After

16


Bes? How to be you po? Naloloka na ako. Buong maghapon lang akong nakatitig sa poster ni Lucky Blue ngayon bes. Nakaka huhubels bes, di ako nakapunta sa Penshoppe. Bes! Help me bes! Bigti na tayo bes. Di ko nasilayan ang pinakagwapong color blue sa mundo bes.


"Mie.."


Napaharap ako kay Callie na nakatayo na sa kanyang crib. Pinupunasan niya ang kagigising lamang niyang mata habang nakangusong nakatingin sa akin. Lumapit ako sa anak ko at agad siyang kinarga. Yumakap agad si Callie sa aking leeg at kumapit sa akin.


"Mie, eat na tayo." Anas ng anak ko. Kiniss ko lamang ang pisngi niya bago tumango. Nagflying kiss na lamang ako sa poster ni Lucky bago ko inilabas si Calliope papuntang kusina.


Kaming dalawa lamang ang narito ngayon dahil si Nana ay umuwi sa probinsya nila samantalang si Ruan ay may taping naman sa Quezon. Kaya ito kami ngayon bes, kaming dalawa lang ng baby ko.


Inihain ko ang gatas ni Callie saka ang kanyang mashed patatas at kaunting kanin. Sinubuan ko siya habang siya ay tutok naman sa kanyang Barbie doll.


Habang ngumunguya si Callie ay muli akong nadepress. Buti pa yung kapitbahay naming mga Tibi bes, nakapunta sa SM Aura. Ako nandito lang, nag iisa, kasama ang anak kong kamukhang kamukha ng hinayupak niyang ama.


"Mie!" sigaw ni Calliope. Hinihila na niya ang kamay kong may hawak sa kutsara niya papunta sa kanyang bibig. Agad ko iyong sinubo sa kanya at siya naman ay mabilis na ngumuya.


Calliope is turning three in a few days. Gusto ko sanang maisama na siya sa school para naman makapagsimula na siyang mag aral. Kailangan smart ang anak ko. Dapat bes di lang siya puro ganda, dapat matalino din. Pak ganern bes! Dapat maladyosang ganda with matching unlimited talino ang anak ko.


Noong matapos si Callie kumain ay agad ko siyang inilapag sa kanyang mat para maglaro. Ako naman ay naging abala sa pagliligpit ng pinagkainan niya at pagluluto na rin ng tanghalian namin.


Paminsan minsan ay tinitingnan ko si Calliope na abala lamang na nanunuod ng Dora. Noong nagpatalastas ay inilabas ang commercial ni Kendra at noong tatay niyang umiinom noong juice drink. Napanguso si Callie at lumapit sa TV namin.


"Pap!" sigaw nito. Nanatili siyang nakanganga at tinititigan ang commercial. Para naming nadurog ang puso ko habang iyong bata ay nakatitig lamang sa TV at tinitingnan ang mag amang artista.


Hayaan mo Nak, pupuntahan ni Mie mamaya si Lucky Blue sa SM para may Pap ka na.


Kinabukasan ay Linggo. Bumalik na rin si Nana daladala ang maraming pasalubong na Barbie doll at patatas galling raw sa kaniyang probinsya. May iilan pang mushroom na kasama. Hindi ko mapigilan tuloy ang matawa dahil naalala ko iyong nakakachat ko dati na si MushroomPalitaw. Kaso ay hindi na ako nakakapagonline eh. Nagdeactivate na kasi ako ng mga account ko magmula noong mabuntis ako kay Callie. Ayaw ko kasing makita ako ni Seth na nagbubuntis.


Hapon na ako nakaalis ng bahay para pumunta sa school. Kailangan ko kasing ayusin ang mga gagamiting panluto ng mga high school bukas para sa Nutrition Month nila.


Pagkarating ko sa school ay wala na akong naabutang mga teachers. Ako na lamang, iyong mga guards at kakaunting mga janitor. Abala na ako sa paghahanda ng mga blender noong may narinig akong nagbukas ng pintuan sa TLE Lab. Noong nilingon koi yon ay ganoon na lamang ang gulat ko noong makita si Seth na nakatayo roon at nakatitig sa akin.


