Contract

28


Tumingala ako kay bulateng Seth na mahimbing pa ring natutulog. Bes naman kasi, napagod yata kakajugjug. Jugjug is life daw bes. Kakaloka. Kung hindi lang kasi gwapo baka nasapak ko na. Walang kapaguran bes. Ghad.


Hinaplos ko iyong panga niyang bwisit. Noong hindi ako makatiis ay hinalikan ko pa iyon. Super gwapo talaga niya bes. Pak na pak. Kaya nga di na ako nagtataka na maraming babaeng bet na bet siya. Pero iyak na lang sila kasi akin si Seth Montreal.


Gumalaw iyong pilik mata niya bago nagdilat. Noong makita niya akong pinapanood siya ay bigla siyang ngumisi. Napangiti din ako bes kasi kinilig ako sa smile niya. Pucha bes!


"Hi." Paos pa niyang sabi. Inilagay ko iyong palad ko sa dibdib niya bago siyang hinalikan muli.


"Morning Ser." Biro ko pagkatapos ng halik ko sa kanya. Napatawa na lamang siya at inalalayan akong makaupo.


"Damn, I missed that." Aniya. Tumayo siya at pinulot iyong mga nagkalat naming damit kanina. Inabot niya sa akin iyong mga damit ko at pinatayo ako. Kinuha niyang muli iyong pula kong bra at siya ang nagsuot. Ganoon din ang ginawa niya sa aking panty. Ako naman ay pinapanood siya habang binibihisan ako. My ghad much talaga bes.


"Akala ko alam mo lang akong hubaran." Tukso ko. Tumaas ang gilid ng labi niya bago kinuha iyong puti kong damit. Bes, may lace yan kaya mukhang pang virgin. Try niyo.


"Of course, undressing you will always be my favorite hobby. But still, kapag ilalabas na kita, dapat takpan ko ang akin." aniya. Ramdam na ramdam ko iyong pag init ng pisngi ko sa sinabi niya. Pabebe ko siyang hinampas sa dibdib niya bago lumayo. Si Seth naman ay mabilis pa sa alas kwatro na nagbihis bago ako nilapitan.


Inilahad niya ang kamay niya sa akin at inabot ko naman iyon. He grinned before tucking me closer to him.


"Let's go babe." Aniya bago kami lumabas ng kaniyang opisina. Sa lobby pa lang ng floor ay tumitingin na ang mga tao sa amin. Mas lalo lamang akong sumiksik kay Seth dahil feel na feel ko ang pakiramdam na katabi siya.


Para kaming nasa koreanovela kung saan ang isang mayamang lalaki ay nagmahal ng pipitsuging babae. Diba bes? Parang teleserye lamang. Di ko nga alam kung bakit nandito pa rin si Seth sa kabila ng lahat ng nangyari. Pero kahit na wala akong makuhang sagot, masaya ako kasi pinili niya akong mahalin.


Naglalakad na kami papunta sa elevator noong marinig ko ang mataray na tunog ng high heels sa tiles ng opisina ni Seth. Paglingon ko ay nakita ko si Ma'am Serise na papalapit sa amin.


"Kuya!" tawag nito, nanlalaki ang mata. Humarap sa kanya si Seth at nagtatakang tiningnan ito.


"Se? Bakit?" anas niya. Tiningnan ako ni Ma'am Serise bago huminga ng malalim.


"Si Papa, may pinapafile na naman si Papa—"


Natigilan siya sa pagsasalita noong lumabas si Sir Stanley mula sa elevator. Sa kanyang likuran ay ang panganay na kapaitd ni Seth. Tumalim ang mata ni Sir Stanley lalo na noong makita niya ang pagkakahawak ni Seth sa aking beywang. Pinilit kong lumayo ngunit humigpit lamang ang hawak sa akin ni Seth.


"Stay here." Bulong niya. Lumabas si Sir Stanley at masama ang tingin na iginawad sa akin. Napayuko na lamang ako at halos magtago sa likuran ni Seth.


"Papa, please." Narinig kong sabi ni Ma'am Serise. Humarang siya sa pagitan namin nila Seth at Sir Stanley. Umiling lamang ang huli bago ako nilingon.


"I need to talk to that girl, Seth." Anas nito. Nanlaki ang mata ko sa kaba. Tangina bes, parang feeling ko pinapatawag ako sa Principal's Office kasi nag vandal ako sa banyo ng girls.


"Privately." Dagdag pa ni Sir Stan. Nag aalala kaming nilingon ni Ma'am Serise bago bumaling muli sa kaniyang Papa. Bumitaw ako kay Seth para tuginin iyong gusto ni Sir Stanley.


"Elizabeth!"


