Congratulations

29



Nagising ako sa marahang paghaplos sa aking buhok. Pagdilat ko ay nakita ko si Seth na alalang alala ang mukha habang nakatitig sa aking fes. Noong mapansin niyang gising na ako ay mabilis siyang ngumisi. Takte bes! Ang gwapo niya shutangina.


"Hey honey." Bati niya sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at inalalayan akong makaupo. He sat beside my bed before taking my palm.


"Yung sinabi ni Papa.."


"Keribels lang yun Seth. Nagets ko naman ang Papa mo." Pagputol ko. Tiningnan niya ako ng seryoso bago umiling. Iyong kamay niyang hawak ang aking palad ay mas humigpit.


"Hindi ko siya naiintindihan. Hindi ko kayang intindihin ang ginagawa niyang pangigipit sayo. How could he even do that? You are my rule." Nahihirapan niyang sabi. Ngumiti lang ako at hinaplos ang gwapo niyang leeg. Bes , mahal ko talaga ang leeg ni Seth, bwisit siya. Sana leeg na lang siya.


"Seth.."tawag ko na lang sa pangalan niya kasi wala na akong masabi. Lumapit siya lalo sa akin at siniksik ang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang labi niya sa aking leeg kaya napahagikgik ako. Tinampal ko ang kanyang pisngi at bahagya siyang pinalayo.


"Malanding bibe." Natutuwa kong sabi. Ngumisi lang siya at mas lalo akong hinapit. Nasa ganoong pwesto kami noong magbukas ang pintuan at pumasok si Sir Stanley kasama si Ma'am Tori.


Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Seth sa akin bago nagbago ang kanyang ekspresyon.


"Get out Pa." utos niya. Pinisil ko ang braso niya. Ang bad talaga uy. Ganyan ba naman niya kausapin ang Papa niya. Paano kung dumating ang panahon na kausapin siya ni Callie ng ganiyan? Naku.


"Pasok po." Magiliw kong sabi. Bahagyang tumaas ang kilay ni Sir Stanley bago pumasok sa loob. Pinaghila niya ng upuan si Ma'am Tori bago kumuha ng sa kanya.


"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Elizabeth.."


"May ballpen po ba kayo diyan?" awat ko sa litanya niya. Napahinto ito bago tumingin sa asawa.


"May ballpen ka Yang?" aniya. Tiningnan ako ni Ma'am Toryang bago napangiti. Kinalkal niya ang bag niya bago iniabot ang isang Parker pen sa asawa. Tiningnan akong muli ni Sir Stanley bago iniabot iyong ballpen sa akin.


"Here."


Kinuha ko iyon. "Salamat po." Sabi ko. Nilingon ko si Seth na nasa aking tabi at manghang mangha sa ganda ko. Shucks bes. I'm so pretty much talaga.


Maganda talaga ako. Since born pa. Hay.


"Sir Stan, yung kontrata po na pinapapirma ninyo kanina. Pipirmahan ko na po—"


"Elizabeth!" tawag ni Seth sa akin. Hindi ko siya pinansin. Nilabanan ko lamang iyong titig ng tatay niya sa akin. Hindi ngumingiti si Sir Stanley kaya mas kinakabahan ako sa maaring maging resulta ng gagawin ko.


"Anong binabalak mo?" anas ni Sir Stanley. Nilingon ko si Seth na mukha ng ewan sa kama bago ko binalik ang tingin kay Sir Stan. Sinulyapan ko rin si Ma'am Tori na nasa tabi lamang at tahimik na nakatingin sa amin.


"Pipirmahan ko po iyong prenup katulad ng gusto ninyo. Gagawin ko poi yon hindi dahil sa gustokong makuha ang basbas ninyo para makasal kami ng anak ninyong bibe. Pipirmahan ko po iyan dahil gusto kong patunayan sa inyo na mali ang iniisip ninyo sa akin. Hindi po ako masamang tao at wala akong masamang hangarin sa anak ninyo. Tapat po ako at malinis ang intension ko. Wala po akong pinapatay at di rin po ako nag aadik. Kung gusto po ninyo ay isusuplong ko na iyong kapit bahay namin na si Mang Kanor, mapag shabu poi yon dati—"


"Bullet." Tawag ni Seth sa akin. Tinitigan ko siya. Nangingiti siya na hindi ko mawari. Para bang may narinig siyang nakakatawa at pinipigilan niya ang hindi mapangiti pero mukhang nahihirapan siya.


"Bakit? Nagsispeech pa ako uy!" saway ko. Sumimangot ako at tinitigan ang ama niyang nakatingin din sa akin.


"Mura lang po ang sweldo ko kasi Teacher 2 pa lang ako pero gagalingan ko po para mapromote ako at tumaas ng very very light ang sweldo ko! Pero promise Sir, ultimo panty ko tsaka napkin, ako ang gagastos. Kung nagaalala kayo na baka perahan ko ang anak ninyo, calm your tits na po. Ni singko wala akong kukunin sa kanya. Cross my heart hope you die po." Litanya ko. Napanganga si Sir Stan habang pinapanood ang speech ko kaya ako na ang kumuha ng folder na hawak niya. Mabilis akong pumirma with matching heart heart pa bago binalik sa kanya iyon.


Namamangha niyang inabot iyon bago tiningnan si Ma'am Tori sa kanyang tabi na natatawa na. Hala, lukaret talaga oh.


Binalingan kong muli si Sir Stan. "Ser, mahal ko po ang anak ninyo at gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak ko. Alam ko pong hindi ninyo ako kalevel kasi dyosa ako pero ..iih joke lang. Peace yow." Natatawa kong sabi noong bahagyang tumaas ang kilay ni Sir Stanley.


