Chapter 17: You Have to Choose?

Alvin POV

"Nasa.. " pabitin ko sagot kay Bel

"Saan!? " sabi ni Bel

"Nasa kabilang kwarto! Hahaha! Pareho sila nandito!! " sabi ko

"Bwisit ka talaga Alvin!? Wag na wag mong sasaktan kahit sino sa kanila walang hiya ka! " sabi nito

"Gusto mo ba masaksihan ang gagawin kong ikakagulat nyong lahat!! " sabi ko

"Walang hiya ka talaga!! Nasan ka hah!? " sabi ni na galit na galit na

"I'll just text you the address! It will be a big surprise! " I ended the call

In my secret hiding place...

"Walang hiya ka talaga!! " sigaw ni Bambi sakin

"Kung nagawa mo ba akong mahalin, edi sana di ka naghihirap ng ganyan " sabi ko, nakatali si Bambi, samantala yun dalawang ugok pinakuha ko na sa kabilang kwarto...

Back to Bel..

"Ano nangyari?" sabi ni Jacob

"Sila Bambi, Jacob nakidnap! " sabi ni Bel

"Ano!? Sino!?" sabi ni Jacob

"Si Alvin Montenegro! " sabi ni Bel

"Si Alvin!! Yung ungas na yun na may gusto kay Bambi! " sabi ni Jacob

"Exactly!! Kailangan natin silang iligtas! " sabi ni Bel na medyo na ooa na

"Nasaan naman natin sila hahanapin? " sabi ni Jacob

"May nagtext! Eto na ang address! Tara na! " sabi ni Bel

"Tara! " sabay hila ni Jacob kay Bel at nagdrive na si Jacob sa nasabing address

Back to Alvin hiding place..

Bambi POV

Walang hiya talagang Alvin to! Nakatali ako ngayon sa isang kwarto na tanging laman lang ay isang kama at may isang mesa at dalawang upuan kung saan nakaupo ngayon ang walang hiyang tinutukoy ko...

"Pakawalan mo ako dito hayop ka! " sigaw ko sa kanya

"Easy lang my princess, di naman kita sasaktan " sabi ni Alvin

"FYI! Hindi mo ako prinsesa! At wala akong balak na tawagin ka prinsipe ko!! " sagot ko sa kanya

"Sino naman ang prinsipe mo? Si Engr. Josh Diones na wala man lang nagawa para protektahan ka, kadali dali nyong madakip! " sabi ni Alvin in a sarcastic tone

"Hindi totoo yan! Ginamitan mo kami ng dahas eh! Prinotektahan ako ni Josh! Kusa silang sumuko para di ako masaktan sa mga alipores mo! " sabi ko

"Wow naman! Nagpakahero na naman si Bino! " sabi ni Alvin

Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto nakita ko pinasok nila si Josh at Rick...

"Bambi! " sigaw ni Josh nakikita ko ang pag aalala ni Josh sa mga mukha nya

"Josh! " sabi ko

"Wag kang mag aalala Bambi! Makakaalis rin tayo dito, wag kang umiyak! " napapansin ni Josh ang mga luha pumapatak sa mga mata ko

"Josh, sorry, dahil sa akin nadamay ka pa dito" sabi ko

"Don't say sorry! Di ba sabi ko sayo poprotektahanan kita ano man mangyari! Promise ko yun sayo! " sabi ni Josh na nakagapos din kasama si Rick

"Josh" tanging sabi ko na patuloy kong paghigbi

"Wow naman! Ang sweet nyo naman! Sayang ito na ang huli nyong pagsasama!! " sabi ni Alvin na tuwang tuwa pa

"Hayop ka talaga! Alvin!!" sigaw ni Josh kay Alvin

"Bro hunus dili ka lang" pagkalma ni Rick kay Josh

"Tama si Rick, easy ka lang!" say ni Alvin

"Josh, Alvin tumigil na kayo! " sabi ko

"Ano ba gusto mo!? Hah!! Ungas ka! " sambit ni Josh

"Boss..nandito na po sila.. " sabi nung isang alipores ni Alvin

"Sige papasukin mo" sabi ni Alvin

Laking gulat ko si Ate at Jacob..

