Eavesdropper

22



Nakagat ko ang labi ko habang sakay ng Hummer ni Seth. Papunta kami ngayon sa resort nila sa Pundaquit para sa birthday party ni Calliope. Kanina pa namamasa ang kamay ko sa sobrang kaba at di na talaga ako mapakali.


I am scared. Alam kong pangit na ang tingin sa akin ng kapamilya ni Seth. Ano na lamang ang iisipin nila sa akin? Will they acknowledge me later? Ipapahiya ba nila ako? Ipapahiya ba nila at itatakwil si Calliope?


Napapikit ako ng mariin. Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang isipin ko. Kilala ko ang pamilya ni Seth. Wala silang awa kung magsalita. Magsasabi sila ng mga salita na para bang nasa kanila ang lahat ng karapatan sa mundo. Paano na lang kung masaktan mamaya si Callie sa kung ano man ang sasabihin nila?


Kasalanan ko kasi eh. Kung hindi lamang ako naging tanga noon, sana ay malinis pa rin ang pangalan ko sa mga Montreal. Sana ay hindi madadamay ang anak ko kung sakali man.


Natigilan ako sa pag iisip noong maramdaman ko ang labi ni Seth sa likod ng aking kamay.


"Relax honey." Aniya. Napanguso lamang ako at tumango.


"Huwag kang mag alala. Kasama mo ako." Dagdag pa niya. Doon ay hindi na ako nakatango. Kasama Seth? Hindi mo nga ako sinamahan noon. Paano pa ngayong posible nating makalaban ang buong pamilya mo? Paniguradong bibitawan mo lang ulit ako.


Hindi na ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa resort. Inuna niyang kinuha si Callie na nakatulog na sa likod ng sasakyan. Noong lumabas na ako sa kotse niya ay gusto ko ng muling bumalik sa loob.


Nakita ko sa labas ng resort si Ma'am Serise na nagtataray ulit ang kilay habang umiinom ng juice.


"S-seth.. babantayan ko na lang yung kotse mo." Kinakabahan kong sabi. Kumunot ang noo niya bago umiling.


"Adik." Sabi niya sabay hila sa aking beywang. Kumapit siya roon na para bang wala ng bukas. Ako naman ay hindi na mapakali lalo pa't palapit na kami kay Ma'am Serise.


"Sese!" sigaw ni Seth. Nilingon kami ni Serise bago nanlaki ang kanyang mata.


"Shit Seth!" bati ni Serise sabay takbo sa kuya niya. Yumakap siya rito habang ako ay mataktikang lumayo.


Noong nagbitaw sila ay malawak ang ngiti ni Seth. "Hey, I want you to meet my daughter. She's Calliope Thea." Anas ni Seth. Ma'am Serise opened her mouth wide before smacking Seth's head. Napanganga naman ako noong makita iyon.


"I told you to wear a freaking condom! Sinong nabuntis mo aber? Oh Seth Montreal, she should be normal ha? Ayaw ko na ng abnormal sa pamilya." Tuloy tuloy na daldal ni Ma'am. Nilingon ako ni Seth kaya napasunod ang tingin ni Ma'am rito.


Ilang segundo akong tinitigan ni Ma'am Serise bago unti unting nawala ang ngiti niya.


"Ma'am Serise." Bati ko rito. Walang ngiti na tumango lamang siya.


"Pumasok na kayo." Aniya at tinalikuran kaming dalawa. Napapikit na lamang ako. Sabi ko na nga ba't di ako tanggap dito.


Kinuhang muli ni Seth ang aking kamay at ngumiti sa akin.


"Nabigla lang yun. Don't worry, we will talk to them later." Aniya. Umiling lamang ako at pilit na hinihila ang aking kamay.


"Sabi ko kasing huwag mo na akong isama rito Seth." Giit ko. Naluluha na ako dahil sa trato ni Ma'am Serise sa akin. Matagal na iyon, di pa ba nila nakakalimutan? Ipagtatabuyan ba ako ulit? May bisa pa rin baa ng TRO?


"Bullet.."


Kinagat ko ang labi ko. "Uuwi na lang ako Seth." Basag ang boses kong sabi. Humarap si Seth sa akin at hinawi ang buhok kong tumatabon sa aking mukha.


"Hey, you're too emotional. Walang mangyayari sayo dito. I'm with you honey. I won't leave you." Pangako niya. Tumingala ako sa kanya. I saw how his eyes shine with millions of emotions. I saw tenderness, care, guilt, fear. Sabay sabay naglaro sa mata ni Seth ang mga iyon. And it was not comforting. Mas natakot lamang ako sa nakikita ko sa mata niya.


Paano ako makakasiguro sa kanya kung noon ay nagawa rin niya akong ipagtabuyan? He used to look at me that way before and yet he threw me away. Nakakalito na talaga.


