Great

13

Halos manginig ako sa kinatatayuan ko. Nagkakagulo na ang mga sasalubong sa guest speaker habang ako ay nasa podium lang at hindi makagalaw. Tang mother naman this! Shuta.

Bullet! Ma. Elizabeth! Huwag kang pabebe. Ano bang nangyayari sayo huh? Alam mo namang malaki ang posibilidad na makita kayo habang buhay ka pa hindi ba? Diba handa ka kung sakali man? Bakit natatakot ka ngayon?

Pota bes! Nangalabog na si heart noong pumasok ang Hummer sa may parking lot ng school namin. Kitang kita ko pa iyon dahil nga nasa stage ako. Tumatakbo si Teacher Tina na lumapit sa akin.

"Teacher Bullet, ready na daw. Nandyan na si Mr. Montreal." aniya. Nanuyo ang lalamunan ko bago ko tiningnan si Teacher Tina.

"Teacher.. Natatae.. Natatae ako." sabi ko. Kumunot ang noo niya bago tumawa. Umiling pa siya at hinampas ako ng dala niyang pamaypay.

"Ay Elizabeth. Huwag ako. Baliw ka talaga." aniya at lumayo na. Pero seryoso naman kasi eh! Natatae talaga ako! Bwisit na pisteng Montreal na yan!

Pumasok na ang mga teachers at umupo na rin ang mga estudyante. Basang basa na ang kamay kong hawak ang mikropono habang nakatingin lamang ako sa entrance ng covered court.

Sinenyasan ako ng OIC namin kaya wala na akong nagawa. Pero seryoso bes, gusto kong magsuka. Pero natatae din ako. Ay ewan! Nakakabaliw ang presensiya ni Seth.

Lumunok ako ng malakas at ngumiti sa mga bata. Iyong mga estudyante ko ay nasa unahan at lahat ay nakatingin sa akin.

"Goodmorning Angeleneans! And welcome school year 2016-2017!" bati ko. Ang mga bata ay nagpalakpakan habang ako ay ngiting ngiti sa kanila. Tiningnan ko iyong mga high school sa likuran at doon ko napansin ang pagpasok niya sa coverec court.

Natigilan ako habang pinapanood ang paglalakad niya. Nakapamulsa siya, ripped jeans, grey na vneck shirt at Raybans ang suot niya. May dogtag siya sa kanyang leeg at kumikinang ang diamond earring niya sa kaliwang tenga.

"Uhm.. L-let us all pray and stand.. I mean.. Stand and pray. Stand and pray pala. Baligtad." nalilito kong sabi. Tumawa ang mga katrabaho ko habang ako ay di na mapakali.

Nakita ko ang pagngiti niya noong inabutan siya ng isang upuan ni Teacher Mark. Ako naman ay tahip na ng tahip ang dibdib sa sobrang kaba. Bes, what to do? Bes, anong gagawin ko? Bes! Natatae na talaga ako!

Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako. Abala siya sa pakikipag usap sa OIC namin habang ako ay patuloy lamang sa programme. Noong makarating na ako sa introduction of guest speaker ay nanlamig na talaga ang balat ko.

Tumayo na si Seth at inalis ang kanyang Raybans. Ngumunguya pa siya ng bubble gum habang naglalakad sa direksyon ko. Si heart ko naman ay nangalabog na ng nangalabog sa dibdib ko.

"Fuck." anas ko. Nanahimik ang buong court habang nakangangang nakatingin sa akin. Doon ko lamang narealize na nakatapat pala sa mic ang bibig ko at narinig ng lahat ang pagmumura ko. Ngumisi ako at nag peace sign bago huminga ng malalim.

"Fucklakpakan po natin siya!" masigla kong sabi. Pumalakpak naman ang mga tao habang ako ay nanginginig na. Bes, help me! Shit!

Kinuha ko ang introduction ni Seth bago iyon binasa. Nanliit pa ang mata ko dahil hindi naman yata tama ang nakalagay roon.

Nilingon ko si Seth na nakasandal na sa may railing ng hagdan at nakangisi. Palagay ko ay alam niya ang kalokohan na nakasulat sa introduction niyang iyon at hinihintay lamang na basahin ko.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya bago ko binasa ang intro niya. Hinayupak talaga. Balahura! Yokai!

