapos ang tawag ay napatitig lamang ako sa kisame. Naramdaman ko ang basang luha na tumulo mula sa aking mata bago ko agad iyong pinunasan.


No, Bullet. Huwag kang iiyak. Walang mangyayari sa pag iyak. Kailangan mong maging matapang at---


Napatigil ako sa pakikipag usap sa sarili ko noong umikot ang paningin ko. Napaupo ako bigla at mas lalo lamang akong nahilo. Pinunasan ko ang mukha ko at muling humiga.


Kailangan kong makaisip ng paraan. Hindi ko na lolokohin si Seth. Ayaw ko na.


Noong hapon na ay nakatanggap ako ng text mula kay Seth. Binasa ko iyon at napangiti ako sa kalandian niya.


'Honey,

Wear your black underwear tonight. It'll make me crazy.

-Ser Seth'


Sinunod ko ang gusto niya. Nagbihis agad ako at hinayaan lamang ang buhok kong nakalugay. Kaunting make up lamang bago ko sinuot ang pulang blackless na damit na pinag awayan pa naming dalawa. Sumunod naman ay ang itim na heels at handa na ako.


May naghihintay na sa aking sasakyan pagkalabas ko ng bungalow na tinitirahan namin pansamantala. Iyon daw ang maghahatid sa akin sa hotel kung saan naroon ang party ni Sir Sandro.


Pagkarating ko roon ay sumalubong sa akin ang mga ilaw at ang magagarang pananamit ng mga imbitado. Inayos kong muli ang damit ko at pumasok na.


Pagkahakbang ko pa lamang sa loob ay nakita ko na agad si Seth. Kumalabog agad si heart ko habang nakatitig sa kanya. Marahil ay napansin niya ako kaya agad niya akong nilingon. Lumawak ang ngiti niya noong makita ako at agad na nagpaalam sa kanyang kausap para lapitan ako.


"Hey." aniya. Hindi na niya ako hinintay pang sumagot. Hinapit niya ang beywang ko at hinalikan ako ng mariin.


"Are you wearing your black underwear?" tanong niya. Tumawa lamang ako.


"Bakit hindi ikaw ang tumingin para malaman mo?" paghamon ko. Napailing lamang siya bago ako niyakap ng mahigpit.


"Damn. You are such a naughty girl." aniya. Yumakap ako pabalik bago nawala ang aking ngiti.


Hinila niya ako at pinakilala sa iba pang myembro ng pamilya niya. Hawak niya ang aking kamay at kausap namin ang kanyang Papa at si Ma'am Tori.


"Ma, Pa. Bullet's my girlfriend now." pakilala niya. Lumuwag ang ngiti ni Sir Stan bago napapalakpak si Ma'am Tori.


"Finally Seth." anas pa ni Ma'am. Hinila nila ako at niyakap ng mahigpit. Sinagot ko iyon at halos manlambot ako.


Hindi nila alam na niyayakap pala nila ang isang taong nagtataksil sa kanila.


Mali na itong ginagawa ko. I am sorry Elliot. Pero hindi ito ang itinuro ni Mama. Hindi ito ang gusto ni Mama. Kahit kailan ay hindi tama ang pagsisinungaling.


Tumunog muli ang cellphone ko at nakita ko ang isang text message roon. Mula iyon sa numero ni Tita Monica.


'The doctor said Elliot needs to be operated immediately. Just want to inform you. You only have until twelve of midnight, Elizabeth.'


Para akong sinakal noong mabasa ko ang text na iyon ni Tita. Nilingon ko si Seth na masayang nakikipag usap kay Ma'am Serise. Tiningnan ko ang orasan at nakitang dalawang oras na lamang bago maghatinggabi.


"Bullet! Come here, honey." tawag sa akin ni Seth. Pinilit kong ngumiti at lumapit rito.


Nakita ko ang pagrolyo ng mata ni Ma'am Serise. "Seriously Seth. Ang inosente nitong si Bullet para patulan ka." pagbibiro nito bago ako binalingan.


