Amazed


3




Minsan iniisip kong inggitero si Seth. Lagi kaya niyang tinitingnan yung suot ko tapos nagagalit siya kapag seksi yung damit ko. Like duh! Kung gusto niyang magskirt eh di bumili siya! Tig 3 for 50 euros lang naman yung skirt. May pencil cut na yun tapos mermaid cut pa tsaka band aid skirt. Pak ganern!


Katulad na lang ngayon, binabasa ko iyong schedule niya para mamaya pero siya di naman nakikinig. Nakatitig lang siya sa hita ko tapos sa mukha ko pababa tapos tataas na naman tapos bababa na naman.


Di ba siya nagsasawa sa ganda ko? Alam ko namang epic yung mukha ko pero dapat mapagod naman siya! Ako nga napapagod maging maganda, siya pa kayang tinititigan lang ako! Kaloka!


Inadjust ko iyong cup ng bra kong nahuhulog. Strapless lang kasi iyon kaya medyo bumababa. Nakita kong medyo napalunok si Seth bago umayos ng upo.


"Is that all? So I'm free after two o'clock?" aniya. Tinitigan ko ang schedule niya bago tumango.


"Oo nga Ser... Pang apat na beses ko ng binasa eh. Ulit ulit kayo. Kaya kayo nasasaktan eh." sagot ko. Tumaas ang kilay niya bago tumawa.


Pakshet na malagkit! Jusko, ayokong tumatawa yang hinayupak na gagong yan! Sobrang gwapo niya kapag ganyan siya. Nahuhulog yung ano ko... yung ano ba.. panty ko.


Inipit ko iyong buhok ko sa gilid ng tenga ko bago nakipagtitigan sa kanya. Tumayo naman siya at inayos iyong kanyang suit.


"Ako na lang bang hinihintay?" tanong niya habang papunta kami sa isa niyang meeting. Tumango ako.


"Oo Ser. Pabebe much lang. Lagi na lang kayong late kaya nagagalit si Ser Shawn eh." anas ko pa. Tinitigan lamang niya ako bago ngumuso.


Noong makarating kami sa conference room ay punong puno na iyon ng tao. Ang meeting kasi ngayon ay tungkol sa agreement ng resort at ng isang sikat na brand ng pantalon. Magshoshooting ang pantalon sa resort namin pero ang kapalit ay ang pagmomodelo ng boss ko.


Oo na, aaminin kong kaya sikat iyang lokong iyan dahil modelo siya. Nagmana yata siya doon sa lola niyang sikat rin noong kapanahunan niya. Sabagay naman kasi, maganda ang genes nila. Palahi nga ako.


Punong puno na ng tao ang loob kaya sa harap ako pumwesto para kumuha ng minutes ng meeting. Umupo ako sa may gilid malapit kay Seth habang siya naman ay doon sa pinakaunahan pumwesto.


Nagsimula ng magpresent iyong Amerikanong hilaw ng tungkol sa ad nila. Ako naman ay kung todo sa pagsusulat. Dapat kasi mala book report iyong minutes na magagawa ko. Yung tipong back to back four pages tapos 9 pa yung font size na may narrow margin. Saan ka pa diba? Kaya nga ako pinupuno ko na lang ng quotes eh para masaya. Tsaka hehehehe para matuwa naman si Ser.


Busyng busy ako sa pagsusulat noong biglang tumayo si Seth. Masama ang tingin niya sa hita ko. Kumunot naman ang noo ko at tiningnan din ang legs ko.


Inaano ba siya ng legs ko? Feeling ko talaga inggit itong si Seth.


"Those perverts are looking at your legs Elizabeth." seryoso niyang sabi. Tiningnan ko ang mga lalaking tinutukoy niya na nakatingin naman sa projector.


Kailan ba naging mukhang projector ang legs ko? Minsan nakakabastos itong si Seth.


Marahas niyang inalis iyong suit niya at binagsak iyong legs ko. Nakataas ang kilay niya at inayos pa ang pagkakatakip noon.


"Pasaamat ka hindi ka akin." bulong niya. Ngumuso lang ako at tumawa sa kanya.


"Thank you." sabi ko. Ngumiwi siya.