Ganun naman kasi talaga diba? A broken trust is the hardest to build again. Sira na ang tiwala namin sa isa't isa kaya natatakot na akong sumugal sa kanya ulit. Paano na lang kung ayaw sa akin ng pamilya niya, o kaya ay may magawa ako, ano na lang ang mangyayari?


Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa event hall. Nakapalibot na ang mga disenyong Barbie at pares ng puti at pink na lobo. Marahang tinapik ni Seth ang balikat ni Calliope para gisingin ito sa pagkakahimbing.


"Baby, ang daming Barbie oh." Bulong niya sa bata. Kinuskos ni Callie ang mata bago tumingin sa paligid.


"Bawbie!" masaya niyang sabi. Pilit niyang inaabot ang nakadisenyong tarpaulin na may mukha ni Barbie. Tuwang tuwa naming hinalikan ni Seth ang pisngi ng anak bago kami inakay papunta sa gitna.


Sa may tabi ng cake ay naroon si Ma'am Toryang at Chantal. Noong makita nila kami ay rumehistro kaagad ang gulat sa mga mukha nila. Humawak ako kay Seth dahil ramdam ko na naman ang kaba sa aking dibdib.


"Seth Philip, bakit..anong party.." hindi matapos tapos ni Ma'am Toryang ang sinasabi niya dahil sa titig niya kay Callie. Bumilog ang bibig niya habang si Chantal ay napasinghap.


"Anak mo Kuya?" tanong ni Cha habang nakatingin sa akin. Tumango si Seth at hinarap si Ma'am na hindi pa rin nagsasalita.


"Ma, she's my daughter, Calliope Thea." Anas ni Seth. Tiningnan ako ni Ma'am Toryang at kumunot ang noo.


"Bakit ngayon lang namin nalaman?" aniya. Umatakeng muli ang kaba ko at halos magtago na ako sa likod ni Seth.


"Ma, mahabang kwento." Sabi ni Seth. Huminga ako ng malalim at magpapaliwanag na sana noong kinuha ni Seth ang kamay ko at pinagsalikop iyon.


"Magpapaalam na rin sana ako. Gusto kong maikasal na kami ni Bullet sa lalong madaling panahon." Tuloy tuloy niyang sabi. Doon ay lalong kumunot ang noo ni Ma'am Toryang. Tiningnan niya ako bago umiling.


"Seth.." napapikit siya bago huminga ng malalim.


"Ma, buo na ang desisyon ko. Isa pa, matanda na ako. I want to marry the mother of my child. I want to give Calliope a family." Paliwanag niya. Nagdilat si Ma'am Toryang at napanguso na lamang. Nilingon niya ako bago malungkot na ngumiti.


Hindi ko na nakayanan iyong pag uusap nilang dalawa. Binaklas ko ang kamay kong hawak ni Seth at nagpaalam na magbabanyo lamang. Noong makarating ako sa restroom ay kaagad akong naghilamos. Ilang minuto pa akong nanatili bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas.


Huminga ako ng malalim. Sino pang Montreal ang makakasalamuha ko ngayon? Lahat na para sabay sabay na ang mapanghusgang tingin sa akin. Ano bang iniisip nila, na pinipikot ko at balak perahan lamang si Seth? Sa malamang ay iyon ang tingin nila.


Pabalik na ako sa event hall noong marinig ko ang pangalan ko sa isang bukas na kwarto. Bahagya akong sumilip at doon ay nakita ko ang magkakapatid na Montreal at ang mga magulang nila.


"Hindi na nag iisip si Seth." Diskumpiyadong sabi ni Shawn. Narinig ko ang pagmumura ni Seth bago pabalibag na tumayo.


"I'm not asking for your opinion Shawn!" galit niyang sigaw. Narinig ko ang pagbalibag ng kung ano kaya napatalon ako.


"Shawn's right. Minsan ka ng niloko ng babaeng iyon Seth. Uulit ka na naman?" boses naman ni Sir Seven ang sumunod. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi makagawa ng kahit na anong ingay.


Totoo nga ang hinala ko. Walang magandang pupuntahan itong desisyon ni Seth na dalhin ako rito.


"Isa pa, how can you even marry Bullet when you have an agreement with Margaux?" dagdag ni Ma'am Serise. Napatuwid ang likod ko sa narinig.


"You're engaged already to Margaux Larzabal Seth. Huwag mong sabihing nagloloko ka na naman ulit? Pinagsasabay mo silang dalawa ni Bullet?" anas ni Ma'am. Napangiwi ako at hindi agad nakagalaw.


"Maybe Seth's just trying to have his revenge against Elizabeth. Montreal ang kapatid ninyo. Hindi pwedeng inaagrabyado—"


That's it! Sa narinig ko mula kay Sir Stanley ay napatakbo na ako. Hindi ko na napigilan ang luha ko kaya nagmamadali akong umalis sa resort na iyon. Ayaw ko na. Sa huli ay maipagtatabuyan pa rin pala ako.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top