Curious
1
Palaging sinasabi ni Mama sa amin ng kapatid ko na si Elliot na dapat daw ay maging mabait kami. Pero hindi ibig sabihin noon ay dapat nagpapaapi kami. Dapat raw ay mabait kami pero matapang pa rin. Adik ni Mama diba? Paano kaya yung ganoon?
Pero yung totoo? Yung kabaitan ko sagad na sagad na. Halos mapisa ko na yung itlog ng boss ko dahil sa sobrang kalat ng unit niya! Kakalinis ko lang nito kahapon. Kajirits mygass.
Inilapag ko iyong isang dosenang itlog na binili ko pa sa sarili kong pera para lang may almusal ngayon iyong halimaw na manyak.
Nagbukas iyong pintuan ng kwarto niya at lumabas roon ang dalawang babaeng magugulo pa ang buhok. Iyong isa ay may nakakalat pang lipstick sa gilid ng bibig niya.
Nakasunod si Seth sa kanila na tanging boxers lang ang suot. Yumakap iyong isang babae sa kanya habang iyong kalat ang lipstick naman ay hinalikan ang pisngi niya.
"Thanks Seth." Anas noong babae. Napanguso ako at mas sumiksik sa refrigerator. Tangina mo Montreal! Ang kalat na naman ng kwarto mo niyan!
"Let's do it again." Sabi naman noong isa. Sabay silang humalik ulit kay Seth bago lumabas ng unit nito.
Napasipol ako noong pumasok si Seth nang mag isa na. Nanlaki pa ang mata niya noong makita akong nakadikit sa ref niya.
"Bullet? What are you doing with my ref?" aniya at nilapitan ang refrigerator niya. Ngumuso lang ako at tinitigan siya ng masama. Kung makaasta akala mo nirape ko ang ref niya.
"Wala akong ginagawa! Nagtago lang ako kasi nakakahiya naman sa moment mo kasama yung mga hipon na yun." Inis kong sabi. Tinulak ko siya at pumunta sa kanyang pantry. Kinuha ko na iyong vacuum cleaner, mop, walis at basahan bago muling lumabas.
Naabutan ko siyang nichecheck pa rin ang kusina niya. Tss. Kung may malinis man sa bahay ng isang Seth Philip Montreal, iyon ay ang kusina niya. Marumihan na lahat, magkalat na ng lagim sa buong unit niya, huwag lang sa kusina.
Di ko pinansin iyong kaartehan niya sa kusina at pumasok na ako sa kwarto niya. Sa pintuan pa lang ay napangiwi na ako. Iyong book shelf niya ay may mga librong nangalaglag na. Sa paanan ko naman ay halos maapakan ko na ang bubog ng mug na nahulog yata sa office desk niya.
Kalat kalat ang kumot, ang mga unan ay nasa sahig na. Humakbang ako ng kaunti at halos mandiri ako ng makaapak ako ng madulas sa sahig. Napapikit na lamang ako dahil alam ko na kung ano iyon. Sa tatlong taon kong pagtatrabaho bilang yaya ng manyak na iyon, alam ko na kung ano itong inaapakan ko.
Yumuko ako at pinulot iyong gamit na condom. Nakangiwi ako at sinubukang hindi tingnan iyong flavored mint na kapote ni Seth. Nakailang beses pa akong nagpulot at noong matapos ako ay naka siyam akong ganoon.
Ano bang tingin ni Seth sa sarili niya? Pabrika ng sperm? Bwisit. Karaming condom na ginamit.
Pumulot ako ng isa at tinitigan naman iyon. Kulay pink naman ang isang iyon at may something white sa loob. Napangiwi ako at tinapon ulit iyon. Ang duming itao talagang tao ni Seth. Pati sipon niya nilalagay sa condom.
Halos tatlong oras yata akong nililinis ang kwarto niya noong bigla siyang pumasok. Abala ako sa pag aayos sa mga librong nalaglag noong humiga siya sa kama at nagulo na naman ang bedsheet.
"Pisti ka Seth! Kakaayos lang niyan eh!" sigaw ko dito sabay hampas sa kanya ng ano.. yung mabalbon na pang tanggal ng alikabok! Yung maraming buhok na parang manok! Basta! Bwisit!
"Haaay, nakakapagod kagabi." Reklamo niya. Umunan siya sa braso niya at nadepina naman ang muscles sa tiyan niya pababa hanggang doon sa kanyang--- aish! Bullet!! Virgin ka pa girl, huwag mong pagnasaan yang boxers niya.
Kakaloka, ang init!
"Ikaw ba namang adik. Bakit kasi pinagsabay mo?" tanong ko dito at namunas ulit.
"It's exciting. Imagine it Bullet, two beautiful ladies are there for your own pleasure. Ang saya kaya ng ganoon." Mayabang niyang sabi. Tumaas lang ang kilay ko at tinuro iyong down there niya.
"Balang araw susuko yan!" sigaw ko habang nakaturo pa rin sa kanyang down there. Humalakhak lang siya at hinawakan ang kamay kong nakaturo. Hinila niya ako palapit sa kanya at sabay kaming bumagsak sa kama niya. Nahulog ako sa may ibabaw niya habang siya ay pumulupot ang kamay sa beywang ko.