"Para saan?"


"Sabi mo pasalamat ako sayo? Tae Ser ang gulo mo." reklamo ko. Huminga lang siya ng malalim bago tumayo ng diretsyo.


"If you keep looking at her legs gentlemen, then I won't do the ad. Are we clear?" aniya. Parang robot na tumango ang mga ito at halos mapapalakpak ako. Kabog! Galing! Are we clear lang pala katapat nun eh.


Noong matapos iyong meeting niya ay bumalik kami sa kanyang opisina. Sumunod ako hanggang sa loob para malaman kung may iba pa ba siyang iuutos.


"Ser, okay na?" tanong ko. Tiningnan lang niya ako. Inilahad niya ang braso niya sa akin at lumapit naman ako para tupiin ang manggas niyon.


Habang ginagawa ko iyon ay titig na titig lamang siya sa mukha ko. Noong mag angat ako ng paningin ay ganoon pa rin. Para bang nakadikit na ang mata niya sa akin.


"Ser, umamin nga kayo." panimula ko. Bahagyang lumayo sa akin si Ser at medyo napalunok.


"Umamin ng ano?"


Tinitigan ko siya ng maiigi. "Ser..."


"Ano nga?" inis na niyang sabi. Ngumisi ako. Siya naman ay napalunok.


"Naiingit ba kayo sa mukha ko Ser? Kanina pa kayo titig ng titig eh." anas ko. Nahulog ang panga niya bago ako tinitigan lang.


"What the fuck Bullet? Iyan talaga ang naiisip mo?" bulyaw niya. Napahakbang agad ako palayo kasi nakakatakot na siya.


"Bakit? May iba pa ba akong dapat na maisip? Kayo naman kasi eh! Kung makatitig kayo parang gusto na ninyong kunin!" katwiran ko. Inalis niya ang necktie niya habang masama pa rin ang tingin sa akin.


"Gusto ko talaga!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko. Gusto niya? Gusto niya daw talaga?!


Ampota! Inggiterong bakla!


"Ser! Akin lang ang legs ko!" sagot ko. Napailing siya at lumapit sa akin. Umiiling iling pa siya at hinila ako palabas.


"Hindi ko alam bakit pa kita kinakausap." aniya. Tumango ako.


"Di ko rin alam kung bakit Ser. Bakit nga ba?"


"Ewan ko nga! Bwisit!" aniya pa. Pumasok kami sa elevator para makaalis ng resort.


Sumakay kami sa kanyang Hilux. Pagkasakay ko ay agad kong kinabit ang aking seatbelt dahil mamamatay ako kapag si Seth ang driver. Ilang beses na yang nahuli dahil sa overspeeding eh.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Inistart niya ang kotse.


"Sa Lola ko. May itatanong ako." sagot niya. Napanguso lamang ako.


"Bakit kasama pa ako?"


Tumitig siya sa akin. "Kasi ikaw ang itatanong ko, babaeng baliw." aniya. Lalong tumalim ang nguso ko at pinalo naman niya iyon.


"Tumigil ka sa kakaganyan Bullet. Pag ako hindi nakapagtimpi..." sabi niya pa. Tinakpan ko ang bibig ko kasi baka paluin niya ng mas malakas.


Ang beach ni Ser ngayon. Anyare ba?


Tahimik lang ako habang nagbabyahe kami kasi natatakot akong mapalo. Nagsalita lang ako ulit noong huminto kami sa isang malaking lote.


"Dito si Lola mo Ser?" tanong ko. Inayos ko iyong palda kong bahagyan nalislis mula sa pagkakaupo.


"Sort of." sagot niya. Naglakad kami sa malawak na damuhan hanggang sa makaabot kami sa isang malaking bahay. Pumasok si Seth roon habang ako ay palinga linga pa rin.


"Bullet!" tawag niya sa akin. Sumilip ako at doon na tuluyang pumasok.


"I want you to meet my Lola." aniya. Napahinto naman ako habang nakatingin roon sa sinasabi niyang Lola. Tiningnan ko si Seth habang inaalis na ang mga natuyong bulaklak at natirang kandila.


