Honey


15



Nagpatuloy ako sa pagtakbo sa may dalampasigan. Maaga pa at wala pang gaanong tao sa may dagat kung hindi ang mga mangingisda lang. Wala pang araw at sinadya ko talagang agahan ang pagjojog para naman maganda ako. Pak ganern bes.


Noong mapagod ako ay lumapit ako sa puno ng buko at umupo roon. Sinandal ko ang ulo ko at sandaling pumikit. Nalunod ng musikang pinapakinggan ang mundo. Huminga na lamang ako ng malalim at muling bumalik sa akin ang alaala noong nasa Italy ako at nagmamakaawang makausap si Seth.


"Seth.." tawag ko rito. Nakailang katok na ako sa pintuan niya pero hindi pa rin niya ako pinagbubuksan. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa lamig. Maulan sa Rome ngayon pero hindi ko ito ininda. Noong sinabi ni Sarah na bumalik na si Seth sa Casa Victoria ay agad akong nagmadali para puntahan siya.


'I stand before you accused of many crimes,

But I want to believe that love can still survive'


Nagbukas ang opisina niya at ang malamig na tingin niya ang sumalubong sa akin. Napahakbang ako palayo sa kanya habang siya ay nakatitig lamang sa akin.


"What are you doing here? Sinong nagpapasok sayo dito sa Casa?" aniya. Pinagsalikop ko ang kamay ko sa sobrang panginginig. Kinakabahan ako lalo pa't kitang kita ko kung gaano kalaki ang galit ni Seth sa akin ngayon.


"Gusto sana kitang makausap---"


Pagak siyang tumawa. "I am a busy man Miss Santaines. Hindi ako basta bastang nakikipag usap sa kahit na sino. Now, if you'll excuse me." sabi pa niya sabay hawi ng kamay niya, tanda na pinapaalis na talaga niya ako.


Kinagat ko ang labi ko at di ko na napigilan ang aking hikbi. Tinakpan ko ang bibig ko pero huli na dahil narinig na ni Seth iyon. Tumaas lamang ang kilay niya at umigting ang panga habang nakatitig sa akin.


"Why are you crying?"


Tinitigan ko siya. "I'm sorry. Seth.. hayaan mo naman akong magpaliwanag." sabi ko rito. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Buong katawan ko na ang nanginginig sa sobrang lamig, basang basa na ako at natatakot sa magiging reaksyon niya.


Buong buhay ko ay tinago ko ang lahat ng sakit na nararanasan ko. Ayaw kong magpatalo sa sakit dahil alam kong ang tanging taong makakapitan ko ay ako lang. Hindi ako pwedeng magpakain sa sistema ng sakit dahil ako rin lang ang mahihirapan.


Pero habang tinitingnan ko si Seth ay natatakot ako. Sa lahat ng sakit na naranasan ko, magmula sa pagkamatay ng mga magulang ko hanggang sa pagtataksil ng kapatid ko sa akin, ito na ang magiging pinakamasakit. Ang titigan ka ng mahal mo ng buong galit. Ang hindi paniwalaan ni isang salitang lumalabas sa bibig mo.


Ito na ang pinakamasakit. At alam kong kahit na ano pang mangyari, oras na hindi ako tanggapin ni Seth ay matatalo na ako ng sakit.


"Why would I even listen to a liar Ma. Elizabeth? Sapat ng nagawa mo akong tanga. Hindi ko na uulitin pa iyon." marahas niyang sabi. Tumalikod siya at nagmamadaling lumayo. Sa sobrang pagkadesperado ko ay hinabol ko siya. Ilang beses pa akong muntik madapa dahil sa basa kong sapatos pero hindi ako tumigil hanggang sa maabutan ko siya.


"Seth!" tawag ko sa kanya. Basag na ang boses ko mula sa pinaghalong lamig at pag iyak. Tumigil siya pero hindi niya ako hinarap.