"Ate! " sabi ko

"Bambi! Okay ka lang? " sabi ni Bel habang nakagwardya ang mga alipores ni Alvin kay Ate at Jacob

"Mukhang kompleto na tayo lahat! Let's start the game! " fake smile ni Alvin

"Ano ba gusto mo hah!? Alvin!? " sigaw ko sa kanya

"Ohoh! Look who's asking!? " tumingin sakin si Alvin

"Bastard!! Ano nga gusto mo!? Walang hiya ka! Pakawalan mo si Bambi!! Wala syang kinalaman dito sa away natin ungas ka! " sigaw ni Josh sa galit na nagpupumiglas sa gapos nya

"Siya ang ugat nito diba Josh, kung hinayaan mo sya na matutunan akong mahalin, edi sana wala sanang problema diba? " sabi ni Alvin

"Hindi ka nga nya mahal! Hambog ka!! " sigaw ni Josh

"Kung hindi ka nakialam at humarang ugok ka! Edi sana ako na mahal nya" sabi ni Alvin na talagang pinipilit ang gusto nya

"Ano ba? Alvin! Tigilan mo na to! Patawarin mo ako, hindi talaga kita mahal" nagsalita na ako

"Sino ng mahal mo!? Itong ugok na to! " sabay turo ni Alvin kay Josh

"Sorry talaga Alvin kung di talaga kita magawang mahalin! Sorry! " sabi ko

"Sorry, yun lang Bambi! Noon pa man mahal nakita, pero hindi mo magawang ibalik dahil lang sa ugok na to! " sigaw ni Alvin na nakaturo pa rin kay Josh

"Alvin please? Pakawalan mo na kami nag mamakaawa ako sayo please! " pagmamakaawa ko sa kanya

"Mamili ka Bambi? Ako o si Josh! " sabi ni Alvin

"Ano!?" sabi ko

"Ano bang kalokohan to Alvin!?" sabat ni Jacob

"Tumahimik ka Jacob! Di kita kinakausap! " sigaw ni Alvin kay Jacob

"Ano Bambi!? Mamili ka!" sigaw ni Alvin

"Ungas wag mo takutin si Bambi! Bastard ka!! " sigaw ni Josh

"Manahimik ka dyan!! " isang malutong na suntok ang ginawa ni Alvin kay Josh

"JOSH!!! " nangingiyak kong sigaw, nakita kong bumagsak si Josh

"Walang hiya ka Alvin!" Ambang susuntukin ni Jacob si Alvin pero biglang harang ang mga alipores ni Alvin

"ANO BA ALVIN!!? TUMIGIL KA NA!! " sigaw ko sa kanya

"Alvin!! Tumigil ka na please! " pagmamakaawa ni Ate

"Ano Bambi!?" sambit ni Alvin

"Sorry talaga Alvin! HINDI TALAGA KITA MAHAL!! " sambit ko sa kanya

Isang tadyak naman ang inabot ni Josh, nanghihina ako sa nakikita ko, mahal ko si Josh, pero hindi ko kaya makita nasasaktan sya...

"Alvin ano ba ungas!?" si Rick na nakagapos na wala magawa para matulungan si Josh

Nahihirapan na sila lahat dahil sa sitwasyon to! Ano gagawin ko?

"Bam..bi? " tumingala ako sa pagkakayuko ko nakita ko si Josh nakaratay sa sahig

"Jo..sh?" hikbi kong banggit

"Wag..ka..umiyak, matatapos...din to.." pilit na sabi ni Josh

"Ano Josh gusto mo pa!? Kaya pa?"sambit ni Alvin

"Tama na! Please! Tama na!" iyak ko sambit

Nakita ko sila ate na naiiyak na rin sa sitwasyon ni Josh, wala silang magawa, konti galaw nila sigurado may mapapahamak..

"Nasa iyo ang desisyon Bambi? Ako o ang kaligtasan nila lalo lalo na ng pinakamamahal mo?" isang mabigat na tanong ang muling bitiwan ni Alvin

"Bam..bi! Wag kang papayag!.. Kaya..ko to..Bambi..hanggang..ngayon..mahal na mahal pa rin..kita" lalo ako bumuhos ang luha sa mga mata ko ng sambitin ni Josh ang mga salita yun..mahirap para sa akin makita syang nasasaktan..mahal na mahal ko rin sya hanggang ngayon..

"Josh..di naman nagbago ang nararamdaman ko para sayo eh! Mahal na mahal din kita, mahirap sa akin na nakikita kang sinasaktan ng dahil sa akin!" patuloy pa rin ang pagluha ko

"Bambi..please..wag kang sasama sa kanya.." naluluha na rin si Josh

"Ano na Bambi? Nakapagdesisyon ka na ba?" muling sambit ni Alvin

"Papakawalan mo ba sila kung sasama ako sayo!" sambit ko

"Syempre naman! Di naman ako unfair na tao eh!" nahahalata mo na ang ngiti ni Alvin

"Bambi! Wag! Please! Wag kang sasama please!" si Ate Bel

"Tama Ate mo Bambi! Ungas yang lalaking yan!" si Jacob

"Bambi kaya namin to! Wag kang sasama sa kanya!" si Rick

Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko..

"Nakapagdesisyon na ako" sabi ko

Nanlaki lahat ng mata nila..