"Let us all welcome our guest speaker. He is, and I quote, "Poging mas inosente pa sa baby. Everyone, Seth Philip Montreal." anunsyo ko. Pumanhik na siya sa hagdan at lumapit sa podium kung nasaan ako. Inabot ko sa kanya ang mic at kinuha naman niya iyon. Bahagyang nagdikit ang mga balat namin at napatingin ako sa kanya. Nakita ko ang pagtaas ng labi niya bago ako tinalikuran.

"Goodmorning Angeleneans." bati niya. Iyong mga bata, lalo na ang mga babaeng estudyante ay energetic na sumagot sa kanya. Napanguso na lamang ako. Ang landi pa rin pala talaga.

"I did not prepare any speech for today. Nabigla rin ako sa imbitasyon, but still, it is my greatest pleasure.." bahagya niya akong nilingon sa kanyang tabi, "to be here today." tunog mayabang niyang sabi. Umalis siya sa podium at dumaan sa mismong harap ko para makapunta sa gitna ng stage.

"I am Seth Montreal, one of the owners of Casa Victoria, a world class hotel and resort. Marami ng sumubok na mapabagsak kami ng kapatid ko, but no one succeeded."

Napayuko ako sa sinabi niyang iyon. Yes, no one really succeeded. Kahit si Tita Monica ay hindi nagawang pabagsakin ang Montreal. Ganoon kalakas ang pamilya nila.

Noong gabing nalaman ni Seth ang totoo tungkol sa pagkatao ko ay tuluyan ng pinutol ni Tita ang koneksyon niya sa akin. Doon ko rin nalaman kung paanong nagtaksil sa akin ang kaisa isa kong kapatid. Wala naman pala talaga siyang sakit, ang totoo ay karelasyon niya si Tita Monica. Nakakatangina lang iyon.

Matapos kong malaman iyon ay lumayo na ako sa kanila. Bumalik ako sa Italy para sana kausapin muli si Seth pero hindi na ako pinapasok sa Casa Victoria. Hanggang sa nalaman kong buntis ako kay Callie...

"---chase it. Ito lang ang payo ko sa inyo. Follow my family's rule, guys. A Montreal gets what he wants. Come what may, a Montreal will never lose." bahagya siyang tumigil sa pagsasalita bago namulsa.

"Kung may gusto kayong makuha, makipagpatayan kayo para maangkin iyon." aniya. Nagpalakpakan ang mga bata habang siya ay nagpasalamat na at bumalik sa may podium. Kinuha ko ang mikropono sa kanya at siya ay walang salitang nilagpasan ako.

Matiwasay ko naman yatang natapos ang programme. Noong lunch ay tinawag na ako sa faculty para sa kainan. Pero dahil sa dala dala kong isang bote ng tubig at papeles ay nahirapan akong buksan ang pintuan. Itutulak ko na sana iyon noong isang braso ang walang effort na pinagbuksan ako.

"There." aniya sa bagot na bagot pang boses. Tiningala ko siya at halos mauntog pa ako sa pintuan sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin.

"S-salamat." sabi ko na lamang. Tuloy tuloy akong pumasok sa faculty habang siya ay ramdam ko pa ring nakasunod sa akin.

"Mr. Montreal, kumain ka muna bago ka umalis." magiliw na sabi noong OIC namin. Ngumisi si Seth at tumango.

"Sure." aniya. Pinagsandok siya ni Teacher Beth habang ako ay pumunta sa table ko. Inayos ko ang mga gamit kong nakakalat roon.

Nakaupo si Seth sa may sofa at nililibot ang tingin sa buong paligid ng faculty. Noong matapos si Teacher Beth sa pagsasandok ay agad niya iyong binigay kay Seth.

"Thank you. Kain na din kayo." aniya. Ngumiti lamang ang mga kasama ko habang ako ay hindi na talaga mapakali. Bakit ba kumakain pa siya rito ha? Dapat ay umalis na lang siya! Bwisit!

Nakatatlong oras pa yatang nanatili si Seth sa faculty. Natapos ko na ang tatlo kong klase ay nandoon pa rin siya, nakaupo sa sofa.