Nilibot niya ang tingin niya sa buong lab habang nilalapag iyong dala niyang bulaklak sa isa sa mga sink. Inalis niya ang Raybans niyang nakakabit sa kanyang ulo bago lumapit sa akin.


Pinukol ko siya ng tingin. Iyong puti niyang vneck shirt ay hapit na hapit sa katawan niya. Kitang kita ko ang hulma nito, iyong mga umbok ng muscles niya at abs niya ay nagsusumigaw. Naglakad siya papunta sa akin at bigla na lamang hinatak ang aking baba para matingnan siya.


"Hey hon." Aniya. Kumunot ang noo ko at pinalis agad ang kamay niyang hawak ako. Ngumisi lamang siya bago napasipol.


"Sungit." Pambibwisit niya pa rin. Hindi ako sumagot at nilapitan na lamang ang cellphone kong nakakabit sa speaker. Nilakasan ko iyon para mas marinig iyong kanta sa Descendants of the Sun. Iyong "I love you~ chena edi shing bangi something".


Naghugas ako ng mga pinggan noong lumapit si Seth at inagaw iyong sinasabunan ko. Napatingin ako sa kanya ng masama pero di naman niya ako pinansin.


"Ako na diyan." Sabi ko. Tiningnan lamang niya ako.


"Ako na."


Siniko ko siya para umalis siya. Iyong mga tubig ay tumatalsik sa suot niyang shirt at nababasa na siya. Mas lalo ko tuloy naaninag iyong katawan niya.


He suddenly chuckled. "Seriously honey, don't look at me like that. Baka makalimutan kong hindi pa tayo ayos." Aniya. Nilingon ko siya habang siya ay natatawa lamang.


"Ano?" sigaw ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko habang siya ay natatawa lamang sa naging reaksyon ko. Napanguso na lamang ako at pumasok sa may pantry para kumuha na ng sandok at pinggan. Nilingon ko si Seth na nakatitig sa akin.


"Anong oras ka matatapos dito Bullet?" tanong niya. Tinutuyo na niya ang sink habang nakatitig pa rin sa akin. Nilingon ko lamang ang orasan at nakitang malapit na palang mag alas-singko ng hapon.


"Maya maya rin. Pwede ka nang mauna kung gusto mo." Sagot ko na lamang. Umupo siya sa sink at tinitigan ako ng masama. His smoldering eyes are ablazed with fire while looking at me.


"I won't go anywhere without you Ma. Elizabeth." Seryoso ang tono niyang sabi. Napatitig ako sa kanya bago na lamang umiling.


"Edi shing. Sabi ko nga." Sagot ko na lamang. Bahala ka diyan. Magbibilang pa ako ng blender. Akma ko n asana siyang lalampasan noong pinigil niya ang braso ko at niyakap ako ng patalikod. Hinila niya ako palapit sa kanya at mas hinigpitan ang hawak sa akin.


"Seth.."


"I want to stay with you like this Ma.Elizabeth." bulong niya. Hinalikan niya ang puno ng tenga ko at agad akong nanlambot.


"You don't know it.. you don't even have the slightest idea for it.. you don't know how many sleepless nights I had because of you. You don't know how painful it was for me to think about my woman trapped in another man's arms." Paos niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang kamay niya para kalasin iyon.


"What do you want Seth? Tahimik na ang buhay ko." Sabi ko rito. Sumeryoso siya at tinitigan lamang ako. Iyong titig na tagos tagusan at halatang hindi bibitaw. Kitang kita ko kung paanong kumalat ang determinasyon sa mata niya habang pinapanood ako.


Huminga siya ng malalim at hinilot ang kaniyang batok. "I want us to be back together Elizabeth." Diretsyo niyang sabi. Nag iwas ako ng tingin bago umiling.


"Joketime ka Seth---"


"I'm not joking Bullet." Putol niya sa aking sasabihin. I raised my eyes and stared at him. Hindi agad ako nagsalita dahil ayaw kong magkamali ng sasabihin. Ayaw kong magsalita agad dahil baka mas lalo lang maging komplikado ito.


Words are poisonous and incurable. It will forever leave a scar in a person's heart. Kaya dapat ay maingat tayo sa kung ano man ang sasabihin natin.


"Bullet.."


