Barbie


14


Pumalakpak ako sa harap ni Calliope habang tinuturuan ko siyang kumanta. Bumibilog lamang ang mata ng anak ko habang pinapanood ako. Iyong hintuturo niya ay nakasubo lamang sa bibig niya.


"May tatlong pogi akong nakita, matangkad, may dimple, mga pogi. Ngunit ang isa sa kanila ay beki. Siya ang pogi na nagsabi nang ay ay ay. Ay ang pogi, ay ang sherep.." kanta ko. Kumunot ang noo ni Callie at pinunas ang daliri niyang nakasubo kanina sa mukha ko. Nabasa ang pisngi ko ng laway niya habang siya ay tumatawa lamang.


"Mie.." tawag niya sa akin. Napailing na lang ako at kinarga siya. Siniksik ni Callie ang mukha niya sa leeg ko habang palabas ako ng playroom.


"Morning babe. Morning sugar." bati ni Ruan sa amin. Nilingon ko si Ruan na kararating lang yata. Nilapag ko muna si Callie sa mat at lumapit ako rito.


"Morning." sabi ko. Hinalikan niya ang pisngi ko at lumapit naman siya kay Calliope. Itinaas ng anak ko ang maliliit niyang braso at nagpapakarga kay Ruan.


"Pap, up." aniya. Kinarga siya ni Ruan at nilapit sa may mesa. Iniupo niya si Callie sa highchair habang ako ay pinaghahanda na ang bata ng pagkain nito.


Noong matapos kami sa almusal ay binihisan ko agad si Calliope. Sabado ngayon at balak namin ni Ruan na ipasyal ang bata sa mall. Noong isang araw pa kasi nanghihingi ang anak ko ng french fries at sundae. Gusto ko rin namang mapagbigyan ito.


Pinagsuot ko ng pink na strawberry bonnet si Callie at pinabayaan na lang na malaglag ang tuwid na tuwid niyang buhok. Nakawhite naman siyang jumper dress at pink na shirt.


Inayos ko ang buhok ko at pinin iyon gamit ang pearl na ipit na iniregalo ni Ruan sa akin. Inadjust ko ang strap ng aking pink na jumper dress bago ko tinupi ang sleeves ng puti kong blouse. Noong matapos na ako ay inalalayan ko sa paglalakad niya si Callie.


"Mie? Fwench fwies?" tanong niya habang nakasubo na naman ang hintuturo niya sa kaniyang bibig. Inalis ko iyon at pinunasan ang daliri at bibig niya.


"Yes baby." sagot ko. Lumawak ang ngiti ng anak ko at napahinto na lang ako. Napatitig ako kay Calliope at nalungkot na lamang ako bigla. Kahit iyong klase ng ngiti niya ay nakuha niya sa ama niya.


Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko bago ako nanghinayang. Pasensya na Callie, kasalanan ni Mie kung bakit di mo makikilala ang Papa mo.


"Bullet?"


Natigil lamang ako sa pag iisip noong makita ko si Ruan na nakatayo na sa likuran ko. Kinarga ko na si Callie at ngumiti sa kaibigan ko. Lumapit siya sa amin at pinagbuksan kaming mag ina.


"Where will we go first? I want to buy a new barbie doll for Callie." anas ni Ruan. Mula sa pagkakasiksik sa leeg ko ay napatingin si Callie kay Ruan. Namilog ang mata niya sa sobrang saya.


"Bawbie? Pap buy bawbie?" aniya. Nakurot ko ang pisngi nito sa sobrang kacutean. Sarap gawing keychain lang eh.


Alas onse na noong makarating kami ni Ruan, Nana Sela, at Callie sa mall. Naglalakad iyong bata at pareho naming hawak ni Ruan ang kamay niya para hindi madapa. Noong nasa escalator na kami ay doon pa lamang siya kinarga ni Ruan. Agad na tinago ni Callie ang mukha niya sa leeg ni Ruan habang ako naman ay tumabi sa kanilang dalawa.


"Elizabeth, mamimili muna ako ng grocery natin." paalam ni Nana Sela. Tumango lamang ako at kumaway kay Nana noong lumiko na siya. Dumiretsyo naman kami ni Ruan sa may department store para sa bagong barbie ni Calliope.


"Bawbie!" sigaw ng bata pagkakita sa mga nakahilerang kahon ng mga manika. Ngumiti lamang ako at dumampot ng barbie doll para sa kanya.