"Magkano ba ang kailangan para sa pagpapagawa ng Senior high building?" tanong niya sa OIC namin. Natigilan ako sa paglalagay ng mga index card ng mga bata at sinilip sila na prenteng naguusap.

"Sampung milyon sana Mr. Montreal. Ang problema nga lang, mas konti kumpara sa inaasahan ang enrolees kaya medyo gipit kami sa budget. Hindi ko na rin alam kung saan pwedeng humingi ng tulong---"

"I can help." bored niyang sabi. "Sampung milyon lang naman hindi ba?" aniya pa. Natawa na lamang ako habang umiiling. Yabang mo Montreal.

"Talaga Sir?" hindi makapaniwalang sabi pa ni OIC. Panigurado yan. Barya lang kay Seth ang sampung milyon.

"Yeah." sabi ni Seth. Kinuha ko na ang bag ko at lumapit na sa kanilang dalawa. Nagtext na si Ruan sa akin at hinihintay na ako sa gate.

"Sir.." tawag ko kay OIC namin. Nilingon ako nito. Tinuro ko lamang ang pintuan at tumango naman siya.

"Yes. Good day Miss Santaines." anas nito. Ngumiti lang ako at hindi na tinapunan si Seth ng tingin.

"Mauuna na rin ako." sabi naman nito. Halos magmadali na ako noong marinig ko ang mga hakbang niya. Muli ay pinagbuksan niya ako ng pintuan pero hindi ko na siya pinansin.

"Masyado ka yatang nagmamadali Miss Santaines?" aniya. Hindi ko siya nilingon. Noong nasa may gate pa lamang ay nakita ko na si Ruan na nakasandal sa kanyang Audi. Kumaway ako rito at lumapit naman siya sa akin.

"Hey babe!" bati niya. Kinuha niya ang gamit ko at siya ang nagdala nito. Ngumiti lamang ako sa kanya bago ko nilingon ang likod ko.

Nakatayo pa rin roon si Seth habang malamig ang tingin kay Ruan. Noong mapansin niya ang titig ko ay ngumisi siya.

"Mr. Scotts, right? Chantal's friend?" aniya habang lumalapit. Inilahad niya ang kamay niya kay Ruan na dala dala ang bag ko.

"You look good...wearing a woman's bag." malokong sabi ni Seth. Nilingon ko si Ruan na ngumiti lang.

"My woman's bag, Mr. Montreal." mas madiin na sabi ni Ruan. Kumapit ako sa braso nito at hinila na lamang siya.

"Let's go---"

"I don't have a car. Can you drop me at my hotel?" bigla ay sabi ni Seth. Nangunot ang noo ko at tinitigan ito. Diba at dala niya ang kanyang Hummer?

"What?" si Ruan naman ang nagsalita. Nagkamot ng batok si Seth.

"My girlfriend borrowed my car awhile ago. She went shopping. Is it okay if I ask the two of you to take me to our hotel first?" paliwanag niya. Girlfriend huh?

Tiningnan ako ni Ruan. Ngumiti lamang ako. Bakit hindi naman? Wala na rinnaman kaming kahit na anong koneksyon dalawa. Walang masama kung ihahatid namin siya.

"Sure bro." sabi na lamang ni Ruan. Nauna pa si Seth sa sasakyan ni Ruan. Sumakay siya sa may passenger seat kaya napilitan akong sa likod umupo.

Inaayos ko ang mga bag ko at ang iilang gamit ni Callie noong nilingon ko ang dalawang lalaki sa harapan. Halos maputulan ako ng hininga noong makita ko si Seth na nakatitig sa mga bulaklak na picture frame sa sasakyan ni Ruan.

Mga litrato namin ni Callie.

Ngumisi si Seth at inabot ang isa roon. "Anak mo?" aniya. Nagtagalog siya kaya sa malamang ay ako ang kinakausap.

"Huh?" wala sa loob kong sabi. Nilingon ako ni Ruan bago ngumiti.

"Her name is Callie. She's our two year old daughter." sagot ni Ruan. Para akong nabunutan ng tinik habang nakatitig lamang kay Seth.

Ngumisi siya. "Yeah? A daughter huh? That's great. Fucking great." malamig niyang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top