Napalunok ako. "Seth, pinaalis mo ako, diba? Pinalayo mo ako sayo at sinunod kita. Kahit na sobrang.." natigilan ako para hindi matuloy iyong nagbabanta kong luha. Kunot ang noo ni Seth at hinihintay akong magpatuloy.


"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito. Pero Seth, tahimik na ako ngayon. Kontento na ako sa buhay ko at alam kong ikaw din. Huwag na nating ibalik ang dati dahil ayaw ko na ng gulo. Ayaw ko nang dumating sa punto na baka kapag may nagawa ulit akong kasalanan ay baka ipagtabuyan mo akong muli. Seth, ayaw ko na." paliwanag ko rito. Umigting ang panga niya. Kiang kita ko kung paano iyon gumagalaw dahil sa galit niya.


"What I did back then is purely a mistake Bullet, I was mad at you, honey. I was hurt and damn it.. pinagtabuyan kita dahil nasaktan ako sa ginawa mo Bullet." Nanghihina niyang sabi. Pumikit siya at noong nagdilat siyang muli ay pulang pula na ang mata niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso.


"I was hurt, so damn shattered because of your betrayal, and still so captivated by you." Aniya. Niyuko niya ako at niyakap ng mahigpit. His lips brushed the sides of my mouth. Napapikit na lamang ako noong maramdaman ko na ang paglapat ng labi niya sa akin.


Noong halikan niya ako ay doon ako tuluyang napaluha. Kumapit ako sa kanya at sinagot ang halik niya sa akin. Kumalabog ang puso ko lalo pa noong maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot na sa katawan ko.


Hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko. Kahit hindi ko maamin, alam kong sa dulo pa rin ng pagkatao ko ay nakaukit pa rin ang pangalan ni Seth. I have fallen in love with him again, I am still in love with him. After everything that happened, after all the hurt and the disappointments, my heart still shouts for him.


"What do I have to do for you to come and take me back?" nanghihina niyang sabi. Pinunasan niya ang luha ko habang ako ay nakayuko na lamang.


"Tama na Seth. We both know that you don't love me, so why beg?" anas ko. Tinitigan niya ako at napahakbang palayo sa akin. Ilang segundo siyang nakatingin na para bang hindi makapaniwala.


"What?" mangha niyang sabi. Tinaas niya pa ang kamay niya para mas maidiin ang tanong.


"I don't love you? Tama ba ang narinig ko?" aniya. Hindi ko siya pinansin. Tatalikod na sana ako noong hinuli niya ang braso ko sa pangalawang pagkakataon.


"No. No, Bullet, you won't go anywhere. We'll finish this talk. Did I hear you right? You thought that I didn't love you?" sabi niya sa akin. Nagtitimpi na ang tono niya habang ang katawan niya ay nanginginig pa.


"Seth naman."


"Answer me fuck it!" sigaw na niya. Napatalon ako habang siya ay parang papatay na ng tao.


"I didn't love you?"


Pumikit ako ng mariin. "Oo! Seth naman, I was your secretary, okay? Utusan mo lang ako! I was just your bedmate back then! You never said you loved me! You threw me so easily! What do you expect me to think? Na mahal mo nga ako? Putangina naman Seth, halos isuka mo ako noon!" sigaw ko pabalik. Noong nagdilat ako ay pinilit kong huminahon. Huminga ako ng malalim at umiling.


"Hindi ko alam kung bakit natin pinag uusapan ito." Pagsuko ko. I don't what is the need for this. Tapos na eh. Past na nga diba? Hindi na dapat pang binabalikan kasi wala ng magbabago pa.


Nagtaas baba ang dibdib niya habang pinapanood lamang ako. Tinalikuran ko siya para kunin ang cellphone ko at nang makaalis na noong maramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Ramdam na ramdam ko iyong bilis ng pagtibok ng puso niya.


"Listen to me.." paos niyang sabi. Humigpit ang yakap niya hanggang sa puntong di na ako makahinga.


"After everything that you have done to me, I am still your Seth Montreal, honey. After all these time, after all the pain.." aniya bago biglang tumigil. Ramdam na ramdam ko iyong panginginig niya habang nagsasalita.


"I am still so in love with you Ma. Elizabeth."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top