"Down! Pap! Down!" anas ng bata. Naglikot siya sa balikat ni Ruan kaya binitiwan naman siya ni Ruan. Nagmamadaling lumapit si Calliope sa estante ng mga manika at naghanap ng gusto niya.


Dinampot niya ang isang manika na nakabihis ng parang Cinderella. Lumapit ako rito habang si Ruan ay tumabi sa akin.


"I think she likes that." anas nito. Tumango lamang ako.


"She loves Cinderella so much." wala sa loob na sabi ko. Hindi na nakasagot si Ruan noong tumunog ang cellphone nito. Itinaas niya ang kamay niya para magpaalam bago lumayo sa akin.


Noong makalayo si Ruan ay umupo ako sa tabi ni Callie para ayusin ang mga boxes ng manika na nahulog niya. Ang anak ko naman ay yakap yakap na ang kahon ng barbie na Cinderella.


"Mie!! Mukha mo bawbie Mie." sabi niya. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niyang dumikit na sa mataba niyang pisngi.


"Talaga?" sabi ko. Tumango siya at niyakap ulit iyong kahon bago sumiksik sa akin. Kinarga ko na si Callie at tumayo. Noong dumiretsyo na ang likod ko ay ganoon na lang ang gulat ko noong makita ko kung sino ang papasok sa department store.


Hindi ko alam kung tatalikod ba ako o ano habang si Seth ay naglalakad at namimili ng mga v neck na tshirt. Pota! Bes! Dala ko anak ko, shit lang!


"Bawbie!" sigaw ni Callie. Nanlaki ang mata ko lalo pa't medyo magkalapit lamang kaming tatlo. Tinakpan ko ang bibig ng anak ko at binawalan siya.


"Calliope, huwag maingay baby ha?" bulong ko. Abot abot na ang kaba sa dibdib ko sa takot na makita kami ni Seth. Binaba ko ulit si Callie at yumuko din ako para makapagtago. Natatakot naman akong lumabas sa estante dahil paniguradong madadaanan ko na si Seth.


Nilingon ko ulit si Ruan na abala pa rin sa pakikipagusap sa telepono niya. Sinilip ko ulit si Seth na pinagkukumpara ang dalawang shirt. Kunot na kunot ang noo niya habang pabalik balik ang tingin sa shirts.


Habang tumitingin si Seth sa mga shirt ay may magandang babaeng naglakad papunta sa direksyon niya. Her hair was iced blonde, dilaw na floral dress ang suot suot niya at blue na pumps. Yumakap siya sa beywang ni Seth at hinalikan ito sa labi.


Humigpit ang hawak ko sa bakal ng estante noong makita ko kung paano sinagot ni Seth ang halik ng babae. Nilingon ko si Callie na walang alam sa kahit na anong nangyayari. Nakatutok lamang ang bata sa barbie niya, nakanguso at tumutulo pa ang laway.


Yumuko ako at pinunasan ang bibig niya. There is your Papa Callie. Your Papa is kissing another girl.


Sinilip kong muli iyong estante kung nasaan si Seth. Noong wala na ito ay agad kong kinarga si Callie para mapuntahan ko si Ruan. Noong makalapit ako rito ay may kausap pa rin siya sa telepono niya.


"Ruan.." tawag ko rito. Humarap sa akin si Ruan na nagtataka ang mukha. Lalong kumunot ang noo niya noong makita ang pamumutla ko. Wala sa loob niyang ibinaba ang tawag at nilapitan ako.


"Why?" nagaalala niyang sabi. Nanginginig ako habang naalala ko kung paano hinalikan ni Seth iyong babae kanina.


"S-Seth's here." sabi ko na lamang. Narinig ko ang pagmumura ni Ruan bago ako nilapitan.


"Let's go." aniya na lamang. Dumiretsyo kami sa counter para bayaran na iyong barbie doll ni Callie.


Habang nakapila ay para akong wala sa sarili na nakayuko lamang. Sinusundan ko ang linya at ilang beses ko pang naapakan ang sapatos noong lalaki sa harapan ko. Si Ruan naman ay abala sa pagtawag kay Nana Sela para papuntahin na ito sa parking lot.


"Yes Nana. I'm with Bullet and Callie. Yes, yes. Thanks." aniya kay Nana. Hawak hawak ni Callie iyong box ng barbie niya at kumakanta pa ng tatlong bibe habang karga ko ito.


"Bawbie, Mie!" sigaw niya. Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Muli lamang akong yumuko.


