Guest Speaker


12



Nakakairitang hindi ko madownload ang PokemonGO. I want to be Ash, the best Pokemon Monster in the world! Chos. Hahaha, pak ganern. Kakaloka.


Huminga ako ng malalim at inayos ang nakapasak na earbuds sa aking tenga. Patuloy lamang ako sa pagtakbo sa tabing dagat habang hinihintay ko ang paguumaga. Kailangan ay makabalik din ako sa apartment kaagad bago pa magising si Ruan. Walang aalmusalin iyon.


Noong nasa may dalampasigan ako ay nag inat na lamang ako. Tinitigan ko iyong langit na nagiging kahel na dahil sa araw. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at pumikit.


This is the feeling of freedom. Haha, nagulat kayo ano? Nakakapagingles na ako bess. Tatanga tanga pa rin pero magandang maganda na ako ngayon. Tatlong taon na rin naman ang nakalipas. I needed an upgrade. Hindi naman pwedeng papalamon lang ako sa sistema. Hindi pwedeng papatalo lang ako sa sakit.


'Dont know why I did that to you

i swear i thought you made me complete

Sorry i made you look like a fool

But I needed someone here with me'


Aaminin kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naalala ko iyong pagtaboy sa akin ni Sir Seth. Pero hindi ko naman siya masisisi hindi ba? Kasalanan ko iyon. Kasalanan ko kaya ako mismo ang unang lumayo.


Hindi ko na alam kung naano na siya ngayon. Baka may asawa na iyon at anak. O kaya baka naman ay nakikipagjugjugan na iyon sa kung sino. Malandi rin naman kasi si Montreal eh.


Dumilat ako at naalala ko na naman iyong gabing iyon. Napangiti na lamang ako ng mapait. Halos isuka niya ako noon, kulang na lang ay ipakaladkad pa niya ako makalayo lamang sa kanya. At kahit gaano kasakit para sa akin iyon, alam kong tama naman ang naging reaksyon niya.


'Why weren't you there when I needed you by my side

Why weren't you there when you made everything so right

Why weren't you there cause it hurts like hell to know that were through

but finally I'm telling you the truth'


Sinubukan kong hintayin siya sa villa na tinutuluyan namin pero hindi na siya muling bumalik. Tatlong araw matapos ang birthday ni Sir Sandro ay dumating ang secretary ni Sir Shawn. Sinabi nitong kailangan ko ng umalis sa villa ni Seth habang si Seth naman ay bumalik na sa Italya. Kasama doon ay ang huling paycheck ko bilang sekretarya ni Seth.


That is how things ended between the two of us. Nang dahil sa kasinungalingan ko at sa galit niya, nasira ang lahat. Muntikan ng mawala ang lahat sa akin, mabuti na lamang...


'This is also sad

And I can't take It back

And to see you cry

Makes me feels so bad

I wish I could take this big mistake

Make it go away but it's too late'


Naputol ang pagiisip ko noong tumigil ang kantang nasa playlist ko. Tiningnan ko ang screen ng phone ko at doon nabasa ang pangalan ni Ruan na nakarehistro.


"Hello?"


"Where are you babe?" aniya sa kabilang linya. Inayos ko ang speaker na nakatapat sa aking bibig.


"Jogging, as always. Clingy." biro ko dito. Tumawa si Ruan sa kabilang linya. Narinig ko iyong kaluskos ng kama bago siya tumayo.


"Well you better hurry up. It's the first day of school today." paalala nito. Natigilan ako sa pagtakbo. Tangina, nakalimutan ko!


Tumawa lalo si Ruan sa kabilang linya. "I'll prepare your uniform." sabi na lang niya bago pinatay ang tawag. Ako naman ay nagmamadaling tumakbo pabalik sa aming apartment.


Hinihingal pa ako ng makabalik ako sa aming apartment. Inilapag ni Ruan ang almusal na niluto niya bago ako nilapitan.


"Why did you cook, Mr. Scotts?" pabiro kong sabi. Ngumisi lamang siya, iyong dimple niya sa pisngi ay lumitaw. Kinuha niya ang towel sa balikat ko at pinunasan ang aking noo.


"I can actually cook, Ms. Santaines. It is only you that doesn't trust my cooking skills." aniya. Hinampas ko siya ng towel at dumiretsyo sa hapag para kumain.


Nagmamadali na ako noong makita kong alas siyete na. Lagot! Alas otso ay dapat nakapag time in na ako sa school dahil 8:30 ang flag ceremony ng mga bata. Baka malate pa ako.


Para akong patay gutom sa pagmamadaling kumain. Halos di na nga ako lumunok para lamang matapos agad. Noong matapos ako ay agad na lumapit iyong katulong namin para iligpit ang pinagkainan ko.


"Nana, pasensya na po. Nagkalat ako." sabi ko rito. Ngumuso lang si Nana sa akin habang sinasalansan ang pinggan.


"Hala, may magagawa pa ba ako? Hane, puntahan mo na si Callie dahil di pa iyon nagigising. Batang iyon talaga. Sa dami ng mamamana sa iyo." palatak ni Nana. Tumawa lang ako at hinalikan ang pisngi nito.


"Babawi ako Nana. Hahanapan kita ng boypren. Crush ka pa naman ni Teacher Mark--aray po!" sigaw ko noong pinukpok niya ako ng sandok. Sinamaan na lamang ako ni Nana ng tingin kaya dumiretsyo na ako sa kwarto.


Nakita ko si Ruan na inaayos iyong bag na Frozen ni Callie. Lumapit ako sa bata at inalis ang kumot nito.


"Callie.. Wake up na baby." bulong ko rito. Ni hindi man lang natinag. Kita mo itong batang ito.