"Ayy rape!" sigaw ko at pilit na tumatayo. Umikot siya at ako naman ngayon ang nasa ilalim niya.
"Soundproof ang kwarto ko Bullet. I can make you scream here and no one will even notice." Pag iingles niya. Nangunot ang noo ko. Ano daw?
"Lumayo layo ka sakin Seth! Tutusukin kita! Makikita mo!" kinakabahan ko ng sabi. Napangisi lang siya at mas lalong idiniin ang katawan sa akin.
"Haven't you ever been in a threesome Bullet? Masarap kaya." tanong niyang muli. Sinampal ko na ang bibig niya kasi ano ano ng lumalabas!
Anong threesome daw? Jusko. Diba dapat three lang? Bakit may some? Ano ba yun? Ulam?
"Di ako kumakain ng ganoon! Kare kare lang!" sabi ko. Nanlaki ang mata niya. Tapos bigla iyong naningkit bago siya tumawa ng tumawa. Lumayo siya sa akin pero patuloy pa rin ang halakhak niya.
Tinitigan niya ako habang tumatawa pa rin. "Nakalimutan ko. Virgin ka pa pala Ma. Elizabeth." Panloloko niya. Tinaas ko ang middle finger ko at hinila ko ang buhok niya.
"Pakyu ka Seth! Mabaog ka sana!" inis kong sabi. Alam naman kasi niyang ayaw kong tinatawag ako sa buo kong pangalan.
Ngumisi lang siya. "Ma. Elizabeth Asuncion Santaines-aray!" sigaw niya noong sinapok ko siyang muli. Tumayo na ako sa kama niya at kinuha ang vacuum.
"Gusto mong mavacuum Seth?" pananakot ko. Iyong mapang asar niyang ngisi ay nakapaskil pa rin sa gwapo niyang mukha.
"I can change your name Bullet." Alok niya. Tinitigan ko lamang siya ng masama.
"Paano?"
Ngumisi siya. "Ma. Elizabeth Montreal, you like?"
Nanlaki ang mata ko. Pumalakpak pa ako. "Ay bet ko yan Ser! Aampunin ninyo ako?" sabi ko. Nawala ang ngiti niya sa narinig.
"What?"
"Shet! Montreal na din ako? So pwede ko ng gawing alipin iyong mga empleyado sa resort? Kakaloka!" excited kong sabi. Taeng malagkit! Bullet Montreal! Haha shet naman oh shet.
"That's not what I meant---"
Di ko siya pinansin. Tawa lang ako ng tawa kasi aampunin na nila ako. Magiging tagapagmana rin kaya ako? Gusto ko yung parang si Ma'am Serise. Dapat beach din... beach ba yun? Beach diba?
Diba beach tawag sa babaeng maldita?
Haha, yeah. I am a beach. Pota.
"Ser.. tig ilang milyon yung mana natin noon?" sabi ko bigla. Umupo ako sa carpet habang yakap ko iyong walis. Tumaas lang ang kilay ni Seth bago tumayo.
"Ewan ko sayo Elizabeth." Aniya. Pinalampas ko ang tawag niya sa akin. Ayos lang yan. Tiis lang Bullet. Kapatid mo na si Ser niyan kapag Montreal ka na din.
Nangalkal siya sa kanyang closet ng damit para sa trabaho habang ako ay nagiimagine kung paano ko gagawing alipin ang mga tauhan sa resort. Letse, lagot lahat ng nangawawa sa akin noong trainee pa lang ako.
Kumuha si Ser noon baby blue na polo shirt at itim na slacks. Humarap siya sa akin at masama pa rin ang tingin.
"Bakit?" tanong ko. Inabot niya sa akin ang damit niya.
"Plantsahin mo." Utos niya. Ngumuso lang ako at kinuha iyon. Noong saktong naabot ko na ang damit ay bigla niyang ibinaba ang boxers na suot niya. Napatili ako lalo na at...
"Putangina mo Seth Philip!" sigaw ko. Tinakpan ko ang mata ko at tumakbo palabas ng kwarto niya. Tawa naman siya ng tawa at sinundan ako palabas.
"What? Minumura mo ba ako Bullet?" aniya. Sumilip ako at halos mapasigaw ulit noong wala pa rin siyang damit. Jusko..
Tukso... layuan mo ako. Please.
Tumawa lang siya ng tumawa habang ako ay hindi makakilos sa kinatatayuan ko. Naglakad siya papunta sa banyo habang ako ay naiwang nakatitig sa may likuran niya.
Nakahinga lamang ako ng maluwag noong pumasok na siya sa banyo. Nanghihina akong napaupo sa sofa habang pilit na naalala ko iyong katawan niyang buong buo kong nakita.
My gass! Akala ko ba kapag pinoy maliit lang ang toot toot? Bakit yung kay Seth.. yung kay Seth...
Mahabaging santisima naman oh. Buti nakaya ng mga babae kagabi yun? Sakit siguro nun.
Nakakacurious tuloy. Matry nga minsan yun.
---------------------
Bullet my labs.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top