"Ang daldal mo Elizabeth." Aniya. Ngumisi lamang ako. Gumapang ako sa kama para mas mapalapit sa kanya. Ngumiti ako sa mga magulang ni Seth bago ko hinawakan ang kanilang mga kamay.


"Una po sa lahat, gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa inyo. Hindi ko po talaga intensyon ang nakawan kayo. Nagipit lang po ako." panimula ko. Naramdaman ko ang pagpisil ni Ma'am sa aking kamay at napangiti ako.


"Pangalawa po," nilingon ko si Seth na nakatingin lamang sa aming tatlo. "Maraming maraming salamat po dahil nagkaroon ng isang Seth dito sa mundo ng dahil sa inyo. Di ko na po tatanong paano ninyo siya ginawa kasi alam ko na po dahil may Callie na kami. Pero kidding besides po, salamat po talaga ha? Kasi kahit gago si Seth mahal niya ako at si Callie. SML po." Sabi ko. Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay biglang humalakhak si Ma'am Tori bago niya hinampas si Sir Stanley na nasa kanyang tabi.


"Nakakatuwa ka talagang bata ka." Anas niya. Ngumiti lamang ako at hindi na sumagot. Naramdaman ko ang paglapit ni Seth sa akin bago niyakap ang aking beywang.


"I'm going to marry Elizabeth Pa. At hindi ko rin gagalangin iyang prenup na pinagawa mo kay Mama. Seriously Pa, ginagaya mo si Lolo. Wala kayong originality." Reklamo ni Seth. Napatingin ako dito dahil hindi ko gets ang sinasabi niya.


"I'm just protecting you." Katwiran ni Sir Stan. Tiningnan niya akong muli bago nito kinuha ang papeles na nasa akin.


Huminga ito ng malalim bago ako tinitigan ng mariin. "Pinaimbestigahan kita Elizabeth. Pero kahit na alam ko na ang rason mo kung bakit ka nagnakaw, hindi ko pa rin maalis ang mag alala para sa anak ko." Aniya. Nawala ang ngiti ko at napatungo na lamang.


"Pero wala na akong magagawa. I actually did everything just to keep you away from my son. I forged his handwriting to send you that letter, I even asked my first born to file that fucking TRO against you pero wala pa rin. I'm sorry." Pag amin niya. Nanlaki ang mata ko habang si Seth ay napahigit ng hininga.


"Papa!"


"Ginawa ko iyon dahil anak kita at gago ka. Ayaw kong habulin mo ang babaeng nanloko sa iyo! Pinrotektahan lang kita Seth dahil ayaw kong masaktan ka ulit." Mahinahon na dipensa ni Sir Stanley. Tumayo si Ma'am Tori at pumagitna sa dalawa.


"Tama na. Matagal ng tapos yan, hindi ba Bullet?" baling niya sa akin. Tumango ako at hinawakan sa braso ni Seth.


"True! Tama na Ser ha? Chill ka lang. Love you." Lambing ko dito. Tiningnan lang niya ako bago lumambot ang kaniyang mukha.


"Damn it Papa." Anas niya. Ngumiti lamang ako at sumandal sa kaniyang balikat.


Naiintindihan ko naman si Sir Stanley. Kung ako siya at may manloko kay Calliope, paniguradong ilalayo ko rin ang anak ko. Magulang lamang siya na nagmamahal. Mahal lang niya si Seth kaya ginawa niya ang nagawa niya. Katulad na lamang ng pagmamahal ko sa kapatid ko kaya nakapagnakaw ako.


May mga mali talaga tayong nagagawa kapag nagmamahal tayo at malaking parte iyon ng buhay. Hindi tayo maglelevel up kung hindi tayo nagkakamali. Ika nga ni Einstein, a person who never commits a mistake is a person who never tried to learn. Or something like that. Di ako sure. Basta ganun yung thought.


Yumakap ako kay Seth bago tiningnan si Sir Stanley na nakatitig lamang sa akin. Namulsa na siya bago nagpalabas ng isang masuyong ngiti.


"Bueno, kailan ang balak ninyong kasal?" aniya. Nanlaki ang mata ko kaya napakalas ako kay Seth.


"Totoo po? Payag na kayo pudrakels?!" excited kong sabi. Shet bes! Diz iz it!~


"Oo naman Elizabeth. Huwag na nating hintaying lumaki ang tiyan mo bago kayo ikasal." Si Sir Stan ulit. Napalingon sa akin si Ma'am Tori.


"Hindi naman yata tabain si Bullet Tan Tan, adik ka ba?" tanong niya. Ay true dat Madam.


"Oo nga po. Hindi nga po ako kumakain kasi lagi akong kinakain ng anak ninyo!" sumbong ko. Napasinghap si Ma'am Tori bago hinampas si Seth sa bibig.


"Ikaw talaga! Ang dami daming pagkain sa bahay Seth Philip!"


Umiwas si Seth sa palo ng ina."Ma!" atungal niya. Nakita ko si Sir Stan na nakatitig lamang sa aming tatlo.


"What I mean is, hay nako Toryang. Tumanda ka na't may apo na tanga ka pa din. Tingnan mo pati yang anak mo at manugang adik na din." Reklamo nito. Napahinto kami at tinitigan si Sir Stan.


Hinarap niya ako. "You're seven weeks pregnant Elizabeth. Congratulations anak." Bati niya bago ako hinila para mayakap.


------------------------

Samahan niyo daw silang gumawa ng snow man mga bes!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top