"Maghihintay ako hanggang sa handa ka ng makinig sa akin. Seth, mahal kita. Oo, siguro nagsinungaling ako sayo. Pero sa lahat ng ginawa ko, maniwala ka, ito...itong pagmamahal ko sayo, totoo. Kahit na balahura ka o manyak, mahal pa rin kita. Mahal kita Seth Montreal." umiiyak ko ng sabi. Hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan niya. Namulsa lang siya at umiling.


"Then throw your love Bullet. I don't have any use for that. Hindi naman kita mahal kaya hindi ko gugustuhin ang kapalit." matigas niyang sabi. Hindi na ako nakasagot pa. Tuloy tuloy lamang ang pagluha ko habang pinapanood siyang maglakad palayo.


'Tell me honestly, if you're still loving me

Looking into my eyes, honestly

Words have more meaning, if they're said at certain times

I need you now so I can feel alive

How would you know it, you wont give me sometime

To see if everything could work out, and you'd be mine'



Hindi ko namalayan na tumutulo na ulit ang luha ko. Sabi naman kasi sa inyo bes, sa lahat ng sakit na pinagdaanan ko, iyong kay Seth talaga ang hindi ko makalimutan. Sobra sobra ang sakit noon bes. Sobra.


But I guess, I learned from that pain. Maybe that is how pain works. Kung maliit na sugat lang hindi ka matututo. Pero kapag nabugbog ka, doon ka pa lang mag iingat. I learned that the hardest lessons are the most painful. And the most scarred people are the strongest.


Pero bes, di ako galit kay Seth ha? Gets ko naman pinaghuhugutan niya. Niloko ko siya eh. Atleast nagkaroon ako ng Calliope ng dahil sa kanya. Si Callie lang, sapat na. May kanya kanya na kaming buhay dalawa, at hindi ko na siya binabalak pang balikan. Tahimik na ang buhay niya kasama iyong dilaw na babae at masaya na rin ako kasama ang anak ko. Someday, I will find a man whom I can love again. And I hope that man won't throw my love and learn to love me for who I am.


Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ay hindi ko kaagad naramdaman ang paggalaw ng binti ko. Noong magdilat ako ay nagulat pa ako noong makita si Seth na sinisintas ang sapatos ng sintas ko.


"Pucha!" sigaw ko. Nilingon lamang ako ni Seth at hingpitan ang pagsisintas sa sapatos ko.


"Anong ginagawa mo diyan?" kinakabahan kong tanong. Tumayo lamang siya at uminom ng tubig. Ilang butil pa ang tumapon sa bibig niya at tumulo sa leeg niyang basa ng pawis pababa sa dibdib niya. Napalunok ako at umiwas ng tingin.


"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo lang ako pinapansin. I've been running after you for about an hour now hon." reklamo niya. Anoooo raw bes?!


"Hinahabol mo ako?" pagkaklaro ko. Sumama lamang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako at pinagpagan ang puwit kong nakapitan ng buhangin.


"Oo." simple niyang sagot. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi agad nakasagot.


"Tumigil lang ako noong natulog ka sa may puno. I sat there.." aniya sabay turo sa isang sun lounger malapit sa kung saan ako nagpahinga. "...waiting for you to wake up." paliwanag niya. Hindi ko napigilan ang pamulahan sa mukha. Siya naman ay nakatitig lang sa akin at hindi inaalis ang tingin sa aking mukha.


"Uhm, ano, mauuna na ako. May pasok pa ako ngayon---"


"It's Sunday today Elizabeth."


Nanlaki ang mata ko. Di nga bes? Bes, putangina, niloko ako ng kalendaryo namin! Kalendaryo na nga lang lolokohin pa ako. Sad life.


"Eh? Ano.. May gagawin pa ako sa bahay. Oo, yun nga. Hehe. Una na ako." paalam ko. Sinuot ko ng muli ang earphones ko at nagmamadaling tumakbo palayo kay Seth. Noong nilingon ko siya ay nakatayo pa rin siya sa may puno at pinapanood akong tumakbo.


