Hanging by a Moment
5
Gustong gusto ko nang magpagulong gulong sa kama habang hinihintay ang reply ni MushroomPalitaw. Nakatitig lamang ako sa screen habang naroon ang notifications ng pagtatype niya.
Noong magting ang aking computer ay napatili ako. Tutok kong binasa ang message niya.
Fr: MushroomPalitaw
Di ka pa ba inaantok?
Pucha! Iyon lang sinabi niya pero nanginginig na ako sa gilid. Tae lang!
Agad akong nagtype ng reply para sa kanya.
To: MushroomPalitaw
No yet. Hihi.
Suminghot ako habang iniscroll kong muli ang screen para basahin iyong nakaraang messages namin. Kinikilig talaga ako habang kinikwento niya sa akin iyong babaeng crush niya sa opisina nila.
Ang sabi ni Mushroom ay may babaeng nakakarita daw sa sobrang pagiging tanga doon sa trabaho nila pero di raw niya mapigilan ang sariling hindi ito magustuhan. Tae! Kinikilig ako sa ganyan.
Saan ba makakahanap ng lalaking ganyan? Iyong kahit bobo ka ay matatanggap ka?
Nangalumbaba ako at muling hinintay ang kanyang reply. Ngunit nakalimang minuto na ay hindi pa rin ito sumasagot. Hanggang sa mawala na ang green na bilog sa gilid ng pangalan niya.
Sinara ko na lamang ang laptop bago ko kinuha iyong mga librong dapat kong basahin. Ininom ko iyong kape ko bago inayos ang kumot sa aking paa at muling nag aral.
Hihi. Inuna ko muna landi ko bago ako nagbasa. Huwag niyo akong gagayahin ha?
Lingid sa kaalaman ni Seth ay nag aaral ako bawat Sabado. May crash course kasi dito sa Italy kaya itinuloy ko ang kurso kong Education. Kahit naman kasi lulutang lutang utak ko minsan, nakakapag aral pa naman ako. Kasalanan ko bang naiistress brain ko sa gago kong boss. Ikaw ba namang maging yaya/secretary nun, ewan ko na lang kung magsusurvive ka.
Minsan nga naiisip ko na di niya kayang mabuhay ng wala ako. Kawawa naman this guy. Kaloka.
Noong umaga ng linggo ay agad akong nagising. Halos mamilipit ako sa sakit noong kumirot na naman ang puson ko.
Pisteng bakla! Ang sarap ipatanggal ng ovaries ko. Jusmiyo. Kumukulot yung buhok ko sa sobrang sakit.
Di ko kayang tumayo sa higaan dahil sa sakit. Halos mapangiwi talaga ako sa so much hurts. Nakakatangina ang sakit. Sinasaktan na nga ako ng mga lalaki pati ba naman puson ko sasaktan pa ako?
Where is the justice?
Nakanganga lang ako sa dingding ko noong biglang bumukas ang pintuan ng aking apartment. Sinilip ko iyon at nakita ko si Seth na inaalis ang kanyang sapatos habang kunot ang noong nakatingin sa akin.
"Ser~" mahina kong tawag rito. Ibinaba niya ang plastik niyang dala bago hinawi ang kurtinang naghihiwalay sa aking kwarto at sa sala.
"Why are you still in bed?" aniya bago umupo sa gilid ng aking kama. Napatingin siya sa aking labi kaya mas lalo akong ngumuso.
Pinalo niya ang bibig ko. "Mukha kang bibe."
"Aray naman kasi Ser. Ngumunguso na nga ako para di ka mahirapan titigan eh."
"Baliw." umiiling niyang sabi. Pinilit kong tumayo para asikasuhin ang aking bwisitang gwapo.
"Di ah. It's just a form of impression--"
"Expression Bullet."
Winagayway ko ang kamay ko at sinuot ang aking slippers na puro feathers at glitters na malandi.
"Pareho lang iyon Ser. Iba lang ang spelling." katwiran ko. Pagkatayo ko ay narinig ko ang pagsinghap ni Seth. Hinarap ko siya at nakatingin siya sa aking puwitan.
Ayan na naman siya eh! Naiinggit na naman siya sa puwit ko!
"Ser!" tawag ko dito. Tiningnan niya iyong hinigaan ko bago huminga ng malalim.
"May stain ka Elzabeth. Magpalit ka nga ng pads. Bumili ako para sa heavy flow." sagot niya. Napahawak ako sa puwit ko at dinama iyon. Noong maramdaman ko ang basa ay agad ko iyong inamoy.
"Elizabeth!"
"Ay palakang narape ng kabayo!" sigaw ko sa gulat. Laki ang mata ni Seth habang nakatitig sa aking inaamoy ang aking kamay.
"Why are you smelling your hand? You touched your ass!" maarte nitong sabi. Sus, ang arte.