"Bawbie!" sigaw niya sabay kaway ng braso niyang hawak iyong box ng barbie niya. Nabitawan niya iyon at dumulas sa may sahig. Akma ko na sanang pupulutin iyon noong kinuha iyon ng lalaki sa harapan ko.


"Here." aniya at iniabot sa amin ang kahon ng barbie doll. Nanlaki naman ang mata ko habang siya ay malamig na nakatingin sa akin. Mabilis na lumapit si Ruan at iniabot ang box ng manika mula sa kanya.


"Seth." bati ni Ruan dito. Naramdaman kong itinago ni Calliope ang mukha niya sa leeg ko. Muntik na akong mapahinga ng malalim lalo pa't nilingon ni Seth ang batang dala ko.


"Your daughter?" his voice was as sharp as the edges of an ice. Tumango lamang ako.


"She's Calliope." maikli kong sagot. Tiningnan niya ang suot naming mag ina, pareho kaming nakapink at puti, bago siya napangisi. Umiling lamang siya at tiningnan ako.


"Anong meron sa pink at puti ngayon, huh?" mayabang niyang sabi. Kumunot ang noo ko. Namulsa siya sa puti niyang pantalon bago niya inayos ang pagkakasabit ng kanyang dogtag sa pink na vneck shirt niya. Napasinghap na lamang ako habang siya ay tumalikod na lamang.


"Shit.." halos pabulong kong sabi. Lumapit lalo si Ruan sa akin at hinawakan ang beywang ko. Lumingon muli si Seth sa amin kaya mas isiniksik ko ang sarili ko kay Ruan para makapagtago.


Dinukot ni Seth ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa bago ito itinapat sa tenga niya. "Margaux? I'm done paying. Nasaan ka na? Hmmmn. 'Kay. Bye." maiksi niyang sabi. Ibinulsa niyang muli iyon at basta na lamang kaming nilagpasang tatlo ni Ruan dala dala ang pinamili niya.


Napapikit ako ng mariin at halos matumba na ako sa kaba. Putangina bes!


Noong makalabas na kami sa department store ay nagmamadali na kaming lumabas ni Ruan. Malapit na kami sa escalator noong narinig kong may tumawag sa pangalan ni Ruan. Humarap ito at nakita ko si Seth na kasama na iyong dress na babae kanina.


"Mr. Scotts? Are you in a hurry?" mayabang nitong sabi. Naglakad siya papunta sa amin, iyong combat boots niya ay tumataginting ang tunog sa tiles. Hinawakan ko ang ulo ni Calliope at mas siniksik ko iyon sa leeg ko.


"Yes.." sagot ni Ruan sabay tingin sa akin. Lumapat ang kamay niya sa beywang ko. Tumaas ng bahagya ang kilay ni Seth habang nakatingin sa kamay ni Ruan sa akin bago siya muling ngumiti.


"Is that so? I was planning to invite you and Elizabeth for lunch first. My treat." sabi niya. Humigpit ang hawak ni Ruan sa akin bago niya nginitian si Seth.


"No. Thanks but we are kind of busy. Family day." simpleng sagot ni Ruan. Umigting ang panga ni Seth at matalim na tinitigan si Ruan. Lumapit iyong babaeng yellow sa amin at kumapit sa braso ni Seth.


"Baby, I'm hungry." maarte nitong sabi. Hindi siya pinansin ni Seth. Nanatili naman ang tingin ko sa kamay noong babae na nakapulupot sa balikat ni Seth.


"Really? That's sad." bumuntong hininga ito bago may kinalkal sa paper bag niya. "By the way, I bought this awhile ago. Ibigay mo sa anak mo Elizabeth." aniya sabay baling sa akin. Nanlaki ang mata ko at tiningnan iyon.


"Nakita ko lang kanina sa counter noong nagbabayad ako." maikli niyang sabi. Tinitigan ko lamang na nakahalad iyon.


"I think she likes barbie." dagdag ni Seth. Gumalaw si Callie na nasa balikat ko noong marinig iyon. Tiningnan ako ng anak kong namimilog ang mata.


"Bawbie?" paninigurado pa nito. Seth chuckled. Nagpanic na ako lalo pa't lumalapit si Seth dito habang hawak pa rin iyong barbie na hairclip.


"Yes honey. Do you like barbie?" anas nito. Noong marinig ni Callie ang boses ni Seth ay muli siyang nagtago sa leeg ko.


"Mauuna na kami." sabi ko na lamang. Sumeryoso si Seth bago napangisi.


"See you soon, honey." paalam niya. Hindi ko na ito pinansin at nagmamadaling naglakad palayo rito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top