Muntik pa akong madapa noong nakita kong tumakbo siya papunta sa kabilang dirkesyon. Iyong puti niyang tshirt ay bumabakat na sa katawan niyang basa na ng kaniyang pawis. My gosh bes! Naalala ko tuloy noong pinagpapawisan siya kapag nasa ibabaw ko---


Ayy! Stop Bullet! Stop the maharot thoughts! Jusko, porket virgin ako for two years ay kung ano ano ng pumapasok sa utak ko. Kakaloka bes. Pak ganern.


Pagkarating ko sa bahay ay naglalaro na si Calliope sa mat niya. Nakapigtails ang buhok niya at suot suot ang ipit na binigay ni Seth kahapon sa kanya.


"Mie! Bawbie oh!" sabi ng anak ko sa akin. Lumapit lamang ako sa kanya na naglalaro.


"Mie, baby ni Callie si bawbie." pagkekwento niya. Gumapang siya papunta sa akin at kumandong sa hita ko.


"Talaga? Nasaan si Papa ni barbie?" tanong ko. Ngumuso lamang si Calliope at tumulo ang laway.


"Wala Pap." aniya at sinusuklayan pa rin ang barbie doll niya. Ilang sandali pa ay bigla siyang humarap sa akin. Iyong bilugan niyang mata na minana niya kay Seth ay nakatingin ng diretsyo sa akin.


"Nasaan Pap ni Callie Mie?" inosente niyang tanong. Sinubo niya ang daliri niya habang ako ay hindi agad nakasagot.


"Ha?"


"Wala Pap si Callie?" tanong ulit niya. Napabuntong hininga ako at niyakap na lamang ang anak ko ng mahigpit.


I'm sorry Calliope. Pero hanggang ngayon ay durog pa rin ako sa sakit na dulot ni Seth. Ayaw ko lang maramdaman mo rin iyon. I will protect you from any pain baby.


Buong araw lang kaming naglaro ni Calliope. Noong gabi na ay agad ko rin siyang pinatulog dahil may bridal shower ang kasama namin sa trabaho na si Tina.


"Mauuna na po ako Nana." paalam ko sa yaya ni Callie. Tumango lamang ang matanda at nagpatuloy sa pagtatapik sa pige ni Callie. Dumiretsyo na ako sa kwarto at agad na naghanap ng masusuot.


Kinuha ko ang blue kong tube dress. Nagsuklay lamang ako at kaunting pulbos at lipstick at agad na rin akong lumabas. Nasa may tapat na ng bahay ang mga kaibigan ko at hinihintay ako.


"Ansabe ng damit mo Elizabeth? Ang daring ah." bati ni Tess sa akin. Tumawa lamang ako at hindi na sumagot. Hindi naman kasi ito daring talaga. Medyo mababa lamang ang neckline at maiksi ang tabas. But it's still elegant, don't worry. Di naman ako papakabog sa mga hipon sa bar mamaya noh?


"Parang wala pang anak itong si Bullet. Ang ganda ng katawan." dagdag pa noong kasamahan ko. Humarap ako at tumawa.


"Siyempre~" pakanta kong sagot. Tawanan lamang kaming magkakaibigan hanggang sa makarating kami sa Nocturnal Disco. Pagkapasok pa lang namin ay naghiwahiwalay na ang mga kasama ko. Iyong iba ay agad na pumunta sa bar at iyong iba ay naghanap ng mapepwestuhan. Ako naman ay nadamay sa mga taong excited makarating sa gitna at sumayaw.


Noong nandoon na ako ay hindi na rin ako nagpabebe pa. Tinaas ko agad ang kamay ko at pumikit para sumayaw na rin. Ilang sandali lang ay may naramdaman na akong sumasayaw sa likuran ko.


Napasinghap ako noong maramdaman ko ang paghila niya sa laylayan ng damit ko. I can feel his breath on my neck and his chest on my back. Lumunok ako at pinilit ang sarili kong lumayo pero hindi ko magawa.