"Mag ingat ka sa kuya ko ha? Naku, pag sinaktan ka niya, sabihin mo agad sa akin." aniya. Humigpit ang hawak ni Seth sa aking kamay.


"Nah. Kahit kailan ay di ko siya sasaktan. Baka nga ako pa ang masaktan nito eh." sagot ni Seth. Napatitig lamang ako sa kanya bago ngumiti.


Lumamlam ang mata niyang nakatitig sa akin. "Kayang kaya niya iyon. Ang durugin ako ng pinong pino." pabulong niyang sabi. Tumikhim lamang si Ma'am Serise bago umiling.


Patawad Seth. alam kong sabi ko ay hindi na ako magtataksil. Pero hindi ko kayang talikuran ang kapatid ko. Patawad.


"Seth, Seth. I get it. She's your rule. You don't need to be chessy and kadiri infront of me." masungit na sabi ni Ma'am. Ngumiti sa akin si Serise bago ako kinindatan.


"Spank my brother's ass for me, will you?" aniya bago patakbong yumakap kay Sir Stan. Napangiti lamang ako habang si Seth ay yumapos sa beywang ko.


"May problema ba? Bakit ang tahimik mo yata?" tanong nito. Tiningala ko siya at umiling.


"Wala. Ano, uhm. Nagugutom na ako Ser." sabi ko. Nawala ang ngiti niya bago ako binitiwan.


"I told you to always eat. Stay there, kukuha ako ng pagkain mo." masungit nitong sabi. Humiwalay siya sa akin at agad na lumapit sa buffet table. Habang nasa daan ay may iilang mga kumausap sa kanya.


Pasimple akong umalis sa party para puntahan ang opisina ni Sir Shawn. Ayon kay Tita ay naroon nakatago ang final blueprint para sa expansion. Iyon yata ang kailangan kong makuha ngayong gabi.


Dinukot ko ang mga susi ni Seth sa aking purse at agad na hinanap iyong duplicate para sa opisina ni Sir Shawn. Noong mabuksan ko iyon ay agad kong kinalkal ang kanyang mga drawer at cabinet. Dumako iyong tingin ko sa laptop nito at agad iyong binuksan.


Hinihingal na ako noong mapansin na may password ang laptop. Tiningnan ko ang orasan. Ilang minuto na lang bago maghatinggabi. Nakagat ko ang labi ko at halos maiyak na sa kaba.


Sinubukan kong muli ang table niya noong mabuksan ko ang pinakailalim na drawer. Kinalkal kong agad iyon at doon ko na nakita ang itim na folder. Binuksan ko iyon at nakitang iyon na nga ang blueprint. Mabilis kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Tita.


"Tita, nakuha ko na po ang blueprint" paalam ko. Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya.


"Really? Maasahan ka talaga Elizabeth. Umalis ka na agad diyan bago pa may makakita sayo." aniya. Hindi na ako sumagot at agad na lamang pinatay ang tawag. Inipon ko ang mga papeles at akma ng lalabas noong biglang bumukas ang pintuan.


"Yes, the security team said that someone is inside my office. Nakita sa CCTV..."


Napatigil si Sir Shawn sa pagsasalita noong makita ako. Halos manginig naman ako noong makita si Seven at Seth sa likuran nito.


"Elizabeth?" takang tawag ni Sir Shawn sa akin. Sa sobrang takot ko ay halos hindi ako makatingin kay Seth.


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sir Seven. Napayuko ako lalo na noong lumapit si Sir Shawn at hinila ang mga dala dala kong papeles.


"Fuck it. It was you?" bintang niya. Napakapit ako sa lamesa at hindi ako makatingin.


"Bullet.." narinig ko na ang boses niya. Pinunasan ko ang luha ko at umiling.


"Seth! Your girlfriend is the culprit?" sabi ni Sir Shawn. Nilingon ko si Seth na naninigas ang panga.


"Ma. Elizabeth!" tawag niya sa akin. Napahagulgol na ako sa sobrang kaba.


Ito na Bullet. Ito na ang kinatatakutan mo. Matatapos na ang fairytale mo.