"Kinaganda mo yan Ser? Arte nito." sabi ko sabay lapit sa kanya. Tinapat ko ang kamay ko sa ilong niya at agad siyang umiwas.
"Fuck Bullet! Amoy dugo!" reklamo niya. Tumawa lang ako at pinunas sa shirt ko iyong kamay ko. Kumuha agad ako ng shirt at underwear bago ko naman dinampot iyong dala kong pads.
"Ipagtitimpla kita ng tsaa. Kung bakit kasi di mo turuan ang sarili mong uminom ng kape eh." reklamo niya habang kumukuha ng pampalit ng kobre kama kong natagusan rin.
"Ser naman, bitter na nga ako sa buhay ko, iinom pa akong bitter? Eh di ang pait pait ko na? Paano pa ako makakapag asawa noon?" tanong ko. Tiningnan lang niya ako bago inilagay ang isang bag ng tsaa sa may takure.
"I like bitter things." aniya. Ngumuso ako at pumunta sa banyo.
Like daw niya bitter things? Kadiri my gass! Di talaga kami comfortable ni Ser, wala kaming pagkakapareho. Haay sayang naman this.
Noong makapagbihis na ako ay may nakahanda na akong tsaa. Siya naman ay nagkakape at nakasalampak na sa aking sofa. Lumapit ako sa kanya at umupo sa may tabi niya.
"Masakit pa ba?" tanong niya. Sumimsim ako sa tsaa bago suminghot.
"Ang alin Ser? Ang puso ko o ang puson ko?" anas ko. Tumaas lang ang labi niya bago ako pinitik sa noo.
"Tange. Siyempre yung puson mo." sagot niya. Hinimas ko ang noo kong sinaktan niya.
"Syempre masakit pa Ser, kitang dumudugo pa diba? Diba? Palibhasa kasi kayong mga lalaki mahilig manakit ng mga babae kaya kahit dumugo di pa rin ninyo halata kasi sanay na kayong manloko!" sigaw ko. Namilog ang mata niya bago ako tinitigan.
"Tsk. Where the hell did you get that?"
Umiling ako. "Di ko kinuha yan Ser, inisip ko talaga yan. Ikaw ha? Aakusahan mo pa akong plundering." sabi ko. Kinurot na naman niya ang pisgi ko at napasigaw ako.
"Plagiarizing Bullet. Anong plundering ka diyan."
"At sabi ko nga Ser, pareho lang yun. Basta magkatunog. Hay you are very stressing me." sabi ko sabay higa sa kanyang hita. Umiling lamang siya at bumuntong hininga.
"Ser?" tawag ko rito. Niyuko lamang niya ako sabay haplos sa aking buhok.
"Oh?" aniya habang di pa rin tumitigil sa paghaplos sa aking buhok. Hinawakan ko ang kamay niya at pinahinto iyon.
"Ser naman! Huwag niyo nga akong binebaby!"
Ngumisi siya. Pucha! Ang gwapo nemen dude! Tangina lang!
"Bakit? Baby naman kita ah?" swabe niyang sabi. Umingos lang ako at umiling.
"Gago. Di mo ako anak Ser. Ambisyoso." sabi ko. Tumawa lamang siya at hinaplos na naman ang buhok ko.
Di na ulit ako nagsalita habang ginagawa niya iyon. Patuloy lamang siya sa paghawak sa akin hanggang sa bumigat na ang talukap ng mata ko. Inabot ko iyong butones ng kanyang polo at pinaglaruan iyon.
"Ser, kantahan mo nga ako. Bilisan mo." utos ko. Narinig ko ang pagmumura niya.
"Ikaw ba ang boss? Kung makautos ka---"
Sumiksik ako sa kanya. "Si Mama ko dati Ser, kinakantahan ako pag may masakit sa akin. Tapos magic kasi kapag gigising ako wala na yung sakit." sabi ko. Napatahimik siya at tinitigan ako. Ako naman ay patuloy lamang sa paghuhubad...este pagbubukas sa kanyang polo. Shit, sisilipin ko lang ang abses niya.
Nilaro ko ng daliri ko iyong hati sa may tiyan niya habang siya ay nakatingin lamang sa akin. Iyong daliri niya ay patuloy sa pagsusuklay sa aking buhok bago siya nagsimulang sumipol.
'I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held on to
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you'
Napangiti ako noong marinig ko iyong malalim na boses ni Ser. Sa sobrang lalim ay nakakalunod na. Ang sarap sa tengang pakinggan at talagang nakakaantok.
Nahulog na iyong kamay ko at napapikit na ako ng tuluyan. Siya naman ay di pa din tumitigil sa pagkanta.
"I'm falling even more in love with you." kanta niya pa rin na nawala sa tono.
---------------------------
Mabagal na UD. Nagsimula na kasi ang klase sa amin.
Song Used:
Hanging By A Moment - Lifehouse
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top