"Hey.." paos ang boses ng lalaki. Nalunod pa iyon sa sobrang lakas ng musika sa club.


'Cause I, think you're from another world,

and I, I couldn't love another girl.

cause you, you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.

To the sky, flying high, take me to the moon,

day or night, we don't have to say a word,

cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.'


Mas lalong dumiin ang katawan noong lalaki sa akin. His hand is splayed on my flat tummy while he is grinding behind me. I can already feel his hardness on my back but I kept on dancing.


Hinihingal na ako sa sobrang init ng nararamdaman ko. This is the firsttime I danced like this. This is the first time I freed myself like this.


Naramdaman ko ang labi noong lalaki sa leeg ko. Napasinghap ako at mas lalong napapikit. Iyong kamay niya ay nasa ilalim na ng dibdib ko. Kaunting taas na lang ay mahahawakan na niya ako.


"Why still so hot, honey?" bulong nito. Tumaas ang balahibo sa batok ko sa lalim ng boses niya. I breathe in. Tangina Bullet, you're flirting with a stranger!


'To the sky, flying high, take me to the moon,

day or night, we don't have to say a word,

cause you make me feel like I'm intoxicated, toxicated.'


"I'm not your honey Mister." sagot ko. He chuckled and made me face him. Dumilat ako at ganoon na lamang ang gulat ko noong masilayan ko ang mukha niya.


Puta bes!


"You're my honey." anas ni Seth. Nanlaki ang mata ko at akmang lalayo dito noong humigpit ang hawak niya sa akin.


"Seth!"


"Mabuti at pinapayagan ka ng asawa mong lumabas ng ganiyan ang suot mo Bullet. Kung ako si Ruan, ikukulong kita sa kwarto ko, sa ilalim ko, dito lang sa akin. Hindi kita palalabasin ng ganiyan ang suot kung hindi rin ako kasama." aniya. Lumibot ang mata niya sa buong mukha ko. His eyes are full of passion and an unnamed emotion. Napalunok ako at pilit siyang tinulak.


"Your husband is stupid." aniya matapos ay ngumisi. "Or maybe he is not your husband after all." mapanganib niyang sabi. Nanlamig ako at napatitig lamang sa kanya.


"R-ruan..he's my husband." pagsisinungaling ko. Humigpit ang hawak niya sa akin. Tumaas ang labi niya bago lalong dinikit ang katawan sa akin. Nakagat ko ang labi ko at pinakawalan naman niya iyon.


"Is he?" he taunted. Tinitigan ko siya.


"Oo nga sabi eh---"


"Bakit Santaines pa rin ang apelyido mo?" pagputol niya sa sinasabi ko. Abot abot na ang kaba sa dibdib ko. Tinulak ko siyang muli pero hindi siya nagpatinag.


"Wala ka ng pakialam doon! Puta Seth, bitaw na nga!" naghihisterikal ko ng sabi. Tumawa lamang siya ng tumawa habang ako ay di na mapakali sa kaba.


Kalandian mo kasi Elizabeth! Sige, sayaw pa ng sayaw! Pucha!


Binuka ko ang bibig ko para sumagot pa sana noong yumuko siya at sinakop ito. Agad kong naramdaman ang dila niya sa loob ng bibig ko. Lumipat ang kamay niya sa batok ko at mas pinalalim ang halik niya sa akin.


Hindi ko napigilan iyong luha ko habang hinahalikan ako ni Seth. Bumalik iyong sakit sa dibdib ko habang magkalapat ang mga labi namin. Hindi ko na namalayan pero iyong braso ko ay pumulupot na sa leeg niya, mas hinihila pa siya.


Noong humiwalay siya sa akin ay di pa rin niya ako binibitawan. Pinagdikit niya ang mga noo namin bago mayabang na ngumisi. He touched my lip while grinning dangerously.


"You have been a very, very bad girl honey."


-----------------------------------------------------

Songs Used:

Harem Scarem - Honestly

The Cab - Intoxicated


Callie with her parents. :)


Bullet in the blue dress.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top