"Ano po iyon Sir?" tanong ko. Ngumisi si Sir Stanley bago kinuha kay Sir Shawn ang hawak nitong folder. Iniabot niya iyon sa akin at kinuha ko naman ito.


"Nagpaalam si Seth sa akin para mapakasalan ka. That's why I asked my wife to make this one for you. Sign that before your wedding." Anas nito. Kinuha ni Seth iyon mula sa akin bago iyon binasa.


Ilang sandali lang ay nag iba ang ekspresyon ni Seth. Nanlisik ang mata niya habang isa isang iniintindi ang mga nakasulat.


"What the fuck Pa?!" aniya, nanginginig ang boses sa galit. Namulsa si Sir Stanley bago ako tiningnan. Si Ma'am Serise naman ay napayuko na lamang noong mabasa iyon ng Kuya niya.


"Papa wants Elizabeth to sign a prenup agreement before your marriage. Kung magkano ang nasa bank account niya ngayon ay iyon lamang ang makukuha niya kung sakali mang magkahiwalay kayo---"


"Hindi kami maghihiwalay! Putangina mo Shawn! You agreed to do this?" sigaw ni Seth. Hinawakan ko iyong likod niya para kalmahin siya habang si Sir Shawn naman ay walang emosyon na nakatingin sa amin.


Tumaas baba ang dibdib ni Seth at nilingon ang Papa niya. "Hindi ko papayagan si Elizabeth na pirmahan iyan. She will never sign any contract unless it is our marriage contract damn it!" aniya pa. Ilang beses akong napatalon sa lakas ng boses niya dala ng galit nito sa ama at kapatid.


"Pa, hindi naman yata tama itong pinapagawa ninyo kay Elizabeth." Sabat naman ni Ma'am Serise. Lumingon sa kanya si Sir Stan bago umiling.


"Stay out of this Se."


"Pa, may anak na sila!" dagdag ni Ma'am. Nilingon niya kami bago binalingan ang ama niya.


"You have been controlling our lives since we were young Pa. Masaya na si Kuya kaya bakit mo pa iyon sisirain? Ganoon ka ba katakot na hindi mo na siya makokontrol?" aniya. Tumalim ang mata ni Sir Stanley bago ako binalingan. Tinuro niya ako habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.


"You! You will be a danger to my family!" anas nito. Nanlaki ang mata ko bago umiling.


"Wala ho akong masamang balak kay Seth Sir!" sagot ko. Hinablot ni Seth iyong braso ko at ihinarang ang katawan niya sa akin.


"Wag ninyong pagsalitaan ng ganyan si Elizabeth." Madiin ng sabi ni Seth. Halos bumaon na ang kuko niya sa aking braso sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Huminga ako ng malalim noong maramdamam ko iyong sunod sunod na pagkirot ng ulo ko dahil sa palitang sigawan ng mag aama.


"Seth.."


"Disown me. If you are afraid that Bullet might steal from us again, then disown me. Itapon mo ang pagiging Montreal ko Papa. I don't give a fuck about it. I can live without your riches but I can never live without this stupid girl." Matatag niyang sabi. I looked at Sir Stan whose gritting his teeth so hard.


"You're being stupid Seth." Si Shawn ang nagsalita. Humawak siya sa braso ng Papa nila at nilapitan ang kapatid.


"Shut up!"


"That girl is so wrong for you in so many ways Seth! Pinoprotektahan lang tayo ni Papa!" si Shawn na naman. Umigkas iyong kamao ni Seth sa panga ni Shawn na nagpahakbang sa huli patalikod.


"Kuya Shawn!"


"Seth!"


Sabay naming sigaw ni Ma'am Serise. Humarang ako kay Seth na galit na galit na sa kapatid. Si Serise din ay inalalayan ang kuya niyang nasuntok sa pisngi.


"You don't have the rights to say that Shawn! Huwag mo akong pangaralan na mali ang babaeng minahal ko dahil pareho lang tayo! Tangina mo! Bullet will stay with me until the end Shawn, iyong sayo, nasaan na? Iniwan ka na hindi ba?" pag uuyam nito. It was Shawn's turn to punch his brother. Natumba si Seth pero agad ding nakabawi. Tiningnan ko si Sir Stanley na nakatitig lamang at walang balak na pigilan ang magkapatid sa pag aaway.


"Kuya!" sigaw ni Serise na humarang na sa dalawa. Nilapitan ko si Seth na mariing nakatitig sa kapatid. I closed my eyes tightly when the pain in my head erupted again.


"Seth, tama na." bulong ko. Isang pikit pa bago ako kinain ng dilim. Huling narinig ko ay iyong pagtawag ni Seth sa aking pangalan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top