"Iwan niyo muna kami." utos ni Seth. Nilingon siya ni Shawn.


"What?"


"I said leave!" sigaw ni Seth. Napatalon pa ako sa atungal nyang iyon. Tahimik na lumabas ang dalawa at naiwan kami ni Seth sa loob.


"Is it true?" malamig niyang tanong. Napaupo na ako sa sahig at mas lalong umiyak.


"Putangina Elizabeth! Sumagot ka! Ikaw ba ang nagnanakaw ng lahat ng mga blueprint namin?!" aniya. Napahawak ako sa dibib ko at tiningnan siya.


"Elizabeth!"


"Oo! Oo ako!" pag amin ko. Nawalan ng kulay ang mukha niya habang nakatingin sa akin.


"Puta. Putangina!" pagmumura niya. Hinablot niya ang mga papeles na kinuha ko at binato iyon sa aking paanan.


"Niloko mo ako ng dahil lang diyan?! Tell me Elizabeth, magkano ang binayad nila sayo? Fuck! Fuck!" galit na galit niyang sabi. Pinunasan ko ang palad ko at tinitigan siya.


"Sorry Seth.." ang tangi ko na lamang nasabi. Tumayo ako at akma sana siyang lalapitan pero lumayo siya sa akin.


"Seth... Magpapaliwanag ako. P-please, Seth, makinig ka muna. H-hindi ko ito ginusto---"


"Bullshit! Bullshit Bullet!" aniya. Napatalon ako sa sobrang takot sa kanya.


"I thought you are different. Pero hindi. Katulad ka lang pala nila. Pera ko lang ang gusto mo, hindi ba? Nagpakama ka pa talaga sa akin para lang sa pera?" nandidiri niyang sabi. Umiling ako kahit hindi pa man siya natatapos.


"S-seth hindi. Makinig ka muna!" nagmamakaawa ko ng sabi. Lumuhod akong muli sa harapan niya para humingi ng tawad.


"Patawad Seth. Wala na akong pagpipiliian." sabi ko rito. Tiningala ko siya. Iyong mata niyang dati ay punong puno ng pag aalaga para sa akin ay nawala na. Napalitan na iyon ng galit at pandidiri.


"Umalis ka sa harapan ko Elizabeth." aniya. Isang malakas na hagulgol ang lumabas mula sa akin. Akma siyang aalis noong tumayo ako at pinigilan siya. Hinawakan ko ang braso niya para mahinto siya.


"Seth, utang na loob."


"Get your hands off me." madiin niyang sabi. Lumapit siya sa pintuan at akma na iyong bubuksan noong niyakap ko ang kanyang likuran.


"Seth.." basag ang boses kong sabi. Nanigas ang kaniyang katawan at hindi na nagsalita.


"M-mahal kita. Seth, mahal na mahal kita." anunsyo ko. Naramdaman ko ang lamig ng kanyang kamay na hinawakan ang braso kong nakayakap sa kanya. Umahon ang pag asa sa puso ko pero agad din iyong nawala noong kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya.


"You are a lie. Your words are lies. Everything about you was a lie. That... saying that you love me, of all the lies you did Ma. Elizabeth, this is what I loathe the most. Fuck your lies. You.. you're just like everyone else." madiin niyang sabi. Napabagsak ako sa sahig at umiyak na lamang.


"I am terminationg you as my secretary Miss Santaines. Get out of Casa Victoria. You are no longer my secretary. And I? I am no longer your boyfriend. Get out of my life." basag ang boses niyang sabi. Sinara niya ang pintuan at naiwan na lamang akong humahagulgol sa opisina.


Ilang sandali lang ay agad akong tumakbo palabas ng hotel. Muntikan pa akong madapa nang dahil sa sapatos ko. Agad ko iyong inalis noong nasa may hagdanan ako. Nagpara ako ng sasakyan at umalis sa lugar na iyon.


Saktong pag andar ng sasakyan ay ang pagtunog ng malaking orasan. Napatitig ako sa kamay ng oras at lalong napaiyak.


Hatinggabi na.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top