"Sorry Ate, Jacob, Rick..Josh, pero kailangan ko tong gawin " sambit ko

"Bambi!! Hindi!!" pimipilit ni Josh na makatayo kahit nahihirapan na sya

"Sorry Josh, mahal na mahal kita, ayokong nakikita kita sinasaktan ng iba ng dahil sakin" sambit ko still may konti luha pa rin ang nadanak

"Bambi naman!! Kailangan mo ba talagang gawin to!? " si ate na hindi makapaniwala sa desisyon ko

"So Bambi? " si Alvin na halatang halata na ang pagkapanalo nya

"Pakawalan mo muna sila!!" sigaw ko

"Yan ba gusto mo masusunod aking prinsesa" agad na tinanggal ang gapos kila Josh

"Halika na! Sumama ka na sakin! " tinagal narin ang gapos ko

"Pwede ba muna magpaalam sa kanila?" bigkas ko

"Masusunod!" Agad akong pumunta kay Josh na nasa sahig at itinayo ko sya

"Bambi, bakit? kaya ko naman tiisin lahat ng sakit, wag ka lang mapunta sa ungas na yan" medyo hirap parin si Josh dahil sa bugbog

"Josh, kailangan ko talaga tong gawin, sorry! Ayoko kong nasasaktan ka dahil sakin " sabi ko habang hawak hawak ang pisngi nya may bugbog ni Alvin

"Bambi, please, wag mo akong iwan ng ganto, diba sabi mo na nararamdaman mo na magkakaboyfriend ka na? Narealize ko na handa na ko maging sayo ulit? Please Bambi" naiiyak na si Josh, nararamdaman ko ang sakit na yan, kasi alam ko pareho kami ng nararamdaman mula noon hanggang ngayon

"sshh..Josh, pakatandaan mo, mahal na mahal kita, panghawakan mo yun " sabi ko sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit, dama ko ang luha umaagos sa kanyang mga mata

"Mahal na mahal din kita Bambi" sambit nya

"Kailan ko tong gawin, Josh, pero pangako mo sakin na ililigtas mo ako gaya ng ginagawa mo dati" bulong kong sabi, dama kong nag nag sya sakin

"Tama na nga yan! Halika na Bambi!! " hinatak na ako ni Alvin palayo kay Josh

"Ate ikaw na muna bahala sa kanya, kayo nila Jacob! Kaya ko to" huling sambit ko hanggang sa tuluyan na akong makalayo sa kanila at isinakay na ko ni Alvin sa sasakyan nya

Habang nasa sasakyan..

"San mo ba ako dadalhin?" Hindi ako nakatingin sa kanya

"Malayo sa kanila, sa kanya, finally nakuha din kita! " mahahalata mo ang kasiyahan kay Alvin

Hindi na ako umimik sa sinabi nya..

"Hihintayin kita Josh! Mahal na mahal kita, hindi hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo" sambit ko sa akin isipan habang nakitingin sa bintana

Back to the hideout..

Josh POV

Itinapon kami ng mga alipores sa labas ng hideout nila..

"Hindi talaga ako makapaniwala na mawawalay sa akin si Bambi ng ganon ganon lang? " si Bel

"Desisyon ni Bambi yun Bel" si Jacob na kinocomfort si Bel

"Ibang klase talaga ang Montenegro na yan" si Rick na halatang nagpipigil ng galit

"Josh? Okay ka lang?" tinignan ko lang sila

"Huy! Josh?" si Rick

"Sorry Bel, hindi ko na protektahan si Bambi kay Alvin" sambit ko

"Don't say sorry Josh, desisyon ni Bambi yun na sumama kay Alvin dahil ayaw ka nyang makikita nasasaktan dahil mahal ka nya" sa sinabi ni Bel, naalala ko ang huling sinabi ni Bambi

Flashback..

"Josh, pakatandaan mo, mahal na mahal kita, panghawakan mo yun" si Bambi

"Kailan ko tong gawin, Josh, pero pangako mo sakin na ililigtas mo ako gaya ng ginagawa mo dati" bulong nya sakin bago sya hatakin ni Alvin palayo sa amin

End Flashback...

"Bel, nangako ako sa sarili kow na mamahalin at poprotektahan ko si Bambi, dahil sya ang dahilan kung ano ako ngayon, kaya ililigtas ko sya sa Bastard na yon" sinabi ko sa kanila

"Matutulungan ko kayo dyan sa plano nyo" isang tinig ang nanggaling sa likuran namin

"Sino ka?" sambit namin lahat

================================

Mailigtas kaya ni Josh si Bambi kay Alvin?

The who? Ang nagsalita mula sa likuran nila... Abangan..

=Zel_25=

February 5, 2018

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top