"Calliope." mas malakas kong tawag. Dumilat ang mata nito at sinilip ako. Tapos ay pumikit at nagsimulang humikbi.


"Hey.. Come, let me." aniya sabay lapit sa bata. Hinimas niya ang likod ni Callie hanggang sa kinarga na niya ito.


"Baby, wake up. You'll go to school today right?" anas ni Ruan. Pinunasan ni Callie ang mata niya bago ako tiningnan.


"Callie... No." diretsyo pa nitong sabi. Sa edad na dalawang taon ay kayang kaya na nitong magsalita ng tuwid. Ngumiti ako at nilahad ang balikat ko sa bata.


"But you said you want to come with Mama right?: paalala ko dito. Gusto kasi ni Calliope na kasama siya sa school at makipaglaro sa mga nursery kong estudyante. Gusto ko rin naman iyon para kahit papaano ay kasama ko ang anak ko. Kahit saling pusa lang siya sa klase, atleast ay kasama ko siya. Iba pa rin kasi kapag ganoon.


Ngumuso lamang si Callie at napahinto ako. Sa kilos niya, sa talim ng mata niya, sa labi niya ay may naalala na naman ako. She's the female version. Ang daya.


Calliope Thea Santaines. Bakit ba hindi ka sa akin nagmana huh?


Huminga ako ng malalim noong inabot ako ng bata at yumakap sa akin. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Inilapag ko si Callie sa high chair at lumapit kay Nana.


"Na, pasensya na po. Ayaw yatang sumama ni Callie sa akin sa school." sabi ko sa matanda. Nilingon ako nito bago iyong bata.


"Iiwan mo dito?" anas nito. Tiningnan ko si Callie na inaabot ang kanyang Koko Krunch.


"Baby, ayaw mong sumama kay Mama?" tanong ko. Namilog ang mata niya habang nakatingin sa akin. Tumaas pa ang kamay niya sabay abot sa pisngi ko.


"Mama!" sabi nito at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napailing na lamang ako at tiningnan si Nana.


"Nana Helen, iiwan ko na lang po ha? Busy rin po kasi ako dahil opening ng klase. Baka po hindi ko maasikaso si Calliope sa eskwelahan." sabi ko na lamang. Lumapit si Nana at inabot sa akin ang bowl ni Callie. Kinuha ko ang patatas at kalabasa bago iyon dinurog at nilagyan ng gatas. Ibinigay ko na iyon kay Nana at siya ang nagpakain.


"Hane, sige. Pero paniguradong hahanapin ka nitong batang ito mamaya. Kahit si Ruan ay lalabas rin yata dahil may taping raw sila." sabi ni Nana. Tumango na lamang ako at hinalikan sa pisngi ang anak ko.


Mabilsi agad akong nagbihis para sa trabaho ko. Kailangang agahan ko dahil may programme na hinanda ang school para sa opening of classes ngayon. Ako pa naman ang napiling emcee para sa programme.


Naghihintay na si Ruan sa akin noong matapos akong magbihis. Sa balikat niya ay si Calliope na umiiyak.


"Mama, wag alis." sabi ng bata na hindi na matigil sa pag iyak. Nilingon ko si Ruan na nakatingin lang din sa anak ko. Kinuha ko siya at kinarga.


"Baby, Mama will work diba? Ganern." sabi ko rito. Pinunasan niya ang pisngi niya bago ngumiwi.


"Pak ganern?" patanong niyang sabi. Nakurot ko ang pisngi niya. Fast learner talaga itong anak ko! Kagabi ko lang tinuro ang pak ganern sa kanya.


"Opo. Pak ganern." sabi ko at niyakap ito. Kumapit siya sa leeg ko at halos ayaw ng kumalas roon.


"I'll buy you your favorite french fries later okay? Just let Mama to go to work." sabi ko. Doon pa lamang siya bumitaw.


"Fwench fwies?" paninigurado pa nito. Kinurot ko ang ilong niya. Napakacute. Bulol sa letrang R.


"Yes."


"Fwom McDo?" tanong niya pa. Tumawa na si Ruan at kinuha na si Calliope sa akin.


"Yes sweetie. With sundae too." anas nito. Doon pa lamang natigil si Callie sa pag iyak. Umalis na agad kami ni Ruan dahil baka magbago na naman ang isip nito. Mahirap na. Bipolar pa naman iyong batang iyon.


Sakto lamang ang pagkarating ko sa eskwelahan. Ako na lamang pala ang hinihintay. Nakita ko ang matalim na tingin ng OIC namin habang hinihingal pa ako.


"You're late, Teacher Bullet." aniya. Tumawa lamang ako at kinuha ang programme sa isa ko pang kasama.


"Ready na ba?" tanong ko. Tumango sila. Lumapit sa akin si Teacher Tina at kinuha ang programme.


"May nabago lang po Teacher Bullet, yun kasing inaasahan nating guest speaker ay di makakarating. Papalitan na lang daw siya ng kaibigan niya." sabi ni Tina sa akin. Hala... ayy sayang. Di siya makakarating kaya pinalitan na agad? Di lang nakaattend, may iba na. How sad naman this life.


"Sinong papalit?" ako naman ang nagtanong. Kinalkal niya ang cellphone niya at pinakita ang nakarehistrong pangalan.


"Ito po Teacher. Kasama na rin diyang ang curriculum vitae. Ikaw na rin ang mag introduce sa kanya." aniya. Inabot ko ang cellphone at binasa ang pangalan.


Nanlaki ang mata ko at halos manlamig ako noong mabasa ko iyon. Bumalik ang kalabog ni heart habang tinitingnan ko ang bawat letra ng pangalan ng taong iyon.


It's Seth Montreal. Our guest speaker is Seth Philip "Fucking" Montreal.



---------------------------------------------------------

Song Used:


The Truth - Lil Bit


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top