"Ser..." tawag ko rito. Nagsindi siya ng panibagong kandila at inilgay iyong sa ibabaw ng puntod ng kanyang Lola.


"She died when I was fourteen." anas ni Seth. Lumapit ako at binasa ang pangalan na naroon.


Phoebe Thea M. Montreal


Hindi ko alam pero bumigat ang pakiramdam ko sa nabasa. Siya malamang ang asawa ni Ser Sandro the sungit.


"Goddafternoon po Ma'am." bati ko. Inabutan ako ni Seth ng kandila at sinindi ko rin iyon.


Tahimik kaming nagdasal. Pero noong tumagal ay kinalabit ko na si Seth kasi masyadong tahimik. Baka multuhin na kami ng Lola niya.


"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko. Kumuha siya ng dalawang upuan at ibinigay sa akin ang isa.


"I want you to meet my Lola. Nameet mo na ang parents ko at si Lolo. Si Lola na lang ang hindi." paliwanag niya na mas lalong kinagulo lang ng utak ko. Huminga siya ng malalim habang nilingon iyong puntod.


"Our family has this fucking rule Bullet. Isang beses lang ang kakayahan naming magmahal. It's either you win or you fucking lose when you fall. Walang second chance sa amin, We only love once." aniya. Tiningnan ko siya at halos mapaluha ako.


Kung isang beses lang eh di paano ang Mama niya, ang Papa niya, ang mga kapatid niya? Kaya ba niya ako dinala dito kasi di siya makapili kung sino ang pagbibigyan niya?


"Bullet!" tawag niya sa akin. Nilingon ko siya ulit.


"Ser, makakapili din po kayo ng mamahalin sa pamilya ninyo." paniniguro ko. Matagal niya akong tiningnan bago siya bumuntong hininga.


"Kailan kita makakausap ng hindi lumilipad ang utak Elizabeth?" masungit niyang sabi. Ngumiti lang ako.


"Ay Ser, di naman po limilipad ang utak. Tanga niyo po." sabi ko dito. Umismid lamang siya.


"As I was saying, when my Lola died, si Lolo halos mamatay na rin noon. That was the first time I saw him cry. I knew my grandfather to be the most ruthless person and yet when my Lola dies, he turned into a weak man." kwento niya. Huminga siya ng malalim at tiningnan ako.


"I don't want to be like him. I don't want to be weak like him. Ayokong umiyak para sa isang babae lamang Bullet. Pinangako ko sa sarili kong ako ang iiyakan, ako ang mamahalin, at kahit kailan hindi ako iiwanan. I promised myself that I will be the first Montreal who will break the rule. Ako ang kauna unahang Montreal na hindi magmamahal dahil ayaw kong maging mahina." deklara niya. Tiningnan ko iyong puntod ng Lola niya habang siya ay nakatingin lamang sa akin.


Hindi ko siya masyadong naintindihan. Natatakot siyang magmahal ganern?


Kinamot ko ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. "Ano Ser.. dapat ba akong may sabihin din?"


Umiling siya. "No. Wala naman. Gusto ko lang ng makakausap." aniya. Napanguso lamang ako bago tumango.


"Ano kasi Ser... hindi naman po nakakatakot magmahal. Mas nakakatakot kaya yung gagamba sa ceiling o kaya yung malalaglag mo yung bagong biling iPhone. Sa totoo nga po Ser, mas masaya pong magbigay kaysa magdamot kasi takot lang tayong masaktan." sabi ko. Matagal niya akong tinitigan bago natawa na lamang.


"Bakit?" tanong ko habang siya ay tumatawa lamang. Tumayo na ako at pumunta sa harapan niya.


"Bakit ka tumatawa Ser?!" tanong ko. Napailing lamang siya at tumawa pa rin.


"Seth!" sigaw ko na. Hinila niya ako bigla kaya bumagsak ako sa kanyang dibdib. Umusog siya ng kaunti para iyong pagkakakandong niya sa akin ay mas maingat.


"You never cease to amaze me Ma. Elizabeth." bulong niya. Tiningnan ko lamang siya bago ngumiti.


Ano daw? Translator please! Sabi ko na dapat bibili na akong bagong dictionary! Piste!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top